SlideShare a Scribd company logo
1 of 26
Download to read offline
EKONOMIKS
Ikalawang Markahan– Modyul 1
DEMAND
9
2
EKONOMIKS – Ikasiyam Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Rodelia Tupas, Celestie D. Roldan
Editor: Lito S. Adanza
Tagasuri: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca Tagaguhit:
Tagalapat: Emily E. Baculi
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade Palomar - REPS -Araling Panlipunan
Romelito G. Flores, CESO V – Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno – Asst. Schools Division Superintendent
Juliet F. Lastimosa, CID Chief
Sally A. Palomo, EPS - LRMS
Gregorio O. Ruales, EPS – ADM Coordinator
Lito S. Adanza – EPS – Araling Panlipunan
Printed in the Philippines byDepartment of Education –SOCCSKSARGENRegion
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral
ng mga mag-
aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-
aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-
aaral na makipag-
ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit
wala sila sa paaralan.
3
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa na naayon sa iyong kakayahan. Ito ay
makakatulong na maisagawa ang mga pagsasanay at matutunan ang mga konsepto
tungkol sa Demand. Ang mga gawaing ibinigay sa sitwasyon at halimbawa ay naayon
sa iyong mga karanasan, nang sa ganoon ay madali mong maintindihan ang aralin.
Ang bawat gawain ay nailapat sa paraang naaayon at nararapat sa daloy ng
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:
Aralin 1- DEMAND
Pagkatapos ng mga pagsasanay sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Pinakamahalagang Kasanayan Pampagkatuto
Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa
pang araw-araw na pamumuhay.
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng demand
2. Natatalakay ang mga salik na nakaaapekto sa demand
3. Nahihinuha ang epekto ng demand sa presyo ng mga produkto sa pamilihan
at sa pang araw-araw na pamumuhay
Subukin
4
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.
Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA
Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik wastong
sagot sa bawat bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
a. demand b. pagkonsumo c. produksyon d. suplay
2. Nagsasaad ito na kapag mababa ang presyo, mataas ang demand, at
kapag mataas ang presyo, mababa ang demand.
a. batas ng demand c. demand function b. demand
curve d. demand schedule
3. Ito ay ang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at dami ng
demand.
a. batas ng demand c. demand function
b. demand curve d. demand schedule
4. Ito ay ang isang talaan na nagpapakita ng dami ng quantity demanded sa
iba’t-ibang presyo.
a. batas ng demand c. demand function
b. demand curve d. demand schedule
5. Ito ay isang hinuha na walang pagbabago sa ibang salik maliban sa
pinagaralan.
a. bandwagon c. ceteris paribus b. inferior goods
d. normal goods
6. Ito ay tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag
nadagdagan ang kita ng mga mamimili.
a. bandwagon c. ceteris paribus b. inferior goods
d. normal goods
7. Ito ay tawag sa mga produktong tumataas ang demand kapag bumaba ang
kita ng mga mamimili.
5
a. income effect c. inferior goods b. normal
goods d. substitution effect
8. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang
mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito.
a. income effect c. inferior goods b. normal goods
d. substitution effect
9. Ito ay tawag sa mga produktong sabay na ginagamit , maaaring di
magamit ang isang produkto kung wala ang isa.
a. complementary goods c. inferior goods b. normal goods
d. substitute goods
10. Ito ay tawag sa mga produktong maaaring maging alternatibo.
a. complementary goods c. inferior goods b. normal goods
d. substitute goods
11. Kaninong desisyon nakabatay ang dami ng demand ng isang produkto
o serbisyo sa pamilihan?
a. konsyumer b. pamahalaan
b. prodyuser d. world market
12. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga produktong
bumaba ang presyo?
a. bababa b. mananatili c.pabago bago d. tataas
13. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga taong bumaba ang
kita?
a. bababa b. mananatili c.pabago bago d. tataas
14. Ano ang ipinapahiwatig kapag lumipat ang kurba ng demand sa kanan?
a. bumaba ang quantity demanded b. nanatili ang quantity
demanded
c. hindi matatag ang quantity demanded
d. tumaas ang quantity demanded
15. Upang matugunan ang pangangailangan, ang mga mamimili ay dapat
maging matalino sa pamamahala ng kanyang demand. Ano ang
6
karaniwang nangyayari sa demand ng mga mamimili sa kanyang inferior
goods kung bumaba ang kanyang kita?
a. bababa b. mananatili c.magbabago d. tataas
Aralin
1
DEMAND
Balikan
Magaling! Natapos mo nang sagutan ang paunang pagtataya. Ngayon,
sasagutin mo naman ang susunod na gawain upang lubusang maiugnay ang
dating kaalaman sa bagong aralin na ating tatalakayin.
7
Gawain 2: SALIK-SEEK
Hanapin sa pinagtabing mga titik ang mga salik ng produksyon at salik ng
pagkonsumo. ( Maaaring vertical, horizontal o diagonal)
a. Bilugan ang nakitang mga salik.
D E M O N S T R A T I O N
A F L I N A A S A H A N L
R F M U F U A G K K M A R
N E P E P A G G A W A A R
A C S C B A M P P O T L U
O T Q H R O P M I G Y A A
P A G K A K A U T A N G N
A G I Y H U Q P A K P W W
K I T A W T K E L R W B N
K E N T R E P R E N Y U R
b. Itala sa ibaba ang mga nahanap mong salik.
Mga salik ng produksyon
1.__________________________________________
2.
__________________________________________
3.
__________________________________________
4. __________________________________________
Mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo
1.
_______________________________________
2.
_______________________________________
3.
_______________________________________
4. _______________________________________
.
8
Tuklasin
Bago natin talakayin ang bagong aralin. Tunghayan muna ang
gawain at sagutin ang pamprosesong tanong.
Gawain 3 : I –TSEK MO!
Lagyan tsek (/) ang mga produkto at serbisyo na gusto mong makamtan o gawin.
______ 1. Smart phone
______2. Laptop
______3.Bagong Damit
______ 4. Mamahaling sapatos
______ 5. Manood ng sine sa mall
______ 6. Burger
______ 7. Fried chicken
_______8.Hair rebonding
_______9. Liptint
_______10.Makapagbakasyon abroad
Pamprosesong Tanong:
1. Anong produkto at serbisyo ang na tsek mo?
2. Lahat ba ng gusto natin ay kaya din nating makamtan? Bakit?
Suriin
Handa ka na ba sa bagong aralin? Basahin at intindihin ang mga
impormasyon tungkol sa konsepto ng demand at mga salik na nakaaapekto sa
