3. KALIGIRANG KASAYSAYAN :
Ang isinaalang-alang na unang
pananakop ng mga Kastila sa ating
kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel
Lopez de Legazpi noong 1565, bilang
kauna-unahang Kastilang gobernador-
heneral. Dito nagsimula ang panitikan ng
mga tao rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay
nagpatuloy nang walang pagbabago
hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa
Kabite noong 1872. Higit sa tatlong
dantaon din ang pananakop na ito ng mga
Kastila.
4. MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY
NG MGA PILIPINO:
mapalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika
Romana, pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay na
pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain
si Villalobos ang nagpasya ng ngalang “Felipinas” o
“Felipenas” bilang parangal kay Haring Felipe II.
“Filipinas” na naging “Pilipinas”
taong 1565 at 1873, nakilala ang mga pangalang
Lakandula, Magat Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego
Silang, Palaris, Manong Pule, atb.
nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag
Naging gobernador si Jose Basco (1778).
Si Claveria (1849), binigyang ng apelyidong kastila ang
pamilyang Pilipino
5. Intsik, Hapon, Ingles nagtangkang lumusob at
umagaw sa Pilipinas
umunlad ang kabuhayan dahil sa tuwirang
pakikipagkumersiyo ng Espanya at Europa. Nagkaroon
ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor
nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay;
nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato
magagandang kasangkapan tulad ng piyano,
muwebles at mga kagamitang pangkusina
natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang
parangal sa mga santo at Papa
bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng
kabayo at teatro
6. MGA LAYUNIN NG ESPANYA SA KANYANG
PANANAKOP :
1. Ang pinakapangunahing dahilan ay ang
pagpapalaganap ng pananampakatayang
Kristiyanismo o katolisismo.
2. Ang ikalawang dahilan ay pagpapayaman.
3. Ang ikatlong dahilan ay pagpapalakas ng
kapangyarihan. Ang Espanya ay naging
mayaman at makapangyarihang bansa noong
ika-15 at ika-16 na daang taon nang masakop
nito ang halos buong Amerika.
7. TATLONG KATANGIAN NG PANITIKAN:
1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan,
gaya ng mga tulang liriko, awit, kurido,
pasyon, duplo, karagatan, kumedya, senakulo,
sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-
wika.
2. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o
halaw sa anyo, paksa, o tradisyong kastila.
8. MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA
PANITIKANG FILIPINO
1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang
abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na
kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan
nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito
ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at
tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-
moro at iba pa.
9. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng
makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang
wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na
pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng
mga lathalain ng mga panahong yaon.
11. DOCTRINA CHRISTIANA
-kauna-unahang aklat na
nalimbag sa Pilipinas noon
1593, sa pamamagitan ng
silograpiko.
-Aklat ito nina Padre Juan de
Placencia atPadre Domingo
Nieva. Nasusulat ang aklat sa
Tagalog at Kastila.
-Naglalaman ng mga dasal,
sampung utos, pitong
sakramento, pitong kasalanang
mortal, pangungumpisal at
katesismo.
-May 87 pahina lamang.
12. NUESTRA SENORA
DEL ROSARIO
-ikalawang aklat na nalimbag
sa Pilipinas. Akda ito ni Padre
Blancas de San Jose noong
1602 at nalimbag sa Imprenta
ng Pamantasan ng Sto. Tomas
sa tulong ni Juan de Vera,
isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo,
nobena, at mga tanong at
sagot sa relihiyon.
13. BARLAAN AT JOSAPHAT
“Aral na Tunay na
Totoong Pag-aacay
sa Tauo, nang manga
Cabanalang Gaua
nang manga
Malaoualhatiang
Barlaan at Josaphat
(1780) na batay sa
mga Sulat sa
Griyego ni San Juan
Damasceno.”
14. BARLAAN AT JOSAPHAT
-ikatlong aklat na nalimbag sa
Pilipinas. Akda ito sa Tagalog
ni Padre Antonio de Borja.
Orihinal na nasa wikang
Griyego.
- Jacobo Biblio (Latin),
Baltazar de Santa Cruz
(Kastila)
- Ipinalalagay itong kauna-
unahang nobelang nalimbag sa
Pilipinas.
-isinalin sa salitang Iloko at sa
anyong patula ni Padre
Agustin Mejia.
15. URBANA AT FELISA
-aklat na sinulat ni
Modesto de Castro, ang
tinaguriang “Ama ng
Klasikong Tuluyan sa
Tagalog”.Naglalaman ito
ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina
Urbana at Felisa. Pawang
nauukol sa kabutihang-
asal ang nilalaman ng
aklat na ito, kaya’t malaki
ang nagawang
impluwensya nito sa
kaugaliang panlipunan ng
mga Pilipino.
16. -aklat na nauukol sa buhay at
pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa
ito tuwing Mahal na Araw.
