SlideShare a Scribd company logo
1 of 37
IKATATLONG KWARTER
AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA
TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL 3 Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia
Mitolohiya
Unang Linggo: Panitikan: Pagkakaiba ng Africa at (Iran)
Ikalawang Linggo: Mitolohiya: Lionggo
Ikatatlong Linggo: Gramatika at Retorika:Pagsasaling-wika
Anekdota
Ikaapat na Linggo: Ang Mananalumpati
Ikalimang Linggo: Gramatika, Diskorsal at Strategic
Tula
Ikaanim na Linggo: Tula: Rubaiyat
Ikapitong Linggo: Gramatika at Retorika
Maikling Kuwento
Ikawalong Linggo: Ang Alaga
Epiko
Ikasiyam at Ikasampung Linggo: Si Rustom at Sohrab
Sanaysay
Ikalabing-isang Linggo: Ang Talambuhay ni Nelson Madela
Ikalabing-dalawang Linggo (11.1): Tuwiran at Di-Tuwiran
Ikalabing-dalawa at Ikalabing-tatlong Linggo: Analohiya
Nobela
Ikalabing-apat at Ikalabing-limang Linggo: Paglisan (Buod)
Ikalabing-anim na Linggo: Pang-ugnay
Ikalabing-pitong Linggo: Panunuring Papel Pampelikula
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:__________________________Date:_______________________
____________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Unang Linggo
Gawain: Blg.: 1
Paksa: Africa at Persia (Iran)
Inaasahang Matamo:
a. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia
Sanggunian: http://kilalaninangpanitikanngafricaatpersia.blogspot.com/
Domingo,Efren J.( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino.Salesiana Books, Don Bosco
Press, Inc. pp. 208-219.
https://www.slideshare.net/kyung2/filipino-62959793
Konsepto:
Ang Panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong misikal, pagbabagong bunsod ng
magiting pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng kagawian, ng pagkatao at ng tkbo ng
pamumuhay.
Ang mga akda ng Africa at Persia (Iran) ay nagdala ng kakaibang pagbabago sa mundo ng
panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay ang kanilang mga mahuhusay at
malikhaing manunulat na nagpapakilala sa kanilang paniniwalang Sufism kung saan ang isang
indibidwal ay napapaunlad sa pamamagitan ng kanyang pandama. Ang kawastuhan at
katapatan sa pagsulat ay isa rin sa mga naibahagi ng mga bansang ito sa mundo ng panitikan
lalo na sa larangan ng pilosopiya at paniniwala.
Tribya Hinggil sa Timog Africa
 Ang Opisyal na pangalan ng Timog Africa ay Republic of South Africa
 May tatlong kabisera ang Timog Africa- Cape Town, Bloemfontein, at Pretoria
 Ang pinakamalaking lungsod ng timog Africa ay Johannesburg
 Mayroong 11 opisyal na wika ang Timog Africa.
Ilan sa mga ito ay Zulu, Afrikaans, Xhosa, at Ingles.
 Ang Timog Africa ang may pinakamalaking ekonomiya sa lahat ng bansang African.
 Nahalal na pangulo ng Timog Africa si Nelson Madela noong 1994.
Tribya Hinggil sa Iran
 Sa wikang Persiano, ang ibig sabihin ng salitang Iran ay Lupain ng mga Aryan.
 Ang Opisyal na pangalan ng Iran ay Islamic Republic of Iran.
 Ang kabisera ng Iran at siyang pinakamalaking lunsod ng bansa ay Tehran.
 Ang Persian Gulf ay nagtataglay ng 60% ng reserba ng langis sa buong mundo.
Name: __________________________________Score: _______________________________
Grade Level & Section:___________________________Date:__________________________
____________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Unang Linggo
Gawain: Blg.: 1
Paksa: Africa at Persia (Iran)
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
 suliranin ng akda
 kilos at gawi ng tauhan
 desisyon ng tauhan
Sanggunian: Domingo,Efren J.( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino.Salesiana
Books, Don Press . pp. 208-219.
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/01/mga-uri-ng-mitolohiya/
https://www.youtube.com/watch?v=W7pmjX_vKIQ
https://www.youtube.com/watch?v=lQmQPalF7yK
____________________________________________________________________________
GAWAIN:
Anong pagpapakahulugan ang ibinibigay sa pagsusuot ng korona?
Ano-anong mga salita ang may kaugnayan sa korona?
Isulat ang iyong sagot sa bawat “ arrow”.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalawang Linggo
Gawain: Blg.: 2
Paksa: Mitolohiya: Lionggo
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
 suliranin ng akda
 kilos at gawi ng tauhan
 desisyon ng tauhan
Sanggunian: https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/01/mga-uri-ng-mitolohiya/
https://www.youtube.com/watch?v=W7pmjX_vKIQ
https://www.youtube.com/watch?v=lQmQPalF7yK
Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don
Press,Inc.pp.208-219.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
Ang Linggo ay mitolohiyang mula sa bansang Kenya. Ito ay matatagpuan sa kontinente ng
Aprika.
Talasalitaan:
1. Matrilinear- ang tawag sa pamamahala ng mga kababaihan
2. Patrilinear- ang tawag sa pamamahala ng mga kalalakihan
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang
nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at
mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit
kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at
ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana
Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang
pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang
pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo
sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na
mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri.
Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang
nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila
sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa
kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo
siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na
naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi
ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak
na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si
Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalawang Linggo
Gawain: Blg.: 2
Paksa: Mitolohiya: Lionggo
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
 suliranin ng akda
 kilos at gawi ng tauhan
 desisyon ng tauhan
Sanggunian: https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/01/mga-uri-ng-mitolohiya/
https://www.youtube.com/watch?v=W7pmjX_vKIQ
https://www.youtube.com/watch?v=lQmQPalF7yK
Sanggunian:
Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don
Press,Inc.pp.208-219.
____________________________________________________________________________
Gawain: Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano-anong mga kahanga-hangang katangian mayroon si Liongo?
2. Sa iyong oipnyon, bakit itinago ni mag-ina ang natatanging dahilan sa ikamamatay ni
Liongo?
3. Ano ang posibleng dahilan ng pagkakakulong ni Liongo? Nararapat kaya ito sa kanya?
4. Bakit madalas pinag-aawayan ang kapangyarihan sa isang angkan?
5. Ano kaya ang posibleng dahilan sa pagpatay kay Liongo ng kaniyang anak?
6. Maituturing bang bayani ng kaniyang lahi si Liongo? Patunayan.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikatlong Linggo
Gawain: Blg.: 3
Paksa: Gramatika at Retorika: Pagsasaling-wika
Inaasahang Matamo:
a. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
Sanggunian: https://www.slideshare.net/kazekage15/pagsasaling-wika
Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don
Press,Inc.pp.208-219.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
MGAPARAAN NG PAGSASALIN
1. Pagtutumbas (F E; E F)
a. Isa-sa-isang tumbasan (Pangngalan)
Halimbawa:
Englishfatheranguishdovecitizen
Filipino ama dalamhati kalapati mamamayan
b. Isa-sa-isang tumbasan (Pandiwa)
Halimbawa:
English arouse authorize copy
Filipino pukawin pahintulutankopyahin
c. Isa-sa-isang tumbasan (Pang-uri)
Halimbawa: English sweet prettyexpert
Filipino matamis maganda sanay
2. Isa-sa-isang tumbasan (parirala, sugnay atbp.)
Halimbawa: (E F)
English ability to apply knowledge
Filipino kakayahang magamit ang kaalaman
English supervised reading activities
Filipino mga pinatnubayang gawain sa pagbasa
English written activity
Filipino pasulat na Gawain
3. Adaptasyon o Panghihiraman.
a.Mula Kastila, binago ang baybay (S1)
Halimbawa:
kusina (cocina) kubyerta (cubierta)
kuwelyo (cuello) donya (doña)
kuwento (cuento) senyorito (señorito)
b. Mula sa Ingles, binago ang baybay (E1)
Halimbawa:
abstrak (abstract) debelopment (development)
lokomotor (locomotor) diksyon (diction)
rekord (record) kompyuter (computer)
c. Mula sa Ingles, orihinal na baybay (E2)
Halimbawa:
cake (hindi keyk) encode (hindi enkowd)
jogging (hindi dyaging) type (hindi tayp)
cute (hindi kyut) disc (hindi disk)
d. Adapsyon, mula sa iba pang wikang dayuhan, walang pagbabago sa baybay
(F)Halimbawa:
spaghetti (Italyano) pizza (Italyano)
bon apetit (Franses) habeas corpus (Latin)
modus operandi (Latin)
3. Pagsasaling Pa-idyomatiko
Halimbawa:
English bread and butter
Filipino hanapbuhay, trabaho
English to have a hand/voice
Filipino magkaroon ng kinalaman, magkaroon ng kaugnayan
sa pagpapasya
English dressed to kill
Filipino bihis na bihis, nakapamburol, isputing
4. Paglikha ng Salita (L)
Halimbawa:
English Dance, poem, song
Filipino sayaw, tula, awit
English Pork loin, fried rice, egg
Filipino tapsilog (tapa, sinangag, itlog)
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikatlong Linggo
Gawain: Blg.: 3
Paksa: Pagsasaling-wika
Inaasahang Matamo:
a. Nagagamit ang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
Sanggunian: https://www.slideshare.net/kazekage15/pagsasaling-wika
Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don
Press,Inc.pp.208-219.
___________________________________________________________________________
Gawain: Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod na salin sa tunay na kahulugan nito. Titik
lamang ang isulat sa patlang.
HANAY A HANAY B
_____1. Bungang-tulog a. dream
_____2. Matigas ang ulo b. twilight
_____3. takipsilim c. thick crowd
_____4. Kabiyak ng dibdib d. wife/husband
_____5. Saling pusa e. spoiled
_____6. Mahaba ang buntot f. house/home
_____7. Sanga-sangang dila g. stubborn
_____8. Di mahulugang karayom h. hard to please
_____9. Sariling pugad i. liar
____10. Makuskos-balungos j. temporary included
k. hard headed
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikaapat na Linggo
Gawain: Blg.: 4
Paksa: Anekdota: Ang Mananalumpati
Inaasahang Matamo:
a. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota; at
b. nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng awtor
paraan ng pagsula at iba pa
Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/mullah-nassreddin.html
Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don
Press,Inc.pp.220.
___________________________________________________________________________
Konsepto:
Ang pangalan ng kasalukuyang bansang Persia ay Iran. Si Mullah Nassreddin na
kilala bilang Mullah Nass-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan
sa kanilang bansa.
Ang anekdota - ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri:
kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa
mga ginagawa ng mga tao.
ANG MANANALUMPATI
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na
dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa
pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-
salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng
maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?”
Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong
magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga
tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang
mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin
“Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong
oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot.
Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli
siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at
ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang
kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang
aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master-
anecdotes.html
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikaapat na Linggo
Gawain: Blg.: 4
Paksa: Anekdota
Inaasahang Matamo:
a. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota; at
b. nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng awtor
paraan ng pagsulat at iba pa
Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/mullah-nassreddin.html
Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don
Press,Inc.pp.220.
___________________________________________________________________________
Gawain: Sagutin ang mga katanungan ayon sa anekdotang nabasa.
1. Ano- ano ang ilang katangiang nasaliksik tungkol sa may-akda.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Mula sa nabasang teksto, ano ang mga katangiang iyong hinagangaan kay Mullah
Nassreddin?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Anong nangingibabaw na katangian ng anekdota?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Ano ang dahilan sa pagkakalito ng mga tagapakinig?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Ano ang natatanging aral para sa mambabasa ang nais iparating ng awtor?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalimang Linggo
Gawain: Blg.: 5
Paksa: Kahusayang Gramatikal, Diskorsal at Strategic
Inaasahang Matamo:
a. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic
Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al.( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan .
ISBN. pp. 290-294.
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-apat-na-sangkap-ng-kasanayang-komunikatibo
____________________________________________________________________________
Konsepto:
Kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic
1. Gramatikal – ito ang sangkap kung saan nagbibigay-kakayanan sa nagsasalita kung paano
bigkasin sa wastong kaayusan ang mga salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung
angkop ng kanyang ginagamit na mga salita. Mahalaga ang komponent na ito upang magka-
intindihan kayo ng kausap mo dahil maaring maging sanhi nang hindi pagkakaunawaan kapag
hindi wasto ang paggamit ng baralila at epektibo ito sa pagbuo ng salita, tamang pagbigkas,
pagbabaybay at maging sa pagbibigay kahulugan ng salita. Ang mga tanong na sinasagot ng
gramatikal na komponent ay:
· Anong salita ang angkop gamitin?
· Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?
2. Diskorsal – ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na ipalawak ang
mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita upang mas maunawaan ang
salita at mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito. Ang tanong na nasasagot sa
komponent na ito ay:
·Sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangungusap ay mapagsama-sama o mapag-
ugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo, at
iba pa?
3.Strategic – ito ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang berbals upang wasto niyang
maipahayag ang kanyang mensahe at maiwasan o maisaayos ang hindi pagkaunawaan o mga
puwang sa komunikasyon. Nakatutulong din ng mga hindi berbal na hudyat sa pagsasalita
kagaya ng kumpas ngkamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang mailahad ang tamang
mensahe. Ang mga tanong na sinasagot ng strategic komponent ay:
·Paano ko malaman kung hindi ko pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko o kung hindi
niya naunawaan ang gusto kong iparating? Ano ang sasabihin o gagawin ko upang maayos ito?
·Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang
aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag ng isang bagay?
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalimang Linggo
Gawain: Blg.: 5
Paksa: Kahusayang Gramatikal, Diskorsal at Strategic
Inaasahang Matamo:
b. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota
Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al.( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan .
ISBN.pp. 290-294.
____________________________________________________________________________
Gawain: Magsulat ng tatlong paraan ng pagsasalita ng mga tauhan sa komiks.
1. Ginagamit ang lobo na ito tuwing may kausap o nais ipahayag ang tauhan.
2. Ginagamit ang lobo na ito tuwing nag-iisip o kinakausap ng tauhan ang sarili.
3. Ginagamit ang lobo na ito kung nagulat o nagitla ang tauhan.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikaanim na Linggo
Gawain: Blg.: 6
Paksa: Tula : Rubaiyat
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa nabasa; at
b. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula
Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan .
ISBN. pp. 300.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
Si Omar Khayyam o Omar Khyham, ay isang makata mula sa Persia, isang astronomo,
manunulat at iskolar na namuhay noong ika-11 daantaon AD. Siya ang may-akda ng kalipunan
ng kanyang mga gawa ang Rubaiyat, na nalathala lamang dalawang daang taon pagkaraan ng
kanyang kamatayan, at lumaong isinalin sa Ingles ni Edward Fitzgerald. Ipinangank siya sa
lungsod ng Nishapur nakasalukuyang tinatawag na bansang Iran. Bilang isang dalubhasa,
naitalaga siya sa tungkulin bilang royal na astronomo. Ginawa niyang madernisasyon o
pagiging makabago ng kalendaryong Persia.
Rubaiyat
Tula mula sa Persia
Salin ni Rufina Alejandro ng Ilang Piling Saknong ng “ Rubaiyat “ ni Omar Khayyam
I
Gising na! Sa Parang ng Gabing madilim ay nagsipaglipad na
Ang mga bituing hayu’t binulabog ng Araw kanina!
Winahi ng Araw ang tabing ng Gabi na nakalaylay pa’t
Ang Tore ng Sulta’y kanyang tinutudla ng sinag na dala.
II
At bago naglaho ang unang bulaos ng bukang-liwayway
Waring sa Taberna ay may isang Tinig na nagsisigaw:
“ Ang loob ng templo’y gayak na gayak na sa nagsisidalaw,
Ano’t nagtitiis antukin sa labas ang ibig Magdasal.
III
Saka nangang Tatyaw noo’y tumilaok ay aking narinig,
Magbuhat sa labas ng Tabernang yaon, ang maraming tinig:
“Buksan na ang Pinto! Alam naman ninyong ilan lang ang saglit
At kami’y yayaon, upang kailanman ay di na magbalik.”
IV
Ngayong binubuhay nitong Bagong taon ang datihing Nasa
Kaluluwang matimpi, sa ilalim ng Sanga’y Nag-iisang kusa,
Doon sa ang Puting Kamay ni Moses ay namimintana
At si Jesus nama’y may buntong –hininga magmula sa Lupa.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikaanim na Linggo
Gawain: Blg.: 6
Paksa: Tula: Rubaiyat
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa nabasa; at
b. nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula
Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan .
ISBN.pp. 300.
https://www.slideshare.net/irishme/pagpapasidhi-ng-damdamin
____________________________________________________________________________
Gawain: Bigyang-kahulugan ang mga simbolismo ng tula.
1. Gising na! Sa Parang ng Gabing madilim
2. At bago naglaho ang unang bulaos ng bukang-liwayway
3. “Buksan na ang Pinto! Alam naman ninyong ilan lang ang saglit
4. Doon sa ang Puting Kamay ni Moses ay namimintana
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikapitong Linggo
Gawain: Blg.: 7
Paksa: Tula:Gramatika at Retorika
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan;
b. nabibigyang -kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa
tula; at
c. naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa
Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan .
ISBN. pp. 300.
https://www.slideshare.net/irishme/pagpapasidhi-ng-damdamin
____________________________________________________________________________
Konsepto:
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa
paraang papataas na antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga
salitang may ugnayang sinonimo.
1. inis 2. asar 3. galit 4. poot
1. paghanga 2. pagsinta 3. pagliyag 4. pagmamahal
1. madamot 2. sakim 3. gahaman 4. Ganid
Gawain A: Sa mga sumusunod na pangungusap:
Salungguhitan ang salitang nagtataglay ng di-masidhing damdamin,
Bilugan ang salitang masidhi ang kahulugan
at ikahon naman ang may pinakamasidhing damdamin.
1. A. Natutuwa ako na nag-aaral ka nang mabuti.
B. Nagagalak akong matataas ang iyong marka.
C. Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa Marso.
2. A. Nagandahan ako sa ginawa mong kuwento.
B. Tunay na nabighani ako sa mga kulay at disenyo ng ginawa mong proyekto.
C. Naaakit akong buksan at basahin ang aklat na ito.
3. A. Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka.
B. Nagimbal ako sa nangyari sa iyo kahapon.
C. Natakot din ako nang bahagya kung kaya’t dinalaw kita sa ospital.
4. A. Kinabahan ako sa iyong ginawa.
B. Marami ang natakot dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
C. Kinilabutan ang lahat dahil nakita ka nila sa ganoong kalagayan.
5. A. Labis akong nag-aalala sa maaaring kahinatnan ng ating bansa dahil sa mga hindi
magandang pangyayari.
B. Natigatig ako nang malamang malaki ang posibilidad na bumagsak ang ekonomiya
ng ating bansa kung magpapatuloy ang mga ganitong pangyayari.
C. Nababahala ako sa magiging epekto ng mabilis na paglaganap ng kriminalidad sa
ating bansa.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikawalong Linggo
Gawain: Blg.: 8
Paksa: Maikling Kuwento: Ang Alaga
Inaasahang Matamo:
a. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa
lipunan; at
b. naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa
Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html
Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
Ipakilala ang iyong minamahal na alagang hayop gamit ang bio-data. Maging malikhain sa
pagpapakilala.
Pansariling Tala
Pangalan:
Palayaw:
Petsa ng kapanganakan:
Edad:
Lugar ng kapanganakan:
Kulay:
Paboritong pagkain:
Talento:
Kakaibang katangian:
Larawan:
Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang
kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa
Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga
kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng
kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.
Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan
ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung
kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang
makalat na mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng
tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na
hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila
walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa
telepono habang napaliligiran ng ilang babae.
Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati
niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.
Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa
Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin.
Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country
para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na
lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa
ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang
pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang
mga apo, mataas, payat, at kaboses ni Kibuka.
Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.
“Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako ng
maiinom na tsaa.”
“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang
katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”
“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay lubha kong
ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa
buhay, puno na siya ng kapanabikan.
“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya
mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”
Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.
Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung
minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga
kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang
kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.
Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si Miriami
na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu.
Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang
sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito umaalis sa tabi niya.
Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.
Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa
sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki
na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng matoke si Kibuka sa mga
kaibigan at kapitbahay.
Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon, hindi
na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy
sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang
nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa
alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki
nito.
Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil dito,
pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na ingat siya na
malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy.
Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka.
Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming problema
ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at hindi naman ganoon
karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta
ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si
Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy.
Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy gaya noong
biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na nakapagpapapuyat kay Kibuka.
Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang baboy at
itatali na lamang sa puno.Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy
ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang
makapagsasabi.
Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog.
Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang
mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na
maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito.
Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang
naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.
Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy na
kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila
nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging
magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat
hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang
dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa
papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy.
Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang
oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap ni
Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa
alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin
itong pagtataksil sa alaga.
Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay
sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Si
Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay
na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na
sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na
tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha
at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.
Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka
at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy dahil sa
pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag-
iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na
alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso,
titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang
kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang
Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at
pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya.
“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng
pahayag. Magpahinga muna kayo.” “Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang
baboy.”
“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti
sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng
klima ngayon.”
Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop. Iniisip
niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng
isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng
paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito.
Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay
sa namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.
Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-hati
ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago
mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy.
Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng
gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan niya. Umupo sandali
habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw.
Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya
pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka
upang tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.
“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na sa
akin pagpunta roon?”
Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na
dinala sa kaniya ni Musisi.
“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.” Kinuha ni Miriamu ang
pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng naranasan
ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit
kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang
iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya
magiging masarap ang pagkain nila ng pananghalian.
“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang naglalagay
ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”
“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap
pa,” pahayag naman ni Miriamu.
May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal
niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang
nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya
maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikawalong Linggo
Gawain: Blg.: 8.1
Paksa: Maikling Kuwento: Ang Alaga
Inaasahang Matamo:
a. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa
lipunan; at
b. naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa
Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html
Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254.
____________________________________________________________________________
Gawain A: Sagutin ang mga tanong.
1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa kuwento. Anong katangian ang iyong
hinahangaan?
2. Ilahad ang kahinaan at kalakasan ng pangunahing tauhan.
3. Ano ang pangunahing suliraning kinakaharap sa kuwentong nabasa?
4. Ano-anong mga problemang kinakaharap sa pag-aalaga ng isang hayop? Magbigay ng
mungkahi upang masolusyonan ang mga ito.
5. Ano ang naging implikasyon sa pagkawala ng alagang hayop ni Kibuka?
6. Sa kasalukuyang lipunan, ilarawan ang kalagayan ng mga alagang hayop.
7. Bakit mahalagang pangalagaan ang kapakanan ng alagang hayop?
Gawain B. Muling balikan ang maikling kuwentong nabasa, maglista ng limang pahayag na
nagpapakita ng opinion. Ipaliwanag ang bawat pahayag kung bakit ito ay opinion.
Pahayag Paliwanag
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain C. Bumuo ng isang islogan na nagpapakita at nagtataguyod sa karapatan para sa
Alagang hayop.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikasiyam Linggo
Gawain: Blg.: 9
Paksa: Epiko: Si Rustam at Si Sohrab
Inaasahang Matamo:
a. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahanng akda sa;
 sarili
 panlipunan pandaigdig
Sanggunian: https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/si-rustam-at-si-sohrab/
https://prezi.com/nhxhqinzv2uf/si-rustam-at-si-sohrab/
Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
“Si Rustam at Si Sohrab”
Ito ay nagmula sa epiko ng Shahnameh. Ang Epikong Shahnameh ay itinuring na isa sa
napakahahalagang panitikan ng Persia. Inilahad ng epiko ang mahabang kasaysayan ng mga
sinaunang tao sa Iran. Nagsimula ito sa paglikha ng sangkatauhan, sa pinagmulan ng
sibilisasyon hanngang sa pagsakop ng Arabo sa Persiya noong ika-labimpitong siglo. Ito ay
isinulat ni Hakim Abul-Qasim o mas kilala sa pangalang Ferdowsi Tusi. Ang epikong ito’y
binubuo ng 60,000 na berso.
Ang Buod
Nasa sinapupunan pa lamang si Rustam ay hinulaan nang magiging magiting na bayani siya sa
kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng mga alamat. Hindi naging madali ang
pagsilang kay Rustam sapagkat ang kanyang inang si Rudabeh ay dumanas ng matinding
sakit. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong kumupkop sa kanyang ama na si
Zal. Bago lumisan ang ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang isinisilang ay kasinlaki ng isang
sanggol na leon. Kagaya ng sabi ng ibon, isinilang nga si Rustam na kasinlaki ng sanggol ng
Leon.
Nang tumuntong si Rustam sa edad na pwede na siyang magsanay bilang isang mandirigmang
ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng kanyang ama na
kailangan niya ng espesyal na kabayo. Nakuha niya ang kabayong si Raksh.
Isang beses habang nangangaso si Rustam, nawala ang kanyang kabayo. Sa pagsunod niya
sa mga bakas ng nawalang kabayo, siya ay pumapasok sa kaharian ng Samangan kung saan
siya ay buong-pusong tinanaggap ng hari.
Dito nakilala ni Rustam si Prinsesa Tahmina, ang kaisa-isang anak na babae ng hari ng
Samangan. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang gabing iyon ay napatunayan nilang sila’y
nagmamahalan.
Kinabukasan ay natagpuan na ang kabayo ni Rustam at kinailangan na niyang lisanin ang
lugar. Naghiwalay silang dalawa ni Prinsesa Tahmina. Lumipas ang ilang buwan na hindi
nagkikita ang dalawa at hindi naglao’y nagsilang si Prinsesa Tahmina ng isang batang lalaki na
nagngangalang Sohrab. Lumaki si Sohrab kagaya ng kanyang amang si Rustam.
Isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang mag-ama at sa umpisa ay hindi nila nakilala
ang isa’t isa. Nagtuos ang dalawa at nasaksak ni Rustam si Sohrab hanggang sa siya’y
namatay. Napatingin si Rustam sa pulseras na nakapulupot sa braso ng nag-aagaw buhay na si
Sohrab. Naalala niya na ito ang pulseras na kanyang binigay kay Prinsesa Tahmina at nalaman
niya ang katotohanan na anak niya si Sohrab.Nayanig ang buong pagkatao ni Rustam. Parang
pinagsakluban siya ng langit at lupa. Hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit malupit ang
tadhana.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikasiyam na Linggo
Gawain: Blg.: 9
Paksa: Epiko: Si Rustam at Si Sohrab
Inaasahang Matamo:
a. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahanng akda sa;
 sarili
 panlipunan pandaigdig
Sanggunian: https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/si-rustam-at-si-sohrab/
Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254.
____________________________________________________________________________
Gawain A. Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod.
1. Bukang-liwayway -
2. Nakahandusay -
3. Kagila-gilalas -
4. Katunggali -
5. Pumaslang -
Gawain B. sagutan ang mga tanong.
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? Ano ang kanilang mga katangian?
2. Ano ang tema na ipinapahayag sa kuwento?
3. Anong uri ng lipunan ang ipinapakita sa kuwento?
4. Anong aral ang makukuha natin sa kuwento sa sarili, lipunan, at para sa buong daigdig?
5. Sa larangan ng tunggalian, dapat ba nating kilalaning mabuti angating mga kaaway?
Bakit?
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikasampu na Linggo
Gawain: Blg.: 10.1
Paksa: Epiko: Si Rustam at Si Sohrab
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang
socila media (mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan).
Sanggunian: https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/si-rustam-at-si-sohrab/
Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254.
____________________________________________________________________________
Gawain C. Isulat ang iyong nararamdaman sa isang isyung panlipunang nagaganap sa ating
bansa sa kasalukuyan.
IsyungPanlipunan
___________________________________________________________________________
Paliwanag hinggil sa status:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Ang iyong magagawa bilang isang mag-aaral:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-isang Linggo
Gawain: Blg.: 11
Paksa: Sanaysay: Ang Talambuhay Ni Nelson Mandela
Inaasahang Matamo:
a. Natutukoy ang Talambuhay Ni Nelson Mandela
Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog
Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 290.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay ang kalayan ng kanilang
bansa. Kalayaan sa pansariling pamamahala o demokrasya. Maituturing na isang malaking
tagumpay para sa mga mamamayan ng isang bansa ang mapagkalooban ng kalayaang
political, kalayaang pulili ng lider kalayaang hindi matutumbasan ng kahit anong material na
bagay. Bahagi rin ng kalayaang pinupunto ng kanyang talumpati ay ang pagiging malaya sa
tinatawag na diskriminasyon , ibig sabihin may pantay- pantay na kalayaan ang bawat isang
mamamayan ng Timog Africa, itim man o Puti ang kulay ng balat.
Ang mga mamamayan ng Timog Africa ay pinagkaitan ng pansariling kalayaan nakakulong ang
mga ito sa rehas ng diskriminasyon at limitasyon. Kaya naman masasabing isang malaking
tagumpay ang nakamit nila.
Walang katumbas na bagay ang maihahambing sa halaga ng kalayaang tinutukoy ni Mandela,
kaya naman masasabi natin na ito ay buong tapang at buong bangis nilang ipinaglaban.
Itinuturing ni Mandela na ang pagkamit ng kalayaang ito ay ang simula ng paghilom ng mga
sugat na iniwan ng masalimuot na nakaraan .
Ibig sabihin ay panahon na para ang mamamayan ng Timog Africa ay tumayo sa sarili nilang
mga paa upang bumuo ng panibagong bayan na kung saan ay malaya ang lahat sa kumpleto,
makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Kapayapaan na maihahalintulad mo sa
malayang paglalakd sa daan na walang takot sa bawat puso, karapatan sa pagkakaroon ng
dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.
Hindi nagging madali ang tinahak na landas ng mga mamamayan ng Timog Africa upang
makamit ang tinutukoy niyang kasarinlan, isang masalimuot at nakatatakot na landas ang
kanilang nalagpasan upang makamit ang inaasam na kalayaan. Ang mga pangarap nilang tila
walang katuparan naging makatotohanan at kanila ng nararanasan.
Bahagi rin ng talumpati, ang pangangako ni Mandela sa mga kababayan na pangalagaang
mabuti ang natamasang kasarinlan. Malaking bahagi ng talumpating ito, ay ang taos pusong
pasasalamat ni ni Mandela at ng buong mamamayan ng Timog Africa sa mga nagging bahagi
ng kanilang pagtahak patungo sa inaasam na kalayaan.
Pinasasalamatan ang pagpunta ng bawat isa upang angkinin, kasama ang mamamayan ng
aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad. At
ang pagpapakita ng pag-asa sa patuloy na suporta sakanilang laban na ipagpapatuloy ang
pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng
mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-isang Linggo
Gawain: Blg.: 11
Paksa: Sanaysay: Ang Talambuhay Ni Nelson Mandela
Inaasahang Matamo:
a. Natutukoy ang Talambuhay Ni Nelson Mandela; at
b. nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng
mensahe
Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog
____________________________________________________________________________
Gawain A. Pag-usapan kung paano ninyo naunawaan ang inyong binasa.
1. Magtala ng tatlong karanasan ng mga African sa South Africa na tinutulan ni Madela.
2. Magtala ng tatlong pagkakaiba ng mga Itim at Puti sa South Africa.
3. Ano-ano ang mga solusyon na inihain ni Madela upang tugunan ang problema ng
kaniyang lipunan? Punan ang talaan sa ibaba.
Mga solusyon na inihain ni Madela
1
2
3
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/ikalabing-isang Linggo
Gawain: Blg.: 11.1
Paksa: Tuwiran at D-tuwirang Pahayag
Inaasahang Matamo:
a. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay ibang akda; at
b. nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng
mensahe
Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya
Sicat-de laza, Crisel et.al. (2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 348.
____________________________________________________________________________
Gawain B. Itala ang pagkakaiba at pagkakapareho ng sanaysay sa ibang anyo. Gamitin ang
Venn Diagram sa ibaba.
Pagkakapareho
Pagkakaiba
Maikling Kuwento Tula
Sanaysay
Sanaysay
Maikling Kuwento Tula
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-dalawang Linggo
Gawain: Blg.: 12
Paksa: Analohiya
Inaasahang Matamo:
a. Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng
mensahe
Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-tuwiran-at-dituwiran-na-pahayag
Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 343.
____________________________________________________________________________
TUWIRAN AT DI-TUWIRANG PAHAYAG
TUWIRAN NA PAHAYAG
• KILALA BILANG “DIRECT SPEECH” SA WIKANG INGLES
• ITO ANG TAWAG SA PAHAYAG NA MISMONG ANG NAGSASALITAANG
NAGSAMBIT NG NASABING PAHAYAG
• GINAGAMITAN NG MGA BANTAS NA PANIPI (“ ”)
DI-TUWIRAN NA PAHAYAG
• KILALA BILANG “INDIRECT SPEECH” SA WIKANG INGLES
• ITO ANG TAWAG SA PAHAYAG NA MAY IBANG TAONG NAGSABI NG SINABI NG
NAGSASALITA
PAALALA::
• MINSAN KAPAG ILILIPAT ANG ISANG TUWIRANG PAHAYAG PATUNGO SA ISANG
DI-TUWIRANG PAHAYAG, AY MAGBABAGO ANG ASPEKTO NG PANDIWA
NG ILILIPAT NA PAHAYAG
HALIMBAWA:
“ANG MGA NANANALO AY ISANG NAGMIMITHI NA HINDI NAWAWALAN NG
PAG-ASA.” - NELSON MANDELA
HINDI TUWIRANG PAHAYAG:
SINABI NI NELSON MANDELA NAANG MGA NANANALO AY ISANG
NAGMITHI NA HINDI NAWALAN NG PAG-ASA.
HALIMBAWA: “KAPAG ANG MGA TAO AY DETERMINADO, SILA’Y MAY KAKAYAHAN NA
MALAMPASAN ANG LAHAT.” - NELSON MANDELA
HINDI TUWIRANG PAHAYAG:
SINAMBIT NI NELSON MANDELA NA KAPAG ANG MGA TAO AY
DETERMINADO, SILA’Y MAY KAKAYAHAN NA MALAMPASAN ANG LAHAT.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-dalawang Linggo
Gawain: Blg.: 12
Paksa: Analohiya