demand.
Gawain 4: BASAHIN AT UNAWAIN
Basahin ang mga sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutan ang mga
sumususunod na gawain.
9
ANG KONSEPTO NG DEMAND
May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay.
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang
bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Demand
Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na
ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang
presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang
presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang
ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang
salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang
salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing
ikaw at ang iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o
serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili
mo sa tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan
ang iyong bibilhin.
May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat
o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand. Ang unang
konseptong magpapaliwanag dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na
kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng
pamalit na mas mura. Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong
bumili ng produktong may mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura.
Halimbawa, kung mahal ang ballpen maaring bumili ng lapis na mas mura. Ang
ikalawa ay ang income effect. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng
kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas
mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto.
Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang
kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto
o serbisyo kaya mababawasan ang dami ng mabibiling produkto.
Demand Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng
demand schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami
10
na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa
susunod na pahina ang halimbawa ng demand schedule.
Demand Schedule para sa Kendi
Presyo bawat piraso Quantity
Demanded
Php 5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60
Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa
quantity demanded para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa
halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami
ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sa presyong dalawang piso
(Php2.00) bawat piraso, apatnapung (40) piraso naman ang gusto at
kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging
limang piso (Php5.00) ang bawat piraso, magiging sampu (10) na lamang
ang magiging demand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang
magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi
para sa mamimili.
Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng
presyo sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o
graph. Ito ay tinatawag na demand curve. Ito ay isang grapikong
paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
11
Demand Curve
Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa
talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga
presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para kendi.
Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay limang piso (Php5), sampu (10)
ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B
na ang presyo ay apat na piso (Php4), dalawampu (20) ang dami ng kendi
na gusto at handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga
puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa
o downward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat
na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng
mamimili. Halimbawa, ang paggalaw ng kurba mula punto A papuntang
punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso (Php5)
pababa ng apat na piso (Php4), ang demand sa kendi ay tataas ng
sampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng piso
makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung (10)
piraso.
Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)
12
Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari ang
paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo
ng produkto. Kung ang presyo ng kendi ay bumaba mula Php5 sa Php4, makikita
sa graph na lilipat ang punto mula A patungong B. Kung tataas naman ang presyo
mula Php2 patungong Php3, lilipat ang punto mula C patungong D.
Demand Function
Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng
presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:
Qd = f (P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang
presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa
pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang
bilhin ng mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa
equation na:
Qd = a - bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope= ∆Qd
∆P
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat
pisong pagbabago sa presyo.
Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand
function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.
Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10P
Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?
Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10(5)
13
Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50
Qd = 50 piraso Qd= 10 piraso
Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng
quantity demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na
piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang
sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na
quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php5 ang presyo
kaya ang naging quantity demanded ay 10.
Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo
Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa
demand. Ang pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman
upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon.
• Kita- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng
demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng
isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas
maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang
kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.
Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas
ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods.
Sa kabilang banda, inferior goods naman ang tawag sa mga
produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal good para kay Alena.
