SlideShare a Scribd company logo
1 of 11
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI
Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel,
Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila.
Inatasan sila ni Bathala na magbigayng kulaydito sa mundo ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, hindi silamagkasundo-sundo. Sinabi ni Bathala, na magtulong-tulong at
magbigayan sa lahat ng oras sa isa't-isa ngunit hindi nila ito ginagawa. Patuloy silang
hindi nagkakasundo sa iba't ibangbagay. Palagi silangnagkakaroon ng kumpitensya sa
isa't-isa lalo na sa oras ng kanilang trabaho. Sabi ni Luntian, "Ako ang pinakamaraming
nagawa dito kaya nararapat lamang na ako ang mabigyan ni Bathala ng gantimpala."
Ngunit sumagot si Bughaw, "Anong sinasabi mo dyan na ikaw ang maraming nagawa?
Hindi hamak na mas marami ang ambag ko kaysa iyo. Tingnan mo na lamang ang
karagatan at ang kalangitan, at iyong makikita ang aking pinaghirapan kung kaya ako
ang nararapatna mabigyan na sinasabi mong gantimpala."Ngunithindi pa natapos ang
alitan, bagkus ay lalo pa itong lumala dahil nakisali sa usapan ang iba pang mga kulay.
Nagpapagalingan sila ng nagpapagalingan. Pasikatan ng pasikatan at walang
nagpapatalo. Gusto nilang lahat na mabigyan ng gantimpala, kaya lalong tumindi ang
kanilang kumpitensya. Nagkagulo sila dahil sa kanilang pagtatalo.
Narinig ni Bathala ang nangyayari, ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil dito, nagalit si
Bathala. Pinarusahan sila nito. Sinabi niya, "dahil hindi kayo magkasundo, paparusahan
ko kayo ng ayon sa inyongkagustuhan.Dahil palagi kayongmagkakakumpitensya, gusto
kong malaman ninyo ang kahalagahan ngkooperasyon sa isa't-isa. Ang kahalagahan ng
bawat isa sa inyo. Mula ngayon hanggang sa habang buhay. Gagawin ko kayong isa
upang nang sa gayon ay maramdaman ninyo ang inyong kahalagahan at kagandahan
ng bawat isa sa inyo."
Kung kaya, pinagsama ni Bathala ang pitong kulay. Pinagdikitdikit niya ang mga ito. At
dahil sa sobrang nagalit si Bathala kung kaya siya ay nahabag sa pagiyak. At nagtago
ang mga kulay sa takot kay Bathala. Lumabas na lamang sila pagkatapos umiyak ni
Bathala. Ngunit laking gulat nila nang sila'y lumabas ay dikit-dikit na sila. Hindi na nila
mapaghiwalayang kanilangmga sarili kahit anong pilit nila. At nalaman nila na mula sa
pito, sila'y naging isa.
Sa pangyayaring iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag. Kung kaya
ngayon, ang habag na hari na pinagmulan ng mga ito ay sa paglaoy naging
bahaghari.Ang pitong kulay ay tinawag na bahaghari. Mapupuna natin ngayon na ang
bahaghari ay lumalabas na lamang pagkatapos ng ulan na nangangahulugang pagiyak
ni Bathala. At makikita natin dito ang pitongkulay na nagingisa na hanggangsa ngayon
ay tinatatawag nating BAHAGHARI.
ALAMAT NG AMPALAYA
NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito
makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang,
Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang
nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang-
maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga!
Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya.
Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay
binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!"
Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa.
ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni
Ampalaya. "Kailangangmagkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga
gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni
Ampalaya ang kaniyang balak.
Dahan-dahan, gumapangsiyangpapalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na
biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim
ni Kamatis, pati na ang anghangni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang
kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito.
Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang
malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola.
"Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong
kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-
tipon ang lahatng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang
isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at
kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga!
Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan,
tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng
dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang
hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang
tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya!
ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang
Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa
bayan ng Sariwa. Nandoon din bilanghukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at
Hangin.
"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng
Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw.
"Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng
Kalikasan," bulong ng diwata ng Lupa.
"A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig.
"Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama
mong gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin.
"Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis,nangako ang mga diwatang ibabaliknila ang mga lasa, kulay at
ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagila-
gilalas na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng
katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay,
nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyangbalat. Nang magsabunutan ang kinis at
gaspang, lumabas ang kaniyangmga kulubot. At nangmagsigawan ang tamis, asim, at
anghang, lumitaw naman ang pait.
MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang
balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si
Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya.
Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong
pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
Bakit Ikinakawag Ng Mga Aso Ang Kanilang
Buntot
May isang mayamang lalaki sa isang bayan na may alagang aso at pusa na talaga
namang maraming pakinabang sa kaniya. Ang aso’y marami nang napagsilbihang amo
at tumanda na rin ito nanghusto kaya hindi na kayang makipaglaban pa. Ngunitmabuti
siyang gabay at kasa-kasama ng pusa na malakas at matalino.
May anak na babae ang amo nila na nag-aaral sa isang kumbento na may kalayuan sa
bahay. Madalas niyang inuutusan ang aso at ang pusa na dalhan ng mga regalo ang
kaniyang anak.
Isang araw, tinawag niya ang matatapat niyang alaga. Inutusan niya silang dalhin ang
mahiwagang singsing sa anak niya.
“Malakas ka at matapang,” sabi niya sa pusa. “Maaari mong dalhin ang singsing pero
ingatan mo na huwag itong malaglag.”
At sinabi niya sa aso, “Kailangang samahan mo ang pusa nang magabayan at
maipagtanggol siya sa kapamahakan.”
Nangako sila na gagawin nila angkanilangmakakaya, atsaka umalis.Maayos naman ang
lahat hanggangsa makaratingsila sa isang ilog. Dahil walangtulay at wala ringbangka,
walang ibang paraan para makatawid kundi ang lumangoy.
“Ibigay mo sa akin ang mahiwagang singsing,” sabi ng aso nang handa na silang
lumundag sa tubig.
“Hindi puwede,” sagot ng pusa. “ipinahawak sa akin ito ng amo natin.”
“Ngunit hindi ka magaling lumangoy,” katuwiran ng aso. “Malakas ako at kaya ko itong
pag-ingatan.”
Subalit tumanggi ang pusa na ibigay ang singsing. Hanggang sa binantaan siya ng aso
na papatayin siya, kaya napilitan siyang ibigay na rin ito sa aso.
Napakalawak ng ilog at napakalakas ng agos kaya lubha silang napagod. At bago nila
marating ang kabilang pampang, nahulog ng aso ang singsing. Hinanap nila itong
mabuti subalit hindi nila ito nakita kahit saan.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik na sila upang sabihin sa amo nila ang malungkot
na pagkawala ng singsing. Bago pa man makarating sa bahay, natakot ang aso kaya
tumakbo siya papalayo. At hindi na siya nakita pang muli.
Mag-isangtumuloy ang pusa. Nang makita ng amo na paratingna ito, tinawagniya ito
at tinanong kung bakit nakabalik siya agad at kung ano ang nangyari sa kaibigan niya.
Natakot ang kawawangpusa. Pero ipinaliwanagniyangmabuti kung paano nawala ang
singsing at kung bakit lumayas ang aso.
Galit na galit ang amo nang marinig ang kuwento nito. Iniutos niya sa lahat ng mga
tauhan niya na hanapin ang aso at parusahan siya sa pamamagitan ng pagputol ng
buntot niya.
Iniutos din niya na tumulong sa paghahanap ang lahat ng aso sa mundo. Mula noon
kapag nasasalubong ng isang aso ang kapwa niya, nagtatanong siya, “Ikaw ba ’yong
matandangaso na nakawala sa mahiwagangsingsing? Kungoo, kailangangputulin ang
buntot mo.” Agad-agad, ang bawat isa ay nagpapakita ng kanilang ngipin at
iwinawasiwas ang kanilang buntot upang patunayan na hindi sila ang salarin.
Simula rin noon, takot na ang mga pusa sa tubig. At hanggang maiiwasan, hindi sila
lumalangoy para tumawid sa ilog.
ANG ALAMAT NG ALITAPTAP
Noong unang panahon, may isang makisig na binata na nais mag-asawa ng
pinakamagandangdilag. Siya ay mayabangat masyaongmalaki angpagkakilala sa sarili.
Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang mga dalaga sa kanya dahil sa pamimintas
niya kahit nakaharap ang dalaga.
Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok nang masalubong
niya ang isang napakagandang dalaga na nakasuot ng putting-puti.
"Napakagandangdalaga,"wika niya sa sarili at tuloy-tuloyna nilapitan niya ito.
Nang malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at nawalang parang bula. Hinanap niya
ang dalaga sa buong kagubatan ngunit hindi niya nakita.
Sa tagal at hirap na dinanas ng binata sa paghahanap sa dalaga, nagalit siya.
"Hindi ka talaga maganda. Ang ilong mo'y pango, ang mata mo ay duling at ang mga
tenga mo ay malalapad!" sigaw ng binata.
Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng punung-kahoypara magpahinga. Naidlip
siya at nang magising, nakita niya ang magandang dilag. Alam niyang maganda talaga
ang dalaga at hindi totoo ang sinabi niya.
Siya ng dalaga, "ininsulto mo ako, kaya mula ngayon, ikaw ay magiging isang kulisap.
Manunumbalik lamang ang anyo mo kapag naipakita mo sa akin ang isang dalagang
mas higit ang kagandahan sa akin. Humayo ka at hanapin mo ang dalagangsinasabi ko
para mabalik ang dati mong anyo," ang utos ng engkantadang babae.
Lumipad ang binatang naging kulisap upang hanapin ang babaeng mas maganda pa
kaysa sa engkantada. Naghanap siya gabi't araw. Upang makita niya ang babaing
gaganda pa sa sumpa sa kanya, nagdala siya ng ilaw tuwinggabi. Ang binatangyaon na
naging kulisap ang tinawag natin ngayong alitaptap.
ANG ALAMAT NG ANAY
Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto.
Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama’t ina sa
masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng
mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina
pero isinilang parin siya.
Mahal na mahal ng ama’t ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga
ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain.
Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin.
Payat na payat na ang ama’t ina niya para matustusan ang kanyang
pangangailangan.
Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang
aksidente ang ama at ina. Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay
kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal
ay namayat siya at namatay.
Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay
na pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita niya ang isang
insektong kumakain ng kahoy. Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si
Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay naging anay
ANG ALAMAT NG BUTANDING
Noong unang panahon, may isang higanteng binata, na nangangalang Tanding, ang
namumuhay sa isang bayan sa Bicol. Dahil sa kanyang pagiging higante, malimit ay
walangnakikipagkaibigansa kanya dahil na rin sa takot at pangambangbaka saktan sila
ng higante. Dahil sa ayaw ring makapaminsala ng binata sa mga tao, naisipan nitong
manirahan na lamang sa gilid ng isang dalampasigan, malayo sa kabihasnan.
Isang buwan matapos makaalis ni Tanding sa kanilang lugar, isang kagimbal-gimbal na
pangyayari angnaganap. Gabi-gabi’ynagkakaroon ng patayan sa kanilanglugar athalos
ang lahatna nabibiktima nito’y mga kalalakihan. Tadtadng kagat ang katawan angmga
biktima at halos hindi na ito makilala dahil sa sobrang dugong nagkalat.
Sa isip ng mga tao isa lamang ang maaring gumawa ng ganito sa kanila, Si Tanding.
Dahil sa sobrangpagkagalitng mga tao sa kanya, pinuntahannila angbahay ni Tanding
at pinagbabato. Hindi na nagawang lumabas pa ni Tanding dahil na rin sa bantang
papatayin siya. Nang gumabi na’y umalis na rin ang mga residente upang umuwi at
kumain at sa pagkakataong iyon ay nakalabas na si Tanding.
Sa paglipas ng gabi ay sumalakayang daaangdaang mga mababangis na aso sa bayan.
Nakita ni Tanding na nanganganib ang mga tao sa kanilang lugar kung kaya't naisipan
nitong kunin ang atensiyon ng mga aso. Pinakagat niya ang mga dang-daang aso sa
kanyang damit at dinala ito sa malawak na lugar ng dagat. Maraming mga aso ang
kumapit sa kaniyang ulo at pilit na nagpupumiglas.
Sa dami ng mga aso, hindi na nakaalis ang binatang higante sa dagat. Sabay ng
pagkamatayng mga aso, namatayrin ang isangbayaningminsan na nilangkinatakutan.
Sa paglipas ngmga araw, may napansin silangisangnapakalakingisdanglumalangoysa
malapit sa dalampasigan , tila ba’y may hinihintay at binabantayan. Tinawag nila itong
Tanding sa pag-aakalang ang kaluluwa ni Tanding ay napunta rito. Sa kalaunan ito'y
natawag na BUTANDING.
ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx

More Related Content

What's hot

HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9Janelle Langcauon
 
Alamat ng langka
Alamat ng langkaAlamat ng langka
Alamat ng langkaMi L
 
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboTULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboMckoi M
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayMariel Flores
 
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanEl Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanSungwoonie
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonMara Maiel Llorin
 

What's hot (20)

Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at XKwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9
 
Tanka at haiku
Tanka at haikuTanka at haiku
Tanka at haiku
 
Ang alamat ng saging
Ang alamat ng sagingAng alamat ng saging
Ang alamat ng saging
 
pang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahonpang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahon
 
Maikling tula
Maikling tulaMaikling tula
Maikling tula
 
Pagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryonPagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryon
 
GRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYONGRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYON
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Alamat ng langka
Alamat ng langkaAlamat ng langka
Alamat ng langka
 
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboTULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanEl Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyon
 
Hindi ako magiging adik
Hindi ako magiging adikHindi ako magiging adik
Hindi ako magiging adik
 

Similar to ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx

SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdfSI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdfLARRYFABI1
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiSaint Michael's College Of Laguna
 
Alamat ng pusit(Fil.4)
Alamat ng pusit(Fil.4)Alamat ng pusit(Fil.4)
Alamat ng pusit(Fil.4)AlpheZarriz
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanKedamien Riley
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasSa May Balete University
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusajennytuazon01630
 
Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaKokoStevan
 
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAFilipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAGIANDAVID2
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinosolivioronalyn
 
Mina ng Ginto
Mina ng GintoMina ng Ginto
Mina ng Gintoasheyme
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaCherry Javier
 
Mga halimbawa ng parabula
Mga halimbawa ng parabulaMga halimbawa ng parabula
Mga halimbawa ng parabulaLani Requizo
 
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng CanaoIsang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canaoentershiftalt
 

Similar to ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx (20)

SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdfSI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
Alamat ng pusit(Fil.4)
Alamat ng pusit(Fil.4)Alamat ng pusit(Fil.4)
Alamat ng pusit(Fil.4)
 
Alamat ng kasoy
Alamat ng kasoyAlamat ng kasoy
Alamat ng kasoy
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
 
Komik strip
Komik stripKomik strip
Komik strip
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 
Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na Isda
 
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAFilipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
 
Alamat ng ampalaya
Alamat ng ampalayaAlamat ng ampalaya
Alamat ng ampalaya
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
 
Mina ng Ginto
Mina ng GintoMina ng Ginto
Mina ng Ginto
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
 
Alamat ng langaw
Alamat ng langawAlamat ng langaw
Alamat ng langaw
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
 
Fil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptxFil9-Q3_Parabula.pptx
Fil9-Q3_Parabula.pptx
 
Mga halimbawa ng parabula
Mga halimbawa ng parabulaMga halimbawa ng parabula
Mga halimbawa ng parabula
 
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng CanaoIsang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
 

