MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-
DAAN SA PAGTUNGO NG MGA
KANLURANIN SA ASYA
PAGLUNSAD NG KRUSADA
Panawagan ni Pope
Urban II sa mga
Kristiyanong
kabalyero na bawiin
ang Jerusalem sa
kamay ng mga
Muslim.
(Jihad=Holy War)
PAGLALAKBAY NI MARCO POLO
Isang mangangalakal na
Italyano na naglakbay sa
China at naging
tagapatnubay sa kaharian
ni Kublai Khan.
(Isinulat ang “The Travels
of Marco Polo”)
PAGHAHANAP NG MGA BAGONG
RUTANG PANGKALAKALAN
PANAHON NG PAGGAGALUGAD AT
PAGTUKLAS (1450-1650)
Panahon kung kailan
nagsimulang maglakbay
ang mga Europeo
upang tumuklas ng mga
bagong lupain.
Pinangunahan ito ng
Portugal.
PANAHON NG PAGGAGALUGAD AT
PAGTUKLAS (1450-1650)
Pinangunahan ito ni
Prinsipe Henry ng
Portugal na binansagang
“The Navigator”.
Tinipon niya ang
mahuhusay na
cartographer sa Europa
at bumuo ng Navigation
School sa Sagres Point.
PANAHON NG PAGGAGALUGAD AT
PAGTUKLAS (1450-1650)
Bartholomeu Dias-Cape
of Good Hope (dulo ng
Africa, 1488)
Vasco da Gama-Bagong
ruta patungong Asya
(Calicut, India 1498)
PANAHON NG PAGGAGALUGAD AT
PAGTUKLAS (1450-1650)
Nagkaroon ng
tunggalian ang
Espanya at Portugal
sa paggagalugad kaya
minungkahi ni Pope
Alexander VI ang
Treaty of Tordesillas
PANAHON NG PAGGAGALUGAD AT
PAGTUKLAS (1450-1650)
PANINIWALA SA MERKANTILISMO
Ito ang paniniwalang
ang tunay na panukat
sa kayamanan ng
isang bansa ay ang
kabuuang dami ng
ginto at pilak.
Mga Dahilan ng
Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
16-17 siglo
KOMPETISYON NG MGA NAG-AAGAWANG
BANSA
KOLONYALISMO
Proseso ng pamamalagi ng
mga Europeo at
pagkakaroon ng
kapangyarihang politikal sa
malaking bahagi ng bansa
na kanilang nasakop.
Tuwirang pagkontrol ng
dayuhang bansa sa sinakop
na bansa.
 GOD=Paglaganap ng
Relihiyon
 GOLD=Pagpapaunlad ng
Ekonomiya
 GLORY= Pagpapalawak ng
Kapangyarihan
Mga Dahilan ng
Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
18-19 siglo
INDUSTRIYALISASYON
(Rebolusyong Industriyal)
Tumutukoy sa maramihang
paggawa ng produkto gamit
ang mga makina. Nagsimula
ito sa England.
Ang Asya ay
may malawak
na plantasyon
ng mga hilaw
na sangkap
Dinadala ang
mga hilaw na
sangkap sa
Europe.
Gamit ang
makinarya,
napabilis ang
paggawa ng mga
produkto.
Dinadala ang
mga produktong
natapos na sa
Asya at
binebenta sa
pamilihan.
Nagsilbing
pamilihan ang
mga kolonyang
bansa sa Asya ng
mga labis na
produkto
LABIS NA PRODUKTO
HILAW NA PRODUKTO
KAPITALISMO
Sistemang pang-
ekonomiya kung saan
may pribadong
pagmamay-ari ng kapital
at malayang
kompetisyon sa
pamilihan
WHITE MAN’S BURDEN
Pagkintal sa isip ng mga Asyano
na may katwiran ang mga
Europeo sa kanilang pananakop
ng mga lupaing Asyano.
Rudyard Kipling
Iba’t Ibang Anyo ng
Imperyalismo
PAGKAKAROON NG
PROTEKTORADO
Pagpapaubaya ng dayuhang
bansa na manungkulan ang
mga katutubong pinuno ng
mas mahinang bansa
kasabay ang pagpapanatili
ng kontrol sa gayong mga
pinuno.
PAGPAPANATILI NG
SPHERE OF INFLUENCE
Pagpapanatili ng
dayuhang bansa ng
nakapangingibabaw sa
impluwensyang politikal
at ekonomiko sa isang
bansa o rehiyong
heograpikal.
IMPERYALISMONG
EKONOMIKO
Pagkontrol ng
malalaking pribadong
samahang pangnegosyo
ng dayuhang bansa sa
isang hindi pa lubusang
maunlad na bansa.
Tuwirang
Pagkontrol
Pakikialam hindi lamang sa
pamahalaan kung hindi maging
ang aspektong pang-
ekonomiya, panlipunan at
pangkultura ng kolonya.
Di-Tuwirang
Pagkontrol
Pinanatili ang pangangasiwa
sa bansa sa mga katutubong
pinuno ngunit kontrolado ang
aspektong pangkabuhayan ng
bansa tulad sa paglinang ng
likas na yaman.
PARAAN NG PAGKONTROL

Imperyalismo