Nagkaroon ng apat (4) na bersyon
sa Tagalog ang akdang ito, at ang
bawat bersyon ay ayon na rin sa
pangalan ng mga nagsisulat. Ang
mga ito ay ang Padre Mariano
Pilapil (1814) Gaspar Aquino de
Belen (1704); Aniceto dela Merced
(1856); at Don Luis de Guian (1750
).
-Isinaalang-alang na pinakapopular
ang Version de Pilapil na may 8
pantig sa bawat taludtod, at 5
taludtod sa bawat saknong.
PASYON
17. 850
Ang tauo hanggang mayaman
Marami ang kaibigan
Cung mahirap na, I ang buhay
Di batii’t, titigan
851
Gayon ngani itong mundo
Magdaraya, t, walang toto
Parang lihis na totoo
Pangimbolo, i, nanalo
Sa calolowa nang tauo.
PASYON
18. Mga Akdang Panrelihiyon sa Ilokano
Kumulang humigit sa isang daang tula,
animnapung nobena, at apatnapu’t dalawang awit
ang mga nasulat sa Iloko ayon kay Juan F. Burgos na
naghanda ng isang talasanggunian sa panitikang
Iloko. Sa talaang ito’y kasama ang Doctrina Cristiana
na isinalin ni Padre Francisco Lopez, Pasion Mahal ni
Jesucristo ni Padre Agustin Mejia, Sermones Morales
ni Padre Jacinto Guerrero, Escudos del Cristiano ni
Padre Guillermo Sebastian, Novena de Nuestra
Seniora de la Caridad ni Padre Juan Bautista Arenas.
19. Mga Akdang Panrelihiyon sa Bisaya
Ang epiko o Lagda ng mga Bisaya ay siyang
pinagbatayan ng mga paring Kastila sa kanilang pagtuturo
ng pananampalatayang katolisismo sa mga Filipino.
Sapagkat ang Lagda ay nagtuturo ng kagandahang asal ay
pinasukan na lamang ng mga pagbabago ng mga pari at
dinagdagan pa ng mga tuntunin sa pangungumpisal at
pagkukumunyon. Ilan sa itinuro nito ay ang paghalik sa
kamay ng mga matatanda, pag-aantada kung umaalis sa
tahanan, ang pagdarasal ng Rosario at pag-aayuno kung
Mahal na Araw.
Eriberto Gunban- kilalang manunulat ng mga Moro-moro.
20. Mga Akdang Panrelihiyon sa Bikol
Mariano Perfecto- kinilalang “Ama ng
Panitikang Bisaya” na maraming nasulat na
mga akdang panrelihiyon sa Bikol. Ang mga
ito’y talambuhay ng ma santo, mga dasal,
nobena at kasama dito Ang Talambuhay ni San
Dumas, “Mga Naghihirap na Kaluluwa sa
purgatoryo”, at ang “Sining ng Buhay”.
23. DALIT
• ang pag-aalay ng
bulaklak kasabay nang
pag-awit bilang handog
sa Birheng Maria.
• P. Mariano Sevilla
(Tondo, Nobyembre 12, 1832)
FLORES DE MAYO
24. DALIT
Matamis na Birheng pinaghahandugan,
Kami’y nangangako naman pong mag-alay
Ng mga girnalda bawat araw
At ang magdudulot yaring murang kamay.
Tuhog na mga bulaklak sadyang salit-salit
Sa mahal mong noo’y aming ikakapit,
Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig
Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
FLORES DE MAYO
25. SANTA CRUZAN
• ay isang prusisyon na
isinasagawa sa huling
bahagi ng pagdiriwang
ng Flores de Mayo.
Isinasalarawan nito ang
paghahanap sa Banal na
Krus ni Reyna Elena,
ang ina ni Constantino.
30. KARILYO
• pagpapagalaw ng
mga anino ng mga
pira-pirasong
kartong hugis tao sa
likod ng isang
kumot na puti na
may ilaw.
31. SARSUWELA
• isang komedya o
melodramang may
kasamang awit at tugtog,
may tatlong (3)yugto, at
nauukol sa mga
masisidhing damdamin
tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
• Severino Reyes o Lola
Basyang
33. KARAGATAN
• Nanggaling sa alamat ng
prinsesang naghulog ng singsing
sa karagatan, tapos nangakong
papakasalan niya ang binatang
makakakuha nito.
• isang larong may paligsahan sa
tula ukol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng
dagat at kung sinong binata ang
makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag-ibig ng
dalaga.
34. DUPLO
• larong paligsahan sa pagbigkas ng
tula na isinasagawa bilang paglalamay
sa patay.
• Isinasagawa sa ika-9 na araw ng
pagkamatay.
• Pagalingan ito sa pagbigkas at
pagdebate, pero kailangan may
tugma / sa paraang patula.
• Gumagamit ng mga biro, kasabihan,
salawikain at taludtod galing sa
banal na kasulatan.
