Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Neoliberal education in the philippines by manuel

207 views

Published on

  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Neoliberal education in the philippines by manuel

  1. 1. Neoliberal Education in the Philippines rebolusyonaryong hukbo ng republikang pinamunuan ni Emilio Aguinaldo ang tumayong mga prayle sa pagpapatahimik sa mga nagtatanggol sa malayang pamahalaan ng mga Filipino. Sa pamilya ng mga ilustrado nanggaling ang mga elite na Filipino na naunang tumanggap sa wikang panturo na itinakda ng administrasyong kolonyal ng mga Amerikano. Sinadya ng mga bagong kolonyalista na ang elite ang una nilang kabigin sa kanilang hanay. Ang programang ginamit upang bitagin ang mga anak-ilustrado ay ang sistemang pensionado na nagpadala sa mga kabataang Filipino sa Amerika upang mag-aral sa mga kolehiyo at unibersidad at makipanirahan sa mga pamilyang Amerikano. Sa pamamagitan ng Ingles, samakatwid, isinubo ang mga kabataan sa kultura ng lipunang Amerikano na, sa dahilang may higit na maunlad na ekonomiya, ay nakapagdulot ng mga produkto, kagamitan at luho ng katawan na hindi pa malaganap sa Filipinas. Sa pagbalik ng mga pensionado sa Filipinas, may mga katutubong tagapamansag nang naitanim sa ating lipunan ang kolonyalismong Amerikano, hindi lamang sa larangan ng edukasyon kundi pati na sa ekonomiya at politika. Noong 1901 pa lamang, tiniyak na ng Philippine Commission ang tagumpay ng kolonisasyong Amerikano nang itakda ng Act No. 74 ang pagtatayo ng sistemang pampublikong paaralan na magbibigay ng libreng primaryang edukasyon. Itinayo rin ng nasabing batas ang isang paaralang Normal kung saan sasanayin ang mga gurong Filipino na sasalo sa pagtuturong ginagampanan ng mga Amerikanong militar at sibilyan. Dahil Ingles ang wikang panturo, ang mga naunang teksbuk sa mga paaralang primarya ay mga librong ginagamit ng mga kabataang Amerikano, na tila
  2. 2. baga walang pagkakaiba ang kulturang pinanggalingan ng mga mag-aaral na magkaiba ang lahi. Ang ibinunga ng ganitong kaayusan ay mga Filipinong nag-iisip, kumikilos, at nagpapasya batay sa mga pagpapahalagang hiram sa mga Amerikano, at ito ang ugat ng pagkakahiwalay ng mga “edukadong” Filipino sa mga kababayang, bunga ng kahirapan, ay bahagya na lamang nabahiran “edukasyong kolonyal.” Taong 1935 na nang bitawan ng mga Amerikano ang Departamento ng Edukasyon at ipagkatiwala ito sa mga opisyal na Filipino, na nauna nang hinubog nila ayon sa kanilang imperyalistang oryentasyon. Ipinagugunita nito sa atin ang maigting na pagkapit ng mga prayle at kura sa oryentasyong pansimbahan sa harap ng repormang ipinapasok ng Dekreto Real ng 1863. Uulitin natin ang obserbasyon na ang mga kolonyalista ay may iisang layunin sa pagbibigay ng edukasyon sa sambayanang kanilang sinakop, at iyon ay ang pasipikasyon, pagpapatahimik sa anumang pagtutol sa pangungubkob ng dayuhan. Ang Mikrobyong Naging Katawan Tinutukoy ng neoliberalismo ang ideolohiyang nagtataguyod ng liberalisasyon ng ekonomiya. Mula sa kamay ng gobyerno, ipinipindeho ang mga pambansang industriya—kasama lalo ang paggawa—para sa globalisasyon. Ito ang blackhole na humihigop sa lahat ng ginagawa ng gobyerno, upang manilbihan sa negosyo, partikular ang mga dayuhang negosyo sa pamamagitan ng liberalisasyon (pagtanggal sa lahat ng pambansang balakid para makalabas-masok ang dayuhang kapital), pribatisasyon (pagpaubaya ng gobyerno sa mga industriya, kasama ang pambansang industriya, sa kamay ng pribadong sektor), komersyalisasyon
  3. 3. (pagtanggal sa subsidyo at proteksyon, pagtapat sa serbisyo at produkto sa tumbas na halaga ng pamilihan), at kontraktwalisasyon (walang permanente dahil dagdag na balakid lamang ito sa puhunan, lahat ay pleksible na kinokontrata, kabilang ang serbisyo at paggawa). Ang layunin ng neoliberalismo ay paigtingin pa ang mga karapatan at imperatibo ng pribadong pag-aari. Tinatanggal ang mga balaho para sa mabilis na pagpapadaloy ng pribadong pag-aari na pagkamkam ng dagdag na yaman. Walang tigil, 24/7 na ang kita sa stock markets at derivatives, pagpasok sa mga kontrata, at iba pa. Free market capitalism ang inihahayag nito. Hindi ito hiwalay sa kultural na epekto ng neoliberalismo—ang pagbibigay-pribilehiyo sa pribadong indibidwal na magkamkam ng kita at yaman. Sa ating bansa, ang pagsasalin nito ay sa nagpapalaganap ng paniniwala sa kakayahan ng indibidwal na umigpaw sa uring kinasasadlakan nang nakararami at mapabilang sa pribilehiyadong status ng gitnang uri na nakakapagbukas sa mga pinto ng oportunidad sa ehersisyo ng politikal, ekonomiko at kultural na kapangyarihan Kung dati ay may safety net pa—ang gobyerno, halimbawa, ang humahawak ng mga pangunahing industriya, tulad ng bigas, tubig, kuryente, edukasyon, at gasolina—para matiyak ang kontrol sa presyong maaabot ng nakararaming naghihirap, ang kasalukuyang diin ay pribatisasyon

×