Inaasahang Matamo:
a. Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng
mensahe
Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-tuwiran-at-dituwiran-na-pahayag
Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 343.
____________________________________________________________________________
GAWAIN: TUKUYIN KUNG ANG MGA PAHAYAG AY TUWIRAN O DI-TUWIRAN.
PAGKATAPOS, ISULAT ANG KANYANG KABALIKTARAN.
GAWAIN A:
“KARAMIHAN SA MGA KAPALPAKAN NA NARARANASAN SAATING BUHAY AY ANG MGA
TAONG HINDI NAIISIP KUNG GAANO SILA KALAPIT SA PAGKAMIT NG KANILANG
KINAKAMTAN NOONG SILA’Y BUMIGAY NA” - THOMAS A. EDISON
GAWAIN B :
“ANG TALINO AY ISANG PORSIYENTONG INSPIRASYON AT SIYAMNAPU’T-SIYAM NA
PAGSISIKAP.” - THOMAS A. EDISON
GAWAIN C:
AYON KAY CONFUCIUS NA ANG ATING BUHAY AY TALAGANG SIMPLE, PERO TAYO
ANG SIYANG NAGPAKOMPLIKADO RITO.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-tatlong Linggo
Gawain: Blg.: 13
Paksa: Analohiya
Inaasahang Matamo:
a. Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya); at
b. naibibigay ang katumbas ng ilang salita sa akda sa tulong ng analohiya
Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya
Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 343.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
ANALOHIYA
Analohiya (Palasurian) Ito ay ang tawag sa proseso kung sinususuri o pinagkukumpara ng
dalawang bagay, lugar, ideya o katangian na magkaugnay o magkatumbas.
1. Uri ng Analohiya (Palasurian) 1. Magkasingkahulugan (Synonym) – Ang pares ng salitang
pinagkukumpara ay magkalapit ang kahulugan.
Halimbawa: Matumal : madalang
2. Uri ng Analohiya (Palasurian) 2. Magkasalugnat (Antonym) – Ang pares ng salitang
pinagkukumpara ay magkalayo ang kahulugan.
Halimbawa: Matayog : mababa
3. Uri ng Analohiya (Palasurian) 3. Katawanin (Partitive) – Ang pares ng salitang
pinagkukumpara ay bahagi ng isang lupon o buong bahagi.
Halimbawa: Saknong : tula Gulong : kotse
4. Uri ng Analohiya (Palasurian) 4. Sanhi at Bunga (Cause and Effect) – Ang pares ng salitang
pinagkukumpara ay magkaugnay sa nagpapakita ng sanhi at bunga ng isang pangyayari
Halimbawa: Baha : pagkawasak ng mga bahay
GAWAING-UPUAN:
1. Malapad:Makipot: ________:Mahina
2. Aksidente:________: Sunog:Nawasak ang mga bahay
3. Sanaysay:Talata: Akto:_________
4. Stable:Kabayo: Board:_________
5. Madamot:Makasarili: Mapagbigay:__________
6. Kamay: Palad Paa: _______
7. Puso: damdamin Utak: ______
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3:/Ikalabing-apat na Linggo
Gawain: Blg.: 14
Paksa: Nobela: Paglisan (Buod)
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan
na angkop dito
Sanggunian: https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/
Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 290.
____________________________________________________________________________
Konsepto:
Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng mga Umuofia,sa Nigeria ang isang
matapang na at respetadong mandirigma na si Okonkwo.
Bata palamang ay nagpamalas na ng angking katapangan si Okonkwo, Dahil dito, kinilala si
Okonkwo sa buong Umuofia hanggang Mbaino. Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang
mga pagkakataon na ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan
ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si si Unoka.
Bukod sa katamaran ng kanyang ama,ay nag-iwan pa ito ng napakaraming utang at
pibabayaan sila. Pinatunayan ni Okonkwo na siya ay naiiba sa kanyang ama at upang magawa
ito, pinamunuan niya ang siyam na nayon. ‘Di naglaon ay tatlo ang nagging asawa ni Okonkwo,
nakapag pundar din siya ng mga ari-arian patunay lamang ng kanyang kasipagan. Dahil dito
siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at siya ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si
Ikemefuna. Ang ama ni Ikemefuna ay nakapatay ng isang babaeng Umuofian kaya is
Ikemefuna bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang
nayon. Kinuopkop ni Okonkwo ang batang lalaki, magiliw na pinatira sa kanilang tahanan at
itinuring naman siya ng bata bilang pangalawang ama.
Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang
patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa
kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo
at upang ipakita ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa
kabila ng paghingi nito ng saklolo.
Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna, hindi siya makatulog, hindi
rin makakain at hindi makapag-isip ng maayos si Okonkwo dahil sa ramdam pa rin niya ang
pagkakamaling kanyang ginawa. Kaya nagpasya ito na himingi ng payo sa kanyang kaibigan na
si Obierika.
Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi
Ezeudu ang matandang nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna.
sa di malamang dahilan, umalingawngaw ng malakas na putok ng baril sa paligid habang
nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Tinamaan ng baril ni Okonkwo ang labing-anim na taong gulang
na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang krimen dahil
ito ay isang mortal na kasalanan sa dyosa ng lupa. Napagpasyahan na ipatapon si Okonkwo at
ang kanyang pamilya sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak lalo na ng
kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang
munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang
kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito
at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid
ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga
puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.
Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si
G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta upang ipakilala
ang simbahan, ngunit ito ay hindi nagging madali. Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at
pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang isinasagawa ang
taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa
mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,
sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito
ng isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang
mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga
bilango at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga kaangkan na
maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga
kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya.
Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si Okonkwo para sa isang pandinig
ngunit ng Makita nbila si Okonkwo, ito ay natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa
nangyari sapagkat si Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa katapangan at dahil sa
pagpapatiwakal ni Okonkwo, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika,
ang kaniyang kaibigan.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-apat na Linggo
Gawain: Blg.: 14
Paksa: Nobela: Paglisan (Buod)
Inaasahang Matamo:
a. Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang
diyalogo;
b. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan
na angkop ditto; at
c. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng
bansang Africa at/o Persia
Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan .
ISBN.pp. 318..
http://piniliniuncleben.blogspot.com/
https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713
____________________________________________________________________________
Gawain A. Gamitin ang mga salitang may nag-aagawang kahulugan sa pangungusap.
Halimbawa:
Nakaraan – kasalukuyan
Ang nakaraan ay susi sa kasalukuyang hinaharap.
1. Katapangan - karuwagan
______________________________________________________________________
2. Katahimikan - kaguluhan
______________________________________________________________________
3. Ligaya - lungkot
______________________________________________________________________
4. Matamis - mapait
______________________________________________________________________
5. Una - huli
______________________________________________________________________
Gawain B: Sagutin ang mga tanong.
1. Anong pangyayari sa nobela na nagpapakita ng kawalang hustisya at karahasan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ilarawan ang lipunang ginagalawan ni Okonkwo. Ano-ano ang mga katanggap-tanggap
At di- katanggap-tanggap na gawi ng kaniyang lipunan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Anong pangyayari sa nobela ang nararanasan sa kasalukuyang lipunan? Paano ito
maiiwasan o mabibigyang solusyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-limang Linggo
Gawain: Blg.: 15
Paksa: Nobela
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
Sanggunian: Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana
Books, Don Press,Inc.pp.294.
https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/pagsusuri-ng-nobelang-itinakda.html
____________________________________________________________________________
Konsepto:
NOBELA
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Uri ng Nobela
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari
ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa.
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan,
mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o
sistema
GABAY PARA SA PAGSUSURI NG NOBELA
I.Introduksyon
A. Maikling Talambuhay ng May-akda – Lualhati Bautista
B. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat ng Nobela
II. Mahahalagang talasalitaang dapat maunawaan ng mambabasa
III. Pagsusuri ng mahahalagang tauhan
Tauhan Ang kanyang mga ginawa Ang dahilan ng kanyang kilos
o ginawa
V. Buod ng nobela (BAWAT KABANATA) – Subuking sagutin ang mga tanong na sino, saan,
kailan, ano, bakit at paano. (minimum ng limang pangungusap)
V. Pagsusuri ng Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa
A. Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad kung bakit
mahalaga ang mga ito.)
B. Bisa sa Damdamin(Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito sa sarili mong
pagkatao)
C. Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa tingin mo ay
dapat na palakasin batay sa mga pangyayari sa nobela)
VI. Pagususri ng Tema ng Nobela
Ang tema ng nobela ay _________________________________________________
Ang mga pagpapatunay o detalye kaugnay ng tema:
1.
2.
VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda
A. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang sarili?
B. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang mambabasa?
C. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa lipunan at sa pangkalahatan?
VIII. Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan – Suriin ang mga ginamit na teoryang
pampanitikan. Piliin yaong ginamit at angkop lamang sa akda at lagyan ng nararapat na
patunay buhat sa aklat.
1. Humanismo
2. Imahismo
3. Realismo
4. Romantisismo.
5. Eksistensyalismo
6. Naturalismo
7. Sosyolohikal / Kamalayang Panlipunan
8. Feminismo
9. Dekonstruksyon
10. Simbolismo
IX. Pansariling reaksyon
Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na gusto mong isagawa o
isapuso? Ano ang naging bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na iyong ginagalawan?
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-anim na Linggo
Gawain: Blg.: 16
Paksa: Pang-ugnay
Inaasahang Matamo:
a. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela; at
b. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag-
ugnay sa panunuring pampelikula.
Sanggunian: Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana
Books, Don Press,Inc.pp.298.
https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/pagsusuri-ng-nobelang-itinakda.html
____________________________________________________________________________
Konsepto:
PANG-UGNAY
Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita,parirala,sugnay at pangungusap gaya ng
pangatnig, pang-angkop at pang-ukol .
Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang yunit sa
pangungusap.
Mga uri
1. PANGATNIG - Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala
o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Halimbawa ng pangatnig:
At,pati,nang,bago,habang,upang,sakali,kaya,
kung, gayon at iba pa
Mag banat ka ng buto upang guminhawa ang iyong buhay.
Pumunta sila sa mall at namili ng mga pagkaing ihahanda sa noche buena.
2. PANG-ANGKOP - Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
May dalawang pang-angkop na itinuturing sa filipino ang na at ng
Ang na ay gingamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig
maliban sa titik n.
Mapagmahal na ina .
Masarap na kainan.
Ang ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan.
Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig
Maruming damit
Masunuring bata
3. PANG-UKOL - Ang mga tawag sa mga kataga o salitang nag- uugnay sa isang
pangangalan at sa iba pang salita sa pangungusap.
Narito ang mga halimbawa:
Ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay,
Para sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay at tungkol sa/kay.
Halimbawa:
Alinsunod sa batas, bawal ang ilegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking magandang kinabukasan.
Name: ________________________________________Score: ______________________
Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________
__________________________________________________________________________
Kwarter: 3/Ikalabing-pitong Linggo
Gawain: Blg.: 16
Paksa: Panunuring Papel Pampelikula
Inaasahang Matamo:
a. Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag-
ugnay sa panunuring pampelikula*
Sanggunian: Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana
Books, Don Bosco Press, Inc. pp. 208-219.
____________________________________________________________________________
GAWAIN:
Pumili ng isang pelikula na pumapaksa sa isyung panlipunan at bumuo ng isang panunuring
papel pampelikula sa tulong ng pormat na tinalakay.
Halimbawa na movie: Batang City Jail
Panunuring Papel:

More Related Content

What's hot

Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxPrincejoyManzano1
 
Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)
Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)
Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)Faye Aguirre
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameRamelia Ulpindo
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptx
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptxPAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptx
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptxbabyjerome
 
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10chinovits
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationJenita Guinoo
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahadsarahruiz28
 
Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3SolomonGusto1
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaJenita Guinoo
 
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxAng Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxMark James Viñegas
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAUBREYONGQUE1
 

What's hot (20)

Demo ni dhang
Demo ni dhangDemo ni dhang
Demo ni dhang
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
 
Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)
Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)
Ang kwintas (Filipino 10 - module 1.4)
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Ang Kwintas
Ang KwintasAng Kwintas
Ang Kwintas
 
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
 
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptx
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptxPAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptx
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP AT PAGSUSURI.pptx
 
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
 
HELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptxHELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptx
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxAng Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
 
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptxAng Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame-PPT.pptx
 
Mitolohiya ng africa
Mitolohiya ng africaMitolohiya ng africa
Mitolohiya ng africa
 

FILIPINO-3RD-QUARTER.docx

  • 1. IKATATLONG KWARTER AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA TALAAN NG NILALAMAN MODYUL 3 Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Mitolohiya Unang Linggo: Panitikan: Pagkakaiba ng Africa at (Iran) Ikalawang Linggo: Mitolohiya: Lionggo Ikatatlong Linggo: Gramatika at Retorika:Pagsasaling-wika Anekdota Ikaapat na Linggo: Ang Mananalumpati Ikalimang Linggo: Gramatika, Diskorsal at Strategic Tula Ikaanim na Linggo: Tula: Rubaiyat Ikapitong Linggo: Gramatika at Retorika Maikling Kuwento Ikawalong Linggo: Ang Alaga Epiko Ikasiyam at Ikasampung Linggo: Si Rustom at Sohrab Sanaysay Ikalabing-isang Linggo: Ang Talambuhay ni Nelson Madela Ikalabing-dalawang Linggo (11.1): Tuwiran at Di-Tuwiran Ikalabing-dalawa at Ikalabing-tatlong Linggo: Analohiya Nobela Ikalabing-apat at Ikalabing-limang Linggo: Paglisan (Buod) Ikalabing-anim na Linggo: Pang-ugnay Ikalabing-pitong Linggo: Panunuring Papel Pampelikula
  • 2. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:__________________________Date:_______________________ ____________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Unang Linggo Gawain: Blg.: 1 Paksa: Africa at Persia (Iran) Inaasahang Matamo: a. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia Sanggunian: http://kilalaninangpanitikanngafricaatpersia.blogspot.com/ Domingo,Efren J.( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino.Salesiana Books, Don Bosco Press, Inc. pp. 208-219. https://www.slideshare.net/kyung2/filipino-62959793 Konsepto: Ang Panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong misikal, pagbabagong bunsod ng magiting pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng kagawian, ng pagkatao at ng tkbo ng pamumuhay. Ang mga akda ng Africa at Persia (Iran) ay nagdala ng kakaibang pagbabago sa mundo ng panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay ang kanilang mga mahuhusay at malikhaing manunulat na nagpapakilala sa kanilang paniniwalang Sufism kung saan ang isang indibidwal ay napapaunlad sa pamamagitan ng kanyang pandama. Ang kawastuhan at katapatan sa pagsulat ay isa rin sa mga naibahagi ng mga bansang ito sa mundo ng panitikan lalo na sa larangan ng pilosopiya at paniniwala. Tribya Hinggil sa Timog Africa  Ang Opisyal na pangalan ng Timog Africa ay Republic of South Africa  May tatlong kabisera ang Timog Africa- Cape Town, Bloemfontein, at Pretoria  Ang pinakamalaking lungsod ng timog Africa ay Johannesburg  Mayroong 11 opisyal na wika ang Timog Africa. Ilan sa mga ito ay Zulu, Afrikaans, Xhosa, at Ingles.  Ang Timog Africa ang may pinakamalaking ekonomiya sa lahat ng bansang African.  Nahalal na pangulo ng Timog Africa si Nelson Madela noong 1994. Tribya Hinggil sa Iran  Sa wikang Persiano, ang ibig sabihin ng salitang Iran ay Lupain ng mga Aryan.  Ang Opisyal na pangalan ng Iran ay Islamic Republic of Iran.  Ang kabisera ng Iran at siyang pinakamalaking lunsod ng bansa ay Tehran.  Ang Persian Gulf ay nagtataglay ng 60% ng reserba ng langis sa buong mundo.
  • 3. Name: __________________________________Score: _______________________________ Grade Level & Section:___________________________Date:__________________________ ____________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Unang Linggo Gawain: Blg.: 1 Paksa: Africa at Persia (Iran) Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:  suliranin ng akda  kilos at gawi ng tauhan  desisyon ng tauhan Sanggunian: Domingo,Efren J.( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino.Salesiana Books, Don Press . pp. 208-219. https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/01/mga-uri-ng-mitolohiya/ https://www.youtube.com/watch?v=W7pmjX_vKIQ https://www.youtube.com/watch?v=lQmQPalF7yK ____________________________________________________________________________ GAWAIN: Anong pagpapakahulugan ang ibinibigay sa pagsusuot ng korona? Ano-anong mga salita ang may kaugnayan sa korona? Isulat ang iyong sagot sa bawat “ arrow”.
  • 4. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalawang Linggo Gawain: Blg.: 2 Paksa: Mitolohiya: Lionggo Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:  suliranin ng akda  kilos at gawi ng tauhan  desisyon ng tauhan Sanggunian: https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/01/mga-uri-ng-mitolohiya/ https://www.youtube.com/watch?v=W7pmjX_vKIQ https://www.youtube.com/watch?v=lQmQPalF7yK Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.208-219. ____________________________________________________________________________ Konsepto: Ang Linggo ay mitolohiyang mula sa bansang Kenya. Ito ay matatagpuan sa kontinente ng Aprika. Talasalitaan: 1. Matrilinear- ang tawag sa pamamahala ng mga kababaihan 2. Patrilinear- ang tawag sa pamamahala ng mga kalalakihan Liongo Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.
  • 5. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalawang Linggo Gawain: Blg.: 2 Paksa: Mitolohiya: Lionggo Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:  suliranin ng akda  kilos at gawi ng tauhan  desisyon ng tauhan Sanggunian: https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/01/mga-uri-ng-mitolohiya/ https://www.youtube.com/watch?v=W7pmjX_vKIQ https://www.youtube.com/watch?v=lQmQPalF7yK Sanggunian: Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.208-219. ____________________________________________________________________________ Gawain: Sagutin ang mga katanungan. 1. Ano-anong mga kahanga-hangang katangian mayroon si Liongo? 2. Sa iyong oipnyon, bakit itinago ni mag-ina ang natatanging dahilan sa ikamamatay ni Liongo? 3. Ano ang posibleng dahilan ng pagkakakulong ni Liongo? Nararapat kaya ito sa kanya? 4. Bakit madalas pinag-aawayan ang kapangyarihan sa isang angkan? 5. Ano kaya ang posibleng dahilan sa pagpatay kay Liongo ng kaniyang anak? 6. Maituturing bang bayani ng kaniyang lahi si Liongo? Patunayan.
  • 6. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikatlong Linggo Gawain: Blg.: 3 Paksa: Gramatika at Retorika: Pagsasaling-wika Inaasahang Matamo: a. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika Sanggunian: https://www.slideshare.net/kazekage15/pagsasaling-wika Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.208-219. ____________________________________________________________________________ Konsepto: MGAPARAAN NG PAGSASALIN 1. Pagtutumbas (F E; E F) a. Isa-sa-isang tumbasan (Pangngalan) Halimbawa: Englishfatheranguishdovecitizen Filipino ama dalamhati kalapati mamamayan b. Isa-sa-isang tumbasan (Pandiwa) Halimbawa: English arouse authorize copy Filipino pukawin pahintulutankopyahin c. Isa-sa-isang tumbasan (Pang-uri) Halimbawa: English sweet prettyexpert Filipino matamis maganda sanay 2. Isa-sa-isang tumbasan (parirala, sugnay atbp.) Halimbawa: (E F) English ability to apply knowledge Filipino kakayahang magamit ang kaalaman English supervised reading activities Filipino mga pinatnubayang gawain sa pagbasa English written activity Filipino pasulat na Gawain 3. Adaptasyon o Panghihiraman. a.Mula Kastila, binago ang baybay (S1) Halimbawa: kusina (cocina) kubyerta (cubierta) kuwelyo (cuello) donya (doña) kuwento (cuento) senyorito (señorito) b. Mula sa Ingles, binago ang baybay (E1) Halimbawa: abstrak (abstract) debelopment (development) lokomotor (locomotor) diksyon (diction) rekord (record) kompyuter (computer) c. Mula sa Ingles, orihinal na baybay (E2) Halimbawa: cake (hindi keyk) encode (hindi enkowd) jogging (hindi dyaging) type (hindi tayp) cute (hindi kyut) disc (hindi disk)
  • 7. d. Adapsyon, mula sa iba pang wikang dayuhan, walang pagbabago sa baybay (F)Halimbawa: spaghetti (Italyano) pizza (Italyano) bon apetit (Franses) habeas corpus (Latin) modus operandi (Latin) 3. Pagsasaling Pa-idyomatiko Halimbawa: English bread and butter Filipino hanapbuhay, trabaho English to have a hand/voice Filipino magkaroon ng kinalaman, magkaroon ng kaugnayan sa pagpapasya English dressed to kill Filipino bihis na bihis, nakapamburol, isputing 4. Paglikha ng Salita (L) Halimbawa: English Dance, poem, song Filipino sayaw, tula, awit English Pork loin, fried rice, egg Filipino tapsilog (tapa, sinangag, itlog)
  • 8. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikatlong Linggo Gawain: Blg.: 3 Paksa: Pagsasaling-wika Inaasahang Matamo: a. Nagagamit ang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika Sanggunian: https://www.slideshare.net/kazekage15/pagsasaling-wika Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.208-219. ___________________________________________________________________________ Gawain: Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod na salin sa tunay na kahulugan nito. Titik lamang ang isulat sa patlang. HANAY A HANAY B _____1. Bungang-tulog a. dream _____2. Matigas ang ulo b. twilight _____3. takipsilim c. thick crowd _____4. Kabiyak ng dibdib d. wife/husband _____5. Saling pusa e. spoiled _____6. Mahaba ang buntot f. house/home _____7. Sanga-sangang dila g. stubborn _____8. Di mahulugang karayom h. hard to please _____9. Sariling pugad i. liar ____10. Makuskos-balungos j. temporary included k. hard headed
  • 9. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikaapat na Linggo Gawain: Blg.: 4 Paksa: Anekdota: Ang Mananalumpati Inaasahang Matamo: a. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota; at b. nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng awtor paraan ng pagsula at iba pa Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/mullah-nassreddin.html Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.220. ___________________________________________________________________________ Konsepto: Ang pangalan ng kasalukuyang bansang Persia ay Iran. Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nass-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Ang anekdota - ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. ANG MANANALUMPATI Mullah Nassreddin Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin- salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan. - Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master- anecdotes.html
