SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Download to read offline
12
Filipino 12
Unang Markahan – Modyul 1:
ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Akademikong Pagsulat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jennie Salarda Jarabe
Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy,
Melle L. Mongcopa,
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Renante A. Juanillo
12
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Akademikong
Pagsulat
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Ang Akademikong Pagsulat!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ang Akademikong Pagsulat!!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
ALAMIN
1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat CS_FA11/12PB-0a-C-
101
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
PANIMULA
Magandang araw sa iyo! Ikinalulugod ko na makasama ka sa
kursong Filipino sa Piling Larang: Akademik!
Ang kursong ito ay tungkol sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa,
mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan
Mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng akademikong sulatin
dahil maaari itong magamit sa anomang pagkakataon. Ang modyul na ito
ay inihanda bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
2
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat at nasusuri ang mga
konseptong kaugnay nito;
2. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kahulugan at kahalagahan
akademikong pagsulat;
3. Masiglang naisasagawa ang mga gawain at naipapakita nang may
kawastuan ang pagbibigay kahulugan sa akademikong pagsulat.
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong
sagutang kwaderno.
1. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga
kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na __________ na
pagsulat.
A. intelektwal
B. personal
C. teknikal
D. lohikal
2. Ang mga sumusunod aymahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat
maliban sa;
A. Ang akademikong pagsulatayginagawa ng mga iskolaratpara sa mga iskolar.
B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na
kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
C. Ang akademikong pagsulataywalang sinusunod na partikularna kumbensyon.
PANIMULANG
PAGTATAYA
SUBUKIN
MGA LAYUNIN
3
D. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol
sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami
pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
3. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo
upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga
argumento o ideya ng sumulat.
A. akdang pampanitikan
B. akademikong teksto
C. sulating teknikal
D. sulating tradisyonal
4. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito,
inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-
impluwensya ng kanyang mambabasa.
A. impormal
B. kumbensyunal
C. pormal
D. lohikal
5. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung
saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
A. akademikong institusyon
B. bahay
C. online chat room
D. lahat ng nabanggit
6-15. Gamit ang talahanayan sa ibaba, ayusin ang mga sumusunod upang
maipakita ang pagkakaiba ng akademiko at di-akademikong pagsulat.
Layunin:
A. magbigay ng ideya at impormasyon
B. magbigay ng sariling opinyon
C. maglahad ng damdamin
D. maglahad ng karanasan
Paraan o Batayan ng Datos:
A. obserbasyon, pananaliksik, pagbabasa
B. sariling karanasan, pamilya, at komunidad
C. opinyon ng nakararami
D. saloobin ng mga propesyunal
Audience:
A. Iba’t ibang publiko
B. Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad)
C. mga pulitiko
D. lahat ng nabanggit
4
Pananaw:
A. Obhektibo
B. Subhektibo
C. Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamiin kundi sa mga bagay,
ideya, at katotohanan.
D. Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
Layunin: 6. 7.
Paraan o Batayan ng Datos:
8. 9.
Audience 10. 11.
Pananaw
12.
13.
14.
15.
Mahusay! Napagtagumpayan mo ang
unang hamon na inihanda para sa iyo.
Ngayon ay sisimulan na natin ang isang
makabuluhang talakayan upang maging
kawili-wili ang iyong karanasan sa araw
na ito.
TUKLASIN
5
Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman, bigyan ng mga kaugnay na kaisipan ang
konsepto na nasa gitna ng concept map.
Mga tanong:
1. Kumusta ang iyong karanasan sa gawain 1? Nahirapan ka ba sa
pagbibigay ng kaugnay na kaisipan?
2. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing iyong isinagawa sa
pagkatuto mo sa bagong paksang ating tatalakayin?
AKADEMIKONG
PAGSULAT
GAWAIN 1
SURIIN
PAGSUSURI
6
Ang AKADEMIYA ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at
respetadong mga iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palalimin, palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan
upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan.
Isa itong komunidad ng mga iskolar
• Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, Malaki ang maitutulong ng
kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang
masiguro ang tagumpay sa buhay akademiya.
• Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may
kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri , maging mapanlikha at
malikhain, malayang magbago at makapagpabago.
• Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng AKADEMIYA!
Sa AKADEMIYA
1. Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng
larangang pinagkakadalubhasaan:
kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat
2. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis,
panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
 Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at
balanseng pagsusuri.
 Samantala ang DI-AKADEMIKONG GAWAIN ay ginagabayan naman ng
KARANASAN, KASANAYAN, at COMMON SENSE
PAGYAMANIN
PAGLALAHAD
7
ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang AKADEMIKONGPAGSULATayisangpagsulatnanaglalayonglinanginangmga
kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na INTELEKTWAL NAPAGSULAT.
Itoaymaysinusunodnapartikularnakumbensyon.Maylayuningmaipakitaangresulta
ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay isinasagawa sa isang akademikong
institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay nangangailangan nang higit na mataas
na antas ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na
pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya. Ito ang ginagamit sa mas
mataasnaedukasyonosakolehiyo. Dagdag pa nito, isa sa pinakamahahalagang output
ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito
ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan
na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
Layunin: Magbigay ng ideya at
impormasyom
Magbigay ng sariling
opinyon
Paraan o
Batayan ng
Datos:
Obserbasyon, pananaliksik,
pagbabasa
Sariling karanasan, pamilya,
at komunidad
Audience
Iskolar, mag-aaral, guro
(akademikong komunidad)
Iba’t ibang publiko
Pananaw
 Obhektibo
 Hindi direktang tumutukoy
sa tao at damdamiin kundi
sa mga bagay, ideya,
 Nasa pangatlong panauhan
ang pagakakasulat
 Subhektibo
 Sariling opinyon,
pamilya, komunidad ang
pagtukoy
 Tao at damdamin ang
tinutukoy
 Nasa una at
pangalawang panauhan
ang pagkakasulat
8
 MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON
KAY KARENGOCSIK (2004)
1. Ang akademikong pagsulatayginagawa ng mga iskolaratpara sa mga iskolar.
2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na
kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
3. Ang akademikong pagsulataydapat maglahad ng importanteng argumento.
Ang AKADEMIKONG TEKSTO ay isang sulatin o akda na maayos ang
pagkakabuo upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at
makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat.
Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging pormal nito,
inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-impluwensya
ng kanyang mambabasa.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng
isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang
husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang
datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong
magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa
ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling
salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng
tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa
pagbibigay ng kaalaman.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat
ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon
itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang
 MGA HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN
1. Akademikong sanaysay
2. Pamanahong papel
3. Konseptong papel
4. Tesis
5. Disertasyon
6. Abstrak
7. Bookreport
8. Pagsasaling-wika
9. Aklat
10.Rebyu
11.Artikulo (maaaring
pahayagan, magasin atbp.)
12.Bibliograpiya (annotated)
13.Annotated na Katalogo
14.Panunuring pampanitikan
15.Antolohiya
16.Pasalitang testimonya
17.Mga tinipong sulatin (e.g.,tula,
sanaysay, attalumpati)
18.Formna pang-administratibo
(e.g.,proposal,peer review
report,performance evaluation
atbp.)
19.Opinyon
20.Mga rebyung pampanitikan
21.Position paper
9
mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng
mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang
akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon,
gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon,
kongklusyon, at rekomendasyon. lian sa mga halimbawa ng akademikong teksto
ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, repiektibong sanaysay,
sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.
Panuto: Mula sa iyong natutuhan sa paksang inilahad, sagutin ang mga tanong na
nasa loob ng kahon. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot.
Mga Gawain
1. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong
pagsulat?
2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na
tulad mo ang mga layunin ng Akademikong Pagsulat?
3. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang
pangongopya ng ideya ng iba lalo na sa pangangalap ng matibay
na impormasyon?
4. Bakit mahalaga ang bibilyograpiya sa wastong pangangalap ng
impormasyon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____________________
10
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay kaugnay sa mga kaisipan na iyong nakuha
