2. Ikaapat na Yugto:
Kamalayang
Istruktural
Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang
kanilang papaunlad at paparaming mga abstraktong
ideya at mga damdamin, kailangan makarating
sila sa yugtong kamalayang istruktural.
3. Ikaapat na Yugto:
Kamalayang
Istruktural
Ito'y mahalaga upang makabuo sila ng mga
paglalahat at matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan
sa pagsasalita. Habang patuloy na nagiging komplikado
ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang magkamali
dahil bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsan
ay hindi pinapansin ang mga eksepsyon.
4. Ikalimang Yugto:
Otomatik
Sa yugtong ito, ang bata'y nakapagsasabi ng mga pan
gungusap na may wastong pagbabalarila kaya
magagawa na nilang maipahayag ang kanilang
ideya,at damdamin kagaya ng mga
matatandang tagapagsalita ng wika.
Ang mga batang
nasa yugtong ito ay may kahandaan
na sa pagpasok sa kindergarten.
5. Ikaanim na Yugto:
Malikhain
Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-
imbento o lumikha ng sarili nilang wika.
Bagama't ang mga pariralang gamit ay mga dati nang
naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng loob
dahil nagagawa na nilang masalita ang
ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa
paligid.
6. PAGLALAGOM
1) pag-uugnay (pagtatambal ng tunay na bagay
sa tunog ng salita)
2) pagpapatibay (anumang positibong papuri na gagan
yak sa isang bata upang ulitin ang anumang tugon)
3) panggagaya (paggagad sa anumang tunog
na naririrnig sa matatanda)
4) elaborasyon (pagpapalawak ng isang salita
upang makabuo ng pangungusap).