SlideShare a Scribd company logo
1 of 18
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Kalis: Ang Pilipinong Sining ng
Pakikipaglaban Noong Dating Panahon
Panunuring Artikulo
Ni: Leila Lizarondo
BSA 1-5
Ipinasa kay: G. Arvin Pingul
Orihinal na May-akda:
Lorenz Lasco
https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco
lzlasco@gmail.com
Citation:
Lorenz Lasco, “Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon.”
Dalumat EJournal 2, no. 2 (2011): 1-17. Accessed June 29, 2021.
https://www.academia.edu/46210056/Kalis_Ang_Pilipinong_Sining_ng_Pakikipaglaban_
Noong_Dating_Panahon
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Pilipinas. Arkipelagong mayaman sa kultura at kasaysayan. Ang mga pangyayaring
naganap noong libong taon na ang nakakaraan ay tiyak na nag-iwan ng mga yapak na ating
sinusuri sa kasalukuyan. Ang mga pangyayaring nagtatag ng panibagong panahon at panibagong
kultura na siyang ating kinalakihan ngunit ano nga ba ang nakaraan ng mga Pilipino? Ang
Pilipinas bago maging kolonya ng mga mananakop. Kulturang hindi pa nagagalaw ng mga
banyaga. Kung ating ililista ay tiyak na hindi mabibilang sa dami ng mga ito ngunit ang ating
pagtutuonan ng pansin sa papel na ito ay ang sining ng pakikipaglaban noong dating panahon.
Ang artikulong susuriin sa papel na ito ay pinamagatang: Kalis: Ang Pilipinong Sining ng
Pakikipaglaban Noong Dating Panahon ni Lorenz Lasco. Nabibilang ang artikulong ito sa
Dalumat E-Journal. Isang multi-kultural at multi-disiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino.
Ang Dalumat E-Journal ay nasa kategoryang cultural studies, psychology, social, urban
sciences. Inilathala ng Networked Learning PH, Inc. noong 2010 ang unang tomo.1 Ang
artikulong Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon ni Lorenz
Lasco ay kabilang sa Tomo 2 Bilang 2 ng E-Journal sa ilalim ng Kasaysayan at Kalinangang
Bayan na kategorya. Nalathala noong 20112, binubuo ng 17 na pahina kabilang na ang pabalat na
pahina at ang bibliograpiya. Napapaloob sa artikulong ito ang kasaysayan ng Kali, pilipinong
sining ng pakikipaglaban. 3 Ang etimolohiya ng salitang Kali, ang mga pagbabagong dinaanan
ng salita ang sanhi nito, at ang pag-unlad ng sining ng pakikipaglaban ng Pilipino sa pagdaan ng
panahon.
Ang may-akda ng artikulong Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong
Dating Panahon ay si Ginoong Lorenz Lasco. Ang mag-aaral na ito ay nabigyan ng pagkakataon
ng makapagtanong ng mga katanungan tungkol sa Ginoo. Siya ay nag-highscool sa Phil. Science
1 Valerio et. al,DalumatE-Journal,1.
2 “Lorenz Lasco”, Bagong Kasaysayan,Academia. https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco
3 Lasco,Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon,2.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
High School, Diliman, QC. Nagtapos ng Mining Engineering sa Mapua University; MBA
(Masters in Business Administration) sa Asian Institute of Management. Advance Diploma in
Local History sa University of Oxford (England). Kasalukuyang General Manager ng isang local
property development company. Siya rin ay researcher sa Bahay Saliksikan ng Kasaysayan
(BAKAS), Quezon City4. Siya rin ang sumulat ng mga sumusunod na artikulo at libro na
tumalakay at sumuri sa kasaysayang Pilipino. Ang "Kalibre 45" at ang Pakikibaka ng mga
Mandirigmang Pilipino [The M1911 .45ACP pistol and the battles of the Filipino warriors]
(2014). Kabilang sa Saliksik E-Journal, Tomo 2 Bilang 2. Ang Kaisahan at Ugnayan ng Lumang
Pamayanan ng Pilipinas at ng Rapa Nui at Polynesyang Pranses. (2015). Kabilang rin sa Saliksik
E-Journal, Tomo 4 Bilang 1. Mga Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o
Templo Noong Dating Panahon. (2014). Saliksik E-Journal. Tomo 4 Bilang 1. Ang Kosmolohiya
at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino: Isang Panimulang Pag-aaral. (2011). Kabilang sa
Dalumat E-Journal, Tomo 1 Bilang 2. Otherworldly Ornamentation - The bladed weapons of
southern Luzon and the Visayas and their symbolisms. (2020). 56
4 “Lorenz Lasco”, Bagong Kasaysayan,Academia. https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco
5 Lasco et. al,DalumatE-Journal, 1.
6 “EB - LL sandata symbolism”.Google Photos.
https://photos.google.com/share/AF1QipOhVqxCVe2vM8O1YLD2aOQHl8zedxJj-
Ht3Ss81LFRYea6V40el19olBRcKhLXgUA?key=RnVhbFlzUXc4OXdibVo1U05ENWRweU40Qzh4NDJR
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
NILALAMAN NG ARTIKULO:
Sinimulan ng may-akda ang artikulo sa pagpapakilala ng mga iba’t ibang sining ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino. Eskrima, arnis, kali. Ang lahat ng ito ay iisa lamang at
tumutukoy sa ating sining ng pakikipaglaban. Sumunod naman na binigyang pansin ay ang
kasaysayan ng salitang “kalis” at ang pagkumpara sa iba’t ibang lenggwahe ng bansa at mga
banyaga. Pagsusuri kung ano nga ba ang pinagkatulad at pinagkaiba ng mga ito. Ang mga
lumang vocabulario o talasalitaan na ginawa ng mga prayle na Espanyol noong kolonyal na
panahon ay mayamang batis ng pag-aaralng sining at kalinangan ng mga unang Pilipino. 7Unang
nabanggit ang salitang katumbas ng kalis sa Indonesia at Malaysia. Sinunod ng may-akda ang
pagsuri sa iba’t ibang talasalalitaan rito sa Pilipinas. Mga talasalitaang nalathala bago pa man
dumating ang mga banyaga. Ang vocabulario ni Pedro de san Buenaventura noong 1613. Ang
tagalog na talasalitaan ni Domingo Delos Santos noong 1703. Pinagkumpara ang dalawang
talasalitaan na ito at nagging suhestiyon ng may-akda na gawan ng talasalitaan ang iba pang
tagalog na rehiyon. Sunod naman ang isa pang mahalagang tagolog na talasalitaan nina Juan Jose
de Noceda at Pedro de San Lucar noong 1754. Ang ilocanong talasalitaan ni Andres Carro noonh
1849. Kapampangan naman ni Diego Bergano noong 1732. Salin mula sa kastila ng Holy Angel
University. Pagpapakahuligan naman ni Marcos de Lisboa noong 1754 sa wikang Bicolano. Kay
Matheo Sanchez noong 1711 sa wikang Waray. Sumunod ay ang mula sa italyanong manuskrito
noong 1521, ang Pigafetta na isinalin sa ingles ni James Robertson at pranses na
pagpapakahulugan mula naman sa Nancy-Libri-Phillipps-Benicke-Yale Codex. Sa Cebuanong
talasalitaan ni Juan Felix de Encarnacion noong 1852. 8Sa Hiligaynon at Kiniray-a ni Alfonso de
Mentrida noong 1637. Sumunod ay ang pagpapakahulugan naman mula sa Moro, Maranao na
talasalitaan, Tausug English dictionary. Mula sa English-Sulu-Malay dictionary at Moro-
Maguindanao-Espanol. Sa mga huling bahagi ng artikulo ay tinalakay naman kung saan
7 “Biblioteca de Nacional España”.http://www.bne.es/es/Inicio/index.html
8 Filhistory.com
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
nanggaling ang salitang “kali” at kung bakit mula “kalis” ay nabawasan ng letra. Sa huling
bahagi ay nagpakita ng mga ilustrasyon ng sandata ng mga mandirigmang Pilipino sa iba’t ibang
panahon.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
PANUNURING ARTIKULO:
Sa panayam ng mag-aaral na ito sa may-akda ng artikulo, ayon kay G. Lasco, siya ay
sampung taon ng mananaliksik ukol sa kasaysayang Pilipino9. Siya ay isang mananliksik sa
Bagong Kasaysayan/ Bahay Saliksikan ng Kasaysayan (BAKAS) na itinatag ni Zeus Salazar.
Nakapagsulat na siya ng 7 dokumento (1 libro at 5 artikulo) na lahat ay masuring tumalakay sa
kasaysayan ng bansa at ang relasyon nito sa mga banyaga. Ang "Kalibre 45" at ang Pakikibaka
ng mga Mandirigmang Pilipino [The M1911 .45ACP pistol and the battles of the Filipino
warriors] (2014). Kabilang sa Saliksik E-Journal, Tomo 2 Bilang 2. Ang Kaisahan at Ugnayan
ng Lumang Pamayanan ng Pilipinas at ng Rapa Nui at Polynesyang Pranses. (2015). Kabilang
rin sa Saliksik E-Journal, Tomo 4 Bilang 1. Mga Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong
Malalaking Gusali o Templo Noong Dating Panahon. (2014). Saliksik E-Journal. Tomo 4 Bilang
1. Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino: Isang Panimulang Pag-aaral.
(2011). Kabilang sa Dalumat E-Journal, Tomo 1 Bilang 2. Otherworldly Ornamentation - The
bladed weapons of southern Luzon and the Visayas and their symbolisms. (2020). Si G. Lasco ay
napasailalim rin ni G. Zeus A. Salazar. Si Zeus Salazar ay isa sa mga akademiko na pinalad na
makapag-aral ng post-graduate sa Pransiya. Nakipaghuntahan sa mga ekperto at ideyang
Europeo. Subalit, sa dami ng bansang kanyang nalakbay, maaaring nahumaling na lamang siya
sa timyas ng buhay sa ibang bansa ngunit sa maraming pagkakataon, may kung anong nanghihila
kay ZAS pabalik sa bayan. Ang kanyang mga pinakamatingkad na kontribusyon sa Agham
Panlipunan: (1) ang depinisyon ng kasaysayan, at (2) ang Pantayong Pananaw.10
9 Lorenz Lasco (General Manager) interview with Leila Lizarondo,(June 21,2021).
10 Xiao Chua, “Balimbayan”.GMA News Network.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/638917/saysay-ng-sariling-kasaysayan-ang-ambag-ni-
zeus-salazar-sa-bayan/story/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Karamihan sa mga impormasyon na nakalap ng may-akda ay nangaling sa mga
talasalitaan na noon pang panahon na hindi pa nasasakop ang lupain ng mga banyaga.