tungkol sa akademikong pagsulat. Lagyan ito ng sariling pamagat at
bubuuin ng tatlong talata na may tiglilimang pangungusap. Gawing gabay
ang pamantayan sa ibaba sa pagsulat ng iyong sanaysay.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Nilalaman .............................................................45%
Kaugnayan sa Tema ............................................30%
Paggamit ng Salita ...............................................25%
Kabuuan ............................................................100%
Ang akademikong sulatin ay isang
intelektwal na pagsulat. Makatutulong
ito sa pagpapataas ng kaalaman sa
iba’t ibang larangan. Ito ay para rin sa
makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan,
reaksyon at opinyon batay sa
manunulat. Ginagamit din ito upang
makapagpabatid ng mga impormasyon
at saloobin.
ISAISIP
ISAGAWA
PAGLALAPAT
11
Bilang isang mag-aaral sa SHS na nabibilang sa Academic Track, ano ang
iyong maibabahagi sa iyong akademikong institusyon na maaaring pakinabangan
nang higit sa nakararaming mag-aaral?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong
sagutang kwaderno.
1. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo
upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga
argumento o ideya ng sumulat.
A. akdang pampanitikan
B. akademikong teksto
C. sulating teknikal
D. sulating tradisyonal
KARAGDAGANG
GAWAIN
REFLEKSIYON
TAYAHIN
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
12
2. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito,
inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-
impluwensya ng kanyang mambabasa.
A. impormal
B. kumbensyunal
C. lohikal
D. pormal
3. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung saan
kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
A. akademikong institusyon
B. bahay
C. online chat room
D. lahat ng nabanggit
4. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga
kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na __________ na
pagsulat.
A. intelektwal
B. personal
C. teknikal
D. lohikal
5.Angmgasumusunodaymahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat maliban sa;
A. Ang akademikong pagsulatayginagawa ng mga iskolaratpara sa mga iskolar.
B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na
kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
C. Ang akademikong pagsulataywalang sinusunod na partikularna kumbensyon.
D. Ang akademikong pagsulat ayisang masinop at sistematikong pagsulat ukol
sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami
pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama, M naman kung Mali.
1. Sa Akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga
kasanayang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan
2. Ang mga kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat
ay hindi naman kailangan sa pagsulat ng mga sulating akademiko.
3. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis,
panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon sa mga institusyong pang-
akademiko
4. Ginagabayan ang akademikong pagsulat ng etika, pagpapahalaga, katotohanan,
ebidensya, at balanseng pagsusuri.
5. Ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan naman ng karanasan,
kasanayan, at common sense.
6. Ang akademikong sulatin ay direktang tumutukoy sa tao at damdamin, hindi sa
mga bagay, ideya, at katotohanan.
13
7. Ang pananaw sa pagsulat ng akademikong sulatin ay nasa una at pangalawang
panauhan ang pagkakasulat
8. Ang batayan sa pagkuha ng datos sa pagsulat ng mga akademikong sulatin ay
mula sa obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa.
9. Ang akademikong sulatin ay subhektibo, samantala ang di-akademikong sulatin
ay obhektibo.
10. Ang audience ng mga akademikong sulatin ay mga mag-aaral, guro o mga
iskolar.
14
SUSI SA PAGWAWASTO
I.
Sagot
sa
Panimulang
Pagtataya
1.
A
11.
A
2.
C
12.
A
3.
B
13.
C
4.
C
14.
B
5.
A
15.
D
6.
A
7.
B
8.
A
9.
B
10.
B
II.
Sagot
sa
Pangwakas
na
Pagtataya
1.
B
11.
M
2.
C
12.
M
3.
A
13.
T
4.
A
14.
M
5.
C
15.
T
6.
T
7.
M
8.
T
9.
T
10.
T
11.
M
12.
9
13.
7
14.
3
15
Lolita T. Bandril et. Al. Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik at Sining), Vibal Group
Inc. 2016
Corazon L. Santos et al. Filipino sa Piling Larang – Akademik: Patnubay ng Guro,
Meralco Avenue, Pasig City. 2016
Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat. Last Modified
February 20, 2020. https://bit.ly/3a3w3J1.
Kapulungan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KaMFil). Krayterya sa Pagsulat ng
Sanaysay. Last Modified August 27, 2013. https://bit.ly/33tGe8j
MGA SANGGUNIAN
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net
JENNIE S. JARABE, L.P.T, RPm. Siya ay nagtapos sa kursong
Bachelor of Science in Psychology Major in Guidance and
Counseling at Bachelor of Secondary Education Major in Values
Education, Minor in Filipino sa Paaralang Western Mindanao
State University. Naikumpleto ang katuparan sa akademikong
kinakailangan (CAR) sa mga Programang MaEd in Guidance
and Counseling (WMSU) at Master of Arts in Filipino sa
Paaralan ng Negros Oriental State University. Sa kasalukuyan
ay tinatapos ang pagsasagawa ng kaniyang tesis sa parehong
paaralan.

