SlideShare a Scribd company logo
1 of 25
Download to read offline
CO_Q3_AP 9_ Module 4
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Implasyon
9
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Implasyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region IX
Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Excel C. Aliawan, Cherry Mae N. Idahosa & Gail L. Mabilog
Editor: Monina R. Antiquina, EMD, Nelson S. Lasagas
Tagasuri: Monina R. Antiquina, Ronillo S. Yarag & Edgardo S. Cabalida, Ramel P. Cael
Tagaguhit: Wilvin H. Inding, Pilar K. Mangila
Tagalapat: Leo Martinno O. Alejo, Rosel P. Patangan, Leomar G. Paracha
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres
Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
SDS Virgilio P. Batan, Jr.
Dr. Amelinda D. Montero
Dr. Ronillo S. Yarag
Dr. Edgardo S. Cabalida
9
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Implasyon
ii CO_Q3_AP 9_ Module 4
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Alamin
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang konsepto, palatandaan, dahilan at
epekto ng Implasyon na isa sa mga pangunahing suliranin ng halos lahat ng bansa
sa buong mundo. Tinatayang nagmula pa sa panahong Midyebal ang pagtaas ng
presyo ng mga bilihin. Meron ding nagaganap na hyperinflation kung saan ang
presyo ng mga bilihin ay mabilis na tumataas sa bawat araw o oras. Sa kasalukuyan,
patuloy pa rin nating hinaharap ang suliraning ito.
Sa aralin na ito tatalakayin ang mga sumusunod:
 Konsepto at Palatandaan ng Implasyon
 Dahilan at Epekto ng Implasyon
Ano-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay:
 Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng Implasyon – AP9MAK-IIId-8
 Natataya ang mga dahilan sa pagkaroon ng implasyon – AP9MAK-IIId-9
 Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon – AP9MAK-IIIe-10
 Napapahalagahan ang mga paraan ng paglutas ng implasyon – AP9MAK-IIIe-11
 Aktibong nakikilahok sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon –
AP9MAK-IIIf-12
2 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Piliin lamang ang tamang titik.
1. Ano ang kahulugan ng Implasyon?
A. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
B. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
C. Pagbaba ng halaga ng salapi.
D. Pagtaas ng halaga ng salapi.
2. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon
B. Resesyon
C. Depresasyon
D. Implasyon
3. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?
A. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe.
B. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
C. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
D. Mataas na halaga at bawas na produkto at serbisyo.
4. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?
A. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga
materyales na ginagamit niya.
B. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay
nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
C. Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
D. Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng
produkto.
3 CO_Q3_AP 9_ Module 4
5. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang
malutas ang suliraning dulot ng Implasyon?
A. Pagbili lamang ng mga kailangan
B. Pag-aaral nang mabuti
C. Pamumuhunan
D. Pagiging magastos
6. Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na.…
A. implasyon
B. deplasyon
C. depresasyon
D. resesyon
7. Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
A. Mga mangungutang
B. Mga may tiyak na kita
C. Mga may di tiyak na kita
D. Mga speculator
8. Ang mga sumusunod ang di tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
A. Mga may tiyak na kita
B. Mga nagpapautang
C. Mga nag-iimpok
D. Mga nangungutang
9. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin
ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya.
Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong
maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong
pamilya?
A. Huwag nang gumastos
B. Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain
C. Huminto muna sa pag-aaral
D. Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan
4 CO_Q3_AP 9_ Module 4
10. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
A. Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan
B. Bilhin lang ang dapat bilhin at importante
C. Palaging mag shopping
D. Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone
11. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output
ng produksiyon.
B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya.
C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng
karagdagang paggasta.
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa
ekonomiya.
12. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa
implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng
kakulangan.
13. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na bawat sektor ng ekonomiya -
sambayanan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na
mas marami sa puwedeng isusuplay ng pamilihan.
A. Cost Push
B. Demand Pull
C. Structural Inflation
D. Hyperinflation
14. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
A. Cost Push
B. Demand Pull
C. Structural Inflation
D. Hyperinflation
15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon?
A. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
B. Monopolyo o kartel
C. Pambayad utang
D. Pagtaas ng demand at paggasta
5 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Aralin
1 Implasyon
Napapansin mo ba, habang lumilipas ang panahon, pataas ng pataas din ang
presyo ng mga bilihin. Isa ka ba sa mga naaapektuhan nito? Kung gayon para sa iyo
talaga ang modyul na ito.
Lahat tayo ay nakakaranas ng suliranin sa kakulangan ng pera, mas pinalala pa
nito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng halaga ng piso.
Marahil ay narinig mo na ito sa iyong mga magulang “Ang hirap ng buhay ngayon
dahil masyadong mataas ang presyo ng mga bilihin”.
Balikan
GAWAIN A:
TEKA MUNA BALIK TANAW TAYO!
Panuto: Alamin kung ang mga pahayag sa ibaba ay tama o mali. Iguhit ang arrow
up ( ) kung ito at tama at arrow down ( ) kung ito ay mali. Kumuha ng
malinis na sagutang papel at huwag sulatan and modyul na ito.
1. Ang Pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan ng matalinong pag-iisip at
pagdedesisyon upang mapakinabangan ng husto at walang masayang.
2. Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang P 500,000.00 sa deposito ng bawat
depositor. Ang mga fraudulent account ay hindi kabilang sa segurong ito.
3. Ang kahulugan ng CTD ay Certified of Time Deposit.
4. Ang perang nilalagak ng mga depositor sa bangko ay pinapautang sa mga
negosyante upang bumalik ito ng may tubo o interest sa ganung paraan kumikita
ang depositor mula sa interest sa perang pinapautang ng bangko.
5. Ang mga impormasyon na nakapaloob sa CTD’s at ATM ay hindi gaanong
kompidensiyal kaya nararapat na ibigay ito sa kahit sinong kakilala o kamag-
anak.
6 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Tuklasin
Sagutan ang simpleng gawain sa ibaba upang malaman kung ano ang alam mo
hinggil sa paksang tatalakayin, bago simulan ang pag-aaral sa modyul na ito.
Panuto: Pansinin ang mga basket sa ibaba. Suriin ang pagkakaiba ng nilalaman
ng bawat basket. Kung saan ang kabuuang badyet sa bawat basket ay
nagkakahalagang Php1,000.00. Saguting mo ito sa iyong sagutang papel.
Pamprosesong Tanong?
1. Ano ang napapansin mo sa larawan?
2. Bakit sa palagay mo magkakaiba ang nilalaman ng basket gayong pareho ang
badyet dito?
3. Anong konsepto ng ekonomiks ang ipinapakita sa sitwasyong ito?
Implasyon
Alam mo ba na ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t
ibang panahon ay karaniwang nagaganap? Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng
pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong
epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon.
Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng piling produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon
naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay ang
pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo.
Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang
ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan
ang dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili.
7 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan
ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa ilang
mga bansa tulad ng Germany noong dekada 1920, Hungary noong 1946 at
Zimbabwe noong 2007 hanggang 2009 (Fernando, 2020). Kahit sa kasalukuyan, ang
implasyon ay isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga pangunahing produkto
tulad ng bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas
ng presyo.
Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo
Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index
(CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang
pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of
goods. Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing
pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan. Mula sa market basket,
ang price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na
pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang Price index ay depende sa uri ng
bilihin na gustong suriin.
Iba’t ibang Uri ng Price Index
1. Consumer Price Index (CPI)
Ang CPI ay tanda ng pagbabago ng kabuuang presyo ng isang basket ng mga
produkto at serbisyo na karaniwang binibili ng isang sambahayan (household) sa
isang taon kumpara sa presyo nito sa itinakdang taon (base year). Batayan sa
pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng
bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket. Ang market basket ay
ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer.
Ang Phillippine Statistics Authority (PSA) ang pangunahing ahensya ng
pamhalaan na nangungulekta ng datos at nagtutuos ng CPI. Ginagamit ang
sumusunod na formula upang matuos ang CPI.
CPI=Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon
Total Weighted Price ng Basehang Taon
2. Wholesale Price Index (WPI)
Ito ay index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para
sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
X 100
8 CO_Q3_AP 9_ Module 4
3. Producer Price Index (PPI)
Ito ang index ng presyo ng producer ay binubuo ng isang tinimbang na index
ng mga presyo ng kalakal sa pakyawan.
4. GNP Deflator
Panukat na pang-ekonomiya na nagkakaroon ng mga epekto ng implasyon sa
gross pambansang produkto ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng pag-
convert ng output nito sa isang antas na nauugnay sa isang tagal ng base.
Inflation Rate
Ang inflation rate at tumutukoy sa antas ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin.
Ito ay nako-compyut gamit ang sumusunod na formula:
Inflation Rate = P2-P1 x 100
P1
Kung saan:
P2=bagong presyo
P1=luma/dating presyo
Halimbawa:
Ang facemask na dati ay nabibili lamang ni Aling Rosa na P90 pesos bawat kahon
bago nagkaroon ng pandemya ay biglang tumaas ang presyo nito sa P150 bawat
kahon nuong nakaraang taon ng itinalaga ng pamahalaan ang paggamit nito bilang
bahagi ng proteksyon sa sarili laban sa COVID 19. Gamit ang formula, ang inflation
rate ng facemask ay 66.66%.
Inflation Rate = P2-P1 x100
P1
= 150-90 x100
90
= 60 x 100
90
= 0.66666 x 100
= 66.66%
Break Muna!
Panuto: Kompyutin ang inflation rate ng mga sumusunod na sitwasyon. Ilang
bahagdan (porsiyento) kaya ang itinaas ng mga produkto na nabanggit sa
ibaba. Gamitin ang formula na nasa itaas. Gawin mo ito sa iyong sagutang
papel.
9 CO_Q3_AP 9_ Module 4
1. Kung ang presyo ng galunggong noong taong 2000 ay P 50.00/kilo, gaano
kalaki ang itinaas nito kung ang kasalukuyang presyo ay P 110.00/kilo?
2. Si Aling Cora ay malimit na bumibili ng isang sako ng bigas sa presyo na
Php35.00 per kilo. Ngayon, ang kaniyang binibili ay kalahating sako na lang
dahil umaabot na Php50.00 per kilo ang presyo ng bigas.
3. Kapag sumasapit ang pasko, tumataas ang presyo ng manok sa
pamilihan dahil mataas ang demand. Mula sa 160.00 per kilo umaabot
na ito ng 190.00 per kilo. Kaya nagbabala ang DTI sa mga
mapagsamantalang negosyonte na may karampatang parusa sa
gagawa nito.
Suriin
Suriin ang larawan sa ibaba at sagutan ang Pamprosesong tanong sa sagutang
papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan kung ano ang iyong nakikita.
2. Ano ang ipinahihiwatig ng larawang ito?
3. Batay sa larawan, ano kaya ang kaugnayan ng demand-pull at cost-push sa
implasyon?
10 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Dahilan ng Implasyon
1. Demand-pull
Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng paglaki sa
paggasta ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor
ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng
kabuuang produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya
ang presyo ng bilihin ay tumataas.
2. Cost-push
Ang pagtaas ng mga gastusing pangproduksiyon ang siyang sanhi sa pagtaas
sa presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon, halimbawa ay
lakas-paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto
sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa.
GAWAIN B. PUSH O PULL? Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon.
Tukuyin kung ito ba ay Demand-pull (DP) o Cost-push (CP). Isulat ang DP o
CP sa patlang. Isulat sa sagutang papel.
_____1. Katatanggap lang ni Aling Nene ng kanyang Christmas bonus. Agad siyang
nagpunta sa grocery store at halos pakyawin na niya ang paninda doon.
_____2. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga
materyales na ginagamit niya.
_____3. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay
nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
_____4. Sa kabila ng babala ng DOH ng pagbabawal ng paninigarilyo hindi parin
maiiwasan ang patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga taong gumagamit nito.
_____5. Sa gitna ng mga nararanasan na suliranin natin ngayon na may kinalaman
sa pangkalusugan, nagkakaubusan na ng supply ng face mask sa buong
bansa.
11 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Iba pang dahilan at Bunga ng Implasyon
Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan sa
pagkakaroon ng implasyon.
Dahilan ng Implasyon Bunga ng Implasyon
Pagyamanin
PAGTAAS NG SUPLAY
NG SALAPI
Tataas ang demand o ang paggasta
kaya mahahatak ang presyo pataas.
PAGDEPENDE SA
IMPORTASYON PARA SA
HILAW NA SANGKAP
Kapag tumaas ang palitan ng piso sa
dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng
materyales na inaangkat, ang mga
produktong umaasa sa importasyon
para sa hilaw na sangkap ay nagiging
sanhi rin ng pagtaas ng presyo.
PAGTAAS NG
PALITAN NG PISO SA
DOLYAR
Dahil sa kakulangan ng pumapasok
na dolyar, bumababa ang halaga ng
piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng
presyo ng mga produkto.
Kapag kulang ang supply sa lokal na
pamilihan dahil ang produkto ay
iniluluwas, magiging dahilan ito upang
tumaas ang presyo ng produkto. Kapag
mas mataas ang demand kaysa sa
produkto, ito ay magdudulot ng
pagtaas sa presyo.
KALAGAYAN NG
PAGLULUWAS
(EXPORT)
MONOPOLYO O
KARTEL
Nakapagkokontrol ng presyo ang
sistemang ito, kapag nakontrol ang
presyo at dami ng produkto, malaki
ang posibilidad na maging mataas
ang presyo.
12 CO_Q3_AP 9_ Module 4
GAWAIN C: SANHI O BUNGA?
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ang mga ito ay dahilan
ng implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI sa
kwaderno.
1. Ang bahagi ng kinikitang buwis ng pamahalaan ay napupunta sa
pambayad utang.
2. Pagpataw ng mataas na interes sa mga pautang.
3. Malaking bahagdan ng mga Pilipino ang walang kakayahang makabili ng
mga produktong kailangan nila sa araw-araw.
4. Paglaki ng bilang ng mga mag-aaral na hindi na kayang pag-aralin ng
kanilang mga magulang.
5. Nagkaubusan ng ilang produkto sa pamilihan dahil mas pinipili ng mga
negosyante na iluwas (export) ang mga ito.
6. Umaasa sa importasyon ang mga nagmamanupaktura ng mga produkto
para sa hilaw na sangkap.
7. Tumataas na palitan ng piso at dolyar.
8. Kulang ang mga pumapasok na dolyar sa bansa kaya bumaba ang halaga
ng piso at tumataas din ang presyo ng mga produkto.
9. Tumaas ang presyo ng mga sangkap na ginagamit sa pagbuo ng produkto
kaya tumaas din ang presyo nito.
10. Pagdami ng bilang ng mga monopolista ng mga produkto ng kartel sa
bansa.
13 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Epekto ng Implasyon sa mga Mamamayan
Mga Nakinabang sa Implasyon Halimbawa
Mga umuutang
Dahil sa implasyon, nababawasan
ang halaga ng ibinabayad ng mga
umuutang. Halimbawa, kung ang
umuutang ay nagbayad ng Php1,000
sa kanyang hiniram na pera na may
10% na interes subalit ang implasyon
ay 15%, ang ibinayad ay mayroong
Php935 na halaga lamang.
Mga negosyante/may-ari ng
kompanya
Retailer ng gasolina ang isang tao at
marami siyang imbak nito. Kapag
tumaas ang presyo ng gasolina,
tataas ang kaniyang kita nang hindi
inaasahan.
Mga speculator at mga negosyanteng
may malakas ang loob na
mamuhunan.
Mga real state broker, nagtitinda ng
mga alahas at iba pa na nagspeculate
na tataas ang presyo sa hinaharap.
Mga taong Nalulugi Halimbawa
Mga taong may tiyak na kita
Ang mga empleyado tulad ng guro,
pulis, clerk, nars at iba pang
tumatanggap ng tiyak na kita bawat
buwan ay matinding naaapektuhan
sa pagtaas ng presyo. Ang dating
dami sa kanilang nabibili ay
nababawasan dahil bumababa ang
tunay na halaga ng salapi.
Ang mga taong nagpapautang
Ang taong nagpautang ay umaasa na
kikita ng 10% interes sa kaniyang
pinahiram na pera. Ang ibinayad ng
nangutang kasama ang interes ay
Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng
implasyon, ang halaga ng kaniyang
tinanggap ay Php935 lamang kaya
siya ay nalugi.
Mga taong nag-iimpok
Sila ay malulugi kapag ang interes ng
kanilang inimpok sa bangko ay mas
maliit kompara sa antas ng
implasyon. Ang real value o tunay na
halaga ng salaping nasa bangko ay
bumababa bunsod ng mas mababang
kinikita nito mula sa interes.
14 CO_Q3_AP 9_ Module 4
GAWAIN D: PAGTAMBALIN NATIN!
Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat
sa patlang ang titik na A at B sa napiling sagot. Gumamit ng sagutang papel.
A B
_____1. Mga umuutang A. Mga nakikinabang sa implasyon
_____2. Mga nag-iimpok B. Mga taong nalulugi
_____3. Mga nagpapautang
_____4. Mga negosyante/may-ari ng kompanya
_____5. Mga speculator at mga negosyanteng may malakas na loob na mamumuhunan
Isaisip
Kaakibat na ng pamumuhay ng tao ang mga suliranin na may kinalaman sa
implasyon, kailangan ng masusing pagsusuri at pagmamasid sa paligid upang
makatulong ito sa iyong masusing pagpapasya at paglutas ng suliraning ito. Ang
pagbabago ng presyo ng mga bilihin ay malaking balakid sa isang tao upang makuha
ang lahat ng kaniyang pangangailangan. Nararapat lamang na malaman ang mga
dahilan at bunga ng implasyon para makapagsagawa ng tama at matalinong
hakbang upang malampasan ito.
Sa araling ito, mas napalawak ang iyong kaalaman hinggil sa implasyon na
makakatulong sa pag-angat ng iyong pamumuhay at pag-angat ng ekonomiya ng
bansa. Dapat isaalang-alang ang iyong natutunan nang maging matalino at
produktibong mamamayan ng bansa.
15 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Isagawa
1. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang
malutas ang suliraning dulot ng Implasyon? Lagyan ng tsek (/) ang dapat gawin
at ekis (X) ang hindi dapat gawin. Isulat sa sagutang papel.
 Bilhin lamang ang kailangan bilhin at sumunod sa budget.
 Pagtangkilik at paggamit ng mga lokal na produkto.
 Paggasta ng allowance sa panonood ng sine at paglilibang.
 Pagbili ng labis na pagkain sa panahon ng recess upang hindi
maubusan.
 Paggamit ng lokal na hilaw na materyales sa paggawa ng mga
proyekto sa paaralan.
2. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
3. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Piliin lamang ang tamang titik.
1. Ano ang kahulugan ng Implasyon?
A. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
B. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
C. Pagbaba ng halaga ng salapi.
D. Pagtaas ng halaga ng salapi.
2.Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon
B. Resesyon
C. Depresasyon
D. Implasyon
16 CO_Q3_AP 9_ Module 4
3. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?
A. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe.
B. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
C. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
D. Mataas na halaga subalit bawas na produkto at serbisyo.
4. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?
A. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga
materyales na ginagamit niya.
B. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay
nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
C. Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
D. Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng
produkto.
5. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang
malutas ang suliraning dulot ng Implasyon?
A. Pagbili lamang ng mga bagay na kailangan
B. Pag-aaral nang mabuti
C. Pamumuhunan
D. Pagiging magastos
6. Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na.…
A. implasyon
B. deplasyon
C. depresasyon
D. resesyon
7. Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
A. Mga mangungutang
B. Mga may tiyak na kita
C. Mga may di tiyak na kita
D. Mga speculator
8. Ang mga sumusunod ang di tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
A. Mga may tiyak na kita
B. Mga nagpapautang
C. Mga nag-iimpok
D. Mga nangungutang
9. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin
ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya.
17 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong
maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong
pamilya?
A. Huwag nang gumastos
B. Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain
C. Huminto muna sa pag-aaral
D. Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan
10. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
A. Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan
B. Bilhin lang ang dapat bilhin at importante
C. Palaging mag shopping
D. Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone
11. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output
ng produksiyon.
B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya.
C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng
karagdagang paggasta.
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa
ekonomiya.
12. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa
implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng
kakulangan.
13. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na bawat sektor ng ekonomiya –
sambayanan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na
mas marami sa puwedeng isusuplay ng pamilihan.
A. Cost Push
B. Demand Pull
C. Structural Inflation
D. Hyperinflation
14. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
A. Cost Push
B. Demand Pull
C. Structural Inflation
D. Hyperinflation
18 CO_Q3_AP 9_ Module 4
15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon?
A. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
B. Monopolyo o kartel
C. Pambayad utang
D. Pagtaas ng demand at paggasta
Karagdagang Gawain
GAWAIN E. ANONG MAITUTULONG KO?
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) kung ito
ay nakaktulong sa paglutas ng implasyon at lagyan ng (x) kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____1. Pagtitipid ng baon.
____2. Pagtatapon ng natitirang pagkain.
____3. Walang pakundangan sa paggamit ng elektrisidad sa loob ng isang araw.
____4. Pamamasyal at panonood ng sine tuwing linggo.
____5. Unahing bilhin ang pangunahing pangangailangan.
____6. Pagbili ng labis ng mga produkto at pagtatago nito.
____7. Matalinong pagbabadyet.
____8. Pagkumpuni ng mga lumang gamit para mapakinabangan muli.
____9. Wastong paggamit ng mga kagamitan para ito ay tumagal.
____10. Pagnanais na bilhin ang mga produktong nauuso.
19 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN:
1.
B
2.
D
3.
D
4.
B
5.
A
6.
B
7.
B
8.
D
9.
B
10.
B
11.
D
12.
D
13.
B
14.
A
15.
C
GAWAIN
A:
TEKA
MUNA
BALIK
TANAW
TAYO!
1.
↑
2.
↑
3.
↓
4.
↑
5.
↓
GAWAIN
B:
PUSH
O
PULL!
1.
DP
2.
CP
3.
DP
4.
DP
5.
DP
GAWAIN
C:
SANHI
O
BUNGA?
1.
DI
2.
DI
3.
BI
4.
BI
5.
DI
6.
DI
7.
DI
8.
BI
9.
DI
10.
DI
GAWAIN
D.
PAGTAMBALIN
NATIN!
1.
A
2.
B
3.
B
4.
A
5.
A
TAYAHIN:
1.
B
2.
D
3.
D
4.
B
5.
A
6.
B
7.
B
8.
D
9.
B
10.
B
11.
D
12.
D
13.
B
14.
A
15.
C
GAWAIN
E:
ANONG
MAITUTULONG
KO?
1.
√
2.
×
3.
×
4.
×
5.
√
6.
×
7.
√
8.
√
9.
√
10.
×
20 CO_Q3_AP 9_ Module 4
Sanggunian
Balitao, B., Buising, M., Garcia, E., De Guzman, A., Lumibao, J., Mateo, A.,
Mondejar, I., (2015) Ekonomiks 10 Learning Module.
Fernando, J. (2020, December 18). Inflation. Investopedia. Retrieved February 28, 2021,
from https://www.investopedia.com/terms/i/inflation.asp
Bureau of Labor and Employment Statistics. (2007, July). Consumer Price Index.
Retrieved March 29, 2021, from
https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/2_CPI.pdf
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

MELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng PaglilingkodMELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng PaglilingkodRivera Arnel
 
PAGKONSUMO (ARALIN 5)
PAGKONSUMO (ARALIN 5)PAGKONSUMO (ARALIN 5)
PAGKONSUMO (ARALIN 5)John Labrador
 
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at PagkonsumoMELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at PagkonsumoRivera Arnel
 
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITOKAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITORhine Ayson, LPT
 
Aralin 2 ang konsepto ng kakapusan
Aralin 2 ang konsepto ng kakapusanAralin 2 ang konsepto ng kakapusan
Aralin 2 ang konsepto ng kakapusanRivera Arnel
 
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalMELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalRivera Arnel
 
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-Activity
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-ActivityPaikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-Activity
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-ActivityAz Moral
 
Aralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumoAralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumoMaria Fe
 
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3rgerbese
 
MELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng Demand
MELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng DemandMELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng Demand
MELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng DemandRivera Arnel
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxValDarylAnhao2
 
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoMELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoRivera Arnel
 
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptx
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptxKahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptx
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptxJoseMartinAcebo
 
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng PaglilingkodAralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkodedmond84
 
Aralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihan
Aralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihanAralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihan
Aralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihanRivera Arnel
 

What's hot (20)

Ekonomiks
EkonomiksEkonomiks
Ekonomiks
 
Aralin 4: Implasyon
Aralin 4: ImplasyonAralin 4: Implasyon
Aralin 4: Implasyon
 
MELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng PaglilingkodMELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
 
PAGKONSUMO (ARALIN 5)
PAGKONSUMO (ARALIN 5)PAGKONSUMO (ARALIN 5)
PAGKONSUMO (ARALIN 5)
 
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at PagkonsumoMELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
 
Patakarang piskal
Patakarang piskalPatakarang piskal
Patakarang piskal
 
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITOKAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
 
Aralin 2 ang konsepto ng kakapusan
Aralin 2 ang konsepto ng kakapusanAralin 2 ang konsepto ng kakapusan
Aralin 2 ang konsepto ng kakapusan
 
Kakapusan
KakapusanKakapusan
Kakapusan
 
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalMELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
 
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-Activity
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-ActivityPaikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-Activity
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-Activity
 
Aralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumoAralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumo
 
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
 
Aralin 4 implasyon
Aralin 4  implasyonAralin 4  implasyon
Aralin 4 implasyon
 
MELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng Demand
MELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng DemandMELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng Demand
MELC_Aralin 7-Konsepto at Salik ng Demand
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
 
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoMELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
 
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptx
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptxKahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptx
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.pptx
 
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng PaglilingkodAralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
 
Aralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihan
Aralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihanAralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihan
Aralin 12 iba t ibang anyo ng pamilihan
 

Similar to AP9 Q3 MODYUL4.pdf

ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfhazelpalabasan1
 
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdfNelssenCarlMangandiB
 
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdfap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdftessaloumaitom
 
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfAlmieBrosoto1
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfMelvieCasar
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfDEALSPAMPIO
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)HazelManaay1
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Mika Cristobal
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx23december78
 
SLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfSLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfJosephDy8
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandAlexa Ocha
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Modyul 9 implasyon
Modyul 9   implasyonModyul 9   implasyon
Modyul 9 implasyondionesioable
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfEmmylouMolitoPesidas
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics南 睿
 

Similar to AP9 Q3 MODYUL4.pdf (20)

ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
 
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
494838882-Ap9-q3-Module-4-Layunin-at-Pamamaraan-Ng-Patakarang-Piskal-Doc.pdf
 
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdfap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
ap9_q2_m1_Mga-Konsepto-at-mga-Salik-na-Nakaaapekto-sa-Demand_v2.pdf
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdfap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2.pdf
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
G9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdf
G9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdfG9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdf
G9-MODULE-1-OF-5-1 (1).pdf
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
SLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfSLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdf
 
ap g9.docx
ap g9.docxap g9.docx
ap g9.docx
 
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdfESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
Modyul 9 implasyon
Modyul 9   implasyonModyul 9   implasyon
Modyul 9 implasyon
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
 
Produksiyon
ProduksiyonProduksiyon
Produksiyon
 

Recently uploaded

Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 

Recently uploaded (20)

Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 

AP9 Q3 MODYUL4.pdf

  • 1. CO_Q3_AP 9_ Module 4 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4: Implasyon 9
  • 2. Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Implasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Excel C. Aliawan, Cherry Mae N. Idahosa & Gail L. Mabilog Editor: Monina R. Antiquina, EMD, Nelson S. Lasagas Tagasuri: Monina R. Antiquina, Ronillo S. Yarag & Edgardo S. Cabalida, Ramel P. Cael Tagaguhit: Wilvin H. Inding, Pilar K. Mangila Tagalapat: Leo Martinno O. Alejo, Rosel P. Patangan, Leomar G. Paracha Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres Eugenio B. Penales Sonia D. Gonzales SDS Virgilio P. Batan, Jr. Dr. Amelinda D. Montero Dr. Ronillo S. Yarag Dr. Edgardo S. Cabalida
  • 3. 9 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4: Implasyon
  • 4. ii CO_Q3_AP 9_ Module 4 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Alamin Sa modyul na ito, matututuhan mo ang konsepto, palatandaan, dahilan at epekto ng Implasyon na isa sa mga pangunahing suliranin ng halos lahat ng bansa sa buong mundo. Tinatayang nagmula pa sa panahong Midyebal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Meron ding nagaganap na hyperinflation kung saan ang presyo ng mga bilihin ay mabilis na tumataas sa bawat araw o oras. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin nating hinaharap ang suliraning ito. Sa aralin na ito tatalakayin ang mga sumusunod:  Konsepto at Palatandaan ng Implasyon  Dahilan at Epekto ng Implasyon Ano-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay:  Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng Implasyon – AP9MAK-IIId-8  Natataya ang mga dahilan sa pagkaroon ng implasyon – AP9MAK-IIId-9  Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon – AP9MAK-IIIe-10  Napapahalagahan ang mga paraan ng paglutas ng implasyon – AP9MAK-IIIe-11  Aktibong nakikilahok sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon – AP9MAK-IIIf-12
  • 6. 2 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Subukin Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Piliin lamang ang tamang titik. 1. Ano ang kahulugan ng Implasyon? A. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin. B. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin. C. Pagbaba ng halaga ng salapi. D. Pagtaas ng halaga ng salapi. 2. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya? A. Deplasyon B. Resesyon C. Depresasyon D. Implasyon 3. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon? A. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe. B. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga. C. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga. D. Mataas na halaga at bawas na produkto at serbisyo. 4. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull? A. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya. B. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon. C. Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente. D. Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto.
  • 7. 3 CO_Q3_AP 9_ Module 4 5. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng Implasyon? A. Pagbili lamang ng mga kailangan B. Pag-aaral nang mabuti C. Pamumuhunan D. Pagiging magastos 6. Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na.… A. implasyon B. deplasyon C. depresasyon D. resesyon 7. Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa; A. Mga mangungutang B. Mga may tiyak na kita C. Mga may di tiyak na kita D. Mga speculator 8. Ang mga sumusunod ang di tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa; A. Mga may tiyak na kita B. Mga nagpapautang C. Mga nag-iimpok D. Mga nangungutang 9. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong pamilya? A. Huwag nang gumastos B. Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain C. Huminto muna sa pag-aaral D. Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan
  • 8. 4 CO_Q3_AP 9_ Module 4 10. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon? A. Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan B. Bilhin lang ang dapat bilhin at importante C. Palaging mag shopping D. Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone 11. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation? A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon. B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta. D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya. 12. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon? A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo. D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan. 13. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na bawat sektor ng ekonomiya - sambayanan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa puwedeng isusuplay ng pamilihan. A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation 14. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation 15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon? A. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar B. Monopolyo o kartel C. Pambayad utang D. Pagtaas ng demand at paggasta
  • 9. 5 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Aralin 1 Implasyon Napapansin mo ba, habang lumilipas ang panahon, pataas ng pataas din ang presyo ng mga bilihin. Isa ka ba sa mga naaapektuhan nito? Kung gayon para sa iyo talaga ang modyul na ito. Lahat tayo ay nakakaranas ng suliranin sa kakulangan ng pera, mas pinalala pa nito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng halaga ng piso. Marahil ay narinig mo na ito sa iyong mga magulang “Ang hirap ng buhay ngayon dahil masyadong mataas ang presyo ng mga bilihin”. Balikan GAWAIN A: TEKA MUNA BALIK TANAW TAYO! Panuto: Alamin kung ang mga pahayag sa ibaba ay tama o mali. Iguhit ang arrow up ( ) kung ito at tama at arrow down ( ) kung ito ay mali. Kumuha ng malinis na sagutang papel at huwag sulatan and modyul na ito. 1. Ang Pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan ng husto at walang masayang. 2. Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang P 500,000.00 sa deposito ng bawat depositor. Ang mga fraudulent account ay hindi kabilang sa segurong ito. 3. Ang kahulugan ng CTD ay Certified of Time Deposit. 4. Ang perang nilalagak ng mga depositor sa bangko ay pinapautang sa mga negosyante upang bumalik ito ng may tubo o interest sa ganung paraan kumikita ang depositor mula sa interest sa perang pinapautang ng bangko. 5. Ang mga impormasyon na nakapaloob sa CTD’s at ATM ay hindi gaanong kompidensiyal kaya nararapat na ibigay ito sa kahit sinong kakilala o kamag- anak.
  • 10. 6 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Tuklasin Sagutan ang simpleng gawain sa ibaba upang malaman kung ano ang alam mo hinggil sa paksang tatalakayin, bago simulan ang pag-aaral sa modyul na ito. Panuto: Pansinin ang mga basket sa ibaba. Suriin ang pagkakaiba ng nilalaman ng bawat basket. Kung saan ang kabuuang badyet sa bawat basket ay nagkakahalagang Php1,000.00. Saguting mo ito sa iyong sagutang papel. Pamprosesong Tanong? 1. Ano ang napapansin mo sa larawan? 2. Bakit sa palagay mo magkakaiba ang nilalaman ng basket gayong pareho ang badyet dito? 3. Anong konsepto ng ekonomiks ang ipinapakita sa sitwasyong ito? Implasyon Alam mo ba na ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon ay karaniwang nagaganap? Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon. Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng piling produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili.
  • 11. 7 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa ilang mga bansa tulad ng Germany noong dekada 1920, Hungary noong 1946 at Zimbabwe noong 2007 hanggang 2009 (Fernando, 2020). Kahit sa kasalukuyan, ang implasyon ay isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng presyo. Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index (CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of goods. Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan. Mula sa market basket, ang price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang Price index ay depende sa uri ng bilihin na gustong suriin. Iba’t ibang Uri ng Price Index 1. Consumer Price Index (CPI) Ang CPI ay tanda ng pagbabago ng kabuuang presyo ng isang basket ng mga produkto at serbisyo na karaniwang binibili ng isang sambahayan (household) sa isang taon kumpara sa presyo nito sa itinakdang taon (base year). Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket. Ang market basket ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer. Ang Phillippine Statistics Authority (PSA) ang pangunahing ahensya ng pamhalaan na nangungulekta ng datos at nagtutuos ng CPI. Ginagamit ang sumusunod na formula upang matuos ang CPI. CPI=Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon Total Weighted Price ng Basehang Taon 2. Wholesale Price Index (WPI) Ito ay index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili. X 100
  • 12. 8 CO_Q3_AP 9_ Module 4 3. Producer Price Index (PPI) Ito ang index ng presyo ng producer ay binubuo ng isang tinimbang na index ng mga presyo ng kalakal sa pakyawan. 4. GNP Deflator Panukat na pang-ekonomiya na nagkakaroon ng mga epekto ng implasyon sa gross pambansang produkto ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng pag- convert ng output nito sa isang antas na nauugnay sa isang tagal ng base. Inflation Rate Ang inflation rate at tumutukoy sa antas ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin. Ito ay nako-compyut gamit ang sumusunod na formula: Inflation Rate = P2-P1 x 100 P1 Kung saan: P2=bagong presyo P1=luma/dating presyo Halimbawa: Ang facemask na dati ay nabibili lamang ni Aling Rosa na P90 pesos bawat kahon bago nagkaroon ng pandemya ay biglang tumaas ang presyo nito sa P150 bawat kahon nuong nakaraang taon ng itinalaga ng pamahalaan ang paggamit nito bilang bahagi ng proteksyon sa sarili laban sa COVID 19. Gamit ang formula, ang inflation rate ng facemask ay 66.66%. Inflation Rate = P2-P1 x100 P1 = 150-90 x100 90 = 60 x 100 90 = 0.66666 x 100 = 66.66% Break Muna! Panuto: Kompyutin ang inflation rate ng mga sumusunod na sitwasyon. Ilang bahagdan (porsiyento) kaya ang itinaas ng mga produkto na nabanggit sa ibaba. Gamitin ang formula na nasa itaas. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
  • 13. 9 CO_Q3_AP 9_ Module 4 1. Kung ang presyo ng galunggong noong taong 2000 ay P 50.00/kilo, gaano kalaki ang itinaas nito kung ang kasalukuyang presyo ay P 110.00/kilo? 2. Si Aling Cora ay malimit na bumibili ng isang sako ng bigas sa presyo na Php35.00 per kilo. Ngayon, ang kaniyang binibili ay kalahating sako na lang dahil umaabot na Php50.00 per kilo ang presyo ng bigas. 3. Kapag sumasapit ang pasko, tumataas ang presyo ng manok sa pamilihan dahil mataas ang demand. Mula sa 160.00 per kilo umaabot na ito ng 190.00 per kilo. Kaya nagbabala ang DTI sa mga mapagsamantalang negosyonte na may karampatang parusa sa gagawa nito. Suriin Suriin ang larawan sa ibaba at sagutan ang Pamprosesong tanong sa sagutang papel. Pamprosesong Tanong: 1. Ilarawan kung ano ang iyong nakikita. 2. Ano ang ipinahihiwatig ng larawang ito? 3. Batay sa larawan, ano kaya ang kaugnayan ng demand-pull at cost-push sa implasyon?
  • 14. 10 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Dahilan ng Implasyon 1. Demand-pull Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas. 2. Cost-push Ang pagtaas ng mga gastusing pangproduksiyon ang siyang sanhi sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon, halimbawa ay lakas-paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa. GAWAIN B. PUSH O PULL? Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ba ay Demand-pull (DP) o Cost-push (CP). Isulat ang DP o CP sa patlang. Isulat sa sagutang papel. _____1. Katatanggap lang ni Aling Nene ng kanyang Christmas bonus. Agad siyang nagpunta sa grocery store at halos pakyawin na niya ang paninda doon. _____2. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya. _____3. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon. _____4. Sa kabila ng babala ng DOH ng pagbabawal ng paninigarilyo hindi parin maiiwasan ang patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga taong gumagamit nito. _____5. Sa gitna ng mga nararanasan na suliranin natin ngayon na may kinalaman sa pangkalusugan, nagkakaubusan na ng supply ng face mask sa buong bansa.
  • 15. 11 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Iba pang dahilan at Bunga ng Implasyon Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan sa pagkakaroon ng implasyon. Dahilan ng Implasyon Bunga ng Implasyon Pagyamanin PAGTAAS NG SUPLAY NG SALAPI Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo pataas. PAGDEPENDE SA IMPORTASYON PARA SA HILAW NA SANGKAP Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa sa importasyon para sa hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo. PAGTAAS NG PALITAN NG PISO SA DOLYAR Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto. Kapag kulang ang supply sa lokal na pamilihan dahil ang produkto ay iniluluwas, magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo ng produkto. Kapag mas mataas ang demand kaysa sa produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas sa presyo. KALAGAYAN NG PAGLULUWAS (EXPORT) MONOPOLYO O KARTEL Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito, kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto, malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo.
  • 16. 12 CO_Q3_AP 9_ Module 4 GAWAIN C: SANHI O BUNGA? Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ang mga ito ay dahilan ng implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI sa kwaderno. 1. Ang bahagi ng kinikitang buwis ng pamahalaan ay napupunta sa pambayad utang. 2. Pagpataw ng mataas na interes sa mga pautang. 3. Malaking bahagdan ng mga Pilipino ang walang kakayahang makabili ng mga produktong kailangan nila sa araw-araw. 4. Paglaki ng bilang ng mga mag-aaral na hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang. 5. Nagkaubusan ng ilang produkto sa pamilihan dahil mas pinipili ng mga negosyante na iluwas (export) ang mga ito. 6. Umaasa sa importasyon ang mga nagmamanupaktura ng mga produkto para sa hilaw na sangkap. 7. Tumataas na palitan ng piso at dolyar. 8. Kulang ang mga pumapasok na dolyar sa bansa kaya bumaba ang halaga ng piso at tumataas din ang presyo ng mga produkto. 9. Tumaas ang presyo ng mga sangkap na ginagamit sa pagbuo ng produkto kaya tumaas din ang presyo nito. 10. Pagdami ng bilang ng mga monopolista ng mga produkto ng kartel sa bansa.
  • 17. 13 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Epekto ng Implasyon sa mga Mamamayan Mga Nakinabang sa Implasyon Halimbawa Mga umuutang Dahil sa implasyon, nababawasan ang halaga ng ibinabayad ng mga umuutang. Halimbawa, kung ang umuutang ay nagbayad ng Php1,000 sa kanyang hiniram na pera na may 10% na interes subalit ang implasyon ay 15%, ang ibinayad ay mayroong Php935 na halaga lamang. Mga negosyante/may-ari ng kompanya Retailer ng gasolina ang isang tao at marami siyang imbak nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang kaniyang kita nang hindi inaasahan. Mga speculator at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan. Mga real state broker, nagtitinda ng mga alahas at iba pa na nagspeculate na tataas ang presyo sa hinaharap. Mga taong Nalulugi Halimbawa Mga taong may tiyak na kita Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, clerk, nars at iba pang tumatanggap ng tiyak na kita bawat buwan ay matinding naaapektuhan sa pagtaas ng presyo. Ang dating dami sa kanilang nabibili ay nababawasan dahil bumababa ang tunay na halaga ng salapi. Ang mga taong nagpapautang Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng 10% interes sa kaniyang pinahiram na pera. Ang ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng kaniyang tinanggap ay Php935 lamang kaya siya ay nalugi. Mga taong nag-iimpok Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang inimpok sa bangko ay mas maliit kompara sa antas ng implasyon. Ang real value o tunay na halaga ng salaping nasa bangko ay bumababa bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa interes.
  • 18. 14 CO_Q3_AP 9_ Module 4 GAWAIN D: PAGTAMBALIN NATIN! Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat sa patlang ang titik na A at B sa napiling sagot. Gumamit ng sagutang papel. A B _____1. Mga umuutang A. Mga nakikinabang sa implasyon _____2. Mga nag-iimpok B. Mga taong nalulugi _____3. Mga nagpapautang _____4. Mga negosyante/may-ari ng kompanya _____5. Mga speculator at mga negosyanteng may malakas na loob na mamumuhunan Isaisip Kaakibat na ng pamumuhay ng tao ang mga suliranin na may kinalaman sa implasyon, kailangan ng masusing pagsusuri at pagmamasid sa paligid upang makatulong ito sa iyong masusing pagpapasya at paglutas ng suliraning ito. Ang pagbabago ng presyo ng mga bilihin ay malaking balakid sa isang tao upang makuha ang lahat ng kaniyang pangangailangan. Nararapat lamang na malaman ang mga dahilan at bunga ng implasyon para makapagsagawa ng tama at matalinong hakbang upang malampasan ito. Sa araling ito, mas napalawak ang iyong kaalaman hinggil sa implasyon na makakatulong sa pag-angat ng iyong pamumuhay at pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Dapat isaalang-alang ang iyong natutunan nang maging matalino at produktibong mamamayan ng bansa.
  • 19. 15 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Isagawa 1. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng Implasyon? Lagyan ng tsek (/) ang dapat gawin at ekis (X) ang hindi dapat gawin. Isulat sa sagutang papel.  Bilhin lamang ang kailangan bilhin at sumunod sa budget.  Pagtangkilik at paggamit ng mga lokal na produkto.  Paggasta ng allowance sa panonood ng sine at paglilibang.  Pagbili ng labis na pagkain sa panahon ng recess upang hindi maubusan.  Paggamit ng lokal na hilaw na materyales sa paggawa ng mga proyekto sa paaralan. 2. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon? 3. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation? Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Piliin lamang ang tamang titik. 1. Ano ang kahulugan ng Implasyon? A. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin. B. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin. C. Pagbaba ng halaga ng salapi. D. Pagtaas ng halaga ng salapi. 2.Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya? A. Deplasyon B. Resesyon C. Depresasyon D. Implasyon
  • 20. 16 CO_Q3_AP 9_ Module 4 3. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon? A. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe. B. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga. C. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga. D. Mataas na halaga subalit bawas na produkto at serbisyo. 4. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull? A. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya. B. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon. C. Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente. D. Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto. 5. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng Implasyon? A. Pagbili lamang ng mga bagay na kailangan B. Pag-aaral nang mabuti C. Pamumuhunan D. Pagiging magastos 6. Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na.… A. implasyon B. deplasyon C. depresasyon D. resesyon 7. Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa; A. Mga mangungutang B. Mga may tiyak na kita C. Mga may di tiyak na kita D. Mga speculator 8. Ang mga sumusunod ang di tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa; A. Mga may tiyak na kita B. Mga nagpapautang C. Mga nag-iimpok D. Mga nangungutang 9. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya.
  • 21. 17 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong pamilya? A. Huwag nang gumastos B. Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain C. Huminto muna sa pag-aaral D. Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan 10. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon? A. Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan B. Bilhin lang ang dapat bilhin at importante C. Palaging mag shopping D. Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone 11. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation? A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon. B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta. D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya. 12. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon? A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo. D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan. 13. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na bawat sektor ng ekonomiya – sambayanan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa puwedeng isusuplay ng pamilihan. A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation 14. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation
  • 22. 18 CO_Q3_AP 9_ Module 4 15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon? A. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar B. Monopolyo o kartel C. Pambayad utang D. Pagtaas ng demand at paggasta Karagdagang Gawain GAWAIN E. ANONG MAITUTULONG KO? Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nakaktulong sa paglutas ng implasyon at lagyan ng (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ____1. Pagtitipid ng baon. ____2. Pagtatapon ng natitirang pagkain. ____3. Walang pakundangan sa paggamit ng elektrisidad sa loob ng isang araw. ____4. Pamamasyal at panonood ng sine tuwing linggo. ____5. Unahing bilhin ang pangunahing pangangailangan. ____6. Pagbili ng labis ng mga produkto at pagtatago nito. ____7. Matalinong pagbabadyet. ____8. Pagkumpuni ng mga lumang gamit para mapakinabangan muli. ____9. Wastong paggamit ng mga kagamitan para ito ay tumagal. ____10. Pagnanais na bilhin ang mga produktong nauuso.
  • 23. 19 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Susi sa Pagwawasto SUBUKIN: 1. B 2. D 3. D 4. B 5. A 6. B 7. B 8. D 9. B 10. B 11. D 12. D 13. B 14. A 15. C GAWAIN A: TEKA MUNA BALIK TANAW TAYO! 1. ↑ 2. ↑ 3. ↓ 4. ↑ 5. ↓ GAWAIN B: PUSH O PULL! 1. DP 2. CP 3. DP 4. DP 5. DP GAWAIN C: SANHI O BUNGA? 1. DI 2. DI 3. BI 4. BI 5. DI 6. DI 7. DI 8. BI 9. DI 10. DI GAWAIN D. PAGTAMBALIN NATIN! 1. A 2. B 3. B 4. A 5. A TAYAHIN: 1. B 2. D 3. D 4. B 5. A 6. B 7. B 8. D 9. B 10. B 11. D 12. D 13. B 14. A 15. C GAWAIN E: ANONG MAITUTULONG KO? 1. √ 2. × 3. × 4. × 5. √ 6. × 7. √ 8. √ 9. √ 10. ×
  • 24. 20 CO_Q3_AP 9_ Module 4 Sanggunian Balitao, B., Buising, M., Garcia, E., De Guzman, A., Lumibao, J., Mateo, A., Mondejar, I., (2015) Ekonomiks 10 Learning Module. Fernando, J. (2020, December 18). Inflation. Investopedia. Retrieved February 28, 2021, from https://www.investopedia.com/terms/i/inflation.asp Bureau of Labor and Employment Statistics. (2007, July). Consumer Price Index. Retrieved March 29, 2021, from https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/2_CPI.pdf
  • 25. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph