ESP 2
Quarter 3 Week 4 Day 1
Aralin:
Pagiging Masinop,
Taglay Ko!
Layunin:
1. Naipapahayag ang wastong
pagpapahalaga at paggamit ng anumang
bagay.
2. Naisasagawa ang wastong pagpapahalaga
at paggamit ng anumang bagay.
3. Nakapagbabahagi sa wastong
pagpapahalaga at paggamit ng anumang
bagay.
Balik-aral
Gawin ang oppa hand sign kung
ang larawang nagpapakita ng pagiging
masinop o matipid at thumbs down
naman kung hindi.
Pagganyak
Tunghayan natin ang isang
maikling tula na nagpapakita ng
ibat-ibang paraan ng pagiging
masinop. Basahin ang tula nang
may pang-unawa.
Si Bobot Masinop
ni M.C Marigmen
May isang batang
Bobot ang pangalan
Sa pagiging masinop
Siya’y tunay na huwaran
Baon niyang sobra
Sa alkansya napupunta
Sa panahon ng kagipitan
May pagkukunan
Sa bahay siya’y kinalulugdan
Pagkaing sapat lang kinukuha
Para hindi magsayang
Sa hapuna’y may matitira pa
Pati mga kaibigan
Tinuturuan niya
Ang tubig at kuryente ay mahalaga
Kaya huwag mag-aksaya
Mga tanong:
Itanong:
Nagustuhan niyo ba ang tula?
Ano ang pamagat nga tula? Sino ang
may-akda?
Ilang linya mayroon ang tula?
Taludtud? Saknong?
Ano ang mensahe na nais ipahiwatig
nito sa inyo?
Paglalahad
Tunghayan natin ang isang maikling
kuwento ng dalawang magkaibigan na
katulad mo na nasa Ikalawang Baitang. Sa
tulong ng iyong magulang o
nakatatandang kasama sa bahay, basahin
ito nang may buong pag-unawa.
Si Isang Gastador at
si Litang Masinop
Si Isang at Lita ay
parehong nasa
Ikalawang Baitang.
Sila ay sabay na
pumapasok sa
paaralan.
Tuwing oras ng recess
sabay silang pumupunta
sa kantina para bumili ng
meryenda. Inuubos ni
Isang ang lahat ng
kanyang baon,
samantalang si Lita ay
nagtitira para ilagay sa
kaniyang alkansiya.
Habang ang magkaibigan ay
kumakain, pinuna ni Lita ang
kaibigan ukol sa labis na paggasta
nito sa kaniyang baon. Napatigil sa
pagkain si Isang at nakinig sa
kaniyang kaibigan na si Lita.
Napaisip ito at tinanong ang kaniyang
sarili “Bakit nga ba ako magastos?” Sa
kanilang pag-uusap ibinida ni Lita ang
kaniyang alkansiya na binili ng
kaniyang tatay upang maipon niya
ang mga sobra sa kaniyang baon.
Sinabi niya na mapupuno na ito at
makakabili na siya nang gustong-
gusto niyang bisikleta.
Binigyan niya ng payo ang kaibigang
si Isang kung paanong paraan
magiging masinop sa mga iba pang
bagay. Sumang ayon naman si Isang
at nangako kay Lita na magsisimula
na rin siyang mag- ipon at hindi na
uubusin ang lahat ng kaniyang baon.
Masayang natapos kumain
ang magkaibigan at dali-
dali na silang bumalik sa
kanilang silid-aralan.
Pagmomodelo (I do)
Nasiyahan ka ba sa ating kuwento?
Ngayon naman, mula sa kuwentong
iyong binasa, sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
1. Sino sa dalawang
magkaibigan ang masinop
sa kuwento?
a. Lita
b. Isang
c. Rita
2. Ano ang ginagawa ni Lita
sa kaniyang sobrang baon?
a. binibigay sa nanay
b. binibili ng pasalubong
c. iniipon sa alkansya
3. Ano ang planong bilhin ni
Lita sa naipong pera?
a. damit
b. manika
c. bisikleta
4. Ano ang ipinangako ni
Isang sa kaibigang si Lita?
a. bibigyan niya ito ng lapis
b. magsisimula na din itong
mag ipon
c. maglalaro sila
5. Dapat bang tularan ang
pagiging masinop ni Lita?
a. oo
b. hindi
c. marahil
Mahalaga ang pagtitipid hindi lamang
ng pera kundi pati na rin ng kuryente,
tubig, at iba pang bagay. Ang
wastong paggasta ng pera ay isang
paraan upang makapag-impok. Kung
may pera kang naitago, may
magagamit ka sa oras ng iyong
pangangailangan.