Pinagkuhanan ni G. Lasco ang Biblioteca de Nacional España, pinakamalaking pampublikong
tala-aklatan sa espanya at isa sa pinakamalaki sa buong mundo. Matatagpuan ito sa Madrid,
Paseo de Recoletos.11 Nagamit ang talasalitaang ito na mula pa sa espanya sa marami pang mga
artikulo at libro ngunit ang mayorya ay nasa lenggwaheng Espanyol. Ang pagsusuring libro,
Archival Documentation in the Philological Analysis of Philippine Spanish: A Review of El
español de Filipinas Documentos coloniales by Mariano Franco Figueroa na ginawa ni Marlon
James Sales noong 2014. 12 na tumalakay sa mga batis na maaring pagkuhanan ng mga mag-
aaral o mananaliksik ng Filipino-Hispanic history. Isa pa ay ang artikulo ni Aurora Díez Baños
na nailathala noong 2008. Biblioteca Filipina: bibliografía de las obras impresas en Filipinas y
relativas a Filipinas, hasta el año 1830, depositadas en la Biblioteca de la Universidad
Complutense (Philippine Library: bibliography of works printed in the Philippines and related to
the Philippines, up to the year 1830, deposited in the Library of the Complutense University).13
Ang libro ni Jose Toribio Medina na Bibliografía española de las islas Filipinas (Spanish
Bibliography of the Philippine Islands) (1523-1810) na nailathala pa noong 1897. 14 Masasabi ng
mag-aaral na ito na luma na ang mg abatis na natagpuan ng may-akda dahil ang kanyang artikulo
ay nakabase sa makalumang mga dokumento na nagbibigay klaripikasyon sa kasaysayan ng
salitang “kalis”.
11 “Biblioteca Nacional deEspaña”. Wikipedia.
https://en.wikipedia.org/wiki/Biblioteca_Nacional_de_Espa%C3%B1a
12 Marlon James Sales,A Book Review: Archival Documentation in the Philological Analysisof PhilippineSpanish:A
Review of El español de FilipinasDocumentos coloniales by Mariano Franco Figueroa,131.
13 Aurora Díez Baños,Biblioteca Filipina:bibliografía delas obras impresas en Filipinasy relativasa Filipinas,hasta
el año 1830, depositadas en la Biblioteca dela Universidad Complutense.
http://www.ucm.es/BUCM/foa/pecia/num8/index08.htm
14 Jose Toribio Medina,Bibliografía española de las islas Filipinas (1523-1810) (University of Madrid,2008),
University of Chile
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Gumamit si G. Lasco ng mga sekondaryang batis. Katulad ng diksyunaryo at mga tala-
aklatan. Hanguang Elektroniko na pinagkuhaan ng mga ilustrasyon at impormasyong
sumusuporta sa mga datos. Nagsimula muna si G. Lasco sa pagkalap ng mga datos mula sa iba’t
ibang batis at pinagkumpara ang mga ito. Sa una niyang pagkukumpara ay ang mga tagalog na
talasalitaan ni San Buenaventura at Delos Santos, kaniyang pinunto na magkatulad lamang ang
pakahulugan ng dalawang may-akda. Masuring sinuyod ni G. Lasco ang mga diksyunaryo at
tala-aklatan sa ibang rehiyon ng Pilipinas at pinaghambing ang mga ito pati na rin ang mga
pakahulugan ng banyagang namalagi sa mga lupaing ito. Sa panayam ng mag-aaral na ito kay G.
Lasco, sinabi ng may-akda na, “Ang pinaka-main na sources ko ay mga lumang “vocabulario”,
sa iba’t ibang lengwahe sa ating kapuluan. Ang utos kasi ng hari ng Espana noon ay turaan tayo
nga mga prayle ng Espanyol. Pero hindi ito sinunod ng mga prayle. Bagkus, sila na lang ang
nagpakadalubhasa sa ating mga lenggwahe. Tapos, para yung mga bagong salta ng mga prayle
mula Espanya ay mas madaling matuto ng mga lenggwahe natin (Tagalog, Pampango, Ilocano,
Bicolano, Waray, Cebuano, etc.), gumawa sila ng mga “vocabulario” (bale, dictionaries).”15
Sa pagsusuri ng mag-aaral na ito gumamit ang may-akda ng Input-Process-Output na
conceptual framework. Input ni G. Lasco ang kanyang mga nakalap na datos sa iba’t ibang
pakahulugan ng salitang “kalis” mula sa mga rehiyon ng Pilipinas mula sa mga tala-aklatan at
hanguang elektroniko. Sa proseso naman ay masuring inisa-isa ng may-akda ang mga
pakahulugang ito, pinagkompara ang mga depinisyon, kanilang origin, ugat-salita, at gamit sa
pangungusap. Huli ay ang awtput kung saan nagbigay ng konklusyon ang may-akda tungkol sa
salitang “kalis” at ang pinagmulan nito. Ang ‘kalis’ at ‘karis’, noon pa man ay tumutukoy sa, [a]
sandatang patalim, at/o [b] sining at akto ng pakikipaglaban gamit ang patalim o pambambo.
Ang kalis o karisbilang sining ay umiiral na bago pa man dumating ang mga banyaga. At ang
katagang kaliso karisbilang sandata man o sining ay ginamit sa buong kapuluan ng Pilipinas.
15 Lorenz Lasco (General Manager) interview with Leila Lizarondo,(June 21,2021).
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Ang laganap ng paggamit ng salitang kalis, (at karis at kris) ay isa sa mga maraming patotoo na
may iisang diwa na nananalaytay sa buong Kapilipinuhan.16 Ang mag-aaral na ito ay nakumbinsi
sa ginawang konseptuwal na framework ng may-akda. Malinaw ang pagkakasunod-sunod sa
kung paano ilathala ng awtor ang bawat bahagi ng artikulo. Hindi kulang ang bawat input,
kumpleto sa datos at nasusuportahan ng mga batis na kaniyang inilagay. Ang framework na
ginamit nagging mabisang istruktura na siyang nagging balangkas sa kung paano dadaloy ang
datos at impormasyon na magreresulta sa isang malinaw na konklusyon.
Katulad ng nabanggit sa pagpapakilala ng pinagmulang E-Journal ng artikulong sinusuri
ng mag-aaral na ito, ang Dalumat E-Journal ay isang multi-kultural at multi-displinaryong
journal na binubuo ng mga artikulo na tumatalakay sa iba’t ibang disiplina. Ang Kalis: Ang
Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon, na artikulo ay gumamit ng multi-
disciplinary approach. Ang una ay ang etimolohiya. Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay
ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at
kahulugan sa paglipas ng panahon.17 Ang awtor ay naglista ng mga pakahulugan sa iba’t ibang
diyalekto at pinagkumpara ang mga ito. Sumunod naman ang larangan ng archeology. Si G.
Lasco ay nangalap ng mga larawan ng sandata ng mga mandirigmang Pilipino sa iba’t ibang
panahon na nagdaan sa ating kasaysayan.
Sa simula pa lamang ng sulatin ay itinatwa na ng may-akda ang kolonyal na papel sa
artikulo. Isinaad ni G. Lasco na ang mga pinagkuhanan niya ng datos ay mula pa noong panahon
na hindi pa nakakaapak ang mga banyaga sa Pilipinas at dahil na rin sa hindi inaral ng mga
Pilipino ang wikang kastila bagkus ang mga Espanyol ang nag-aral ng ating wika, makabayan
ang naging lapit nito. Ang mga batis na pinagkuhanan ng impormasyon ay galling nga ng
16 Lasco,Kalis:Ang PilipinongSiningngPakikipaglaban NoongDatingPanahon,8-9.
17 “Etimolohiya”, Wikipedia, https://tl.wikipedia.org/wiki/Etimolohiya.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Espanya ngunit ito naman ay mga sarili naman nating diyalekto (Tagalog, Waray, Cebuano,
Bicolano, etc.). Napansin rin ng mag-aaral na ito na sa dulong bahagi ng artikulo ay ipinaliwanag
ng may-akda kung bakit naging “kali” na lamang ang salitang “kalis”. Kinontra ni G. Lasco ang
pahayag nina Yambao at Mirafuente na nanggaling ang salitang “kalis” sa “kali”. Ipinaliwanag
ni G. Lasco ang proseso ng pagbabaybay noong bago pa man ang panahon ng Kastila, ang
Baybayin. Sa huling bahagi ng artikulo, nabanggit ni G. Lasco na hindi na matunton ang orihinal
na porma, estilo o gawi ng kalis sapagkat napaka-adaptibo ng sining na ito at madaling
mainpluwensiyahan ng banyagang sining.
Ang libro na isinulat ni Antonio Diego at Christopher Ricketts na pinamagatang, The
Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting Art Explained 18 na nailathala noong June 15,
2012 ay nagtalakay ng kasaysayan ng Kalis Ilustrisimo. Si Antonio Diego at Christopher
Ricketts ay mga prominente at kabilang sa mga pinakamagagaling na estudyante ng swordsman
na si Antonio Ilusistrimo. Ang kalis ilustrisimo, ayon sa libro ni Diego at Ricketts ay naiiba sa
Kali. Ang Kali ay ang sinauna at ina ng lahat ng sining ng pakikipaglaban sa Pilipinas 19 habang
ang kalis ilustrismo ay nanggaling sa pamilya ng mga Ilustrisimo. Pinaka-tanyag na praktisyoner
ng sining na ito ay si Antonio “Tatang” Ilustrisimo. Ang artikulong sinusuri ng mag-aaral na ito
ay nagkokomplemento sa libro ni Diego at Ricketts. Hindi man natalakay ang pinagmulan ng
salitang “kalis” ay sumalamin pa rin sa iisang diwa na ang Kali ay sinaunang sining ng
pakikipaglaban na nagmula pa noong pre-kolonyal na panahon. Sunod ay ang libro ni Mark V.
Wiley na pinamagatang Filipino Martial Culture na nailathala noong 201120. Isinaad naman ni
Wiley sa librong ito ang “kali” na salita ay tumutukoy sa pre-kolonyal na sining ng
pakikipaglaban ng Pilipino. Dagdag pa sa aklat na ang “kali” ay isa pang tawag sa Silat.
18 Antonio Diego and Christopher Ricketts, The Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting Art Explained (USA:
Tuttle Publishing,2012)
19 Antonio Diego and Christopher Ricketts, The Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting Art Explained (USA:
Tuttle Publishing,2012)
20 Mark Wiley,Filipino Martial Culture(USA, Tuttle Publishing,2011).
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Ang silat ay sining ng pakikipaglaban ng karamihan ng mga nananahan sa Timog-Silangang
