Science 7 - LAND and SEA BREEZE and its Characteristics
Lupang tinubuan
1. Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes
Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang
nagtitindang mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos nap o. Liwayway, bagong
labas. Alingawngawng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang baba
mo ay sa Sta. Isabel,tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot
na iyan. Nagkalat ang mgamagnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela,
sabihin mong sa Mahal Na Araw nakami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang
Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti kanaman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at
susulta ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam.Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay
nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug. Naiwan sa likuran nina
Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng
umaga.
Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, ‘Salamat at tayo’y nakatulak na
rin.Kay init doon sa istasyon.’ Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga
bahay at
halaman sa dinaraanan.
Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na’t t
ugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nangalinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni
Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ngkanilang pag-uwi
sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay ang Tata
Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao
noong
siya’y nabubuhay pa.’
Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag
-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at
naglapit sakanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig
ipinanganak, lumaki atnagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at
itinanong kung ano ang anyo ngnayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa
bayan. At samantalang nag-aapuhap saalaala ang kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip
ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan,at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang
pananabik.Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa
Kallagitnaang Luzon.Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw
na alikabok. Mga puno ngkawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma
na ang karamihan at sunog sa araw angmga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang
hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon atditto, nasisilip sa kabila ang madalang na
hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at punong ningning ng umaga, ang
bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit.
‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan
nila.Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po naman,’
ang marahan
niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar.
2. Uhaw na Tigang na lupa
ni Liwayway Arceo
Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging
malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang
patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang
tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa
nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging
malungkot at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang
araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na
karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito.
Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay
“Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre
ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng
lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa
pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita
sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang
magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan
sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na
maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
3. NENENG AT NENA
Sa kabilang panig naman ng kwento’y muling sinasamahan ang dalawang pares na sina
Nena’t Deogracias at sina Neneng at Narciso mula sa pagbisita ng mga taga lalawigan sa
Maynila na ikinasaya ng dalawang dalaga’t dito binalita ang mangyayaring pag -iisang dibdib
nina Nena’t deogracias at ang kasal nila sa Bulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina
Neneng at Narciso nang tumakas sila galling sa Misa de Gallo, at nang malaman ni Neneng ang
pagbibisita ni Narciso kay Chayong sabay pagtanto sa mga maliliit na sinungaling ni Narciso.
Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pag ibig hindi lamang kay Miguel kundi na
rink ay Narciso, at ngayo’y may alaga pang sanggol. Natatapos ang kwento niya sa paglalayas
mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng matutuluyan kina Pepe at Neneng, at sa
tuluyang pagkasawi nang ikasal na si Narciso. At ang kwento naman nila Neneng at Narciso’y
mas-hihigit pa bilang trahedya nang ang kaguluha’y magsimula sa isang liham mula kay Isko na
siyang isang munting taga-hanga na may pagtingin kay Neneng noong kasal pa ni Nena sa
Bulacan. Datapwat nakasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni Isko sa pamamagitan ng
mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa. Dahan-dahan na rin pumasok
ang samu’t saring mga tanong at duda sa noong una’y masayang pag iisang dibdib. At dahil sa
liham na rin, nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw si Pepe, umalis si Narciso dahil sa
kanyang isipa’y hindi na tapat ang pag ibig ni Neneng sa kanya, na nagging sanhi na rin ng
pagkasakit na malubha ni Neneng. Nang makumpleto na ang mga huling habilin at nasabi na sa
kaibigan ang mga lihim na tiray’y hindi na nagtagal bago pumanaw si Neneng, at nang malaman
na ito ni Narciso na nais na sanang makipagbalikan kay Neneng, di rin nagtagal bago namatay
na rin siya.