3. Rasyunal
• Ang Liwayway na magasin ay
mula sa ideya ni Don Ramon
Roces at nagsimula ito bilang
isang Photo News.
4. Pagsasalarawan
Tanging ang Liwayway na lamang ang nanatiling buhay na lingguhan at
pinakamatandang pampanitikang magasing tagalog sa bansa sa
kasalukuyan. Ang magasin ay pinangalanang “Liwayway” na ang ibig
sabihin ay “Bukang-liwayway”, pagsikat ng araw o bagong simula.
Ang magasin ay mula sa ideya ni Don Ramon Roces.
Naglalaman ito ng mga nobela (prosa at komiks), maikling kuwento,
kuwentog pambata, tula, tulang pambata, sanaysay, lathalain, balita sa
showbiz, isports, iba’t-ibang paksang mga kolum. Nakapagbigay ito ng
makabuluhang ambag sa pagyabong ng panitikan at sining, at nanatili pa
rin itong nangungunang pampanitikang magasin na tagalog sa
kasalukuyan.
5.
6.
7. Kasaysayan
Si Ramon Roces ay sumikat sa kasaysayan ng
komiks dito sa Pilipinas bago pa man si Tony
Velasquez . Siya ay nagmula sa isang mayamang
pamilya na kilala sa larangan ng paglilimbag.
Taong 1916 nang bilhin niya ang pang-araw-araw
na Espanyol- ang La Vanguardia at ang Tagalog na
Taliba mula sa may-aring si Martin Ocampo.
8. Ang La Vanguardia ay kasunod ng El Renacimiento, isang
pahayagan na kung saan ang patnugot ay si Teodoro M.
Kalaw.
Itinatag niya ang English Tribune noong 1925.
Nagkaroon na siya ng newspaper triumvirate, ang Taliba-La
Vanguardia-Tribune at mas naging sikat sa tawag na T-V-T.
Taong 1922 nang pumasok sa imperya ng paglilimbag ang
anak ni Alejandro, na si Ramon Roces.
Binuo ni Ramon Roces ang iba't ibang mga bernakular na
magasin. Inumpisahan niya ito sa paglilimbag ng Tagalog
Liwayway noong 1922.
9. Photo News
Isang magasin na naglalaman ng mga balita,
sanaysay, at mga tula.
Ingles, Espanyol, at Tagalog
Hindi naging matagumpay at itinigil na ni Ramon
ang paglilimbag nito bago pa man umabot ng isang
taon.
Tinawagan niyang muli si Severino Reyes at pinili
niya ang wikang Tagalog na gagamitin nito.
10. Ang Umpisa ng Liwayway
Pinalitan ni Severino Reyes ang pangalan at
ginawang Liwayway
Kabilang na rito ang mga makatang sina:
- Jose Corazon de Jesus
- Florentino Collantes
- Julian Cruz Balmaceda
- Cecilio Apostol
11. Mga manunulat na sina:
- Lope K. Santos
- Inigo Ed Regalado
- Romualdo Ramos
- Francisco Laksamana
- Fausto Galauran
- at si Pedrito Reyes
Mga mahusay magdisenyo at mga alagad ng sining:
- Procopio Borromeo
- Jorge Pineda
- Jose V. Pereira
- P.V Coniconde
- Antonio Gonzales Dumlao
12. Ang Liwayway ay naging daan din para sa ilang mga
komiks ng Pilipino, na naging umpisa ng pagiging
matagumpay ng industriya ng komiks sa Pilipinas
katulad ng:
- Ang mga Kabalbalan ni Kenkoy (Tony Velasquez)
- Huapelo at Pamboy at Osang (J.M Perez)
- Kulafo (Francisco Reyes)
- Isang Dakot na Kabulastugan (Deo Gonzales)
- At mga kwento ni Lola Basyang
13. Nakakuha ng mga taga-suporta o isponsor ang
Liwayway:
- Coca-Cola
- Pepsi Cola
- Chesterfield cigarettes
- Zamora's Tiki-tiki
- Chrysler-Plymouth cars
- Esco shoes, Ang Tibay shoes
- at mga produkto ng Botica Boie
14. Ibang mga Magasin
1926- panibagong magasin na ang Hiwaga
1927- nailimbag ang Lingguhang Magasin na ang The
Graphic
Mga bernakular na magasin
1932- Bisaya
1934- Hiligaynon
1935- Bikolano
1940- Ilokano Banawag
1936- Liwayway Extra
15. Ilalim ng mga Dayuhan
Habang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng
mga Hapones, kinumpiska ng hukbo
ng mga Hapones ang Liwayway.