More Related Content

What's hot

lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptxlesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptxMarife Culaba
 
Clientele and audiences in communication(diass)
Clientele and audiences in communication(diass)Clientele and audiences in communication(diass)
Clientele and audiences in communication(diass)Thomson Leopoldo
 
Aralin 4 Liham Pangnegosyo & Memorandum
Aralin 4 Liham Pangnegosyo & MemorandumAralin 4 Liham Pangnegosyo & Memorandum
Aralin 4 Liham Pangnegosyo & MemorandumRecyl Mae Javagat
 
Deskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produktoDeskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produktonorm9daspik8
 
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...GeraldineMaeBrinDapy
 
Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat
Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulatAralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat
Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulatAlfredo Modesto
 
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptxFilipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptxLeahMaePanahon1
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxMhelJoyDizon
 
uri ng pagsulat
uri ng pagsulaturi ng pagsulat
uri ng pagsulatdrintotsky
 
-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...
-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...
-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...KathleneJao
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoKokoStevan
 
Kakayahang linggwistiko
Kakayahang linggwistikoKakayahang linggwistiko
Kakayahang linggwistikoDepEd
 
Copyreading and Headline Writing
Copyreading and Headline WritingCopyreading and Headline Writing
Copyreading and Headline WritingAlyssa Marie Don
 
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptxIreneLumigan
 
Lesson 15 following ethical standards in writing literature
Lesson 15 following ethical standards in writing literatureLesson 15 following ethical standards in writing literature
Lesson 15 following ethical standards in writing literaturemjlobetos
 

What's hot (20)

lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptxlesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
 
Iba't-ibang teksto
Iba't-ibang tekstoIba't-ibang teksto
Iba't-ibang teksto
 
Clientele and audiences in communication(diass)
Clientele and audiences in communication(diass)Clientele and audiences in communication(diass)
Clientele and audiences in communication(diass)
 
Aralin 4 Liham Pangnegosyo & Memorandum
Aralin 4 Liham Pangnegosyo & MemorandumAralin 4 Liham Pangnegosyo & Memorandum
Aralin 4 Liham Pangnegosyo & Memorandum
 
Deskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produktoDeskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produkto
 
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
ARALIN 1.2 - MGA HAKBANG SA PAGSULAT, URI NG PAGSULAT AT MGA BAHAGI NG TEKSTO...
 
Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat
Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulatAralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat
Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat
 
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptxFilipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
 
uri ng pagsulat
uri ng pagsulaturi ng pagsulat
uri ng pagsulat
 
tekstong impormatibo
tekstong impormatibotekstong impormatibo
tekstong impormatibo
 
Thesis sa Filipino
Thesis sa FilipinoThesis sa Filipino
Thesis sa Filipino
 
-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...
-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...
-Significance-of-Cultural-Social-Political-And-Economic-Symbols-and-Practices...
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 
Kakayahang linggwistiko
Kakayahang linggwistikoKakayahang linggwistiko
Kakayahang linggwistiko
 
Copyreading and Headline Writing
Copyreading and Headline WritingCopyreading and Headline Writing
Copyreading and Headline Writing
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
4. TEKSTONG PROSIDYURAL.pptx
 
Lesson 15 following ethical standards in writing literature
Lesson 15 following ethical standards in writing literatureLesson 15 following ethical standards in writing literature
Lesson 15 following ethical standards in writing literature
 
Mga katangian at kalikasan ng flyers at leaflets
Mga katangian at kalikasan ng flyers at leafletsMga katangian at kalikasan ng flyers at leaflets
Mga katangian at kalikasan ng flyers at leaflets
 

Similar to FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf

FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikKokoStevan
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfMARYANNLOPEZ16
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfjhoncristiantolentin
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfMARYANNLOPEZ16
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfReinNalyn
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfRenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 

Similar to FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf (20)

FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
 
F11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdfF11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdf
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 

Recently uploaded

6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 

Recently uploaded (20)