Recently uploaded

Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 

ANG ALAMAT NG BAHAGHARI.docx

  • 1. ANG ALAMAT NG BAHAGHARI Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila. Inatasan sila ni Bathala na magbigayng kulaydito sa mundo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi silamagkasundo-sundo. Sinabi ni Bathala, na magtulong-tulong at magbigayan sa lahat ng oras sa isa't-isa ngunit hindi nila ito ginagawa. Patuloy silang hindi nagkakasundo sa iba't ibangbagay. Palagi silangnagkakaroon ng kumpitensya sa isa't-isa lalo na sa oras ng kanilang trabaho. Sabi ni Luntian, "Ako ang pinakamaraming nagawa dito kaya nararapat lamang na ako ang mabigyan ni Bathala ng gantimpala." Ngunit sumagot si Bughaw, "Anong sinasabi mo dyan na ikaw ang maraming nagawa? Hindi hamak na mas marami ang ambag ko kaysa iyo. Tingnan mo na lamang ang karagatan at ang kalangitan, at iyong makikita ang aking pinaghirapan kung kaya ako ang nararapatna mabigyan na sinasabi mong gantimpala."Ngunithindi pa natapos ang alitan, bagkus ay lalo pa itong lumala dahil nakisali sa usapan ang iba pang mga kulay. Nagpapagalingan sila ng nagpapagalingan. Pasikatan ng pasikatan at walang nagpapatalo. Gusto nilang lahat na mabigyan ng gantimpala, kaya lalong tumindi ang kanilang kumpitensya. Nagkagulo sila dahil sa kanilang pagtatalo. Narinig ni Bathala ang nangyayari, ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil dito, nagalit si Bathala. Pinarusahan sila nito. Sinabi niya, "dahil hindi kayo magkasundo, paparusahan ko kayo ng ayon sa inyongkagustuhan.Dahil palagi kayongmagkakakumpitensya, gusto kong malaman ninyo ang kahalagahan ngkooperasyon sa isa't-isa. Ang kahalagahan ng bawat isa sa inyo. Mula ngayon hanggang sa habang buhay. Gagawin ko kayong isa
  • 2. upang nang sa gayon ay maramdaman ninyo ang inyong kahalagahan at kagandahan ng bawat isa sa inyo." Kung kaya, pinagsama ni Bathala ang pitong kulay. Pinagdikitdikit niya ang mga ito. At dahil sa sobrang nagalit si Bathala kung kaya siya ay nahabag sa pagiyak. At nagtago ang mga kulay sa takot kay Bathala. Lumabas na lamang sila pagkatapos umiyak ni Bathala. Ngunit laking gulat nila nang sila'y lumabas ay dikit-dikit na sila. Hindi na nila mapaghiwalayang kanilangmga sarili kahit anong pilit nila. At nalaman nila na mula sa pito, sila'y naging isa. Sa pangyayaring iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag. Kung kaya ngayon, ang habag na hari na pinagmulan ng mga ito ay sa paglaoy naging bahaghari.Ang pitong kulay ay tinawag na bahaghari. Mapupuna natin ngayon na ang bahaghari ay lumalabas na lamang pagkatapos ng ulan na nangangahulugang pagiyak ni Bathala. At makikita natin dito ang pitongkulay na nagingisa na hanggangsa ngayon ay tinatatawag nating BAHAGHARI.
  • 3. ALAMAT NG AMPALAYA NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa. Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang- maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga! Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangangmagkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak. Dahan-dahan, gumapangsiyangpapalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghangni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito. Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa. Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola. "Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
  • 4. KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon- tipon ang lahatng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga! Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay. Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya! ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilanghukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin. "Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw. "Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata ng Lupa. "A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig. "Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin. "Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya. Pagkaraan ng paglilitis,nangako ang mga diwatang ibabaliknila ang mga lasa, kulay at
  • 5. ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagila- gilalas na nangyari kay Ampalaya. Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyangbalat. Nang magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyangmga kulubot. At nangmagsigawan ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait. MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya. Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
  • 6. Bakit Ikinakawag Ng Mga Aso Ang Kanilang Buntot May isang mayamang lalaki sa isang bayan na may alagang aso at pusa na talaga namang maraming pakinabang sa kaniya. Ang aso’y marami nang napagsilbihang amo at tumanda na rin ito nanghusto kaya hindi na kayang makipaglaban pa. Ngunitmabuti siyang gabay at kasa-kasama ng pusa na malakas at matalino. May anak na babae ang amo nila na nag-aaral sa isang kumbento na may kalayuan sa bahay. Madalas niyang inuutusan ang aso at ang pusa na dalhan ng mga regalo ang kaniyang anak. Isang araw, tinawag niya ang matatapat niyang alaga. Inutusan niya silang dalhin ang mahiwagang singsing sa anak niya. “Malakas ka at matapang,” sabi niya sa pusa. “Maaari mong dalhin ang singsing pero ingatan mo na huwag itong malaglag.” At sinabi niya sa aso, “Kailangang samahan mo ang pusa nang magabayan at maipagtanggol siya sa kapamahakan.” Nangako sila na gagawin nila angkanilangmakakaya, atsaka umalis.Maayos naman ang lahat hanggangsa makaratingsila sa isang ilog. Dahil walangtulay at wala ringbangka, walang ibang paraan para makatawid kundi ang lumangoy. “Ibigay mo sa akin ang mahiwagang singsing,” sabi ng aso nang handa na silang lumundag sa tubig. “Hindi puwede,” sagot ng pusa. “ipinahawak sa akin ito ng amo natin.” “Ngunit hindi ka magaling lumangoy,” katuwiran ng aso. “Malakas ako at kaya ko itong pag-ingatan.”
  • 7. Subalit tumanggi ang pusa na ibigay ang singsing. Hanggang sa binantaan siya ng aso na papatayin siya, kaya napilitan siyang ibigay na rin ito sa aso. Napakalawak ng ilog at napakalakas ng agos kaya lubha silang napagod. At bago nila marating ang kabilang pampang, nahulog ng aso ang singsing. Hinanap nila itong mabuti subalit hindi nila ito nakita kahit saan. Makalipas ang ilang sandali, bumalik na sila upang sabihin sa amo nila ang malungkot na pagkawala ng singsing. Bago pa man makarating sa bahay, natakot ang aso kaya tumakbo siya papalayo. At hindi na siya nakita pang muli. Mag-isangtumuloy ang pusa. Nang makita ng amo na paratingna ito, tinawagniya ito at tinanong kung bakit nakabalik siya agad at kung ano ang nangyari sa kaibigan niya. Natakot ang kawawangpusa. Pero ipinaliwanagniyangmabuti kung paano nawala ang singsing at kung bakit lumayas ang aso. Galit na galit ang amo nang marinig ang kuwento nito. Iniutos niya sa lahat ng mga tauhan niya na hanapin ang aso at parusahan siya sa pamamagitan ng pagputol ng buntot niya. Iniutos din niya na tumulong sa paghahanap ang lahat ng aso sa mundo. Mula noon kapag nasasalubong ng isang aso ang kapwa niya, nagtatanong siya, “Ikaw ba ’yong matandangaso na nakawala sa mahiwagangsingsing? Kungoo, kailangangputulin ang buntot mo.” Agad-agad, ang bawat isa ay nagpapakita ng kanilang ngipin at iwinawasiwas ang kanilang buntot upang patunayan na hindi sila ang salarin. Simula rin noon, takot na ang mga pusa sa tubig. At hanggang maiiwasan, hindi sila lumalangoy para tumawid sa ilog.
