Tinalakay ni Prop. Reynele Bren G. Zafra ang kahalagahan at kahulugan ng komunikasyon, na tulad ng pagbabahagi ng damdamin at kaalaman, at ang mga epekto nito sa kalusugan at ugnayan ng tao. Ipinakita rin ang iba't ibang antas ng komunikasyon, katangian ng mahusay na komunikator, at mga sagabal sa epektibong komunikasyon, kabilang ang interkultural na komunikasyon. Ang mga tuntunin para sa mahusay na komunikasyon ay nakatulong sa pagbuo ng mas malinaw na mensahe at pagbawas ng hindi pagkakaintindihan.