Pananaliksik sa filipino- Isla ng Corregidor: Gumuhong Hiyas ng Kasaysayan
1. 1
Pananaliksik tungkol sa “ Isla ng Corregidor: Gumuhong
hiyas ng kasaysayan”
Misamis University
Bilang pangangailangan
sa Filipino 1
Ipinasa ni :
John Jacob Ezekiel B. Cais
Oktubre 2018
3. 3
PASASALAMAT
Buong-pusong nagpapahatid ng pasasalamat ang mananaliksik sa mga sumusunod na
indibidwal o mga lupon ng tao na nagsilbing mga gabay, tagasuporta, at instrumento
magmula pa lamang sa umpisa hanggang sa pagtatapos ng pananaliksik:
Una at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos sa pagbibigay ng kaalaman, sipag, tiyaga
at pagmamahal na pawang natatanggap ng mananaliksik mula sa pamilya’t mga kaibigan na
naging kaagapay laban sa anumang problema sa kontemporaryong panahon.
Kay Binibining Christine Joy Adarlo, kapita-pitagang guro sa Filipino 1, sa kaniyang
hindi matatawaran na angking talino, husay, pasensya, at mga aral sa buhay na siyang
nagpalawig sa mumunting pananaw ng mga estudyanteng binibigyan niya ng motibasyon sa
araw-araw niyang pagtuturo. Taus-pusong pasasalamat din sa paglalaan ng sapat na oras para
maisakatuparan ang pananaliksik.
Sa magulang, sa kanilang walang humpay na pagmamahal at pag-unawa sa mga
panahong mas nangingibabaw ang kalungkutan kaysa sa galak. Maraming salamat sa mga
sakripisyong inyong nagawa para lamang sa ikabubuti ng anak. Walaang mananaliksik kung
hindi dahil sa inyo.
Hinding-hindi magpapahuli ang mga kaibigang nagbibigay kasiyahan at inspirasyon
sa likod ng mga nag-uumpaw na paghangos. Sa pamilya STEM 11-C, karangalan ang
makasama kayo sa aking pamamakay tungo sa rurok ng tagumpay.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat!
- John JacobEzekielCais
4. 4
PAGHAHANDOG
Ang kabuuan ng yaring pananaliksik ay taus-pusong inaalay ng mananaliksik sa lahat
ng mga sumusunod na taong naging bahagi ng proseso:
Sa mga magulang, Gng. Evangeline Cais at G. Errol Santos Cais III, na naging
kaagapay at nagsilbing lakas ng loob ng mananaliksik upang maipagpatuloy ang laban para
sa kinabukasan.
Sa mga kasanggang mga guro, lalong lalo na kay Binibining Christine Joy Adarlo, sa
pagsisilbing daan upang mas maimulat pa ng mananaliksik ang kaniyang perspektibo hinggil
sa mga tagong kayaman ng kaniyang tinubuang lupa.
Sa lahat ng mga kapwa mag-aaral, kaibigan o mga kakilala na naging parte upang
maisakatuparan ang ideya’t plano ng mananaliksik.
Ang pananaliksik na ito’y mumunting alay sa inyo.
- John JacobEzekielCais
5. 5
KABANATA I
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ay para sa layong matuklasan at maipamahagi
ang pinagyamang istorikal at pang turismong sektor ng Isla ng Corregidor. Ibinigay dito ang
kasaysayan ng Isla ng Corregidor magpalalo na sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na siyang naging dahilan ng pagkaguho ng Corregidor, ang mga naiwang yaman.
Inilahad rito ang samu-saring impormasyon o datos na siyang makatutulong upang mabuksan
at mapalawig pa ang kaalaman ng sinumang mambabasa.
Batay sa pananaliksik, kababalaghan man ang umaalingasaw sa kabuuan ng
isla ngunit nag-uumapaw naman ang mga magagandang tanawing kakaharapin ng sinuman
katulad na lamang ng Mile-Long Barracks, Middle-Side Barracks, Soldier Quarters at Old
Haunted Hospital. Ang mga ito’y nagbuklod upang makapag-ambag sa turismo ng ating
bansa. Sa pananaliksik na ito ay mabibigyang pagpapahalaga at pagtanggap ang mga
gumuhong hiyas katulad ng Corregidor.
6. 6
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na may paksang “Corregidor: Gumuhong hiyas ng
kasaysayan” ay naglalayong bigyan ng kasagutan ng mananaliksik ang mga
sumusunod na mga katanungan:
Ano ang Isla ng Corregidor at saan ito matatagpuan?
Anong ang makasasayang nagdaan ng Corregidor?
Maaari bang makatulong ang Corregidor, upang umunlad ang turismo ng Pilipinas.
Kung meron, anu-ano ang mai-aambag ng Isla ng Corregidor sa pang-turismong
aspekto?
May kahalagahan ba ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan ng yaong lugar?
Ang pagtakilik ba sa gumuhong isla ng Corregidor ay magpapamulat at
pagpapalawig sa isipan ng mga kabataan sa pangkasaluyang panahon?
7. 7
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Cavite, isa sa mga bayang pinagkaitan ng kalayaan ng mga dayuhang mananakop at
pinakana-impluwensiyahan pagdating sa aspekto ng kultura at kasaysayan.
Ang lungsod ng Cavite ay masasabi natin na sa isa sa matatag at napakaraming
istoryang lungsod. Ito ay nasasakupan ng rehiyon ng CALABARZON kasama ang Laguna,
Batangas, Rizal at Quezon.
Ang pag-aaral ng mananaliksik ay nakatuon sa Isla ng Corregidor, ang isla napapaloob
sa probinsiya ng Kabite na hitik sa kwento ng kalayaan ng Inang Bayan. Ang mga
natatanging layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:
1) Maimulat at mapalawig ang isipan ng mga tao sa ginintuang kasaysayan ng Isla ng
Corregidor
2) Maiusbong ang istorikal at pang-turismong sekto ng lugar
3) Puksain ang misteryosong pananaw ng mga tao sa gumuhong hiyas ng kasaysayan
4) Mabigyang kahalagahan ang mayamang nakaraan at ambag ng Cavite sa pagkamit ng
kalayaang pambansa
8. 8
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay naglalayong magbigay katarungan sa anumang katanungan o
misteryong humahawi sa isipan ng mga mamamayan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga
makabagong impormasyon ukol dito, maaaring mabigyang pagkakataon ang pag-unlad ng
turismo, kultura at pagkakakilanlan ng tinubuang lupa. Malaking tulong ang pag-aaral sa mga
sumusunod na mahahalagang tao:
Sa mga guro, makatutulong ang yaring pananaliksik upang makapamahagi ng
karagdagang kaalaman sa mga nasasakupang mag-aaral na may kaugnayan sa mga
pangyayari sa nakaraan. Nakatutulong rin ito upang hindi lamang nila gamiting batayan ang
mga pahayagan, telebisyon at kanilang mga sariling pananaw patungkol sa nasabing paksa.
Sa mga ulirang mag-aaral, makakapagkalap ng mga kongkretong datos pang-kultural,
pang-kasaysayan at pambansa na magagamit sa mga asignatura, proyekto at samu-samu
pananaliksik. Ang mga kaalamang kanilang matatamo ay hindi lang magagamit ng
kasalukuyan henerasyon kung hindi pati na rin sa mga susunod pa na salin-lahi.
9. 9
SAKLAW AT LIMITASYON SA PANANALIKSIK
PAKSA:
Ang pananaliksik ay nakatuon sa isang partikular na pook sa lungsod ng Cavite, ang
Isla ng Corregidor. Isang prominenteng lugar na sinakop ng mga dayuhang
(partikular: Hapones) na bahagyang kinakatakutan at ninanakawan ng tingin mapa-
lokal o dayuhan ma na mga indibidwal.
ASPEKTO NG PAG-AARAL:
Ang yaong pag-aaral ay maaaring maisagawa’t maisakatuparan sa pamamagitan at sa
tulong sari-saring mga pook-sapot o website, pahayagan, telebisyon o mga libro na
pumapalibot sa kasaysayan ng Pilipinas.
LIMITASYON:
KAILAN:
Ang pananaliksik ay nag-umpisa sa buwan ng Oktubre, unang semester ng
Unibersidad ng Misamis, lungsod ng Ozamiz sa taong 2018.
SINO:
Ang pananaliksik ay para sa estudyanteng nasa baitang-11 sa Unibersidad ng Misamis
(Ozamiz) .
SAAN:
Ang pananaliksik ay nakasentro sa Ika-apat na Rehiyon 4A- CALABARZON sa Isla
ng Corregidor.
10. 10
KABANATA II
Lokalna Literatura
Ang probinsiya ng Kabite ay pinamumugaran ng mga istorikong lugar, museo,
katatangi-tanging hardin at pasilidad pang-libangan. Ito ay ang pook kung saan isinilang ang
lupon ng mga magigiting na bayaning Pilipino at ang natatanging lugar na may malaking
kaugnayan sa Rebolusyon. Isa mga makasaysayang lugar dito ay ang Isla ng Corregidor
(Jhaypee,2012).
Ayon sa GMA News Online , isang historical landmark ang Isla ng Corregidor dahil sa
mahalagang bahagi nito sa nagdaan ng Pilipinas. Susi ito sa pagbagsak at kinalaunan ay
paglaya ng Pilipinas, kasama ng mga grupo ng mga Amerikano, mula sa kamay ng mga
Hapon noong Ikalawang Digmang Pandaidigan . Halos pitong dekada makalipas ang World
War II, bakas pa rin ang mukha ng giyera sa Isla ng Corregidor. Naroroon pa rin ang mga
kanyong nagsilbing depensa sa mga kalaban
Dagdag pa ni Kimpy Olivar, ang isla ay tanyag sa pagiging tahanan ng mga hindi
matahimik na mga kaluluwa na kadalasan ring nagpapakita sa lugar . Ang mga kaluluwa ay
ang mga pinaniniwalang isang libong taong namatay noon sa kasagsagan ng digmaan.
Pawang tinalsikan ng dugo ang mga bato pumapalibot sa baybayin.Tunog ng mga
nagmamartsang sundalo ang umaalingasaw sa kabuuan ng isla sa pagsapit ng gabi. Sa kabila
ng mga kagimbal-gimbal na mga kwento ay dinadayo pa rin ito ng mga dayuhan at mga
lokal, lalo na ang kariktan ng Malinta Tunnel na siyang nagsilbing taguan ng mga Pilipino
noon.
11. 11
Sa paglilibot ng mga paa ni Estan Cabigas sa gumuhong ginintuang isla, may nabuo
siyang listahan ng sampung aktibidad na maaring gawin sa Isla. Lima (5) sa mga ito ay ang
mga sumusunod:
Una ay ang pagbisita sa mga nawasak na mga gusali tulad na lamang ng Mile-Long
Barracks, Middle-Side Barracks, Soldier Quarters at Old Haunted Hospital na mismong
nagbibigay gunita sa nakakamatay na hagupit ng digmaan mag-iisang siglo na ang nakaraan.
Ikalawa, pagbibigay pugay sa mga nasawing sundalo sa “Eternal Flame of Freedom”.
Kasunod nito ay ang paglakbay sa Malinta Tunnel na siyang pangunahing layon ng paglilibot
(₱200 ang kaukulang singil sa kasalukuyan). Lumilikha ng mahabaging ingay at ilaw ang
looban ng lagusan na siyang nagbibigay aliw sa mga dumadayo rito. Pang-apat, maglibot-
libot sa buong isla sa pamamagitan ng trambiya ,isang sasakyang panriles; lakbayin ang
Cordillera Inn hanggang sa Timog Dalampasigan. Higit sa lahat, sisirin ang “Bloody Beach”
na siyang sumisimbolo sa dugo ng mga Pilipino, Hapon at Amerikanong sundalong nasawi sa
World War II.
“ Ang Isla ng Corregidor ay pawang tulog (turismo) sa loob ng mahaba-habang
panahon. Naririto tayo ngayon upang pukawin ito, at mapalago ang pandaigdigang
presensiya nito na magbibigay ng napakaraming turista sa Corregidor sa lalong madaling
panahon”, ani Cynthia Carrion, Presidente at CEO ng Corregidor Foundation, Inc.
12. 12
Dayuhan na Literatura
Sa pagbabalik-tanaw ni Pam,“ Corregidor Island is known for its many historical
significance in the country. For one, it became the the seat of the Philippine Commonwealth
Government in 1941. It also became the headquarters of the Allied Forces during Japanese
occupation in the Philippines in 1942. Later that year, the Battle of Corregidor took place in
the island, as a culmination of the Japanese campaign to conquer the Philippine government.
A lot of Filipino, American and Japanese lives were lost during the battle as the island was
the last remaining obstacle that will allow the Japanese to have full control of Manila Bay.”
Dagdag pa ng mga editors ng Encyclopaedia Britannica, the Corregidor (2-square-
mile [5-square-km]) island, part of the province of Cavite, has long been considered a
natural fortress. The Spanish fortified it in the 18th century, when it was used as a registration
(corregidor) site for ships entering the bay. After the Spanish-American War, the island
became a U.S. military station, and an elaborate system of tunnels and emplacements was
constructed.When Japan invaded the Philippines (December 1941),Gen. Douglas
MacArthur chose Bataan and Corregidor Island as his major defense positions. Bataan fell on
April 9, 1942, and Corregidor Island became the last outpost of organized resistance in the
islands. Lieut. Gen. Jonathan M. Wainwright and his forces repelled the invaders for 27 days,
until May 6, 1942, when they were forced to surrender Corregidor Island to Lieut.
Gen. Homma Masaharu. U.S. forces regained the island in 1945.
When the 75th anniversary of the Fall of Corregidor was commemorated last May,
Defense Secretary Delfin Lorenzana pointed out how the island also highlights the “strong
13. 13
relationship” between the Philippines and the United States. “This is very important because
the Filipinos and Americans fought side by side here,” he said.
Aside from the actual war relics, other structures that serve to remind the public of
Corregidor’s value were put up on the island years later, including the Pacific War Memorial,
made up of a rotunda under a dome, and a museum.
Artemio Matibag, executive director of the foundation, laments the decline in the
number of Japanese visiting the island in the last few years. “Japanese World War II veterans
cannot travel abroad anymore, and the young generation or relatives of World War II
veterans are less interested in history,” he noted.
Ayon kina Xhiliola at Merita (2009), naging importanteng sector na ang turismo na
siyang may malaking ambag at dulot sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang mga
pangunahing benepisyo ng turismo ay ang pagtaas ng kita at pag-usbong ng bilang ng
trabaho. Para sa ibang rehiyon at bansa, ito ang pangunahing pinagkukunan ng tulong
pinansiyal para sa mga kapus-palad.
The World Economic Forum’s annual Travel and Tourism Competitiveness Report
shows that developing our nation’s tourism industry goes beyond effective social media
campaigns extolling our well-known warmth and ability to deal creatively with everyday
challenges. In order to remain viable, the report notes travel and tourism needs to be
supported by an “enabling ecosystem” which includes modern infrastructure in the form of
public transportation and airports, a suitable business environment, safety and security,
government policies advancing tourism, competitive pricing, and of course natural and
cultural resources.
14. 14
KABANATA III
Pagbubuo ng Balangkas
A. Panimula
Hindi nating maipagkakaila na ang Cavite ay isa sa mga tanyag na lugar sa Pilipinas
kung saaan matatagpuan ang napakayamang kultura at mga tradisyon Ang probinsiyang ito’y
matatagpuan sa Rehiyon 4A-CALABARZON. Ito’y pook rin kung saan maraming bayani
ang umusbong. Bilang bahagi ng bansa at ang pagkakabahagi nito sa walong sinag ng araw
mga kamay ng mga banyagang mananakop. Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang
pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Higit sa lahat
ay pinamumugaran ang Cavite ng naggagandahang mga tanawin katulad na lamang ng Isla
ng Corregidor.
B. Katawan
Ang Isla ng Corregidor ay tinaguriang “historical landmark” marahil na rin sa
malaking naiambag nito sa kasaysayan ng ating lupang tinubuan. Ang Corregidor ay isang
pulong nakapwesto sa bukana ng Lungsod ng Maynila. Dahil sa kinalalagyan nito, nagsilbi
ito bilang pangunahing tanggulan para sa lungsod ng Manila at sa mga karatig-bayan nito. Sa
panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naganap ang maraming labanan, maging
ang pagbagsak nito at ng mga kapuluan ng Pilipinas na napasa sa mga Hapon. Ito ay
pinangangasiwaang ngayon ng Lungsod ng Cavite na sakop rin ito. Ngunit , ang Isla ay kilala
hindi lamang sa nakakabibighani nitong ganda kung hindi pati na rin ang hatid nitong gimbal
15. 15
sa lahat. Gabi-gabi’ y umaalingawngaw ang nakakatindig-balahibong martsa ng mga
namayapang sundalo sa kabuuan ng isla. Kalakip pa nito ay ang kakaibang pulang mga
batong animo’y dugo ng mga taong nag-alsa noong World War II para sa kanilang kalayaan,
isa na sa mga dugong ito ang dugo ng mga Pilipino. Sa kabilang dako ay napapawi naman ng
tunay ng ganda ng Corregidor ang mga kwentong ito sapagkat napakaraming magagandang
tanawin ang makikita rito katulad na lamang ng Mile-Long Barracks, Middle-Side Barracks,
Soldier Quarters, Old Haunted Hospital, Eternal Flame of Freedom, Pacific War Memorial,
Malinta Tunnel, Japanese Garden of Peace, and Corregidor Lighthouse. Ang bawat isa ay
may natatanging kwento na tiyak ay kawiwilihan at kahahangaan ng pangkasalukuyan at
panghinaharap na henerasyon.
C. Kongklusyon
Ang isla ng Corregidor ay may malaking kontribusyon pagdating sa pang-turismong
sektor ng Pilipinas. Umaakit ito ng libo-libong bisita kada buwan na siya ring dahilan ng
pag-alsa’t pag-unlad ng turismo. Datapwat sa kasalukuyan, turismo ang isa sa mga
elementong makakapaghatid sa ating ng kasaganahan at asenso. Ayon nga kay Cynthia
Carrion, ang Corregidor ay pawang tulog pa rin sa turismo kung kaya’t hindi pa tuluyang
nabibigyang pansin ang kalahatan ng isla. Ngunit hindi dapat mangamba dahil may pag-
asang nakaabang hangga’t patuloy pa rin itong pini-preserba at pinakaiingatan ng Corregidor
Foundation, Inc.
16. 16
BIBLIOGRAPIYA
Guia, Jhaypee (2012, June 20). Cavite: The history capital of the Philippines
GMA Network (2015). Corregidor: Gumuhong alaala ng kasaysayan
Olivar, Kimpy (2014). Mystical Nation: 8 Strangest Places in the Philippines
Cabigas, Estan (2014). 10 Things to do to have a great time in Corregidor
Custodio, Arlo (2018). Corregidor Island — a memorial, wellness and faith tourism
destination
Xhiliola Agaraj & Merita Murati, (2009). "Tourism an Important Sector of Economy
Development," Annals - Economy Series, Constantin Brancusi University, Faculty of
Economics, vol. 1, pages 83-90, May.
Baroro, Pam (2016, June 13). 12 Notable Sites in the Philippines Every History Buff
Must Visit
Editors of Encyclopaedia Britannica. Corregidor Island
Calunsod, Ronron (2017, Aug. 10). Corregidor stands as Silent Sentinel of Philippine
history
Puhm, Christopher (2017) These Are The Key Factors That Keep Tourists From
Visiting The Philippines
17. 17
Curriculum Vitae
I. PersonalInformation
Name : John Jacob Ezekiel B. Cais
Address : Jimenez, Misamis Occidental
Contact No. : 09465061179
Email Adress : johnjacobcais@gmail.com
Nickname : JJ
Birthdate : January 22, 2002
Birthplace : Sta. RosaLaguna
Age : 16
Nationality : Filipino
Religion : Roman Catholic
Civil Status : Single
Father’s Name : Errol Santos A. Cais III
Mother’s Name : Evangeline B. Cais
II. EducationalBackground
Elementary : Tabo-o Elementary School
Batch 2013-2014
Junior High School : Tabo-o Integrated School
Batch 2017-2018
Senior High School : Misamis University
H.T Feliciano St. Aguada, Ozamiz City
Grade 11- STEM C (at present)