2. Ano ang KKK? Bakit separasyon, hindi asimilasyon, ang pangunahing layunin nito?
Paano tumugon ang mga Pilipino sa samahang ito?
Kinagabihan ng Hulyo 7, 1892, sa gitna ng
tensyon, isang radikal sa kilusan ang isinilang—
ang KKK.
3. Pag-aralan Natin
Noong 1892, limang araw matapos itatag ang La Liga Filipina,
ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Ang pangyayaring ito ay nagpalala ng
tensyon sa bayan dahil sangkot dito ang isang tinitingalang kalahi.
Kaya, noong gabi ng Hulyo 7, 1892, nagpulong sa Azcarraga (ngayon
ay Claro M. Recto Avenue) sina Andres Bonifacio, Teodoro Plata,
Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Valentin Diaz, at iba pang makabayan
upang buuin ang isang samahang tinawag na Kataastaasang Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan. Ito ay
isang lihim sa kilusan laban sa kolonyalistang Espanya.
4. Sama-samang nangako ang mga kasapi, gamit ang sanduguan o blood compact, kung saan
pumirma sila sa dokumento ng pagsapi gamit ang kani-kanilang dugo.Ginamit nila ang
sistemang tatsulok upang mas mabilis na makakalap ng mga bagong kasapi. Madali lamang
isagawa ang sistemang tatsulok. Ang isang kasapi, halimbawa ay si A, ay maghahanap ng
dalawang bagong kasapi, si B at C. Si B at C ay hindi magkakilala (bilang katipunero), ngunit
pareho nilang kilala si A . Si B at C ay kukuha rin ng mga bagong kasapi at magpapatuloy ang
ganitong sistema. Naging mabisa ang paraang ito ng pagkalap sapagkat mabilis na dumami ang
mga katipunero. Subalit, dahil lihim ang samahan, nagpasya ang pamunuan ng KKK na palitan
ang paraan ng pagkalap—ang sistemang mason. Sa bagong paraang ito, ang mga aplikante ay
nakapiring (may takip ang mga mata) na papasok sa madilim sa silid. Sasagutin ng bawat isa
ang tatlong tanong:
1. Ano ang kalagayan ng Pilipinas bago dumating ang mga
Espanyol?
2. Ano ang kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng
mga Espanyol?
3. Ano ang magiging kalagayan ng Pilipinas kung mananatili
ang mga Espanyol sa Pilipinas?
5. Mga Mithiin at Estruktura ng Katipunan
Nagkaroon ng tatlong pangunahing misyon o layunin ang Katipunan, kabilang na ang
sumusunod:
● Pulitikal - patuloy na paglaban upang maihiwalay ang Pilipinas mula sa Espanya
● Moral - pagtuturo ng magandang asal at pagtatakwil ng bulag na paniniwala
● Sibiko - pagtulong sa kapwa at pagtatanggol sa mahihirap at mga inaapi
6. Kung susuriin ang estruktura ng Katipunan, mahihinuha
na ito ay naimpluwensiyahan ng Masonerya. May tatlong
pamunuan ang estruktura ng Katipunan: ang Kataas-
taasang Sanggunian (Supreme Council), ang
Sangguniang Bayan (Provincial Council), at ang
Sangguniang Balangay (Popular Council). Ang Kataas-
taasang Sanggunian ay ang pinakamataas na pamunuan
ng Katipunan at kasama rito ang pangulo, piskal, kalihim,
ingat-yaman, at tagapamagitan (interventor). Ang
Sangguniang Bayan at Sangguniang Balangay ay
kumatawan sa mga probinsiya o bayan kung saan ang
bawat isa ay may konsehong kagaya ng sa Kataas-
taasang Sanggunian. Ang sangay hudisyal ng samahan
ay kinilala bilang Sangguniang Hukuman (Judicial
Council).
7. May tatlong uri ng kasapi ang Katipunan. Ang una ay tinawag na
Katipon, sila ay nagsusuot ng itim na talukbong na may nakasulat na
mga letrang Z.Ll.B sa pagpupulong. Ang mga letrang ito ay
tumutukoy sa salitang “Anak ng Bayan” na siya ring kontrasenyas o
password ng unang uri. Ang ikalawang uri ay ang Kawal na
nagsusuot ng berdeng talukbong. “Gomburza” ang kanilang
kontrasenyas. Ang ikatlong uri ay ang Bayani na nagsusuot ng
pulang maskara. Ang kontrasenyas para sa grupong ito ay “Rizal.”
Sa tatlo, pinamakataas ang posisyon ng Bayani.
8. Noong 1892, nagkaroon ng eleksiyon kung saan naihalal ang sumusunod bilang
unang konseho ng samahan.
Sa isang pagpupulong noong 1893, hindi ikinatuwa ni
Bonifacio ang kakulangan ng pagkilos ni Arellano bilang
pinuno. Minarapat niya na palitan ito, at iniluklok si Roman
Basa bilang bagong supremo ng Katipunan. Subalit, noong
1894, napagtanto ni Bonifacio na si Basa ay kagaya rin ni
Arellano. Nagpatawag siya ng pagpupulong at tinanggal din si
Basa sa kaniyang posisyon. Sa resulta ng eleksiyon, naluklok
si Bonifacio bilang bagong supremo.
9. Si Emilio Jacinto naman ang kaniyang naging
piskal. Matapos ang isa pang pagbabago sa
pamumuno, noong Agosto 1898 bago pa
madiskubre ang Katipunan, ang huling konseho
ng samahan ay binuo ng sumusunod.
10. Mga Lider ng Katipunan
Andres Bonifacio
● Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo, Maynila
noong Nobyembre 30, 1863. Lumaki sa hirap si Bonifacio, at
hindi siya nakaranas ng isang masaganang buhay.
● Tinagurian siya bilang “Ama ng Rebolusyon.”
● Namatay si Bonifacio noong Mayo 10, 1897 sa Maragondon,
Cavite sa pamamagitan ng pagbaril kasama ng kaniyang
kapatid na si Procopio. Ang dalawa ay hinatulan ng
kamatayan ng hukuman ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo
matapos mapatunayang “nagkasala” ng sedisyon at
pagtataksil sa mga Magdalo. Ang usping ito ay nananating
isang malaking kontrobersiya.
11. Emilio Jacinto
● Si Emilio Jacinto ay ipinanganak sa Tondo, Maynila
noong Disyembre 15, 1875. Siya ang tinaguriang
“Utak ng Katipunan” dahil sa natatanging galing at
katalinuhang taglay niya.
● Si Jacinto ang may-akda ng Kartilla, ang opisyal na
turo ng Katipunan para sa mga kasapi nito.
● Namatay si Jacinto noong Abril 16, 1899 sa Majayjay,
Laguna dahil sa malarya (dulot ng kagat ng lamok).
12. Ang Paglawak ng Katipunan
Ang pag-iimprenta at pagpapakalat ng opisyal na pahayagan
ng Katipunan, ang Kalayaan, kasama ang mga akdang
nilalaman nito, ay pumukaw sa damdamin ng mga
mamamayan ng Gitnang Luzon.
13. Kababaihan sa Katipunan
Sa umpisa, walang babaeng kasapi ng Katipunan. Subalit, dahil
pinagmumulan ito ng duda at away ng mag-asawa, pinayagan na ring
sumapi ang kababaihan. Ang mga unang babaeng kasapi ay mga
kamag-anak o kapamilya ng mga katipunero. Mahala rin ang papel na
ginampanan ng mga babae sa KKK. Narito ang ilan:
1. Bahagi ng pagtatago ng mga sikreto at dokumento
2. Nagsilbing manggagamot ng mga maysakit na katipunero
3. Tagahikayat ng mga bagong kasapi
4. Tagabigay ng suportang moral
5. Tagapaghatid at tagakalap ng impormasyon