Ang pinakasikat na komiks ng
Liwayway sa buong Pilipinas ay ang
Kenkoy.
16. Kasalukuyan
Sa ngayon ay nabili na ito ng Manila
Bulletin matapos mag-iba-iba ng
may-ari.
Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin ang
Liwayway Magasin ngunit humina na
ang produksiyon nito.
--Ramon Roces “Komiks King of the Phil. / Godfather of Phil. Komiks”
-- Tony Velasquez “Father of Philippine Komiks”
--Alejandro Roces- ama ni Ramon kilala bilang “Ama ng Peryodismo sa Pilipinas)
--Ngunit Kinailangan itong ipasara dahil nagsampa ng kasong Libelo ang Amerikanong si Dean Worcester
-- Kaya naman ito'y naging malaking bahagi ng kasaysayan ng pahayagan at peryodismo sa Pilipinas.
-- dahil dito nagkaroon siya ng newspaper triumvirate , Ang Taliba ay para sa mambabasa sa wikang Filipino ang La Vanguardiaay para sa mambabasa sa wikang Espanyol at Tribune naman para sa mambabasa sa wikang Ingles.
-- Nais na sundan ni Ramon Roces ang yapak ng kanyang ama
-- ang patnugot ay si Ramon Roces at ang nobelistang si Severino Reyes. Naunang nakilala ang Liwayway bilang Photo News. Inilimbag ito sa pagitan ng 2 linggo at sa halagang 15 sentimos kada isang kopya.
-- nahahati ito sa tatlong wika upang magamit ito ng mga mambabasa gaya na lamang sa T-V-T. so sa mga mambabasa sa Ingles kailangan lamang yung bahagi na mayroong Ingles then sa Espanyol at Tagalog.
--hindi ito nagtagumpay dahil naisip ng mga mamimili yung mga kanilang babasahin ang ibang bahagi ay aksaya lamang daw ito ng perang pambayad sa ibang nitong bahagi na hindi nila maunawaan. Pumunta si Ramon sa Mindanao dahil sa lungkot at para na rin makapag-isip ngunit matapos ang 3 buwan ay bumalik siya sa Maynila dahil hindi niya matiis ang kanyang pamilya.
-- sa kanyang pagbabalik sa industriya ng paglilimbag tinawagan niya si Severino Reyes para ulitin ang Photo News at pinili niya nag wikang Tagalog.
-- Liwayway na ibig sabihin panibagong umpisa. Noong Nobyembre 18, 1922 binati niya sa unang pahina ng unang sipi ng Liwayway ang mga mambabasa niya sa Photo News at ang mga magiging tagapagtangkilik sa bagong magasin at dito niya sinabi ang bagong hitsura at nilalaman na binuhay muling magasin.
Pedrito Reyes- anak ni Severino Reyes at sumunod sa kanyang pagiging patnugot ng magasin.
Ang liwayway ang ginawa talaga upang pang-aliw sa mga mambabasa at kabilang na rin ang mga nilalaman nitong tula ay maituturing na pinakamahusay na produkto ng panitikan ng panahon.
ang mga patalastas na ito ay naging malaking tulong upang tumagal ang magasin