Asya. 21 Kinontra ni Wiley ang pahayag na ito sapagkat iba ang silat sa kali. Ang kali ay
tumutukoy sa simpleng sining ng pakikipaglaban kung saan ang taong nakikipagkombat ay
gumagamit ng pambambo. 22 Katulad ng nauna na libro, ang artikulo ni G. Lasco ay
nagkokomplemento sa libro ni Wiley. Hindi man malinaw na nailahad ang pinagmulan ng
salitang “kali”, iisa pa rin ang konklusyon ng dalawang awtor ukol sa kali/kalis.
Maayos ang naging daloy ng buong artikulo. Sinimulan ng may-akda sa pagbibigay ng
maikling introduksyon tungkol sa Filipino Martial Arts (FMA) kung saan kabilang ang
kali/kalis. Sunod ay ang paglilista ng may-akda sa mga pakahulugang kaniyang nahanap sa iba’t
ibang talasalitaan sa buong Pilipinas. Masasabi ng mag-aaral na ito na mabisa ang metodolohiya
ng pagkalap ng datos dahil naging malinaw ang daloy ng sulatin. Masuri na inilatag ang mga
impormasyon ng hindi napaghahalo-halo ang mga datos. Sa likas ng artikulo na ito na kung saan
kailangang maglista ng mga depinisyon ay inasahan na ng mag-aaral na ito na magpapaulit-ulit
ang makikitang mga salita. Katulad ng iisang mga pakahulugan ng kalis mula sa mga
talasalitaan. Tungkol naman sa pamagat, Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong
Dating Panahon, hindi gaanong nabigyang pansin ng awtor ang kasaysayan ng mismong sining.
Ang inaasahan ng mag-aaral na ito ay makabasa ng kasaysayan at kwento ng pag-practice ng
mga sinaunang Pilipino ng kali/kalis. Nagpokus ang awtor sa etimolohiya at kasaysayan ng
mismong salita.
Ang makokomento ng mag-aaral na ito ukol sa mga larawan o ilustrasyon ay maari
sanang kumuha ang may-akda ng malilinaw na bersyon ng mga pigura ngunit naiintindihan
naman ng mag-aaral na ito na kinuha pa ang mga scanned pictures sa mga lumang talasalitaan at
sadyang daong taon na ang edad ng mga diksyunaryong ito. Karagdagan ay mahirap
maintindihan sa simula ang mga nakasulat sapagkat ito ay nasa wikang kastila ang iba pati na rin
21 Mark Wiley,Filipino Martial Culture (USA, Tuttle Publishing,2011)
22 “Silat”, Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Silat
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
ang mga halimbawang pangungusap. Pagdating naman sa mga ilustrasyon ng mga mandirigmang
Pilipino ay malinaw at makikita ang mga detalye sa mga ito.
Sa teknikal na aspekto ay may mga kapuna-punang tipograpakal na pagkakamali. Mga
nagdidikit na mga salita at maling pagkakapuwesto ng mga simbolo na bracket o parenthesis.
Nakapagbigay ito ng kaunting lito sa daloy ng pagbabasa ng mag-aaral na ito. Tungkol naman
gramatikong aspekto ay tama at mahusay ang pagkakabuo ng mga pangungusap. Walang
footnotes ang buong artikulo at hindi ganoon kaayos ang pagkakasulat sa bibliograpiya. Pati na
rin ang ibang batis ay hindi ma-access sa internet. Ang komento ng mag-aaral na ito ay mas
mainam sana kung maglalagay ng footnotes sa ilalim ng bawat pahina upang makapag-bigay
impormasyon sa mga mambabasa na may maari pa silang mabasa ukol sa isang ideya sa artikulo.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
KONKLUSYON:
Sa asignaturang Araling Panlipunan, mula pa man noong elementarya, ang naging pokus
ay ang panahon ng Kastila, hanggang sa kalayaan natin mula sa mga banyaga. Ano lamang ba
ang nalalaman natin tungkol sa Pilipinas sa panahon na hindi pa nakakaapak ang mga
mananakop sa lupain? Sa artikulong, Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong
Dating Panahon, ang naging pokus ni G. Lasco ay ang sining ng pakikipaglaban ng Pilipino bago
pa man ang Kastila. Ang mag-aaral na ito kung tatanungin ay walang ideya kung ano ang kali o
kalis, ang pamilyar lamang ay arnis at eskrima. Sa pamamagitan ng artikulo at pagsuri nito,
maraming impormasyon ang natuklasan ng mag-aaral na ito, kasama na ang kasaysayan ng pre-
kolonyal na sining na pakikipaglaban ng Pilipino.
Sa karanasan ng mag-aaral na ito sa mga social media sites, ang lahing Pilipino ay
lagging naiigugrupo sa mga puti, latino o iba pang lahi na hindi kabilang sa Asya. Ang kanilang
sinasabi ay ang mga Pilipino ay nasakop ng matagal ng mga banyaga kaya ang ating
pagkakakilanlan ay hindi na Asyano. Nakakalungkot nag anito ang tingin ng mga foreigner sa
ating lahi, walang orihinalidad. Sa mga ganitong artikulo na tinutuklas ang mga pinagmulan ng
mga kultura at sining, mga praktis na hindi galing sa mga mananakop, nagbibigay linaw ito sa
ating pagkakakilanlan. Nagbibigay ito ng kulay sa ating tunay na pinagmulan.
Natatangi ang artikulo na ito kumpara sa mga ibang akda na may katulad na
paksa. Sa mga nabanggit ng libro sa itaas, ang naging pokus ng mga ito ay ang mismong
kasaysayan ng sining ng apkikipaglaban na kali o kalis. Naiiba ang artikulo na ito dahil nagpokus
ito sa etimolohiya ng kalis, ang transisyon nito mula sa mga talasalitaan ng iba’t ibang rehiyon
ng Pilipinas hanggang sa kung ano na ang gamit na termino sa kasalukuyan.
Tiyak na irerekomenda ng mag-aaral na ito ang artikulo sa mga ibang mag-aaral na gusto
malaman ang kasaysayan ng sining ng pakikipaglaban at ang etimolohiya nito. Bilang mga
kolehiyong mga estudyante, ang nalalaman o pamilyar lamang ay arnis. Malaking tulong ang
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
artikulong ito sa pagbibigay ng paunang kaalaman sa sining ng pakikipaglaban na Kali. Ang mga
pinagkuhaan ng impormasyon ay nakakapukaw rin ng kuryosidad. Maaring mag-browse ang
mga mag-aaral sa mga talasalitaang ito at makahanap ng mga lumang salita na maaring origin
din ng mga salitang gamit sa ngayon.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
BIBLIOGRAPHY:
Antonio Diego and Christopher Ricketts, The Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting
Art Explained (USA: Tuttle Publishing, 2012). Accessed June 30, 2021.
https://books.google.com.ph/books?hl=en&lr=&id=dYvQAgAAQBAJ&oi=fnd&pg=PP1
3&dq=KALIS+philippines&ots=Wsv7ten8r7&sig=oCDceTZg22zJCIrYge-
fcr9qWWw&redir_esc=y#v=onepage&q=KALIS%20philippines&f=false
Aurora Díez Baños, Biblioteca Filipina: bibliografía de las obras impresas en Filipinas y relativas
a Filipinas, hasta el año 1830, depositadas en la Biblioteca de la Universidad
Complutense. Accessed June 30, 2021.
http://www.ucm.es/BUCM/foa/pecia/num8/index08.htm
“Biblioteca de Nacional España”. Accessed June 30, 2021.
http://www.bne.es/es/Inicio/index.html
“Biblioteca Nacional de España”. Wikipedia. Accessed June 30, 2021.
https://en.wikipedia.org/wiki/Biblioteca_Nacional_de_Espa%C3%B1a
Elvin Amerigo Valerio, et. al., DALUMAT E-Journal 1, no. 1 (2010), accessed June 30, 2021.
https://ejournals.ph/issue.php?id=580
“Etimolohiya”, Wikipedia. Accessed June 30, 2021. https://tl.wikipedia.org/wiki/Etimolohiya
Filhistory.com. Accessed June 30, 2021.
Jose Toribio Medina, Bibliografía española de las islas Filipinas (1523-1810) (University of
Madrid, 2008), University of Chile. Accessed June 30, 2021.
https://books.google.com.ph/books?id=N94vAAAAYAAJ&printsec=frontcover&source
=gbs_ge_summary_r&cad=0#v=onepage&q&f=false
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Lorenz Lasco, "Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon",
DALUMAT E-Journal 2, no. 2 (2010), accessed June 30, 2021. Networked Learning PH,
Inc. https://ejournals.ph/issue.php?id=583#prod
Lasco, Lorenz. “Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon.”
Dalumat EJournal 2, no. 2 (2011): 2. Accessed June 29, 2021. Networked Learning PH,
Inc.
https://www.academia.edu/46210056/Kalis_Ang_Pilipinong_Sining_ng_Pakikipaglaban_
Noong_Dating_Panahon
“Lorenz Lasco”, Bagong Kasaysayan, Academia. Accessed June 30, 2021.
https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco
Lorenz Lasco, EB - LL sandata symbolism, 2020. Accessed June 30, 2021 in Google Photos.
https://photos.google.com/share/AF1QipOhVqxCVe2vM8O1YLD2aOQHl8zedxJj-
Ht3Ss81LFRYea6V40el19olBRcKhLXgUA?key=RnVhbFlzUXc4OXdibVo1U05ENW
RweU40Qzh4NDJR
Lorenz Lasco (General Manager) interview with Leila Lizarondo, (June 21,2021).
Lorenz Lasco, "Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon",
Dalumat EJournal2, no. 2 (2011): 8-9. Accessed June 30, 2021.
https://www.academia.edu/46210056/Kalis_Ang_Pilipinong_Sining_ng_Pakikipaglaban_
Noong_Dating_Panahon
Mark Wiley, Filipino Martial Culture (USA, Tuttle Publishing, 2011). Accessed June 30, 2021.
https://books.google.com.ph/books?hl=en&lr=&id=oi7RAgAAQBAJ&oi=fnd&pg=PT12
&dq=kali+arnis+philippines&ots=5Jv8h4w2Ro&sig=GKUnKTzYRmDOK2aQFiTj_JT
QHGA&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false
Marlon James Sales, A Book Review: Archival Documentation in the Philological Analysis of
Philippine Spanish: A Review of El español de Filipinas Documentos coloniales by
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STA. MESA MANILA
Mariano Franco Figueroa, 131. Accessed June 30, 2021.
https://eprints.ucm.es/id/eprint/7930/
“Silat”, Wikipedia. Accessed June 30, 2021. https://en.wikipedia.org/wiki/Silat
Xiao Chua, “Balimbayan”. GMA News Network. Accessed June 30, 2021.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/638917/saysay-ng-sariling-
kasaysayan-ang-ambag-ni-zeus-salazar-sa-bayan/story/

