SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Aralin 19:
PAGPAPAHALAGA SA
KATAPATAN
Katapatan ang kasagutan sa
pagtuklas ng katotohanan, ang
pagsisinungaling at pagpapanggap ay
ang siyang kalaban.
Ano ang kahulugan ng "katapatan sa salita at sa gawa"?
Bakit mahalaga ang pagiging tapat hindi lamang sa salita pati na rin sa gawa? Ang
birtud ng katapatan ay parang madaling gawin, ngunit ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay
isang bagay na dapat tumatak sa pusongisangtaohabang musmos pa lang. Sa edad na anim na
taon maari nang pagtuunan ang katapatan sa katotohanan. Kapag nakasanayan ang
pagsisinungaling at pagpapanggap ay madadala ito sa katandaaan. Kailangan itong pagyamanin sa
mga maliliit na bagay o isyu na pinagkakatiwala sa isang bata. Kapag patuloy na napagtibay ang
pagiging tapat sa salita at sa gawa ay madadala ito ng isang tao sa kanyang paglaki at
magkakaroon siya ng prinisipyo, integridad, at paninindigan sa buhay.
Katapatan sa Salita
May kasabihan na sa kasaganahan ng puso nagmumula ang mga salita ng bibig. Ang
ating mga salita ay siyang naglalarawan ng ating pagkatao. Malalaman kung ano ang
personalidad, kinalakihan, pag-uugali, at kung ano ang nilalaman ng puso sa pamamagitan ng
pananalita. Ang katapatan sa salita ay birtud ng sinseridad sa pananalita.
May pagkakataon na ang ating pananalita ay hindi kumakatawan sa katotohanan; Ito
ay ang pagsisinungaling. Ang pagsisinungaling ay ang pagbaluktot, pagbago, o Pagtago ng
katotohanan. Ito ay pinagmumulan ng pagbali ng katapatan ng salita.
Mga uri ng pagsisinungaling ayon kay Randy Dellosa, isang sikolohista.
Non-pathological Lying - Ang ganitong klaseng pagsisinungaling Ang pagsisinungaling ay
maaring dahil dahil sa isang sa sitwasyon (a) takot, (b) pagpoprotekta ng sarili o ng ibang tao, o
(c) pagpapabango sa sarili (self-enhancement).
Maraming debate ang tungkol sa ganitong uri ng pagsisinungaling Mayroong mga tao
na nagsasabi na puwedeng pahintulutan ito. Ngunit ang itinuturing nating "white lies" ay hindi pa
rin sumasalamin sa katotohanan.
Mga uri ng pagsisinungaling ayon kay Randy Dellosa, isang sikolohista.
Pathological Lying - Ang kinaugaliang pagsisinungaling. Ang ganitong klase ng pagsisinungaling
ay hindi pagsasabi ng katotohanan dahil sa ito ay nakasanayan na.
Ang ganitong uri ng pagsisinungaling ay mas mahirap putulin. Sa kadahilanang sa
paulit-ulit na hindi pagsabi ng totoo ay nagiging parte na ito ng ugali ng isang tao. Upang
makalaya sa ganitong gawainay kailangan ito ng buong pag-amin sa kamalian at ang pag-intindi
at suporta ng magulang at mga nakatatanda.
Bago ipagpatuloy ang pagbabasa sa "Suriin" ay iyo munang sagutin ang umusunod na mga
tanong.
1. Para sa iyo, maaari bang pahintulutan ang white lies? Ipaliwanag ang iyong saloobin.
2. Paano mo maiiwasang makasanayan ang hindi pagsasabi ng katotohanan?
Katapatan sa Gawa
Hindi lamang ang salita ng isang tao ang maaaring maging salamin ng katapatan. Ang
kapatapatan sa gawa ay napakahalagang birtud. Ang pagsisinungaling ay hindi lamng pwedeng
magawa sa salita ngunit ito rin ay maaaring mangyari sa gawa. Ang birtud ng katapatan sa gawa
ay ang pagkilos ng may sinseridad ayon sa ipinangako.
Bahagi na ng kultura nating Filipino ang pagbibigay ng pangako. Maaaring pangako ito
sa sarili o sa kapwa. Gayunpaman, magiging ganap lamang ang iyong katapatan hindi lang sa
pagsambit o pagbitaw ng salita kundi sa pagtupad nito sa gawa.
Ang hindi pagtupad sa sinabi ay isang panlilinlang. Ang ating pagkilos o hindi pagkilos ayon
sa binitawang salita ay may kakayahang lumabag o magtago sa katotohanan.
May apat na paraan ng pagtatago ng katotohanan ayon sa aklat ra akda ni Vitaliano Gorospe:
• Pananahimik (Silence) - ang pananahimik ay ang pagtatangging sumagot upang mailabas ang
katotohanan kahit mayroong nalalaman.
• Pag-iwas (Evasion) - ang pag-iwas upang mailigaw ang katotohanan.
• Pagtitimping pandiwa (Mental Reservation) - ang pagtitimping pandiwa o ang paglagay ng
limitasyon sa paggawa ng pangako.
• Pagsambit na may dalawang kahulugan (Equivocation) - ang pagsambit ng isang bagay ngunit
may dalawa o ibang kahulugan.
Sa katapatan sa gawa nagmumula ang pagkakaroon ng paninindigan ng isang tao. Ang
katapatan hindi lamang sa salita ngunit pati na rin sa gawa ay dapat pagyamanin. Ito ang dalawang
