El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
Xenang
1. Ang Alamat ni Bernardo Carpio
Nuong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa
ng mga Kastila ay
mayruong mag-asawang naninirahan sa paanan ng
bundokng San Mateo,
Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila
ay mabait, masipag,
matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon
nang kanilang
pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa
man sila ay
masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa
lalu na tulad nilang
naghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa
kanilang pook ay
inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang
patuloy silang
umaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng
sariling anak.
Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis,
at pananalig ay
kinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang
panalangin na
magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan
sila ng isang
malusog na sanggolna lalaki. Bukod duon,
biniyayaan din ni Bathala ang
sanggolng pambihirang lakas at kisig simbolo ng
lakas ng pananalig at
kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga
magulang.
Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng
pambihirang lakas at kisig.
Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak
ay nagagawa na
niyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay
muntik na siyang
mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo
kundi naagapan ng
isang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa
kanilang pook upang
magturo ng Kristiyanismo.
Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas
at kisig ng sanggol,
siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang
mga magulang.
Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de
Carpio, isang
matapang, bantog,makisig, at maalamat na
mandirigma sa bansang
Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging
maalamat ding buhay
ni Bernardo Carpio sa Pilipinas.
Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas
ang pambihirang
lakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay
nagagawa niyang
bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang
paglalaro. At kapag
isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang
walang anuman na
binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang
makagawa ng daanan
sa masukal na kagubatan ng San Mateo.
Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay
lumaking mabait,
matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang
pamamasyal sa
gubat,ay may natanawsiyang kabayo na nahulog sa
bangin at napilay.
Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang
sagipin at tulungan ang
kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon
niya ang kabayo
sa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin
at alagaan.
Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni
Bernardo ay dumaloy
mula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo
na naging dahilan
upang mabilis etong gumaling at nagsimulang
nagpamalas din ng
pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas
at bilis ang kabayo
ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si
Bernardo at si Hagibis ay
laging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng
San Mateo.
Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga
Kastila sa mga
karapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-
ibayo. Mapagtiis
man ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon
na hindi na nila
matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan.Ang mga
kalalakihan ay
nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga
pangkat sa
hangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng
mga Pilipino. Dahil sa
kanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging
makabayan ay napili si
2. Bernardo na namuno sa namimintong himagsikan
laban sa mga Kastila.
Nang makarating sa kanilang kaalaman ang
nagbabantang himaksikan
ng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si
Bernardo ang
napipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g
mga Kastila. Dahil sa
pambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam
nilang mahihirapan
silang igupo ang anumang himagsikan at malamang
na magtagumpay
pa eto.
Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at
pambihirang lakas ay
nabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo
upang maging
matagumpay ang himaksikan laban sa mga
mananakop. Dahil dito ay
gumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay
inanyayahan nila si
Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay
dinggin ang
karaingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag
lamang upang sa tulong
ng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at
hindi na
makapamuno sa himagsikan.
Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon,
ang mga Kastila ay
may nahuling isang engkantado na kasalukuyan
nilang isinasailalim sa
eksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng
simbahan upang
sugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan
ng engkantado.
Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa
pamumuno ni
Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila
sa ispiritu na
sumapi sa engkantado na ititigil nila ang eksorsismo
(exorcism) kung
tutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa
paniniwala ng mga
Kastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay
matatapatan lamang ng
agimat na taglay ng engkantado.
Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila.
Agad nilang
inanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang
diumano ay
dinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila
ay may nakahandang
bitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang
yungib ay
naghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran
ng magkaparis na
naglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit
ng engkantado ang
kanyang agimat upang pag-umpugin nito ang
naglalakihang bato sa
pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.
Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya
nakaiwas at unti-unting
siyang naipit ng nag-uuntugang bato.Ginamit niya
ang kanyang lakas
upang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang
lakas ay may katapat na
lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.
Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na
naghihintay sa may
paanan ng yungib ay naramdaman nitong may
masamang nangyayari
kay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa
kapatagan upang
humingi ng tulong sa mga mamamayan subali't
natagalan bago
naunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga
halinghing at pag-
aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin
nila ang pagkawala
ni Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na
sundan siHagibis dahil
lagi silang magkasama.
Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng
yungib at tinangka
nila etong pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na
ay sinalubong sila
ng nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at
ikinapilay ng ilang
kalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-
uumpugang mga bato at
nuon ay napagtanto nila na ang yungib ay
pinagpupugaran ng
engkantado.Sila ay nangatakot at bumalik sa
kapatagan ng hindi nakita
si Bernardo.
Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay
naiipit ng nag-
uumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang
kumawala ay nagiging sanhi
eto ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.
3. Ang pagkawala ni Bernardo ay naging malaking
dagok sa namumuong
himagsikan ng mga Pilipino dahil sa pagkawala ng
isang malakas at
matapang na pinuno. Lumipas pa ang ilang taon bago
muling nabuo ang
loob ng mga Pilipino na ituloy ang pakikipaglaban sa
mga Kastila.
Taung 1895 nang muling magpulong ang mga
kalalakihan sa yungib ng
Pamitinan at duon, sa karangalan ni Bernardo Carpio,
ay ginawa nila ang
unang sigaw ng himagsikan laban sa mga Kastila
Alamat ng Bulkang Mayon
Noong unang panahon,sa kaharian ng Albay ay may
isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na
kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa
Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang
Dalaga."
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan
kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag
ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa
mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah
sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang
hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo
ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang
pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng
araw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat
Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang
Magayon.Marami siyang mga pagkakataong
makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga
sagabal. Minsan,malapi sa munting ilog, nakita ang
dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y
ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y
nagparinig ng himig ng masayang awit upang
matawag ang kanyang pansin.Nagkatitigan sila at
ang binata'y nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito'y
nagsalita, "Magandang Mutya,mula ako sa malayo
upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong
kariktan!"
"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"
"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit
ditto. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at ako'y
masisiyahan na!"
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo
sa mga palad ng binata at ito'y kagyat na idinampi sa
kaliwang dibdib.
"Maaari bang kita'y makitang muli?"
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa
makasaysayang batis.
"Isang araw," mungkahi ng lalaki, "kita'y iniibig.
Tayo'y pakasal!"
"Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?" may
alinlangang paliwanag. "Dapat niyang malaman!"
"Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo
sa kanya!"
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang
nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung
kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog
ng buwan, matapos ang anihan.
Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang
mga magulang ang itinakdang kasalan. Kakaunin
niya ang ama't ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.
Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang
napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala
ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan
niya si Daragang Magayon.
Matigas ang pagtangging dalaga sa kabila ng mga
pagbabala: "Kung hindi kita makamtan, walang
magkakamit sa iyo sinuman!"
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay
niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y
magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na
ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa siya
nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa
duruwangawan at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan
nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng
maringal na handaan - kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya
kasama ang mga magulang.
"Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!"
sabi ni Malaya.
"Hindi maaari!" tugon ni Kauen.
Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si
Malay ay subok sa espada subalit si Kauen naman ay
malansi at mapaglalang.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si
Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at
sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat
ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya
ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa
nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo.Ipinag-
utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa
isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang
lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy
maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis.
Tinawag itong Bundok ng Mayon,bilang alaala kay
Daragang Magayon.
4. Nemo, ang Batang Papel
ni Rene O. Villanueva
Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay
ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng
ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop.
Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo.
Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga
sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan.
Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus.
Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng
panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang
paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila!
Araw-araw, tuwing hapon,pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing
makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata.
“Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata!Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata!Gusto kong maghagis ng
bola tulad ng totoong bata!”
Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa pinakamalayong bituin
sa langit.
Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang paglabas ng pinakamalayong bituin . At
nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang hiling.
“Bituin, bituin, tuparin ngayon din Ako’y gawing isang batang masayahin!”
Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga
busina ng sasakyan.
Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong Tatay na walang trabaho, at totoong
Nanay na payat na payat, at walong totoong kapatid na ang ingay-ingay sa isang masikip, makipot, at tagpi-tagpi
pero totoong bahay.
