SlideShare a Scribd company logo
1 of 97
3
Mother Tongue
Kagamitan ng
Mag-aaral
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri
ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Mother Tongue- Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan
ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-
971-9601-31-9
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng
BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D.
BEE – Director: Marilyn D. Dimaano, Ed.D.
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Development Team of the Learner’s Material
Consultant and Editor: Dr. Felicitas Pado
Dr.Rosalina J. Villaneza
Ms. Editha Macayaon
Authors: Ms. Nelia D. Bamba Ms. Lilibeth A. Magtang
Ms. Claire B. Barcelona Ms. Florita R. Matic
Ms. Edelyn B. Briones Ms. Irene T. Pilapil
Ms. Grethel Laura M. Cadiong Ms. Robina B. delos Reyes
Ms. Franlyn R. Corporal Ms. Raquel C. Solis
Ms. Florinda Dimansana Ms. Arabella May Z. Soniega
Dr. Victoria D. Mangaser Ms. Dina F. Bazan
Contextualizers: Ms.Agnes G. Rolle – Lead Person
Ms.Enelyn T. Badillo Ms. Fe V.Monzon
Language Reviewers: Ms.Agnes M. Malihan
Layout Artist: Mr. Ronnie G. Cordovez
Graphic Artist: Mr. Reynaldo A. Simple
Mahal kong Mag-aaral,
Ang aklat na ito ay makatutulong upang maipahayag ang
iyong kaisipan, pananaw, at damdamin tungkol sa iyong sarili,
pamilya, kaibigan, tahanan, paaralan, at pamayanan.
Makatutulong din ito sa iyong pagbabasa nang may pang-
unawa, may mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasiya.
Matututunan mo rin ang pagsulat ng iba-ibang uri ng sulatin.
Masisiyahan ka na gawin at pag-usapan ang mga bagay-
bagay tungkol sa tahanan, paaralan, at pamayanan gamit ang
mga natutuhan mo mula sa aklat na ito.
Pakiusap, huwag susulatan ang aklat na ito ng
mag-aaral dahil gagamitin pa ito sa susunod na taon. Maaaring
gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot sa iba’t ibang
pagsasanay sa kagamitang ito.
Maligayang pag-aaral!
May Akda
Talaan ng Nilalaman
Unang Kuwarter
Aking Sarili at Aking Pamilya
Aralin 1:
Ako at Aking Pamilya………………………………………………
Aralin 2:
Kinawiwilihang Tao at Bagay.……………………………............
Aralin 3:
Mga Bagay na Gusto Ko............................................................
Aralin 4:
Ang Paborito Kong Hayop at Halaman....................................
Aralin 5:
Ako at Aking Kaibigan………….................................................
Aralin 6:
Pag-iingat sa Kalikasan…………………………………...............
Aralin 7:
Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin……………………..
Aralin 8:
Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya…………...........………
Aralin 9:
Bawat Kasapi: May Pananagutan…………………………….....
Lagumang Pagsusulit...……………………….............................
Ikalawang Kuwarter
Tuklasin ang Pamayanan
Aralin 10:
Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya.….....
Aralin 11:
Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan ……………….......
Aralin 12:
Aking Pamayanan.......................…………………………….......
Aralin 13:
Kasaysayan ng Aking Pamayanan………..................................
Aralin 14:
Ang Pamayanan Noon at Ngayon …………………………......
Aralin 15:
Mga Tao sa Pamayanan: (Yaman at Bayani)...……………....
Aralin16:
Mga Lugar sa Pamayanan: Paaralan.......................................
Aralin 17:
Mga Lugar sa Pamayanan: Pook Pasyalan………………........
Aralin 18:
Mga Pangyayari sa Pamayanan ………………………….........
Lagumang Pagsusulit………………………………………............
Ikatlong Kuwarter
Sa Labas ng Aming Pamayanan
Aralin 19:
Musika ng Ating Kultura……………………………………………
Aralin 20:
Mga Sayaw ng Ating Kultura……………………………………..
Aralin 21:
Mga Likha at Sining.……………………………………..................
Aralin 22:
Ang Aming Paboritong Pagkain.…………………………...........
Aralin 23:
Ako ay Mabuting Mamamayan……………………....................
Aralin 24:
Mga Pagdiriwang sa Aking Pamayanan..................................
Aralin 25:
Iba’t Ibang Pagdiriwang sa Aking Pamayanan......................
Aralin 26:
Transportasyon: Uri at Paraan…………………………………….
Aralin 27:
Komunikasyon: Uri at Gamit…………….......................................
Lagumang Pagsusulit..…………………………………………......
Ikaapat na Kuwarter
Pag-iingat sa Kapaligiran
Aralin 28:
Yaman ng Aking Pamayanan.……………………………….......
Aralin 29:
Gawaing Pang-Industrya, Hanapbuhay, at Iba Pa.................
Aralin 30:
Lakas ng Enerhiya……………………..............................................
Aralin 31:
Wastong Paggamit ng Enerhiya………………............................
Aralin 32:
Matulunging Pamayanan.…………………………………….......
Aralin 33:
Pamayanan: Pagbabago at Pag-unlad.....................................
Aralin 34:
Pamayanang Mapagmahal sa Kalikasan...............................
Aralin 35:
Gulayan sa Aming Pamayanan…………....................................
Aralin 36:
Pamayanan Ligtas at May Kahandaan………………………...
Lagumang Pagsusulit.……………………………………………...
Unang Kuwarter
Aking Sarili at ang Aking Pamilya
Unang Kuwarter
Unang Linggo
Aralin 1: Ako at Aking Pamilya
Basahin ang diyalogo.
Ano ang pinag-usapan ng dalawang mag-aaral?
Kung ikaw ang isa sa dalawang bata, ano pang impormasyon
ang iyong maaaring ibigay?
Kumuha ng kapareha at kilalanin ang bawat isa sa pagbibigay
ng impormasyon tungkol sa inyong sarili.
Si Albert naman ako,
walong taong gulang
din. Tawagin mo naman
akong Bert.
Kumusta! Ako si Rosita,
walong taong gulang.
Tawagin mo na lang
akong Rose.
Sabihin at Alamin
Gawain 1
Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento.
Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol
sa kuwentong “Aking Alaga.”
Talaan ng Tagpuan
Talaan ng Tauhan
Talaan ng mga Pangyayari
Pamagat ng Kuwento
______________________
Sino ang pangunahinh
tauhan sa kuwento?
Magbigay ng mga
katangian ng tauhan sa
kuwento.
Sino ang pinakagusto mo
sa tauhan? Bakit?
Pamagat ng Kuwento
_________________________
Ano ano ang mahahalagang
pangyayari sa kuwento?
Ano ang naging suliranin ng
pangunahingntauhan sa
kuwento?
Ano ang naging kalutasan ng
suliranin sa kuwento?
Pamagat ng Kuwento
______________________
Saan nangyari ang
kuwento?
Kailan nangyari ang
kuwento?
Paano mo mailalarawan
ang lugar na painagyarihan
ng kuwento?
Paano mo mailalarawan ang lugar
na pinangyarihan ng kuwento?
Sino ang pinakagusto
mo sa mga tauhan?
Bakit?
Sino ang
pangunahing tauhan
sa kuwento?
Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang
tagpuan, tauhan, at mga pangyayari.
Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan
nangyari ang kuwento.
Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.
Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga
naging suliranin at kalutasan sa kuwento.
Gawain 2
Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong
“Halina sa Bukid.”
A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan.
Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita
ng tatay? Nasaan ang kuting?
Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?
B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid.
Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga
tutubi sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga
tutubi? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?
Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
Ano ang pangngalan?
Tandaan
Sabihin at Alamin
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, o
pangyayari.
Gawain 3
Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Tukuyin ang uri ng
sumusunod na pangngalan at isulat ito sa angkop na kahon.
Pangngalan
Tao Lugar Bagay
Tandaan
Subukin
ate upuan walis pambura silid-aklatan
aklat bag tatay Tiya Rose
Basahin ang mga salita sa kuwento nang wasto at may
damdamin.
Read and Learn!
Ang Pag-uwi ni Sally
ni: Nelia D. Bamba
“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni Nanay. Pumunta na tayo sa
terminal ng bus upang salubungin siya. Isasama ko si Tatay at Ben
upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya
Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni
Sally.” “Hindi na ako makapaghintay, Nanay! Pagkatapos ng
dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya,” ang sabi ni
Ben. “Ano kaya ang pasalubong niya sa akin?”
“Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si
Sally?” tanong ni Tatay. “Malapit nang lumubog ang araw,
hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon
sakay si Sally,” nag-aalalang sabi ni Nanay.
Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha.
“Nanay, huwag kang mag alala, sigurado akong nasa susunod
na bus na si Sally.”
“Heto na ang huling bus mula sa lungsod!” wika ng Tatay.
“Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally.” Nang bumukas ang
pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally at sabay sabing,
“Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”
“Nag-alala kaming lahat sa iyo,” wika ni Tatay. “Halika na,
naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay,” sabi ni
Nanay.
Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang
kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na
dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at back
pack,” wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas
importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.”
Basahin at Alamin
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang uuwi?
2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus?
3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya?
4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally?
5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa?
6. Bakit nag-aala si nanay?
7. Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula.
8. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula.
Lingguhang Pagtataya
Gawain 1
Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno tao, lugar o bagay. Gamit
ang mga salita mula sa kahon, punan ito ayon sa uri.
Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar, o bagay.
1.
Isipin
pambura
guro opisina lapis sabon entablado
tiya silid-aklatan tsokolate ina
Gawain 2
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang uri ng
mga pangngalang may salungguhit at isulat ito sa tamang
kahon.
a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya ang mga
manok.
b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso.
c. Inutusan sila ng nanay na makipaglaro ng holen sa iyo.
d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na mga payong.
e. Hindi ko siya mapabangon sa kama.
f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso.
Unang Kuwarter
Ikalawang Linggo
Aralin 2: Ako at Aking Pamilya: Kasanayang Pangkalusugan
Gawain 1
Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad!
Lipad!”
1. May bagong saranggola si tatay.
May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa
bukid.
Pangngalan
Isahan Maramihan
Sabihin at Alamin
Ang pangngalang isahan ay nagbibigay ngalan sa
iisang bagay.
Ang maramihang pangngalan, ay nagbibigay ngalan
sa dalawa o higit pang mga bagay.
2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang
nilagang itlog, tatlong pirasong keso, at dalawang piraso ng bilog
na tinapay.
Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa
pangungusap? Paano sila nagkakaiba?
Ano ang isahang pangngalan?
Ano ang maramihang pangngalan?
Gawain 2
Sipiin ang tsart sa iyong sagutang papel at isulat wastong sagot.
Pangngalan
Isahan Maramihan
Tandaan
Subukin
Basahin ang kuwento nang wasto, may tamang diin at
ekspresyon.
Prutas na Makatas
ni: Nelia D. Bamba
“Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang mga
bata sa pagkuha ng kani-kanilang bag. “Uuwi na tayo, Biyernes
na rin sa wakas,” ang sabi ng mga bata.
“Narito na ba ang lahat?” tanong ni Mang Peping.
“Hintay!” ang sabi ni Miguel. “Naiwan ko ang aking lagayan ng
tubig, uhaw na uhaw na ako, kailangan kong uminom, napagod
ako sa aming praktis ng balibol.”
“Wow! Tumingin kayong lahat sa labas!” “Nakikita ba ninyo
ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada?” Maraming
melon, suha, pinya, at bayabas, mukhang makatas at sariwa,”
ang wika ni Marie.
“Oo nga, wala ang mga iyan kahapon,” ang sabi ni Miguel.
“ Panahon ngayon ng anihan,” ang sabi ni Mang Peping.
“Ang mga prutas na iyan ay kapipitas lamang ng mga
magsasaka sa kanilang bukid.”
“Sana ay nakita ni nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili
siya,” ang sabi ni Miguel. Mahilig akong kumain ng mga prutas,
ang sabi niya mabuti ito sa kalusugan.”
“Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na! Tayo
nang uminom ng katas ng prutas,” wika ng mga bata.
Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak
hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap.
Read and Learn!Basahin at Alamin
“Suha, suha, makatas na suha
Kainin, katasin tayo ay palulusugin.
Melon, melon, makatas na melon
Masarap lalo na kung mainit ang panahon
Pinya, pinya, makatas na pinya
Maasim, matamis talagang masustansiya.
Sagutin ang tanong.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus?
3. Bakit nila ginawa ito?
Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!”
1. Binigyan ng nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog,
at isang tasa ng sopas.
2. Magdadala si nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso
ng tinapay.
Alin ang mga pangngalan sa pangungusap?
Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin?
Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang?
Alin ang pangngalang pamilang?
Alin ang pangngalang di-pamilang?
Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang?
Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di-pamilang?
Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang
nabibilang.
Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang
di-nabibilang.
Isipin
Tandaan
Gawain 1
Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na pangkat.
Gawain 2
Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na
pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.
a. bote ng mantika
b. bibingka
c. isang mansanas
d. isang tasang asukal
e. sampung mangga
f. mantekilya
g. isang pirasong saging
h. garapon ng asin
i. isang basong juice
j. tatlong kahel
(Pangngalang Pamilang) (Pangngalang
Di-Pamilang)
P
a
n
g
n
g
a
l
a
n
Pangngalang
pamilang
Pangngalang
di-pamilang
ice cream carrot
saging sopas
bayabasasukal
Sabihin at Alamin
Ang suliranin ay kaganapan na dapat lutasin ng mga
tauhan sa kuwento.
Ang kalutasan ay ang solusyon sa suliranin sa kuwento.
Basahin ang pangyayari mula sa “Makatas na Prutas.”
Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan.
Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang
kunin ang tubigan at makainom.
Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento?
Bakit nag-alala si Miguel?
Ano ang naisip niyang kalutasan?
Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag-
aalala ng tauhan?
Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon?
Gawain 3
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Basahin at bigyan ng kalutasan ang suliranin.
Oras na ng recess. Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon.
Kalutasan: ____________________________
Pangkat 2
Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang
kalutasan.
Tandaan
Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay:
 lugar kung saan nangyari ang kuwento at
 ang oras kung kailan nangyari ang kuwento
Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan.
Suliranin: ___________________
Kalutasan: _________________
Pangkat 3
Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan
ito ng solusyon.
Basahin ang talata mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!”
Isang Sabado, magkasamang binaybay nina tatay at
Marlon ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila
narating ang malawak na bahagi ng bukid. Masaya sa
pangyayaring iyon si Marlon.
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan ito nangyari?
Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan
nangyari ang kuwento?
Gawain 4
Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Handaan para sa Pasasalamat saan ito nangyari? ____________
a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke
Ang suliranin ay: ______________________________
Ang kalutasan ay: ____________________________
Tandaan!
Kailan ito nagaganap? ____________
a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa
c. swimming
2. Kuwento tungkol sa mga diwata Saan ito nangyari? ___________
a. Paaralan b. Palasyo c. Zoo
Kailan ito naganap? ____________
a. noong unang panahon b. Kasalukuyan
c. sa darating na panahon
3. Mga katatakutang kuwento saan ito nangyari? ____________
a. sa handaan b. Nakakatakot na bahay
c. palasyo
Kailan ito nangyari? ____________
a. gabi b. tanghali c. madaling araw
Gawain 5
Punan ng mga titik ang puzzle sa ibaba upang ito ay mabuo.
Makinig sa ididiktang salita mula sa kuwentong narinig.
Saranggola
Bukid
Prutas
Sabado
tatay
Subukin
s
p
ds
T
y
Gawain 6
Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang Pamilang PP at DP
kung Di-Pamilang.
a. isang kutsaritang toyo
b. isang boteng suka
c. isang labanos
d. isang sibuyas
e. mga kamatis
f. isang bandehadong pansit
g. pinya
h. isang boteng patis
i. mangga
j. mantekilya
k. isang boteng mantika
Gawain 7
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo.
“Gustong-gusto ko ang lugar na ito,” ang sabi ni Jenny.
“Kahanga-hanga ang mga puno. Halika na sa paborito kong
puno,” ang sabi ni Joyce. “Hitik sa bunga!” “Gusto kong
makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin.”
“Ito ang panungkit, gamitin natin,” sabi ni Jenny. “Isa, dalawa,
hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga,” sabi naman ni
Joyce.
“Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila,” ang
sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang kaniyang isang
tsinelas at naanod ito. “Naku! ang tsinelas ko!” sigaw ni Jenny.
“Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na
tsinelas sa aking bag,” ang sabi ni Joyce.
Read and Learn!Basahin at Alamin
Talata 1
Ano ang suliranin? _______________________________________
Ano ang kalutasan? _____________________________________
Talata 2
Ano ang suliranin? _______________________________________
Ano ang kalutasan? ______________________________________
Gawain 8
Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang talaan sa
ibaba.
Lingguhang Pagtataya
Gawain 1
Tukuyin ang uri ng
sumusunod na
pangngalan sa gawing
kaliwa at isulat ang
mga ito sa angkop na
kahon.
1. isang boteng catsup
2. itlog
3. isang kilong harina
4. karne
5. jelly
6. pipino
7. isang tasang suka
8. mansanas
9. carrot
10. kahel
Pangalan:______________________________________________
Ama: __________________________________________________
Trabaho: _______________________________________________
Ina: ____________________________________________________
Trabaho: _______________________________________________
Tirahan: ________________________________________________
____________ ___________ _____________
Barangay Bayan Probinsiya
P
a
n
g
n
g
a
l
a
n
a
n
Pangngalang Pamilang
Pangngalang Di-pamilang
Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang
nabibilang.
Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga
pangngalang di-nabibilang.
Unang Kuwarter
Ikatlong Linggo
Aralin 3: Kinawiwilihang Tao at Bagay
Basahin ang sumusunod na pangugusap na mula sa teksto.
a. Sinimulan ni nanay ang paghuhugas ng plato, kawali at
kaldero.
b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa.
Alin ang pangngalang pamilang at di-pamilang sa
pangungusap?
Aling pangngalang ang maaaring mabilang at hindi mabibilang?
Gawain 1
Isulat ang mga pangngalan sa angkop na pamagat sa ibaba
batay sa uri nito.
Read and Learn!
Mantika harina kahel
tsinelas mangga suka
asin kamatis sibuyas
kape
Tandaan
Sabihin at Alamin
Pangngalang Pamilang Pangngalang Di-Pamilang
Gawain 2
Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa
sumusunod na pangngalang di-pamilang. Ilagay ito sa patlang.
1. ______________ bigas
2. ______________ manok
3. ______________ tubig
4. ______________ kape
5. ______________ pasas
Gawain 3
Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina
pagkatapos niyang umuwi galing sa paaralan. Ilagay ang
tamang bilang sa patlang.
Subukin
isang basong isang platong
isang timbang isang tasang
isang kahong isang kilong
Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may
tamang pagkakasunod-sunod.
Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita
ang mga panandang bago, una, sumunod,
pagtapos, sa wakas o iba pang salita na
makapagsasabi ng pagkakasunod-sunod.
