SlideShare a Scribd company logo
1 of 66
z
z
Sektor ng Agrikultura
z
Panimula
 Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang kahulugan at
palatandaan ng kaunlaran. Kaugnay nito, ating
kikilalanin at aalamin ang kalagayan ng mga sektor
ng ekonomiya na batayan sa pagsukat ng mga
produkto at serbisyo na nagagawa ng bansa,
gayundin ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo
ng kaunlaran. Sisimulan natin ang pagtalakay sa
Sektor ng Agrikultura.
z
Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO!
Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok
sa isip mo kapag binabasa, naririnig o inaawit ang
‘Magtanim ay ‘Di Biro’?
z
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo
Bisig ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.
Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak
Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
z
Pamprosesong Tanong
1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng
awiting “Magtanim ay Di Biro”?
2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit
ang “Magtanim ay Di Biro”?
3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin?
Ipaliwanag
z
Sektor ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng
pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto,
pagtatanim at pag-aalaga ng hayop na tumutugon sa
pangangailangan ng tao.
z
Sektor ng Agrikultura
 Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa
Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain,
napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural
dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga
gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan, malaking
bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng
ekonomiya .
z
Sub-sektor ng Agrikultura
 Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende
sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng
ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa
sa agrikultura upang matugunan ang
pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na
sangkap na kailangan sa produksiyon.
 Nahahati ang sektor ng agrikultura sa
paghahalaman (farming), paghahayupan
(livestock), pangingisda (fishery), at
paggugubat (forestry).
z
Paghahalaman
 Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad
ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape,
mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
z
Paghahayupan
 Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang
paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating
mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.
 Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa
ganitong hanapbuhay.
z
Pangingisda
 Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking
tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa
pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda
ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture.
z
Pangingisda.
 Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng
pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad
na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15
kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.
 Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15
kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may
kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.
z
Pangingisda.
 Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-
aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula
sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang),
brackish (maalat-alat) at marine (maalat).
z
Paggugubat
 Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong
gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang
ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa
suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.
 Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at
veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto,
pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan,
pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
z
Kahalagahan ng Agrikultura
 Nagtutustos ng pagkain
 Nagbibigay ng empleyo
 Pinagkukunan ng hilaw na materyal
 Tagabili ng mga yaring produkto
 Nagpapasok ng dolyar sa bansa
z
Suliranin ng Sektor ng Agrikultura
 Mataas na gastusin
 Problema sa imprastruktura
 Problema sa kapital
 Masamang panahon
 Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa
 Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
 Kakulangan sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
 Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
z
Mataas na Gastusin sa Pagsasaka
 Nalulugi ang mga nasa sektor ng agrikultura
sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin kung
ihahambing sa kanilang kinikita
 May mga institusyong pinansiyal tulad ng bangko
at kooperatiba na naglalayong magpahiram ng
kapital sa mga magsasaka upang mapalago ang
kanilang ani.
z
Problema sa Imprastruktura
 Inirereklamo ng maraming magsasaka ang kakulangan
ng mga daanan o farm-to-market road upang madala
nila ang kanilang mga produkto sa pamilihan sa tamang
oras
 Karamihan sa ani ng mga magsasaka ay madaling
mabulok (perishable). Bumababa ang halaga ng
produkto sa pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito.
 Mahalaga rin na may maayos at sapat na imbakan o
storage facility ang mga magsasaka upang hindi
mabulok ang kanilang mga ani tulad ng bigas, bawang,
sibuyas, at iba pa.
z
Problema sa Kapital
 Bunga ng kakulangan o kawalan ng kapital, sang
mga magsasaka ay napipilitang umasa sa
sistema ng pautang o usury. Ang mga usurero
[nagpapautang] ay tinatawag ding mga loan
shark dahil sila ay nagpapautang ng pera na may
malaking tubo.
 Dahil dito, nababaon ang mga magsasaka sa
pagkakautang at hindi na tuluyang nakaaahon.
 Sa maraming pagkakataon, ang pagkakautang
na ito ay naisasalin mula sa kasalukuyang
henerasyon hanggang sa mga susunod pa.
z
Masamang Panahon
 Nasisira o lumiliit ang produksyon ng
sektor ng agrikultura tuwing may tag-
tuyot, malakas ng ulan at mga bagyo.
z
Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa
 Mula sa pagiging lupang agrikultural, sumasailalim ito
sa transpormasyon upang maging pook-pasyalan,
golf course, industrial complex, at pook-residensiyal.
 Ang unti-unting pagkawala ng mga lupang sakahan
ang isa sa maraming dahilan kung bakit sapilitang
nakikipagsapalaran sa kalunsuran ang ibang
magsasaka.
 Ang lumiliit na sakahan at limitadong taniman na
natitira upang sakahin ng mga magsasaka ay
maaaring magresulta sa pagkaabuso sa lupa at
pagkaubos ng sustansiya nito.
z
Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal
 Ang hindi pagtangkilik sa sariling
produkto ay lubhang nakaapekto sa
kalagayan ng sektor ng agrikultura at ng
mga taong umaasa rito.
z
Kakulangan sa Pananaliksik at
Makabagong Teknolohiya
 Nasa makalumang panahon pa rin ang
ating mga sistema sa pagsasaka.
 Iilan lamang ang may kakayahan sa
makabagong paraan at hindi pa nga
halos inaabot ng modernong
kagamitan sa pagsasaka.
z
Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa
 Nananatiling pag-aari ng iilang landlord ang mga lupain
sa bansa.
 Malaking bilang ng magsasaka ang walang sariling
lupang binubungkal.
 Sa halip na pakinabangan nila ang kanilang ani,
tumatanggap lamang sila ng kakarampot na suweldo
nna karaniwang hindi sapat para ipantustos sa mga
pangunahing pangangailangan ng kanilang mag-anak.
z
z
Maraming batas at programa ang
pamahalaan na ginawa upang
mapalakas ang sektor ng agrikultura.
Hindi maitatanggi ang kasalukuyang
kalagayan ng agrikultura at ng mga
mamamayang dito umaasa
z
Ang mga suliraning kinakaharap nito
ay bunga ng mga nakaraan at
kasalukuyang desisyon na ginawa ng
mga mamumuno ng bayan, gayundin
ng mga mamamayan na naging
mapang-abuso sa likas na yaman ng
bansa.
z
Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang
implementasyon ng mga batas at
programa upang masiguro ang
kaayusan sa sektor ng agrikultura.
z
Pumili ng isa sa mga suliranin ng
sector ng agrikultura.
Ipaliwanag ang suliraning iito at
magbigay ng solusyon upang
malutas ang suliraning ito.
z
z
MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA
z
Land Registration Act ng 1902
Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano na kung saan
ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat
z
Public Land Act ng 1902
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga
lupaing pampublilko sa mga pamilya na
nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya
ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa
16 na ektarya ng lupain.
z
Batas Republika Bilang 1160
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National
Resettlement and Rehabilitation
Administration (NARRA) na pangunahing
nangangasiwa sa pamamahagi ng mga
lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob
sa pamahalaan. Kasama rin sa mga
binibigyan nila ay ang mga pamilyang
walang lupa.
z
Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban
sa pangaabuso, pagsasamantala, at
pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga
manggagawa.
z
Agricultural Land Reform Code
Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa
lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado
Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963.
Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na
tunay na may-ari nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang
kasama. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga
magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa
mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad
ng pamahalaan sa may-ari ng lupa.
z
Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
Itinadhana ng kautusan na isailalim sa
reporma sa lupa ang buong Pilipinas
noong panahon ni dating Pangulong
Marcos.
z
Atas ng Pangulo Blg. 27
Ang mga magsasaka ay binigyan ng
pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya
ng lupa kung walang patubig at tatlong
ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay
kanilang bubungkalin.
z
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian
Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating
Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng
Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang
lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural.
Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP).
z
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
 Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang
agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang
lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang
lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng
di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak
ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung
sila mismo ang magsasaka nito. Ang pamamahagi ng
lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
z
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
 Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
 liwasan at parke
 mga gubat at reforestration area
 mga palaisdaan
 tanggulang pambansa
 paaralan
 simbahan
 sementeryo
 templo
 watershed, at iba pa
z
z
Pagtatayo ng mga daungan.
Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling
isda sa pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o
bagsakan ng mga ito ang mga daungan. Dahil dito,
nagiging mas madali para sa mga mamamayang
maabot ang mga produkto mula sa mga ito
z
Philippine Fisheries Code of 1998.
Ito ang itinadhana ng pamahalaan na
naglilimita at naglalayon ng wastong
paggamit sa yamang pangisdaan ng
Pilipinas.
z
Fishery research
Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal
ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine
resources development, at post-harvest
technology ay patuloy na ginagawa upang
masiguro ang pagpaparami at
pagpapayaman sa mga yamang-tubig.
z
PAGTOTROSO
z
Community Livelihood Assistance
Program (CLASP)
Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga
mamamayan ng wastong paglinang sa mga
likas na yaman ng bansa.
Halimbawa, ang mangrove farming sa Bohol,
plantasyon ng kawayan sa La Union, at
plantasyon ng mga halamang medisinal sa
Penablanca, Cagayan.
z
National Integrated Protected Areas
System (NIPAS)
Ito ay programa na ang pangunahing layunin
ay maingatan at protektahan ang kagubatan.
Ito ay paraan upang mailigtas ang mga
hayop at pananim dito.
z
Sustainable Forest Management
Strategy
Ito ay pamaraan upang matakdaan ang
permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay
estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan
ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na
pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit
sa lupa.
z
Sangay ng Pamahalaan na
Tumutulog sa Sektor ng Agrikultura
 Department of Agriculture (DA) – Gumagabay sa
mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at
wastong paraan ng pagtatanim.
 Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
(BFAR) – Sinisikap na paunlarin ang larangan ng
pangingisda.
 Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa
sa larangan ng paghahayupan.
 Ecosystem Research and Development Bureau
(ERDB) – Nagsasagawa ng pananaliksik sa
ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan
sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.
z
Sa pagdaan ng mga taon, mapupuna ang unti -
unting pagbaba sa kita ng sektor bunsod ng mga
suliraning kinakaharap nito.
Ang mga polisiya at mga programa na maaari
nitong maging prayoridad ay isa sa
makapagpapatatag sa isang sektor. Ang maling
desisyon at prayoridad ng pamahalaan ay
makapagdudulot ng epekto sa takdang
kakayahan nito.
z
Sa kabilang banda, ang mga mamamayan
mismo ay may kritikal na pananagutan
bilang mga kumokonsumo ng likas na
yaman. Sila ang dapat na manguna sa
pag-iingat ng mga yamang ito sa
pamamagitan ng likas-kayang paggamit
upang masigurong mayroon pang
magagamit ang susunod na mga salinlahi.
z
Pagbubuod:
 Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng
pagbubungkal ng lupa, pagpoprodyus ng hilaw na
mga produkto, pag-aalaga ng hayop at poultry na
tumutugon sa pangangailangan ng tao.
 Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba’t ibang
industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat,
paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda.
 Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa
ating ekonomiya. Pinagmumulan ito ng pagkain,
hilaw na materyales, at empleyo.
• Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya
ang agrikultura?
• Sa iyong palagay, paano ka
makakatulong upang maitaguyod ang
sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
PAGPAPAHALAGA
A. Public Land Act ng 1902
B. Philippine Fisheries Code of 1998
C. Agricultural Land Reform Code
D. Community Livelihood Assistance Program
(CLASP)
E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
1. Ito ay simula ng isang malawakang
reporma sa lupa na nilagdaan ng dating
Pangulong Diosdado Macapagal noong
ika-8 ng Agosto 1963.
A. Public Land Act ng 1902
B. Philippine Fisheries Code of 1998
C. Agricultural Land Reform Code
D. Community Livelihood Assistance Program
(CLASP)
E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
2. Nakapaloob dito ang pamamahagi ng
mga lupaing pampublilko sa mga
pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang
bawat pamilya ay maaaring magmay-ari
ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng
lupain
A. Public Land Act ng 1902
B. Philippine Fisheries Code of 1998
C. Agricultural Land Reform Code
D. Community Livelihood Assistance Program
(CLASP)
E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
3. Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong
Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo,
1988.
A. Public Land Act ng 1902
B. Philippine Fisheries Code of 1998
C. Agricultural Land Reform Code
D. Community Livelihood Assistance Program
(CLASP)
E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
4. Ito ang itinadhana ng pamahalaan na
naglilimita at naglalayon ng wastong
paggamit sa yamang pangisdaan ng
Pilipinas.
A. Public Land Act ng 1902
B. Philippine Fisheries Code of 1998
C. Agricultural Land Reform Code
D. Community Livelihood Assistance Program
(CLASP)
E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
5. Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa
mga mamamayan ng wastong paglinang
sa mga likas na yaman ng bansa.
z
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI inililimos!
Tandaan:
z
Gawain 10: KASO-LUTASIN!
Pangkatang Gawain:
Bumuo ng limang (5) pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan
ng editoryal tungkol sa “Aangkat pa pala ng Bigas”. Susuriin ito
batay sa mga pamprosesong tanong sa ibaba ng editoryal.
Pagkatapos ay iuulat ng pangkat sa klase ang kasagutan.
z
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang magkatunggaling isyu na ipinahihiwatig ng
editoryal?
2. Anong patakarang pang-ekonomiya ang binibigyang-diin
sa binasa?
3. Ano ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa
pagkamit ng kaunlaran ng bansa?
4. Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda, anong
suliranin ang dapat na bigyan ng pansin ng pamahalaan
upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura?
5. Kung ikaw ay kasapi ng pamahalaan na nagpapatupad
ng mga batas o programa sa sektor ng agrikultura, ano
ang gagawin mo para mapaunlad ito?
z
PAMANTAYAN SA PAG-UULAT
PAMANTAYAN PUNTOS
NATAMONG
PUNTOS
Kawastuhan ng ideya batay sa
paksa
20
Organisado at malikhain na
paglalahad ng ideya ayon sa
paksa ng araling inilahad
15
Kagamitang ginamit sa
paglalahad
10
Kooperasyon ng bawat kasapi
ng pangkat
5
z
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

More Related Content

Similar to Agrikultura.pptx

aralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdf
aralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdfaralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdf
aralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdfMaryJoyPeralta
 
Aralin 21 sektor ng agrikultura
Aralin 21 sektor ng agrikulturaAralin 21 sektor ng agrikultura
Aralin 21 sektor ng agrikulturaRivera Arnel
 
Iba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikulturaIba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikulturaJoan Andres- Pastor
 
MELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng AgrikulturaMELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng AgrikulturaRivera Arnel
 
reporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdf
reporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdfreporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdf
reporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdfJameBon1
 
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10AppleMaeDeGuzman
 
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth QuarterAP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth QuarterCj Obando
 
Agrikultura 120203100238-phpapp02
Agrikultura 120203100238-phpapp02Agrikultura 120203100238-phpapp02
Agrikultura 120203100238-phpapp02Bryan Estigoy
 
Sektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptxSektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptxRoldanBantayan2
 
Kabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflorKabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflorJCambi
 
Yunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikulturaYunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikulturaThelma Singson
 
Kabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflorKabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflorJCambi
 
Sektor ng agrikultura
Sektor ng agrikulturaSektor ng agrikultura
Sektor ng agrikulturaSofia Cay
 

Similar to Agrikultura.pptx (20)

Aralin 25 AP 10
Aralin 25 AP 10Aralin 25 AP 10
Aralin 25 AP 10
 
aralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdf
aralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdfaralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdf
aralin21-sektorngagrikultura-180521230249 (1).pdf
 
Aralin 21 sektor ng agrikultura
Aralin 21 sektor ng agrikulturaAralin 21 sektor ng agrikultura
Aralin 21 sektor ng agrikultura
 
Iba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikulturaIba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikultura
 
MELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng AgrikulturaMELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
 
reporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdf
reporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdfreporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdf
reporting para sa ap_Processed (2)_Processed (1).pdf
 
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
topiko tungkol sa Sektor ng Agrikultura- Grade 10
 
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth QuarterAP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
 
Agrikultura 120203100238-phpapp02
Agrikultura 120203100238-phpapp02Agrikultura 120203100238-phpapp02
Agrikultura 120203100238-phpapp02
 
Sektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptxSektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptx
 
Kabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflorKabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflor
 
Primer on National Industrialization (Full Text Filipino)
Primer on National Industrialization (Full Text Filipino)Primer on National Industrialization (Full Text Filipino)
Primer on National Industrialization (Full Text Filipino)
 
Gwyneth
GwynethGwyneth
Gwyneth
 
Yunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikulturaYunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikultura
 
Agricultura.pptx
Agricultura.pptxAgricultura.pptx
Agricultura.pptx
 
Kabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflorKabanata 16 buenaflor
Kabanata 16 buenaflor
 
Sektor ng agrikultura
Sektor ng agrikulturaSektor ng agrikultura
Sektor ng agrikultura
 
Sektor ng Agrikultura
Sektor ng AgrikulturaSektor ng Agrikultura
Sektor ng Agrikultura
 
Mga sektor ng ekonomiya
Mga sektor ng ekonomiyaMga sektor ng ekonomiya
Mga sektor ng ekonomiya
 
Ekonomiks
EkonomiksEkonomiks
Ekonomiks
 

More from ElvrisCanoneoRamos (12)

Moudule 2.pptx
Moudule 2.pptxMoudule 2.pptx
Moudule 2.pptx
 
Aralin 3.pptx
Aralin 3.pptxAralin 3.pptx
Aralin 3.pptx
 
Summative test I.pptx
Summative test I.pptxSummative test I.pptx
Summative test I.pptx
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
 
Identify the Flags.pptx
Identify the Flags.pptxIdentify the Flags.pptx
Identify the Flags.pptx
 
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptxKAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN.pptx
 
aralin20-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-151230092547.pptx
aralin20-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-151230092547.pptxaralin20-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-151230092547.pptx
aralin20-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-151230092547.pptx
 
Aralin 3.pptx
Aralin 3.pptxAralin 3.pptx
Aralin 3.pptx
 
Post Test II.pptx
Post Test II.pptxPost Test II.pptx
Post Test II.pptx
 
Conduct.docx
Conduct.docxConduct.docx
Conduct.docx
 
COT.pptx
COT.pptxCOT.pptx
COT.pptx
 
Ange.docx
Ange.docxAnge.docx
Ange.docx
 

Recently uploaded

DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 

Recently uploaded (20)

DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 

Agrikultura.pptx

  • 1. z
  • 3. z Panimula  Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang kahulugan at palatandaan ng kaunlaran. Kaugnay nito, ating kikilalanin at aalamin ang kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya na batayan sa pagsukat ng mga produkto at serbisyo na nagagawa ng bansa, gayundin ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo ng kaunlaran. Sisimulan natin ang pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura.
  • 4. z Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO! Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binabasa, naririnig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro’?
  • 5. z Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di naman makatayo Di naman makaupo Bisig ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimintig Sa pagkababad sa tubig. Kay-pagkasawing-palad Ng inianak sa hirap, Ang bisig kung di iunat, Di kumita ng pilak Sa umagang pagkagising Lahat ay iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain.
  • 6. z Pamprosesong Tanong 1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim ay Di Biro”? 2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim ay Di Biro”? 3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag
  • 7. z Sektor ng Agrikultura Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
  • 8. z Sektor ng Agrikultura  Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan, malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya .
  • 9.
  • 10. z Sub-sektor ng Agrikultura  Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.  Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).
  • 11. z Paghahalaman  Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
  • 12. z Paghahayupan  Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.  Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
  • 13. z Pangingisda  Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture.
  • 14. z Pangingisda.  Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.  Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.
  • 15. z Pangingisda.  Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag- aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat).
  • 16. z Paggugubat  Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.  Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
  • 17. z Kahalagahan ng Agrikultura  Nagtutustos ng pagkain  Nagbibigay ng empleyo  Pinagkukunan ng hilaw na materyal  Tagabili ng mga yaring produkto  Nagpapasok ng dolyar sa bansa
  • 18. z Suliranin ng Sektor ng Agrikultura  Mataas na gastusin  Problema sa imprastruktura  Problema sa kapital  Masamang panahon  Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa  Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal  Kakulangan sa pananaliksik at makabagong teknolohiya  Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
  • 19. z Mataas na Gastusin sa Pagsasaka  Nalulugi ang mga nasa sektor ng agrikultura sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin kung ihahambing sa kanilang kinikita  May mga institusyong pinansiyal tulad ng bangko at kooperatiba na naglalayong magpahiram ng kapital sa mga magsasaka upang mapalago ang kanilang ani.
  • 20. z Problema sa Imprastruktura  Inirereklamo ng maraming magsasaka ang kakulangan ng mga daanan o farm-to-market road upang madala nila ang kanilang mga produkto sa pamilihan sa tamang oras  Karamihan sa ani ng mga magsasaka ay madaling mabulok (perishable). Bumababa ang halaga ng produkto sa pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito.  Mahalaga rin na may maayos at sapat na imbakan o storage facility ang mga magsasaka upang hindi mabulok ang kanilang mga ani tulad ng bigas, bawang, sibuyas, at iba pa.
  • 21. z Problema sa Kapital  Bunga ng kakulangan o kawalan ng kapital, sang mga magsasaka ay napipilitang umasa sa sistema ng pautang o usury. Ang mga usurero [nagpapautang] ay tinatawag ding mga loan shark dahil sila ay nagpapautang ng pera na may malaking tubo.  Dahil dito, nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang nakaaahon.  Sa maraming pagkakataon, ang pagkakautang na ito ay naisasalin mula sa kasalukuyang henerasyon hanggang sa mga susunod pa.
  • 22. z Masamang Panahon  Nasisira o lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura tuwing may tag- tuyot, malakas ng ulan at mga bagyo.
  • 23. z Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa  Mula sa pagiging lupang agrikultural, sumasailalim ito sa transpormasyon upang maging pook-pasyalan, golf course, industrial complex, at pook-residensiyal.  Ang unti-unting pagkawala ng mga lupang sakahan ang isa sa maraming dahilan kung bakit sapilitang nakikipagsapalaran sa kalunsuran ang ibang magsasaka.  Ang lumiliit na sakahan at limitadong taniman na natitira upang sakahin ng mga magsasaka ay maaaring magresulta sa pagkaabuso sa lupa at pagkaubos ng sustansiya nito.
  • 24. z Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal  Ang hindi pagtangkilik sa sariling produkto ay lubhang nakaapekto sa kalagayan ng sektor ng agrikultura at ng mga taong umaasa rito.
  • 25. z Kakulangan sa Pananaliksik at Makabagong Teknolohiya  Nasa makalumang panahon pa rin ang ating mga sistema sa pagsasaka.  Iilan lamang ang may kakayahan sa makabagong paraan at hindi pa nga halos inaabot ng modernong kagamitan sa pagsasaka.
  • 26. z Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa  Nananatiling pag-aari ng iilang landlord ang mga lupain sa bansa.  Malaking bilang ng magsasaka ang walang sariling lupang binubungkal.  Sa halip na pakinabangan nila ang kanilang ani, tumatanggap lamang sila ng kakarampot na suweldo nna karaniwang hindi sapat para ipantustos sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mag-anak.
  • 27. z
  • 28. z Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor ng agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikultura at ng mga mamamayang dito umaasa
  • 29. z Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bunga ng mga nakaraan at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga mamumuno ng bayan, gayundin ng mga mamamayan na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa.
  • 30. z Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang implementasyon ng mga batas at programa upang masiguro ang kaayusan sa sektor ng agrikultura.
  • 31. z Pumili ng isa sa mga suliranin ng sector ng agrikultura. Ipaliwanag ang suliraning iito at magbigay ng solusyon upang malutas ang suliraning ito.
  • 32. z
  • 34. z Land Registration Act ng 1902 Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat
  • 35. z Public Land Act ng 1902 Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
  • 36. z Batas Republika Bilang 1160 Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
  • 37. z Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pangaabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
  • 38. z Agricultural Land Reform Code Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari ng lupa.
  • 39. z Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
  • 40. z Atas ng Pangulo Blg. 27 Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.
  • 41. z Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
  • 42. z Batas Republika Blg. 6657 ng 1988  Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito. Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
  • 43. z Batas Republika Blg. 6657 ng 1988  Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:  liwasan at parke  mga gubat at reforestration area  mga palaisdaan  tanggulang pambansa  paaralan  simbahan  sementeryo  templo  watershed, at iba pa
  • 44. z
  • 45. z Pagtatayo ng mga daungan. Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ang mga daungan. Dahil dito, nagiging mas madali para sa mga mamamayang maabot ang mga produkto mula sa mga ito
  • 46. z Philippine Fisheries Code of 1998. Ito ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
  • 47. z Fishery research Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development, at post-harvest technology ay patuloy na ginagawa upang masiguro ang pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig.
  • 49. z Community Livelihood Assistance Program (CLASP) Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at plantasyon ng mga halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan.
  • 50. z National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito.
  • 51. z Sustainable Forest Management Strategy Ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa.
  • 52. z Sangay ng Pamahalaan na Tumutulog sa Sektor ng Agrikultura  Department of Agriculture (DA) – Gumagabay sa mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim.  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Sinisikap na paunlarin ang larangan ng pangingisda.  Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan.  Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) – Nagsasagawa ng pananaliksik sa ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.
  • 53. z Sa pagdaan ng mga taon, mapupuna ang unti - unting pagbaba sa kita ng sektor bunsod ng mga suliraning kinakaharap nito. Ang mga polisiya at mga programa na maaari nitong maging prayoridad ay isa sa makapagpapatatag sa isang sektor. Ang maling desisyon at prayoridad ng pamahalaan ay makapagdudulot ng epekto sa takdang kakayahan nito.
  • 54. z Sa kabilang banda, ang mga mamamayan mismo ay may kritikal na pananagutan bilang mga kumokonsumo ng likas na yaman. Sila ang dapat na manguna sa pag-iingat ng mga yamang ito sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit upang masigurong mayroon pang magagamit ang susunod na mga salinlahi.
  • 55. z Pagbubuod:  Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagbubungkal ng lupa, pagpoprodyus ng hilaw na mga produkto, pag-aalaga ng hayop at poultry na tumutugon sa pangangailangan ng tao.  Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba’t ibang industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat, paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda.  Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa ating ekonomiya. Pinagmumulan ito ng pagkain, hilaw na materyales, at empleyo.
  • 56. • Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura? • Sa iyong palagay, paano ka makakatulong upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag. PAGPAPAHALAGA
  • 57. A. Public Land Act ng 1902 B. Philippine Fisheries Code of 1998 C. Agricultural Land Reform Code D. Community Livelihood Assistance Program (CLASP) E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 1. Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963.
  • 58. A. Public Land Act ng 1902 B. Philippine Fisheries Code of 1998 C. Agricultural Land Reform Code D. Community Livelihood Assistance Program (CLASP) E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 2. Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain
  • 59. A. Public Land Act ng 1902 B. Philippine Fisheries Code of 1998 C. Agricultural Land Reform Code D. Community Livelihood Assistance Program (CLASP) E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 3. Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
  • 60. A. Public Land Act ng 1902 B. Philippine Fisheries Code of 1998 C. Agricultural Land Reform Code D. Community Livelihood Assistance Program (CLASP) E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 4. Ito ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
  • 61. A. Public Land Act ng 1902 B. Philippine Fisheries Code of 1998 C. Agricultural Land Reform Code D. Community Livelihood Assistance Program (CLASP) E. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 5. Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
  • 63. z Gawain 10: KASO-LUTASIN! Pangkatang Gawain: Bumuo ng limang (5) pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng editoryal tungkol sa “Aangkat pa pala ng Bigas”. Susuriin ito batay sa mga pamprosesong tanong sa ibaba ng editoryal. Pagkatapos ay iuulat ng pangkat sa klase ang kasagutan.
  • 64. z Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang magkatunggaling isyu na ipinahihiwatig ng editoryal? 2. Anong patakarang pang-ekonomiya ang binibigyang-diin sa binasa? 3. Ano ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa? 4. Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda, anong suliranin ang dapat na bigyan ng pansin ng pamahalaan upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura? 5. Kung ikaw ay kasapi ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas o programa sa sektor ng agrikultura, ano ang gagawin mo para mapaunlad ito?
  • 65. z PAMANTAYAN SA PAG-UULAT PAMANTAYAN PUNTOS NATAMONG PUNTOS Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 20 Organisado at malikhain na paglalahad ng ideya ayon sa paksa ng araling inilahad 15 Kagamitang ginamit sa paglalahad 10 Kooperasyon ng bawat kasapi ng pangkat 5
  • 66. z References: • EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House • De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI • Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI • Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Editor's Notes

  1. Pangunahing nagtutustos ng pagkain tulad ng bigas, isda, gulay, prutas, at karne ng hayop. Dahil halos ng kalahati ng kita ng pamilyang Pilipino ay inilalaan sa pagkain, maraming salapi ang napupunta sa sektor ng agrikultura Maraming Pilipino ang nabibigyan ng hanapbuhay ng sektor ng agrikultura. Noong Abril 2014, 30.7 (11,870,155) ng mga Pilipino ang nasa pagsasaka, pangingisda, paggugubat, at paghahayupan. Sa paggugubat nagmumula ang mga hilaw na materyal, para sa industriya ng konstruksyon tulad ng table. Sa pagsasaka at pangingisda naman nagmumula ang mga hilaw na materyal para sa industriya ng pagpoproseso ng pagkain. Ang mga yaring produkto tulad ng mga makinarya, damit, at kasangkapan sa bahay ay di-kayang tugunan ng agrukultura ay matutugunan ng sektor ng industriya.
  2. Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim.