SlideShare a Scribd company logo
1 of 51
Popular na Babasahin
Tabloid, komiks, magasin, at mga
kontemporaryong dagli
Pahayagan (tabloid)
• Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng
print media ang kailanma’y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating
kultura.
• Ayon kay William Rodriguez,
“Sinasabing ang tabloid ay pang-masa
dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t
ilan dito ay Ingles ang midyum.”
• Buhay na buhay pa rin ang
industriya ng diyaryo sa bansa dahil
sa abot kaya lang ang presyo. Ang
katibayan nito ay ang dami ng mga
tabloid na makikita sa bangketa.
• Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung
bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong
hanap talaga ay balita, magbasa ng
tsismis, sports, literatura o di kaya’y
magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama
na yata ang lahat sa diyaryo para
magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
• Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog
ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang
midyum.
• Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin
ang tungkol sa SEX at KARAHASAN kaya’t
tinagurian itong sensationalized journalism. Ito
ay dahil sa katangian na ang magandang balita
ay nasa masamang balita.
• Mayroong humigit sa dalawampung national
daily tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.
Komiks
• Ang komiks ay isang grapikong midyum
kung saan ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.
• Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat
binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na
maaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang
higit na may lalim.
• Bagaman palagi ang paksang
katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop
ng anyo ng sining na ito na
kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang
tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
• Komiks - isang makulay at popular na
babasahin na nagbigay-aliw sa
mambabasa, nagturo ng iba’t ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino. Ang kultura ng komiks ay
binubuo ng ng mga manunulat at
dibuhista na napakalawak ng
imahinasyon.
• Sinasabing si Jose Rizal ang kaun-
unahang Pilipino na gumawa ng
komiks. Taong 1884 inilathala sa
magasing “Trubner’s Record” sa
Europa ang komiks strip niya na
“Pagong at Matsing”, halaw mula sa
isang popular na pabula ng Asya.
• Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa
bansa magmula nang lumabas ito sa
magasin bilang page filler sa
entertainment section noong 1920.
Halimbawa:
Halakhak Komiks (1946)
Pilipino Komiks (1949)
Tagalog Komiks (1949)
Silangan Komiks (1950)
• Subalit humina ang komiks sa pagpasok ng
dekada otsenta nang ipatanggal ng ilan sa
nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng
murang papel. Naapektuhan ang kalidad
at itsura ng papel. Umalis ang mga
dibuhista ng komiks sa Pilipinas at
nagtrabaho na lamang sa Amerika sa
parehong industriya.
Alfredo Alcala
Mar Amongo
Alex Nino
• Pagkatapos ng Martial Law, muling
namuhunan ang industriya ng
komiks. Sumikat sina Pablo S.
Gomez, Elena Patron at Nerissa
Cabral. Ang interes sa komiks ay
tumagal lamang hanggang 1990.
Nahumaling kasi ang mga tao sa
iba’t ibang anyo ng paglilibang.
• Carlo J. Caparas- taong 2007
tinangka niyang buhayin at
pasiglahin ang tradisyunal na
komiks sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng mga ginawa nilang
komiks caravan sa iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas.
• Ayon sa blog ni Fermin
Salvador, ‘world-class’ ang
kakayahan ng mga Pilipino sa
paglikha ng komiks.
• Mga komikerong kilala sa labas ng
Pilipinas:
 Gerry Alanguilan
 Whilce Portacio
 Philip Tan
 Alfredo Alcantara
• Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa
PASKO SA KOMIKS. “Hindi
mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang biswal
at teksto. Isang kakanyahang hindiing
hindi mamamatay sa kulturang Pilipino
hangga’t ang mga Pilipino ay may mga
mata para makakita at bibig para
makabasa– magpapatuloy ang
eksistensya ng komiks.
MAGASIN
• Hindi nawawala ang Liwayway kung
pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng ng mga maikling
kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Naging paraan ito para
mapalago ang kaalaman ng mga
Pilipino.
• Bago pa man ang digmaang
Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito
ay talaga namang inaabangan ng
mga miyembro ng pamilya at
nagiging dahilan rin ng kanilang
pagtitipon upang mabasa
lamang lalo na ang mga nobela.
Mga nangungunang magasin
sa Bansa
• FHM(For Him Magazine) - tumatayo
bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig
at iba pa.
• COSMOPOLITAN - magasing
pangkababaihan. Ang mga artikulo
dito ay nagsisilbing gabay upang
maliwanagan ang kababaihan
tungkol sa mga pinakamainit na
isyu sa kalusugan, kagandahan,
kultura at aliwan.
• GOOD HOUSEKEEPING - Isang
magasin para sa mga abalang ina.
Ang mga artikulong nakasulat dito
ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting
maybahay.
• YES!-Ang magasin ay tungkol sa
balitang showbiz. Ang nilalaman
nito ay palaging bago, puno ng
nakaw- atensyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa
mga pinakasikat na artista sa bansa.
• Metro - Magasin tungkol sa
fashion, mga pangyayari, shopping