sangkap upang ang katotohanan lamang ang siyang mamayani.
Sagutin ang mga tanong at ipaliwanag.
1. Kapag nangako sa iyong magulang na mag-aaral nang mabuti, ano ang gagawin mo kapag ikaw ay
nasa paaralan?
2. Sa iyong pananaw, mahirap ba ang magbitaw ng salita kung alam mong hindi mo kaya itong
tuparin?
BASAHIN NATIN!
Papalapit na ang high school dance sa paaralang pinapasukan ni Celine. Sabik ang lahat at abalang-abala sa
paghahanda.
"Mayroon na ba kayong nabiling damit?" tanong ni Rea sa mga kaklase.
"Nakabili na ako ng sapatos, ngunit kailangan ko ng ka-match na bag," wika naman ni Macy.
"Kailangan kong maging maganda sa high school dance namin," sambit ni Celine sa sarili.
Ganito ang mga usapan ngayon sa loob ng silid-aralan ni Celine kapag libreng oras, nag-uusap-usap ang
magkakaklase tungkol sa nalalapit na high school dance.
Hindi mayaman ngunit hindi rin naman mahirap ang pamilyang pinanggalingan ni Celine. Maayos ang trabaho ng
kanyang ama at nagbebenta ng gawang kakanin ang kanyang ina. Nag-iisa rin itong anak kaya nakukuha naman niya ang mga
pangangailangan at naisin.
"O ayan, anak! Mayroon ka nang susuotin sa high school dance, buti na lamang at nagbigay ng diskuwento ang
mananahi, wika ng ina ni Celine.
BASAHIN NATIN!
"Nakabili rin kami ng sapatos, anak. Buti na lamang at may kaunti akong natagong pera, " wika naman ng ama ni
Celine habang inaabot ang sandalyas na may takong "Salamat po! Isusukat ko po ito agad," hindi pa natatapossapagsasalitaav
umaakyat na sa kanyang silid si Celine.
Dali-dali niyang sinukat ang kanyang damit at sapatos, napangiti ito ng payak umikot-ikot sa salamin at napahinto
at napatitig sa sariling itsura.
"May kulang!" bulalas ni Celine "Kailangan ko ng palamuti sa aking leeg. upang lumitaw ang ganda ng damit at
mas magmukhang mamahalin," wika nito """Nanay! Tatay!" sigaw ni Celine habang bumababa ng hagdan na suot pa rin ang
damit at sapatos. "Tingnan ninyo po ang aking porma, hindipobaatmay kulang?" wika ni Celine.
"Kulang? Sa akin ay napakaganda mo na, anak!" wika ng ama ni Celine.
"Tay ... kailangan ko pa po ng kuwintas! Isang kuwintas na makinang, upang magmukhang mamahalin at maganda
ang aking porma. Ibili po ninyo ako ng kuwintas, Itay," pagsamo ni Celine. Ayaw nitong pahuli sa mga kaklase, gusto nitong
makisabay o makapantay man lamang sa luho ng ibang mag-aaral.
BASAHIN NATIN!
"Hay naku, anak, mas marami tayong mas importanteng pagkakagastusan kesa sa kuwintas," sabi ng kanyang
ama.
Nag-iba ang mukha ni Celine, nakasimangot itong tumingin sa ama at ina.
"Huwag ka nang malungkot, anak, para sa akin hindi mo na kailangan ng kuwintas ngunit kung nais mo talaga,
subukan mong puntahan ang pinsan mong si Britney at humiram ka ng kuwintas sa kanya," wika ng kanyang ina.
Lumiwanag ang mukha ni Celine at pumayag ito sa iminungkahi ng ina. Pumunta si Celine sa tahanan ni Britney,
ang kanyang pinsan na nakapagtapos ng tolehiyoatngayonay nakapagtatrabaho na sa opisina.
"Ate Britney, magandang gabi, mayroon kaming high school dance. Gusto kong magmukhang maganda tulad mo.
Meron ka ba diyang kuwintas na puwede kong wiramin?" tanong ni Celine sa pinsang si Britney na halatang may pambobola
upang makuhaang gusto.
"Hay ikaw talaga, pinsan, binola mo pa ko. Oo naman! Halika, may ipapakita akosaiyo,"sabi ni Britney at inilabas
nito ang isang maliit na kahon.
BASAHIN NATIN!
Nang buksan ito ni Britney ay tumambad kay Celine ang isang napakagandang kuwintas.Kulay pilak ito at may
mga brilyanteng bato. Kumikinang ang kuwintas at mukhang hindi pa nagamit. Kumikinang din ang mga mata ni Celine habang
pinagmamasdan ang kuwintas.
"Wow, ate, ang ganda nito. Maari ko ba itong hiramin?" tanong ni Celine sa pinsan.
"Oo naman, sige ingatan mo ha? Hindiko pa iyan nagamit at mahal iyan," sabi ni Britney sabay kindat sa pinsan.
Nang pauwi ay dinaanan ni Celine ang bilihan ng alahas sa mall at nakita ang kuwintas na kawangis ng pinahiram
sa kanya ng kanyang pinsan. Doon niya nalaman na mamahalin ang kuwintas ni Britney. Dalawang libong piso ang halaga nito.
Tuwang-tuwa si Celine. Alam niyang higit mapapaganda ang kanyang bihis.
Dumating na nga ang hapon ng high school dance. Naging angat nga ang bihis ni Celine. Kapansin-pansin ang
kumikinang na kuwintas nito. Nilapitan siya nila Rea, Macy, at ng iba pa niyang kaklase. Pinuri ang kanyang kasuotan at tila
