2. KABANATA 1
ANG PAG-AARAL NG KASYSAYAN AT ANG IBANG
DISIPLINANG PANLIPUNAN
• Layunin:
Naipapaliwanag ang kahulugan ng kasaysayan;
Natatalakay ang mga disiplinang panlipunan na may kaugnayan sa kasaysayan at;
Nailalahad ang damdaming pagpapahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan.
3. •Lahat ng bagay na nakikita natin dito sa
daigdig ay may pinagmulan. Tulad ng
isang bulaklak na dahan-dahang
umuusbong sa tamang panahon,
gayundin ang kasaysayan: may
pinagmulan, pamamaraan, at batayan.
4. • Alamin mo!
Isa sa mga pangunahing disiplina ng araling panlipunan ay ang kasaysayan.
Mahigit apat na libong taon na ang nakalilipas nang simulant ng mga Greek ang
masusing pag-aaral ng kasaysayan.
Mula noon, ginagawang batayan ng pag-aaral ang mga relikya ng mga
sibilisasyong sumibol.
Malaki ang naitulong ng mga nahukay na buto ng tao at mga lumang
kasangkapan tulad ng palayok, mga kagamitang gawa sa bato at kahoy at mga
naisulat sa kuweba.
Maging ang salaysay ng mga matatanda ay nakatulong dni sa pagpapayaman ng
kaalaman tungkol sa kasaysayan.
5. KAHULUHAN NG KASAYSAYAN
• Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng
salitang Ingles na history. Ang salitang ”history”
naman ay nagmula sa salitang Griyego na "historia"
na nangangahulugang pag-uusisa at pagsisiyasat.
• Ang kasaysayan ay isang sangay ng kaalaman kung
saan pinagaaralan ang mga pangyayaring naganap sa
buhay ng tao,mga bansa, at daigdig noong mga
nakalipas na panahon.
6. MGA DISIPLINANG PANLIPUNAN NA MAY
KAUGNAYAN SA KASAYSAYAN
• ARKEOLOHIYA
Pag-aaral ng mga labi o naiwang artifacts ng mga sinaunang tao.
Ginagamit ang pamamaraang siyentipiko upang matutunan at
maunawaan ang paraan ng pamumuhay ng tao noong panahong
prehistoriko. Nangangailangan ang pamamaraan ng pagsisisyasat
na ito ng pagmamatayag, pagtatanong, pagsasagawa ng kaligirang
pagsisiyasat, pagpapahayag ng teorya (stating a hypothesis),
pagsubok sa teorya sa pamamagitan ng pangangalap ng mga
datos, pagsusuri ng mga nakalap na datos, at sa huli, ang
pagpapaliwanag ng kinalabasan.
7. • HEOGRAPIYA
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng
daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at ang relasyon ng tao sa
kanyang kapaligiran.
Sinusuri din ng isang geographer kung paano nakaaapekto ang
kultura ng tao sa kapaligiran, at kung paano nakaaapekto ang
lokasyon at lugar sa pamumuhay ng mga tao.
Malaki ang kinalaman ng heograpiya sa paglinang ng kasaysayn,
kultura, tradisyon ng isang tiyak na pook o bansa.
Ang mga hugis. Lawak, at tamang hangganan ng teritoryo ng
bansa ay humuhubog sa pagbabago ng kasaysayan nito.
8. • SIYENSYANG PULITIKAL
Ang siyensang pulitikal ay tumutukoy sa estado,sisitema,at mga gawain
ng pamahalaan ng isang bansa.isang mahalagang aspeto ng pag aaral
kasaysayan ang agham pampulitika. Tinatalakay rito ang mga batas, uri
pamahalaan,ideolohiya,at patakarang pampulitika na kung minsan ay
dudulot ng protesta, kaguluhan, pag aalsa, at digmaan sa ibang bansa.
Sinusuri ng siyensyang polotikal ang mga sumusunod;
Katanggap-tanggap ba sa mamamayan ang paraan ng pamumuno ng
isang politico?
Matatag ba ang pamahalaan sa paghahanda sa banasa sa kalagayang
panlipunan at pang ekonomiya?
Matatag ba ang saligang batas na isang demokratikong bansa tulad ng
Pilipinas?
Ang mga tanong na ito ay sinasagot ng pag-aaral sa kasaysayan,
na may kaugnayan ang kasaysayan sa siyensyang political.
9. • EKONOMICS
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag- aaral
paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Ito ay
nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay
nangangahulugang bahay, at nomos ay pamamahala. Ang ekonomiya
sambahayan ay maraming pagkakatulad .
