Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
IBONG ADARNA       Ang kwento ng Ibong Adarna ay umiikot sa mga paglalakbay at pakikipagsapalaran niDon Juan upang mahanap...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Ibong adarna summary

104,622 views

Published on

ibong adarna

Ibong adarna summary

  1. 1. IBONG ADARNA Ang kwento ng Ibong Adarna ay umiikot sa mga paglalakbay at pakikipagsapalaran niDon Juan upang mahanap ang ibon at madala sa kanyang ama upang magamot ito. Tinalakay rinsa kwento ang buhay pag-ibig ng prinsipe at ng kanyang mga kapatid. Ipinakita rin dito angkatapangan at kabutihan ng prinsipe. Nagsimula ang kwento nang magkasakit ang hari dahil sa isang masamang panaginip.Dahil dito, ipinahanap ang Ibong Adarna na sinasabing ang awit lamang nito ang magigingsolusyon sa sakit ng hari. Unang umalis si Don Pedro, ang panganay sa tatlong magkakapatid.Nakarating siya sa Piedras Platas kung saan makikita ang ibon ngunit hindi niya ito nahulisapagkat nakatulog siya at naging bato. Sumunod na umalis si Don Diego upang hanapin angnasabing ibon ngunit sa kasamaang palad ay natulad siya sa kanyang kapatid. Nang aalis na siDon Juan, ang bunso, pinigilan siya ng kanyang ama dahil sa takot nab aka matulad siya sakanyang mga kapatid. Ngunit dahil na rin sa kanyang pangungumbinsi ay pinayagan siya ngkanyang ama. Sa kanyang paglalakbay, nakita niya ang isang ermitanyo at kanya itongtinulungan. Dahil dito, binigyan siya nito ng impormasyon upang mahuli ang ibon. Siya aynagtagumpay at nailigtas din niya ang kanyang mga kapatid sa pagiging bato. Isang kataksilan ang ginawa ng mga kapatid ni Don Juan sa kanilang daan pauwi.Pinagtulungan ng dalawa ang bunsong prinsipe upang sila ang maghari sa trono. Umuwi angdalawa ngunit ayaw umawit ng ibon dahil sa kalungkutan. Sa kabilang dako, si Don Juan aytinulungan ng isang ermitanyo sa paggamot ng kanyang mga sugat. Nakauwi ang prinsipe atsinabi ng hari na ipatapon ang dalawa ngunit dahil na rin sa pakiusap ng bunso ay napatawad angkanyang mga kapatid. Nakatakas ang ibon at kinailangang hanapin muli ng magkakapatid. Sa kanilang paglalakbay ay nakakita sila ng isang balon. Nakarating sila sa kaharian ngArmenya at doon nila nakilala ang dalawang prinsesa na sina Juana at Leonora. Mulingpinagtaksilan ng magkapatid ang bunso. Umuwi ang dalawang panganay kasama ang dalawangprinsesa at naiwan sa gubat si Don Juan. Ipinakasal si Don Diego at si Juana, samantalang siLeonora ay ayaw pumayag na maikasal kay Don Pedro. Muling naglakbay si Don Juan upang hanapin ang Ibong Adarna. Kanya itong natagpuanat sinabing kalimutan na si Leonora. Nagpunta siya sa Reyno de los Cristal at doon niya nakilalasi Maria Blanka. Umibig ang prinsipe sa prinsesa ngunit ang kanilang pag-iibigan ay pilit nahinadlangan ng kanyang ama. Dahil sa takot ng prinsesa para sa buhay ng prinsipe, nagtanan sila.Sa galit ng hari ay binura niya sa isipan ng prinsipe ang alala ng kanyang anak. Paggising ni DonJuan ay wala na sa kanyang alala si Donya Maria kaya umuwi siya sa Berbanya na ang hangarinay pakasalan si Leonora. Nagpunta naman si Maria sa Berbanya upang ipaalala ang kanilangpinagsamahan at bumalik naman ang alala ng prinsipe. Ikinasal si Don Juan at si Maria atikinasal rin si Leonora kay Don Pedro.

×