kinainggitan ang kanyang kuwintas.
BASAHIN NATIN!
Nagpakasaya si Celine ng gabing iyon. Sumayaw siya, kumain, nakipagtawanan, at nakipagkilala sa mga kamag-
aral maging sa ibang baitang. Marami ang nakapansin at nakipagkilala kay Celine. Masayang-masaya si Celine ng gabing iyon.
Pagod nang umuwi si Celine at may kaunting lungkot dahil natapos na ang gabi ng sayawan. Pumasok siya sa kanyang silid at
nang magpapalit na siya ng pantulog ay napansin niyang wala na sa kanyang leeg ang kuwintas ng pinsan. Nawala ang antok ni
Celine at napasigaw.
"Ang kuwintas! Ang kuwintas! Nawawala ang kuwintas!“
Hinanap na mabuti ni Celine ang kuwintas sa kagamitan niya ngunit hindi niya ito nakita.Nanlumo si Celine at
napaluha na lang. Hindi halos nakatulog si Celine noong gabing iyon. Kinabukasan sa agahan ay nagtanong ang kanyang mga
magulang.
"Kumusta ang sayawan, anak? Naging masaya ka ba?" tanong ng ama.
Pinilit ni Celine na ngumiti, "Opo, Itay, napakasaya po ng sayawan," sagot ni Celine.
BASAHIN NATIN!
Ibayong pagtitipid ng kanyang baon sa paaralan ang ginawa ni Celine. Halos hindi siya kumakain. Tubig rin lamang
ang kanyang iniinom pamatid uhaw at gutom.
Nagtinda nga ng kakanin si Celine kahit saan siya magpunta. Inaalok niva ito sa daan, sa mga kaklase, at maging
sa mga guro. Lagi niyang binibilang ang napagbentahan kung aabot na ba ito ng dalawang libo.
Humahangos na pumunta si Celine sa bahay ng pinsang si Britney upang isauli ang kuwintas.
"Ate Britney, ito na po ang kuwintas. Pasensiya ka na, Ate, ngayon ko lang naibalik" wika ni Celine nang inabot sa
pinsan ang kuwintas nito.
"Salamat!" masayang pagsagot ni Britney.
"Ang ganda-ganda talaga ng kuwintas mo, Ate. Iningatan ko talaga iyan, dahil nakita ko ang kawangis niyan sa
tindahan ng alahas. Alam kong pinaghirapan mo iyan dahil ang mahal mahal pala niyan, dalawang libong piso!" ang tuloy-tuloy
na wika ni Celine.
BASAHIN NATIN!
Tumawa nang malakas si Britney. Takang-taka si Celine dahil sa reaksiyon ng pinsan. "Ano ka ba,
Celine! Yung nasa alahasan sa mall ay tunay na pilak at brilyante iyon. Itong kuwintas ko ... peke lang ito!
Binili ko lang ito sa bangketa! ha ha ha!" malakas na tawa ni Britney sa pinsan. Natulala si Celine.
SAGUTIN
1. Ilarawan kung anong klaseng bata si Celine? Ayon sa leksiyon, ano ang mga uri ng pagtatago ng
katotohanan ang nagawa niya?
2. Sa iyong palagay, nahirapan ba nang husto si Celine kung nagsabi siya ng katotohanan sa pinsan?
3. May kasalanan ba si Celine sa kanyang mga magulang? sa pinsang si Britney?
4. Sa katotohanang iyong palagay, galing ano sa ang pinsan?nasa isip ni Celine nang malaman niya ang
katotohanang galing sa pinsan?
5. Kung ikaw ang sumulat ng kuwento, ano ang magiging katapusan nito?
6. Ano ang natutuhan mo sa kuwento?
MGA BUNGA NG KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
Ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay maraming naidudulot na
kabutihan sa buhay ng tao. Narito ang mga bunga ng pagiging matapat sa
salita at sa gawa.
Integridad (Integrity) -Ito ay ang kalakasan ng loob na sabihin o gawin
ang tama kahit mahirap gawin o hindi alam ang kahihinatnan. Nakatutulong
ang pagiging tapat sa salita at sa gawa sa pagpapalawak ng sariling pagkatao.
TANDAAN!
Patas na pakikitungo sa iba (Fairness) - Ito ay mahalagang bunga na
nagmumula sa katapatan. Ang patas na pakikitungo sa kapwa ay nagdudulot
ng kapayapaan sa sarili at kapayapaan din sa komunidad. Isang maayos at
mabungang pakikipag-ugnayan sa kapwa ang dulot ng katapatan.
Pagtitiwala (Trust) - Kapag ikaw ay tapat sa salita at sa gawa ay makukuha
mo ang tiwala at maging ang respeto ng iba.
TANDAAN!
Magandang reputasyon (Good reputation) -Bilang isang
taong isinasabuhay at yumayakap ng katotohanang maiuukit mo
ang isang magandang reputasyon habang ikaw ay nabubuhay.
Kapayapaan ng kalooban at isipan (Peace of mind) -Ang
pagpanig, pagsabi, at paggawa ng kung ano ang katotohanan ay ang
tanging makapagbibigay ng kapayapaan sa isang tao.
TANDAAN!
PAGSASANAY
Ibigay ang mga hinihingi sa bawat bilang.
1. Birtud ng sinseridad sa pananalita
2. Birtud ng sinseridad sa pagkilos ng ipinangako
3. Pagtangging sumagot upang mailabasang katotohanan
4. Paglagay ng limitasyon sa paggawa ng ipinangako
5. Pagsambit ng isang bagay ngunit may dalawang kahulugan