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga teorya ng ekonomiks sa
kasaysayan, nabibigyang linaw kung bakit sa konstekto ng kanilang
kasaysayan ay may mga pamayanang maunlad at di maunlad.
Sa kasalukuyan ay patuloy na naghahanap ang mga mamamayan at
pamahalaan ng mga alternatibong pamamaraan upang matugunan ang
pang-araw-araw na pangangailangan sa kabuhayan ng lumalaking
populasyon.
10. • ANTROPOLOHIYA
Nakatuon ang kahalagahan ng antropolohiya sa kultura, kaugalian,
at pang-araw-araw na gawain ng tao.
Parehong mahalaga ang kasaysayan at antropolohiya sa isa’t isa
sapagkat sa pamamagitan nito nalalaman ng mga antropologi ang
pagbabago sa kultura at pamumuhay ng tao dala ng panahon.
Ang antropolohiya ay nakapokus sa patuloy na walang
pagbabagong istraktura. Sa tulong ng isa’t isa, higit na
ang kultura ng tao sa paglipas ng panahon.
11. • SOSYOLOHIYA
Isang agham panlipunan na naglalayong pag-aralan ang mga ugnayang
panlipunan na nagaganap sa loob ng isang tiyak na populasyon ng tao.
ang sosyolohiya ay namamahala sa pag-aaral, pagsusuri at paglalarawan
ng istruktura, samahan at paggana ng mga lipunan, pati na rin ang mga
pag-uugali, mga uso, mga kababalaghan at mga problema na
napatunayan sa kolektibong antas bilang resulta ng mga aktibidad sa
lipunan.
ang sosyolohiya ay gumagamit ng iba't ibang mga pamamaraan ng
pananaliksik. Sa isang banda, ang pamamaraan ng husay, na nakatuon
paglalarawan at interpretasyon ng mga phenomena, at, sa kabilang
banda, ang paraan ng dami, na mas nakatuon sa statistic na
representasyon ng mga social phenomena na pinag-aralan.
12. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KASAYSAYAN
“Ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makarating sa
paroronan.” Isang kilalang kasabihang Pilipino na nagpapahayag na
dapat alalahanin ng tao ang kanyang pinagmulan at nakalipas.
Anuman ang kanyang katayuan o kalagayan sa kasalukuyan ay
huwag niyangkalilimutan na bunga na bunga ito ng kanyang
ginawang desisyon at aksyon sa nakalipas. Tulad ito ng
paghahakbang sa unang baiting ng hagdanan, hindi mararating ang
itaas kung hindni dadaan ang mga naunga baiting.
Ang kasaysayan ay nagsisilbing gabay sa ating hinaharap sapagkat
inuusisa at sinisiyasat nito ang nakalipas at darating na yugto sa
buhay ng mga tao.
13. Ang sumusunod ay ilan sa sa mga dahilan kung bakit mahalagag
pag-aralan ang kasaysayan:
Karagdagang kaalaman: Natutuhan at naunawaan natin ang
dahilang naiambag ng iba’t-ibang pangkat ng tao sa daigdig.
Nagsusuri sa nakalipas na karanasan: Sinisiyasat ng kasaysayan ang
mga sanhi at bunga ng bawat pangyayari, kung ano. Bakit, at paano
ito naganap, at ano ang epekto nito.
Nagsisilbing daan ng pagkakaisa at pagtutulungan nng mga
mamayan: Ang mga pangyayaring naranasan ng mga tao sa isang
pamunuan na nagdulot sa kanila ng pasakit at hirap ay nagiging
gabay upang di na muling danasin ang ganoong karanasan. Sila ay
nagkakaisa at nagtutulong-tulong upang baguhin ang Sistema ng
pamunuan, patakaran, at batas na umiiral.
14. Lumilinang ito ng iba’t-ibang kasanayan: ang kasaysayan ay
lumilinang ng mga kasanayang umunawa at magbigay kahulugan sa
pagbasa ng teksto tulad ng lathalain o dokumento, sanaysay, at iba
pang babasahin.
Naipapahayag nito ang maaaring mangyari sa hinaharap o darating na panahon:
ang kasaysayan ay naghahayag ng ispekulasyon o maaaring maganap sa susunod
na henerasyon. Ang mga pangyayari sa kasaysayan ay lubhang kumplikado at
kani-kaniyang natatanging katangian kaya’t hindi possible na masabi ang
eksaktong susunod na pangyayari. Ito ay dahil sa kaisipan ng tao na siyang
gumagawa ng kasaysayan ay nakatago sa atin, kaya’t mahirap malaman ang
anumang planong mayroon siya.