2. • Ang pagkakaron ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang
sosyolingguwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika.
• Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng
mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kaniyang tirahan, interes, gawain,
pinag-aralan at iba pa. Samakatwid, may dalawang dimensyon ang baryabilidad
ng wika – ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal.
(Constantino, 2006)
3. • Dimensyong Heograpiko
Ito ay ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa: Cebuano/Bisaya sa Cebu
4. Lingguwistikong Komunidad
• Ay ang iba’t-ibang uri ng wikang ginagamit sa komunidad sa paglipas ng
panahon.
• Isang termino sa sosyo lingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga
taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
• Tumutukoy sa grupo ng mga taong binibigkis ng iisang wika at
pagkakakilanlang kultural.
6. REGISTER
• Ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang teknikal na nagtataglay ng
iba’t-ibang kahulugan sa iba’t-ibang larangan o disiplina.
• Baryasyon batay sa gamit hindi tulad ng diyalekto na batay sa taong gumagamit.
Halimbawa ng ilang sitwasyon:
a.) Bibigyan kita ng reseta para sa sakit. (doctor – sa pasyente ang usapan)
b.) Igisa ang bawang , sibuyas at kamatis. Lagyan ng kaunting tubig, pakuluin,
timplahan, ilagay ang giniling, huli ang patatas. (Mula naman sa isang resipe)
c.) Alis mantsa, alis amoy, malambot sa damit. (Isang adbertisment)
7. DAYALEK O DIYALEKTO
• Tinatawag ding wikain
• Nalilikha ng dimensyong heograpiko
• Ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 ng Konstitusyon na “Ang Kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapa-unlad at pagpapatibay ng isang wiakng
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
8. DAYALEK O DIYALEKTO
Mga katutubong wika/dayalekto
Bisaya Waray-Waray Tagalog
Ilokano Pangasinense atbp.
Ibanag Kapampangan
Bikolano Ivatan
Hiligaynon Tausog
9. SOSYOLEK
• Isang okupasyunal na rehistrong pangwika
• Nabubuo batay sa dimensyong sosyal
• Wika ng mga estudyante, matatanda, kababaihan, preso, bakla at ng iba pang pangkat.
Mga ilang halimbawa:
• Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
• Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
• Kosa, pupuga na tayo mamaya.
• Girl, bukas na lang tayo mag pumasok. Mag malling muna tayo ngayon.
• Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun.
10. IDYOLEK
• Estilo ng paggamit ng wika
• Dayalek na personal sa isang ispiker
• Kwaliti ng boses at katangiang pisikal na nag-aambag sa mga katangiang ikinaiiba
ng pananalita sa iba
Mga ilang halimbawa:
• Excuse me po! (Mike Enriquez)
• …Na di umano… (Jessica Soho)
11. EKOLEK
• Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa
mga bibig ng bata at matanda.
Mga ilang halimbawa:
Palikuran – banyo o kubeta
Papa – ama/tatay
Mama – nanay/ina
12. ETNOLEK
• Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
• Nagkaroon ng iba’t-ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.
Mga ilang halimbawa:
Vakkul – Panakip sa ulo
Kalipay – tuwa , saya
Palangga – mahal , minamahal
13. PIDGIN
• Tinatawag sa Ingles na nobady’s native language
• Kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika
ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift
• Ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang estruktura ay mula sa isa pang
wika
• Madalas na bunga ng kolonisasyon
Halimbawa:
Pananagalog ng mga Insik sa Binondo.
“Suki, ikaw bili tinda mura.”
14. CREOLE
• Isang wikang unang naging Pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized)
• Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga nagapagsalita ang nag-angkin dito
bilang kanilang unang wika
• Madalas na nililinang sa mga dating alipin na populasyon sa mga dating estadong
kolonyal
Halimbawa:
Chavacano, French Creole ng Haiti at Lousiana, English Creole sa Jamaica at
Sierra Leone
16. Unang Wika
• Ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang sa
oras na magamit at maunawaan ng isang indibidwal.
• Sinasabi ring wikang taal ang unang wika sapagkat ito’y umusbong sa isipan ng
bawat indibidwal mula sa loob ng isang tahanan at komunidad.
• Wikang nakagisnan, natutuhan at ginagamit ng pamilyang nabibilang sa isang
linggwistikong komunidad.
• Tinatawag ding mother tongue, katutubong wika o sinusong wika.
17. Ayon sa artikulo ni Lee nalathala noong 2013, “The Native Speaker” narito ang mga gabay upang
matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.
• Natutuhang indibidwal ang wika sa murang edad.
• Ang indibidwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan sa wika.
• May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng matataas at importansyang diskurso gamit ang
wika.
• Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika.
• Kinilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang lingguwistikong komunidad.
18. Pangalawang Wika
• Naiiba sa unang wika, sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang
indibidwal sa kanyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad.
• Ito ay wikang natutuhan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao na
may kakayahang gamitin ito.
• Natutuhan ito ng isang indibidwal, matapos niyang mahasa ang kakayahan sa
paggamit ng unang wika.
20. MGA PRESENTOR
Tabas, Jessica M.
Tauro, Mary Anne T.
* Tapec, Veenus P. ( Tagapag-ulat )
Tul-ing, Precious Anne T.
Tupasi, Cristine Joy T.
Viernes, John Henilon C.