More Related Content

What's hot

Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Edna Azarcon
 

What's hot (20)

EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15
 
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAMODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
 
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptxAralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
 
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.pptx
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.pptxAng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.pptx
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.pptx
 
EsP G7 Module 8
EsP G7 Module 8EsP G7 Module 8
EsP G7 Module 8
 
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
ISIP AT KILOS-LOOB.pptxISIP AT KILOS-LOOB.pptx
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
 
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinTalento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
 
Katarungang panlipunan
Katarungang panlipunanKatarungang panlipunan
Katarungang panlipunan
 
mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasy...
mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasy...mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasy...
mga pansariing salik sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasy...
 
ESP7 Modyul 13 Mangarap Ka!
ESP7 Modyul 13 Mangarap Ka!ESP7 Modyul 13 Mangarap Ka!
ESP7 Modyul 13 Mangarap Ka!
 
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
KasipaganpagpupunyagipagtitipidKasipaganpagpupunyagipagtitipid
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
 
EsP-10-Q3-Week 3.pptx
EsP-10-Q3-Week 3.pptxEsP-10-Q3-Week 3.pptx
EsP-10-Q3-Week 3.pptx
 
Sekswalidad ng tao.pptx
Sekswalidad ng tao.pptxSekswalidad ng tao.pptx
Sekswalidad ng tao.pptx
 
Birtud at Halaga
Birtud at HalagaBirtud at Halaga
Birtud at Halaga
 
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
 
ESP 7 Modyul 7 Kalayaan
ESP 7 Modyul 7 KalayaanESP 7 Modyul 7 Kalayaan
ESP 7 Modyul 7 Kalayaan
 
ESP Grade 9 Modyul 6
ESP Grade 9 Modyul 6ESP Grade 9 Modyul 6
ESP Grade 9 Modyul 6
 
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
 
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng PagpapahalagaMga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
 

Similar to pagkatao.pptx

Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
cye castro
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
ar_yhelle
 
Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)
Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)
Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)
sanny trinidad
 
Tibay-ng-Iyong-Kalooban.pptx
Tibay-ng-Iyong-Kalooban.pptxTibay-ng-Iyong-Kalooban.pptx
Tibay-ng-Iyong-Kalooban.pptx
NicolePadilla31
 
tungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptxtungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptx
childe7
 

Similar to pagkatao.pptx (20)

Q1 w5 d1 es p
Q1 w5 d1 es pQ1 w5 d1 es p
Q1 w5 d1 es p
 
Grade 5 PPT_ESP_Q1_W5.pptx
Grade 5 PPT_ESP_Q1_W5.pptxGrade 5 PPT_ESP_Q1_W5.pptx
Grade 5 PPT_ESP_Q1_W5.pptx
 
Semi detailed lp in esp.liezel 3
Semi detailed lp in esp.liezel 3Semi detailed lp in esp.liezel 3
Semi detailed lp in esp.liezel 3
 
Semi detailed lp in esp.liezel 4
Semi detailed lp in esp.liezel 4Semi detailed lp in esp.liezel 4
Semi detailed lp in esp.liezel 4
 
Q1 w5 d1 5 es p
Q1 w5 d1 5 es pQ1 w5 d1 5 es p
Q1 w5 d1 5 es p
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tula
 
Edukasyon-Sa-Pagpapakatao-Q34-v1.0.pdf
Edukasyon-Sa-Pagpapakatao-Q34-v1.0.pdfEdukasyon-Sa-Pagpapakatao-Q34-v1.0.pdf
Edukasyon-Sa-Pagpapakatao-Q34-v1.0.pdf
 
Grade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptx
Grade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptxGrade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptx
Grade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptx
 
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
 
Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)
Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)
Lmespq34v1 0-130302081955-phpapp01 (1)
 
Tibay-ng-Iyong-Kalooban.pptx
Tibay-ng-Iyong-Kalooban.pptxTibay-ng-Iyong-Kalooban.pptx
Tibay-ng-Iyong-Kalooban.pptx
 