Sa pagtaas ng kita ni Alena ay tataas din ang kaniyang demand sa
karneng baka. Kapag bumaba naman ang kita ni Alena, bababa
rin ang demand niya para dito.Ipagpalagay naman na ang sardinas
ay inferior good para kay Alena. Sa pagtaas ng kaniyang
kita ay bababa ang kaniyang demand para sa sardinas. Sa
pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang
demand para dito.
• Panlasa- Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng
produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon
14
sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito. Kung
naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang-almusal, mas
marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada.
• Dami ng Mamimili- Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal
ang tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng
isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang
isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng
pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang
smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso
kaya marami ang demand nito.
• Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo – Masasabing
magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay
komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo
ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit
ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang
dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na
produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng
komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal,
kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal.
Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa
asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo
o taliwas sa sa demand para sa isang produkto, masasabing
magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong
komplementaryo (complementary).
Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong
maaaring magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring
pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong pamatid-uhaw.
Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito,
bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas
naman ang demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng
isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang
produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t isa
(substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at tsa,
keso, at margarine.
15
• Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap- Kung
inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular
na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang
demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa
ang presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may paparating na
bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa
pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa, inaasahan na
magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihan at tataas ang
presyo nito. Kaya ang mga mamimili ay bibili na ng marami
habang wala pa ang bagyo at mababa pa ang presyo. Sa kabilang
banda, kung inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo
ng isang produkto, hindi na muna bibili ng marami ang mga tao
sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na bumaba ang
presyo bago bumili ulit ng marami.
(Learners Module p. 115-118)Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, Ekonomiks, Yunit 1, Department of
Education, 2015
Pagyamanin
Binabati kita dahil sa natapos mo nang basahin at intindihin ang mga
mahahalagang impormasyon na patungkol sa ating aralin. Ngayon naman ay
gawin at sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay para iyong lubos na
pagkaunawa.
Gawain 5: MAALA- ALA MO KAYA?
Sagutin ang mga sumusunod na gawain gamit ang kaalamang
natutunan mula sa binasang teksto.Isulat sa nakalaang patlang ang ang
konseptong tinutukoy sa susunod na mga bilang.
_____________ 1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto
at kayang bilhin ng mga mamimili
______________2. Ito ay nagsasaad na may magkasalungat na ugnayan ang
presyo at quantity demanded.
16
______________3. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang
produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit na mas
mura kaya mababawasan ang quantity demanded ng mga
produktong may mataas na presyo.
______________4. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami at kayang
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.
______________5. Ito ay isang assumption na ang presyo lamang ang salik na
nakaapekto sa pagbabago ng dami ng demand habang ng
ibang salik ay hindi nakaaapekto rito.
______________6. Ito ay isang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo
at quantity demanded.
______________7. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita
kapag mas mababa ang presyo ng mga bilihin.
______________8. Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo,
_____________ ang quantity demanded.
______________9. Ito ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng
presyo at ng quantity demanded.
_____________10. Sa kanilang desisyon nakabatay ang dami ng demand ng
mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
Gawain 6: KAYANG KAYA ANG MATEMATIKA
I- compute ang quantity demanded ng siopao sa iba’t ibang presyo sa
sumusunod na talahanayan. Ipagpalagay na ang demand function ay Qd= 70-
3P.
Presyo bawat piraso ng siopao
(pesos)
Quantity Demanded
5
7
9
11
13
15
Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong presyo pinakamadami ang quantity demanded ng siopao?
2. Sa anong presyo pinakakaunti ang quantity demanded ng siopao?
17
3. Ano ang nahinuha mo sa ganitong sitwasyon? Nakaapekto ba ang
presyo sa dami ng demand ng isang produkto? Paano?
Gawain 7: COMPUTE PA MORE...
Gamit ang demand function sa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang mabuo
ang demand schedule.
Demand Function: Qd= 200-3P
Presyo (P) Quantity Demanded (Qd)
5
179
12
155
18
140
24
110
Gawain 8: PUNUAN MO
Punan ng tamang datos ang sumusunod na talahanayan.
Iba pang salik
na nakaapekto
sa demand
maliban sa
presyo
18
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang mga salik na nakaapekto sa demand maliban sa presyo?
2. Batay sa karanasan mo, anong salik ang higit na nakapagpabago sa
quantity demanded ng mga produkto o serbisyo? Bakit?
3. Kaninong desisyon nakadepende ang dami ng demand ng isang
produkto o serbisyo sa pamilihan?
Isaisip
Sa bahaging ito ng aralin ay masusubok natin ang lalim ng iyong
pagkaunawa sa aralin tungkol sa demand sa pamamagitan ng pagsuri at tamang
pagsagot kung ang mga sumusunod na sitwasyon ba ay magdudulot ng pagtaas o
pagbaba ng demand sa pamilihan.
Gawain 9: I- EMOJI MO!
Iguhit sa patlang ang ang kung ang sitwasyon ay magdudulot ng pagtaas na
demand, at iguhit naman ang kung ito ay magdudulot ng pagbaba ng demand.
_______ 1. Demand sa flower pots dahil marami ang nahumaling magtanim ng mga
bulaklak
_______ 2. Lumipas na sa uso ang paggamit ng graphic shirts.
________3. Demand sa load at internet connection dahil sa mga webinar at online
classes.
________4. Demand sa gasolina ngayong araw dahil inanunsyo ng mga kompanya
ng langis na tataas ng 1 piso ang presyo bawat litro nito bukas.
_______ 5. Demand sa mga school uniform sa pagbukas ng klase ngayong
pandemic.
_______ 6. Vitamins C, alcohol at face mask ngayong panahon ng pandemic.
_______ 7. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.
_______ 8. Demand sa hamon at bigas na malagkit sa buwan ng Pebrero.
________9.Nadagdagan ang sweldo ng mga manggagawa sa SOCCSKSARGEN.
_______10. Pagdagsa ng mga prutas gaya ng durian, rambutan, lanzones at
mangosteen sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.
19
Isagawa
Tunghayan naman ang bahaging ito ng ating aralin. Sagutin
ang gawaing ito na makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Gawain 10: DEMAND KO, KONTROL KO
Isulat sa katapat na kahon ang nararapat gawin ng isang konsyumer bilang
matalinong pagtugon sa mga pagbabago sa mga salik na nakaaapekto sa demand.
Sitwasyon Nararapat Gawin
Pagtaas ng kita ng
pamilya dahil na
promote sa trabaho si
Papa.
Pagbaba ng kita dahil
nabawasan ang oras ng
trabaho sa panahon ng
panndemic.
Maraming bibilhan ng
regalo dahil sa nalalapit
na Pasko.
Pagtaas sa presyo ng
mga produktong
nakasanayang bilhin.
Nauuso ang paggamit
ng branded na sapatos
at bag.
20
Tayahin
Binabati kitang muli sa iyong matagumpay na pagsagot sa
pagsasanay. Nasa dulo na tayo ng iyong pag aaral tungkol sa konsepto ng demand.
Susukatin naman ngayon ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa
pagtataya.
Gawain 9: PAGTATAYA
Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ang tamang
sagot.
1. Ayon sa Batas ng Demand, ano ang mangyayari sa demand ng produkto
kapag bumaba ang presyo nito?
a. bababa b. mananatili c. pabago-bago d. tataas
2. Ito ay ang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity
demanded ng isang produkto o serbisyo.
a. batas ng demand c. demand function b. demand curve
d. demand schedule
3. Kaninong desisyon nakabatay ang dami ng demand ng isang produkto
o serbisyo?
a. konsyumer b. pamahalaan c.pamilihan d. prodyuser
4. Kailan maituturing na may demand ang isang tao?
a. Kapag may gusto siyang bilhin
b. Kapag nakaramdam siya ng gutom
c. Kapag kailangan niya ang isang produkto o serbisyo
d. Kapag may kagustuhan at kakayahan siyang bumili ng produkto o
serbisyo
5. Ito ay ang isang talaan na nagpapakita ng dami ng quantity demanded
ng isang produkto sa iba’t-ibang presyo.
a. batas ng demand c. demand function b. demand
curve d. demand schedule
6. Maraming mga konsyumer ang nahikayat bumili ng mga produkto at
serbisyo kapag ito ay nauuso. Ano ang tawag sa sitwasyong ito?
21
a. fashion c. ceteris paribus b. bandwagon effect
d. building self-esteem
7. Kung ang normal goods mo ay karne, at inferior goods mo naman ang
sardinas, ano ang mangyayari sa demand mo sa karne kung tataas ang
iyong kita?
a. mababawasan c. madagdagan
b. hindi magbabago d. pabago-bago
8. Ito ay tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag bumaba
ang kita ng mga mamimili.
a. Bandwagon c. Ceteris paribus b. Inferior
goods d. Normal goods
9. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,
ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito. a. income
effect c. inferior goods
b. normal goods d. substitution effect
10. Ito ay tawag sa mga produktong sabay na ginagamit , maaaring di
magamit ang isang produkto kung wala ang isa.
a. complementary goods c. inferior goods b. normal goods
d. substitute goods
11. Ito ay tawag sa mga produktong bibilhin ng mga mamimili kung wala
silang kakayahang bilhin ang unang produktong nagustuhan nila. a.
complementary goods c . inferior goods
b. normal goods d. substitute goods
12. Upang matugunan ang pangangailangan, ang mga mamimili ay
dapat maging matalino sa pamamahala ng kanyang demand. Ano ang
karaniwang nangyayari sa demand ng mga mamimili sa kanyang
inferior goods kung bumaba ang kanyang kita?
a. bababa b. mananatili c.mag babago d. tataas
13. Nag anunsyo ang isang kompanyang gumagawa ng cellphone na
magkakaroon sila ng anniversary sale at bababa ang presyo ng kanilang
mga paninda sa loob ng isang linggo. Ano ang mangyayari sa demand
ng mga cellphone na paninda nila sa loob ng linggong iyon?
a. bababa b. mananatili c.mawawala d. tataas
22
14. Ang presyo ay isang mahalagang salik na nakaaapekto sa
demand. Paano inilarawan ang ugnayan ng presyo at quantity
demanded ng mga produkto at serbisyo?
a. magkasangga c. magkataliwas
b. magkaagapay d. magkasundo
15. Ang kurba ng demand ay isa sa mga nagpapakita ng ugnayan sa
pagitan ng presyo at quantity demanded. Ano ang ipinapahiwatig kapag
lumipat ang kurba ng demand sa kaliwa? a. bumaba ang quantity
demanded
b. nanatili ang quantity demanded c. hindi matatag ang quantity
demanded d. tumaas ang quantity demanded
Karagdagang Gawain
Magaling at iyong nasagutan ang pagtataya, ngayon naman ay pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin sa pamamagitan ng pag sagot
sa mga gawain na sumusunod.
Gawain 11: IDE- DEMAND KO
Magtala ng mga produkto at serbisyo na nararapat maging bahagi ng ating demand
sa pang araw-araw na pamumuhay upang makaagapay suliraning dulot ng
pandemic.
Larangan Produkto/serbisyo
Kalusugan
Kaligtasan
Edukasyon
23
Susi sa Pagwawasto
24
Sanggunian
LE-andSIM-Format E REYES.pptx
A. Aklat
Imperial, Consuelo M. et., al., Kayamanan (Ekonomiks) Binagong Edisyon 2010.
REX Book Store, Inc.
Imperial, Consuelo M. et., al., Kayamanan IV Ikatlong Edisyon 2013. REX
Book Store, Inc.
Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon, Bagong
Edisyon 2012, Vibal Publishing House , Inc.
Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng
Guro sa Araling Panlipunan) Ikaapat na Taon, Vibal Publishing House , Inc.
Balitao, et.al, Modyul para sa mga Mag-aaral, Ekonomiks, 2015.
B. Website
http://www.slideshare.net http://www.rexinteractive.com
G9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdf

More Related Content

What's hot

Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demandKonsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demandBeverlene LastCordova
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Crystal Mae Salazar
 
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)Sue Quirante
 
Modyul 4 produksyon proseso ng pagsasama-sama
Modyul 4   produksyon proseso ng pagsasama-samaModyul 4   produksyon proseso ng pagsasama-sama
Modyul 4 produksyon proseso ng pagsasama-sama南 睿
 
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)Maria Jiwani Laña
 
Aralin 5 pagkonsumo(summative test)
Aralin 5 pagkonsumo(summative test)Aralin 5 pagkonsumo(summative test)
Aralin 5 pagkonsumo(summative test)Lane Pondara
 
Pangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanPangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanMaRvz Nismal
 
AP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
AP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptxAP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
AP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptxAngeline828327
 
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - KakapusanMga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - KakapusanSophia Marie Verdeflor
 
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokUgnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokJhaysee-pearls Dalasdas
 
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang PiskalDLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang PiskalGlenn Rivera
 
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docxQ3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docxAlreiMea1
 
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19DIEGO Pomarca
 
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptxAralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptxMaryJoyTolentino8
 
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docxnalynGuantiaAsturias
 
Detailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok
Detailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpokDetailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok
Detailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpokCrystal Lynn Gonzaga
 
Budget of Work Araling Panlipunan 9
Budget of Work Araling Panlipunan 9 Budget of Work Araling Panlipunan 9
Budget of Work Araling Panlipunan 9 edmond84
 

What's hot (20)

Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demandKonsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
 
Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
 
Modyul 4 produksyon proseso ng pagsasama-sama
Modyul 4   produksyon proseso ng pagsasama-samaModyul 4   produksyon proseso ng pagsasama-sama
Modyul 4 produksyon proseso ng pagsasama-sama
 
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
DLL in Araling Panlipunan 9-Ekonomiks(Ikalawang Markahan)
 
Aralin 5 pagkonsumo(summative test)
Aralin 5 pagkonsumo(summative test)Aralin 5 pagkonsumo(summative test)
Aralin 5 pagkonsumo(summative test)
 
Pangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanPangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhan
 
AP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
AP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptxAP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
AP 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
 
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - KakapusanMga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
 
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokUgnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
 
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang PiskalDLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
 
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docxQ3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docx
 
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
 
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptxAralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
 
Dlp cot
Dlp cot  Dlp cot
Dlp cot
 
Ppt pambansang-kita
Ppt pambansang-kitaPpt pambansang-kita
Ppt pambansang-kita
 
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
 
Detailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok
Detailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpokDetailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok
Detailed lesson plan ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok
 
Budget of Work Araling Panlipunan 9
Budget of Work Araling Panlipunan 9 Budget of Work Araling Panlipunan 9
Budget of Work Araling Panlipunan 9
 

Similar to G9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdf

ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdfap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdftessaloumaitom
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfhazelpalabasan1
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandAlexa Ocha
 
Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19
Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19
Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19DIEGO Pomarca
 
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdfNelssenCarlMangandiB
 
Ap9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkita
Ap9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkitaAp9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkita
Ap9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkitaMarianneHingpes
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfDEALSPAMPIO
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx23december78
 
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfAlmieBrosoto1
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfGerrieIlagan
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfjhoncristiantolentin
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfMelvieCasar
 
Aralin 1 Ang Demand.ppt
Aralin 1 Ang Demand.pptAralin 1 Ang Demand.ppt
Aralin 1 Ang Demand.pptetheljane0305
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfMARYANNLOPEZ16
 

Similar to G9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdf (20)

ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdfap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
 
Produksiyon
ProduksiyonProduksiyon
Produksiyon
 
AP9 Q3 MODYUL4.pdf
AP9 Q3 MODYUL4.pdfAP9 Q3 MODYUL4.pdf
AP9 Q3 MODYUL4.pdf
 
Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19
Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19
Ekon DLL Quarter 2 Week 1 SY 18 19
 
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 
Ap9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkita
Ap9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkitaAp9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkita
Ap9 q3 mod2_pamamaraanatkahaghanngpagsukatngpambansangkita
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
 
ap g9.docx
ap g9.docxap g9.docx
ap g9.docx
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdfESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
 
Demand jet
Demand   jetDemand   jet
Demand jet
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
 
Aralin 1 Ang Demand.ppt
Aralin 1 Ang Demand.pptAralin 1 Ang Demand.ppt
Aralin 1 Ang Demand.ppt
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
 

Recently uploaded

Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 

Recently uploaded (20)

Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 

G9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdf

  • 2. 2 EKONOMIKS – Ikasiyam Baitang Self-Learning Module Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat:Rodelia Tupas, Celestie D. Roldan Editor: Lito S. Adanza Tagasuri: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca Tagaguhit: Tagalapat: Emily E. Baculi Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM Jade Palomar - REPS -Araling Panlipunan Romelito G. Flores, CESO V – Schools Division Superintendent Carlos G. Susarno – Asst. Schools Division Superintendent Juliet F. Lastimosa, CID Chief Sally A. Palomo, EPS - LRMS Gregorio O. Ruales, EPS – ADM Coordinator Lito S. Adanza – EPS – Araling Panlipunan Printed in the Philippines byDepartment of Education –SOCCSKSARGENRegion Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 E-mail Address: region12@deped.gov.ph
  • 3. Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag- aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag- aaral na makipag- ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag- aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 4. 3 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa na naayon sa iyong kakayahan. Ito ay makakatulong na maisagawa ang mga pagsasanay at matutunan ang mga konsepto tungkol sa Demand. Ang mga gawaing ibinigay sa sitwasyon at halimbawa ay naayon sa iyong mga karanasan, nang sa ganoon ay madali mong maintindihan ang aralin. Ang bawat gawain ay nailapat sa paraang naaayon at nararapat sa daloy ng pagkatuto. Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa: Aralin 1- DEMAND Pagkatapos ng mga pagsasanay sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Pinakamahalagang Kasanayan Pampagkatuto Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay. Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng demand 2. Natatalakay ang mga salik na nakaaapekto sa demand 3. Nahihinuha ang epekto ng demand sa presyo ng mga produkto sa pamilihan at sa pang araw-araw na pamumuhay Subukin
  • 5. 4 Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito. Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik wastong sagot sa bawat bilang. 1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. a. demand b. pagkonsumo c. produksyon d. suplay 2. Nagsasaad ito na kapag mababa ang presyo, mataas ang demand, at kapag mataas ang presyo, mababa ang demand. a. batas ng demand c. demand function b. demand curve d. demand schedule 3. Ito ay ang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at dami ng demand. a. batas ng demand c. demand function b. demand curve d. demand schedule 4. Ito ay ang isang talaan na nagpapakita ng dami ng quantity demanded sa iba’t-ibang presyo. a. batas ng demand c. demand function b. demand curve d. demand schedule 5. Ito ay isang hinuha na walang pagbabago sa ibang salik maliban sa pinagaralan. a. bandwagon c. ceteris paribus b. inferior goods d. normal goods 6. Ito ay tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag nadagdagan ang kita ng mga mamimili. a. bandwagon c. ceteris paribus b. inferior goods d. normal goods 7. Ito ay tawag sa mga produktong tumataas ang demand kapag bumaba ang kita ng mga mamimili.
  • 6. 5 a. income effect c. inferior goods b. normal goods d. substitution effect 8. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito. a. income effect c. inferior goods b. normal goods d. substitution effect 9. Ito ay tawag sa mga produktong sabay na ginagamit , maaaring di magamit ang isang produkto kung wala ang isa. a. complementary goods c. inferior goods b. normal goods d. substitute goods 10. Ito ay tawag sa mga produktong maaaring maging alternatibo. a. complementary goods c. inferior goods b. normal goods d. substitute goods 11. Kaninong desisyon nakabatay ang dami ng demand ng isang produkto o serbisyo sa pamilihan? a. konsyumer b. pamahalaan b. prodyuser d. world market 12. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga produktong bumaba ang presyo? a. bababa b. mananatili c.pabago bago d. tataas 13. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga taong bumaba ang kita? a. bababa b. mananatili c.pabago bago d. tataas 14. Ano ang ipinapahiwatig kapag lumipat ang kurba ng demand sa kanan? a. bumaba ang quantity demanded b. nanatili ang quantity demanded c. hindi matatag ang quantity demanded d. tumaas ang quantity demanded 15. Upang matugunan ang pangangailangan, ang mga mamimili ay dapat maging matalino sa pamamahala ng kanyang demand. Ano ang
  • 7. 6 karaniwang nangyayari sa demand ng mga mamimili sa kanyang inferior goods kung bumaba ang kanyang kita? a. bababa b. mananatili c.magbabago d. tataas Aralin 1 DEMAND Balikan Magaling! Natapos mo nang sagutan ang paunang pagtataya. Ngayon, sasagutin mo naman ang susunod na gawain upang lubusang maiugnay ang dating kaalaman sa bagong aralin na ating tatalakayin.
  • 8. 7 Gawain 2: SALIK-SEEK Hanapin sa pinagtabing mga titik ang mga salik ng produksyon at salik ng pagkonsumo. ( Maaaring vertical, horizontal o diagonal) a. Bilugan ang nakitang mga salik. D E M O N S T R A T I O N A F L I N A A S A H A N L R F M U F U A G K K M A R N E P E P A G G A W A A R A C S C B A M P P O T L U O T Q H R O P M I G Y A A P A G K A K A U T A N G N A G I Y H U Q P A K P W W K I T A W T K E L R W B N K E N T R E P R E N Y U R b. Itala sa ibaba ang mga nahanap mong salik. Mga salik ng produksyon 1.__________________________________________ 2. __________________________________________ 3. __________________________________________ 4. __________________________________________ Mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo 1. _______________________________________ 2. _______________________________________ 3. _______________________________________ 4. _______________________________________ .
  • 9. 8 Tuklasin Bago natin talakayin ang bagong aralin. Tunghayan muna ang gawain at sagutin ang pamprosesong tanong. Gawain 3 : I –TSEK MO! Lagyan tsek (/) ang mga produkto at serbisyo na gusto mong makamtan o gawin. ______ 1. Smart phone ______2. Laptop ______3.Bagong Damit ______ 4. Mamahaling sapatos ______ 5. Manood ng sine sa mall ______ 6. Burger ______ 7. Fried chicken _______8.Hair rebonding _______9. Liptint _______10.Makapagbakasyon abroad Pamprosesong Tanong: 1. Anong produkto at serbisyo ang na tsek mo? 2. Lahat ba ng gusto natin ay kaya din nating makamtan? Bakit? Suriin Handa ka na ba sa bagong aralin? Basahin at intindihin ang mga impormasyon tungkol sa konsepto ng demand at mga salik na nakaaapekto sa demand. Gawain 4: BASAHIN AT UNAWAIN Basahin ang mga sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutan ang mga sumususunod na gawain.