More Related Content

What's hot

DISS (Disciplines within Social Sciences)
DISS (Disciplines within Social Sciences)DISS (Disciplines within Social Sciences)
DISS (Disciplines within Social Sciences)RoseannAbelarde
 
KOMUNIKASYON module 4.pptx
KOMUNIKASYON module 4.pptxKOMUNIKASYON module 4.pptx
KOMUNIKASYON module 4.pptxlemararibal
 
DISS - Introducing the Disciplines within the Social Sciences
DISS - Introducing the Disciplines within the Social SciencesDISS - Introducing the Disciplines within the Social Sciences
DISS - Introducing the Disciplines within the Social SciencesRomlaineOlaso1
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng Wika
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng WikaKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng Wika
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng WikaJuan Miguel Palero
 
PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptx
PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptxPHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptx
PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptxthatshannahm
 
FILIPINO 1 ORYENTASYON.pptx
FILIPINO 1 ORYENTASYON.pptxFILIPINO 1 ORYENTASYON.pptx
FILIPINO 1 ORYENTASYON.pptxKeironGelin1
 
Module 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIES
Module 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIESModule 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIES
Module 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIESAngelita Montilla
 
Lesson 1 philippine politics and governance
Lesson 1 philippine politics and governanceLesson 1 philippine politics and governance
Lesson 1 philippine politics and governancekenny auxilio
 
KAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptx
KAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptxKAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptx
KAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptxssuserc7d9bd
 
Discipline and Ideas in the Social Sciences
Discipline and Ideas in the Social Sciences Discipline and Ideas in the Social Sciences
Discipline and Ideas in the Social Sciences Nash Yusop
 
Purpose of Community Action
Purpose of Community ActionPurpose of Community Action
Purpose of Community ActionConan Rogador
 
Topic 1 diss introduction
Topic 1   diss introductionTopic 1   diss introduction
Topic 1 diss introductiondan_maribao
 
Introduction to the disciplines of applied social science
Introduction to the disciplines of applied social scienceIntroduction to the disciplines of applied social science
Introduction to the disciplines of applied social sciencejoyceandrada
 
Understanding local networks
Understanding local networksUnderstanding local networks
Understanding local networksmyla gambalan
 
Philippines politics and governance lesson 2
Philippines politics and governance  lesson 2Philippines politics and governance  lesson 2
Philippines politics and governance lesson 2No L's
 

What's hot (20)

DISS (Disciplines within Social Sciences)
DISS (Disciplines within Social Sciences)DISS (Disciplines within Social Sciences)
DISS (Disciplines within Social Sciences)
 
KOMUNIKASYON module 4.pptx
KOMUNIKASYON module 4.pptxKOMUNIKASYON module 4.pptx
KOMUNIKASYON module 4.pptx
 
DISS - Introducing the Disciplines within the Social Sciences
DISS - Introducing the Disciplines within the Social SciencesDISS - Introducing the Disciplines within the Social Sciences
DISS - Introducing the Disciplines within the Social Sciences
 
DISS Lesson 1.pptx
DISS Lesson 1.pptxDISS Lesson 1.pptx
DISS Lesson 1.pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng Wika
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng WikaKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng Wika
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Kahulugan ng Wika
 
MELCS UCSP.docx
MELCS UCSP.docxMELCS UCSP.docx
MELCS UCSP.docx
 
PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptx
PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptxPHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptx
PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE Q1 MODULE 1.pptx
 
