Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

ang panitikan ng rehiyon 1

Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
ANG PANITIKANG ILOKANO
Pinaniniwalaang nagmulang ng salitang Ilokos:
1. Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagp...
A. KANTAHING BAYAN
1. Pinagbiag- ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani. Nahahati sa
dalawang uri:ang awiting na...
8.Awit sa pagtatanim,paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan.
B.SALAYSAYING BAYAN
1.ALAMAT
Halimbawa:
1. Bakit u...
Advertisement
Upcoming SlideShare
Panitikang Iloko
Panitikang Iloko
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 7 Ad

More Related Content

Advertisement

Similar to ang panitikan ng rehiyon 1 (20)

Advertisement

ang panitikan ng rehiyon 1

  1. 1. ANG PANITIKANG ILOKANO Pinaniniwalaang nagmulang ng salitang Ilokos: 1. Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan sa maliit na baybayin na ‘’look’’. Ang unlaping ‘’I’’ nangangahulugang ‘’mula sa’’ o ‘’ilog’’. 2. Nagmula sa ‘’loko’’ na ang ibig sabihin ay ‘’bayan sa kapatagan’’ at dinadagdagan na lamang ng ‘’I’’. 3. Nagmula sa salitang tagalog na ‘’iloc’’. ILOKANO  Ang tawag sa lipi ng naninirahan sa nasabing lugar. SAMTOY  Ang taguri ng mga ilokano sa kanilang salita.  Mula sa salitang ‘’saomi datoy’’.  Isang austronesian KURDITAN  Ang tawag sa kanilang panitikan.  KURDIT-‘’sumulat’’ DOCTRINA CHRISTIANA  Ni Cardinal Berllarmine na isinalin ni P. Francisco Lopez.  Ito ang kauna-unahang libro ng mga ilokano.  Naglalaman ito tungkol sa unang tulang iloko at mga bahagi na naisulat ng mga katutubong script. URI NG PANITIKANG ILUKO Uri ng panitikang iluko ayon kay Leopoldo Y. Yabes ay ang mga sumusunod: I. Mga simu-simula II. Mga akdang ukol sa pananampalataya sa kagandahang asal III. Mga akdang ukol sa wikang Iluko IV. Panulaang Iluko V. Maikling kuwento VI. Nobela VII. Dula l. Mga simusimula A. Kantahing bayan B.Salaysaying bayan C.Karunungang bayan
  2. 2. A. KANTAHING BAYAN 1. Pinagbiag- ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani. Nahahati sa dalawang uri:ang awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin. 2. Dallot- awit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay ng payo sa bagong kasal. - Isang uri ng pagtatalo ng lalaki at babae sa saliw ng tulali. - TULALI- isang plawtang iloko na may 6 na butas. Halimbawa: Da mangngalap ken agsansana(ang mga mangingisda at mag-aasin) Salin ni Deogracia del Castillo-Santos Mannamili 3.Badeng- isang awit pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang nanghaharana. Halimbawa: Manang biday Pamulinawen Naraniag a bulan 4.Dung-aw- awit para sa mga patay Halimbawa: As-asug daguiti kararrua Agtig-ab ti lubong 5. Dasal na patungkol sa mangmangkik -ang mga mangmangkik ay espiritu sa kagubatan na dinadasalan upang hindi sila magalit. 6 . Arinkenken- paligsahan ng mga lalaki at babae . - Ang tema nlia ay tungkol sa karapatan at responsibilidad. 7.Hele o duayaya- Awit na pampatulog sa mga bata Halimbawa: Hele
  3. 3. 8.Awit sa pagtatanim,paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan. B.SALAYSAYING BAYAN 1.ALAMAT Halimbawa: 1. Bakit umakyat sa damo ang mga suso? Ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan 2. Ang kauna-unahang unggoy ni Sotero Albano ng Dingras, Ilocos Norte 3. Ang alamat ng bigas 4. Alamat ng pinaupong bangkay 2.KUWENTONG BAYAN Halimbawa: 1. Ang tatlong magkakapatid na lalaki 2. Ang tatlong magkakapatid na masuwerte 3. Si juan tamad 4. Ang gintong tuntunin 5. Cochinango 6. Si Andres, ang mambibitag 7. Ang hunyango at pagong 8. Si Camachile at si pasion 9. Ang pitong tangang magkakaibigan 3.EPIKO Halimbawa: Biag ni lam-ang ni Pedro Bukaneg BURBURTIA O BURTIA - ito ang katumbas ng bugtong g tagalog kung saan sinusukat nito ang kaisipan ng mga ilokano. Halimbawa: a.no baro ket narukop no daan nalagda (tambak) b.sangapulo iti mangiyawat taltallo iti mangawat 1. PAGSASAO- salawikain sa tagalog.,may aral at bibigkas ng patula Halimbawa:
  4. 4. 1.ti adda siniglot na isu ti adda bukraen na 2. ti usto nga napanglaw ket ti tao nga awan ammo iti napintas nga adal. 2. ARASAAS- katumbas ito ng bulong sa tagalog. Halimbawa: 1. Umaykan , dika agbatbati 2. Puwera dildilaw 3. Kaasiam apo 4. Dayo dayo, bari bari apo II.MGA AKDANG UKOL SA PANANAMPALATAYA AT KAGANDAHANG ASAL 1. Doctrina christiana ni Cardinal Bellarmine na isinalin ni P. Francisco(1621) 2. Pasion de nuetra senora jesuchristo(1621) ni P.Antonio Mejia 3. Vida de san Barlaan y Josaphat(1700) ni P. Agustin Mejia 4. Sermones morales at escudos del christiana ni P. Jacinto Guerrero at P. Guellirmo Sebastian. 5. Novena de nuestra de la caridad que se venera en la eglesia del pueblo de bantay P. Juan Bautista Arenos III. MGA AKDANG UKOL SA WIKANG ILOKO 1. Arte de le legua iloca(1627) ni P. Francisco Lopez 2. Vocabulario de la lengua iloco ,isinulat ni P. Lopez at inayos ng 1800 at muling inayos ni P. Andres Carro. 3. Gramatica hispano- ilocana at diccionario hispano(1900) 4. Etudios de las antigua alfabitos filipino IV.ANG PANULAANG ILOKANO 1. Pedro bukaneg 2. Leona florentino 3. Justo claudio y fojas V.MAIKLING KUWENTO SARITA- ang tawag ng mga ilokano sa kanilang maikling kuwento. Ito’y nanganagahulugang kuwento sa tagalog. 1. Ti langit iti innamnamatayo( ang langit ang pag-asa) Pinakadagdag ng pulyento na biag ni aida VI. NOBELA 1. Matilde de sipangan(1872) ni P. Rufino Redondo - Kauna-unahang nobela na nailibag. - Umani ang akda ng gintong medalya noong 1892
  5. 5. 2. Biag ti meysa a lakay wenno nakaam-ames a bales -sinulat ni Mariano Gaerlan na ang nobelang yaman ng interpretasyon sa buhay at kaugalian ng rehiyong iloko. Ang ilan sa mga kilalang nobelang iluko 1. Apay a pinatay da ni naw Simon ni Leon Pechay(1935) 2. Puso iti ina ni Leon Pechay(1936) 3. Mining wenno ayat ti carrua(1914) ni marcelino p. crisologo, 4. Uray narigat no paguimbagan (1911) ni Facundo madriaga 5. Nasamit ken narukos nga sabong daguiti dardaradepdep ti agbaniaga (1921)ni marcos milton 6. Sabsabong ken lullua(1930) ni r. repicio Ang ilan sa nobelang nailimbag nang maitatag ang pahayagang bannawag 1. Ti maingel ti kabambantayan(ang bayani ng kagubatan) ni arsenio t. ramel. 2. Puris iti barukong(tinik sa dibdib)ni constante c. casabaris. 3. Daguiti mariing iti parbangon ni constante c. casabaris 4. Ta di da ammo ti aramidda ni marcelino a. foronda 5. Nasudi nga panagayat ni marcelino foronda 6. Ramut iti ganggamet ni marcelino foronda Ilan sa mga naisulat ng mga makabagong nobelista 1 .ta annak ida iti dios ni lorenzo tabin 2. viva pinoy ni mario abalos VII. DULA  NENA CRISOLOGO- ang masasabing pinakadakilang pangalan sa larangan ng dulaang Ilokano. Ang kanyang akdang codigo municipal at takneng a panangsalisal ang sinasabing kaniyang obra maestra. MGA MANUNULAT NG REHIYON 1 1. Mga manunulat ayon sa wikang gamit sa panunulat. A. Wikang Iloko: Aurilio Agcaoili, Hermones Belen Jose Bragado, Dionisio Bulong, Honor Blanco-Cabie,Jeremias Calixto, Constante C. Casabar, Reynaldo Duque, Juan S.P. Hidalgo Jr., Alejandro Hufana,Gregorio Laconsay, Benjamin Pascual, Marcelino Crisologo Pena, Leon Pichay,Godofredo Reyes,Herman Tabin At Lorenzo Tabin. B. Wikang Filipino: Herminio Beltran,Andres Cristobal Cruz At Paul Dumol. C. Wikang English: Carlos Angeles,Francisco Arcellana,Manuel Arguila, Carlos Bulosan,Albert Casuga,Tita Ayala Alcambra,Juan C. Laya, Salvador Lopez, Severino Montano,Donel Pacis, F. Sioni Jose At Carlos Romulo.
