2. 1. Natutukoy ang mga panganib na dulot
ng hindi wastong pagbasa ng food
labels.
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
pagbasa ng mga food labels sa pagpili
at pagbili ng mga pagkain.
12. MGA PANGANIB NA DULOT
NG HINDI WASTONG
PAGBABASA NG FOOD
LABELS
13. kung makakain ng sirang pagkain
(expired), maaaring magsuka, sumakit
ang tiyan, o makakuha ng mga mikrobyo
at magkasakit.
14. may mga pagkaing naglalaman ng
allergens o mga mikrobyong maaaring
magdulot ng allergies tulad ng
paghahatsing,
pangangati, hirap sa paghinga, pagkahilo,
at iba pa.
15. ang anumang kulang o sobra ay masama
sa katawan. Makukuha ang tamang sukat
ng pagkain sa pamamagitan ng
pagbabasa ng Nutrition Facts.
16. kung hindi sa refrigerator nakalagay ang
pagkain, maaari itong masira agad.
Samantala, maaari namang mapanatili ang
pagkasariwa at pagkamasustansiya ng
pagkain kung ito ay maitatabi nang wasto
at tama.
17. kung makabibili ng pagkaing sira at
panis na, maaaring
mag-aksaya lamang ng pera.
24. 4. Ang pagbabasa ng food
labels ay paraan upang
makatipid ng pera.
25. 5. Maaari pang kainin o
inumin ang isang produkto
matapos ang Expiry Date
nito.
Editor's Notes
Tayo muna ay manalangin bago natin simulan ang ating talakayan.
Handa na ba kayo para sa bagong kaalaman ?
Mabuti naman
Humandang makinig sa araw na ito dahil may mahalaga tayong tatalakayin para sa ating maayos at malusog na kalusugan
Bago natin simulan ang ating talakayan, kailangang maintindihan muna natin kung ano ba ang ating layunin para sa aralin ngayong araw.
Tingnan ang mga larawan na nasa monitor at sabihin kung ano nakikita o masasabi ninyo sa larawan.
Gusto niyo bang maranasan ang inyong mga nakita ?
Makinig nang mabuti sa ating tatalakayin sa araw na ito upang maiwasan natin ang aking mga ipinakita sa inyo.
Gusto niyo bang maranasan ang inyong mga nakita ?
Makinig nang mabuti sa ating tatalakayin sa araw na ito upang maiwasan natin ang mga nakita nating mga larawan.
Ngayon kunin at ilabas ninyo ang pakete ng inyong paboritong pagkain.
Tingnan ang bahagi ng katawan na aking ipapakita na isasagawa ng inyong grupo.
Anong bahagi ng ating katawan ang dapat na gamitin upang malaman ang nilalaman ng bawat produkto?
Mahalaga ba na dapat nating basahin ang food labels ng mga pagkaing ating kakainin ?
Bakit ?
Talakayin at isa-isahin natin ang mga panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng food labels
Mahalagang malaman ang tatak, uri at manufacturer ng pagkain kung may depekto o sira ito para maiwasan ang pagsakit ng tiyan, pagsusuka at
pagkakasakit.
Mahalaga na mabasa natin ang food label upang makakuha ng babala tungkol sa nilalaman ng pagkain tulad ng allergens na maaaring magdulot ng
reaksyon sa katawan.
Isa pa sa kahalagahan ng pagbabasa ng food label ay upang maintindihan ang nutrisyong nilalaman ng pagkain para sa wasto at balanced diet.
Mahalaga rin na mabasa natin ang food label upang malaman kung paano mapapanatiling sariwa ang pagkain at hindi agad masira o mapanis.
Upang makakuha ng impormasyong maaaring ihambing sa iba pang food labels para sa mas wais na pamimili, mahalaga ang pagbabasa ng
mga food labels.
May ipapaikot ako na kahon, kumuha kayo ng isa sasabayan natin ng pag awit ang pag ikot ng kahon (Ipasa ang kahon). Sa mga nakakuha ng salitang larawan pumila sa bandang kaliwa, sa mga nakakuha ng salitang sakit pumila sa bandang gitna at yung nakakuha ng epekto pumila sa bandang kanan.
Ngayon, hanapin ninyo ang inyong mga katambal. Ang makakakuha ng tamang magkakatambal ay may sorpresang matatanggap.
( Tumawag ng bata na magsasagawa ng ayos tambal sa mga hindi akma o tugmang tambal kambal. )
Ngayon, gawin nating isang tsart ang nagawa nating tambal kambal.
( Ipadikit sa mga bata sa tsart ang mga nakuha nilang tambal kambal at ipabasa ito nang malakas sa mga bata. )
Kunin ang inyong show me board
Isulat ang FACT kung ang pahayag ay tama at BLUFF kung mali ang pahayag.
( Tumawag ng isang bata upang ipakita sa powerpoint ang tamang sagot)
Basahin at unawain ang food label.
(Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang sariling opinyon ayon sa kanilang pagkatuto sa araling tinalakay)
Sino sa inyo ang gustong magbasa ng isang sulat mula kay Doktor
Abraham ? Mayroon siyang gustong ipaabot sa ating lahat.
Ngayon masusukat at malalaman natin kung talagang may natutunan kayo sa ating araling tinalakay ngayon.
Basahin at unawain ang panuto upang makasagot ng maayos at tama.
Ipamahagi ang test paper