“’Wag kayong tatamad-tamad,” sigaw ng kaniyang totoong tatay.“Magtrabaho kayo!”
Kaya napilitang tumakbo si Nemo palabas ng bahay.
Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na bus.Hindi niya pansin ang mga
humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya.
Kahit bata pa, napilitang maghanapbuhay si Nemo. Sa umaga’y nagtinda siya ng sampagita at humahabol-habol sa
mga kotse.
Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtanda.Kaya naisipan
niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli sa paaralang pinanggalingan niya.
Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos,inirapan lang si Nemo ng libro.
“Hindi ka bagay dito!” sabi ng libro.
“Ang baho-baho mo!” Nagalit din sa kaniya ang mesa.
“Ang dumi-dumi mo!” sinigawan din siya ng pisara.
“Alis diyan!”
Kaya napilitang tumakbo si Nemo. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa gilid ng dagat.Sinabi ni Nemo
ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang
maamoy siya.
“’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo.
Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod,sa bawat sulok ay may
nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang
maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan.May mga kalbo, galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastik
na kapag sinisinghot nila ay parang nagguguhit sa kanilang mukha ng mangmang na ngiti. May mga batang butuhan
ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng matatatandang puti na parang kislap ng balisong ang kislap ng
mata.
“Kay dami-dami palang batang kalye,” naisip ni Nemo.
Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipon -tipon sa parke na
may monumento ng bayaning may kipkip na libro. Tumatakbo sila. Naglulundagan. Nagbibiruan. Nagh ahagikgikan.
Pero napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng
kanilang mata.
5. Sumama si Nemo sa iba pang batang lansangan.Nagtipon-tipon sila sa isang bahagi ng parke. At sa dilim ng gabi,
nagsimula silang maglaro at magkantahan. Nalaman ni Nemo na marami palang batang tulad niya. Mga batang
lansangan,mga batang kailangang maghanapbuhay dahil sa kahirapan.
Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan.Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-pareho pala ang
kanilang gusto:mapagmahal na magulang, maayos na tahanan,masayang paaralan, at sapat na pagkain.
Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang natuklasan. Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa
pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila ang lahat
ng ito.
“Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.”
Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam.
Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at maingay na kalsada.
Nagtaka ang mga taong nakakita sa palutang-lutang na mga batang papel. Marami ang naawa sa kanila. Pero ang
hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na
kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada.
Mabangis na lungsod - Efren R. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan,dumantay sa mukha ng
mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis
na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa
kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na
liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong.Ang gabi ay tulad lamang ng
pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong,ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging
naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong,walang kabuluhan sa
kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusaliroon,alisin na
ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at
mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon,dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na
altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-
anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa,
nahahabag.At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong.Hindi sa simbahan kundi sa mga
taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong.Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa
kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga
bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam
ng pangangalamng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang
katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng
pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong,ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam.
"Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong.Nasasaktan siya, sapagkat
ang bahaging pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa
naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang
bawas.
"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya
sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi,
mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutomna gutomna ako!"
6. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y
naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos
ng mga taong papalabas,waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay
napapaso,nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong.Pinagbuti niya ang
paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.Manapa'y para sa lahat
na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong.Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang
pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring
dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon
malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban.
Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng
ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng
isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay
nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-
daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa
kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni
Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga
hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
"Adong...ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga.Ang malapad na katawan, ang namumutok
na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya
ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat.
Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay.
Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang
makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na
mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala
na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa
murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay
Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa
kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa.
At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong.Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang
ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang
bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno.
Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang
biglang kumandong sa kanya.
KAY MARIANG MAKILING ni Edgar Calabia Samar
Nagpaalam noon ang Nanay.
Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
Anong pook ang maaari niyang puntahan
upang di na magbalik?
Anong pook ang maaari niya?
Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling.
Inalala ang kuwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
“Hindi na siya babalik,” sabi ni Tatay.
Pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo,mas maganda itong tingnan
sa malayo: hindi matitinag, buo.