FILIPINO 1 ORYENTASYON.pptx
FILIPINO 1 ORYENTASYON.pptxFILIPINO 1 ORYENTASYON.pptx
FILIPINO 1 ORYENTASYON.pptx
 
Module 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIES
Module 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIESModule 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIES
Module 2: POLITICAL IDEAS AND IDEOLOGIES
 
Lesson 1 philippine politics and governance
Lesson 1 philippine politics and governanceLesson 1 philippine politics and governance
Lesson 1 philippine politics and governance
 
KAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptx
KAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptxKAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptx
KAKAYAHANG PRAGMATIK AT DISKORSAL.pptx
 
UCSP PPT 1.pdf
UCSP PPT 1.pdfUCSP PPT 1.pdf
UCSP PPT 1.pdf
 
DISS-PPT.pptx
DISS-PPT.pptxDISS-PPT.pptx
DISS-PPT.pptx
 
Discipline and Ideas in the Social Sciences
Discipline and Ideas in the Social Sciences Discipline and Ideas in the Social Sciences
Discipline and Ideas in the Social Sciences
 
Purpose of Community Action
Purpose of Community ActionPurpose of Community Action
Purpose of Community Action
 
Topic 1 diss introduction
Topic 1   diss introductionTopic 1   diss introduction
Topic 1 diss introduction
 
Wika at sosyolohiya
Wika at sosyolohiyaWika at sosyolohiya
Wika at sosyolohiya
 
Introduction to the disciplines of applied social science
Introduction to the disciplines of applied social scienceIntroduction to the disciplines of applied social science
Introduction to the disciplines of applied social science
 
Understanding local networks
Understanding local networksUnderstanding local networks
Understanding local networks
 
Philippines politics and governance lesson 2
Philippines politics and governance  lesson 2Philippines politics and governance  lesson 2
Philippines politics and governance lesson 2
 

Similar to Kalis

Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Charisse Marie Verallo
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleEarl Estoque
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINONimpha Gonzaga
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...RanjellAllainBayonaT
 
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptxKalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptxJonalynCabaero
 
Kuwentong bayan (alamat at epiko)
Kuwentong bayan (alamat at epiko)Kuwentong bayan (alamat at epiko)
Kuwentong bayan (alamat at epiko)ESMAEL NAVARRO
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanRhea
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regiontagudjameslervyctecp
 
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdfAngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdfJerickMalanay2
 
FILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptx
FILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptxFILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptx
FILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptxKlarisReyes1
 
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCEMGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCEJoanne Abano
 
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCEMGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCEJoanne Abano
 
Mga pilosopiya at literatura ng renaissance
Mga pilosopiya at literatura ng renaissanceMga pilosopiya at literatura ng renaissance
Mga pilosopiya at literatura ng renaissanceJoanne Abano
 
module-1.pdf
module-1.pdfmodule-1.pdf
module-1.pdfBooDang1
 
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDLiezelRagas1
 
Introduksiyon sa Leksikograpiya sa Filipinas
Introduksiyon sa Leksikograpiya sa FilipinasIntroduksiyon sa Leksikograpiya sa Filipinas
Introduksiyon sa Leksikograpiya sa FilipinasDanica Talabong
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 

Similar to Kalis (20)

Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino Module
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
 
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptxKalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
 
Q1, m2
Q1, m2Q1, m2
Q1, m2
 
Kuwentong bayan (alamat at epiko)
Kuwentong bayan (alamat at epiko)Kuwentong bayan (alamat at epiko)
Kuwentong bayan (alamat at epiko)
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
 
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdfAngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
 
BEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptxBEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptx
 
Inobasyon
InobasyonInobasyon
Inobasyon
 
FILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptx
FILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptxFILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptx
FILIPINO 10 Q4 WEEK 1 EL FILIBUSTERISMO.pptx
 
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCEMGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
 
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCEMGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
MGA PILOSOPIYA AT LITERATURA NG RENAISSANCE
 
Mga pilosopiya at literatura ng renaissance
Mga pilosopiya at literatura ng renaissanceMga pilosopiya at literatura ng renaissance
Mga pilosopiya at literatura ng renaissance
 
module-1.pdf
module-1.pdfmodule-1.pdf
module-1.pdf
 
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
 
Introduksiyon sa Leksikograpiya sa Filipinas
Introduksiyon sa Leksikograpiya sa FilipinasIntroduksiyon sa Leksikograpiya sa Filipinas
Introduksiyon sa Leksikograpiya sa Filipinas
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 

Recently uploaded

ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 

Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 

Kalis

  • 1.
  • 2. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon Panunuring Artikulo Ni: Leila Lizarondo BSA 1-5 Ipinasa kay: G. Arvin Pingul Orihinal na May-akda: Lorenz Lasco https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco lzlasco@gmail.com Citation: Lorenz Lasco, “Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon.” Dalumat EJournal 2, no. 2 (2011): 1-17. Accessed June 29, 2021. https://www.academia.edu/46210056/Kalis_Ang_Pilipinong_Sining_ng_Pakikipaglaban_ Noong_Dating_Panahon
  • 3. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Pilipinas. Arkipelagong mayaman sa kultura at kasaysayan. Ang mga pangyayaring naganap noong libong taon na ang nakakaraan ay tiyak na nag-iwan ng mga yapak na ating sinusuri sa kasalukuyan. Ang mga pangyayaring nagtatag ng panibagong panahon at panibagong kultura na siyang ating kinalakihan ngunit ano nga ba ang nakaraan ng mga Pilipino? Ang Pilipinas bago maging kolonya ng mga mananakop. Kulturang hindi pa nagagalaw ng mga banyaga. Kung ating ililista ay tiyak na hindi mabibilang sa dami ng mga ito ngunit ang ating pagtutuonan ng pansin sa papel na ito ay ang sining ng pakikipaglaban noong dating panahon. Ang artikulong susuriin sa papel na ito ay pinamagatang: Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon ni Lorenz Lasco. Nabibilang ang artikulong ito sa Dalumat E-Journal. Isang multi-kultural at multi-disiplinaryong E-Journal sa Araling Pilipino. Ang Dalumat E-Journal ay nasa kategoryang cultural studies, psychology, social, urban sciences. Inilathala ng Networked Learning PH, Inc. noong 2010 ang unang tomo.1 Ang artikulong Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon ni Lorenz Lasco ay kabilang sa Tomo 2 Bilang 2 ng E-Journal sa ilalim ng Kasaysayan at Kalinangang Bayan na kategorya. Nalathala noong 20112, binubuo ng 17 na pahina kabilang na ang pabalat na pahina at ang bibliograpiya. Napapaloob sa artikulong ito ang kasaysayan ng Kali, pilipinong sining ng pakikipaglaban. 3 Ang etimolohiya ng salitang Kali, ang mga pagbabagong dinaanan ng salita ang sanhi nito, at ang pag-unlad ng sining ng pakikipaglaban ng Pilipino sa pagdaan ng panahon. Ang may-akda ng artikulong Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon ay si Ginoong Lorenz Lasco. Ang mag-aaral na ito ay nabigyan ng pagkakataon ng makapagtanong ng mga katanungan tungkol sa Ginoo. Siya ay nag-highscool sa Phil. Science 1 Valerio et. al,DalumatE-Journal,1. 2 “Lorenz Lasco”, Bagong Kasaysayan,Academia. https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco 3 Lasco,Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon,2.
  • 4. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA High School, Diliman, QC. Nagtapos ng Mining Engineering sa Mapua University; MBA (Masters in Business Administration) sa Asian Institute of Management. Advance Diploma in Local History sa University of Oxford (England). Kasalukuyang General Manager ng isang local property development company. Siya rin ay researcher sa Bahay Saliksikan ng Kasaysayan (BAKAS), Quezon City4. Siya rin ang sumulat ng mga sumusunod na artikulo at libro na tumalakay at sumuri sa kasaysayang Pilipino. Ang "Kalibre 45" at ang Pakikibaka ng mga Mandirigmang Pilipino [The M1911 .45ACP pistol and the battles of the Filipino warriors] (2014). Kabilang sa Saliksik E-Journal, Tomo 2 Bilang 2. Ang Kaisahan at Ugnayan ng Lumang Pamayanan ng Pilipinas at ng Rapa Nui at Polynesyang Pranses. (2015). Kabilang rin sa Saliksik E-Journal, Tomo 4 Bilang 1. Mga Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo Noong Dating Panahon. (2014). Saliksik E-Journal. Tomo 4 Bilang 1. Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino: Isang Panimulang Pag-aaral. (2011). Kabilang sa Dalumat E-Journal, Tomo 1 Bilang 2. Otherworldly Ornamentation - The bladed weapons of southern Luzon and the Visayas and their symbolisms. (2020). 56 4 “Lorenz Lasco”, Bagong Kasaysayan,Academia. https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco 5 Lasco et. al,DalumatE-Journal, 1. 6 “EB - LL sandata symbolism”.Google Photos. https://photos.google.com/share/AF1QipOhVqxCVe2vM8O1YLD2aOQHl8zedxJj- Ht3Ss81LFRYea6V40el19olBRcKhLXgUA?key=RnVhbFlzUXc4OXdibVo1U05ENWRweU40Qzh4NDJR
  • 5. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA NILALAMAN NG ARTIKULO: Sinimulan ng may-akda ang artikulo sa pagpapakilala ng mga iba’t ibang sining ng pakikipaglaban ng mga Pilipino. Eskrima, arnis, kali. Ang lahat ng ito ay iisa lamang at tumutukoy sa ating sining ng pakikipaglaban. Sumunod naman na binigyang pansin ay ang kasaysayan ng salitang “kalis” at ang pagkumpara sa iba’t ibang lenggwahe ng bansa at mga banyaga. Pagsusuri kung ano nga ba ang pinagkatulad at pinagkaiba ng mga ito. Ang mga lumang vocabulario o talasalitaan na ginawa ng mga prayle na Espanyol noong kolonyal na panahon ay mayamang batis ng pag-aaralng sining at kalinangan ng mga unang Pilipino. 7Unang nabanggit ang salitang katumbas ng kalis sa Indonesia at Malaysia. Sinunod ng may-akda ang pagsuri sa iba’t ibang talasalalitaan rito sa Pilipinas. Mga talasalitaang nalathala bago pa man dumating ang mga banyaga. Ang vocabulario ni Pedro de san Buenaventura noong 1613. Ang tagalog na talasalitaan ni Domingo Delos Santos noong 1703. Pinagkumpara ang dalawang talasalitaan na ito at nagging suhestiyon ng may-akda na gawan ng talasalitaan ang iba pang tagalog na rehiyon. Sunod naman ang isa pang mahalagang tagolog na talasalitaan nina Juan Jose de Noceda at Pedro de San Lucar noong 1754. Ang ilocanong talasalitaan ni Andres Carro noonh 1849. Kapampangan naman ni Diego Bergano noong 1732. Salin mula sa kastila ng Holy Angel University. Pagpapakahuligan naman ni Marcos de Lisboa noong 1754 sa wikang Bicolano. Kay Matheo Sanchez noong 1711 sa wikang Waray. Sumunod ay ang mula sa italyanong manuskrito noong 1521, ang Pigafetta na isinalin sa ingles ni James Robertson at pranses na pagpapakahulugan mula naman sa Nancy-Libri-Phillipps-Benicke-Yale Codex. Sa Cebuanong talasalitaan ni Juan Felix de Encarnacion noong 1852. 8Sa Hiligaynon at Kiniray-a ni Alfonso de Mentrida noong 1637. Sumunod ay ang pagpapakahulugan naman mula sa Moro, Maranao na talasalitaan, Tausug English dictionary. Mula sa English-Sulu-Malay dictionary at Moro- Maguindanao-Espanol. Sa mga huling bahagi ng artikulo ay tinalakay naman kung saan 7 “Biblioteca de Nacional España”.http://www.bne.es/es/Inicio/index.html 8 Filhistory.com
  • 6. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA nanggaling ang salitang “kali” at kung bakit mula “kalis” ay nabawasan ng letra. Sa huling bahagi ay nagpakita ng mga ilustrasyon ng sandata ng mga mandirigmang Pilipino sa iba’t ibang panahon.
  • 7. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA PANUNURING ARTIKULO: Sa panayam ng mag-aaral na ito sa may-akda ng artikulo, ayon kay G. Lasco, siya ay sampung taon ng mananaliksik ukol sa kasaysayang Pilipino9. Siya ay isang mananliksik sa Bagong Kasaysayan/ Bahay Saliksikan ng Kasaysayan (BAKAS) na itinatag ni Zeus Salazar. Nakapagsulat na siya ng 7 dokumento (1 libro at 5 artikulo) na lahat ay masuring tumalakay sa kasaysayan ng bansa at ang relasyon nito sa mga banyaga. Ang "Kalibre 45" at ang Pakikibaka ng mga Mandirigmang Pilipino [The M1911 .45ACP pistol and the battles of the Filipino warriors] (2014). Kabilang sa Saliksik E-Journal, Tomo 2 Bilang 2. Ang Kaisahan at Ugnayan ng Lumang Pamayanan ng Pilipinas at ng Rapa Nui at Polynesyang Pranses. (2015). Kabilang rin sa Saliksik E-Journal, Tomo 4 Bilang 1. Mga Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo Noong Dating Panahon. (2014). Saliksik E-Journal. Tomo 4 Bilang 1. Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino: Isang Panimulang Pag-aaral. (2011). Kabilang sa Dalumat E-Journal, Tomo 1 Bilang 2. Otherworldly Ornamentation - The bladed weapons of southern Luzon and the Visayas and their symbolisms. (2020). Si G. Lasco ay napasailalim rin ni G. Zeus A. Salazar. Si Zeus Salazar ay isa sa mga akademiko na pinalad na makapag-aral ng post-graduate sa Pransiya. Nakipaghuntahan sa mga ekperto at ideyang Europeo. Subalit, sa dami ng bansang kanyang nalakbay, maaaring nahumaling na lamang siya sa timyas ng buhay sa ibang bansa ngunit sa maraming pagkakataon, may kung anong nanghihila kay ZAS pabalik sa bayan. Ang kanyang mga pinakamatingkad na kontribusyon sa Agham Panlipunan: (1) ang depinisyon ng kasaysayan, at (2) ang Pantayong Pananaw.10 9 Lorenz Lasco (General Manager) interview with Leila Lizarondo,(June 21,2021). 10 Xiao Chua, “Balimbayan”.GMA News Network. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/638917/saysay-ng-sariling-kasaysayan-ang-ambag-ni- zeus-salazar-sa-bayan/story/
  • 8. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Karamihan sa mga impormasyon na nakalap ng may-akda ay nangaling sa mga talasalitaan na noon pang panahon na hindi pa nasasakop ang lupain ng mga banyaga. Pinagkuhanan ni G. Lasco ang Biblioteca de Nacional España, pinakamalaking pampublikong tala-aklatan sa espanya at isa sa pinakamalaki sa buong mundo. Matatagpuan ito sa Madrid, Paseo de Recoletos.11 Nagamit ang talasalitaang ito na mula pa sa espanya sa marami pang mga artikulo at libro ngunit ang mayorya ay nasa lenggwaheng Espanyol. Ang pagsusuring libro, Archival Documentation in the Philological Analysis of Philippine Spanish: A Review of El español de Filipinas Documentos coloniales by Mariano Franco Figueroa na ginawa ni Marlon James Sales noong 2014. 12 na tumalakay sa mga batis na maaring pagkuhanan ng mga mag- aaral o mananaliksik ng Filipino-Hispanic history. Isa pa ay ang artikulo ni Aurora Díez Baños na nailathala noong 2008. Biblioteca Filipina: bibliografía de las obras impresas en Filipinas y relativas a Filipinas, hasta el año 1830, depositadas en la Biblioteca de la Universidad Complutense (Philippine Library: bibliography of works printed in the Philippines and related to the Philippines, up to the year 1830, deposited in the Library of the Complutense University).13 Ang libro ni Jose Toribio Medina na Bibliografía española de las islas Filipinas (Spanish Bibliography of the Philippine Islands) (1523-1810) na nailathala pa noong 1897. 14 Masasabi ng mag-aaral na ito na luma na ang mg abatis na natagpuan ng may-akda dahil ang kanyang artikulo ay nakabase sa makalumang mga dokumento na nagbibigay klaripikasyon sa kasaysayan ng salitang “kalis”. 11 “Biblioteca Nacional deEspaña”. Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Biblioteca_Nacional_de_Espa%C3%B1a 12 Marlon James Sales,A Book Review: Archival Documentation in the Philological Analysisof PhilippineSpanish:A Review of El español de FilipinasDocumentos coloniales by Mariano Franco Figueroa,131. 13 Aurora Díez Baños,Biblioteca Filipina:bibliografía delas obras impresas en Filipinasy relativasa Filipinas,hasta el año 1830, depositadas en la Biblioteca dela Universidad Complutense. http://www.ucm.es/BUCM/foa/pecia/num8/index08.htm 14 Jose Toribio Medina,Bibliografía española de las islas Filipinas (1523-1810) (University of Madrid,2008), University of Chile
  • 9. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Gumamit si G. Lasco ng mga sekondaryang batis. Katulad ng diksyunaryo at mga tala- aklatan. Hanguang Elektroniko na pinagkuhaan ng mga ilustrasyon at impormasyong sumusuporta sa mga datos. Nagsimula muna si G. Lasco sa pagkalap ng mga datos mula sa iba’t ibang batis at pinagkumpara ang mga ito. Sa una niyang pagkukumpara ay ang mga tagalog na talasalitaan ni San Buenaventura at Delos Santos, kaniyang pinunto na magkatulad lamang ang pakahulugan ng dalawang may-akda. Masuring sinuyod ni G. Lasco ang mga diksyunaryo at tala-aklatan sa ibang rehiyon ng Pilipinas at pinaghambing ang mga ito pati na rin ang mga pakahulugan ng banyagang namalagi sa mga lupaing ito. Sa panayam ng mag-aaral na ito kay G. Lasco, sinabi ng may-akda na, “Ang pinaka-main na sources ko ay mga lumang “vocabulario”, sa iba’t ibang lengwahe sa ating kapuluan. Ang utos kasi ng hari ng Espana noon ay turaan tayo nga mga prayle ng Espanyol. Pero hindi ito sinunod ng mga prayle. Bagkus, sila na lang ang nagpakadalubhasa sa ating mga lenggwahe. Tapos, para yung mga bagong salta ng mga prayle mula Espanya ay mas madaling matuto ng mga lenggwahe natin (Tagalog, Pampango, Ilocano, Bicolano, Waray, Cebuano, etc.), gumawa sila ng mga “vocabulario” (bale, dictionaries).”15 Sa pagsusuri ng mag-aaral na ito gumamit ang may-akda ng Input-Process-Output na conceptual framework. Input ni G. Lasco ang kanyang mga nakalap na datos sa iba’t ibang pakahulugan ng salitang “kalis” mula sa mga rehiyon ng Pilipinas mula sa mga tala-aklatan at hanguang elektroniko. Sa proseso naman ay masuring inisa-isa ng may-akda ang mga pakahulugang ito, pinagkompara ang mga depinisyon, kanilang origin, ugat-salita, at gamit sa pangungusap. Huli ay ang awtput kung saan nagbigay ng konklusyon ang may-akda tungkol sa salitang “kalis” at ang pinagmulan nito. Ang ‘kalis’ at ‘karis’, noon pa man ay tumutukoy sa, [a] sandatang patalim, at/o [b] sining at akto ng pakikipaglaban gamit ang patalim o pambambo. Ang kalis o karisbilang sining ay umiiral na bago pa man dumating ang mga banyaga. At ang katagang kaliso karisbilang sandata man o sining ay ginamit sa buong kapuluan ng Pilipinas. 15 Lorenz Lasco (General Manager) interview with Leila Lizarondo,(June 21,2021).
  • 10. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Ang laganap ng paggamit ng salitang kalis, (at karis at kris) ay isa sa mga maraming patotoo na may iisang diwa na nananalaytay sa buong Kapilipinuhan.16 Ang mag-aaral na ito ay nakumbinsi sa ginawang konseptuwal na framework ng may-akda. Malinaw ang pagkakasunod-sunod sa kung paano ilathala ng awtor ang bawat bahagi ng artikulo. Hindi kulang ang bawat input, kumpleto sa datos at nasusuportahan ng mga batis na kaniyang inilagay. Ang framework na ginamit nagging mabisang istruktura na siyang nagging balangkas sa kung paano dadaloy ang datos at impormasyon na magreresulta sa isang malinaw na konklusyon. Katulad ng nabanggit sa pagpapakilala ng pinagmulang E-Journal ng artikulong sinusuri ng mag-aaral na ito, ang Dalumat E-Journal ay isang multi-kultural at multi-displinaryong journal na binubuo ng mga artikulo na tumatalakay sa iba’t ibang disiplina. Ang Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon, na artikulo ay gumamit ng multi- disciplinary approach. Ang una ay ang etimolohiya. Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon.17 Ang awtor ay naglista ng mga pakahulugan sa iba’t ibang diyalekto at pinagkumpara ang mga ito. Sumunod naman ang larangan ng archeology. Si G. Lasco ay nangalap ng mga larawan ng sandata ng mga mandirigmang Pilipino sa iba’t ibang panahon na nagdaan sa ating kasaysayan. Sa simula pa lamang ng sulatin ay itinatwa na ng may-akda ang kolonyal na papel sa artikulo. Isinaad ni G. Lasco na ang mga pinagkuhanan niya ng datos ay mula pa noong panahon na hindi pa nakakaapak ang mga banyaga sa Pilipinas at dahil na rin sa hindi inaral ng mga Pilipino ang wikang kastila bagkus ang mga Espanyol ang nag-aral ng ating wika, makabayan ang naging lapit nito. Ang mga batis na pinagkuhanan ng impormasyon ay galling nga ng 16 Lasco,Kalis:Ang PilipinongSiningngPakikipaglaban NoongDatingPanahon,8-9. 17 “Etimolohiya”, Wikipedia, https://tl.wikipedia.org/wiki/Etimolohiya.
  • 11. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Espanya ngunit ito naman ay mga sarili naman nating diyalekto (Tagalog, Waray, Cebuano, Bicolano, etc.). Napansin rin ng mag-aaral na ito na sa dulong bahagi ng artikulo ay ipinaliwanag ng may-akda kung bakit naging “kali” na lamang ang salitang “kalis”. Kinontra ni G. Lasco ang pahayag nina Yambao at Mirafuente na nanggaling ang salitang “kalis” sa “kali”. Ipinaliwanag ni G. Lasco ang proseso ng pagbabaybay noong bago pa man ang panahon ng Kastila, ang Baybayin. Sa huling bahagi ng artikulo, nabanggit ni G. Lasco na hindi na matunton ang orihinal na porma, estilo o gawi ng kalis sapagkat napaka-adaptibo ng sining na ito at madaling mainpluwensiyahan ng banyagang sining. Ang libro na isinulat ni Antonio Diego at Christopher Ricketts na pinamagatang, The Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting Art Explained 18 na nailathala noong June 15, 2012 ay nagtalakay ng kasaysayan ng Kalis Ilustrisimo. Si Antonio Diego at Christopher Ricketts ay mga prominente at kabilang sa mga pinakamagagaling na estudyante ng swordsman na si Antonio Ilusistrimo. Ang kalis ilustrisimo, ayon sa libro ni Diego at Ricketts ay naiiba sa Kali. Ang Kali ay ang sinauna at ina ng lahat ng sining ng pakikipaglaban sa Pilipinas 19 habang ang kalis ilustrismo ay nanggaling sa pamilya ng mga Ilustrisimo. Pinaka-tanyag na praktisyoner ng sining na ito ay si Antonio “Tatang” Ilustrisimo. Ang artikulong sinusuri ng mag-aaral na ito ay nagkokomplemento sa libro ni Diego at Ricketts. Hindi man natalakay ang pinagmulan ng salitang “kalis” ay sumalamin pa rin sa iisang diwa na ang Kali ay sinaunang sining ng pakikipaglaban na nagmula pa noong pre-kolonyal na panahon. Sunod ay ang libro ni Mark V. Wiley na pinamagatang Filipino Martial Culture na nailathala noong 201120. Isinaad naman ni Wiley sa librong ito ang “kali” na salita ay tumutukoy sa pre-kolonyal na sining ng pakikipaglaban ng Pilipino. Dagdag pa sa aklat na ang “kali” ay isa pang tawag sa Silat. 18 Antonio Diego and Christopher Ricketts, The Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting Art Explained (USA: Tuttle Publishing,2012) 19 Antonio Diego and Christopher Ricketts, The Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting Art Explained (USA: Tuttle Publishing,2012) 20 Mark Wiley,Filipino Martial Culture(USA, Tuttle Publishing,2011).