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
 
Weekly plan Grade 2 Q1
Weekly plan Grade 2 Q1Weekly plan Grade 2 Q1
Weekly plan Grade 2 Q1
 
tungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptxtungkod ni welt yang.pptx
tungkod ni welt yang.pptx
 
Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12
 
Mabuti
MabutiMabuti
Mabuti
 
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroFilipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
 

More from childe7

SCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdf
SCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdfSCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdf
SCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdf
childe7
 
SCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdf
SCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdfSCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdf
SCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdf
childe7
 
SCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdf
SCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdfSCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdf
SCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdf
childe7
 
SCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdf
SCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdfSCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdf
SCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdf
childe7
 
SCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdf
SCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdfSCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdf
SCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdf
childe7
 
Grade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptx
Grade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptxGrade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptx
Grade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptx
childe7
 
SCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdf
SCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdfSCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdf
SCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdf
childe7
 
SCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdf
SCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdfSCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdf
SCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdf
childe7
 
SCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdf
SCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdfSCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdf
SCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdf
childe7
 
SCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdf
SCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdfSCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdf
SCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdf
childe7
 
SCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdf
SCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdfSCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdf
SCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdf
childe7
 
ENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptx
ENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptxENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptx
ENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptx
childe7
 
lechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf ka
lechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf kalechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf ka
lechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf ka
childe7
 
itlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiii
itlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiiiitlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiii
itlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiii
childe7
 

More from childe7 (20)

SCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdf
SCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdfSCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdf
SCIENCE 10-LESSwgeqjhgejwbejwqgeON 4.1.pdf
 
SCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdf
SCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdfSCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdf
SCIENCE 10-LfnjfnjfskdjfkdfjdkkfESSON 1.pdf
 
SCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdf
SCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdfSCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdf
SCIENCE 10 LESddhjsjkskldjjdjdjnSON 14.pdf
 
SCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdf
SCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdfSCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdf
SCIENCE 9-LEedededbevdbedvebvxbSSON 5.pdf
 
SCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdf
SCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdfSCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdf
SCIENCE 9-LESggfhfyuuuugyvgcxxcxcSON 4.pdf
 
Grade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptx
Grade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptxGrade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptx
Grade 4 PPT_Matddddfffh_Q1_Lesson 5-1.pptx
 
SCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdf
SCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdfSCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdf
SCIENCE 2 LESSON 1HYYYYYYYYYYYYYYYYY3.pdf
 
SCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdf
SCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdfSCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdf
SCIENCE 9-LESSON 8.wkakakakakakkakakapdf
 
SCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdf
SCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdfSCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdf
SCIENCE 10-LESSON 10yuyuyuyuyuyuyuyuuyu.pdf
 
SCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdf
SCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdfSCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdf
SCIENCE 10-LESSON 11hatdogtinapaitlog.pdf
 
SCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdf
SCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdfSCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdf
SCIENCE LulogagdybgthvhvghvggvESSON 13.pdf
 
ENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptx
ENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptxENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptx
ENGLISH -LESSheheh ewan ko sayo ON 36.pptx
 
lechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf ka
lechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf kalechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf ka
lechekagigilakosayoinamokadunka sa far away hayuf ka
 
hakdgof balik isa tidhanan tapos.ppt (1).pptx
hakdgof balik isa tidhanan tapos.ppt (1).pptxhakdgof balik isa tidhanan tapos.ppt (1).pptx
hakdgof balik isa tidhanan tapos.ppt (1).pptx
 
itlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiii
itlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiiiitlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiii
itlog ni zhonhlih hhahggqwnms8iwkwhuiiqiii
 