at mga isyu hinggil sa kagandahan
ang nilalaman ng Metro.
• CANDY - Binibigyan ng pansin
ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga
batang manunulat na na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
• MEN’S HEALTH - Magasin na
nakatutulong sa kalalakihan tungkol
sa isyu ng kalusugan. Mga
pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito kung
kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
• T3 - Isang magasin para lamang sa
mga gadget. Ipinakikita rito ang
mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito. Ito
rin ay may mga napapanahong
balita at gabay tungkol sa pag-
aalaga ng mga gadget.
• ENTERPRENEUR- Magasin para
sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo.
KONTEMPORARYONG DAGLI
• Ang dagli ay isang anyong
pampanitikan na maituturing na
maikling maikling kuwento. Bagamat
walang katiyakan ang pinagmulan
nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano.
• Wala ring nakakatiyak sa angkop na
haba para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit
sinasabing kinakailangang hindi ito
aabot sa haba ng isang maikling
kuwento.
• Kilalang manunulat ng dagli:
Inigo Ed. Regalado na may talipanpang
Tengkeleng
Jose Corazin De Jesus
Rosauro Almario (Ric. A. Clarin)
Patricio Mariano
Francisco Laksamana
Lope K. Santos
• Sa pananaliksik ni Rolando
Tolentino, sinabi ni Teodoro
Agoncillo na sumulpot ang dagli
noong 1902; kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang
Muling Pagsilang na pinamahalaan
ni Lope K. Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.
• Ayon naman kay E. Arsenio
Manuel, nag-ugat ang dagli sa
panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Naging tampok ang mga ito
sa mga pahayagang Espanyol at
tinawag na Instantaneas.
• Gayunman, hindi malinaw kung
hinango nga ng mga manunulat sa
Tagalog ang ganitong anyo mula sa
mga Kastila dahil hindi pa mailinaw
kung hinango nga ng mga manunulat
sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa
mga Kastila dahil hindi pa malinaw
noon kung anong uri ang itatawag sa
akdang anyong prosa ngunit patula
ang himig.
• Nagkaroon lamang ng linaw ang
anyong prosang gaya ng maikling
kuwento at nobela pagsapit ng
1920.
• Ayon kay Aristotle Atienza,
malaking bilang ng mga dagli na
nakalap nila ni Tolentino para sa
antolohiyang “ang Dagliang
Tagalog: 1903-1936” ang
tumatalakay sa mga karanasan ng
mga lalaki sa isang patriyarkal na
lipunang kanilang ginagalawan.
• Karaniwan ding iniaalay ang dagli
sa isang babaeng napupusuan
subalit may ilan ding ginamit ito
upang ipahayag ang kanilang mga
damdaming makabayan at kaisipang
lumalaban sa mananakop na
Amerikano.
• Sa obserbasyon ni Tolentino,
nagpapalit-palit ang anyo ng dagli
mula sa harap ng pahina ng mga
pahayagan hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga
tabloid o tampok na kuwento
(feature story) sa mga kolum,
oangunahing balita (headline) sa
pahayagan at telebisyon.
• Aniya, “na-transform na ang dagli,
hindi na ito tinawag na dagli at
nagkaroon na ng ibang lehitimong
pangalan at katawagan– anekdota,
slice-of-lifem day-in-the-life, at iba
pa at lehitimasyon (pagpasok ng
ganitong uri ng kwento sa media)
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
• Karaniwang napagkakamalang
katumbas ng flash fiction o sudden
fiction sa Ingles ang dagli.
• Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila,
naunang nagkaroon ng dagli sa
Pilipinas (1900s) bago pa man
nagkaroon ng katawagang flash fiction
na umusbong noong 1990. Maari itong
nagmula sa anyong pasingaw at diga
ng magbabarkada kung kaya’t
masasabing marami sa mga probinsiya
at malalayong lugar ang nagkaroon ng
ganitong paraan ng kuwentuhan.
• Noong 2007, lumabas ang
antolohiyang “Mga Kuwentong
Paspasan na pinamatnugutan ni
Vicente Garcia Groyon.
• Taong 2011 naman nang mailathala
ang “Wag Lang Di Makaraos (100
Dagli Mga Kuwentong Pasaway,
Paaway, at Pamatay)” ni Eros
Atalia.
• Inilathala naman nitong Mayo 2012
ang koleksiyon ng mga dagli ni
Jack Alvarez na may pamagat na
“Ang Autobiografia ng Ibang Lady
Gaga”
• Sa kasalukuyang panahon, ang dagli
ay halos ihambing din sa tulang
tuluyan, pasingaw, at proto-ficton o
micro-fiction sa Ingles.
Halimbawa ng dagli na isinulat
ni Salvador R. Barros
“Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa
pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay
may malaking ipinagkakaiba.”
“Ang pumapasok sa dalawang tainga ng
babae ay lumalabas sa bibig.”
“At ang pumapasok sa dalawang tainga
ng reporter ay lumalabas sa
pahayagan.”
(Sampaguita, 8 Nobyembre 1932)
• Abdon Balde Jr., isang manunulat
- Ayon sa kanya mula sa isang pulong
ng lupon ng manunulat sa Filipinas ay
pinagtatalunan din kung ano ang
itatawag sa higit na pinaikling maikling
kuwento.
Lumabas ang “Mga Kuwentong
Paspasan” na inedit ni Vicente Groyon
noong 2007; ang mga kuwento ay
walang sukat at karamihan ay lampas
ng 150 salita.
• Si Vim Nadera ay nagpanukala na
ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni
Virgilio S. Almario, Pambansang
Algad ng Sining sa Panitikan ay
maigi ang pangalang malapit sa
flash fiction.
• Nang magpanukala si Michael Coroza
ng Iglap ay saka naisip ni Abdon
Balde Jr. ang Kislap.
• Kuwentong Isang iglap
• Kung kaya’t nailathala ang “Kislap”
ng manunulat na si Abdon M. Balde
Jr.”

More Related Content

Similar to 294895315-Popular-na-Babasahin-pptx.pptx

Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentochrisbasques
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoMckoi M
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
g8-191116034242 (2).pptx
g8-191116034242 (2).pptxg8-191116034242 (2).pptx
g8-191116034242 (2).pptxROSEANNIGOT
 
POPULAR NA BABASAHIN 8.pptx
POPULAR NA BABASAHIN 8.pptxPOPULAR NA BABASAHIN 8.pptx
POPULAR NA BABASAHIN 8.pptxROSEANNIGOT
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxFIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxmarryrosegardose
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoSandy Suante
 
kontemporaryong-panitikan
kontemporaryong-panitikankontemporaryong-panitikan
kontemporaryong-panitikansembagot
 
Kasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksKasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksJeff Austria
 
Panitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaanPanitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaancharlhen1017
 
Kontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagliKontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagliJean Demate
 
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iiiPinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iiiAnnabelle Beley
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasRajna Coleen Carrasco
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Ceej Susana
 
1 History of Comics.pptx
1 History of Comics.pptx1 History of Comics.pptx
1 History of Comics.pptxROMMELSANWONG
 

Similar to 294895315-Popular-na-Babasahin-pptx.pptx (20)

Grade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahinGrade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahin
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
g8-191116034242 (2).pptx
g8-191116034242 (2).pptxg8-191116034242 (2).pptx
g8-191116034242 (2).pptx
 
POPULAR NA BABASAHIN 8.pptx
POPULAR NA BABASAHIN 8.pptxPOPULAR NA BABASAHIN 8.pptx
POPULAR NA BABASAHIN 8.pptx
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxFIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
kontemporaryong-panitikan
kontemporaryong-panitikankontemporaryong-panitikan
kontemporaryong-panitikan
 
Kasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksKasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng Komiks
 
Panitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaanPanitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaan
 
Kontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagliKontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagli
 
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iiiPinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
 
Filipino presentation
Filipino presentationFilipino presentation
Filipino presentation
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
1 History of Comics.pptx
1 History of Comics.pptx1 History of Comics.pptx
1 History of Comics.pptx
 

Recently uploaded

Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeronapacibe55
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 

Recently uploaded (20)

Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 

294895315-Popular-na-Babasahin-pptx.pptx

  • 1. Popular na Babasahin Tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagli
  • 2. Pahayagan (tabloid) • Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. • Ayon kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.”
  • 3. • Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa bangketa.
  • 4. • Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o di kaya’y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
  • 5. • Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum. • Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sa SEX at KARAHASAN kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism. Ito ay dahil sa katangian na ang magandang balita ay nasa masamang balita. • Mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.
  • 6. Komiks • Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. • Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang higit na may lalim.
  • 7. • Bagaman palagi ang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
  • 8. • Komiks - isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
  • 9. • Sinasabing si Jose Rizal ang kaun- unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya.
  • 10. • Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa bansa magmula nang lumabas ito sa magasin bilang page filler sa entertainment section noong 1920. Halimbawa: Halakhak Komiks (1946) Pilipino Komiks (1949) Tagalog Komiks (1949) Silangan Komiks (1950)
  • 11. • Subalit humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang ipatanggal ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang sa Amerika sa parehong industriya. Alfredo Alcala Mar Amongo Alex Nino
  • 12. • Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sumikat sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang 1990. Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.
  • 13. • Carlo J. Caparas- taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
  • 14. • Ayon sa blog ni Fermin Salvador, ‘world-class’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.
  • 15. • Mga komikerong kilala sa labas ng Pilipinas:  Gerry Alanguilan  Whilce Portacio  Philip Tan  Alfredo Alcantara
  • 16. • Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hindiing hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa– magpapatuloy ang eksistensya ng komiks.
  • 17. MAGASIN • Hindi nawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng mga Pilipino.
  • 18. • Bago pa man ang digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
  • 19. Mga nangungunang magasin sa Bansa • FHM(For Him Magazine) - tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig at iba pa.
  • 20. • COSMOPOLITAN - magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
  • 21. • GOOD HOUSEKEEPING - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
  • 22. • YES!-Ang magasin ay tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng nakaw- atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
  • 23. • Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
  • 24. • CANDY - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
  • 25. • MEN’S HEALTH - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
  • 26. • T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag- aalaga ng mga gadget.
  • 27. • ENTERPRENEUR- Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
  • 28. KONTEMPORARYONG DAGLI • Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
  • 29. • Wala ring nakakatiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento.
  • 30. • Kilalang manunulat ng dagli: Inigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng Jose Corazin De Jesus Rosauro Almario (Ric. A. Clarin) Patricio Mariano Francisco Laksamana Lope K. Santos
  • 31. • Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902; kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.
  • 32. • Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas.
  • 33. • Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi pa mailinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.
  • 34. • Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920.
  • 35. • Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang “ang Dagliang Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay sa mga karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan.
  • 36. • Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.
  • 37. • Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap ng pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, oangunahing balita (headline) sa pahayagan at telebisyon.
  • 38. • Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan– anekdota, slice-of-lifem day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media)
  • 39. ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
  • 40. • Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli.
  • 41. • Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya’t masasabing marami sa mga probinsiya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
  • 42. • Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kuwentong Paspasan na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon.
  • 43. • Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay)” ni Eros Atalia.
  • 44. • Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na “Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga”
  • 45. • Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-ficton o micro-fiction sa Ingles.
  • 46. Halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros “Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.” “Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”
  • 47. “At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan.” (Sampaguita, 8 Nobyembre 1932)
  • 48. • Abdon Balde Jr., isang manunulat - Ayon sa kanya mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Filipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento.
  • 49. Lumabas ang “Mga Kuwentong Paspasan” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita.
  • 50. • Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Algad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa flash fiction.
  • 51. • Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap. • Kuwentong Isang iglap • Kung kaya’t nailathala ang “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr.”