Ikinuwento ni Gina kay Annie kuna ano-ano ang kaniyang
ginagawa pagkagaling sa paaralan.
________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang
nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan.
________Kapag natapos na niya ang kaniyang mga gawaing-
bahay, katabi niya ang kaniyang nanay sa panonood ng
paborito nilang palabas sa telebisyon.
________Pagkatapos, kukuhanin niya ang kaniyang mga
kuwaderno at gagawa na siya ng takdang-aralin.
________Sa huli, hahalik siya sa kaniyang nanay at matutulog na.
________Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad siya
sa kusina upang kumain ng meryenda.
Gawain 4
Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito.
b t u n a y l s
i A t e w a l o
y T m a s a y a
a A p a r k r d
y y a y t p t y
a i e s i d s t
k a i b i g a n
Tandaan
Gawain 5
Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na
ginagamit ng sumusunod na pangngalang di-pamilang at ilagay
ito sa patlang.
sopas pasas juice
gamot jam kanin
Gawain 6
Pagsunud-sunurin ang ang mga hakbang sa pagkuha ng
pagsusulit. Ilagay ang tamang bilang sa patlang.
_______ Basahin at unawain ang panuto.
_______ Isulat ang pangalan, baitang, at pangkat.
_______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit.
_______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot.
_______ Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit.
isang tasa ng isang baso ng isang plato ng
isang garapon ng isang bote ng isang dakot na
isang patak ng isang sako ng
Gawain 7
1. Punan ng mga pangngalan ang tsart sa ibaba. Piliin ang sagot
mula sa bag sa ibaba.
Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di-nabibilang
Gawain 8
Piliin mula sa talaan ang tandang pangngalang pamilang na
ginagamit ng pangngalang nasa larawan. Gamitin ito sa
pangungusap at isulat sa sagutang papel.
mangga asukal
lapis cake
mansanas bigas
asin mantikilya
mantika aklat
Pangngalan
Pangngalan
garapon ng piraso ng isang basket na
plato ng bote ng tasa ng
isang patak na baso na puno ng
Pangungusap 1 ___________________________________
Pangungusap 2 ___________________________________
Pangungusap 3 ___________________________________
Pangungusap 4 ___________________________________
Pangungusap 5 ___________________________________
_____ tubig
________ jelly______ kanin
________ cake
_____ cake
_______prutas
________ fruits
_____buhangin
________ raisins
Unang Kuwarter
Ikaapat na Linggo
Aralin 4: Ang Paborito Kong Hayop at Halaman
Gawain 1
Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo
ang diwa ng pangungusap.
1. _______ akong hindi uulan sa aking karawan.
2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata.
3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon.
4. _______ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta.
5. _______ si Norman na manalo siya sa paligsahan.
Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang
maipahayag ang iyong nais.
Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring
mangyari o makatotohanan. Ang salitang gusto ay
ginagamit kung ang kaisipang ipinahahayag ay hindi
maaaring mangyari o hindi makatotohanan.
Gawain 2
Pag-aralan ang nga larawansa ibaba. Isulat kung alin sa mga
salitang umaasa at gusto ang angkop na gamitin sa
pagpapaphayag ng mga larawang ito.
Sabihin at Alamin
Tandaan
umaasa gusto umaasa gusto
umaasa gusto
umaasa gusto umaasa gusto
umaasa gusto
Gawain 3
Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong
“Papasukin Po Ninyo Ako!”
pag-ibig hardin kaligayahan
kagalakan kapatid kagandahan
takot panlilinlang palumpong
puno pagdaralita pagsuway
Sabihin at Alamin
Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan,
nalalasahan, o naaamoy?
Alin naman ang hindi?
Anong uri ng pangngalan ang mga ito?
Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga
bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang
ating limang pandama.
Ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga
bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad
ng katangian o damdamin.
Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin?
Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang
bagong kalaro?
Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula.
Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono, at
damdamin.
Read and Learn!Basahin at Alamin
Tandaan
Ang Kuting na si Pussy
ni: Florita R. Matic
Ako ay isang kuting
Pussy kung ako’y tawagin
Nakatutuwa at napakalambing
Sa iyo ay higit sa akin.
Ang pagmamahal na dulot ko
Nagdadala ng kagalakan sa inyo
Ang kalituhan at kalungkutan
Ay hindi ko nararamdaman.
Pagkasabik at kagalakan
Sa puso ko ay nananahan
Sa tuwing ako’y nakakikilala
Ng bagong mga kasama.
Sagutin ang mga tanong.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula?
3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na
nagpapahayag nito.
4. Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting?
Basahin ito.
5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa
nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag.
Isipin
Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita?
1. madaya
2. kasama
3. nasabi
4. makulay
5. malungkot
Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat?
Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi?
Ano ang panlapi?
Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa
unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salitang-ugat upang
makabuo ng bagong salita.
Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng
salitang- ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-.
Gitlapi ay pantig na idinadagdag sa gitna tulad ng salitang
ugat gaya ng um-, at in-.
Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na
idinadagdag sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng an-,
at-, at han-.
Sabihin at Alamin
Tandaan
Gawain 1
Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang “ Ang Kuting
na si Pussy.” Salungguhitan ang mga panlaping ginamit.
pagmamahal kalituhan
kagalakan pagkasabik
kalungkutan
Basahin nang malakas ang mga salita.
tauhan pinangyarihan pangyayari
talata saknong taludtod
tugma tula kuwento
Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita?
Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento?
Alin ang tumutukoy sa tula?
Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng
tauhan, pinangyarihan, at pangyayari sa kuwento.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong
ay binubuo ng mga taludtod na may salitang makakatugma.
Subukin
Sabihin at Alamin
Tandaan
Gawain 2
Pangkatin at isulat sa loob ng angkop ng ang mga salitang
magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula.
Gawain 3
Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga.
Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula.
1. Ano ang inaalagaan mo?
2. Ano ang pangalan ng iyong alaga?
3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga?
4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng iyong
alaga?
5. Mahal mo ba ang iyong alaga?
6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong alaga?
saknong
g
pangyayari tugma
tauhan
pinangyarihan talata
taludtod
kuwento tula
Gawain 4
Bilugan ang mga di-kongkretong pangngalang makikita sa loob
ng kahon.
pagdamay luha isipan
bayani telebisyon kabayanihan
kamalayan masaya kahirapan
usapan pagmamahal pagmamalaki
pagkilala sulat paniniwala
Gawain 5
Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
ka- -an -han -ran
1. ___seryoso___ 4. usap ______
2. ___tapang___ 5. ____tupa___
3. ____malay___
Lingguhang Pagtataya
Pagsasanay 1
Piliin sa kahon at isulat sa kuwaderno ang di-kongretong
pangngalan.
kapakumbabaan kamalayan
pamilihan kaunlaran
pagpapaubaya silid-aklatan
silid-dalanginan pinag-aralan
Pagsasanay 2
Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita.
Isulat sa sagutang papel.
1. ___ganda___- loob
2. ___api____
3. ___mali____
4. ___malay____
5. ___siya____
Pagsasanay 3
Piliin ang kahulugan ng bawat salita sa ibaba.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.
1. katapangan
a. hindi matapang
b. pagiging matapang
c. walang tapang
2. katuparan
a. natamo ang nais
b. hindi natamo ang nais
c. hindi natupad ang nais
3. kahirapan
a. mayaman
b. mahirap
c. pagiging mahirap
4. pagkayamot
a. hindi naiinip
b. pagpapakita ng inip
c. naaaliw
5. kalungkutan
a. hindi nalulungkot
b. walang nadaramang lungkot
c. nakakaramdam ng lungkot
Unang Kuwarter
Ikalimang Linggo
Aralin 5: Mga Bagay na Gusto Ko
Kaya mo ba magbigay ng mga kilalang tao, lugar, at
pagdiriwang sa inyong pamayanan?
Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar?
Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa
iyo?
Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar?
Sabihin at Alamin
Ang iba’t ibang pamayanan ay may kani-kaniyang kilalang
tao, lugar, at pagdiriwang. Igalang natin ang mga ito.
Gawain 1
Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang
tao, lugar, at pagdiriwang sa inyong lugar.
Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan
ulo- sikat na tao
kamay- kilalang pagdiriwang
paa- kilalang lugar
Tandaan
Subukin
Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong
“Isang Kahilingan.”
Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga
tanong kaugnay nito.
A B
kagalakan ngiti
pagkagulat regalo
kalungkutan luha
kasigasigan handaan
pagkasabik mag-anak
Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang
pandama?
Anong uri ng pangngalan ito?
Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan,
nalalasahan, o naamoy?
Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito?
Gawain 2
Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na
kakatawan sa nakasaad na di-kongretong pangngalan.
Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.
Halimbawa:
pagmamahal – bulaklak , tsokolate
1. pananampalataya - ________ ________
2. katarungan - ________ ________
3. karunungan - ________ ________
4. kalinangan - ________ ________
5. kaunlaran - ________ ________
Read and Learn!Basahin at Alamin
Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang
maaari nating madama samantalang ang di-kongkretong
pangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita,
naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy.
May mga kaibigan ka ba?
Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan?
Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa
iyong paligid?
Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang
kaibigan.
Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono, at
damdamin.
Read and Learn!
pamilihan silid-dalanginan
pulis paaralan
sayaw gawang-kamay
aklat kulungan
daan Bibliya
Basahin at Alamin
Tandaan
Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante
ni: Florita R. Matic
Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan
Tunay na taong mapagkakatiwalaan
Tulad ng bato, matatag at matibay
May lakas at tibay na walang kapantay.
Sa sandaling tayo ay naliligaw
Mga kaibiga’y nakaagapay
Tulad ng isang matuwid na daan
Tunay na kaibigan’y di ka bibitawan
Totoong kaibiga’y tulad ng kayaman
Gaya ng gintong may kinang na taglay
Walang katumbas, di kayang bayaran
Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay.
Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin
Ang halaga nito’y hindi sukat akalain
Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning
Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang
katangian na mayroon ang bato na tulad ng isang kaibigan?
2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang
daan ay katulad ng isang kaibigan?
3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong
katangian ang magkatulad ang dalawa?
4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian
ang magkapareho sa kanila?
5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit?
Isipin
Gawain 3
Basahing muli ang tula.
Ano ang ibig sabihin ng tula?
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.
1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na
walang kapantay.
2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibigan’y di ka
bibitawan.
3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning.
4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan.
5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay.
Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan
ang isang kaibigan?
Puwede bang ihambing ang tao sa bagay?
Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay?
Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay?
Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?
Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na
nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya
ng-.
Halimbawa:
sintamis ng kendi tulad ng rosas
Basahin at Alamin
Tandaan
Gawain 4
Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat
pangungusap.
Halimbawa:
Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.
1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang
makita niya si Leah.
2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.
3. Singgaan ng balahibo ang papel.
4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking
balat.
5. Tulad ng bituin ang kislap ng kaniyang mga mata.
6. Lumangoy siyang simbilis ng isda.
Gawain 5
Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng
pangungusap na may simile o pagtutulad.
Isulat ang sagot sa patlang.
1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng
____________________________________________
2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa, ay
____________________________________________
3. manggagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay,
langgam
____________________________________________
4. isip, ang, kaniyang, sinliwanag, ng, ay, araw
____________________________________________
Subukin
5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng
____________________________________________
6. ang, palagay, ay, umaagos, tulad, kaniyang, ng, ilog
____________________________________________
Basahin ang liham.
Tingnan kung paano ito isinusulat.
18-B. Chico St. Marulas
Valenzuela City
Ika- 23 ng Hulyo, 2013
Mahal kong Ellaine,
Ang aking lola’y magdiriwang ng kaniyang ika-89 na kaarawan sa ika-10
ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang
isang sorpresa.
Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na
ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake.
Tiyak na matutuwa ang aking lola kung makadadalo ka sa
kaniyang kaarawan.
Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating.
Ang iyong kaibigan,
Eunice
Read and Learn!Basahin at Alamin
A. Sagutin ang mga tanong.
Sino ang sumulat ng liham?
Saan nakatira si Eunice?
Kailan niya isinulat ang liham?
Kanino niya ipinadala ang liham?
Tungkol saan ang liham?
B. Paano isinulat ang katawan ng liham?
Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po.
1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham?
2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat
pangungusap?
3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit, at iba pang bantas na
ginamit?
4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita?
5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel?
Gawain 6
Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng
chocolate cake.
Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.
Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake:
1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees F (175
degrees C).
2. Sa isang katamtamang laki ng lalagyan, paghaluin ang mga
sangkap ng tatlong minuto gamit ang de-kuryenteng panghalo.
3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin.
4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang
oven.
5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan.
Isipin
6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang
lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas, at vanilla nang salit-
salit.
7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at
lagyan ng icing ang bawat patong.
Lingguhang Pagtataya
Pagsasanay 1
Tukuyin ang uri ng mga pangngalang nasa loob ng kahon. Isulat
ang mga ito sa ilalim ng angkop na pamagat.
Di-Kongkretong
Pangngalan
Kongkretong
Pangngalan
tagumpay medalyang ginto pagmamahal
pagtitiyaga kaalaman aklat computer
paaralan kapayapaan watawat
Pagsasanay 2
Buuin ang simile o pagtutulad sa mga pangungusap sa ibaba.
Gamitin at isulat sa patlang ang mga salitang nasa loob ng
kahon.
sindilim ng sintamis ng
isang anghel isang araw
isang ilog
1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______.
2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi.
3. Tulad ng ________kung siya ay magsalita.
4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ng jam.
5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng ______ na nagbibigay liwanag.
Pagsasanay 3
Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito
ng isda.
Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.
a. Linisin ang isda.
b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta.
c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika.
d. Iprito ang isda hanggang sa maluto.
e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang
tumulo ang mantika.
f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis.
Unang Kuwarter
Ikaanim na Linggo
Aralin 6: Pag-iingat Sa Kalikasan
May hardin ba kayo sa bahay?
Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin?
Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin?
Bigkasin ang tula.
Hardin Ko…Pinggan Ko!
ni: Florita R. Matic
Isang araw, sa aking paggising
Aking nasilayan pagsikat ng araw
Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati
Tila isang dalagang mayumi.
Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy
At doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran
At hindi isang pagong na may kakuparan.
Aking mga tanim ay agad nagsilaki
Kawangis ng isang higanteng kaylaki
Kay gandang tingnan halamang luntian
Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.
Kung ikaw ma’y nalulungkot
Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin
Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.
Ang hardin ko ay aking pinggan
Na nagpapalusog sa aking katawan
Dahil sa alaga kong anong inam
Puno ng pagmamahal na iningatan.
Read and Learn!Sabihin at Alamin
1. Tungkol saan ang tula?
2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula?
3. Saan iwinangis ang araw?
4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kaniyang sarili?
5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula?
Gawain 1
Pagkuha ng Pangunahing Diwa ng bawat saknong
Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung
tungkol saan ang saknong.
Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na
nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong papel.
Isipin
Subukin
Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy
At doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran
At hindi isang pagong na may kakuparan.
Pangunahing Diwa:
a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw.
b. Nagtatrabaho nang mabuti ang
tagapagsalita
sa kaniyang hardin.
c. Maraming pagong sa kaniyang hardin.
Aking mga tanim ay agad nagsilaki
Kawangis ng isang higanteng kaylaki
Kay gandang tingnan halamang luntian
Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.
Pangunahing Diwa:
a. Magandang pagmasdan ang mga tanim.
b. May mga bituin sa halamanan.
c. Higante ang mga halaman.
Kung ikaw may nalulungkot
Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin
Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.
Pangunahing Diwa:
a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin.
b. Nagbibigay saya ang aking hardin.
c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.
Gawain 2
Gumuhit ng hardin na gusto mo sa iyong kuwaderno.
Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.
1. Ako’y isang kalabaw sa bukid.
2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan.
3. Mga higante ang halaman.
4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kaysarap pagmasdan.
5. Ang hardin ko ay aking pinggan.
Paano pinaghambing ang mga bagaysa bawat pangungusap?
Anong anyo ng pananalita ang ginamit?
Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag
na metapora o pagwawangis.
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang
tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay
na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-.
Read and Learn!Basahin at Alamin
Tandaan
Gawain 3
Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay
gumamit ng metapora.
______1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo.
______2. Singgaan ng balahibo ang papel.
______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga
modelo.
______4. Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat
parang pagong kung siya ay kumilos.
______5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang ama.
Gawain 4
Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon.
1. Madaling mawala ang galit ni Bing.
Siya ay may _____________________________.
2. Hindi marunong magpatawad si Rene.
Mayroon siyang __________________________.
3. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at
kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar.
4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya
ay may__________.
dilang-anghel pusong mamon
dugong-bughaw pusong bato
isang kahig, isang tuka
Subukin
5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho
ang magulang niya.
Sila ay___________________________________.
Mayroon ka bang talaarawan?
Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan?
Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa
niya araw-araw.
Read and Learn!Basahin at Alamin
Ako po si Ronel, walong taong gulang.
Paghahardin, pangongolekta ng halaman, at
pagtatanim ng mga puno ang aking mga
paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan.
Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay
isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi
pagkatapos kong gawin ang aking takdang-aralin.
Lunes, Ika-22 ng Hulyo 2013, ika-7:00 ng gabi
Dinala kami ng aming guro sa Science na
si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga
halaman. Namangha ako sa dami ng mga makukulay na
halaman sa aming hardin.
Kahanga-hanga ang galing ng aming hardinero sa pag-aalaga
ng halaman.
Martes, Ika-23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi
Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng
aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na
kinakausap niya ang kaniyang mga tanim
sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas
sa kaniyang paningin.
Miyerkules, ika-24 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi
Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si
Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga
punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan.
Nagpasalamat ako sa kaniya. Alam niyang mahilig akong
magtanim.
Huwebes, ika-25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi
Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking
hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla.
Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag ng araw upang
hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga
tanim.
Biyernes, ika-26 ng Hulyo, 2013, ika-7:15 ng gabi
Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin.
Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga tuyong dahon.
Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga
halamang namumulaklak.
Sabado, ika-27 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi
Kahit walang pasok, maaga akong gumising upang tumulong
sa mga gawain.Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan,
agad akong pumunta sa aking hardin.
Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga
itinanim.
Linggo, ika-28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi
Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan ang aking
hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang namumulaklak na
halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo.
Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang
sariling hardin!
Gawain 5
Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na
nagustuhan?
Gumuhit ng kuwadro sa sagutang papel at sumulat ng 2-3
pangungusap tungkol dito.
Gawain 6
Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo
tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin
ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan.
1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili?
2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong ibahagi?
3. Kailan at saan ito nangyari?
4. Ano ang nangyari noong araw na iyon?
Mahilig ka bang magbasa?
Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat?
Kaya mo bang tukuyin ng lima sa mga bahagi nito?
Salunguhitan ang mga ito.
Isipin
Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng
aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat,
paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat,
talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya.
Lingguhang Pagtataya
Pagsasanay 1
Pagtambalin ang metapora sa hanay A sa katumbas nito sa
hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A B
_____ 1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho
_____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam
_____3. basang-sisiw c. masama ang ugali
_____4. kayod-kabayo d. problema
_____5. pusong bato e. inaapi
pabalat ng aklat katawan ng aklat
pahinang pang-isports pamagat
pang-ulong tudling talaan ng nilalaman
talaan ng pagpapalimbag glosari
Tandaan
Pagsasanay 2
Piliin mula sa talaan sa ibaba ang iba’t ibang bahagi ng aklat.
Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno.
glosari bibliyograpiya
pabalat ng aklat pahinang pang-isports
indise o indeks pamagat pahinang
pamagat talaan ng nilalaman
paunang salita katawan ng aklat
talaan ng pagpapalimbag ng aklat
Pagsasanay 3
Tukuyin ang pangunahing diwa na ipinapahayag ng bawat
talata. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
_____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod.
Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno
ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang
mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay,
kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig.
a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay.
b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng
bakuran.
c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y
nakatira sa lungsod.
_____2. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa isang
proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na “Tayo nang
Maglinis.” Araw-araw pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng
kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang
mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang ang
pamayanang malinis ay ligtas sa sakit.
a. Si Ana at ang iba pang girl scout ay naglilinis ng paligid
araw-araw.
b. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa proyektong
“Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas sa sakit ang
kanilang pamayanan.
c. Nakatutuwang maging girl scout dahil maaari kang sumali
sa proyekto ng pamayanan.
Unang Kuwarter
Ikapitong Linggo
Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin
Paunang Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang wastong hanay kung ikaw ay
sang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawat
pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Pangungusap Sang-
ayon
Hindi
Sang-
ayon
1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng
pananalita na nagpapahayag ng
paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-,
tulad ng-, at gaya ng-.
2. Ang tatay ko’y kawangis ng toro kapag
nagbubuhat siya ng mabigat na karga. Ito
ay halimbawa ng metapora.
3. Ang susing pangungusap ay nagsasaad
ng pangunahing diwa ng talata.
4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng
tuldok, tandang pananong o padamdam
sa hulihan ng pangungusap.
5. Ang payak na pangungusap ay
nagpapahayag ng isang buong diwa.
Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan.
Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit.
Read and Learn!Basahin at Alamin
Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi.
Ang sanggol ay anghel ng pamilya.
Siya ay gutom na leon kung kumain.
Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato?
Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan?
Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop na
gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis?
Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang
pagkakapareho ng mga bagay?
Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad? metapora o
pagwawangis?
Paanong nagkaiba ang simile at metapora?
Simile at Metapora
Ano ang simile?
Ano ang metapora?
Tandaan
Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora.
Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang.
1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ____________________________________
4. ___________________________________
Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na
nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-tulad
ng- at gaya ng-.
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita
na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa
ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng-.
Isipin
5. ___________________________________
Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong
“Tulad ng Langgam.”
a. Nagwawalis ng bakuran si Athena.
b. Nagdidilig ng halaman si Brigette.
c. Nagbubungkal ng lupa si Rose.
d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na
gagawing abono.
e. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark.
f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim.
Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak
na pangungusap.
Simuno Panaguri
Athena nagwawalis ng bakuran
Brigette nagdidilig ng halaman
Rose nagbubungkal ng lupa
Kuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon sa
hukay na gagawing abono
Mark nagbubunot ng damo
Mang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim
Ano ang mga bahagi ng pangungusap?
Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit?
Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang buong
diwa o kaisipan lamang?
Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap?
Read and Learn!Basahin at Alamin
Ano ang payak na pangungusap?
Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa
pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap.
Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa
ginawa o ikinilos ng simuno.
Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang
pananong (?), o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap.
Gawain 1
Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng
isang diwa o kaisipan lamang.
Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang
panaguri.
Tandaan
Subukin
Tulad ng Langgam
ni: Claire B. Barcelona
“Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila
masyadong abala?” tanong ni Brigette.
“Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang
paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya.
Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam
na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang
tatay.
“Athena, Brigette, at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo
akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga
anak.
Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya-
maya’y naging abala na ang lahat.
Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si
Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo
ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong
dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si
Read and Learn!
Basahin at Alamin
Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-
tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.
Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at
nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay
may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang
gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang
tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng
gawain.
Nakangiting pinagmamasdan ng nanay ang kaniyang mga
anak. “Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang
gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina.
Sagutin ang mga tanong.
Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya?
Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang pagtatrabaho?
Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kaniyang mga anak?
Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata?
Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga
langgam para sa tag-ulan?
Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata?
Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin?
Gawain 2
Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong
pamilya sa mga espesyal na okasyon?
Ibahagi ang iyong karanasan sa bawat pangyayaring nakasulat
sa kahon, gamit ang payak na pangungusap. Isulat sa iyong
sagutang papel.
Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.
bakasyon kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso
Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose.
Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si
Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo
ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong
dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si
Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-
tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.
Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at
nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay
may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang
gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang
tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng
gawain.
Ano ang isinasaad sa bawat talata?
Ano ang pangunahing diwa ng unang talata? Ikalawa?
Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa
pangunahing diwa?
Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito?
Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata?
Saan makikita sa talata ang susing pangungusap?
Ano ang susing pangungusap?
Ano ang pangunahing diwa?
Sabihin at Alamin
Gawain 3
Suriin ang tsart at buuin ang kaisipan.
Isulat sa sagutang papel ang nawawalang impormasyon sa tsart.
Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing
diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa
gitna, o sa hulihan ng talata.
Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing
pangungusap.
Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang
impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng bahagi
ng teksto.
Pamagat ng Kuwento
Pagbabasa
ng Diyaryo
Pag-iipon
ng mga
Larawan
liba-
ngan
pagbaba-
sa ng
aklat at
diyaryo
pagtata-
nim ng
halaman
Tandaan
Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo.
Tagapagsalita 1: Ang DCBB Balita Ngayon ay magbabalik
pagkaraan ng paalalang ito.
Joseph: Mark, saan ka galing?
Mark : Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking
takdang aralin at humiran na rin ako ng aklat.
Joseph: Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo ng
computer.
Mark: Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni tatay.
Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento
dito sa aklat na hiniram ko.
Joseph: Uy, kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento!
Mark : Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis
kong nakikita ang aking hinahanap.
Joseph: Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa.
Mark: Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang
matututuhan.
Tagapagsalita 2: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng AKLAT
Foundation at ng istasyong ito.
Tungkol saan ang paalala sa radyo?
Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang
libangan?
Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark ng
kuwento sa aklat?
Read and Learn!Basahin at Alamin
Gawain 4
Pag-aralan ang mga impormasyon na nakasaad sa talahanayan
na nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibang bahagi ng aklat.
Bahagi ng Aklat Kahulugan
1. Pabalat ng aklat nagpapakita ng pamagat ng
aklat, may-akda, at gumuhit
ng mga larawan.
2. Talaan ng
pagpapalimbag ng aklat
nagsasaad kung kailan
inilimbag ang aklat
3. Talaan ng nilalaman nagpapakita ng paksa, aralin,
at pahina kung saan ito
mababasa
4. Katawan ng aklat nilalaman ng aklat
5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng
mga salitang ginamit
Ano-ano ang bahagi ng aklat?
Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito?
Gawain 5
Itambal ang nilalaman ng hanay A sa bahagi ng aklat na nasa
hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang
papel.
A B
1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbag
ni Paz M. Belvez
2. EduResources Publishing, Inc. b. pabalat ng aklat
Visayas Avenue, Quezon City
3. Aralin 1-Mga Tugmang-bayan c. glosari
(Salaysay)………….2
4. malumbay, 24
5. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalaman
Lingguhang Pagtataya
Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng
Linggong ito. Sagutin nang wasto ang bawat aytem gamit ang
inyong sagutang papel.
A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
“Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanap niya
ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon.
Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala.
Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang tatay.
Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyong
boteng lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang nanay ay
nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng
basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na
basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong.
“Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang
lahat para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Baranggay
na tuwang-tuwa.
“Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay,”
puna ni Mark .
1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento?
a. Ang Pista
b. Oras ng Maglinis
c. Pagtutulungan ng Mag-anak
d. Paghahanda sa Pista
2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod
ng binasa?
a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan.
b. Hiniling ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na
maglinis.
c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa
pamayanan.
d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na
maging responsable.
3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon
sa diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-
hiwalay?”
a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan.
b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa
paghahanda para sa pista.
c. Iniutos ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na
maglinis ng daan.
d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa
paghahanda para sa pista.
A. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung
metapora.
_____1. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya Nang kumain
sila, gabundok na kanin ang naubos.
_____2. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag
ang kaniyang paboritong plorera.
_____3. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng
langit kapag iyong natikman.
_____4. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera.
B. Basahin ang talata at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito
sa sagutang papel.
Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para
dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si
Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa
kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa
kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa
kanilang lolo at lola. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at
Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na
makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.
1. Alin ang susing pangungusap?
a. Umaga ng Sabado.
b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo
at lola.
c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo
at lola.
d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang
mga lolo at lola.
2. Aling pangungusap ang hindi sumusuporta sa pangunahing
diwa?
a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo.
b. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa
kanilang paaralan.
c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola.
d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo
at lola.
3. Ano ang kaisipang diwa ng talata?
a. Ang mga Batang Abala
b. Katapusan ng Linggo sa Lolo at Lola
c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid
d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola
4. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit, at
naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kaniyang
titingnan?
a. indeks o indise
b. glosari
c. pabalat ng aklat
d. talaan ng nilalaman
5. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba. Alin sa mga
ito ang halimbawa ng payak na pangungusap?
a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang nanay na magluto ng
tanghalian.
b. Tatlong makukulay na paruparo sa isang magandang hardin
c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang
asawang si Joyce.
d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kaniyang computer sa
paaralan.
C. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa
larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan nito.
Isulat ito sa papel. (13-15)
Unang Kuwarter
Ikawalong Linggo
Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya
Paunang Pagtataya
Piliin at isulat sa sagutang papel ang hanay na kakatawan sa
iyong pansariling karunungan sa nakaslulat na konsepto.
Lagyan din ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo
ito.
Konsepto
Alam na
alam ko
Ito
Narinig
ko na
Ito
Wala
palatandaan
Hal Kahulugan
tambalang
pangungusap
salitang may
iba’t ibang
Tara Na!
ni: Florita R. Matic
Ang lahat ng kasama’y abala
Ang pakiramdam ay masaya
Dahil lahat ay tiyak na sasama
Sa lakbay-aral na kay saya
Tiyak na magdudulot ng ligaya.
Tara na at maglakbay
Ingat lang at alalay
Sa paanan ng burol
Hakbang mo’y ingatan
Talampakan ay tatagan.
Mga puno sa burol
Puno ng sangang madahon
Sa tabi naman nito’y
May tubo na nakabaon.
Doon sa di kalayuan
Iyong masisilayan
Mga tanim na tubo
Tubo na ang ilan
Kay sarap tikman.
Paso at lapnos ang aming balat
Sa init ng araw na matingkad.
Dahil sa layo ng aming nilakad
kahulugan
nakapagbibigay-
hinuha sa
nararamdaman
ng tauhan
talaan ng
nilalaman
Read and Learn!Basahin at Alamin
Katawang pagod ay agad napaupo
Sa tabi ng paso dahil sa hapo.
Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang beses sa
rap na binasa?
Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso?
Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita?
Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng salitang
magkapareho ang baybay?
Mga Salitang may Iba’t Ibang Kahulugan
Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart.
Salita Kahulugan
puno tanim o punong-kahoy maraming laman
tubo daluyan ng tubig isang uri ng
pananim na
ginagawang asukal
usbong ng halaman na
lalaki pa lamang
paso lapnos sa balat dahil sa
init
lalagyan ng
halaman
Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart?
Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibang kahulugan?
Paano mo malalaman kung ano ang angkop na kahulugan ng
salitang may magkaparehong baybay na ginamit sa
pangungusap?
Ang mga salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit
pang kahulugan.
Ang kahulugan ng mga salita ay nakabatay sa kung
paano ito ginamit sa pangungusap.
Sabihin at Alamin
Tandaan
Pag-aralan ang bawat larawan at itambal ito sa pangungusap
nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang
sagot.
a. Bumili ng bagong saya si Ana.
1.
2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang
saya na kanilang nararamdaman.
3. c. Malakas ang tunog ng pito.
4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng
bilang na pito.
5. e. Magtanim tayo ng puno.
f. Puno ng kape ang tatlong tasa.
6.
Isipin
Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan
Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang
iyong hinuha sa kanilang nararamdaman.
Sino sino ang tauhan sa usapan?
Ano ang nararamdaman ni Athena?
Ano ang iniisip ni Brigette?
Ano ang sagot ni Anton?
Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak?
Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton?
ni Mang Jose?
Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa
naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan.
Tauhan Nararamdaman Iniisip Ginawa Usapan Ugali
Athena
Brigette
Anton
Mang
Jose
Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi ng
hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan?
Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot.
Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton.
Anton: Madali lang yan. Tutulungan kita.
Ano ang sinabi?
Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.
Ano ang nararamdaman?
Sabihin at Alamin
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Paano mo masasabi kung ano nararamdaman
ng tauhan sa kuwento?
Gawain 1
Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino.
Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na
damdamin.
Paano mo ito nalaman?
Damdamin Sitwasyon
kinakabahan
kawalan ng
tiwala sa sarili
maiyak-iyak
matapang
Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa
kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng
tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa, o iniisip.
Ako po si Dino.
Tandaan
Ito ang araw ng palatuntunan sa paararalan nina Dino.
Masaya ang mga magulang, kapatid, at iba pang
manonood dahil masasaksihan nila ang talento ng mga
mag-aaral. Tinawag na si Dino at siya ay tumugtog. Ang
lahat ay nagpalakpakan at nasiyahan sa kaniyang
ipinakita. Binati at niyakap siya ng kaniyang kapatid
pagkababa niya sa entablado. Nagustuhan ng kaniyang
tatay ang napakaganda niyang ipinalamas.
Gawain 2
Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan.
Sipiin sa inyong sagutang papel.
Ugali Ginawa at Sinabi ng
Tauhan
“Hindi ko halos narinig
kung kailan ka
nagkamali. Lahat ay
pumalakpak pagkatapos
mong tumugtog.”
“Narinig kitang
tumugtog. Ang husay
mo!” Niyakap niya ang
kapatid.
“Bakit, Dino?” bulong
niya sa kapatid.
Ako po si Angela.
Ano po ang ugali ko?
Pangalan
ng tauhan
iniisip
ginagawa
nararamdaman
Ako po si _______
___________.
sinasabi
Magandang Ideya
ni: Claire B. Barcelona
“Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,”
sambit ni Brigette sa kapatid.
“Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena.
“Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong
sagutin nang maraming beses pero hindi ko talaga makuha,”
sagot ni Brigette sabay lapit sa kaniyang kapatid.
Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math.
“Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong
tanong ni Athena.
“Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay
Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid.
Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang
gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya
Anton sa Math.
“Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi
akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap
ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong
puso,”mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton.
Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing
“Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.”
Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang
tumungo sa hapag-kainan.
Basahin at Alamin
Sagutin ang mga tanong.
 Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga
kapatid?
 Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga
kapatid?
 Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa
niya ang kaniyang galing sa Math?
 Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong
ipagmalaki?
 Ibinabahagi mo ba sa iyong pamilya ang iyong talento?
Paano?
 Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin?
Tambalang Pangungusap
Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kuwento.
a. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang
gagawin at humanga sila sa kaniyang husay.
b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si
Athena.
c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton.
d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa
hapag-kainan.
Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap?
Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap.
Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang
gagawin at humanga sila sa kaniyang husay.
Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap?
Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag-
isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag?
Basahin at Alamin
Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang
sugnay na nakapag-iisa?
Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang
pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa?
Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap
na ginamit sa kuwento.
Ano ang tambalang pangungusap?
Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa?
Ano ang pang-ugnay?
Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang
pangungusap?
Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap?
Gawain 3
A. Nasaan ang aking kaparis?
Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang
makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong
pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel.
A
1. Pagpipinta ang gusto ni Mark.
2. Tumutugtog ng gitara siJoseph.
3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda.
4. Mahusay sumayaw si Grace.
5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil.
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang
sugnay na nakapag-iisa.
Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at-, o-, ngunit-, at saka-.
Tandaan
B
a. Araw-araw siyang nagsasanay.
b. Siya ang lider ng cheering squad.
c. Kumakanta ang banda nila sa handaan.
d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit.
e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan.
Gawain 4
Talaan ng Nilalaman ng Aklat
Pag-aralan ang talaan ng nilalaman at sagutin ang sumusunod
natanong. Isulat sa sagutang papel.
Ilang aralin mayroon sa talaan?
Ano ang pamagat ng huling aralin?
Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa
pagtuklas ng iyong lakas?
Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98?
Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng
libangan?
Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga
kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito?
Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at
priyoridad?
Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling
aralin ang babasahin mo?
Mga Libangan Mo
Aralin 1 Pag-usapan ang mga Libangan…………………1-7
Aralin 2 Pagtuklas sa iyong Lakas……………………... 8-39
Aralin 3 Pagyamanin ang Galing….………………….. 40-76
Aralin 4 Ibahagi sa Iba………… ……………………… 77-99
Aralin 5 Pagpapaunlad sa Sarili…..…………………100-124
Aralin 6 Libangan laban sa Priyoridad……………...125-150
Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng
aklat?
Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat?
Lingguhang Pagtataya
Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng
Linggong ito.
Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto.
A. Pakinggan ang kuwento.
Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra.
Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo
galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang
bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw
niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal ni si Myka.
“Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang
pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka.
“Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na
tugon ni Myko sa kakambal.
Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay.
Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa
unahang bahagi ng aklat.
Nakasaad dito ang yunit, aralin, o kuwento at kung saan
pahina ang mga ito matatagpuan.
Tandaan
1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko?
a. makasarili
b. mapagtiwala
c. palakaibigan
d. matigas ang ulo
2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang
kakambal?
a. natakot
b. nalungkot
c. nagalit
d. humingi ng paumanhin
3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si
Myko?
a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan.
b. Mayroon kang sariling manika.
c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta.
d. Maaari bang mahiram ang iyong bola?
B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot.
4. Alin ang tambalang pangungusap?
a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola.
b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa
kanilang Tito Bobby.
c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si
Myka, umalis siyang maluha-luha.
d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang
Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo.
5. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. karneng manamis-namis ang luto
b. paghingi ng tawad
c. pag-aanyaya ng away
d. pagkaing gawa sa isda
6. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong
pang-ugnay.
Tumula ang mga batang babae.
Nagsayaw ang mga batang lalaki.
Alin ang tama?
a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang
mga batang lalaki.
b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang
mga batang lalaki.
c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga
batang lalaki.
d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang
mga batang lalaki.
7. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang
angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan?
a. Nakadamit ng saya ang mga bata.
b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya.
c. Baro at saya ang kasuotan ng mga
ninuno nating Pilipino.
d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa
kanilang mga ngiti.
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may
salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang
papel.
a. taniman ng halaman
b. lapnos ang balat dahil sa init
c. lagpas na sa itinakdang araw
8. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa.
9. Ginamot ng nanay ang mga paso ni Mark sa braso.
10. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito.
C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat.
11. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong
malaman ang ehersisyong bagay sa iyo?
a. aralin 1 b. aralin 2 c. aralin 3 d. aralin 4
12. Anong impormasyon ang nasa pahina 32?
a. Tamang Ehersisyo
b. Gabay sa Pagkain
c. Mabuti sa Katawan
d. Pag-iingat na Kailangan
D. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang
pangungusap tungkol dito.
Malusog na Pamumuhay
Aralin 1 Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18
Aralin 2 Pag-iingat na Kailangan…...…………….. 19-36
Aralin 3 Mag-exercise Tayo……………..………… 37-54
Aralin 4 Pagkaing Tama sa Iyo…………............... 55-75
14.________________________________________________
15. ________________________________________________
Unang Kuwarter
Ikasiyam na Linggo
Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan
Pagpapayaman ng Bokabularyo
Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga
sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.
1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng
alcohol.
a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng alcohol.
b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay
kalsada.
2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa
Corregidor.
a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga
makasaysayang lugar ng ating bansa.
b. Maliwanag ang tala kung gabi.
3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw.
a. Pakiusap, iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na
panauhin.
b. Bukas aalis na ang iyong pinsan.
Paano mo nakikilala ang mga salitang maraming kahulugan.
May mga salita na maraming kahulugan.
Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit
nito sa pangungusap.
Basahin at Alamin
Tandaan
Gawain 1
Hanap larawan: Piliin at iguhit sa sagutang papel ang larawang
nagpapahayag ng pangungusap.
1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging.
2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ika-pito niyang kaarawan.
3. Ang baso ay puno ng gatas.
4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika.
5. Kulay berde ang upo.
Subukin
Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan
na inilalarawan sa pangungusap.
a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangakapan na hindi
nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________.
mapagbigay bastos tamad
b. Hinugasan ni Monina ng mga pinggan ng walang reklamo si
Monina ay __________.
mabait mapagbigay matulungin
c. “Monita, ibigay na lang natin sa matandang nagugutom ang
ating baon. Si Monina ay__________.
malungkot galit mapagbigay
d. “Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko
ibibigay,“ wika ni Monita. Siya ay _________.
makasarili maalalahanin palakaibigan
e. Nararamdaman niyang siya ay __________.
masaya malungkot mainitin ang ulo
Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isang tauhan sa
kuwento upang malaman natin ang kaniyang ugali.
Kung ano ang sinasabi, ginagawa, inisip, at nararamdan
ng tauhan ay nagpapakita kung anong ugali ang
mayroon siya.
Sabihin at Alamin
Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang
dalawang pangungusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng
salitang dahil o habang.
1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit.
2. Nilinis ni Maria ang kuwarto. Naghihintay si Mario sa labas.
3. Umawit si Paolo. Matamang nakinig ang kaniyang mga
kaklase.
4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang
punong guro.
5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay.
Ano ang hugnayang pangungusap?
Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap?
A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sabihin kung ang
pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap.
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng
dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito
dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang
ugnay na dahil o habang.
Basahin at Alamin
Tandaan
Basahin at Alamin
1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa
doon kahapon.
2. May sakit si Alice at kailangan niyang tumigil muna sa bahay.
3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center
dahil nangangailangan sila ng tulong.
4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito.
5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng
bus.
B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng
pag ugnay na dahil o habang.
1. Nakapunta kami sa maraming lugar _____ kami ay nasa Cebu.
2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ namamaga
ang kaniyang paa.
3. Sikat ang pamilya Garrara ________ lahat ng kanilang mga
anak ay nasa honor roll.
4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa.
5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga
lalaki sa silid-aralan.
Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong.
April 25, 2012
Ibinili ako ng tatay ng asul na bisikleta. Sa darating na
bakasyon mag-aaral akong magmaneho. Natutuwa talaga ako!
Bert
April 27, 2012
Marunong na akong magmaneho ng bisikleta. Tinuruan
ako ng tatay. Ngunit dahil madulas ang kalsada kahapon,
natumba ako. Nasaktan ang aking tuhod. Napakasakit.
Bert
Basahin at Alamin
Tanong:
1. Sino ang sumulat ng talaarawan?
2. Ano-ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan?
3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert?
Pagsulat ng talaarawan
Sagutin ang tanong:
1. Ano ang mahalagang nagyari sa iyo noong Sabado?
Sumulat ng dalawang pangungusap.
2. Bakit nangyari iyon?
3. Ano ang naramdaman tungkol dito?
Gamit ang inyong mga sagot, sipiin ang talaarawan sa sagutang
papel. Isulat ang inyong karanasan.
Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay
tungkol sa ating sarili. Mga pangyayari na gusto at hindi
natin gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o
mabalikan natin ang mahahalagang pangyayari sa ating
buhay.
Ang Aking Talaarawan
_________________________
Petsa
______________________________________________________
______________________________________________________
Tandaan
Subukin
Pagpapayamang Gawain
Iguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itong
kawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay. Isalaysay
sa buong klase ang iyong nabuo.
Suriin ang inyong ginawa. Lagyan ng marka batay sa bituin sa
tsart ang inyong katha.
Nilalaman at Kaayusan Nakuha
1. Ang mga pangungusap ay
naisulat nang angkop, kumpleto, at
nauunawaan
(may tamang bigkas)
2. Ang mga pangungusap ay
maliwanag at kumpleto
3. Ang mga pangungusap ay hindi
kumpleto pero maliwanag
Katangian
1. Ang mga nakasulat ay
nagbabahagi ng buhay ng isang
mag-aaral
2. Ibang kamag-aral
3. Kulang ng rmga detalye