  • 10. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikaapat na Linggo Gawain: Blg.: 4 Paksa: Anekdota Inaasahang Matamo: a. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota; at b. nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng awtor paraan ng pagsulat at iba pa Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/mullah-nassreddin.html Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.220. ___________________________________________________________________________ Gawain: Sagutin ang mga katanungan ayon sa anekdotang nabasa. 1. Ano- ano ang ilang katangiang nasaliksik tungkol sa may-akda. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2. Mula sa nabasang teksto, ano ang mga katangiang iyong hinagangaan kay Mullah Nassreddin? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 3. Anong nangingibabaw na katangian ng anekdota? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 4. Ano ang dahilan sa pagkakalito ng mga tagapakinig? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 5. Ano ang natatanging aral para sa mambabasa ang nais iparating ng awtor? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 11. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalimang Linggo Gawain: Blg.: 5 Paksa: Kahusayang Gramatikal, Diskorsal at Strategic Inaasahang Matamo: a. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al.( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 290-294. https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-apat-na-sangkap-ng-kasanayang-komunikatibo ____________________________________________________________________________ Konsepto: Kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic 1. Gramatikal – ito ang sangkap kung saan nagbibigay-kakayanan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung angkop ng kanyang ginagamit na mga salita. Mahalaga ang komponent na ito upang magka- intindihan kayo ng kausap mo dahil maaring maging sanhi nang hindi pagkakaunawaan kapag hindi wasto ang paggamit ng baralila at epektibo ito sa pagbuo ng salita, tamang pagbigkas, pagbabaybay at maging sa pagbibigay kahulugan ng salita. Ang mga tanong na sinasagot ng gramatikal na komponent ay: · Anong salita ang angkop gamitin? · Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap? 2. Diskorsal – ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito. Ang tanong na nasasagot sa komponent na ito ay: ·Sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangungusap ay mapagsama-sama o mapag- ugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo, at iba pa? 3.Strategic – ito ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang berbals upang wasto niyang maipahayag ang kanyang mensahe at maiwasan o maisaayos ang hindi pagkaunawaan o mga puwang sa komunikasyon. Nakatutulong din ng mga hindi berbal na hudyat sa pagsasalita kagaya ng kumpas ngkamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang mailahad ang tamang mensahe. Ang mga tanong na sinasagot ng strategic komponent ay: ·Paano ko malaman kung hindi ko pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko o kung hindi niya naunawaan ang gusto kong iparating? Ano ang sasabihin o gagawin ko upang maayos ito? ·Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag ng isang bagay?
  • 12. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalimang Linggo Gawain: Blg.: 5 Paksa: Kahusayang Gramatikal, Diskorsal at Strategic Inaasahang Matamo: b. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al.( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN.pp. 290-294. ____________________________________________________________________________ Gawain: Magsulat ng tatlong paraan ng pagsasalita ng mga tauhan sa komiks. 1. Ginagamit ang lobo na ito tuwing may kausap o nais ipahayag ang tauhan. 2. Ginagamit ang lobo na ito tuwing nag-iisip o kinakausap ng tauhan ang sarili. 3. Ginagamit ang lobo na ito kung nagulat o nagitla ang tauhan.
  • 13. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikaanim na Linggo Gawain: Blg.: 6 Paksa: Tula : Rubaiyat Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa nabasa; at b. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 300. ____________________________________________________________________________ Konsepto: Si Omar Khayyam o Omar Khyham, ay isang makata mula sa Persia, isang astronomo, manunulat at iskolar na namuhay noong ika-11 daantaon AD. Siya ang may-akda ng kalipunan ng kanyang mga gawa ang Rubaiyat, na nalathala lamang dalawang daang taon pagkaraan ng kanyang kamatayan, at lumaong isinalin sa Ingles ni Edward Fitzgerald. Ipinangank siya sa lungsod ng Nishapur nakasalukuyang tinatawag na bansang Iran. Bilang isang dalubhasa, naitalaga siya sa tungkulin bilang royal na astronomo. Ginawa niyang madernisasyon o pagiging makabago ng kalendaryong Persia. Rubaiyat Tula mula sa Persia Salin ni Rufina Alejandro ng Ilang Piling Saknong ng “ Rubaiyat “ ni Omar Khayyam I Gising na! Sa Parang ng Gabing madilim ay nagsipaglipad na Ang mga bituing hayu’t binulabog ng Araw kanina! Winahi ng Araw ang tabing ng Gabi na nakalaylay pa’t Ang Tore ng Sulta’y kanyang tinutudla ng sinag na dala. II At bago naglaho ang unang bulaos ng bukang-liwayway Waring sa Taberna ay may isang Tinig na nagsisigaw: “ Ang loob ng templo’y gayak na gayak na sa nagsisidalaw, Ano’t nagtitiis antukin sa labas ang ibig Magdasal. III Saka nangang Tatyaw noo’y tumilaok ay aking narinig, Magbuhat sa labas ng Tabernang yaon, ang maraming tinig: “Buksan na ang Pinto! Alam naman ninyong ilan lang ang saglit At kami’y yayaon, upang kailanman ay di na magbalik.” IV Ngayong binubuhay nitong Bagong taon ang datihing Nasa Kaluluwang matimpi, sa ilalim ng Sanga’y Nag-iisang kusa, Doon sa ang Puting Kamay ni Moses ay namimintana At si Jesus nama’y may buntong –hininga magmula sa Lupa.
  • 14. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikaanim na Linggo Gawain: Blg.: 6 Paksa: Tula: Rubaiyat Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa nabasa; at b. nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN.pp. 300. https://www.slideshare.net/irishme/pagpapasidhi-ng-damdamin ____________________________________________________________________________ Gawain: Bigyang-kahulugan ang mga simbolismo ng tula. 1. Gising na! Sa Parang ng Gabing madilim 2. At bago naglaho ang unang bulaos ng bukang-liwayway 3. “Buksan na ang Pinto! Alam naman ninyong ilan lang ang saglit 4. Doon sa ang Puting Kamay ni Moses ay namimintana
  • 15. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikapitong Linggo Gawain: Blg.: 7 Paksa: Tula:Gramatika at Retorika Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan; b. nabibigyang -kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula; at c. naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 300. https://www.slideshare.net/irishme/pagpapasidhi-ng-damdamin ____________________________________________________________________________ Konsepto: Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas na antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo. 1. inis 2. asar 3. galit 4. poot 1. paghanga 2. pagsinta 3. pagliyag 4. pagmamahal 1. madamot 2. sakim 3. gahaman 4. Ganid Gawain A: Sa mga sumusunod na pangungusap: Salungguhitan ang salitang nagtataglay ng di-masidhing damdamin, Bilugan ang salitang masidhi ang kahulugan at ikahon naman ang may pinakamasidhing damdamin. 1. A. Natutuwa ako na nag-aaral ka nang mabuti. B. Nagagalak akong matataas ang iyong marka. C. Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa Marso. 2. A. Nagandahan ako sa ginawa mong kuwento. B. Tunay na nabighani ako sa mga kulay at disenyo ng ginawa mong proyekto. C. Naaakit akong buksan at basahin ang aklat na ito. 3. A. Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka. B. Nagimbal ako sa nangyari sa iyo kahapon. C. Natakot din ako nang bahagya kung kaya’t dinalaw kita sa ospital. 4. A. Kinabahan ako sa iyong ginawa. B. Marami ang natakot dahil sa hindi inaasahang pangyayari. C. Kinilabutan ang lahat dahil nakita ka nila sa ganoong kalagayan. 5. A. Labis akong nag-aalala sa maaaring kahinatnan ng ating bansa dahil sa mga hindi magandang pangyayari. B. Natigatig ako nang malamang malaki ang posibilidad na bumagsak ang ekonomiya ng ating bansa kung magpapatuloy ang mga ganitong pangyayari. C. Nababahala ako sa magiging epekto ng mabilis na paglaganap ng kriminalidad sa ating bansa.
  • 16. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikawalong Linggo Gawain: Blg.: 8 Paksa: Maikling Kuwento: Ang Alaga Inaasahang Matamo: a. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan; at b. naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254. ____________________________________________________________________________ Konsepto: Ipakilala ang iyong minamahal na alagang hayop gamit ang bio-data. Maging malikhain sa pagpapakilala. Pansariling Tala Pangalan: Palayaw: Petsa ng kapanganakan: Edad: Lugar ng kapanganakan: Kulay: Paboritong pagkain: Talento: Kakaibang katangian: Larawan:
  • 17. Ang Alaga ni Barbara Kimenye Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono habang napaliligiran ng ilang babae. Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses ni Kibuka. Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo. “Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako ng maiinom na tsaa.” “Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.” “Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan. “Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.” Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik. Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si Miriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu. Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka. Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng matoke si Kibuka sa mga
  • 18. kaibigan at kapitbahay. Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon, hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito. Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka. Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy. Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno.Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang makapagsasabi. Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog. Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy. Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo. Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga. Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod. Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag- iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang
  • 19. kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya. “Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.” “Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.” “Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng klima ngayon.” Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop. Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga. Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy. Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan niya. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu. “Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na sa akin pagpunta roon?” Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na dinala sa kaniya ni Musisi. “Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.” Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang pagkain nila ng pananghalian. “Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.” “Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu. May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos.
  • 20. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikawalong Linggo Gawain: Blg.: 8.1 Paksa: Maikling Kuwento: Ang Alaga Inaasahang Matamo: a. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan; at b. naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254. ____________________________________________________________________________ Gawain A: Sagutin ang mga tanong. 1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa kuwento. Anong katangian ang iyong hinahangaan? 2. Ilahad ang kahinaan at kalakasan ng pangunahing tauhan. 3. Ano ang pangunahing suliraning kinakaharap sa kuwentong nabasa? 4. Ano-anong mga problemang kinakaharap sa pag-aalaga ng isang hayop? Magbigay ng mungkahi upang masolusyonan ang mga ito. 5. Ano ang naging implikasyon sa pagkawala ng alagang hayop ni Kibuka? 6. Sa kasalukuyang lipunan, ilarawan ang kalagayan ng mga alagang hayop. 7. Bakit mahalagang pangalagaan ang kapakanan ng alagang hayop?