  • 8. ANG ALAMAT NG ALITAPTAP Noong unang panahon, may isang makisig na binata na nais mag-asawa ng pinakamagandangdilag. Siya ay mayabangat masyaongmalaki angpagkakilala sa sarili. Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang mga dalaga sa kanya dahil sa pamimintas niya kahit nakaharap ang dalaga. Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok nang masalubong niya ang isang napakagandang dalaga na nakasuot ng putting-puti. "Napakagandangdalaga,"wika niya sa sarili at tuloy-tuloyna nilapitan niya ito. Nang malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at nawalang parang bula. Hinanap niya ang dalaga sa buong kagubatan ngunit hindi niya nakita. Sa tagal at hirap na dinanas ng binata sa paghahanap sa dalaga, nagalit siya. "Hindi ka talaga maganda. Ang ilong mo'y pango, ang mata mo ay duling at ang mga tenga mo ay malalapad!" sigaw ng binata. Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng punung-kahoypara magpahinga. Naidlip siya at nang magising, nakita niya ang magandang dilag. Alam niyang maganda talaga ang dalaga at hindi totoo ang sinabi niya. Siya ng dalaga, "ininsulto mo ako, kaya mula ngayon, ikaw ay magiging isang kulisap. Manunumbalik lamang ang anyo mo kapag naipakita mo sa akin ang isang dalagang mas higit ang kagandahan sa akin. Humayo ka at hanapin mo ang dalagangsinasabi ko para mabalik ang dati mong anyo," ang utos ng engkantadang babae. Lumipad ang binatang naging kulisap upang hanapin ang babaeng mas maganda pa kaysa sa engkantada. Naghanap siya gabi't araw. Upang makita niya ang babaing gaganda pa sa sumpa sa kanya, nagdala siya ng ilaw tuwinggabi. Ang binatangyaon na naging kulisap ang tinawag natin ngayong alitaptap.
  • 9. ANG ALAMAT NG ANAY Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama’t ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya. Mahal na mahal ng ama’t ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang ama’t ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina. Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay. Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita niya ang isang insektong kumakain ng kahoy. Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay naging anay
  • 10. ANG ALAMAT NG BUTANDING Noong unang panahon, may isang higanteng binata, na nangangalang Tanding, ang namumuhay sa isang bayan sa Bicol. Dahil sa kanyang pagiging higante, malimit ay walangnakikipagkaibigansa kanya dahil na rin sa takot at pangambangbaka saktan sila ng higante. Dahil sa ayaw ring makapaminsala ng binata sa mga tao, naisipan nitong manirahan na lamang sa gilid ng isang dalampasigan, malayo sa kabihasnan. Isang buwan matapos makaalis ni Tanding sa kanilang lugar, isang kagimbal-gimbal na pangyayari angnaganap. Gabi-gabi’ynagkakaroon ng patayan sa kanilanglugar athalos ang lahatna nabibiktima nito’y mga kalalakihan. Tadtadng kagat ang katawan angmga biktima at halos hindi na ito makilala dahil sa sobrang dugong nagkalat. Sa isip ng mga tao isa lamang ang maaring gumawa ng ganito sa kanila, Si Tanding. Dahil sa sobrangpagkagalitng mga tao sa kanya, pinuntahannila angbahay ni Tanding at pinagbabato. Hindi na nagawang lumabas pa ni Tanding dahil na rin sa bantang papatayin siya. Nang gumabi na’y umalis na rin ang mga residente upang umuwi at kumain at sa pagkakataong iyon ay nakalabas na si Tanding. Sa paglipas ng gabi ay sumalakayang daaangdaang mga mababangis na aso sa bayan. Nakita ni Tanding na nanganganib ang mga tao sa kanilang lugar kung kaya't naisipan nitong kunin ang atensiyon ng mga aso. Pinakagat niya ang mga dang-daang aso sa kanyang damit at dinala ito sa malawak na lugar ng dagat. Maraming mga aso ang kumapit sa kaniyang ulo at pilit na nagpupumiglas. Sa dami ng mga aso, hindi na nakaalis ang binatang higante sa dagat. Sabay ng pagkamatayng mga aso, namatayrin ang isangbayaningminsan na nilangkinatakutan. Sa paglipas ngmga araw, may napansin silangisangnapakalakingisdanglumalangoysa malapit sa dalampasigan , tila ba’y may hinihintay at binabantayan. Tinawag nila itong Tanding sa pag-aakalang ang kaluluwa ni Tanding ay napunta rito. Sa kalaunan ito'y natawag na BUTANDING.