More Related Content

What's hot

Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)
Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)
Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)Jov Pomada
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)LiGhT ArOhL
 
english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2Jhon Mayuyo
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISHK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISHLiGhT ArOhL
 
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...EDITHA HONRADEZ
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Desiree Mangundayao
 
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Desiree Mangundayao
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICSK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICSLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)LiGhT ArOhL
 
Panghalip Pamatlig
Panghalip PamatligPanghalip Pamatlig
Panghalip PamatligJohdener14
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)LiGhT ArOhL
 

What's hot (20)

Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)
Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)
Panghalip (Ito, Iyan, Iyon)
 
Mt lm q 2 tagalog (1)
Mt   lm q 2 tagalog (1)Mt   lm q 2 tagalog (1)
Mt lm q 2 tagalog (1)
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB)
 
english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2
 
Module grade 1
Module grade 1Module grade 1
Module grade 1
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISHK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ENGLISH
 
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
 
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICSK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS
 
Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
 
Panghalip Pamatlig
Panghalip PamatligPanghalip Pamatlig
Panghalip Pamatlig
 
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
Quarter 3-week-1-worksheet (1)Quarter 3-week-1-worksheet (1)
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
 
Pagsunod sa Panuto
Pagsunod sa PanutoPagsunod sa Panuto
Pagsunod sa Panuto
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
 
3 math lm q3
3 math lm q33 math lm q3
3 math lm q3
 
WEEK 4.docx
WEEK 4.docxWEEK 4.docx
WEEK 4.docx
 
Suliranin Solusyon.pptx
Suliranin  Solusyon.pptxSuliranin  Solusyon.pptx
Suliranin Solusyon.pptx
 

Viewers also liked

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3
MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3
MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3EDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3
K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3
K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3Dr. Joy Kenneth Sala Biasong
 
mother tongue grade 3
mother tongue grade 3mother tongue grade 3
mother tongue grade 3phadz019
 
Mga Panlaping Makauri
Mga Panlaping MakauriMga Panlaping Makauri
Mga Panlaping Makaurieneliaabugat
 

Viewers also liked (20)

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASED (Q1-Q2)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
 
MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3
MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3
MTB-MLE LEARNER'S MANUAL Unit 3
 
Gr. 3 mtb mle tg
Gr. 3 mtb mle tgGr. 3 mtb mle tg
Gr. 3 mtb mle tg
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
 
Filipino v 3rd grading
Filipino v  3rd gradingFilipino v  3rd grading
Filipino v 3rd grading
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
 
K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3
K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3
K to 12 Curriculum Guide on Mother Tongue for Grades 1 to 3
 
Gr. 3 mtb mle tg
Gr. 3 mtb mle tgGr. 3 mtb mle tg
Gr. 3 mtb mle tg
 
mother tongue grade 3
mother tongue grade 3mother tongue grade 3
mother tongue grade 3
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
3 mtb mle lm q1
3 mtb mle lm q13 mtb mle lm q1
3 mtb mle lm q1
 
First grading musika vi
First grading musika viFirst grading musika vi
First grading musika vi
 
Mt lm q3 tagalog
Mt   lm q3 tagalogMt   lm q3 tagalog
Mt lm q3 tagalog
 
Mga Panlaping Makauri
Mga Panlaping MakauriMga Panlaping Makauri
Mga Panlaping Makauri
 
Math gr. 3 tagalog q1
Math gr. 3 tagalog q1Math gr. 3 tagalog q1
Math gr. 3 tagalog q1
 
Agri 5 lesson 2
Agri 5 lesson 2Agri 5 lesson 2
Agri 5 lesson 2
 
Kalayaan
KalayaanKalayaan
Kalayaan
 
Mt lm q3 tagalog
Mt   lm q3 tagalogMt   lm q3 tagalog
Mt lm q3 tagalog
 

Similar to Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Gr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revisedGr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revisedDuper Maldita
 
LM MTB-MLE 2.pdf
LM MTB-MLE 2.pdfLM MTB-MLE 2.pdf
LM MTB-MLE 2.pdfMylaOcaa1
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2paul edward
 
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
Gr.2  Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning ModuleGr.2  Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning ModuleJulietOrola
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Teth04
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 

Similar to Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1) (20)

Mt lm q1 tagalog
Mt   lm q1 tagalogMt   lm q1 tagalog
Mt lm q1 tagalog
 
Mt lm q1 tagalog
Mt   lm q1 tagalogMt   lm q1 tagalog
Mt lm q1 tagalog
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
Fil.2 lm u3
Fil.2 lm u3Fil.2 lm u3
Fil.2 lm u3
 
1 ap lm tag u2
1 ap lm tag u21 ap lm tag u2
1 ap lm tag u2
 
Gr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revisedGr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revised
 
LM MTB-MLE 2.pdf
LM MTB-MLE 2.pdfLM MTB-MLE 2.pdf
LM MTB-MLE 2.pdf
 
Gr. 2 mtb mle lm
Gr. 2 mtb mle lmGr. 2 mtb mle lm
Gr. 2 mtb mle lm
 
filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2
 
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
Gr.2  Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning ModuleGr.2  Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
 
Mtb 140307115624-phpapp01
Mtb 140307115624-phpapp01Mtb 140307115624-phpapp01
Mtb 140307115624-phpapp01
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
Lm esp grade10_q3
Lm esp grade10_q3Lm esp grade10_q3
Lm esp grade10_q3
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 

More from EDITHA HONRADEZ

More from EDITHA HONRADEZ (20)

Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 
Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1
 

Recently uploaded

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 

Recently uploaded (20)

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 

Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)