6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 

FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf

  • 1. 12 Filipino 12 Unang Markahan – Modyul 1: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
  • 2. Filipino – Ikalabindalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Akademikong Pagsulat Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jennie Salarda Jarabe Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera Renante A. Juanillo
  • 3. 12 Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Ang Akademikong Pagsulat
  • 4. ii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Akademikong Pagsulat! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Akademikong Pagsulat!! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6. iv Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 ALAMIN 1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat CS_FA11/12PB-0a-C- 101 MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO PANIMULA Magandang araw sa iyo! Ikinalulugod ko na makasama ka sa kursong Filipino sa Piling Larang: Akademik! Ang kursong ito ay tungkol sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan Mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng akademikong sulatin dahil maaari itong magamit sa anomang pagkakataon. Ang modyul na ito ay inihanda bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
  • 8. 2 Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat at nasusuri ang mga konseptong kaugnay nito; 2. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kahulugan at kahalagahan akademikong pagsulat; 3. Masiglang naisasagawa ang mga gawain at naipapakita nang may kawastuan ang pagbibigay kahulugan sa akademikong pagsulat. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang kwaderno. 1. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na __________ na pagsulat. A. intelektwal B. personal C. teknikal D. lohikal 2. Ang mga sumusunod aymahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat maliban sa; A. Ang akademikong pagsulatayginagawa ng mga iskolaratpara sa mga iskolar. B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. C. Ang akademikong pagsulataywalang sinusunod na partikularna kumbensyon. PANIMULANG PAGTATAYA SUBUKIN MGA LAYUNIN
  • 9. 3 D. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. 3. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat. A. akdang pampanitikan B. akademikong teksto C. sulating teknikal D. sulating tradisyonal 4. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito, inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka- impluwensya ng kanyang mambabasa. A. impormal B. kumbensyunal C. pormal D. lohikal 5. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. A. akademikong institusyon B. bahay C. online chat room D. lahat ng nabanggit 6-15. Gamit ang talahanayan sa ibaba, ayusin ang mga sumusunod upang maipakita ang pagkakaiba ng akademiko at di-akademikong pagsulat. Layunin: A. magbigay ng ideya at impormasyon B. magbigay ng sariling opinyon C. maglahad ng damdamin D. maglahad ng karanasan Paraan o Batayan ng Datos: A. obserbasyon, pananaliksik, pagbabasa B. sariling karanasan, pamilya, at komunidad C. opinyon ng nakararami D. saloobin ng mga propesyunal Audience: A. Iba’t ibang publiko B. Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad) C. mga pulitiko D. lahat ng nabanggit
  • 10. 4 Pananaw: A. Obhektibo B. Subhektibo C. Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamiin kundi sa mga bagay, ideya, at katotohanan. D. Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy AKADEMIKO DI-AKADEMIKO Layunin: 6. 7. Paraan o Batayan ng Datos: 8. 9. Audience 10. 11. Pananaw 12. 13. 14. 15. Mahusay! Napagtagumpayan mo ang unang hamon na inihanda para sa iyo. Ngayon ay sisimulan na natin ang isang makabuluhang talakayan upang maging kawili-wili ang iyong karanasan sa araw na ito. TUKLASIN
  • 11. 5 Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman, bigyan ng mga kaugnay na kaisipan ang konsepto na nasa gitna ng concept map. Mga tanong: 1. Kumusta ang iyong karanasan sa gawain 1? Nahirapan ka ba sa pagbibigay ng kaugnay na kaisipan? 2. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing iyong isinagawa sa pagkatuto mo sa bagong paksang ating tatalakayin? AKADEMIKONG PAGSULAT GAWAIN 1 SURIIN PAGSUSURI
  • 12. 6 Ang AKADEMIYA ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar • Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, Malaki ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro ang tagumpay sa buhay akademiya. • Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri , maging mapanlikha at malikhain, malayang magbago at makapagpabago. • Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng AKADEMIYA! Sa AKADEMIYA 1. Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan: kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat 2. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.  Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri.  Samantala ang DI-AKADEMIKONG GAWAIN ay ginagabayan naman ng KARANASAN, KASANAYAN, at COMMON SENSE PAGYAMANIN PAGLALAHAD
  • 13. 7 ANG AKADEMIKONG PAGSULAT Ang AKADEMIKONGPAGSULATayisangpagsulatnanaglalayonglinanginangmga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na INTELEKTWAL NAPAGSULAT. Itoaymaysinusunodnapartikularnakumbensyon.Maylayuningmaipakitaangresulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay nangangailangan nang higit na mataas na antas ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya. Ito ang ginagamit sa mas mataasnaedukasyonosakolehiyo. Dagdag pa nito, isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. AKADEMIKO DI-AKADEMIKO Layunin: Magbigay ng ideya at impormasyom Magbigay ng sariling opinyon Paraan o Batayan ng Datos: Obserbasyon, pananaliksik, pagbabasa Sariling karanasan, pamilya, at komunidad Audience Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad) Iba’t ibang publiko Pananaw  Obhektibo  Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamiin kundi sa mga bagay, ideya,  Nasa pangatlong panauhan ang pagakakasulat  Subhektibo  Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy  Tao at damdamin ang tinutukoy  Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