  • 10. 9 ANG KONSEPTO NG DEMAND May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Batas ng Demand Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin. May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand. Ang unang konseptong magpapaliwanag dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura. Halimbawa, kung mahal ang ballpen maaring bumili ng lapis na mas mura. Ang ikalawa ay ang income effect. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya mababawasan ang dami ng mabibiling produkto. Demand Schedule Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami
  • 11. 10 na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa susunod na pahina ang halimbawa ng demand schedule. Demand Schedule para sa Kendi Presyo bawat piraso Quantity Demanded Php 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 0 60 Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sa presyong dalawang piso (Php2.00) bawat piraso, apatnapung (40) piraso naman ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php5.00) ang bawat piraso, magiging sampu (10) na lamang ang magiging demand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi para sa mamimili. Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag na demand curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
  • 12. 11 Demand Curve Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para kendi. Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay limang piso (Php5), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B na ang presyo ay apat na piso (Php4), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Halimbawa, ang paggalaw ng kurba mula punto A papuntang punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso (Php5) pababa ng apat na piso (Php4), ang demand sa kendi ay tataas ng sampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso. Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)
  • 13. 12 Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari ang paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto. Kung ang presyo ng kendi ay bumaba mula Php5 sa Php4, makikita sa graph na lilipat ang punto mula A patungong B. Kung tataas naman ang presyo mula Php2 patungong Php3, lilipat ang punto mula C patungong D. Demand Function Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba: Qd = f (P) Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na: Qd = a - bP Kung saan: Qd = quantity demanded P = presyo a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0) b = slope= ∆Qd ∆P Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo. Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba. Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10P Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ? Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10(5)
  • 14. 13 Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50 Qd = 50 piraso Qd= 10 piraso Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php5 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10. Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Ang pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon. • Kita- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan. Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods. Sa kabilang banda, inferior goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita. Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal good para kay Alena. Sa pagtaas ng kita ni Alena ay tataas din ang kaniyang demand sa karneng baka. Kapag bumaba naman ang kita ni Alena, bababa rin ang demand niya para dito.Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior good para kay Alena. Sa pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand para sa sardinas. Sa pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para dito. • Panlasa- Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon
  • 15. 14 sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang-almusal, mas marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada. • Dami ng Mamimili- Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso kaya marami ang demand nito. • Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo – Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal. Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa sa demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong komplementaryo (complementary). Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas naman ang demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at tsa, keso, at margarine.
  • 16. 15 • Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap- Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang mga mamimili ay bibili na ng marami habang wala pa ang bagyo at mababa pa ang presyo. Sa kabilang banda, kung inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo ng isang produkto, hindi na muna bibili ng marami ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami. (Learners Module p. 115-118)Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, Ekonomiks, Yunit 1, Department of Education, 2015 Pagyamanin Binabati kita dahil sa natapos mo nang basahin at intindihin ang mga mahahalagang impormasyon na patungkol sa ating aralin. Ngayon naman ay gawin at sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay para iyong lubos na pagkaunawa. Gawain 5: MAALA- ALA MO KAYA? Sagutin ang mga sumusunod na gawain gamit ang kaalamang natutunan mula sa binasang teksto.Isulat sa nakalaang patlang ang ang konseptong tinutukoy sa susunod na mga bilang. _____________ 1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga mamimili ______________2. Ito ay nagsasaad na may magkasalungat na ugnayan ang presyo at quantity demanded.
  • 17. 16 ______________3. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura kaya mababawasan ang quantity demanded ng mga produktong may mataas na presyo. ______________4. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. ______________5. Ito ay isang assumption na ang presyo lamang ang salik na nakaapekto sa pagbabago ng dami ng demand habang ng ibang salik ay hindi nakaaapekto rito. ______________6. Ito ay isang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. ______________7. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo ng mga bilihin. ______________8. Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo, _____________ ang quantity demanded. ______________9. Ito ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at ng quantity demanded. _____________10. Sa kanilang desisyon nakabatay ang dami ng demand ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. Gawain 6: KAYANG KAYA ANG MATEMATIKA I- compute ang quantity demanded ng siopao sa iba’t ibang presyo sa sumusunod na talahanayan. Ipagpalagay na ang demand function ay Qd= 70- 3P. Presyo bawat piraso ng siopao (pesos) Quantity Demanded 5 7 9 11 13 15 Pamprosesong Tanong: 1. Sa anong presyo pinakamadami ang quantity demanded ng siopao? 2. Sa anong presyo pinakakaunti ang quantity demanded ng siopao?
  • 18. 17 3. Ano ang nahinuha mo sa ganitong sitwasyon? Nakaapekto ba ang presyo sa dami ng demand ng isang produkto? Paano? Gawain 7: COMPUTE PA MORE... Gamit ang demand function sa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang mabuo ang demand schedule. Demand Function: Qd= 200-3P Presyo (P) Quantity Demanded (Qd) 5 179 12 155 18 140 24 110 Gawain 8: PUNUAN MO Punan ng tamang datos ang sumusunod na talahanayan. Iba pang salik na nakaapekto sa demand maliban sa presyo
  • 19. 18 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ano ang mga salik na nakaapekto sa demand maliban sa presyo? 2. Batay sa karanasan mo, anong salik ang higit na nakapagpabago sa quantity demanded ng mga produkto o serbisyo? Bakit? 3. Kaninong desisyon nakadepende ang dami ng demand ng isang produkto o serbisyo sa pamilihan? Isaisip Sa bahaging ito ng aralin ay masusubok natin ang lalim ng iyong pagkaunawa sa aralin tungkol sa demand sa pamamagitan ng pagsuri at tamang pagsagot kung ang mga sumusunod na sitwasyon ba ay magdudulot ng pagtaas o pagbaba ng demand sa pamilihan. Gawain 9: I- EMOJI MO! Iguhit sa patlang ang ang kung ang sitwasyon ay magdudulot ng pagtaas na demand, at iguhit naman ang kung ito ay magdudulot ng pagbaba ng demand. _______ 1. Demand sa flower pots dahil marami ang nahumaling magtanim ng mga bulaklak _______ 2. Lumipas na sa uso ang paggamit ng graphic shirts. ________3. Demand sa load at internet connection dahil sa mga webinar at online classes. ________4. Demand sa gasolina ngayong araw dahil inanunsyo ng mga kompanya ng langis na tataas ng 1 piso ang presyo bawat litro nito bukas. _______ 5. Demand sa mga school uniform sa pagbukas ng klase ngayong pandemic. _______ 6. Vitamins C, alcohol at face mask ngayong panahon ng pandemic. _______ 7. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic. _______ 8. Demand sa hamon at bigas na malagkit sa buwan ng Pebrero. ________9.Nadagdagan ang sweldo ng mga manggagawa sa SOCCSKSARGEN. _______10. Pagdagsa ng mga prutas gaya ng durian, rambutan, lanzones at mangosteen sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.
  • 20. 19 Isagawa Tunghayan naman ang bahaging ito ng ating aralin. Sagutin ang gawaing ito na makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Gawain 10: DEMAND KO, KONTROL KO Isulat sa katapat na kahon ang nararapat gawin ng isang konsyumer bilang matalinong pagtugon sa mga pagbabago sa mga salik na nakaaapekto sa demand. Sitwasyon Nararapat Gawin Pagtaas ng kita ng pamilya dahil na promote sa trabaho si Papa. Pagbaba ng kita dahil nabawasan ang oras ng trabaho sa panahon ng panndemic. Maraming bibilhan ng regalo dahil sa nalalapit na Pasko. Pagtaas sa presyo ng mga produktong nakasanayang bilhin. Nauuso ang paggamit ng branded na sapatos at bag.
  • 21. 20 Tayahin Binabati kitang muli sa iyong matagumpay na pagsagot sa pagsasanay. Nasa dulo na tayo ng iyong pag aaral tungkol sa konsepto ng demand. Susukatin naman ngayon ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa pagtataya. Gawain 9: PAGTATAYA Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ang tamang sagot. 1. Ayon sa Batas ng Demand, ano ang mangyayari sa demand ng produkto kapag bumaba ang presyo nito? a. bababa b. mananatili c. pabago-bago d. tataas 2. Ito ay ang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity demanded ng isang produkto o serbisyo. a. batas ng demand c. demand function b. demand curve d. demand schedule 3. Kaninong desisyon nakabatay ang dami ng demand ng isang produkto o serbisyo? a. konsyumer b. pamahalaan c.pamilihan d. prodyuser 4. Kailan maituturing na may demand ang isang tao? a. Kapag may gusto siyang bilhin b. Kapag nakaramdam siya ng gutom c. Kapag kailangan niya ang isang produkto o serbisyo d. Kapag may kagustuhan at kakayahan siyang bumili ng produkto o serbisyo 5. Ito ay ang isang talaan na nagpapakita ng dami ng quantity demanded ng isang produkto sa iba’t-ibang presyo. a. batas ng demand c. demand function b. demand curve d. demand schedule 6. Maraming mga konsyumer ang nahikayat bumili ng mga produkto at serbisyo kapag ito ay nauuso. Ano ang tawag sa sitwasyong ito?
  • 22. 21 a. fashion c. ceteris paribus b. bandwagon effect d. building self-esteem 7. Kung ang normal goods mo ay karne, at inferior goods mo naman ang sardinas, ano ang mangyayari sa demand mo sa karne kung tataas ang iyong kita? a. mababawasan c. madagdagan b. hindi magbabago d. pabago-bago 8. Ito ay tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag bumaba ang kita ng mga mamimili. a. Bandwagon c. Ceteris paribus b. Inferior goods d. Normal goods 9. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito. a. income effect c. inferior goods b. normal goods d. substitution effect 10. Ito ay tawag sa mga produktong sabay na ginagamit , maaaring di magamit ang isang produkto kung wala ang isa. a. complementary goods c. inferior goods b. normal goods d. substitute goods 11. Ito ay tawag sa mga produktong bibilhin ng mga mamimili kung wala silang kakayahang bilhin ang unang produktong nagustuhan nila. a. complementary goods c . inferior goods b. normal goods d. substitute goods 12. Upang matugunan ang pangangailangan, ang mga mamimili ay dapat maging matalino sa pamamahala ng kanyang demand. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga mamimili sa kanyang inferior goods kung bumaba ang kanyang kita? a. bababa b. mananatili c.mag babago d. tataas 13. Nag anunsyo ang isang kompanyang gumagawa ng cellphone na magkakaroon sila ng anniversary sale at bababa ang presyo ng kanilang mga paninda sa loob ng isang linggo. Ano ang mangyayari sa demand ng mga cellphone na paninda nila sa loob ng linggong iyon? a. bababa b. mananatili c.mawawala d. tataas
  • 23. 22 14. Ang presyo ay isang mahalagang salik na nakaaapekto sa demand. Paano inilarawan ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ng mga produkto at serbisyo? a. magkasangga c. magkataliwas b. magkaagapay d. magkasundo 15. Ang kurba ng demand ay isa sa mga nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. Ano ang ipinapahiwatig kapag lumipat ang kurba ng demand sa kaliwa? a. bumaba ang quantity demanded b. nanatili ang quantity demanded c. hindi matatag ang quantity demanded d. tumaas ang quantity demanded Karagdagang Gawain Magaling at iyong nasagutan ang pagtataya, ngayon naman ay pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin sa pamamagitan ng pag sagot sa mga gawain na sumusunod. Gawain 11: IDE- DEMAND KO Magtala ng mga produkto at serbisyo na nararapat maging bahagi ng ating demand sa pang araw-araw na pamumuhay upang makaagapay suliraning dulot ng pandemic. Larangan Produkto/serbisyo Kalusugan Kaligtasan Edukasyon
  • 25. 24 Sanggunian LE-andSIM-Format E REYES.pptx A. Aklat Imperial, Consuelo M. et., al., Kayamanan (Ekonomiks) Binagong Edisyon 2010. REX Book Store, Inc. Imperial, Consuelo M. et., al., Kayamanan IV Ikatlong Edisyon 2013. REX Book Store, Inc. Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon, Bagong Edisyon 2012, Vibal Publishing House , Inc. Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro sa Araling Panlipunan) Ikaapat na Taon, Vibal Publishing House , Inc. Balitao, et.al, Modyul para sa mga Mag-aaral, Ekonomiks, 2015. B. Website http://www.slideshare.net http://www.rexinteractive.com