  • 21. Gawain B. Muling balikan ang maikling kuwentong nabasa, maglista ng limang pahayag na nagpapakita ng opinion. Ipaliwanag ang bawat pahayag kung bakit ito ay opinion. Pahayag Paliwanag 1. 2. 3. 4. 5. Gawain C. Bumuo ng isang islogan na nagpapakita at nagtataguyod sa karapatan para sa Alagang hayop.
  • 22. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikasiyam Linggo Gawain: Blg.: 9 Paksa: Epiko: Si Rustam at Si Sohrab Inaasahang Matamo: a. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahanng akda sa;  sarili  panlipunan pandaigdig Sanggunian: https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/si-rustam-at-si-sohrab/ https://prezi.com/nhxhqinzv2uf/si-rustam-at-si-sohrab/ Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254. ____________________________________________________________________________ Konsepto: “Si Rustam at Si Sohrab” Ito ay nagmula sa epiko ng Shahnameh. Ang Epikong Shahnameh ay itinuring na isa sa napakahahalagang panitikan ng Persia. Inilahad ng epiko ang mahabang kasaysayan ng mga sinaunang tao sa Iran. Nagsimula ito sa paglikha ng sangkatauhan, sa pinagmulan ng sibilisasyon hanngang sa pagsakop ng Arabo sa Persiya noong ika-labimpitong siglo. Ito ay isinulat ni Hakim Abul-Qasim o mas kilala sa pangalang Ferdowsi Tusi. Ang epikong ito’y binubuo ng 60,000 na berso. Ang Buod Nasa sinapupunan pa lamang si Rustam ay hinulaan nang magiging magiting na bayani siya sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng mga alamat. Hindi naging madali ang pagsilang kay Rustam sapagkat ang kanyang inang si Rudabeh ay dumanas ng matinding sakit. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong kumupkop sa kanyang ama na si Zal. Bago lumisan ang ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang isinisilang ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. Kagaya ng sabi ng ibon, isinilang nga si Rustam na kasinlaki ng sanggol ng Leon. Nang tumuntong si Rustam sa edad na pwede na siyang magsanay bilang isang mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng kanyang ama na kailangan niya ng espesyal na kabayo. Nakuha niya ang kabayong si Raksh. Isang beses habang nangangaso si Rustam, nawala ang kanyang kabayo. Sa pagsunod niya sa mga bakas ng nawalang kabayo, siya ay pumapasok sa kaharian ng Samangan kung saan siya ay buong-pusong tinanaggap ng hari. Dito nakilala ni Rustam si Prinsesa Tahmina, ang kaisa-isang anak na babae ng hari ng Samangan. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang gabing iyon ay napatunayan nilang sila’y nagmamahalan. Kinabukasan ay natagpuan na ang kabayo ni Rustam at kinailangan na niyang lisanin ang lugar. Naghiwalay silang dalawa ni Prinsesa Tahmina. Lumipas ang ilang buwan na hindi nagkikita ang dalawa at hindi naglao’y nagsilang si Prinsesa Tahmina ng isang batang lalaki na nagngangalang Sohrab. Lumaki si Sohrab kagaya ng kanyang amang si Rustam. Isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang mag-ama at sa umpisa ay hindi nila nakilala ang isa’t isa. Nagtuos ang dalawa at nasaksak ni Rustam si Sohrab hanggang sa siya’y namatay. Napatingin si Rustam sa pulseras na nakapulupot sa braso ng nag-aagaw buhay na si Sohrab. Naalala niya na ito ang pulseras na kanyang binigay kay Prinsesa Tahmina at nalaman niya ang katotohanan na anak niya si Sohrab.Nayanig ang buong pagkatao ni Rustam. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit malupit ang tadhana.
  • 23. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikasiyam na Linggo Gawain: Blg.: 9 Paksa: Epiko: Si Rustam at Si Sohrab Inaasahang Matamo: a. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahanng akda sa;  sarili  panlipunan pandaigdig Sanggunian: https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/si-rustam-at-si-sohrab/ Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254. ____________________________________________________________________________ Gawain A. Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod. 1. Bukang-liwayway - 2. Nakahandusay - 3. Kagila-gilalas - 4. Katunggali - 5. Pumaslang - Gawain B. sagutan ang mga tanong. 1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? Ano ang kanilang mga katangian? 2. Ano ang tema na ipinapahayag sa kuwento? 3. Anong uri ng lipunan ang ipinapakita sa kuwento? 4. Anong aral ang makukuha natin sa kuwento sa sarili, lipunan, at para sa buong daigdig? 5. Sa larangan ng tunggalian, dapat ba nating kilalaning mabuti angating mga kaaway? Bakit?
  • 24. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikasampu na Linggo Gawain: Blg.: 10.1 Paksa: Epiko: Si Rustam at Si Sohrab Inaasahang Matamo: a. Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang socila media (mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan). Sanggunian: https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/si-rustam-at-si-sohrab/ Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 254. ____________________________________________________________________________ Gawain C. Isulat ang iyong nararamdaman sa isang isyung panlipunang nagaganap sa ating bansa sa kasalukuyan. IsyungPanlipunan ___________________________________________________________________________ Paliwanag hinggil sa status: ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ Ang iyong magagawa bilang isang mag-aaral: ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________
  • 25. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-isang Linggo Gawain: Blg.: 11 Paksa: Sanaysay: Ang Talambuhay Ni Nelson Mandela Inaasahang Matamo: a. Natutukoy ang Talambuhay Ni Nelson Mandela Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 290. ____________________________________________________________________________ Konsepto: Nelson Mandela: Bayani ng Africa Ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay ang kalayan ng kanilang bansa. Kalayaan sa pansariling pamamahala o demokrasya. Maituturing na isang malaking tagumpay para sa mga mamamayan ng isang bansa ang mapagkalooban ng kalayaang political, kalayaang pulili ng lider kalayaang hindi matutumbasan ng kahit anong material na bagay. Bahagi rin ng kalayaang pinupunto ng kanyang talumpati ay ang pagiging malaya sa tinatawag na diskriminasyon , ibig sabihin may pantay- pantay na kalayaan ang bawat isang mamamayan ng Timog Africa, itim man o Puti ang kulay ng balat. Ang mga mamamayan ng Timog Africa ay pinagkaitan ng pansariling kalayaan nakakulong ang mga ito sa rehas ng diskriminasyon at limitasyon. Kaya naman masasabing isang malaking tagumpay ang nakamit nila. Walang katumbas na bagay ang maihahambing sa halaga ng kalayaang tinutukoy ni Mandela, kaya naman masasabi natin na ito ay buong tapang at buong bangis nilang ipinaglaban. Itinuturing ni Mandela na ang pagkamit ng kalayaang ito ay ang simula ng paghilom ng mga sugat na iniwan ng masalimuot na nakaraan . Ibig sabihin ay panahon na para ang mamamayan ng Timog Africa ay tumayo sa sarili nilang mga paa upang bumuo ng panibagong bayan na kung saan ay malaya ang lahat sa kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Kapayapaan na maihahalintulad mo sa malayang paglalakd sa daan na walang takot sa bawat puso, karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa. Hindi nagging madali ang tinahak na landas ng mga mamamayan ng Timog Africa upang makamit ang tinutukoy niyang kasarinlan, isang masalimuot at nakatatakot na landas ang kanilang nalagpasan upang makamit ang inaasam na kalayaan. Ang mga pangarap nilang tila walang katuparan naging makatotohanan at kanila ng nararanasan. Bahagi rin ng talumpati, ang pangangako ni Mandela sa mga kababayan na pangalagaang mabuti ang natamasang kasarinlan. Malaking bahagi ng talumpating ito, ay ang taos pusong pasasalamat ni ni Mandela at ng buong mamamayan ng Timog Africa sa mga nagging bahagi ng kanilang pagtahak patungo sa inaasam na kalayaan. Pinasasalamatan ang pagpunta ng bawat isa upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad. At ang pagpapakita ng pag-asa sa patuloy na suporta sakanilang laban na ipagpapatuloy ang pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
  • 26. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-isang Linggo Gawain: Blg.: 11 Paksa: Sanaysay: Ang Talambuhay Ni Nelson Mandela Inaasahang Matamo: a. Natutukoy ang Talambuhay Ni Nelson Mandela; at b. nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog ____________________________________________________________________________ Gawain A. Pag-usapan kung paano ninyo naunawaan ang inyong binasa. 1. Magtala ng tatlong karanasan ng mga African sa South Africa na tinutulan ni Madela. 2. Magtala ng tatlong pagkakaiba ng mga Itim at Puti sa South Africa. 3. Ano-ano ang mga solusyon na inihain ni Madela upang tugunan ang problema ng kaniyang lipunan? Punan ang talaan sa ibaba. Mga solusyon na inihain ni Madela 1 2 3
  • 27. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/ikalabing-isang Linggo Gawain: Blg.: 11.1 Paksa: Tuwiran at D-tuwirang Pahayag Inaasahang Matamo: a. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay ibang akda; at b. nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya Sicat-de laza, Crisel et.al. (2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 348. ____________________________________________________________________________ Gawain B. Itala ang pagkakaiba at pagkakapareho ng sanaysay sa ibang anyo. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba. Pagkakapareho Pagkakaiba Maikling Kuwento Tula Sanaysay Sanaysay Maikling Kuwento Tula
  • 28. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-dalawang Linggo Gawain: Blg.: 12 Paksa: Analohiya Inaasahang Matamo: a. Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-tuwiran-at-dituwiran-na-pahayag Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 343. ____________________________________________________________________________ TUWIRAN AT DI-TUWIRANG PAHAYAG TUWIRAN NA PAHAYAG • KILALA BILANG “DIRECT SPEECH” SA WIKANG INGLES • ITO ANG TAWAG SA PAHAYAG NA MISMONG ANG NAGSASALITAANG NAGSAMBIT NG NASABING PAHAYAG • GINAGAMITAN NG MGA BANTAS NA PANIPI (“ ”) DI-TUWIRAN NA PAHAYAG • KILALA BILANG “INDIRECT SPEECH” SA WIKANG INGLES • ITO ANG TAWAG SA PAHAYAG NA MAY IBANG TAONG NAGSABI NG SINABI NG NAGSASALITA PAALALA:: • MINSAN KAPAG ILILIPAT ANG ISANG TUWIRANG PAHAYAG PATUNGO SA ISANG DI-TUWIRANG PAHAYAG, AY MAGBABAGO ANG ASPEKTO NG PANDIWA NG ILILIPAT NA PAHAYAG HALIMBAWA: “ANG MGA NANANALO AY ISANG NAGMIMITHI NA HINDI NAWAWALAN NG PAG-ASA.” - NELSON MANDELA HINDI TUWIRANG PAHAYAG: SINABI NI NELSON MANDELA NAANG MGA NANANALO AY ISANG NAGMITHI NA HINDI NAWALAN NG PAG-ASA. HALIMBAWA: “KAPAG ANG MGA TAO AY DETERMINADO, SILA’Y MAY KAKAYAHAN NA MALAMPASAN ANG LAHAT.” - NELSON MANDELA HINDI TUWIRANG PAHAYAG: SINAMBIT NI NELSON MANDELA NA KAPAG ANG MGA TAO AY DETERMINADO, SILA’Y MAY KAKAYAHAN NA MALAMPASAN ANG LAHAT.
  • 29. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-dalawang Linggo Gawain: Blg.: 12 Paksa: Analohiya Inaasahang Matamo: a. Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-tuwiran-at-dituwiran-na-pahayag Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 343. ____________________________________________________________________________ GAWAIN: TUKUYIN KUNG ANG MGA PAHAYAG AY TUWIRAN O DI-TUWIRAN. PAGKATAPOS, ISULAT ANG KANYANG KABALIKTARAN. GAWAIN A: “KARAMIHAN SA MGA KAPALPAKAN NA NARARANASAN SAATING BUHAY AY ANG MGA TAONG HINDI NAIISIP KUNG GAANO SILA KALAPIT SA PAGKAMIT NG KANILANG KINAKAMTAN NOONG SILA’Y BUMIGAY NA” - THOMAS A. EDISON GAWAIN B : “ANG TALINO AY ISANG PORSIYENTONG INSPIRASYON AT SIYAMNAPU’T-SIYAM NA PAGSISIKAP.” - THOMAS A. EDISON GAWAIN C: AYON KAY CONFUCIUS NA ANG ATING BUHAY AY TALAGANG SIMPLE, PERO TAYO ANG SIYANG NAGPAKOMPLIKADO RITO.