• BILYAKA at BILYOKO = DUPLERO
35. DUPLO VS. KARAGATAN
KARAGATAN DUPLO
Mas nauna Pinalitan ang karagatan
May matanda, babae at lalaki Madalas dalawang lalaki ang
naglalaban
May isang paraan ng paglalaro Maraming iba’t ibang estilo
Parehong gumagamit ng kasabihan, parabula at makulay na lenguahe, at
kumuha ng taludtod galing sa panitikan.
Dahil dito, nakatulong sila sa pagunlad ng mga wikang Pilipino.
36. SAYNETE
• itinuturing na isa sa mga
dulang panlibangan nang
mga huling taon ng
pananakop ng mga Kastila.
Ang paksa ng dulang ito ay
nahihinggil sa paglalahad
ng kaugalian ng isang lahi
o katutubo.
37. PANGANGALULUWA
• Kilala bilang Todos Los
Santos
Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryo nanggaling
Doon po’y ang gawa namin
Araw gabi’y manalangin
38. DULANG PANGTANGHALAN O
ENTABLADO
Senakulo
Moro-moro
Komedya
Karilyo
Dulang
Panlansangan
Pangangaluwa
Tibag
Panunuluyan
Salubong
Dulang
Pantahanan
Pamamanhikan
Patung/Panubon
g
Duplo
Karagatan
Juego de prenda
40. ARTE Y REGALAS DE LA LENGUA
TAGALA
-sinulat ni Padre Blancas de
San Jose na tinulungan
naman ni Fernando
Bagongbanta at isinalin sa
Tagalog ni Tomas Pinpin
noong 1610.
-- ito ay isang balarilang
Filipino.
41. COMPENDIO DE LA LENGUA TAGALA
---inakda ni Padre Gaspar de
San Agustin noong 1703.
-“Arte de la Lengua Tagala y
Manual Tagalog” ni Padre
Sebastian de Totanes.
-“Ensayo de Gramatica
Hispano Tagala” nina Padre
Toribio Miguella at ni Padre
Hevia Compornes
42. VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA
- kauna-unahang
talasalitaan sa
Tagalog na sinulat
ni Padre Domingo
de los Santos
noong 1613.
43. VOCABULARIO DE LA LENGUA
PAMPANGO
- unang aklat na
pangwika sa
Kapampangan na
sinulat ni Padre
Diego Bergano noong
1732.
44. Vocabularyo de la Lengua Tagala
Sinulat nina Padre de Noceda at Pedro San Lucas na kapwa
mga Hesuwita.
Ang pinakamahusay na talasalitaan na lumabas noong 1754.
Nuevo Diccionario Manual Espanol-Tagala
• Inilathala ni Don Rosalio Serrano noong 1872
• Namana ng kanyang anak na si Pedro Serrano Laktaw ang
katalinuhan niya sa agham at lingwistika.
Pedro Serrano Laktaw
noong 1869 at 1914 ay nakapaglathala ng dalawang
diccionario
ang una’y Espanyol-Tagala at ang huli ay Tagalog-
Espanyol
45. VOCABULARIO DE LA LENGUA BISAYA
- pinakamahusay
na aklat
pangwika sa
Bisaya na
sinulat ni
Mateo
Sanchez
noong 1711.
46. ARTE DE LA LENGUA BICOLANA
- unang aklat pangwika
sa Bikol na sinulat ni
Padre Marcos Lisboa
noong 1754.
47. ARTE DE LA ILOKA
- kauna-unahang balarilang
Iloko na sinulat ni Padre
Francisco Lopez.
- Katulong niya si Pedro
Bukaneg, ang kinilalang
“Ama ng Panitikang Iloko.”
48. MGA DULANG PATULA
a. KOMEDYA/MORO-MORO- isang
matandang dulang Kastila na
naglalarawan ng pakikipaglaban ng
Espanya sa mga Muslim noong unang
panahon.
49. b. KARAGATAN – isang larong may
paligsahan sa tula ukol sa singsing ng
isang dalagang nahulog sa gitna ng
dagat at kung sinong binata ang
makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
50. c. DUPLO –larong paligsahan sa
pagbigkas ng tula na isinasagawa
bilang paglalamay sa patay.
d. KARILYO – pagpapagalaw ng
mga anino ng mga pira-pirasong
kartong hugis tao sa likod ng isang
kumot na puti na may ilaw.
e. SENAKULO – isang dulang
nagsasalaysay ng buhay at
kamatayan ng Poong Hesuskristo.
51. f. TIBAG – isang pagtatanghal kung
buwan ng Mayo, ng paghahanap ni
Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.
g. SARSUWELA- isang komedya o
melodramang may kasamang awit
at tugtog, may tatlong (3)yugto, at
nauukol sa mga masisidhing
damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
52. K. KURIDO – galing sa salitang
Mehikanong “corrido” na ang ibig
sabihin ay “kasalukuyang pangyayari”
(current event). Ito ay tulang
pasalaysay na may sukat na walong (8)
pantig at pumapaksa sa katapangan,
kabayanihan at kababalaghan.
L. AWIT – tulang pasalaysay na may
sukat na labindalawang (12) pantig at
may mga pangyayaring hango sa tunay
na buhay.
53. N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang
nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at
ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.
55. MGA KANTAHING-BAYAN
(Folk Songs) ang
nilalaman ay
nagpapakilala ng iba’t
ibang pamumuhay at
pag-uugali ng mga tao at
ng mga kaisipan at
damdamin ng bayan.
56. Uri ng Kantahing Bayan
1. Talindaw - Ang talindaw ay awit sa pamamangka o pagsagwan
2. Kundiman - ito ay awit sa pag-ibig. (Tagalog)
3. Kumintang - ito ay awit sa pakikidigma.
4. Uyayi o Hele - ito ay awit na pampatulog ng sanggol (Pangasinan)
5. Balitaw- awit sa paghaharana (Bisaya)
6. Paninitsit (Pampango)
7. Colado-awit sa mga taong hindi inaanyayahan sa kainan (Tagalog)
8. Panunukso- awit ng mga bata kung nagtutuksuhan (Tagalog)
9. Pangangaluluwa- awit sa mga patay (Tagalog)
10. Panunuligsa-awit sa mga babaeng masasagwa (Tagalog)
11. Pananapatan- panghaharana sa Tagalog
57. Krayterya sa Pag-awit Puntos
a. Tama ang mga lirikong
inaawit
15
b. Maganda ang tono ng boses
(hindi sintunado)
20
c. May kumpiyansa sa sarili 10
d. May hatak sa mga nakikinig 5
Kabuuan 50
58. KAHALAGAHAN NG KANTAHING
BAYANG PILIPINO
Ito ay nagpapakilala na ang ating diwang-makata
ay katutubo sa ating lupain.
Ito ay nagpapahayag na tunay na kalinangan ng
Pilipino
Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing damdaming
galling sa puso at kaluluwa ng bayan.
60. ANG PANITIKAN SA PANAHONG ITO AY
KARANIWANG…
• Tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong
kolonyal
• Nagkikintal ng pagkamakabayan
• Humihingi ng reporma
• Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga
Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa mamamayan
ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging
indio)
• Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang
magbago ang mga Kastila; hindi PA nila nais na
maging malaya ang Pilipinas)
61. MGA REPORMANG HINIHINGI NG
KILUSANG PROPAGANDA
• Asimilasyon ng Pilipinas bilang
lalawigan/probinsya ng Espanya
• Iba’t ibang karapatan para sa mga Pilipino
na tinatamasa ng mga Espanyol sa
Espanya (malayang pamamahayag,
pagpoprotesta, pagpupulong atbp.)
• Pilipinisasyon ng mga parokya
• Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa
Cortes (ang tawag sa
parlamento/parliament ng Espanya)
62. MGA NOBELA
La Loba Negra (Ang Babaeng Lobong Itim) ni
Padre Jose Burgos – pinaniniwalaang
nakaimpluwensya rin sa mga 2 obra maestra ni
Rizal
• Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose
Rizal
• Fray Botod (ayon sa ibang aklat ay maikling
nobela ngunit sa aktwal ay maikling kwento) ni
Graciano Lopez-Jaena – ukol sa masasamang
katangian ng mga prayle sa Pilipinas noon
• Ninay ni Pedro Paterno – diumano’y kaunaunahang
“nobelang panlipunan”
63. MGA SANAYSAY
Filipinas Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas
Pagkalipas ng 100 Taon) ni Jose Rizal – mga
hula ni Rizal ukol sa kahihinatnan ng Pilipinas:
binanggit niya na posibleng sakupin tayo ng
Estados Unidos sa ating paglaya at totoo nga…
• Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa
Katamaran ng mga Pilipino) – sinagot
(sinupalpal) ni Rizal ang mga buladas ng mga
Kastila na diumano’y tamad ang mga Pilipino
64. Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos
(liham) ni Jose Rizal – isa sa mga akdang
Tagalog ni Rizal na naging popular;
nagbibigay-inspirasyon at -papuri sa mga
kababaihan ng Malolos, Bulacan na nais
magtayo ng paaralang pambabae sa
kanilang bayan
65. La Frailocracia en Filipinas
(Pangingibabaw ng mga Prayle sa
Pilipinas) – tumutuligsa sa katiwalian at
kawalang-katarungan at pangingibabaw
sa Pilipinas ng mga prayle noon
66. Parodiya (Parody/Lampoon)
• Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del
Pilar – koleksyon ng Katesismo at mga
dasal na pinarodiya upang tuligsain ang
mga prayle
67. Ilang bahagi ng
“Dasalan at Tocsohan”
Aba ginoong barya, nakapupuno ka ng
alkansya. Ang prayle ay sumasaiyo.
Bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa
lahat. Pinagpala rin naman ang kaban
mong mapasok. Santa barya, ina ng
deretso, ipanalangin mo kaming huwag
anitan at kami’y ipapatay. Siya nawa.
68. salin ng Aba Ginoong Barya
Hail oh coin, you fill up the piggy bank.
The friars are with you. Blessed are you
among all and further multiplied by the
friars. And blessed also is the chest that
you enter. Holy coin, mother of rights, pray
for us so that we will not be scalped and
be assassinated. Amen.
69. MGA TULA
• Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni
Hermenigildo Flores
• Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
ni Marcelo H. del Pilar
70. MGA PAHAYAGAN
• Diariong Tagalog (unang pahayagang
Tagalog) – pinamatnugutan ni Marcelo H.
Del Pilar
• La Solidaridad (Espanyol ang wika) –
opisyal na pahayagan ng Kilusang
Propaganda; pinamatnugutan nina
Graciano Lopez-Jaena at Del Pilar.
71. TATLONG HALIGI NG KILUSANG
PROPAGANDA
• Jose Rizal (Laong-laan/Dimasalang)
• Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat;
Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel)
• Graciano Lopez-Jaena
72. IBA PANG PROPAGANDISTA
• Jose Maria Panganiban (Jomapa)
• Mariano Ponce (Naning; Tikbalang;
Kalipulako)
• Isabelo de los Reyes
• Antonio Luna
• Pedro Paterno (bagamat malao’y 2 beses
magtataksil sa Pilipinas)
• Pascual Poblete
74. Ang panitikan sa panahong ito ay
karaniwang…
• Nananawagan ng himagsikan
• Nakasulat sa bernakular (wikang
katutubo)
• Nagpapahayag ng marubdob na
pagkamakabayan
75. MGA TULA
• Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres
Bonifacio – tahasang nananawagan ng
pagbaklas/paghiwalay ng Pilipinas sa
“Inang Espanya”
• Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres
Bonifacio
• Filipinas ni Jose Palma – pinagbatayan
ng liriko/titik ng Pambansang awit
76. BAHAGI NG
“PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA”
Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak, asawa, magulang, kapatid,
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
If this country will be endangered
and if she needs protection,
children, wife, parent and brethren
shall be left to heed her call.
77. BAHAGI NG “KATAPUSANG HIBIK…”
Ang lupa at bahay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan
at gayon din pati ng mga halaman
sa paring Kastila ay binubuwisan.
Paalam na, Ina, itong Pilipinas
Paalam na, Ina, itong nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag.
Paalam na ngayon, katapusang tawag.
78. MGA SANAYSAY
• Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio
Jacinto – ukol sa masasamang dulot ng
pag-ibig sa ningning ng kayamanan
• Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni
Andres Bonifacio – panawagan sa mga
Pilipino na tuklasin kung saan nagmula
ang mga paghihirap na kanilang
dinaranas (sa KOLONYALISMO/Pananakop at
pangingibabaw ng mga dayuhan)
79. • Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio
Jacinto – ukol sa masasamang dulot ng
pag-ibig sa ningning ng kayamanan
• Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni
Andres Bonifacio – panawagan sa mga
Pilipino na tuklasin kung saan nagmula
ang mga paghihirap na kanilang
dinaranas (sa
KOLONYALISMO/Pananakop at
pangingibabaw ng mga dayuhan)
80. • Ordenanzas dela Revolucion at
Programa Constitucional dela
Republica Filipina ni Apolinario Mabini –
dokumentong nagpapahayag ng mga
patakaran ng gobyernong rebolusyunaryo
ng mga Pilipino (na malao’y magiging
republikano); binanggit sa Ordenanzas…
ang reporma sa lupa
81. ILANG BAHAGI NG “ANG DAPAT
MABATID NG MGA TAGALOG”
Itong Katagalugan (Pilipinas) na
pinamahalaan ng unang panahon ng ating
tunay na mga kababayan niyaong hindi pa
tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga
Kastila ay nabubuhay sa lubos na
kasaganaan at kaginhawahan….bata’t
matanda at sampung (pati) mga babae ay
marunong bumasa at sumulat ng talagang
pagsulat nating mga Tagalog (ang alibata)
82. Itinuturo ng katwiran na huwag sayangin
ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong
kaginhawahan na hindi darating at
mangyayari. Itinuturo ng katwiran ang
tayo’y umasa sa ating sarili at huwag
antayin sa iba ang ating kabuhayan…
83. MGA PAHAYAGAN
• Kalayaan – opisyal na pahayagan ng
Katipunan
• Heraldo dela Revolucion [Tagapagbalita
ng Himagsikan] – opisyal na pahayagan
ng Republikang Pilipino
• La Independencia [Ang Kalayaan] –
pahayagang pinamatnugutan ni Heneral
Antonio Luna
85. PANAHON NG KOLONYALISMONG
AMERIKANO
Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
• Nagpapakita ng dalawang pwersang
nagtutunggalian
• Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
• Tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga
paksang romantisista
• Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o
pagpapailalim sa mga Amerikano
• Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o
nangongopya ng mga estilong Kanluranin
86. BAKIT SA ESPANYOL PA RIN
NAGSULAT ANG IBA?
• Protesta sa pananakop ng mga Amerikano na
nagsasalita ng Ingles
• Mas matulain at mas akma sa panitikan
ang Kastila kaysa Ingles, ayon sa kanila
• Bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga
unang taon ng pananakop ng Amerikano
• Espanyol pa rin ang wika ng mga
intelektwal noon
87. MGA MANUNULAT SA KASTILA
• Cecilio Apostol – sumulat ng mga tulang handog sa mga
bayani at tumutuligsa sa mga Amerikano
• Fernando Ma. Guerrero – naglabas ng
antolohiya/koleksyon ng mga tula na pinamagatang
Crisalidas (“Mga Higad”)
• Jesus Balmori – may sagisag na Batikuling (isang uri ng
puno); “poeta laureado” (poet laureate)
• Manuel Bernabe – makatang liriko
• Claro M. Recto – naglabas ng antolohiyang Bajo Los
Cocoteros (“Sa Lilim/Shade ng Niyugan”)
• Apolinario Mabini – “utak ng Himagsikan”; ipinatapon ng
mga Amerikano sa Guam dahil popular sa taumbayan
ang kanyang mga sinusulat
88. MGA NAGSULAT SA TAGALOG
• Julian Cruz Balmaceda – sumulat ng
“Bunganga ng Pating”
• Lope K. Santos – nobelista at
mambabalarila (grammarian); Ama ng
Balarilang Tagalog
• Jose Corazon de Jesus – “Huseng
Batute”; “Makata ng Puso/Pag-ibig”
• Pascual Poblete – sumulat ng pasyon na
anti-prayle
89. • Florentino Collantes – batikang duplero;
“Kuntil-Butil”
• Amado V. Hernandez – “Makata ng mga
Manggagawa”
• Valeriano Hernandez-Peña – “Tandang
Anong”; nobelista
• Iñigo Ed Regalado – “Odalager”;
kwentista, nobelista at peryodista
90. MGA NAGSULAT SA TAGALOG AT IBA
PANG WIKANG KATUTUBO
• Severino Reyes – “Ama ng Dulang
Tagalog”
• Aurelio Tolentino – “Ama ng Dulang
Kapampangan”
• Juan Crisostomo Sotto – “Ama ng
Panitikang Kapampangan”
• Hermogenes Ilagan – mandudula
(playwright)
• Patricio Mariano – kwentista
91. MGA NAGSULAT SA INGLES
• Jose Garcia Villa – makatang Pormalista
(art for art’s sake); “Doveglion”
• Zoilo Galang – nagsulat ng unang nobela
sa Ingles
• Zulueta de Costa – makata
• N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzales
– kwentista
• Paz Marquez Benitez – kwentista
92. • Maximo Kalaw – nobelista
• Juan Laya – nobelista
• Leon Arguilla – kwentista
• Nick Joaquin – kwentista
93. MGA SANAYSAY
• El Desarrollo Caida Dela Republica Filipina
(Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino) ni
Apolinario Mabini – tumatalakay sa pagtataksil
ng mga Pilipinong ilustrado sa Unang Republika
ng Pilipinas
• Aves de Rapiña (Mga Ibong Mandaragit-
EDITORYAL; iba pa sa nobela ni AVH) –
tumutuligsa sa Amerikanong ganid at tiwali;
nilathala sa pahayagang “El Renacimiento”;
ipinasara ang pahayagan at ipinakulong ang
mga editor at ibinenta/isinubasta ang lahat ng
ari-arian ng dyaryo
94. ISINALING SIPI NG AVES…
Sa daigdig, ang ilang tao ay ipinanganak
upang kumain o manila (to prey upon), at
ang iba nama’y para kainin o silain (to
become prey).
Inuutos niya sa pamamagitan ng mga
lihim na ahente
95. MGA TULA
• Al Yanqui ni Apostol – tumutuligsa sa
pananakop ng mga Amerikano
• Maria Clara ni Guerrero – nagpapahayag
ng pagluluksa dahil sa inagaw na
kalayaan
• Pasyong Poblete – tumuligsa sa mga
prayle sa pamamagitan ng tulang estilong
pasyon
96. • Kahapon, Ngayon at Bukas (IBA PA SA DULA)
ni Aurelio Tolentino – alegorikal at sarkastikong
batikos sa huwad na kabaitan ng Estados
Unidos
• Sa Dakong Silangan (“modernong awit”) ni
Jose Corazon de Jesus – alegorikal na
pagtalakay sa kasaysayan ng Pilipinas mula
pagdating ng mga Kastila hanggang sa
pagdating ng mga bagong mananakop
(Amerikano)
97. • Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus –
tumutuligsa sa pananakop ng dayuhan at
nagbibigay-pag-asa na balang araw,
lalaya rin ang bayan (nilapatan ng musika
ni Prop. Constancio de Guzman kaya
naging awit)
• Mahalin Ang Sariling Wika ni Joaquin
Mañibo
98. • Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking
Bayan ni Amado V. Hernandez
• Ang Lumang Simbahan ni Florentino
Collantes
99. SIPI MULA SA “KUNG TUYO NA
ANG LUHA MO, AKING BAYAN”
Lumuha ka, aking bayan, buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika…
(Weep, my country, with all sadness weep for
the miserable plight of your poor land:
the flag that symbolizes you is eclipsed by a foreign
banner,
even your language of heritage is enslaved by
another.)
