Successfully reported this slideshow.

Aralin 21 sektor ng agrikultura

143

Share

Loading in …3
×
1 of 23
1 of 23

More Related Content

Related Books

Free with a 14 day trial from Scribd

See all

Related Audiobooks

Free with a 14 day trial from Scribd

See all

Aralin 21 sektor ng agrikultura

  1. 1. Aralin 21 Sektor ng Agrikultura Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/sirarnelPHhistory Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
  2. 2. Sektor ng Agrikultura • Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
  3. 3. Bansang Agrikultural • Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang- agrikultura. Malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya .
  4. 4. Bansang Agrikultural • Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
  5. 5. Sektor ng agrikultura Paghahalaman Pangingisda Paghahayupan Paggugubat
  6. 6. Paghahalaman • Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. • Tinatayang umabot ng Php 797.731 bilyon ang kabuuang kita mula sa pagsasaka. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.
  7. 7. Paghahayupan • Ang paghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. • Layunin ng paghahayupan ang pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
  8. 8. Pangingisda • Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture. • Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.
  9. 9. Pangingisda • Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan. • Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.
  10. 10. Pangingisda • Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat).
  11. 11. Paggugubat • Ang paggugubat ay isang pangunahing pang- ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. • Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
  12. 12. Kahalagahan ng Agrikultura •Nagtutustos ng pagkain •Nagbibigay ng trabaho •Pinagkukunan ng hilaw na materyal •Tagabili ng mga yaring produkto •Nagpapasok ng dolyar sa bansa
  13. 13. Suliranin ng Sektor ng Agrikultura Suliranin Epekto Pagkaubos ng mga magsasaka Marami sa mga magsasaka ang tumatanda na at kulang ang mga kabataang pumapalit. Bumababa ang bilang ng mga produktong agrikultural. Mataas na gastusin Nalulugi ang mga magsasaka sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin kung ihahambing sa kanilang kinikita.
  14. 14. Suliranin ng Sektor ng Agrikultura Suliranin Epekto Problema sa imprastruktura Bumababa ang halaga ng produkto sa pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito. Problema sa kapital Nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang nakaaahon.
  15. 15. Suliranin ng Sektor ng Agrikultura Suliranin Epekto Masamang panahon Nasisira ang produksyon ng sektor ng agrikultura tuwing may tag-tuyot, malakas ng ulan at mga bagyo. Nagiging dahilan ito ng mataas na presyo ng pagkain. Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa Pagkaabuso sa lupa at pagkaubos ng sustansiya nito. Pagbaba ng produksyon. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal Hindi patas na kompetisyon na nagbubunga ng pagkalugi ng maraming magsasaka.
  16. 16. Suliranin ng Sektor ng Agrikultura Suliranin Epekto Kakulangan sa pananaliksik at makabagong teknolohiya Iilan lamang ang may kakayahan sa makabagong paraan at hindi pa nga halos inaabot ng modernong kagamitan sa pagsasaka. Nagiging dahilan ito ng mababang produksyon at kalidad ng produkto. Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa Malaking bilang ng magsasaka ang walang sariling lupang binubungkal at tumatanggap lamang sila ng maliit na suweldo.
  17. 17. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 • Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. • Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
  18. 18. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 • Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anuman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa mga may- ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito. Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
  19. 19. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 • Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang: liwasan at parke mga gubat at reforestration area mga palaisdaan tanggulang pambansa paaralan simbahan sementeryo templo watershed, at iba pa
  20. 20. Sangay ng Pamahalaan na Tumutulog sa Sektor ng Agrikultura • Department of Agriculture (DA) – Gumagabay sa mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim. • Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Sinisikap na paunlarin ang larangan ng pangingisda. • Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan. • Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) – Nagsasagawa ng pananaliksik sa ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.
  21. 21. Pagbubuod: • Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain sa pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto na tumutugon sa pangangailangan ng tao. • Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba’t ibang industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat, paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda. • Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa ating ekonomiya. Pinagmumulan ito ng pagkain, hilaw na materyales at trabaho para sa mga mamamayan.
  22. 22. • Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura? • Sa iyong palagay, paano ka makakatulong upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag. PAGPAPAHALAGA TAKDA:
  23. 23. References: • EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House • De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI • Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI • Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Editor's Notes

  • Pangunahing nagtutustos ng pagkain tulad ng bigas, isda, gulay, prutas, at karne ng hayop. Dahil halos ng kalahati ng kita ng pamilyang Pilipino ay inilalaan sa pagkain, maraming salapi ang napupunta sa sektor ng agrikultura
    Maraming Pilipino ang nabibigyan ng hanapbuhay ng sektor ng agrikultura. Noong Abril 2014, 30.7 (11,870,155) ng mga Pilipino ang nasa pagsasaka, pangingisda, paggugubat, at paghahayupan.
    Sa paggugubat nagmumula ang mga hilaw na materyal, para sa industriya ng konstruksyon tulad ng table. Sa pagsasaka at pangingisda naman nagmumula ang mga hilaw na materyal para sa industriya ng pagpoproseso ng pagkain.
    Ang mga yaring produkto tulad ng mga makinarya, damit, at kasangkapan sa bahay ay di-kayang tugunan ng agrukultura ay matutugunan ng sektor ng industriya.
  • ×