  6. 6. 2. Mga manunulat ayon sa anyo/disiplina A. Mananalaysay (Historian) Marcelino Foronda Jr., At Leopoldo Y. Yabes B. Dramatista – Pacita Saludes Mananaysay(Essayists) Yolonda Ablang,Herminigilda T. Lingbaong-Bulong,Harmony Francisca Cabie, Hermione, Mary Ann Cabie, Ma Rose Cabie,Visitacion R. Dela Tore, Nieves Espistola, Linda Villanueva Landingan,Julia Palanca, Pacita Saludes, Anilin Venencaciano. C. Kuwentista: Ruperta Ramos Asuncion, Crispina Balderas Bragado,Eden Cachola Bulong,Hermilinda Lingbaon Bulong, Liticia Farines,Cristina Gervacio-Gallato, Onofrecia Ibarra, Linda A. Villanueva Landingan, Pacita C. Saludes, Cresencia Alcantara, Julie Gorospe At Caroline Salmasan. D. Makata: Leona Florentino, Yolanda Ablang,Antonio Marcos Rubio, Consolacion Talbo,Sinamar Robians Tabin,Anilin Vancaciano,Ursula Villanueva, Enriquetta De Peralta. Ilang piling manunulat ng literatura ng iloko 1. Pedro bukaneg- ang kinikilalang ama ng panitikang iloko at ipinapapalagay na siyang francisco balagtasng iloko, walang gaanong tala kay bukaneg. 2. Leonna florentino- ititnuturing na unang makatang babaeng pilipino at butihing ina ni Isabelo delos Reyes, 3. Carlos s. bulosan- mula sa binalonan, pangasinan at matagal nanirahan sa estado unidos. *Ang busabos ng kahapon at ang iba pang tula(1975) *Ang dugo ng magdamag at iba pang tula(1976) *Ang ulupong(maikling kuwento) 4. Jose bragado- ipinananganak sa illocos sur at pangulo ng ‘’gumil’’ gunglo daguiti manurat nga ilocano(1968). Tanyag na manunulat ng ilocos sur at pangalawa kay Pedro Bukaneg. 5. gregorio t. amaco- mula sa vigan, iloco Sur, mga sinulat ay ang mga sumusunod,’’ dimo koma biruken ti kaasida’’ o‘’ do not loo for their mercy’’,’’talna’’ o ‘’peace’’,’’buhon’’o ‘’well’’, naging editor ng phil. Journal at gumawa ng apat na aklat sa practical arts. 6. zosimo barnachea- isinilang sa tagudin, ilocos Sur at aktibong meyambro ng gumil -nagtamo siya ng unang gantimpala pagsulat ng maikling o short story. 7. jose calip- ipinanganak sa candon ,ilocos sur. Sinulat niya ang mga pilipinno folklore o mga Alamat ng pilipino.
  7. 7. 8.Mario a. abalos- isinilang sa vigan ilocos sur ,nakasulat siya ng pitong nobela at sampung dula tulad ng uban at rosas,. Naging editor din siya ng kiss magazine at pluma magazine at nagkamit ng sa patimpalak sa pagsulat sa hawii at ginawarang ‘’ thomas jefferson award’’. 9. Constante C. Casabar- mula sa Narnalan, ilocos sur 10. claro caluya- makata at nobelista. Tinagurian prinsipe ng mga makatang ilokano. ANG MGA BABASAHIN AT SAMAHANG ILUKANO EL ILOCANO- pinakaunang pahayagang pangrehiyon sa Pilipinas. Itinatag ni Isabelo delos Reyes. BANNAWAG(1934)- pahayagang umani ng negatibong pamumuna mula sa iba’t ibang rehiyon. KUTIBENG(LIRA)- isang samahan ng mga manunulat na ilukano sa Maynila at mga karatig lalawigan. Pacifico D. Espanto ang nahirang na taga pangulo nito Gunglo daguiti manunurat iti iluko noong oktubre, 1964 Itinatag ito sa ilocos sur at pinamunuan ni Pelagio A. Alcantara. At naging gunglodaguiti manunurat iti filipinas o gumil filipinas. Lumawak ang sakop ng gumil, ipinanganak ang mga gumil sa La Union (1966), manila (disyembre ,1966), Baguio City (1968), at Hawii(1971).

×