  • 12. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Ang silat ay sining ng pakikipaglaban ng karamihan ng mga nananahan sa Timog-Silangang Asya. 21 Kinontra ni Wiley ang pahayag na ito sapagkat iba ang silat sa kali. Ang kali ay tumutukoy sa simpleng sining ng pakikipaglaban kung saan ang taong nakikipagkombat ay gumagamit ng pambambo. 22 Katulad ng nauna na libro, ang artikulo ni G. Lasco ay nagkokomplemento sa libro ni Wiley. Hindi man malinaw na nailahad ang pinagmulan ng salitang “kali”, iisa pa rin ang konklusyon ng dalawang awtor ukol sa kali/kalis. Maayos ang naging daloy ng buong artikulo. Sinimulan ng may-akda sa pagbibigay ng maikling introduksyon tungkol sa Filipino Martial Arts (FMA) kung saan kabilang ang kali/kalis. Sunod ay ang paglilista ng may-akda sa mga pakahulugang kaniyang nahanap sa iba’t ibang talasalitaan sa buong Pilipinas. Masasabi ng mag-aaral na ito na mabisa ang metodolohiya ng pagkalap ng datos dahil naging malinaw ang daloy ng sulatin. Masuri na inilatag ang mga impormasyon ng hindi napaghahalo-halo ang mga datos. Sa likas ng artikulo na ito na kung saan kailangang maglista ng mga depinisyon ay inasahan na ng mag-aaral na ito na magpapaulit-ulit ang makikitang mga salita. Katulad ng iisang mga pakahulugan ng kalis mula sa mga talasalitaan. Tungkol naman sa pamagat, Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon, hindi gaanong nabigyang pansin ng awtor ang kasaysayan ng mismong sining. Ang inaasahan ng mag-aaral na ito ay makabasa ng kasaysayan at kwento ng pag-practice ng mga sinaunang Pilipino ng kali/kalis. Nagpokus ang awtor sa etimolohiya at kasaysayan ng mismong salita. Ang makokomento ng mag-aaral na ito ukol sa mga larawan o ilustrasyon ay maari sanang kumuha ang may-akda ng malilinaw na bersyon ng mga pigura ngunit naiintindihan naman ng mag-aaral na ito na kinuha pa ang mga scanned pictures sa mga lumang talasalitaan at sadyang daong taon na ang edad ng mga diksyunaryong ito. Karagdagan ay mahirap maintindihan sa simula ang mga nakasulat sapagkat ito ay nasa wikang kastila ang iba pati na rin 21 Mark Wiley,Filipino Martial Culture (USA, Tuttle Publishing,2011) 22 “Silat”, Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Silat
  • 13. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA ang mga halimbawang pangungusap. Pagdating naman sa mga ilustrasyon ng mga mandirigmang Pilipino ay malinaw at makikita ang mga detalye sa mga ito. Sa teknikal na aspekto ay may mga kapuna-punang tipograpakal na pagkakamali. Mga nagdidikit na mga salita at maling pagkakapuwesto ng mga simbolo na bracket o parenthesis. Nakapagbigay ito ng kaunting lito sa daloy ng pagbabasa ng mag-aaral na ito. Tungkol naman gramatikong aspekto ay tama at mahusay ang pagkakabuo ng mga pangungusap. Walang footnotes ang buong artikulo at hindi ganoon kaayos ang pagkakasulat sa bibliograpiya. Pati na rin ang ibang batis ay hindi ma-access sa internet. Ang komento ng mag-aaral na ito ay mas mainam sana kung maglalagay ng footnotes sa ilalim ng bawat pahina upang makapag-bigay impormasyon sa mga mambabasa na may maari pa silang mabasa ukol sa isang ideya sa artikulo.
  • 14. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA KONKLUSYON: Sa asignaturang Araling Panlipunan, mula pa man noong elementarya, ang naging pokus ay ang panahon ng Kastila, hanggang sa kalayaan natin mula sa mga banyaga. Ano lamang ba ang nalalaman natin tungkol sa Pilipinas sa panahon na hindi pa nakakaapak ang mga mananakop sa lupain? Sa artikulong, Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon, ang naging pokus ni G. Lasco ay ang sining ng pakikipaglaban ng Pilipino bago pa man ang Kastila. Ang mag-aaral na ito kung tatanungin ay walang ideya kung ano ang kali o kalis, ang pamilyar lamang ay arnis at eskrima. Sa pamamagitan ng artikulo at pagsuri nito, maraming impormasyon ang natuklasan ng mag-aaral na ito, kasama na ang kasaysayan ng pre- kolonyal na sining na pakikipaglaban ng Pilipino. Sa karanasan ng mag-aaral na ito sa mga social media sites, ang lahing Pilipino ay lagging naiigugrupo sa mga puti, latino o iba pang lahi na hindi kabilang sa Asya. Ang kanilang sinasabi ay ang mga Pilipino ay nasakop ng matagal ng mga banyaga kaya ang ating pagkakakilanlan ay hindi na Asyano. Nakakalungkot nag anito ang tingin ng mga foreigner sa ating lahi, walang orihinalidad. Sa mga ganitong artikulo na tinutuklas ang mga pinagmulan ng mga kultura at sining, mga praktis na hindi galing sa mga mananakop, nagbibigay linaw ito sa ating pagkakakilanlan. Nagbibigay ito ng kulay sa ating tunay na pinagmulan. Natatangi ang artikulo na ito kumpara sa mga ibang akda na may katulad na paksa. Sa mga nabanggit ng libro sa itaas, ang naging pokus ng mga ito ay ang mismong kasaysayan ng sining ng apkikipaglaban na kali o kalis. Naiiba ang artikulo na ito dahil nagpokus ito sa etimolohiya ng kalis, ang transisyon nito mula sa mga talasalitaan ng iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas hanggang sa kung ano na ang gamit na termino sa kasalukuyan. Tiyak na irerekomenda ng mag-aaral na ito ang artikulo sa mga ibang mag-aaral na gusto malaman ang kasaysayan ng sining ng pakikipaglaban at ang etimolohiya nito. Bilang mga kolehiyong mga estudyante, ang nalalaman o pamilyar lamang ay arnis. Malaking tulong ang
  • 15. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA artikulong ito sa pagbibigay ng paunang kaalaman sa sining ng pakikipaglaban na Kali. Ang mga pinagkuhaan ng impormasyon ay nakakapukaw rin ng kuryosidad. Maaring mag-browse ang mga mag-aaral sa mga talasalitaang ito at makahanap ng mga lumang salita na maaring origin din ng mga salitang gamit sa ngayon.
  • 16. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA BIBLIOGRAPHY: Antonio Diego and Christopher Ricketts, The Secrets of Kalis Ilustrisimo: The Filipino Fighting Art Explained (USA: Tuttle Publishing, 2012). Accessed June 30, 2021. https://books.google.com.ph/books?hl=en&lr=&id=dYvQAgAAQBAJ&oi=fnd&pg=PP1 3&dq=KALIS+philippines&ots=Wsv7ten8r7&sig=oCDceTZg22zJCIrYge- fcr9qWWw&redir_esc=y#v=onepage&q=KALIS%20philippines&f=false Aurora Díez Baños, Biblioteca Filipina: bibliografía de las obras impresas en Filipinas y relativas a Filipinas, hasta el año 1830, depositadas en la Biblioteca de la Universidad Complutense. Accessed June 30, 2021. http://www.ucm.es/BUCM/foa/pecia/num8/index08.htm “Biblioteca de Nacional España”. Accessed June 30, 2021. http://www.bne.es/es/Inicio/index.html “Biblioteca Nacional de España”. Wikipedia. Accessed June 30, 2021. https://en.wikipedia.org/wiki/Biblioteca_Nacional_de_Espa%C3%B1a Elvin Amerigo Valerio, et. al., DALUMAT E-Journal 1, no. 1 (2010), accessed June 30, 2021. https://ejournals.ph/issue.php?id=580 “Etimolohiya”, Wikipedia. Accessed June 30, 2021. https://tl.wikipedia.org/wiki/Etimolohiya Filhistory.com. Accessed June 30, 2021. Jose Toribio Medina, Bibliografía española de las islas Filipinas (1523-1810) (University of Madrid, 2008), University of Chile. Accessed June 30, 2021. https://books.google.com.ph/books?id=N94vAAAAYAAJ&printsec=frontcover&source =gbs_ge_summary_r&cad=0#v=onepage&q&f=false
  • 17. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Lorenz Lasco, "Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon", DALUMAT E-Journal 2, no. 2 (2010), accessed June 30, 2021. Networked Learning PH, Inc. https://ejournals.ph/issue.php?id=583#prod Lasco, Lorenz. “Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon.” Dalumat EJournal 2, no. 2 (2011): 2. Accessed June 29, 2021. Networked Learning PH, Inc. https://www.academia.edu/46210056/Kalis_Ang_Pilipinong_Sining_ng_Pakikipaglaban_ Noong_Dating_Panahon “Lorenz Lasco”, Bagong Kasaysayan, Academia. Accessed June 30, 2021. https://bagongkasaysayan.academia.edu/LorenzLasco Lorenz Lasco, EB - LL sandata symbolism, 2020. Accessed June 30, 2021 in Google Photos. https://photos.google.com/share/AF1QipOhVqxCVe2vM8O1YLD2aOQHl8zedxJj- Ht3Ss81LFRYea6V40el19olBRcKhLXgUA?key=RnVhbFlzUXc4OXdibVo1U05ENW RweU40Qzh4NDJR Lorenz Lasco (General Manager) interview with Leila Lizarondo, (June 21,2021). Lorenz Lasco, "Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon", Dalumat EJournal2, no. 2 (2011): 8-9. Accessed June 30, 2021. https://www.academia.edu/46210056/Kalis_Ang_Pilipinong_Sining_ng_Pakikipaglaban_ Noong_Dating_Panahon Mark Wiley, Filipino Martial Culture (USA, Tuttle Publishing, 2011). Accessed June 30, 2021. https://books.google.com.ph/books?hl=en&lr=&id=oi7RAgAAQBAJ&oi=fnd&pg=PT12 &dq=kali+arnis+philippines&ots=5Jv8h4w2Ro&sig=GKUnKTzYRmDOK2aQFiTj_JT QHGA&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false Marlon James Sales, A Book Review: Archival Documentation in the Philological Analysis of Philippine Spanish: A Review of El español de Filipinas Documentos coloniales by
  • 18. POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES STA. MESA MANILA Mariano Franco Figueroa, 131. Accessed June 30, 2021. https://eprints.ucm.es/id/eprint/7930/ “Silat”, Wikipedia. Accessed June 30, 2021. https://en.wikipedia.org/wiki/Silat Xiao Chua, “Balimbayan”. GMA News Network. Accessed June 30, 2021. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/638917/saysay-ng-sariling- kasaysayan-ang-ambag-ni-zeus-salazar-sa-bayan/story/