Isa ang Mi Ultimo Adios sa mga huling sinulat ni Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan noong Dec. 30 1896.
May isa pang nakita sa kanyang sapatos, pero hindi ito mabasa, kaya naman nananatili pa ring misteryo ang nilalaman nito.
Hindi binigyan ni Rizal ng titulo ang kanyang likhang ito (“Mi Ultimo Adios”), si Mariano Ponce na kaibigan ni Rizal ang nagbigay ng titulo na “Mi Último Pensamiento” o sa ingles ay “My Last Thought”, pero hindi sumikat ang titulong ito.
“Hapon ng Dec 29 1896, bago bitayin, binisita si Dr. Rizal ng kanyang ina, Teodora Alonzo, mga kapatid na sina Lucia, Josefa, Trinidad, Maria at Narcisa, kasama ang dalawa niyang pamangkin na lalaki. bago sila umalis, sinabi ni Rizal kay Trinidad sa Ingles na may isang bagay sa cocinilla. Ang cocinilla ay ibinagay kila Narcisa ng guwardiya. Nang makauwi sila saka nila nakita sa loob nito ang nakatiklop na tula na walang titulo, lagda at walang panahon/date na nakalagay. 14 na tig limang linya kada stanza. Nagpagawa ng ilan pang kopya nito ang mga Rizal at ipinadala sa mga kaibigan ni J. Rizal sa bansa at sa ibang bansa. 1897, nagpalimbag din ng kopya si Mariano Ponce sa HongKong at binigyan ito ng pamagat na "Mi Ultimo Pensamiento". Nakatanggap din si Fr. Mariano Dacanay ng kopya nito habang sya ay nasa kulungan (Bilibid/Jail), at nagpalimbag din sa unang lathala ng La Independencia noong Sept 25 1`898, na may pamagat na "Ultimo Adios" .
Matapos masakop ng Amerika ang Pilipinas bilang resulta ng Digmaang Amerikano at Espanyol, tinagurian ang pilipinas na isang Bansa ng mga barbaro na hindi kayang mamalakad ng sariling bansa. Ipinrisinta ni Henry A Cooper ang tula sa Kongreso ng Amerika. Narealize nila sa panahong yun ang pagiging noble ng manunulat ng tula, dahilan dito ipinatupad ang Philippine Bill of 1902 na nagbibigay karapatan sa pagiging isang bansa ng Pilipinas (tinawag itong Philippines Organic Act of 1902) kahit na nasa batas pa din ang 1882 Chinese Exclusion Act at ang mga Aprikanong Amerikano ay bibigyan pa lamang ng pantay na pagturing. Binuo nito ang Philippine Assembly, at nagtalaga ng dalawang Pilipinong representante sa Kongreso, pinalawig ang US Bill of Rights sa mga Pilipino, at ibinigay ang pundasyon ng isang malayang bansa. Ibibigay na ng kolonya ang kalayaan, subalit ibibigay lang nila ang buong pamamahala sa July 4 1946 sa pamamagitan ng Kasunduan sa Maynila.