ukuk
ukukukuk
ukuk
 
fjjh
fjjhfjjh
fjjh
 
bading.pptx
bading.pptxbading.pptx
bading.pptx
 
M9 L4 J.pptx
M9 L4 J.pptxM9 L4 J.pptx
M9 L4 J.pptx
 
ESP 8-Aralin 25.pdf
ESP 8-Aralin 25.pdfESP 8-Aralin 25.pdf
ESP 8-Aralin 25.pdf
 

pagkatao.pptx

  • 2. Katapatan ang kasagutan sa pagtuklas ng katotohanan, ang pagsisinungaling at pagpapanggap ay ang siyang kalaban.
  • 3. Ano ang kahulugan ng "katapatan sa salita at sa gawa"? Bakit mahalaga ang pagiging tapat hindi lamang sa salita pati na rin sa gawa? Ang birtud ng katapatan ay parang madaling gawin, ngunit ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay isang bagay na dapat tumatak sa pusongisangtaohabang musmos pa lang. Sa edad na anim na taon maari nang pagtuunan ang katapatan sa katotohanan. Kapag nakasanayan ang pagsisinungaling at pagpapanggap ay madadala ito sa katandaaan. Kailangan itong pagyamanin sa mga maliliit na bagay o isyu na pinagkakatiwala sa isang bata. Kapag patuloy na napagtibay ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay madadala ito ng isang tao sa kanyang paglaki at magkakaroon siya ng prinisipyo, integridad, at paninindigan sa buhay.
  • 4. Katapatan sa Salita May kasabihan na sa kasaganahan ng puso nagmumula ang mga salita ng bibig. Ang ating mga salita ay siyang naglalarawan ng ating pagkatao. Malalaman kung ano ang personalidad, kinalakihan, pag-uugali, at kung ano ang nilalaman ng puso sa pamamagitan ng pananalita. Ang katapatan sa salita ay birtud ng sinseridad sa pananalita. May pagkakataon na ang ating pananalita ay hindi kumakatawan sa katotohanan; Ito ay ang pagsisinungaling. Ang pagsisinungaling ay ang pagbaluktot, pagbago, o Pagtago ng katotohanan. Ito ay pinagmumulan ng pagbali ng katapatan ng salita.
  • 5. Mga uri ng pagsisinungaling ayon kay Randy Dellosa, isang sikolohista. Non-pathological Lying - Ang ganitong klaseng pagsisinungaling Ang pagsisinungaling ay maaring dahil dahil sa isang sa sitwasyon (a) takot, (b) pagpoprotekta ng sarili o ng ibang tao, o (c) pagpapabango sa sarili (self-enhancement). Maraming debate ang tungkol sa ganitong uri ng pagsisinungaling Mayroong mga tao na nagsasabi na puwedeng pahintulutan ito. Ngunit ang itinuturing nating "white lies" ay hindi pa rin sumasalamin sa katotohanan.
  • 6. Mga uri ng pagsisinungaling ayon kay Randy Dellosa, isang sikolohista. Pathological Lying - Ang kinaugaliang pagsisinungaling. Ang ganitong klase ng pagsisinungaling ay hindi pagsasabi ng katotohanan dahil sa ito ay nakasanayan na. Ang ganitong uri ng pagsisinungaling ay mas mahirap putulin. Sa kadahilanang sa paulit-ulit na hindi pagsabi ng totoo ay nagiging parte na ito ng ugali ng isang tao. Upang makalaya sa ganitong gawainay kailangan ito ng buong pag-amin sa kamalian at ang pag-intindi at suporta ng magulang at mga nakatatanda.
  • 7. Bago ipagpatuloy ang pagbabasa sa "Suriin" ay iyo munang sagutin ang umusunod na mga tanong. 1. Para sa iyo, maaari bang pahintulutan ang white lies? Ipaliwanag ang iyong saloobin. 2. Paano mo maiiwasang makasanayan ang hindi pagsasabi ng katotohanan?
  • 8. Katapatan sa Gawa Hindi lamang ang salita ng isang tao ang maaaring maging salamin ng katapatan. Ang kapatapatan sa gawa ay napakahalagang birtud. Ang pagsisinungaling ay hindi lamng pwedeng magawa sa salita ngunit ito rin ay maaaring mangyari sa gawa. Ang birtud ng katapatan sa gawa ay ang pagkilos ng may sinseridad ayon sa ipinangako. Bahagi na ng kultura nating Filipino ang pagbibigay ng pangako. Maaaring pangako ito sa sarili o sa kapwa. Gayunpaman, magiging ganap lamang ang iyong katapatan hindi lang sa pagsambit o pagbitaw ng salita kundi sa pagtupad nito sa gawa.
  • 9. Ang hindi pagtupad sa sinabi ay isang panlilinlang. Ang ating pagkilos o hindi pagkilos ayon sa binitawang salita ay may kakayahang lumabag o magtago sa katotohanan. May apat na paraan ng pagtatago ng katotohanan ayon sa aklat ra akda ni Vitaliano Gorospe: • Pananahimik (Silence) - ang pananahimik ay ang pagtatangging sumagot upang mailabas ang katotohanan kahit mayroong nalalaman. • Pag-iwas (Evasion) - ang pag-iwas upang mailigaw ang katotohanan. • Pagtitimping pandiwa (Mental Reservation) - ang pagtitimping pandiwa o ang paglagay ng limitasyon sa paggawa ng pangako. • Pagsambit na may dalawang kahulugan (Equivocation) - ang pagsambit ng isang bagay ngunit may dalawa o ibang kahulugan.