  • 14. 8  MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON KAY KARENGOCSIK (2004) 1. Ang akademikong pagsulatayginagawa ng mga iskolaratpara sa mga iskolar. 2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. 3. Ang akademikong pagsulataydapat maglahad ng importanteng argumento. Ang AKADEMIKONG TEKSTO ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging pormal nito, inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-impluwensya ng kanyang mambabasa. Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang  MGA HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN 1. Akademikong sanaysay 2. Pamanahong papel 3. Konseptong papel 4. Tesis 5. Disertasyon 6. Abstrak 7. Bookreport 8. Pagsasaling-wika 9. Aklat 10.Rebyu 11.Artikulo (maaaring pahayagan, magasin atbp.) 12.Bibliograpiya (annotated) 13.Annotated na Katalogo 14.Panunuring pampanitikan 15.Antolohiya 16.Pasalitang testimonya 17.Mga tinipong sulatin (e.g.,tula, sanaysay, attalumpati) 18.Formna pang-administratibo (e.g.,proposal,peer review report,performance evaluation atbp.) 19.Opinyon 20.Mga rebyung pampanitikan 21.Position paper
  • 15. 9 mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. lian sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, repiektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa. Panuto: Mula sa iyong natutuhan sa paksang inilahad, sagutin ang mga tanong na nasa loob ng kahon. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot. Mga Gawain 1. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat? 2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin ng Akademikong Pagsulat? 3. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang pangongopya ng ideya ng iba lalo na sa pangangalap ng matibay na impormasyon? 4. Bakit mahalaga ang bibilyograpiya sa wastong pangangalap ng impormasyon? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ____________________
  • 16. 10 Panuto: Bumuo ng isang sanaysay kaugnay sa mga kaisipan na iyong nakuha tungkol sa akademikong pagsulat. Lagyan ito ng sariling pamagat at bubuuin ng tatlong talata na may tiglilimang pangungusap. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba sa pagsulat ng iyong sanaysay. PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY Nilalaman .............................................................45% Kaugnayan sa Tema ............................................30% Paggamit ng Salita ...............................................25% Kabuuan ............................................................100% Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para rin sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon batay sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin. ISAISIP ISAGAWA PAGLALAPAT
  • 17. 11 Bilang isang mag-aaral sa SHS na nabibilang sa Academic Track, ano ang iyong maibabahagi sa iyong akademikong institusyon na maaaring pakinabangan nang higit sa nakararaming mag-aaral? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ______________________________________________ Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang kwaderno. 1. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat. A. akdang pampanitikan B. akademikong teksto C. sulating teknikal D. sulating tradisyonal KARAGDAGANG GAWAIN REFLEKSIYON TAYAHIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA
  • 18. 12 2. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito, inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka- impluwensya ng kanyang mambabasa. A. impormal B. kumbensyunal C. lohikal D. pormal 3. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. A. akademikong institusyon B. bahay C. online chat room D. lahat ng nabanggit 4. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na __________ na pagsulat. A. intelektwal B. personal C. teknikal D. lohikal 5.Angmgasumusunodaymahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat maliban sa; A. Ang akademikong pagsulatayginagawa ng mga iskolaratpara sa mga iskolar. B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. C. Ang akademikong pagsulataywalang sinusunod na partikularna kumbensyon. D. Ang akademikong pagsulat ayisang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama, M naman kung Mali. 1. Sa Akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan 2. Ang mga kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat ay hindi naman kailangan sa pagsulat ng mga sulating akademiko. 3. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon sa mga institusyong pang- akademiko 4. Ginagabayan ang akademikong pagsulat ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri. 5. Ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan naman ng karanasan, kasanayan, at common sense. 6. Ang akademikong sulatin ay direktang tumutukoy sa tao at damdamin, hindi sa mga bagay, ideya, at katotohanan.
  • 19. 13 7. Ang pananaw sa pagsulat ng akademikong sulatin ay nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat 8. Ang batayan sa pagkuha ng datos sa pagsulat ng mga akademikong sulatin ay mula sa obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa. 9. Ang akademikong sulatin ay subhektibo, samantala ang di-akademikong sulatin ay obhektibo. 10. Ang audience ng mga akademikong sulatin ay mga mag-aaral, guro o mga iskolar.
  • 21. 15 Lolita T. Bandril et. Al. Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik at Sining), Vibal Group Inc. 2016 Corazon L. Santos et al. Filipino sa Piling Larang – Akademik: Patnubay ng Guro, Meralco Avenue, Pasig City. 2016 Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat. Last Modified February 20, 2020. https://bit.ly/3a3w3J1. Kapulungan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KaMFil). Krayterya sa Pagsulat ng Sanaysay. Last Modified August 27, 2013. https://bit.ly/33tGe8j MGA SANGGUNIAN
  • 22. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph Website: lrmds.depednodis.net JENNIE S. JARABE, L.P.T, RPm. Siya ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Psychology Major in Guidance and Counseling at Bachelor of Secondary Education Major in Values Education, Minor in Filipino sa Paaralang Western Mindanao State University. Naikumpleto ang katuparan sa akademikong kinakailangan (CAR) sa mga Programang MaEd in Guidance and Counseling (WMSU) at Master of Arts in Filipino sa Paaralan ng Negros Oriental State University. Sa kasalukuyan ay tinatapos ang pagsasagawa ng kaniyang tesis sa parehong paaralan.