2. Homogenous at Heterogenous
ang wika
• Homogenous. Pare-parehong magsalita ang lahat ng
gumagamit ng isang wika.
• Heterogenous. Ito ang pagkakaiba-iba ng wika sanhi ng iba’t
ibang salik panlipunan gaya ng edad, hanapbuhay o trabaho,
antas ng pinag-aralan, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar,
pangkat etniko o tinatawag ding etnolinggwistikong komunidad.
3. DAYALEK
• Ang barayti na ito ay ginagamit ng tao ayon sa partikular na
tinitirhang rehiyon o lalawigan
• Batay ito sa panahon, lugar o katayuan sa buhay
• Maaaring ang wika ay pareho sa katawagan ngunit may
pagkakaiba sa pagbigkas, kahulugan o intonasyon sa ibang lugar.
4. HALIMBAWA NG DAYALEK
• TAGALOG. “Mahal kita.”
• HILIGAYNON. “Langga ta gd ka.”
• BIKOLANO. “Namumutan ta ka.”
• CEBUANO. “Dili ka sabot.”
5. • Maaaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa
iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang
katawagan para sa iisang kahulugan. Iba ang gamit ng salita
para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na
siyang nagpapaiba sa dayalek ng iba pang lugar.
• Halimbawa, ang isang Bisayang nagsasalita ng Tagalog o Filipino
ay may tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga leksikon
6. • o ilang bokabularyong may pinagsamang Tagalog at Bisaya na
tinatawag ding “TagBis.”
• Pinapalitan ang unlaping “um” ng “mag-”
MAGkain tayo sa mall. (Tagalog Bisaya)
KUMain tayo sa mall. (Tagalog sa Maynila)
7. Ilang bokabularyo na ginagamit ng taong pare-parehong
nagsasalita ng isang wika.
TAGALOG SA RIZAL TAGALOG SA TERESA, MORONG,
CARDONA AT BARAS
Palitaw dila-dila
mongo Balatong
ate Kaka
lola inda, pupu, nanang
lolo Amba
timba sintang
latek kalamay
8. IDYOLEK
• Ito ang personal na paggamit ng salita ng isang
indibidwal.
• Bawat indibidwal ay may estilo sa pananalita at
pagpapahayag.
• Nakagawian itong pamamaraan ng isang indibidwal sa
pagsasalita.
9. IDYOLEK
• May mga taong likas na mabulaklak magsalita
samantalang may matipid namang magsalita. May
malumanay kahit nagagalit na, samantalang may mabilis
magsalita kahit na ordinaryong kumbersasyon lamang.
Ang mga ito’y likas at komong nakagawian ng tao sa
pagsasalita.
10. HALIMBAWA NG IDYOLEK
• “Magandang gabi, bayan.” Noli de Castro
• “Hoy gising!” Ted Failon
• “Hindi ka namin tatantanan.” Mike Enriquez
• “Di umano’y.” Jessica Sojo
• “Bawal ang pasawan.” Mareng Winnie
11. SOSYOLEK
• Isang baryasyon ng wika batay sa katayuan ng tao sa lipunan o
grupong kinabibilangan.
• Ito ang uri ng wikang pansamantala lamang.
• Kapansin-pansin ang mga tao na nagpapangkat-pangkat batay sa
ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala,
oportunidad, kasarian, edad at iba pa.
12. MGA SOSYOLEK NA WIKA
• WIKA NG BEKI O GAY LINGO
Isang halimbawa ito ng grupong nais mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Churchill - sosyal
Indiana jones - nang-indiyan
Bigalou – Malaki
Givenchy - pahingi
13. MGA SOSYOLEK NA WIKA
• COÑOC (Coñoctic o Conyospeak)
Isa itong baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihahalo sa
Filpino kaya’t masaabing codeswitching na ang nangyayari.
Naririnig ito sa mga kabataaang may kaya at nakapag-aral sa eksklusibong
paaralan.
Halimbawa: Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Ana.
14. MGA SOSYOLEK NA WIKA
• JOLOGS O JEJEMON
Ito ay nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng
pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na “pokemon.”
Nakabatay ito sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat
nang may pinaghalo-halong numero, simbolo at malaki at maliit
na titik kaya’t mahirap intindihin lalo na ang hindi pamilyar sa
tinatawag na jejetyping.
15. MGA SOSYOLEK NA WIKA
• JOLOGS O JEJEMON
Mga Halimbawa ng jologs o jejemon
Nandito na ako - D2 na me
MuZtah – “Kamusta?”
iMisqcKyuH – I miss you
aOcKuHhT2h – “Ako ito”
16. MGA SOSYOLEK NA WIKA
• JARGON
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat
na may pagkilala sa partikular na trabaho o gawain.
HALIMBAWA: Exhibit, appeal, complaint, abogado
17. ETNOLEK
• Ang salitang etnolek ay nagmula sa etniko at dayalek kung saan
taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang
pagkakakilanlan.
• Halimbawa:
Vakul – pantakip sa ulo Kalipay – tuwa o ligaya
Bulanon – Full Palangga- mahal o minamahal
18. EKOLEK
• Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Kadalasan ay
nagmumula ito sa bibig ng mga matatanda at bata
• Palikuran – banyo o kubeta
• Papa – ama/tatay
• Mama – nanay/ina
19. PIDGIN AT CREOLE
• PIDGIN. Ang Pidgin ay ang tinatawag sa Ingles na “Nobody’s language.”
Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika ay na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon
ng kumbersasyong maka-shft.
• Halimbawa: “Punta ako banyo.” (Pupunta ako ng banyo)
“Hindi ikaw galling kanta.” (Hindi ka magaling kumanta.)
“Sali ako laro ulan.” (Sasali akong maglaro sa ulan)
20. PIDGIN AT CREOLE
• CREOLE. Ang creole ay isang wika na naging pidgin at kalaunan ay naging
isang likas na wika. Mayroon nito sapagkat may komunidad ng
tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika
• Halimbawa: “Mi nombre.” (Anong pangalan mo?)
“Yu, ting, yu, wan.” (Akala mo espesyal ka ano?)
21. Halimbawa ng mga salitang creole
English Chavacano (Formal) Chavacano (common) Spanish
rice moriqueta canon Arroz
rain Iluvia/aguacero aguacero Aguacero/iluvia
car coche auto Coche/ auto
father Papá (tata) Papáng (tata) Papá (padre)
small Chico/peque ño Peque ño/diutay Peque ño/chico
slide Rezbalasa/dezlisar landug Resbalar/deslizar
Thunder/thunderstorm rayo quirlat rayo
22. Credits to:
Bernales, R. et. al. (2103). Komunikasyon sa Makabagong panahon (Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 1, Antas
Tersyarya). Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/
https://www.slideshare.net/arlynnarvaez/https://www.slideshare.net/REGie3/barayti-ng-wika-116585802
dayalek-at-idyolek