  • 10. Sa katapatan sa gawa nagmumula ang pagkakaroon ng paninindigan ng isang tao. Ang katapatan hindi lamang sa salita ngunit pati na rin sa gawa ay dapat pagyamanin. Ito ang dalawang sangkap upang ang katotohanan lamang ang siyang mamayani. Sagutin ang mga tanong at ipaliwanag. 1. Kapag nangako sa iyong magulang na mag-aaral nang mabuti, ano ang gagawin mo kapag ikaw ay nasa paaralan? 2. Sa iyong pananaw, mahirap ba ang magbitaw ng salita kung alam mong hindi mo kaya itong tuparin?
  • 11. BASAHIN NATIN! Papalapit na ang high school dance sa paaralang pinapasukan ni Celine. Sabik ang lahat at abalang-abala sa paghahanda. "Mayroon na ba kayong nabiling damit?" tanong ni Rea sa mga kaklase. "Nakabili na ako ng sapatos, ngunit kailangan ko ng ka-match na bag," wika naman ni Macy. "Kailangan kong maging maganda sa high school dance namin," sambit ni Celine sa sarili. Ganito ang mga usapan ngayon sa loob ng silid-aralan ni Celine kapag libreng oras, nag-uusap-usap ang magkakaklase tungkol sa nalalapit na high school dance. Hindi mayaman ngunit hindi rin naman mahirap ang pamilyang pinanggalingan ni Celine. Maayos ang trabaho ng kanyang ama at nagbebenta ng gawang kakanin ang kanyang ina. Nag-iisa rin itong anak kaya nakukuha naman niya ang mga pangangailangan at naisin. "O ayan, anak! Mayroon ka nang susuotin sa high school dance, buti na lamang at nagbigay ng diskuwento ang mananahi, wika ng ina ni Celine.
  • 12. BASAHIN NATIN! "Nakabili rin kami ng sapatos, anak. Buti na lamang at may kaunti akong natagong pera, " wika naman ng ama ni Celine habang inaabot ang sandalyas na may takong "Salamat po! Isusukat ko po ito agad," hindi pa natatapossapagsasalitaav umaakyat na sa kanyang silid si Celine. Dali-dali niyang sinukat ang kanyang damit at sapatos, napangiti ito ng payak umikot-ikot sa salamin at napahinto at napatitig sa sariling itsura. "May kulang!" bulalas ni Celine "Kailangan ko ng palamuti sa aking leeg. upang lumitaw ang ganda ng damit at mas magmukhang mamahalin," wika nito """Nanay! Tatay!" sigaw ni Celine habang bumababa ng hagdan na suot pa rin ang damit at sapatos. "Tingnan ninyo po ang aking porma, hindipobaatmay kulang?" wika ni Celine. "Kulang? Sa akin ay napakaganda mo na, anak!" wika ng ama ni Celine. "Tay ... kailangan ko pa po ng kuwintas! Isang kuwintas na makinang, upang magmukhang mamahalin at maganda ang aking porma. Ibili po ninyo ako ng kuwintas, Itay," pagsamo ni Celine. Ayaw nitong pahuli sa mga kaklase, gusto nitong makisabay o makapantay man lamang sa luho ng ibang mag-aaral.
  • 13. BASAHIN NATIN! "Hay naku, anak, mas marami tayong mas importanteng pagkakagastusan kesa sa kuwintas," sabi ng kanyang ama. Nag-iba ang mukha ni Celine, nakasimangot itong tumingin sa ama at ina. "Huwag ka nang malungkot, anak, para sa akin hindi mo na kailangan ng kuwintas ngunit kung nais mo talaga, subukan mong puntahan ang pinsan mong si Britney at humiram ka ng kuwintas sa kanya," wika ng kanyang ina. Lumiwanag ang mukha ni Celine at pumayag ito sa iminungkahi ng ina. Pumunta si Celine sa tahanan ni Britney, ang kanyang pinsan na nakapagtapos ng tolehiyoatngayonay nakapagtatrabaho na sa opisina. "Ate Britney, magandang gabi, mayroon kaming high school dance. Gusto kong magmukhang maganda tulad mo. Meron ka ba diyang kuwintas na puwede kong wiramin?" tanong ni Celine sa pinsang si Britney na halatang may pambobola upang makuhaang gusto. "Hay ikaw talaga, pinsan, binola mo pa ko. Oo naman! Halika, may ipapakita akosaiyo,"sabi ni Britney at inilabas nito ang isang maliit na kahon.
  • 14. BASAHIN NATIN! Nang buksan ito ni Britney ay tumambad kay Celine ang isang napakagandang kuwintas.Kulay pilak ito at may mga brilyanteng bato. Kumikinang ang kuwintas at mukhang hindi pa nagamit. Kumikinang din ang mga mata ni Celine habang pinagmamasdan ang kuwintas. "Wow, ate, ang ganda nito. Maari ko ba itong hiramin?" tanong ni Celine sa pinsan. "Oo naman, sige ingatan mo ha? Hindiko pa iyan nagamit at mahal iyan," sabi ni Britney sabay kindat sa pinsan. Nang pauwi ay dinaanan ni Celine ang bilihan ng alahas sa mall at nakita ang kuwintas na kawangis ng pinahiram sa kanya ng kanyang pinsan. Doon niya nalaman na mamahalin ang kuwintas ni Britney. Dalawang libong piso ang halaga nito. Tuwang-tuwa si Celine. Alam niyang higit mapapaganda ang kanyang bihis. Dumating na nga ang hapon ng high school dance. Naging angat nga ang bihis ni Celine. Kapansin-pansin ang kumikinang na kuwintas nito. Nilapitan siya nila Rea, Macy, at ng iba pa niyang kaklase. Pinuri ang kanyang kasuotan at tila kinainggitan ang kanyang kuwintas.