Ang wastong paggamit
naman ng tubig at kuryente
ay makakatulong hindi
lamang sa pamilya kundi
gayundin sa ating bansa at
sa buong mundo.
Ang wasto at matalinong paraan
ng paggamit sa ating mga
kagamitan ay isang paraan din
ng pagtitipid. Makakatipid tayo
kung ang bibilhin natin ay mga
bagay na kailangan lamang
natin.
Ginabayang Pagsasanay (We do)
Isulat ang Tama kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap at
Mali kung di wasto ang
pangungusap.
1. Tinatapon ko na ang pudpod na krayola.
2. Sinasara ko ang gripo kapag hindi ito
ginagamit.
3. Pinapatay ko ang mga appliances na hindi
ginagamit.
4. Gumagamit ako ng timba at tabo sa paliligo
para hindi maaksaya sa tubig.
5. Magtatanim ako ng mga halamang gulay
sa aming bakuran.
Malayang Pagsasanay (You do)
Isulat sa iyong sagutang papel
ang salitang Wasto kung ang
larawan ay nagpapakita ng
pagtitipid at Hindi Wasto naman
kung hindi.
Bakit mahalaga
ang pagiging
masinop?
Pagtataya
Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang
pangungusap o sitwasyon ay nagsasaad ng
pagiging matipi at malungkot na mukha ☹
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Nakabukas ang gripo habang ako ay
nagsisipilyo.
2. Hinuhulog ko sa alkansya ang sobra kong
pera.
3. Binubuksan ko ang lahat ng ilaw sa silid kahit
na maliwanag.
4. Hindi ko ginagastos ang perang bigay sa akin
ni nanay para may pambili ako ng sitsirya.
5. Isinusuot ko pa rin ang luma kong sapatos
dahil wala pa itong sira at kasya pa sa akin.
Takdang-aralin
Magsaliksik o magtanong ng
tips para makatulong sa
pagtitipid sa pagkain kuryente
at tubig. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

Edukasyon sa Pagpapakatao II Quarter 3 Week 4 Day 1.pptx

  • 1.
    ESP 2 Quarter 3Week 4 Day 1
  • 2.
  • 3.
    Layunin: 1. Naipapahayag angwastong pagpapahalaga at paggamit ng anumang bagay. 2. Naisasagawa ang wastong pagpapahalaga at paggamit ng anumang bagay. 3. Nakapagbabahagi sa wastong pagpapahalaga at paggamit ng anumang bagay.
  • 4.
    Balik-aral Gawin ang oppahand sign kung ang larawang nagpapakita ng pagiging masinop o matipid at thumbs down naman kung hindi.
  • 10.
    Pagganyak Tunghayan natin angisang maikling tula na nagpapakita ng ibat-ibang paraan ng pagiging masinop. Basahin ang tula nang may pang-unawa.
  • 11.
    Si Bobot Masinop niM.C Marigmen
  • 12.
    May isang batang Bobotang pangalan Sa pagiging masinop Siya’y tunay na huwaran Baon niyang sobra Sa alkansya napupunta Sa panahon ng kagipitan May pagkukunan
  • 13.
    Sa bahay siya’ykinalulugdan Pagkaing sapat lang kinukuha Para hindi magsayang Sa hapuna’y may matitira pa Pati mga kaibigan Tinuturuan niya Ang tubig at kuryente ay mahalaga Kaya huwag mag-aksaya
  • 14.
    Mga tanong: Itanong: Nagustuhan niyoba ang tula? Ano ang pamagat nga tula? Sino ang may-akda? Ilang linya mayroon ang tula? Taludtud? Saknong? Ano ang mensahe na nais ipahiwatig nito sa inyo?
  • 15.
    Paglalahad Tunghayan natin angisang maikling kuwento ng dalawang magkaibigan na katulad mo na nasa Ikalawang Baitang. Sa tulong ng iyong magulang o nakatatandang kasama sa bahay, basahin ito nang may buong pag-unawa.
  • 16.
    Si Isang Gastadorat si Litang Masinop
  • 17.
    Si Isang atLita ay parehong nasa Ikalawang Baitang. Sila ay sabay na pumapasok sa paaralan.
  • 18.
    Tuwing oras ngrecess sabay silang pumupunta sa kantina para bumili ng meryenda. Inuubos ni Isang ang lahat ng kanyang baon, samantalang si Lita ay nagtitira para ilagay sa kaniyang alkansiya.
  • 19.
    Habang ang magkaibiganay kumakain, pinuna ni Lita ang kaibigan ukol sa labis na paggasta nito sa kaniyang baon. Napatigil sa pagkain si Isang at nakinig sa kaniyang kaibigan na si Lita.
  • 20.
    Napaisip ito attinanong ang kaniyang sarili “Bakit nga ba ako magastos?” Sa kanilang pag-uusap ibinida ni Lita ang kaniyang alkansiya na binili ng kaniyang tatay upang maipon niya ang mga sobra sa kaniyang baon. Sinabi niya na mapupuno na ito at makakabili na siya nang gustong- gusto niyang bisikleta.
  • 21.
    Binigyan niya ngpayo ang kaibigang si Isang kung paanong paraan magiging masinop sa mga iba pang bagay. Sumang ayon naman si Isang at nangako kay Lita na magsisimula na rin siyang mag- ipon at hindi na uubusin ang lahat ng kaniyang baon.
  • 22.
    Masayang natapos kumain angmagkaibigan at dali- dali na silang bumalik sa kanilang silid-aralan.
  • 23.
    Pagmomodelo (I do) Nasiyahanka ba sa ating kuwento? Ngayon naman, mula sa kuwentong iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
  • 24.
    1. Sino sadalawang magkaibigan ang masinop sa kuwento? a. Lita b. Isang c. Rita
  • 25.
    2. Ano angginagawa ni Lita sa kaniyang sobrang baon? a. binibigay sa nanay b. binibili ng pasalubong c. iniipon sa alkansya
  • 26.
    3. Ano angplanong bilhin ni Lita sa naipong pera? a. damit b. manika c. bisikleta
  • 27.
    4. Ano angipinangako ni Isang sa kaibigang si Lita? a. bibigyan niya ito ng lapis b. magsisimula na din itong mag ipon c. maglalaro sila
  • 28.
    5. Dapat bangtularan ang pagiging masinop ni Lita? a. oo b. hindi c. marahil
  • 29.
    Mahalaga ang pagtitipidhindi lamang ng pera kundi pati na rin ng kuryente, tubig, at iba pang bagay. Ang wastong paggasta ng pera ay isang paraan upang makapag-impok. Kung may pera kang naitago, may magagamit ka sa oras ng iyong pangangailangan.
  • 30.
    Ang wastong paggamit namanng tubig at kuryente ay makakatulong hindi lamang sa pamilya kundi gayundin sa ating bansa at sa buong mundo.
  • 31.
    Ang wasto atmatalinong paraan ng paggamit sa ating mga kagamitan ay isang paraan din ng pagtitipid. Makakatipid tayo kung ang bibilhin natin ay mga bagay na kailangan lamang natin.
  • 32.
    Ginabayang Pagsasanay (Wedo) Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung di wasto ang pangungusap.
  • 33.
    1. Tinatapon kona ang pudpod na krayola. 2. Sinasara ko ang gripo kapag hindi ito ginagamit. 3. Pinapatay ko ang mga appliances na hindi ginagamit. 4. Gumagamit ako ng timba at tabo sa paliligo para hindi maaksaya sa tubig. 5. Magtatanim ako ng mga halamang gulay sa aming bakuran.
  • 34.
    Malayang Pagsasanay (Youdo) Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang Wasto kung ang larawan ay nagpapakita ng pagtitipid at Hindi Wasto naman kung hindi.
  • 40.
  • 41.
    Pagtataya Iguhit ang masayangmukha ☺ kung ang pangungusap o sitwasyon ay nagsasaad ng pagiging matipi at malungkot na mukha ☹ naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
  • 42.
    1. Nakabukas anggripo habang ako ay nagsisipilyo. 2. Hinuhulog ko sa alkansya ang sobra kong pera. 3. Binubuksan ko ang lahat ng ilaw sa silid kahit na maliwanag. 4. Hindi ko ginagastos ang perang bigay sa akin ni nanay para may pambili ako ng sitsirya. 5. Isinusuot ko pa rin ang luma kong sapatos dahil wala pa itong sira at kasya pa sa akin.
  • 43.
    Takdang-aralin Magsaliksik o magtanongng tips para makatulong sa pagtitipid sa pagkain kuryente at tubig. Isulat ito sa iyong kuwaderno.