100. SIPI MULA SA “KUNG TUYO NA
ANG LUHA MO, AKING BAYAN”
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos…
[Weep over a thousand and one tragedies that
conspired
to heap burdens upon you, tonic for the foreigners:
all of your treasure chests have been totally emptied,
all of your liberties were simultaneously murdered.
101. SIPI SA TULANG
“AL YANQUI”(SA MGA YANKEE) NI APOSTOL
¡Yankee!
Si mis estrofas logra sobrevivirme,
sus palabras vibraran
en los siglos venideros el odio eterno
del eterno paria.
(Yankee!
Should my lines outlive me,
their words will make known
to future ages the eternal outcast’s
eternal hatred.)
102. SIPI SA TULANG
“MARIA CLARA” NI GUERRERO
NI APOSTOL
Lore sobre nosotros,
alma hermana,
Sobre esta tierra que te
quiere y te nombra…
¡Todavia no surge la mañana!
¡Todavia lloramos en la sombra!
{Weep over us, sister spirit
Weep for this land which
loves you and calls on you…
Morning still has not come!
We are still weeping in the shadows!}
103. SIPI SA TULANG “KAHAPON, NGAYON AT
BUKAS” (IBA PA SA DULA)
(Nagsasalita ang Estados Unidos
At sasagot ang Pilipinas:)
Ang tunay kong nais kayo ay turuan
ng pamamahala nitong inyong bayan
saka pagkatapos sa inyo’y ibigay
ang pagsasarili ng malayang buhay.
Ani Kalayaan: Aking hinihiling
Itong aking baya’y iyong palayain
Pabayaan akong gumawa ng aming
Mga kautusang sukat kailanganin.
104. SIPI SA TULANG “KAHAPON, NGAYON AT
BUKAS” (IBA PA SA DULA)
(patama sa Estados Unidos:)
Siya palibhasa ay MALAKING hari
Sa ibayong dagat MALAKI ang lahi
kaya MALALAKI lahat niyang gawi
at lalong MALAKI gugol na salapi.
Pawang MALALAKI ang ginawang bahay
at MALALAKI rin ang tulay at lansangan
at lalo pang MALALAKI naman
ang lahat ng buwis na pataw sa bayan
105. SIPI MULA “SA DAKONG SILANGAN”
(Patama sa katangahan ng ilang Pilipinong maka-
Amerikano)
Sa gayo’y pamuling lumamlam ang araw
nitong sawing lahi sa dakong silangan;
Mayroon bayan palang kahit sinasakal,
ay di mo makita ang bakas ng kamay.
(Patama sa edukasyong Kanluranin/Kano:)
At ang kabataang tila nabubulag
kay dami ng aklat ngunit walang aklat
libo-libong aral, laksa-laksang pilak
paglabas sa templo’y dayuhan ang utak.
106. SIPI MULA “SA DAKONG SILANGAN”
(Tagubilin sa kabataan:)
Kayong kabataang pag-asa ng bukas
huwag mangawili sa masayang palad
habang ang bayan mo’y may kadena’t hirap
paglaya’y hanapin sa aklat o tabak.
{Oh young men and women, tomorrow’s hope,
do not be intoxicated with the good life
while your country’s enslaved and oppressed
seek out liberty in books or through force.}
107. SIPI MULA “MAHALIN
ANG SARILING WIKA”
Ang wikang sarili’y arteng mahiwaga
landasin ng bayan sa pagkatimawa
ngunit kapag ito’y hindi nakalaya
malulugami na sa pagdaralita
{A nation’s language is a mysterious art
the path of a country towards freedom
but if it fails to be liberated
the nation will miserably stay in poverty.}
108. BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
109. BAYAN KO
Ibong mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal-laya.