  • 1. 3 Mother Tongue Kagamitan ng Mag-aaral Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  • 2. Mother Tongue- Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978- 971-9601-31-9 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D. BEE – Director: Marilyn D. Dimaano, Ed.D. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Development Team of the Learner’s Material Consultant and Editor: Dr. Felicitas Pado Dr.Rosalina J. Villaneza Ms. Editha Macayaon Authors: Ms. Nelia D. Bamba Ms. Lilibeth A. Magtang Ms. Claire B. Barcelona Ms. Florita R. Matic Ms. Edelyn B. Briones Ms. Irene T. Pilapil Ms. Grethel Laura M. Cadiong Ms. Robina B. delos Reyes Ms. Franlyn R. Corporal Ms. Raquel C. Solis Ms. Florinda Dimansana Ms. Arabella May Z. Soniega Dr. Victoria D. Mangaser Ms. Dina F. Bazan Contextualizers: Ms.Agnes G. Rolle – Lead Person Ms.Enelyn T. Badillo Ms. Fe V.Monzon Language Reviewers: Ms.Agnes M. Malihan Layout Artist: Mr. Ronnie G. Cordovez Graphic Artist: Mr. Reynaldo A. Simple
  • 3. Mahal kong Mag-aaral, Ang aklat na ito ay makatutulong upang maipahayag ang iyong kaisipan, pananaw, at damdamin tungkol sa iyong sarili, pamilya, kaibigan, tahanan, paaralan, at pamayanan. Makatutulong din ito sa iyong pagbabasa nang may pang- unawa, may mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasiya. Matututunan mo rin ang pagsulat ng iba-ibang uri ng sulatin. Masisiyahan ka na gawin at pag-usapan ang mga bagay- bagay tungkol sa tahanan, paaralan, at pamayanan gamit ang mga natutuhan mo mula sa aklat na ito. Pakiusap, huwag susulatan ang aklat na ito ng mag-aaral dahil gagamitin pa ito sa susunod na taon. Maaaring gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay sa kagamitang ito. Maligayang pag-aaral! May Akda
  • 4. Talaan ng Nilalaman Unang Kuwarter Aking Sarili at Aking Pamilya Aralin 1: Ako at Aking Pamilya……………………………………………… Aralin 2: Kinawiwilihang Tao at Bagay.……………………………............ Aralin 3: Mga Bagay na Gusto Ko............................................................ Aralin 4: Ang Paborito Kong Hayop at Halaman.................................... Aralin 5: Ako at Aking Kaibigan…………................................................. Aralin 6: Pag-iingat sa Kalikasan…………………………………............... Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin…………………….. Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya…………...........……… Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan……………………………..... Lagumang Pagsusulit...……………………….............................
  • 5. Ikalawang Kuwarter Tuklasin ang Pamayanan Aralin 10: Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya.…..... Aralin 11: Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan ………………....... Aralin 12: Aking Pamayanan.......................……………………………....... Aralin 13: Kasaysayan ng Aking Pamayanan……….................................. Aralin 14: Ang Pamayanan Noon at Ngayon …………………………...... Aralin 15: Mga Tao sa Pamayanan: (Yaman at Bayani)...…………….... Aralin16: Mga Lugar sa Pamayanan: Paaralan....................................... Aralin 17: Mga Lugar sa Pamayanan: Pook Pasyalan………………........ Aralin 18: Mga Pangyayari sa Pamayanan …………………………......... Lagumang Pagsusulit………………………………………............
  • 6. Ikatlong Kuwarter Sa Labas ng Aming Pamayanan Aralin 19: Musika ng Ating Kultura…………………………………………… Aralin 20: Mga Sayaw ng Ating Kultura…………………………………….. Aralin 21: Mga Likha at Sining.…………………………………….................. Aralin 22: Ang Aming Paboritong Pagkain.…………………………........... Aralin 23: Ako ay Mabuting Mamamayan…………………….................... Aralin 24: Mga Pagdiriwang sa Aking Pamayanan.................................. Aralin 25: Iba’t Ibang Pagdiriwang sa Aking Pamayanan...................... Aralin 26: Transportasyon: Uri at Paraan……………………………………. Aralin 27: Komunikasyon: Uri at Gamit……………....................................... Lagumang Pagsusulit..…………………………………………......
  • 7. Ikaapat na Kuwarter Pag-iingat sa Kapaligiran Aralin 28: Yaman ng Aking Pamayanan.………………………………....... Aralin 29: Gawaing Pang-Industrya, Hanapbuhay, at Iba Pa................. Aralin 30: Lakas ng Enerhiya…………………….............................................. Aralin 31: Wastong Paggamit ng Enerhiya………………............................ Aralin 32: Matulunging Pamayanan.……………………………………....... Aralin 33: Pamayanan: Pagbabago at Pag-unlad..................................... Aralin 34: Pamayanang Mapagmahal sa Kalikasan............................... Aralin 35: Gulayan sa Aming Pamayanan………….................................... Aralin 36: Pamayanan Ligtas at May Kahandaan………………………... Lagumang Pagsusulit.……………………………………………...
  • 8. Unang Kuwarter Aking Sarili at ang Aking Pamilya
  • 9. Unang Kuwarter Unang Linggo Aralin 1: Ako at Aking Pamilya Basahin ang diyalogo. Ano ang pinag-usapan ng dalawang mag-aaral? Kung ikaw ang isa sa dalawang bata, ano pang impormasyon ang iyong maaaring ibigay? Kumuha ng kapareha at kilalanin ang bawat isa sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa inyong sarili. Si Albert naman ako, walong taong gulang din. Tawagin mo naman akong Bert. Kumusta! Ako si Rosita, walong taong gulang. Tawagin mo na lang akong Rose. Sabihin at Alamin
  • 10. Gawain 1 Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento. Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol sa kuwentong “Aking Alaga.” Talaan ng Tagpuan Talaan ng Tauhan Talaan ng mga Pangyayari Pamagat ng Kuwento ______________________ Sino ang pangunahinh tauhan sa kuwento? Magbigay ng mga katangian ng tauhan sa kuwento. Sino ang pinakagusto mo sa tauhan? Bakit? Pamagat ng Kuwento _________________________ Ano ano ang mahahalagang pangyayari sa kuwento? Ano ang naging suliranin ng pangunahingntauhan sa kuwento? Ano ang naging kalutasan ng suliranin sa kuwento? Pamagat ng Kuwento ______________________ Saan nangyari ang kuwento? Kailan nangyari ang kuwento? Paano mo mailalarawan ang lugar na painagyarihan ng kuwento? Paano mo mailalarawan ang lugar na pinangyarihan ng kuwento? Sino ang pinakagusto mo sa mga tauhan? Bakit? Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
  • 11. Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang tagpuan, tauhan, at mga pangyayari. Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento. Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento. Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga naging suliranin at kalutasan sa kuwento. Gawain 2 Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong “Halina sa Bukid.” A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan. Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita ng tatay? Nasaan ang kuting? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit? B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid. Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga tutubi sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga tutubi? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit? Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Ano ang pangngalan? Tandaan Sabihin at Alamin
  • 12. Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari. Gawain 3 Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Tukuyin ang uri ng sumusunod na pangngalan at isulat ito sa angkop na kahon. Pangngalan Tao Lugar Bagay Tandaan Subukin ate upuan walis pambura silid-aklatan aklat bag tatay Tiya Rose
  • 13. Basahin ang mga salita sa kuwento nang wasto at may damdamin. Read and Learn! Ang Pag-uwi ni Sally ni: Nelia D. Bamba “Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni Nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang salubungin siya. Isasama ko si Tatay at Ben upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally.” “Hindi na ako makapaghintay, Nanay! Pagkatapos ng dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya,” ang sabi ni Ben. “Ano kaya ang pasalubong niya sa akin?” “Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally?” tanong ni Tatay. “Malapit nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon sakay si Sally,” nag-aalalang sabi ni Nanay. Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha. “Nanay, huwag kang mag alala, sigurado akong nasa susunod na bus na si Sally.” “Heto na ang huling bus mula sa lungsod!” wika ng Tatay. “Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally.” Nang bumukas ang pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally at sabay sabing, “Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!” “Nag-alala kaming lahat sa iyo,” wika ni Tatay. “Halika na, naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay,” sabi ni Nanay. Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at back pack,” wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.” Basahin at Alamin
  • 14. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang uuwi? 2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus? 3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya? 4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally? 5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa? 6. Bakit nag-aala si nanay? 7. Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula. 8. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula. Lingguhang Pagtataya Gawain 1 Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno tao, lugar o bagay. Gamit ang mga salita mula sa kahon, punan ito ayon sa uri. Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar, o bagay. 1. Isipin pambura guro opisina lapis sabon entablado tiya silid-aklatan tsokolate ina
  • 15. Gawain 2 Basahin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang uri ng mga pangngalang may salungguhit at isulat ito sa tamang kahon. a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya ang mga manok. b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso. c. Inutusan sila ng nanay na makipaglaro ng holen sa iyo. d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na mga payong. e. Hindi ko siya mapabangon sa kama. f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso. Unang Kuwarter Ikalawang Linggo Aralin 2: Ako at Aking Pamilya: Kasanayang Pangkalusugan Gawain 1 Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!” 1. May bagong saranggola si tatay. May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa bukid. Pangngalan Isahan Maramihan Sabihin at Alamin
  • 16. Ang pangngalang isahan ay nagbibigay ngalan sa iisang bagay. Ang maramihang pangngalan, ay nagbibigay ngalan sa dalawa o higit pang mga bagay. 2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang nilagang itlog, tatlong pirasong keso, at dalawang piraso ng bilog na tinapay. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap? Paano sila nagkakaiba? Ano ang isahang pangngalan? Ano ang maramihang pangngalan? Gawain 2 Sipiin ang tsart sa iyong sagutang papel at isulat wastong sagot. Pangngalan Isahan Maramihan Tandaan Subukin
  • 17. Basahin ang kuwento nang wasto, may tamang diin at ekspresyon. Prutas na Makatas ni: Nelia D. Bamba “Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang mga bata sa pagkuha ng kani-kanilang bag. “Uuwi na tayo, Biyernes na rin sa wakas,” ang sabi ng mga bata. “Narito na ba ang lahat?” tanong ni Mang Peping. “Hintay!” ang sabi ni Miguel. “Naiwan ko ang aking lagayan ng tubig, uhaw na uhaw na ako, kailangan kong uminom, napagod ako sa aming praktis ng balibol.” “Wow! Tumingin kayong lahat sa labas!” “Nakikita ba ninyo ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada?” Maraming melon, suha, pinya, at bayabas, mukhang makatas at sariwa,” ang wika ni Marie. “Oo nga, wala ang mga iyan kahapon,” ang sabi ni Miguel. “ Panahon ngayon ng anihan,” ang sabi ni Mang Peping. “Ang mga prutas na iyan ay kapipitas lamang ng mga magsasaka sa kanilang bukid.” “Sana ay nakita ni nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili siya,” ang sabi ni Miguel. Mahilig akong kumain ng mga prutas, ang sabi niya mabuti ito sa kalusugan.” “Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na! Tayo nang uminom ng katas ng prutas,” wika ng mga bata. Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap. Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 18. “Suha, suha, makatas na suha Kainin, katasin tayo ay palulusugin. Melon, melon, makatas na melon Masarap lalo na kung mainit ang panahon Pinya, pinya, makatas na pinya Maasim, matamis talagang masustansiya. Sagutin ang tanong. 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus? 3. Bakit nila ginawa ito? Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!” 1. Binigyan ng nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog, at isang tasa ng sopas. 2. Magdadala si nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso ng tinapay. Alin ang mga pangngalan sa pangungusap? Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin? Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang? Alin ang pangngalang pamilang? Alin ang pangngalang di-pamilang? Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang? Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di-pamilang? Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang. Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang di-nabibilang. Isipin Tandaan
  • 19. Gawain 1 Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na pangkat. Gawain 2 Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon. a. bote ng mantika b. bibingka c. isang mansanas d. isang tasang asukal e. sampung mangga f. mantekilya g. isang pirasong saging h. garapon ng asin i. isang basong juice j. tatlong kahel (Pangngalang Pamilang) (Pangngalang Di-Pamilang) P a n g n g a l a n Pangngalang pamilang Pangngalang di-pamilang ice cream carrot saging sopas bayabasasukal Sabihin at Alamin
  • 20. Ang suliranin ay kaganapan na dapat lutasin ng mga tauhan sa kuwento. Ang kalutasan ay ang solusyon sa suliranin sa kuwento. Basahin ang pangyayari mula sa “Makatas na Prutas.” Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan. Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang kunin ang tubigan at makainom. Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento? Bakit nag-alala si Miguel? Ano ang naisip niyang kalutasan? Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag- aalala ng tauhan? Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon? Gawain 3 Pangkatang Gawain Pangkat 1 Basahin at bigyan ng kalutasan ang suliranin. Oras na ng recess. Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon. Kalutasan: ____________________________ Pangkat 2 Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang kalutasan. Tandaan
  • 21. Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay:  lugar kung saan nangyari ang kuwento at  ang oras kung kailan nangyari ang kuwento Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan. Suliranin: ___________________ Kalutasan: _________________ Pangkat 3 Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan ito ng solusyon. Basahin ang talata mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!” Isang Sabado, magkasamang binaybay nina tatay at Marlon ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila narating ang malawak na bahagi ng bukid. Masaya sa pangyayaring iyon si Marlon. Saan nangyari ang kuwento? Kailan ito nangyari? Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento? Gawain 4 Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Handaan para sa Pasasalamat saan ito nangyari? ____________ a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke Ang suliranin ay: ______________________________ Ang kalutasan ay: ____________________________ Tandaan!
  • 22. Kailan ito nagaganap? ____________ a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa c. swimming 2. Kuwento tungkol sa mga diwata Saan ito nangyari? ___________ a. Paaralan b. Palasyo c. Zoo Kailan ito naganap? ____________ a. noong unang panahon b. Kasalukuyan c. sa darating na panahon 3. Mga katatakutang kuwento saan ito nangyari? ____________ a. sa handaan b. Nakakatakot na bahay c. palasyo Kailan ito nangyari? ____________ a. gabi b. tanghali c. madaling araw Gawain 5 Punan ng mga titik ang puzzle sa ibaba upang ito ay mabuo. Makinig sa ididiktang salita mula sa kuwentong narinig. Saranggola Bukid Prutas Sabado tatay Subukin s p ds T y
  • 23. Gawain 6 Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang Pamilang PP at DP kung Di-Pamilang. a. isang kutsaritang toyo b. isang boteng suka c. isang labanos d. isang sibuyas e. mga kamatis f. isang bandehadong pansit g. pinya h. isang boteng patis i. mangga j. mantekilya k. isang boteng mantika Gawain 7 Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo. “Gustong-gusto ko ang lugar na ito,” ang sabi ni Jenny. “Kahanga-hanga ang mga puno. Halika na sa paborito kong puno,” ang sabi ni Joyce. “Hitik sa bunga!” “Gusto kong makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin.” “Ito ang panungkit, gamitin natin,” sabi ni Jenny. “Isa, dalawa, hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga,” sabi naman ni Joyce. “Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila,” ang sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang kaniyang isang tsinelas at naanod ito. “Naku! ang tsinelas ko!” sigaw ni Jenny. “Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na tsinelas sa aking bag,” ang sabi ni Joyce. Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 24. Talata 1 Ano ang suliranin? _______________________________________ Ano ang kalutasan? _____________________________________ Talata 2 Ano ang suliranin? _______________________________________ Ano ang kalutasan? ______________________________________ Gawain 8 Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang talaan sa ibaba. Lingguhang Pagtataya Gawain 1 Tukuyin ang uri ng sumusunod na pangngalan sa gawing kaliwa at isulat ang mga ito sa angkop na kahon. 1. isang boteng catsup 2. itlog 3. isang kilong harina 4. karne 5. jelly 6. pipino 7. isang tasang suka 8. mansanas 9. carrot 10. kahel Pangalan:______________________________________________ Ama: __________________________________________________ Trabaho: _______________________________________________ Ina: ____________________________________________________ Trabaho: _______________________________________________ Tirahan: ________________________________________________ ____________ ___________ _____________ Barangay Bayan Probinsiya P a n g n g a l a n a n Pangngalang Pamilang Pangngalang Di-pamilang
  • 25. Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang. Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang di-nabibilang. Unang Kuwarter Ikatlong Linggo Aralin 3: Kinawiwilihang Tao at Bagay Basahin ang sumusunod na pangugusap na mula sa teksto. a. Sinimulan ni nanay ang paghuhugas ng plato, kawali at kaldero. b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa. Alin ang pangngalang pamilang at di-pamilang sa pangungusap? Aling pangngalang ang maaaring mabilang at hindi mabibilang? Gawain 1 Isulat ang mga pangngalan sa angkop na pamagat sa ibaba batay sa uri nito. Read and Learn! Mantika harina kahel tsinelas mangga suka asin kamatis sibuyas kape Tandaan Sabihin at Alamin
  • 26. Pangngalang Pamilang Pangngalang Di-Pamilang Gawain 2 Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa sumusunod na pangngalang di-pamilang. Ilagay ito sa patlang. 1. ______________ bigas 2. ______________ manok 3. ______________ tubig 4. ______________ kape 5. ______________ pasas Gawain 3 Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina pagkatapos niyang umuwi galing sa paaralan. Ilagay ang tamang bilang sa patlang. Subukin isang basong isang platong isang timbang isang tasang isang kahong isang kilong
  • 27. Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may tamang pagkakasunod-sunod. Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita ang mga panandang bago, una, sumunod, pagtapos, sa wakas o iba pang salita na makapagsasabi ng pagkakasunod-sunod. Ikinuwento ni Gina kay Annie kuna ano-ano ang kaniyang ginagawa pagkagaling sa paaralan. ________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan. ________Kapag natapos na niya ang kaniyang mga gawaing- bahay, katabi niya ang kaniyang nanay sa panonood ng paborito nilang palabas sa telebisyon. ________Pagkatapos, kukuhanin niya ang kaniyang mga kuwaderno at gagawa na siya ng takdang-aralin. ________Sa huli, hahalik siya sa kaniyang nanay at matutulog na. ________Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad siya sa kusina upang kumain ng meryenda. Gawain 4 Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito. b t u n a y l s i A t e w a l o y T m a s a y a a A p a r k r d y y a y t p t y a i e s i d s t k a i b i g a n Tandaan
  • 28. Gawain 5 Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na ginagamit ng sumusunod na pangngalang di-pamilang at ilagay ito sa patlang. sopas pasas juice gamot jam kanin Gawain 6 Pagsunud-sunurin ang ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit. Ilagay ang tamang bilang sa patlang. _______ Basahin at unawain ang panuto. _______ Isulat ang pangalan, baitang, at pangkat. _______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit. _______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot. _______ Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit. isang tasa ng isang baso ng isang plato ng isang garapon ng isang bote ng isang dakot na isang patak ng isang sako ng
  • 29. Gawain 7 1. Punan ng mga pangngalan ang tsart sa ibaba. Piliin ang sagot mula sa bag sa ibaba. Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di-nabibilang Gawain 8 Piliin mula sa talaan ang tandang pangngalang pamilang na ginagamit ng pangngalang nasa larawan. Gamitin ito sa pangungusap at isulat sa sagutang papel. mangga asukal lapis cake mansanas bigas asin mantikilya mantika aklat Pangngalan Pangngalan garapon ng piraso ng isang basket na plato ng bote ng tasa ng isang patak na baso na puno ng
  • 30. Pangungusap 1 ___________________________________ Pangungusap 2 ___________________________________ Pangungusap 3 ___________________________________ Pangungusap 4 ___________________________________ Pangungusap 5 ___________________________________ _____ tubig ________ jelly______ kanin ________ cake _____ cake _______prutas ________ fruits _____buhangin ________ raisins
  • 31. Unang Kuwarter Ikaapat na Linggo Aralin 4: Ang Paborito Kong Hayop at Halaman Gawain 1 Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. _______ akong hindi uulan sa aking karawan. 2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata. 3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon. 4. _______ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta. 5. _______ si Norman na manalo siya sa paligsahan. Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang maipahayag ang iyong nais. Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring mangyari o makatotohanan. Ang salitang gusto ay ginagamit kung ang kaisipang ipinahahayag ay hindi maaaring mangyari o hindi makatotohanan. Gawain 2 Pag-aralan ang nga larawansa ibaba. Isulat kung alin sa mga salitang umaasa at gusto ang angkop na gamitin sa pagpapaphayag ng mga larawang ito. Sabihin at Alamin Tandaan
  • 32. umaasa gusto umaasa gusto umaasa gusto umaasa gusto umaasa gusto umaasa gusto Gawain 3 Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong “Papasukin Po Ninyo Ako!” pag-ibig hardin kaligayahan kagalakan kapatid kagandahan takot panlilinlang palumpong puno pagdaralita pagsuway Sabihin at Alamin
  • 33. Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy? Alin naman ang hindi? Anong uri ng pangngalan ang mga ito? Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang ating limang pandama. Ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad ng katangian o damdamin. Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin? Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang bagong kalaro? Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula. Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono, at damdamin. Read and Learn!Basahin at Alamin Tandaan
  • 34. Ang Kuting na si Pussy ni: Florita R. Matic Ako ay isang kuting Pussy kung ako’y tawagin Nakatutuwa at napakalambing Sa iyo ay higit sa akin. Ang pagmamahal na dulot ko Nagdadala ng kagalakan sa inyo Ang kalituhan at kalungkutan Ay hindi ko nararamdaman. Pagkasabik at kagalakan Sa puso ko ay nananahan Sa tuwing ako’y nakakikilala Ng bagong mga kasama. Sagutin ang mga tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula? 3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na nagpapahayag nito. 4. Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting? Basahin ito. 5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag. Isipin
  • 35. Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita? 1. madaya 2. kasama 3. nasabi 4. makulay 5. malungkot Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat? Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi? Ano ang panlapi? Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng salitang- ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-. Gitlapi ay pantig na idinadagdag sa gitna tulad ng salitang ugat gaya ng um-, at in-. Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na idinadagdag sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng an-, at-, at han-. Sabihin at Alamin Tandaan
  • 36. Gawain 1 Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang “ Ang Kuting na si Pussy.” Salungguhitan ang mga panlaping ginamit. pagmamahal kalituhan kagalakan pagkasabik kalungkutan Basahin nang malakas ang mga salita. tauhan pinangyarihan pangyayari talata saknong taludtod tugma tula kuwento Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita? Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento? Alin ang tumutukoy sa tula? Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng tauhan, pinangyarihan, at pangyayari sa kuwento. Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong ay binubuo ng mga taludtod na may salitang makakatugma. Subukin Sabihin at Alamin Tandaan
  • 37. Gawain 2 Pangkatin at isulat sa loob ng angkop ng ang mga salitang magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula. Gawain 3 Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga. Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula. 1. Ano ang inaalagaan mo? 2. Ano ang pangalan ng iyong alaga? 3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga? 4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng iyong alaga? 5. Mahal mo ba ang iyong alaga? 6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong alaga? saknong g pangyayari tugma tauhan pinangyarihan talata taludtod kuwento tula
  • 38. Gawain 4 Bilugan ang mga di-kongkretong pangngalang makikita sa loob ng kahon. pagdamay luha isipan bayani telebisyon kabayanihan kamalayan masaya kahirapan usapan pagmamahal pagmamalaki pagkilala sulat paniniwala Gawain 5 Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. ka- -an -han -ran 1. ___seryoso___ 4. usap ______ 2. ___tapang___ 5. ____tupa___ 3. ____malay___ Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1 Piliin sa kahon at isulat sa kuwaderno ang di-kongretong pangngalan. kapakumbabaan kamalayan pamilihan kaunlaran pagpapaubaya silid-aklatan silid-dalanginan pinag-aralan
  • 39. Pagsasanay 2 Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita. Isulat sa sagutang papel. 1. ___ganda___- loob 2. ___api____ 3. ___mali____ 4. ___malay____ 5. ___siya____ Pagsasanay 3 Piliin ang kahulugan ng bawat salita sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel. 1. katapangan a. hindi matapang b. pagiging matapang c. walang tapang 2. katuparan a. natamo ang nais b. hindi natamo ang nais c. hindi natupad ang nais 3. kahirapan a. mayaman b. mahirap c. pagiging mahirap 4. pagkayamot a. hindi naiinip b. pagpapakita ng inip c. naaaliw 5. kalungkutan a. hindi nalulungkot b. walang nadaramang lungkot c. nakakaramdam ng lungkot
  • 40. Unang Kuwarter Ikalimang Linggo Aralin 5: Mga Bagay na Gusto Ko Kaya mo ba magbigay ng mga kilalang tao, lugar, at pagdiriwang sa inyong pamayanan? Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar? Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa iyo? Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar? Sabihin at Alamin
  • 41. Ang iba’t ibang pamayanan ay may kani-kaniyang kilalang tao, lugar, at pagdiriwang. Igalang natin ang mga ito. Gawain 1 Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang tao, lugar, at pagdiriwang sa inyong lugar. Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan ulo- sikat na tao kamay- kilalang pagdiriwang paa- kilalang lugar Tandaan Subukin
  • 42. Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong “Isang Kahilingan.” Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito. A B kagalakan ngiti pagkagulat regalo kalungkutan luha kasigasigan handaan pagkasabik mag-anak Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang pandama? Anong uri ng pangngalan ito? Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naamoy? Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito? Gawain 2 Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na kakatawan sa nakasaad na di-kongretong pangngalan. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Halimbawa: pagmamahal – bulaklak , tsokolate 1. pananampalataya - ________ ________ 2. katarungan - ________ ________ 3. karunungan - ________ ________ 4. kalinangan - ________ ________ 5. kaunlaran - ________ ________ Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 43. Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang maaari nating madama samantalang ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy. May mga kaibigan ka ba? Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan? Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa iyong paligid? Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang kaibigan. Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono, at damdamin. Read and Learn! pamilihan silid-dalanginan pulis paaralan sayaw gawang-kamay aklat kulungan daan Bibliya Basahin at Alamin Tandaan
  • 44. Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante ni: Florita R. Matic Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan Tunay na taong mapagkakatiwalaan Tulad ng bato, matatag at matibay May lakas at tibay na walang kapantay. Sa sandaling tayo ay naliligaw Mga kaibiga’y nakaagapay Tulad ng isang matuwid na daan Tunay na kaibigan’y di ka bibitawan Totoong kaibiga’y tulad ng kayaman Gaya ng gintong may kinang na taglay Walang katumbas, di kayang bayaran Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay. Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin Ang halaga nito’y hindi sukat akalain Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang katangian na mayroon ang bato na tulad ng isang kaibigan? 2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang daan ay katulad ng isang kaibigan? 3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong katangian ang magkatulad ang dalawa? 4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian ang magkapareho sa kanila? 5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit? Isipin
  • 45. Gawain 3 Basahing muli ang tula. Ano ang ibig sabihin ng tula? Isulat ang sagot sa kuwaderno. Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na walang kapantay. 2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibigan’y di ka bibitawan. 3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning. 4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan. 5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay. Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan ang isang kaibigan? Puwede bang ihambing ang tao sa bagay? Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay? Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay? Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing? Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya ng-. Halimbawa: sintamis ng kendi tulad ng rosas Basahin at Alamin Tandaan
  • 46. Gawain 4 Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap. Halimbawa: Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak. 1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang makita niya si Leah. 2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin. 3. Singgaan ng balahibo ang papel. 4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat. 5. Tulad ng bituin ang kislap ng kaniyang mga mata. 6. Lumangoy siyang simbilis ng isda. Gawain 5 Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap na may simile o pagtutulad. Isulat ang sagot sa patlang. 1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng ____________________________________________ 2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa, ay ____________________________________________ 3. manggagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay, langgam ____________________________________________ 4. isip, ang, kaniyang, sinliwanag, ng, ay, araw ____________________________________________ Subukin
  • 47. 5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng ____________________________________________ 6. ang, palagay, ay, umaagos, tulad, kaniyang, ng, ilog ____________________________________________ Basahin ang liham. Tingnan kung paano ito isinusulat. 18-B. Chico St. Marulas Valenzuela City Ika- 23 ng Hulyo, 2013 Mahal kong Ellaine, Ang aking lola’y magdiriwang ng kaniyang ika-89 na kaarawan sa ika-10 ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang isang sorpresa. Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Tiyak na matutuwa ang aking lola kung makadadalo ka sa kaniyang kaarawan. Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating. Ang iyong kaibigan, Eunice Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 48. A. Sagutin ang mga tanong. Sino ang sumulat ng liham? Saan nakatira si Eunice? Kailan niya isinulat ang liham? Kanino niya ipinadala ang liham? Tungkol saan ang liham? B. Paano isinulat ang katawan ng liham? Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po. 1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham? 2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat pangungusap? 3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit, at iba pang bantas na ginamit? 4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita? 5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel? Gawain 6 Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake: 1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees F (175 degrees C). 2. Sa isang katamtamang laki ng lalagyan, paghaluin ang mga sangkap ng tatlong minuto gamit ang de-kuryenteng panghalo. 3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin. 4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang oven. 5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan. Isipin
  • 49. 6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas, at vanilla nang salit- salit. 7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at lagyan ng icing ang bawat patong. Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1 Tukuyin ang uri ng mga pangngalang nasa loob ng kahon. Isulat ang mga ito sa ilalim ng angkop na pamagat. Di-Kongkretong Pangngalan Kongkretong Pangngalan
  • 50. tagumpay medalyang ginto pagmamahal pagtitiyaga kaalaman aklat computer paaralan kapayapaan watawat Pagsasanay 2 Buuin ang simile o pagtutulad sa mga pangungusap sa ibaba. Gamitin at isulat sa patlang ang mga salitang nasa loob ng kahon. sindilim ng sintamis ng isang anghel isang araw isang ilog 1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______. 2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi. 3. Tulad ng ________kung siya ay magsalita. 4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ng jam. 5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng ______ na nagbibigay liwanag. Pagsasanay 3 Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito ng isda. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. a. Linisin ang isda. b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta. c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika. d. Iprito ang isda hanggang sa maluto. e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang tumulo ang mantika. f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis.
  • 51. Unang Kuwarter Ikaanim na Linggo Aralin 6: Pag-iingat Sa Kalikasan May hardin ba kayo sa bahay? Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin? Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin? Bigkasin ang tula. Hardin Ko…Pinggan Ko! ni: Florita R. Matic Isang araw, sa aking paggising Aking nasilayan pagsikat ng araw Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati Tila isang dalagang mayumi. Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan. Kung ikaw ma’y nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin. Ang hardin ko ay aking pinggan Na nagpapalusog sa aking katawan Dahil sa alaga kong anong inam Puno ng pagmamahal na iningatan. Read and Learn!Sabihin at Alamin
  • 52. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula? 3. Saan iwinangis ang araw? 4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kaniyang sarili? 5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula? Gawain 1 Pagkuha ng Pangunahing Diwa ng bawat saknong Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung tungkol saan ang saknong. Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel. Isipin Subukin Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Pangunahing Diwa: a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw. b. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita sa kaniyang hardin. c. Maraming pagong sa kaniyang hardin.
  • 53. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan. Pangunahing Diwa: a. Magandang pagmasdan ang mga tanim. b. May mga bituin sa halamanan. c. Higante ang mga halaman. Kung ikaw may nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin. Pangunahing Diwa: a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin. b. Nagbibigay saya ang aking hardin. c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin. Gawain 2 Gumuhit ng hardin na gusto mo sa iyong kuwaderno.
  • 54. Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ako’y isang kalabaw sa bukid. 2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan. 3. Mga higante ang halaman. 4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kaysarap pagmasdan. 5. Ang hardin ko ay aking pinggan. Paano pinaghambing ang mga bagaysa bawat pangungusap? Anong anyo ng pananalita ang ginamit? Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag na metapora o pagwawangis. Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-. Read and Learn!Basahin at Alamin Tandaan
  • 55. Gawain 3 Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay gumamit ng metapora. ______1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo. ______2. Singgaan ng balahibo ang papel. ______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga modelo. ______4. Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat parang pagong kung siya ay kumilos. ______5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang ama. Gawain 4 Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon. 1. Madaling mawala ang galit ni Bing. Siya ay may _____________________________. 2. Hindi marunong magpatawad si Rene. Mayroon siyang __________________________. 3. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar. 4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya ay may__________. dilang-anghel pusong mamon dugong-bughaw pusong bato isang kahig, isang tuka Subukin
  • 56. 5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho ang magulang niya. Sila ay___________________________________. Mayroon ka bang talaarawan? Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan? Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa niya araw-araw. Read and Learn!Basahin at Alamin Ako po si Ronel, walong taong gulang. Paghahardin, pangongolekta ng halaman, at pagtatanim ng mga puno ang aking mga paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan. Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi pagkatapos kong gawin ang aking takdang-aralin.
  • 57. Lunes, Ika-22 ng Hulyo 2013, ika-7:00 ng gabi Dinala kami ng aming guro sa Science na si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga halaman. Namangha ako sa dami ng mga makukulay na halaman sa aming hardin. Kahanga-hanga ang galing ng aming hardinero sa pag-aalaga ng halaman. Martes, Ika-23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na kinakausap niya ang kaniyang mga tanim sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas sa kaniyang paningin. Miyerkules, ika-24 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan. Nagpasalamat ako sa kaniya. Alam niyang mahilig akong magtanim.
  • 58. Huwebes, ika-25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla. Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag ng araw upang hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga tanim. Biyernes, ika-26 ng Hulyo, 2013, ika-7:15 ng gabi Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin. Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga tuyong dahon. Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga halamang namumulaklak. Sabado, ika-27 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Kahit walang pasok, maaga akong gumising upang tumulong sa mga gawain.Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan, agad akong pumunta sa aking hardin. Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga itinanim. Linggo, ika-28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan ang aking hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang namumulaklak na halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo. Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang sariling hardin! Gawain 5 Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na nagustuhan? Gumuhit ng kuwadro sa sagutang papel at sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol dito.
  • 59. Gawain 6 Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran. Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan. 1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? 2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong ibahagi? 3. Kailan at saan ito nangyari? 4. Ano ang nangyari noong araw na iyon? Mahilig ka bang magbasa? Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat? Kaya mo bang tukuyin ng lima sa mga bahagi nito? Salunguhitan ang mga ito. Isipin
  • 60. Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat, paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat, talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya. Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1 Pagtambalin ang metapora sa hanay A sa katumbas nito sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. A B _____ 1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho _____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam _____3. basang-sisiw c. masama ang ugali _____4. kayod-kabayo d. problema _____5. pusong bato e. inaapi pabalat ng aklat katawan ng aklat pahinang pang-isports pamagat pang-ulong tudling talaan ng nilalaman talaan ng pagpapalimbag glosari Tandaan
  • 61. Pagsasanay 2 Piliin mula sa talaan sa ibaba ang iba’t ibang bahagi ng aklat. Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno. glosari bibliyograpiya pabalat ng aklat pahinang pang-isports indise o indeks pamagat pahinang pamagat talaan ng nilalaman paunang salita katawan ng aklat talaan ng pagpapalimbag ng aklat Pagsasanay 3 Tukuyin ang pangunahing diwa na ipinapahayag ng bawat talata. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. _____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod. Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay, kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig. a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay. b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng bakuran. c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y nakatira sa lungsod. _____2. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa isang proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na “Tayo nang Maglinis.” Araw-araw pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang ang pamayanang malinis ay ligtas sa sakit. a. Si Ana at ang iba pang girl scout ay naglilinis ng paligid araw-araw. b. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa proyektong “Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas sa sakit ang kanilang pamayanan. c. Nakatutuwang maging girl scout dahil maaari kang sumali sa proyekto ng pamayanan.
  • 62. Unang Kuwarter Ikapitong Linggo Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin Paunang Pagtataya Lagyan ng tsek () ang wastong hanay kung ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. Pangungusap Sang- ayon Hindi Sang- ayon 1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya ng-. 2. Ang tatay ko’y kawangis ng toro kapag nagbubuhat siya ng mabigat na karga. Ito ay halimbawa ng metapora. 3. Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. 4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng tuldok, tandang pananong o padamdam sa hulihan ng pangungusap. 5. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa. Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit. Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 63. Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi. Ang sanggol ay anghel ng pamilya. Siya ay gutom na leon kung kumain. Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato? Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan? Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop na gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis? Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang pagkakapareho ng mga bagay? Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad? metapora o pagwawangis? Paanong nagkaiba ang simile at metapora? Simile at Metapora Ano ang simile? Ano ang metapora? Tandaan
  • 64. Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora. Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang. 1. ______________________________________ 2. ______________________________________ 3. ____________________________________ 4. ___________________________________ Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-tulad ng- at gaya ng-. Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng-. Isipin
  • 65. 5. ___________________________________ Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong “Tulad ng Langgam.” a. Nagwawalis ng bakuran si Athena. b. Nagdidilig ng halaman si Brigette. c. Nagbubungkal ng lupa si Rose. d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. e. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim. Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak na pangungusap. Simuno Panaguri Athena nagwawalis ng bakuran Brigette nagdidilig ng halaman Rose nagbubungkal ng lupa Kuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono Mark nagbubunot ng damo Mang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim Ano ang mga bahagi ng pangungusap? Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit? Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan lamang? Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap? Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 66. Ano ang payak na pangungusap? Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap. Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa ginawa o ikinilos ng simuno. Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang pananong (?), o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap. Gawain 1 Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang. Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang panaguri. Tandaan Subukin
  • 67. Tulad ng Langgam ni: Claire B. Barcelona “Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila masyadong abala?” tanong ni Brigette. “Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya. Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang tatay. “Athena, Brigette, at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga anak. Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya- maya’y naging abala na ang lahat. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Read and Learn! Basahin at Alamin
  • 68. Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung- tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain. Nakangiting pinagmamasdan ng nanay ang kaniyang mga anak. “Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina. Sagutin ang mga tanong. Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya? Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang pagtatrabaho? Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kaniyang mga anak? Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata? Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga langgam para sa tag-ulan? Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata? Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin? Gawain 2 Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong pamilya sa mga espesyal na okasyon? Ibahagi ang iyong karanasan sa bawat pangyayaring nakasulat sa kahon, gamit ang payak na pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel. Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot. bakasyon kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso
  • 69. Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung- tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain. Ano ang isinasaad sa bawat talata? Ano ang pangunahing diwa ng unang talata? Ikalawa? Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa pangunahing diwa? Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito? Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata? Saan makikita sa talata ang susing pangungusap? Ano ang susing pangungusap? Ano ang pangunahing diwa? Sabihin at Alamin
  • 70. Gawain 3 Suriin ang tsart at buuin ang kaisipan. Isulat sa sagutang papel ang nawawalang impormasyon sa tsart. Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng talata. Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing pangungusap. Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng bahagi ng teksto. Pamagat ng Kuwento Pagbabasa ng Diyaryo Pag-iipon ng mga Larawan liba- ngan pagbaba- sa ng aklat at diyaryo pagtata- nim ng halaman Tandaan
  • 71. Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo. Tagapagsalita 1: Ang DCBB Balita Ngayon ay magbabalik pagkaraan ng paalalang ito. Joseph: Mark, saan ka galing? Mark : Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking takdang aralin at humiran na rin ako ng aklat. Joseph: Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo ng computer. Mark: Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni tatay. Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento dito sa aklat na hiniram ko. Joseph: Uy, kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento! Mark : Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis kong nakikita ang aking hinahanap. Joseph: Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa. Mark: Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang matututuhan. Tagapagsalita 2: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng AKLAT Foundation at ng istasyong ito. Tungkol saan ang paalala sa radyo? Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang libangan? Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark ng kuwento sa aklat? Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 72. Gawain 4 Pag-aralan ang mga impormasyon na nakasaad sa talahanayan na nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibang bahagi ng aklat. Bahagi ng Aklat Kahulugan 1. Pabalat ng aklat nagpapakita ng pamagat ng aklat, may-akda, at gumuhit ng mga larawan. 2. Talaan ng pagpapalimbag ng aklat nagsasaad kung kailan inilimbag ang aklat 3. Talaan ng nilalaman nagpapakita ng paksa, aralin, at pahina kung saan ito mababasa 4. Katawan ng aklat nilalaman ng aklat 5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng mga salitang ginamit Ano-ano ang bahagi ng aklat? Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito? Gawain 5 Itambal ang nilalaman ng hanay A sa bahagi ng aklat na nasa hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang papel. A B 1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbag ni Paz M. Belvez 2. EduResources Publishing, Inc. b. pabalat ng aklat Visayas Avenue, Quezon City
  • 73. 3. Aralin 1-Mga Tugmang-bayan c. glosari (Salaysay)………….2 4. malumbay, 24 5. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalaman Lingguhang Pagtataya Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng Linggong ito. Sagutin nang wasto ang bawat aytem gamit ang inyong sagutang papel. A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong. “Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanap niya ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon. Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala. Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang tatay. Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyong boteng lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang nanay ay nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong. “Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang lahat para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Baranggay na tuwang-tuwa. “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay,” puna ni Mark . 1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento? a. Ang Pista b. Oras ng Maglinis c. Pagtutulungan ng Mag-anak d. Paghahanda sa Pista
  • 74. 2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng binasa? a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan. b. Hiniling ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na maglinis. c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan. d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging responsable. 3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon sa diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa- hiwalay?” a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan. b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa paghahanda para sa pista. c. Iniutos ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na maglinis ng daan. d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa paghahanda para sa pista. A. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung metapora. _____1. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya Nang kumain sila, gabundok na kanin ang naubos. _____2. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag ang kaniyang paboritong plorera. _____3. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng langit kapag iyong natikman. _____4. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera. B. Basahin ang talata at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel. Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si
  • 75. Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola. 1. Alin ang susing pangungusap? a. Umaga ng Sabado. b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola. c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. 2. Aling pangungusap ang hindi sumusuporta sa pangunahing diwa? a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. b. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. 3. Ano ang kaisipang diwa ng talata? a. Ang mga Batang Abala b. Katapusan ng Linggo sa Lolo at Lola c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola 4. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit, at naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kaniyang titingnan? a. indeks o indise b. glosari c. pabalat ng aklat d. talaan ng nilalaman
  • 76. 5. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba. Alin sa mga ito ang halimbawa ng payak na pangungusap? a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang nanay na magluto ng tanghalian. b. Tatlong makukulay na paruparo sa isang magandang hardin c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang asawang si Joyce. d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kaniyang computer sa paaralan. C. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan nito. Isulat ito sa papel. (13-15) Unang Kuwarter Ikawalong Linggo Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya Paunang Pagtataya Piliin at isulat sa sagutang papel ang hanay na kakatawan sa iyong pansariling karunungan sa nakaslulat na konsepto. Lagyan din ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo ito. Konsepto Alam na alam ko Ito Narinig ko na Ito Wala palatandaan Hal Kahulugan tambalang pangungusap salitang may iba’t ibang
  • 77. Tara Na! ni: Florita R. Matic Ang lahat ng kasama’y abala Ang pakiramdam ay masaya Dahil lahat ay tiyak na sasama Sa lakbay-aral na kay saya Tiyak na magdudulot ng ligaya. Tara na at maglakbay Ingat lang at alalay Sa paanan ng burol Hakbang mo’y ingatan Talampakan ay tatagan. Mga puno sa burol Puno ng sangang madahon Sa tabi naman nito’y May tubo na nakabaon. Doon sa di kalayuan Iyong masisilayan Mga tanim na tubo Tubo na ang ilan Kay sarap tikman. Paso at lapnos ang aming balat Sa init ng araw na matingkad. Dahil sa layo ng aming nilakad kahulugan nakapagbibigay- hinuha sa nararamdaman ng tauhan talaan ng nilalaman Read and Learn!Basahin at Alamin
  • 78. Katawang pagod ay agad napaupo Sa tabi ng paso dahil sa hapo. Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang beses sa rap na binasa? Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso? Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita? Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng salitang magkapareho ang baybay? Mga Salitang may Iba’t Ibang Kahulugan Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart. Salita Kahulugan puno tanim o punong-kahoy maraming laman tubo daluyan ng tubig isang uri ng pananim na ginagawang asukal usbong ng halaman na lalaki pa lamang paso lapnos sa balat dahil sa init lalagyan ng halaman Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart? Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibang kahulugan? Paano mo malalaman kung ano ang angkop na kahulugan ng salitang may magkaparehong baybay na ginamit sa pangungusap? Ang mga salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang kahulugan. Ang kahulugan ng mga salita ay nakabatay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap. Sabihin at Alamin Tandaan
  • 79. Pag-aralan ang bawat larawan at itambal ito sa pangungusap nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang sagot. a. Bumili ng bagong saya si Ana. 1. 2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang saya na kanilang nararamdaman. 3. c. Malakas ang tunog ng pito. 4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng bilang na pito. 5. e. Magtanim tayo ng puno. f. Puno ng kape ang tatlong tasa. 6. Isipin
  • 80. Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang iyong hinuha sa kanilang nararamdaman. Sino sino ang tauhan sa usapan? Ano ang nararamdaman ni Athena? Ano ang iniisip ni Brigette? Ano ang sagot ni Anton? Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak? Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton? ni Mang Jose? Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan. Tauhan Nararamdaman Iniisip Ginawa Usapan Ugali Athena Brigette Anton Mang Jose Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi ng hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan? Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot. Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton. Anton: Madali lang yan. Tutulungan kita. Ano ang sinabi? Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya. Ano ang nararamdaman? Sabihin at Alamin
  • 81. Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Paano mo masasabi kung ano nararamdaman ng tauhan sa kuwento? Gawain 1 Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino. Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na damdamin. Paano mo ito nalaman? Damdamin Sitwasyon kinakabahan kawalan ng tiwala sa sarili maiyak-iyak matapang Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa, o iniisip. Ako po si Dino. Tandaan Ito ang araw ng palatuntunan sa paararalan nina Dino. Masaya ang mga magulang, kapatid, at iba pang manonood dahil masasaksihan nila ang talento ng mga mag-aaral. Tinawag na si Dino at siya ay tumugtog. Ang lahat ay nagpalakpakan at nasiyahan sa kaniyang ipinakita. Binati at niyakap siya ng kaniyang kapatid pagkababa niya sa entablado. Nagustuhan ng kaniyang tatay ang napakaganda niyang ipinalamas.
  • 82. Gawain 2 Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan. Sipiin sa inyong sagutang papel. Ugali Ginawa at Sinabi ng Tauhan “Hindi ko halos narinig kung kailan ka nagkamali. Lahat ay pumalakpak pagkatapos mong tumugtog.” “Narinig kitang tumugtog. Ang husay mo!” Niyakap niya ang kapatid. “Bakit, Dino?” bulong niya sa kapatid. Ako po si Angela. Ano po ang ugali ko? Pangalan ng tauhan iniisip ginagawa nararamdaman Ako po si _______ ___________. sinasabi
  • 83. Magandang Ideya ni: Claire B. Barcelona “Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,” sambit ni Brigette sa kapatid. “Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena. “Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong sagutin nang maraming beses pero hindi ko talaga makuha,” sagot ni Brigette sabay lapit sa kaniyang kapatid. Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math. “Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong tanong ni Athena. “Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya Anton sa Math. “Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong puso,”mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing “Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.” Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang tumungo sa hapag-kainan. Basahin at Alamin
  • 84. Sagutin ang mga tanong.  Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga kapatid?  Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga kapatid?  Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa niya ang kaniyang galing sa Math?  Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong ipagmalaki?  Ibinabahagi mo ba sa iyong pamilya ang iyong talento? Paano?  Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin? Tambalang Pangungusap Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kuwento. a. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin at humanga sila sa kaniyang husay. b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si Athena. c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton. d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa hapag-kainan. Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap? Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin at humanga sila sa kaniyang husay. Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap? Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag- isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag? Basahin at Alamin
  • 85. Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa? Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa? Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap na ginamit sa kuwento. Ano ang tambalang pangungusap? Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa? Ano ang pang-ugnay? Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang pangungusap? Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap? Gawain 3 A. Nasaan ang aking kaparis? Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel. A 1. Pagpipinta ang gusto ni Mark. 2. Tumutugtog ng gitara siJoseph. 3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda. 4. Mahusay sumayaw si Grace. 5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at-, o-, ngunit-, at saka-. Tandaan
  • 86. B a. Araw-araw siyang nagsasanay. b. Siya ang lider ng cheering squad. c. Kumakanta ang banda nila sa handaan. d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit. e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan. Gawain 4 Talaan ng Nilalaman ng Aklat Pag-aralan ang talaan ng nilalaman at sagutin ang sumusunod natanong. Isulat sa sagutang papel. Ilang aralin mayroon sa talaan? Ano ang pamagat ng huling aralin? Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa pagtuklas ng iyong lakas? Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98? Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng libangan? Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito? Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at priyoridad? Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling aralin ang babasahin mo? Mga Libangan Mo Aralin 1 Pag-usapan ang mga Libangan…………………1-7 Aralin 2 Pagtuklas sa iyong Lakas……………………... 8-39 Aralin 3 Pagyamanin ang Galing….………………….. 40-76 Aralin 4 Ibahagi sa Iba………… ……………………… 77-99 Aralin 5 Pagpapaunlad sa Sarili…..…………………100-124 Aralin 6 Libangan laban sa Priyoridad……………...125-150
  • 87. Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng aklat? Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat? Lingguhang Pagtataya Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng Linggong ito. Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto. A. Pakinggan ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra. Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal ni si Myka. “Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka. “Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na tugon ni Myko sa kakambal. Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay. Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa unahang bahagi ng aklat. Nakasaad dito ang yunit, aralin, o kuwento at kung saan pahina ang mga ito matatagpuan. Tandaan
  • 88. 1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko? a. makasarili b. mapagtiwala c. palakaibigan d. matigas ang ulo 2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang kakambal? a. natakot b. nalungkot c. nagalit d. humingi ng paumanhin 3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si Myko? a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan. b. Mayroon kang sariling manika. c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. d. Maaari bang mahiram ang iyong bola? B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot. 4. Alin ang tambalang pangungusap? a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola. b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa kanilang Tito Bobby. c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si Myka, umalis siyang maluha-luha. d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo. 5. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. karneng manamis-namis ang luto b. paghingi ng tawad c. pag-aanyaya ng away d. pagkaing gawa sa isda
  • 89. 6. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong pang-ugnay. Tumula ang mga batang babae. Nagsayaw ang mga batang lalaki. Alin ang tama? a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang mga batang lalaki. b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang mga batang lalaki. c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga batang lalaki. d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang mga batang lalaki. 7. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan? a. Nakadamit ng saya ang mga bata. b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya. c. Baro at saya ang kasuotan ng mga ninuno nating Pilipino. d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa kanilang mga ngiti. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel. a. taniman ng halaman b. lapnos ang balat dahil sa init c. lagpas na sa itinakdang araw 8. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa. 9. Ginamot ng nanay ang mga paso ni Mark sa braso. 10. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito.
  • 90. C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat. 11. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong malaman ang ehersisyong bagay sa iyo? a. aralin 1 b. aralin 2 c. aralin 3 d. aralin 4 12. Anong impormasyon ang nasa pahina 32? a. Tamang Ehersisyo b. Gabay sa Pagkain c. Mabuti sa Katawan d. Pag-iingat na Kailangan D. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang pangungusap tungkol dito. Malusog na Pamumuhay Aralin 1 Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18 Aralin 2 Pag-iingat na Kailangan…...…………….. 19-36 Aralin 3 Mag-exercise Tayo……………..………… 37-54 Aralin 4 Pagkaing Tama sa Iyo…………............... 55-75 14.________________________________________________ 15. ________________________________________________
  • 91. Unang Kuwarter Ikasiyam na Linggo Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan Pagpapayaman ng Bokabularyo Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng alcohol. a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng alcohol. b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay kalsada. 2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa Corregidor. a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga makasaysayang lugar ng ating bansa. b. Maliwanag ang tala kung gabi. 3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw. a. Pakiusap, iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na panauhin. b. Bukas aalis na ang iyong pinsan. Paano mo nakikilala ang mga salitang maraming kahulugan. May mga salita na maraming kahulugan. Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap. Basahin at Alamin Tandaan
  • 92. Gawain 1 Hanap larawan: Piliin at iguhit sa sagutang papel ang larawang nagpapahayag ng pangungusap. 1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging. 2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ika-pito niyang kaarawan. 3. Ang baso ay puno ng gatas. 4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika. 5. Kulay berde ang upo. Subukin
  • 93. Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan na inilalarawan sa pangungusap. a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangakapan na hindi nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________. mapagbigay bastos tamad b. Hinugasan ni Monina ng mga pinggan ng walang reklamo si Monina ay __________. mabait mapagbigay matulungin c. “Monita, ibigay na lang natin sa matandang nagugutom ang ating baon. Si Monina ay__________. malungkot galit mapagbigay d. “Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko ibibigay,“ wika ni Monita. Siya ay _________. makasarili maalalahanin palakaibigan e. Nararamdaman niyang siya ay __________. masaya malungkot mainitin ang ulo Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isang tauhan sa kuwento upang malaman natin ang kaniyang ugali. Kung ano ang sinasabi, ginagawa, inisip, at nararamdan ng tauhan ay nagpapakita kung anong ugali ang mayroon siya. Sabihin at Alamin
  • 94. Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang dalawang pangungusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salitang dahil o habang. 1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit. 2. Nilinis ni Maria ang kuwarto. Naghihintay si Mario sa labas. 3. Umawit si Paolo. Matamang nakinig ang kaniyang mga kaklase. 4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang punong guro. 5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay. Ano ang hugnayang pangungusap? Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap? A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sabihin kung ang pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang ugnay na dahil o habang. Basahin at Alamin Tandaan Basahin at Alamin
  • 95. 1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doon kahapon. 2. May sakit si Alice at kailangan niyang tumigil muna sa bahay. 3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong. 4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito. 5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng bus. B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng pag ugnay na dahil o habang. 1. Nakapunta kami sa maraming lugar _____ kami ay nasa Cebu. 2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ namamaga ang kaniyang paa. 3. Sikat ang pamilya Garrara ________ lahat ng kanilang mga anak ay nasa honor roll. 4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa. 5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga lalaki sa silid-aralan. Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong. April 25, 2012 Ibinili ako ng tatay ng asul na bisikleta. Sa darating na bakasyon mag-aaral akong magmaneho. Natutuwa talaga ako! Bert April 27, 2012 Marunong na akong magmaneho ng bisikleta. Tinuruan ako ng tatay. Ngunit dahil madulas ang kalsada kahapon, natumba ako. Nasaktan ang aking tuhod. Napakasakit. Bert Basahin at Alamin
  • 96. Tanong: 1. Sino ang sumulat ng talaarawan? 2. Ano-ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan? 3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert? Pagsulat ng talaarawan Sagutin ang tanong: 1. Ano ang mahalagang nagyari sa iyo noong Sabado? Sumulat ng dalawang pangungusap. 2. Bakit nangyari iyon? 3. Ano ang naramdaman tungkol dito? Gamit ang inyong mga sagot, sipiin ang talaarawan sa sagutang papel. Isulat ang inyong karanasan. Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay tungkol sa ating sarili. Mga pangyayari na gusto at hindi natin gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o mabalikan natin ang mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Ang Aking Talaarawan _________________________ Petsa ______________________________________________________ ______________________________________________________ Tandaan Subukin
  • 97. Pagpapayamang Gawain Iguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itong kawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay. Isalaysay sa buong klase ang iyong nabuo. Suriin ang inyong ginawa. Lagyan ng marka batay sa bituin sa tsart ang inyong katha. Nilalaman at Kaayusan Nakuha 1. Ang mga pangungusap ay naisulat nang angkop, kumpleto, at nauunawaan (may tamang bigkas) 2. Ang mga pangungusap ay maliwanag at kumpleto 3. Ang mga pangungusap ay hindi kumpleto pero maliwanag Katangian 1. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay ng isang mag-aaral 2. Ibang kamag-aral 3. Kulang ng rmga detalye