3. Komiks
Isang midyum ng pagpapahayag na
gumagamit ng mga imahe, kadalasan may
teksto o iba pang mga anyo ng
impormasyong bawal, upang magpahayag ng
mga ideya o maghatid ng salaysay o kwento.
5. Joe Lad Santos
Komiks Writer/Novelist
Nagsulat muna ng tula at sanaysay sa Taliba, Liwayway, Mabuhay, Pilipino
Free Press at Tagumpay si Joe Lad Santos bago bumaling sa komiks nang
maging associate editor siya ng Kislap Magazine, na inilalathala ng Graphic
Arts Service Inc. Nang umangat siya sa editorial position ng naturang
publication, nahirang siyang mamatnugot ng Pinoy at Silangan Klasiks.
Noong 1981 ibinigay sa kanya ang pagiging Editor in Chief ng mga komiks
ng GASI. Hindi lang sa GASI, maging sa Counterpoint Publication ay
hinawakan din niya ang ganitong posisyon nang lumipat siya sa naturang
publication na hinawakan niya noong 90's
6. Ang ilan sa mga nobelang sinulat ni Joe Lad ay ang
“ Ina” at “Aram” na lumabas sa Aliwan Komiks
noong 1982-83.
Ang cover illustration ng nobelang "Aram" ni
Joe Lad Santos na pinagtambalan nila
ni Al Cabral
At ang kanyang nobelang "Ina" na si Mar
Santana naman ang ka-tandem niya
7. “Gumamela” sa Teens Weekly Komiks noong 1982-84
“Isulat mo sa Tubig” sa Nobela Komiks noong noong 1987-88
“Candor” na fantasy ang genre
“Walang Pagmamaliw” ang romance novel niya
“Landong Bakal” at “Kapag Nagalaw ang Pugad ng Ibon” na
nalathala sa Pinoy Klasiks noong 1976-77 at marami pang iba.
8. Bilang manunulat sa komiks, siya ang kauna-
unahang komiks writer na nagwagi ng Catholic
Mass Media Award (CMMA) noong 1979. Naging
unang pangulo rin siya ng Komiks Operation
Brotherhood (KOMOPEB) at dalawang beses na
nahalal bilang pangulo ng FAMAS.
9. Sinasabing ang bayaning si
Jose Rizal ang kauna-unahang
Filipino na gumawa ng komiks.
Noong 1884 ay inilathala sa
magasing "Trubner's Record"
sa Europa ang komiks strip
niya na "Pagong at Matsing".
Ito ay halaw ng bayani mula
sa isang popular na pabula sa
Asya.
10. Lope K. Santos
Noong 1907, inilathala ang "Lipang
Kalabaw", isang magasin na nasa ilalim
ng pangangasiwa ni Lope K. Santos.
Ang magasin na ito ay nasa wikang
Tagalog, at nagtataglay ng mga
satirikong cartoons na patungkol sa
mga Amerikanong opisyal. Ang
paglalathala ng magasin na ito ay
natigil din noong 1909.
11. Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa
simula ng 1920 bilang page filler sa mga magasing Tagalog.
Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang
muling binuhay na "Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng mga
satirikong cartoons laban sa mga Amerikano at mga
pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring ituring
na nagpasimula sa mga komiks sa Pilipinas.
12. Tony Velasquez
ay isang artistang tagaguhit ng komiks
sa Pilipinas. Siya ang itinuturing na
"Ama ng Pilipinong Komiks" o "Ama
ng Komiks sa Pilipinas
13. Nilikha ni Velasquez ang unang magkakasunod na mga
guhit pang-komiks, ang Mga Kabalbalan ni Kenkoy sa
magasing Liwayway noong 1928, na naging isang
maimpluhong akda. Noong 1947, inilunsad niya ang
Pilipino Komiks, ang aklat na may kuwento at mga
larawang nagpanimula sa industriya ng komiks sa
Pilipinas
15. Ang Pilipino Komiks ay ang
unang komiks na inilimbag ng
Ace Publication na itinatag ni
Don Ramon Roces. Si Tony
Velasquez ang nagbigay ng
tugmang pangalan nito at
naging unang patnugot. Sa
unang labas, naglimbag ang Ace
ng 10,000 kopya, na sa halagang
25 sentimos, ay kaagad naubos
sa pamilihan.
16. Naging lubhang matagumpay ang Pilipino Komiks, at mula rito nasundan
pa ito ng mga ibang babasahin: Tagalog Klasiks (Hulyo 16, 1949), Hiwaga
Komiks (Oktubre 11, 1950), Espesyal Komiks (Oktubre 20, 1952), at
humigit-kumulang 20 iba pa. Dahil dito naging pinakamalaking publishing
company ng babasahing pangmasa ang ACE sa Pilipinas nang panahong
yaon. Mula sa panahon ng pamamayagpag ng mga unang komiks hanggang
sa mailipat na ang pagmamay-ari nito sa Atlas Publications sa huling
bahagi ng 1970s ay itinuturing na “Ginintuang Panahon ng Komiks sa
Pilipinas.”
20. Taong 1986 “Komiks bilang Pambansang
Babasahin”
Tinangkilik ng mga Pilipino noon ang Komiks dahil sa umano’y madali
itong maunawaan
Ø “hindi nakasasakit ng ulo basahin”
Ø “Madadala mo kahit saan”
Ø “Nakapagpapaantok”
Ø “magaganda ang kwento”
Ø “Magaganda at nakakaaliw ang mga drawing”
Ø “murang bilhin”
21. Naingganyo ang mga mambabasa ng komiks sa
kadahilanang ang mga usapan ay sumasalamin lamang sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. May mga salitang
balbal tulad ng “datung” o pera, “bebot” o babae, “datan” o
matandang babae o lalaki, “repa” o kaibigan at iba pa.
Ang mga bulgar na salita ay piling-pili naisulat sa mga
usapan lalung-lao na ang mga mura sa sadyang tinutulang
gamitin ngunit may ilang mga malalaswang komiks o ang mga
fly-by-night publication tulad ng Bomba Komiks. Tiinangkilik
din ang komiks ng masang Pilipinong di kayang makapanood sa
mga tanghalan, pelikula at vaudeville.
22.
23. Ang Pagbagsak ng Komiks
Taong 1990 ng magsimulang humina at bumagsak ang komiks.
Video Games, Karaoke, Text Messaging at iba pang mga Electronic Media
Dahil dito ang mga gumagawa ng komiks ay bumaba ang kinikita.
Magagaling ang mga Pilipino sa larangan ng sining lalo na sa komiks kaya’t
kinuha o inalok sila ng mga Amerikano ng mas malalaking mapagkakakitaan
sa Amerika.
Dahil sa paglitaw ng iba’t ibang propesyon ang mga manlilikha ng komiks ay
naagaw ng mga propesyong ito.
Dahil dito nawala ang interes ng mga editor, publisher at iba pang
manlilikha ng komiks kung kaya’t napunta sila sa ibang propesyon.
24. Ayon kay Joe Lad Santos, kung unang pinilay ang source
(manunulat / manlilikha) babagsak talaga ang isang laranangan
na parang domino effect at hindi papatayin ng e-media ang
komiks kung may mga manunulat pa.