110. MGA DULA
• Walang Sugat (sarswela) ni Severino Reyes –
ukol sa pag-iibigan ng isang babae at ng
Katipunero
• Napun, Ngeni at Bukas [Kahapon, Ngayon at
Bukas] sarswela ni Aurelio Tolentino – tuligsa sa
pananakop ng mga Amerikano; ipinaaresto si
Tolentino at ang mga artistang gumanap; ni-raid
ang mga pagpapalabas
• Anac Ning Katipunan [Anak ng Katipunan]
sarswela ni Juan Crisostomo Sotto
• Tanikalang Ginto ni Juan Abad – dulang pag-ibig
ang paimbabaw (superficial) na tema ngunit
pagtuligsa sa imperyalismong Amerikano ang
tunay na mensahe
111. • Pobres y Ricos [Mga Mahirap at Mga
Mayaman] sarswela ni Isabelo delos
Reyes – tumatalakay sa kaawa-awang
kalagayan ng mga manggagawa sa
Pilipinas
• Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino –
tumatalakay sa minimithing pagkakaisa ng
mga manggagawa upang makamit nila
ang kanilang hinahangad na uri ng lipunan
112. MGA NOBELA
• Banaag at Sikat [Glimmer and Sunshine] ni
Lope K. Santos – kauna-unahang nobelang
tumalakay sa sosyalismo
• Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
• Madaling Araw [Dawn] ni Iñigo Ed Regalado
• Pinaglahuan ni Faustino Aguilar – nobelang
nananawagan ng rebolusyon ng mga
manggagawa
• Mga Anak-Dalita ni Patricio Mariano
• Mga Anak-Bukid ni Rosauro Almario
113. • Bulalakaw ng Pag-asa ni Ismael A.
Amado – tampok ang karakter na mala-
Simoun
• Pusong Walang Pag-ibig ni Roman
Reyes
114. SIPI SA “BANAAG AT SIKAT”
…Sa Estado Sosyalista, ang lahat ay mag-aaral,
gagawa ng bagay-bagay ayon sa kanyang hilig
at sa pangangailangan ng sambayanan. Wala
nang matututong magnakaw, sapagkat wala
namang pag-aari ng ibang nanakawin: ang lahat
ay sa lahat na.
{…In the socialist state, everyone will study, will
do things in accordance to what he wants and
what the people needs. There would no longer
be thieves, because private property that can be
stolen no longer exists: everything belongs to
everyone.}
115. SIPI SA “PINAGLAHUAN”
Sa ikapagtatagumpay ng alinmang layon, sa
ikabibihis ng katauhang dinudusta, at sa
ipagwawagi ng Katwiran laban sa Lakas ay
kailangan ang luha’t ang apoy na panunog.
Maggiba muna saka magbuo pagkatapos.
{To successfully attain any objective, to redeem
the oppressed people, and for Right to
overcome Might, tears and fire that burns are
needed. Destroy first so as to create afterwards.}
116. SIPI MULA SA
“BULALAKAW NG PAG-ASA”
(Pag-aalay ng may-akda sa “Bayan Ko”)
…Upang matubos nang ganap sa kuko ng mga kaaway
mong lihim ay kinakailangang matanim sa puso at
mabatid ng bawat Pilipino, na ang una at huling tungkulin
niya sa iyo ay ang matutong gumiba, gumutay, tumupok,
nang walang kapangi-pangimi, sa dapat igiba, gutayin at
tupukin.
{…So as to totally redeem you from your disguised
enemies, it should be inculcated in the hearts of and be
known to every Filipino, that his first and last duty is to
learn how to demolish, destroy and burn, without any
restraint, things that should be demolished, destroyed
and burned.}
117. ANG BALAGTASAN
• Nagsimula noong unang bahagi ng 1900s
• Pagtatangka ng mga makabayang makata na ikiling (to
tilt) ang paksa ng mga patulang pagtatalo gaya ng sa
duplo sa mga paksang pampulitika at panlipunan
• Ang mga unang balagtasan ay tumalakay sa mga
paksang gaya ng: wikang sarili, wikang Ingles o Kastila?;
obrero o eskirol; kagyat (immediate) na kalayaan o
awtonomiya?
• Ipinangalan kay Francisco Balagtas; nagkaroon ng
bersyon sa ibang wika gaya ng sa Kapampangan
(Crisottan: parangal kay Juan Crisostomo Sotto) at sa
Ilokano (Bukanegan: parangal kay Pedro Bukaneg)
118. MGA PAHAYAGAN
• El Nuevo Dia [Ang Bagong Araw]
• El Grito del Pueblo [Ang Sigaw ng
Bayan]
• El Renacimiento [Ang Muling Pagsilang]
119. MGA NOBELANG INGLES
• A Child of Sorrow ni Zoilo Galang
• The Filipino Rebel ni Maximo Kalaw
• His Native Soil ni Juan Laya
• His Dishonor the Mayor ni Leon Ma.
Guerrero
Editor's Notes
isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon. Itinatanghal ito kung Mahal na Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado. Tinatawag din itong “pasyon sa tanghalan”.
ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan dito ay sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si Emperador Constantino. Tinawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag ng bundok ng Kalbaryo sa paghanap ng krus.
itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghaharap dito: ang mga Kristiyano at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna’y naging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”. Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga Kristiyano sa mga paglalaban.