  • 15. BASAHIN NATIN! Nagpakasaya si Celine ng gabing iyon. Sumayaw siya, kumain, nakipagtawanan, at nakipagkilala sa mga kamag- aral maging sa ibang baitang. Marami ang nakapansin at nakipagkilala kay Celine. Masayang-masaya si Celine ng gabing iyon. Pagod nang umuwi si Celine at may kaunting lungkot dahil natapos na ang gabi ng sayawan. Pumasok siya sa kanyang silid at nang magpapalit na siya ng pantulog ay napansin niyang wala na sa kanyang leeg ang kuwintas ng pinsan. Nawala ang antok ni Celine at napasigaw. "Ang kuwintas! Ang kuwintas! Nawawala ang kuwintas!“ Hinanap na mabuti ni Celine ang kuwintas sa kagamitan niya ngunit hindi niya ito nakita.Nanlumo si Celine at napaluha na lang. Hindi halos nakatulog si Celine noong gabing iyon. Kinabukasan sa agahan ay nagtanong ang kanyang mga magulang. "Kumusta ang sayawan, anak? Naging masaya ka ba?" tanong ng ama. Pinilit ni Celine na ngumiti, "Opo, Itay, napakasaya po ng sayawan," sagot ni Celine.
  • 16. BASAHIN NATIN! Ibayong pagtitipid ng kanyang baon sa paaralan ang ginawa ni Celine. Halos hindi siya kumakain. Tubig rin lamang ang kanyang iniinom pamatid uhaw at gutom. Nagtinda nga ng kakanin si Celine kahit saan siya magpunta. Inaalok niva ito sa daan, sa mga kaklase, at maging sa mga guro. Lagi niyang binibilang ang napagbentahan kung aabot na ba ito ng dalawang libo. Humahangos na pumunta si Celine sa bahay ng pinsang si Britney upang isauli ang kuwintas. "Ate Britney, ito na po ang kuwintas. Pasensiya ka na, Ate, ngayon ko lang naibalik" wika ni Celine nang inabot sa pinsan ang kuwintas nito. "Salamat!" masayang pagsagot ni Britney. "Ang ganda-ganda talaga ng kuwintas mo, Ate. Iningatan ko talaga iyan, dahil nakita ko ang kawangis niyan sa tindahan ng alahas. Alam kong pinaghirapan mo iyan dahil ang mahal mahal pala niyan, dalawang libong piso!" ang tuloy-tuloy na wika ni Celine.
  • 17. BASAHIN NATIN! Tumawa nang malakas si Britney. Takang-taka si Celine dahil sa reaksiyon ng pinsan. "Ano ka ba, Celine! Yung nasa alahasan sa mall ay tunay na pilak at brilyante iyon. Itong kuwintas ko ... peke lang ito! Binili ko lang ito sa bangketa! ha ha ha!" malakas na tawa ni Britney sa pinsan. Natulala si Celine.
  • 18. SAGUTIN 1. Ilarawan kung anong klaseng bata si Celine? Ayon sa leksiyon, ano ang mga uri ng pagtatago ng katotohanan ang nagawa niya? 2. Sa iyong palagay, nahirapan ba nang husto si Celine kung nagsabi siya ng katotohanan sa pinsan? 3. May kasalanan ba si Celine sa kanyang mga magulang? sa pinsang si Britney? 4. Sa katotohanang iyong palagay, galing ano sa ang pinsan?nasa isip ni Celine nang malaman niya ang katotohanang galing sa pinsan? 5. Kung ikaw ang sumulat ng kuwento, ano ang magiging katapusan nito? 6. Ano ang natutuhan mo sa kuwento?
  • 19. MGA BUNGA NG KATAPATAN SA SALITA AT GAWA Ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay maraming naidudulot na kabutihan sa buhay ng tao. Narito ang mga bunga ng pagiging matapat sa salita at sa gawa. Integridad (Integrity) -Ito ay ang kalakasan ng loob na sabihin o gawin ang tama kahit mahirap gawin o hindi alam ang kahihinatnan. Nakatutulong ang pagiging tapat sa salita at sa gawa sa pagpapalawak ng sariling pagkatao. TANDAAN!
  • 20. Patas na pakikitungo sa iba (Fairness) - Ito ay mahalagang bunga na nagmumula sa katapatan. Ang patas na pakikitungo sa kapwa ay nagdudulot ng kapayapaan sa sarili at kapayapaan din sa komunidad. Isang maayos at mabungang pakikipag-ugnayan sa kapwa ang dulot ng katapatan. Pagtitiwala (Trust) - Kapag ikaw ay tapat sa salita at sa gawa ay makukuha mo ang tiwala at maging ang respeto ng iba. TANDAAN!
  • 21. Magandang reputasyon (Good reputation) -Bilang isang taong isinasabuhay at yumayakap ng katotohanang maiuukit mo ang isang magandang reputasyon habang ikaw ay nabubuhay. Kapayapaan ng kalooban at isipan (Peace of mind) -Ang pagpanig, pagsabi, at paggawa ng kung ano ang katotohanan ay ang tanging makapagbibigay ng kapayapaan sa isang tao. TANDAAN!
  • 22. PAGSASANAY Ibigay ang mga hinihingi sa bawat bilang. 1. Birtud ng sinseridad sa pananalita 2. Birtud ng sinseridad sa pagkilos ng ipinangako 3. Pagtangging sumagot upang mailabasang katotohanan 4. Paglagay ng limitasyon sa paggawa ng ipinangako 5. Pagsambit ng isang bagay ngunit may dalawang kahulugan