  • 30. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-tatlong Linggo Gawain: Blg.: 13 Paksa: Analohiya Inaasahang Matamo: a. Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya); at b. naibibigay ang katumbas ng ilang salita sa akda sa tulong ng analohiya Sanggunian:https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-nelson-mandela-buod-tagalog https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-analohiya Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN. pp. 343. ____________________________________________________________________________ Konsepto: ANALOHIYA Analohiya (Palasurian) Ito ay ang tawag sa proseso kung sinususuri o pinagkukumpara ng dalawang bagay, lugar, ideya o katangian na magkaugnay o magkatumbas. 1. Uri ng Analohiya (Palasurian) 1. Magkasingkahulugan (Synonym) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalapit ang kahulugan. Halimbawa: Matumal : madalang 2. Uri ng Analohiya (Palasurian) 2. Magkasalugnat (Antonym) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalayo ang kahulugan. Halimbawa: Matayog : mababa 3. Uri ng Analohiya (Palasurian) 3. Katawanin (Partitive) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay bahagi ng isang lupon o buong bahagi. Halimbawa: Saknong : tula Gulong : kotse 4. Uri ng Analohiya (Palasurian) 4. Sanhi at Bunga (Cause and Effect) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkaugnay sa nagpapakita ng sanhi at bunga ng isang pangyayari Halimbawa: Baha : pagkawasak ng mga bahay GAWAING-UPUAN: 1. Malapad:Makipot: ________:Mahina 2. Aksidente:________: Sunog:Nawasak ang mga bahay 3. Sanaysay:Talata: Akto:_________ 4. Stable:Kabayo: Board:_________ 5. Madamot:Makasarili: Mapagbigay:__________ 6. Kamay: Palad Paa: _______ 7. Puso: damdamin Utak: ______
  • 31. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3:/Ikalabing-apat na Linggo Gawain: Blg.: 14 Paksa: Nobela: Paglisan (Buod) Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito Sanggunian: https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ Domingo, Efren J. (2017) Vinta 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. ISBN. P. 290. ____________________________________________________________________________ Konsepto: Paglisan (Buod) Things Fall Apart ni Chinua Achebe Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng mga Umuofia,sa Nigeria ang isang matapang na at respetadong mandirigma na si Okonkwo. Bata palamang ay nagpamalas na ng angking katapangan si Okonkwo, Dahil dito, kinilala si Okonkwo sa buong Umuofia hanggang Mbaino. Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang mga pagkakataon na ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si si Unoka. Bukod sa katamaran ng kanyang ama,ay nag-iwan pa ito ng napakaraming utang at pibabayaan sila. Pinatunayan ni Okonkwo na siya ay naiiba sa kanyang ama at upang magawa ito, pinamunuan niya ang siyam na nayon. ‘Di naglaon ay tatlo ang nagging asawa ni Okonkwo, nakapag pundar din siya ng mga ari-arian patunay lamang ng kanyang kasipagan. Dahil dito siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at siya ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna. Ang ama ni Ikemefuna ay nakapatay ng isang babaeng Umuofian kaya is Ikemefuna bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon. Kinuopkop ni Okonkwo ang batang lalaki, magiliw na pinatira sa kanilang tahanan at itinuring naman siya ng bata bilang pangalawang ama. Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang ipakita ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa kabila ng paghingi nito ng saklolo. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna, hindi siya makatulog, hindi rin makakain at hindi makapag-isip ng maayos si Okonkwo dahil sa ramdam pa rin niya ang pagkakamaling kanyang ginawa. Kaya nagpasya ito na himingi ng payo sa kanyang kaibigan na si Obierika. Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi Ezeudu ang matandang nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa di malamang dahilan, umalingawngaw ng malakas na putok ng baril sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Tinamaan ng baril ni Okonkwo ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang krimen dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa dyosa ng lupa. Napagpasyahan na ipatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang
  • 32. munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia. Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta upang ipakilala ang simbahan, ngunit ito ay hindi nagging madali. Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith. Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito ng isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga bilango at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga kaangkan na maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya. Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si Okonkwo para sa isang pandinig ngunit ng Makita nbila si Okonkwo, ito ay natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa nangyari sapagkat si Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa katapangan at dahil sa pagpapatiwakal ni Okonkwo, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
  • 33. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-apat na Linggo Gawain: Blg.: 14 Paksa: Nobela: Paglisan (Buod) Inaasahang Matamo: a. Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo; b. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop ditto; at c. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia Sanggunian: Sicat-de laza, Crisel et.al. ( 2018) Baybayin 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan . ISBN.pp. 318.. http://piniliniuncleben.blogspot.com/ https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713 ____________________________________________________________________________ Gawain A. Gamitin ang mga salitang may nag-aagawang kahulugan sa pangungusap. Halimbawa: Nakaraan – kasalukuyan Ang nakaraan ay susi sa kasalukuyang hinaharap. 1. Katapangan - karuwagan ______________________________________________________________________ 2. Katahimikan - kaguluhan ______________________________________________________________________ 3. Ligaya - lungkot ______________________________________________________________________ 4. Matamis - mapait ______________________________________________________________________ 5. Una - huli ______________________________________________________________________ Gawain B: Sagutin ang mga tanong. 1. Anong pangyayari sa nobela na nagpapakita ng kawalang hustisya at karahasan? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2. Ilarawan ang lipunang ginagalawan ni Okonkwo. Ano-ano ang mga katanggap-tanggap At di- katanggap-tanggap na gawi ng kaniyang lipunan. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 3. Anong pangyayari sa nobela ang nararanasan sa kasalukuyang lipunan? Paano ito maiiwasan o mabibigyang solusyon? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 34. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-limang Linggo Gawain: Blg.: 15 Paksa: Nobela Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela Sanggunian: Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.294. https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713 http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/pagsusuri-ng-nobelang-itinakda.html ____________________________________________________________________________ Konsepto: NOBELA Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Uri ng Nobela 1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan 2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na 3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa 4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa. 5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao 6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan 7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema GABAY PARA SA PAGSUSURI NG NOBELA I.Introduksyon A. Maikling Talambuhay ng May-akda – Lualhati Bautista B. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat ng Nobela II. Mahahalagang talasalitaang dapat maunawaan ng mambabasa III. Pagsusuri ng mahahalagang tauhan Tauhan Ang kanyang mga ginawa Ang dahilan ng kanyang kilos o ginawa V. Buod ng nobela (BAWAT KABANATA) – Subuking sagutin ang mga tanong na sino, saan, kailan, ano, bakit at paano. (minimum ng limang pangungusap) V. Pagsusuri ng Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa A. Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad kung bakit mahalaga ang mga ito.) B. Bisa sa Damdamin(Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito sa sarili mong pagkatao) C. Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa tingin mo ay dapat na palakasin batay sa mga pangyayari sa nobela)
  • 35. VI. Pagususri ng Tema ng Nobela Ang tema ng nobela ay _________________________________________________ Ang mga pagpapatunay o detalye kaugnay ng tema: 1. 2. VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda A. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang sarili? B. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang mambabasa? C. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa lipunan at sa pangkalahatan? VIII. Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan – Suriin ang mga ginamit na teoryang pampanitikan. Piliin yaong ginamit at angkop lamang sa akda at lagyan ng nararapat na patunay buhat sa aklat. 1. Humanismo 2. Imahismo 3. Realismo 4. Romantisismo. 5. Eksistensyalismo 6. Naturalismo 7. Sosyolohikal / Kamalayang Panlipunan 8. Feminismo 9. Dekonstruksyon 10. Simbolismo IX. Pansariling reaksyon Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na gusto mong isagawa o isapuso? Ano ang naging bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na iyong ginagalawan?
  • 36. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-anim na Linggo Gawain: Blg.: 16 Paksa: Pang-ugnay Inaasahang Matamo: a. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela; at b. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag- ugnay sa panunuring pampelikula. Sanggunian: Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Press,Inc.pp.298. https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713 http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/pagsusuri-ng-nobelang-itinakda.html ____________________________________________________________________________ Konsepto: PANG-UGNAY Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita,parirala,sugnay at pangungusap gaya ng pangatnig, pang-angkop at pang-ukol . Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap. Mga uri 1. PANGATNIG - Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Halimbawa ng pangatnig: At,pati,nang,bago,habang,upang,sakali,kaya, kung, gayon at iba pa Mag banat ka ng buto upang guminhawa ang iyong buhay. Pumunta sila sa mall at namili ng mga pagkaing ihahanda sa noche buena. 2. PANG-ANGKOP - Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. May dalawang pang-angkop na itinuturing sa filipino ang na at ng Ang na ay gingamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik n. Mapagmahal na ina . Masarap na kainan. Ang ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan. Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig Maruming damit Masunuring bata 3. PANG-UKOL - Ang mga tawag sa mga kataga o salitang nag- uugnay sa isang pangangalan at sa iba pang salita sa pangungusap. Narito ang mga halimbawa: Ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, Para sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay at tungkol sa/kay. Halimbawa: Alinsunod sa batas, bawal ang ilegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan. Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking magandang kinabukasan.
  • 37. Name: ________________________________________Score: ______________________ Grade Level & Section:___________________________Date:_______________________ __________________________________________________________________________ Kwarter: 3/Ikalabing-pitong Linggo Gawain: Blg.: 16 Paksa: Panunuring Papel Pampelikula Inaasahang Matamo: a. Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag- ugnay sa panunuring pampelikula* Sanggunian: Domingo,Efren J. ( 2017 ) VINTA 4 Paglalayag sa Wikang Filipino. Salesiana Books, Don Bosco Press, Inc. pp. 208-219. ____________________________________________________________________________ GAWAIN: Pumili ng isang pelikula na pumapaksa sa isyung panlipunan at bumuo ng isang panunuring papel pampelikula sa tulong ng pormat na tinalakay. Halimbawa na movie: Batang City Jail Panunuring Papel: