1. AGRIKULTURA
Isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyal
mula sa likas na yaman.
Kabilang na gawain sa sektor na ito ang paghahayupan, paggugubat, at pagsasaka
Hanapbuhay na kabilang sa sektor ng agrikultura:
• Pagsasaka – gulayan, prutasan, niyogan, maisan, tubohan, palayan at iba pa.
• Paghahayupan – babuyan, bakahan, at iba pa.
• Pagmamanukan – manukan, patuhan, pugunan, at iba pa; at
• Pangingisda – komersyal na pangingisda.
2. Kahalagahan ng sektor ng agrikultura
• Nakapaghahatid ito ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
• Tinitiyak ng sektor ng agrikultura na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang mga hapag.
• Napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga
magsasaka, manggagawang bukid, katiwala, at iba pa.
• Nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad ng
pagmamanupaktura at kalakalan
•
Mga Suliranin sa Sektor na Agrikultura
Mataas na Gastusin sa Pagsasaka
• Malaking hinaing ng mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng halaga ng
gastusin sa pagtatanim. Kabilang dito ang renta sa lupa, abono, patubig,
pestisidyo, renta sa mga kagamitan sa pagsasaka, sasakyan para sa
transportasyon patungong pamilihan at iba pa.
Problema sa Imprastraktura
• Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga imprastraktura sa sektor ng
agrikultura sa maraming liblib na lugar sa Pilipinas.
• Inirereklamo ng maraming magsasaka ang kakulangan ng mga daan o FARM-
TO-MARKET ROADS
Problema sa Kapital
• Marami sa mga magsasaka ang napipilitang umasa sa sistema ng pautang.
Bunga ng kawalan ng kapital sila ay nahihikayat lumapit sa mga taong
nagpapautang.
• Ang mga nagpapautang ay tinatawag ding LOAN SHARKS o 5/6 dahil
nagpapautang sila ng pera na may malaking tubo.
Masamang Panahon
• Banta sa sektor ng agrikultura ang matagal at mapaminsalang panahon ng
tagtuyot at tag-ulan na sumasalanta sa bansa.
•
3. • Ang El Nino, La Nina, at mga bagyong dumarating sa bansa ay mga halimbawa ng
pabagu-bagong panahon na nakakaapekto sa sektor ng agrikultura.
Malawakang pagpapalitpalit-gamit ng lupa
• Bunga ng mabilis na proseso ng urbanisasyon ng ilang bahagi ng bansa,
kasabay ring lumalaganap ang programa ng pagpapalit-gamit ng lupa o lang
use-conversion.
• Ang lupang agrikultural ay ginagawang pook pasyalan, golf course, industrial
complex, at residensyal.
Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal
• Ang pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang panlabas at ang pagsali nito sa
pandaigdigang samahan tulad ng WTO ay may epekto rin sa mga magsasaka
at sa sektor ng agrikultura.
• Ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto ay nagbunsod ng pagbabago sa
panlasa ng mga Pilipino.
•
Maliit na Pondong Laan para sa Pananaliksik at
Makabagong Teknolohiya
• Sa pagsusuri ng ekonomiya ng Pilipinas, ang sektor ng agrikultura ay
natatangi dahil ang malaking bilang ng mga Pilipino ay dito nakasalalay ang
kabuhayan.
•
Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa
• Pangarap ng bawat magsasaka na magkaroon ng sariling lupa.
• Karamihan ng mga pag-aalsang naganap sa bansa ay may kinalaman sa
tunggalian sa pagmamay-ari ng lupa.