SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
Download to read offline
1
IKATLONG MARKAHAN- IKALAWA AT IKATLONG LINGGO
2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula sa pampubliko
at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito
3
ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG MARKAHAN
UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO
Habang unti-unting binabago ng Renaissance ang lipunan at kultura ng mga Europeo
ang mga manlalayag naman ay nakatuklas ng mga bagong lupain na nagpabago sa
kabuhayan ng mga tao. At sa huling bahagi ng ika-15 na siglo ang mga Europeo ay walang
takot na nakipagsapalarang maglayag sa karagatan na nagbigay daan sa kolonyalismo at
siyang nagpabago kailanman sa mga lumang paniniwala at pag-iisip ng mga tao ukol sa mga
hindi pa nagagalugad na bahagi ng mundo. Sa modyul na ito ay malalaman mo at
mauunawaan ang mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig ukol sa paglawak ng
kapangyarihan ng Europe.
Sa modyul na ito ay inaasahang mapag-aaralan mo ang:
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
Paghahati ng Mundo
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
LAYUNIN
• Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo.
Panimulang Pagtataya: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pagsakop ng isang makapangyarihan bansa sa isang mahinang
bansa.
a. Kolonyalismo b. Eksplorasyon c. Imperyalismo d. Paggalugad
2. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing motibo na nagtulak sa mga
Europeo upang maglayag at tumuklas ng mga bagong lupain maliban sa
_____________.
a. Paghahanap ng kayamanan
b. Paghahangad ng katanyagan at karangalan
c. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
d. Pagpapatunay na bilog ang mundo.
3. Ang mga sumusunod na pangungusap ay ang kahalagahan ng aklat na “The Travels
of Marco Polo” para sa mga taga-Europa maliban sa _________.
ALAMIN NATIN
SUBUKIN NATIN
4
a. Ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China.
b. Nahikayat ang mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa
Asya.
c. Naging inspirasyon ito ng mga Europeo upang magtungo sa Silangan at hanapin
ang mga kayamanan.
d. Naitala niya kung paano ang paggawa ng compass na mahalaga sa paglalakbay.
4. Mahahalagang mga instrumentong ginamit ng mga manlalayag sa paglalakbay sa
panahon ng paggalugad.
a. Astrolabe at Compass c. Quadrant at Drif Meter
b. Octant at Sextant d. Telescope at Charts
5. Ang ________ ay ginagamit ng mga Europeo bilang pampalasa ng kanilang mga
pagkain at upang mapreserba ang mga karne.
a. Asukal b. Margarine c. Sauce d. Spices
6. Ano ang dalawang bansa sa Europa na nanguna sa paglalayag at pagtuklas ng mga
bagong lupain kasama na rin ang paghahanap ng mga ginto at pampalasa.
a. England at France c. Portugal at Spain
b. Belgium at Netherlands d. Spain at England
7. Siya ang dahilan kung bakit nanguna ang Portugal sa paglalayag at binansagang
“The Navigator” dahil sa naging pangunahing tagapagtaguyod ito ng mga paglalayag
sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga mandaragat.
a. Haring Ferdinand c. Prinsipe Henry
b. Haring John I d. Reyna Isabella
8. Isang kasunduang naganap sa pagitan ng Spain at Portugal na kung saan
pinaghatian nila ng lubusan ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga
Europeo.
a. Kasunduan sa Paris c. Kasunduang sa Versailles
b. Kasunduan sa Tordesillas d.Kasunduang sa Westphalia
9. Isang maglalayag na Portuguese na pinondohan ng Spain ang kanyang paglalakbak
na kung saan ito ang naging unang pag-ikot sa mundo na nagtama sa lumang
kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag.
a. Bartholomeu Dias c. Ferdinand Magellan
b. Christopher Columbus d. Vasco da Gama
10.Sila ang pumalit sa mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya
sa pagpasok ng ika-17 na siglo. Nagtatag sila ng bagong sistemang plantsyon kung
saan ang mga lupain ay pinataniman ng mga halamang mabibili sa pamilihan.
a. Ingles b. Kastila c. Dutch d. Pranses
11.Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahan ng mga paglalayag at pagtuklas ng
mga lupain maliban sa:
a. Dumagsa ang mga kalakal sa Europa katulad ng spices na nagmula sa Asia.
b. Lumago ang negosyo at kalakalan mula sa local na kalakalan tungo sa
malawakang kalakalan sa ibayong dagat.
c. Nagkaroon ng pagbabago sa mga ruta sa kalakalan.
d. Na control o monopolya ng Italy ang kalakalan sa Silangan.
12.Isang sistemang pang-ekonomiya na kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi
ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
a. Kapitalismo b. Merkantilismo c. Sosyalismo d. Tradisyunal
13.Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng unang yugto ng kolonisasyon?
a. Ito ay nagbigay-daan sa malawakang pagtuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyon hindi pa natutuklasan.
5
b. Nagdulot ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng pagkawala
ng kalayaan.
c. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng mga hayop, halaman, at pati na mga sakit sa pagitan ng Old
World at New World.
d. Umunlad ang pamumuhay ng lahat ng tao sa mga nasakop na lupain dahil na rin
sa maraming bansa ang nagtungo dito upang makipagkalakalan.
14.Sa unang yugto ng kolonyalismo ay umunlad ang kalakalan sa Europa na kung saan
maraming mangangalakal ang yumaman at sa dami ng kanilang salapi kinailangan
nila ng mapaglagyan na siyang nagpasimula sa pagtatatag ng mga bangko.
a. Di-Totoo b. Mali c. Tama d. Wala
15.Isa sa mga epekto ng unang yugto ng kolonisasyon ay napukaw nito ang interes ng
mga tao sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at
paglalayag.
a. Di-Totoo b. Mali c. Tama d. Wala
Ang sumusunod na gawain ay makakatulong upang maalalang muli ang mga
mahahalagang impormasyong napag-aralan sa mga naunang aralin o paksa.
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang kolum. Tukuyin kung saan larangan nagkaroon ng
mahahalagang ambag o kontribusyon ang mga sumusunod na indibidwal na nabuhay sa
panahon ng Renaissance.
Agham Panitikan Sining at
Arkitektura
1. Niccolo Machiavelli
2. Leonardo da Vinci
3. William Shakespear
4. Nicolas Copernicus
5. Galileo Galilei
6. Francesco Petrach
7. Desiderius Erasmus
8. Michelangelo Bounarotti
9. Isaac Newton
10.Miguel de Cervantes
UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO
Noong ika-15 na siglo nagsimula ang eksplorasyon – paghahanap ng mga lugar na
hindi pa nararating ng mga Europeo. Naisakatuparan ng mga Europeo ang paglalakbay
at paghahanap ng mga lupain sa malawak na karagatan dahil na rin sa: (1) kagustuhang
malaman kung ano ang mga bagay na nasa ibang panig ng mundo; (2) pagsuporta ng
BALIKAN NATIN
TALAKAYIN NATIN
6
mga monarkiya (hari at reyna) sa mga manlalakbay at; (3) pag-unlad ng mga sasakyang
pandagat (Caravels) at mga instrumentong ginagamit sa paglalayag katulad ng compass –
nagbibigay ng tamang direksyon at astrolabe – na ginagamit naman upang sukatin ang taas
ng bituin.
Isa ang Asya sa mga lugar na naging kaakit-akit sa mga Europeo dahil na rin sa
napakaraming mayayamang lugar dito ayon kay Marco Polo na isang manlalakbay.Sa
kanyang aklat na “The Travels of Marco Polo” inilarawan niya dito ang yaman at kaunlarang
taglay ng China. Sa talang ito ni Marco Polo nakadagdag ito sa hangarin ng mga Europeo na
maghanap ng mga bagong ruta patungo sa Asya lalo pa at kontrolado ng mga muslim ang
mga rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya at tanging mga manganagalakal na taga-Italya
(venetians) lamang ang pinapayagang dumaan dito at makipagkalakalan sa silangan.
Ang eksplorasyon ang nagbigay daan sa kolonyalismo – ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Ang panahon ng eksplorasyon ang
naging hudyat sa pagsisimula ng paglawak ng kapangyarihan ng Europa.
Gawain # 1: Hanapin at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa eksplorasyon.
TATLONG PANGUNAHING MOTIBO NG KOLONYALISMO
1. Paghahanap ng kayamanan
2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
3. Paghahanap ng katanyagan at karangalan
❖ Portugal at Spain – Dalawang bansa sa Europe na nagpasimula ng paglalayag
at pagtuklas ng mga bagong lupain.
K B H I U T B Z K I B N
G O M A R C O P O L O I
I H L C B N X M I Y R Y
O T C O M P A S S R F A
P U E U N O R A D G T R
H M Y L F Y R Y V N G L
E N Q I H O A O X F H A
F D A P L Y Z L T U T W
R H E P U U S U I I B E
T I S V H F A I Y S D T
K K C M K G K L G L M R
E A S T R O L A B E H O
7
PORTUGAL
Kauna-unahang bansang Europeo na nanguna sa paglalayag dahil kay
Prinsipe Henry na binansagang “The Navigator” dahil sa naging pangunahing
itong tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa
mga mandaragat.
Maliban sa paghahanap ng mga ginto ang mga Portuguese ay naghanap rin
ng spices – ginagamit bilang pampalasa sa pagkain at pang-preserba ng mga
karne.
SPAIN
1492- Christopher Columbus
- Isang Italyanong manlalayag na sinoportahan ni Haring Ferdinand at Reyna
Isabella ang kanyang ekspidisyon papuntang India ngunit nakarating sa mga isla
ng Bahamas(Amerika) na inakala niyang India at tinawag ang mga tao dito na
Indians.
1494- Kasunduan sa Tordesillas
- Isang kasunduang naganap sa pagitan ng Spain at Portugal na kung saan
pinaghatian nila ng lubusan ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga
Europeo.
- Nakasaad dito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa
kanlurang bahagi ng line of demarcation (hindi nakikitang linya sa gitna ng
Atlantiko) ay para sa Spain at sa Silangan bahagi naman ng linya ay sa Portugal.
1507- Amerigo Vespucci
- Isang Italyanong manlalayag na nakabatid na ang lupain na napuntahan ni
Columbus ay isang bagong kontinente na tinawag na New World o Bagong
Daigdig na kalaunan pinangalanan ng mga gumawa ng mapa ng Bagog Daigdig
na “Amerika” na hango sa kanyang pangalan.
1519- Ferdinand Magellan
- Isang Portuguese na pinondohan ng Spain ang kanyang ekspidisyon papunta sa
Silangan gamit ang rutang pakanluran.
- Ang kanyang paglalayag ay ang unang pag-ikot sa mundo at itinama nito ang
lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag.
NANGUNA SA EKSPLORASYON PARA SA PORTUGAL
Taon Lugar na Narating
Bartolomeu Dias 1488 Cape of Good Hope
Vasco da Gama 1497 Calicut, India
Pedro Cabral 1500 Brazil
8
Gawain # 2: Lagyan ng tsek ( ) ang kolum. Tukuyin kung ang mga sumusunod na kaganapan
ay nangyari sa kaninong manlalakbay o manlalayag.
Ang England, France at Netherlands ay nagpondo at nagsagawa rin ng mga ekspidisyon.
Nagpadala rin sila ng mga manlalayag upang humanap ng mga lupain at ibang ruta sa itaas ng
Hilagang Amerika na papunta sa Pasipiko. Kalaunan ang mga bansang ito ay nagkapagtatag rin na
kani-kaniyang mga kolonya – lupang sakop. Naging mabilis ang paglakas at pag-unlad ng mga
bansang ito dahil na rin sa kanilang mga kolonya na napakinabangan nila ng husto mula sa mga likas
yaman nito at sa mga taong nakatira dito na sumailalim sa sapilitang paggawa.
Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch (Netherlands) ang mga Portuguese
bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas – lupain ng
pampalasa(Indonesia) mula sa Portugal. Nagkaroon din sila ng mga kolonya sa North Amerika.
Pinangunahan ito ng Ingles na manlalayag na si Henry Hudson na nakapasok sa New York Bay
noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland – nakapagpatayo dito ang mga Dutch ng isang
himpilang pangkalakalan na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang New York City.
Ang Ilog Hudson sa Manhattan, USA ay nagmula sa pangalan ni Henry Hudson.
Pangyayari Manlalayag
Columbus Da Gama Vespucci Dias Henry Cabral
*Naging pangunahing tagapagtaguyod ng
mga paglalayag.
*Narating niya ang mga isla sa Bahamas
na inakala niyang India
*Ang kanyang paglalayag ang
nagpatunay na bilog ang mundo.
*Natuklasan niyang ang lupang narating
ng isang manlalayag ay isang New World
o Bagong Daigdig.
*Tinatawag siyang “The Navigator”
*Ang Amerika ay hinango sa kanyang
pangalan.
*Inikot niya ang Cape of Good Hope at
nakarating sa Calicut, India
PAGYAMANIN NATIN
9
KAHALAGAHAN NG MGA PAGLALAYAG AT PAGTUKLAS NG MGA LUPAIN
➢ Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa sa baybay-dagat ng Atlantic mula
sa Spain, Portugal, France, Belgium, Netherlands at England at nawala sa
kinalalagyan ang Italy bilang sentro ng kalakalan na kaniyang pinamumunuan mula
pa noong Medieval Period.
➢ Lumago ang mga negosyo at higit na dumagsa ang mga kalakal sa Europa katulad ng
spices, ginto, pilak, kape, asukal at maraming pang iba.
➢ Dumami ang mga salapi ng mga mangangalakal at kinailangan nila ng ligtas na
mapaglalagyan mga ito na nagpasimula sa pagtatatag ng mga bangko.
➢ Naitatag ang sistemang kapitalismo – ang sistema kung saan mamumuhunan ng
kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONISASYON
➢ Nagkaroon ng mga bagong ruta para sa kalakalan.
➢ Nagbigay daan ito sa mga Europeo upang makatuklas at makapaggalugad ng mga
lupain at sibilisasyon.
➢ Napukaw nito ang interes ng mga tao sa mga makabagong teknolohiya at
pamamaraan sa paglalayag at heograpiya.
➢ Mabilis na lumaganap ang sibilisasyon o kultura ng mga kanluranin sa silangan.
➢ Para sa mga bansang nasakop nagdulot ito ng pagkawala ng kalayaan, paninikil, at
pagsasamantala sa kanilang mga likas na yaman.
➢ Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng
mga hayop, halaman, pati na mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
➢ Lumakas at lumawak ang kapangyarihan ng Europe sa mundo.
Gawain # 3: Isulat ang salitang Tama kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan at Mali na kung hindi.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Tama o Mali! Sa unang yugto ng kolonyalismo mo ay……..
______1. Maraming mangangalakal na Europeo ang yumaman dahil sa kalakalan.
______2. Dumami ang mga salapi ng mga mangangalakal na Europeo ang nagbigay daan sa
pagkakatatag ng mga banko at ng sistemang kapitalismo.
______3. Naging maunlad ang mga lupain sakop ng mga Europeo.
______4. Naging sentro ng kalakalan ang Italya.
______5. May mga bagong ruta at lupain natuklasan sa pamamagitan ng mga paglalayag at
paggalugad.
ISAISIP NATIN
10
A. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang
tamang sagot na nasa loob ng kahot at isulat sa patlang bago ang bilang.
_________1. Inilarawan dito ang kaunlaran at yamang taglay ng China na nakahiyat sa mga
Europeo na maglakbay sa silangan.
_________2. Paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating at nagagalugad ng mga
Europeo.
_________3. Kauna-unahang bansa sa Europa na naglakbay at naglayag sa karagatan upang
tumuklas ng mga ruta.
_________4. Isang Sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interest.
_________5. Ito ay tumutukoy sa pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.
1. Gumawa ng isang tula o kanta na may kinalaman
sa eksplorasyon at kolonyalismo.
2. Bidyuhan mo ang iyong sarili habang kinakanta o
tinutula ang iyong ginawa at i-upload sa youtube.
Rubrics para sa pagsulat ng awit
Eksplorasyon Spain Kolonyalismo Dutch
Kapitalismo The Travels of Marco Polo Portugal
ISABUHAY NATIN
TAYAHIN NATIN
11
B. Panuto: Kilalanim ang inilalarawan na manlalayag sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.
_________1. Naglayag upang sundan ang rutang dinaanan ni Vasco da Gama sa timog ng Africa ngunit
nakarating siya ng Brazil.
_________2. Nakarating sa mga isla ng Bahamas na inakalang narating niya na ang India.
_________3. Naganap ang unang pag-ikot sa mundo at naitama ang lumang paniniwala ng mga Europeo
na patag ang daigdig.
_________4. Italyanong manlalayag na nabatid na ang lupaing narating ni Columbus ay hindi Bagong
Daigdig.
_________5. Naglayag sa Hilagang Amerika at narating niya ang kasalukuyang Ilog Hudson.
Panuto: Hanapin sa mapa ang mga bansa sa Europa na ating napag-aralan sa modyul na ito at
kulayan ng pula at sa mga lupaing narating naman ng kanilang mga manlalayag ay kulayan ng
dilaw.
PANOORIN MO! – Kung kayo ay may internet o data maaring ninyong panoorin
ang mga sumusunod na video sa youtube para sa mga karagdagang kaalaman.
.
• https://www.youtube.com/watch?v=q2uygXe8he4&t=2s
• https://www.youtube.com/watch?v=_kv-IMFhbkk&t=21s
• https://www.youtube.com/watch?v=wGqAJXudZfw
➢
KARAGDAGANG NATIN
12
➢ A History of the World – Marvin Perry (Pahina 345-371)
➢ Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig (Pahina 290-300)
➢ Modyul ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig (Pahina 326-337)
➢ Google
➢ Youtube (Ser Ian’s Class – Youtube Channel (Age of Exploration))
• https://www.youtube.com/watch?v=q2uygXe8he4&t=2s
• https://www.youtube.com/watch?v=_kv-IMFhbkk&t=21s
• https://www.youtube.com/watch?v=wGqAJXudZfw
SANGGUINAN
13
Sa mga katanungan ,maaring tumawag o sumulat sa …..
Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig
City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Mark Lester J. Agacia
Mga tagasuri: Jocelyn C. Alvis, Araling Panlipunan - Head Teacher III
Elisa P. Apolis, Araling Panlipunan - Head Teacher III
Naglayout: Robert Valera
Management Team: Margarito B. Materum
Assistant Schools Division Superintendent
Dr. George P. Tizon
Chief SDOG
Dr. Ellery G. Quintia
CID Chief
Dr. Daisy L. Mataac
EPS LRMS
Ferdinand Paggao
EPS-AP

More Related Content

What's hot

Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batasMga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batasDen Zkie
 
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Ikalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulitIkalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulitPaul Barranco
 
Detailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teachingDetailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teachingMirabeth Encarnacion
 
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng PaglilingkodAralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkodedmond84
 
PILIPINAS Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...
PILIPINAS  Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...PILIPINAS  Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...
PILIPINAS Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...Jackeline Abinales
 
AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu july 31 to august 4
AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu   july 31 to august 4AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu   july 31 to august 4
AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu july 31 to august 4DIEGO Pomarca
 
Ikalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismoIkalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismokelvin kent giron
 
kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugto
kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugtokolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugto
kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugtoIrwinFajarito2
 
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!avonnecastiilo
 
Lesson plan in_araling_panlipunan_7
Lesson plan in_araling_panlipunan_7Lesson plan in_araling_panlipunan_7
Lesson plan in_araling_panlipunan_7cheng_05
 
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxAP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxJenniferApollo
 
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptxhalaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptxRenatoofong
 
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang PandaigdigAng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdigedmond84
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Crystal Mae Salazar
 

What's hot (20)

Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batasMga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
 
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
 
PAGKAMAMAMAYAN.pptx
PAGKAMAMAMAYAN.pptxPAGKAMAMAMAYAN.pptx
PAGKAMAMAMAYAN.pptx
 
Ikalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulitIkalawang pagsusulit
Ikalawang pagsusulit
 
Liga ng mga bansa
Liga ng mga bansaLiga ng mga bansa
Liga ng mga bansa
 
Migrasyon Dahilan at Epekto
Migrasyon Dahilan at EpektoMigrasyon Dahilan at Epekto
Migrasyon Dahilan at Epekto
 
Katangiang Pisikal ng Asya
Katangiang Pisikal ng AsyaKatangiang Pisikal ng Asya
Katangiang Pisikal ng Asya
 
Detailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teachingDetailed lesson plan in demonstration teaching
Detailed lesson plan in demonstration teaching
 
ESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptxESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptx
 
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng PaglilingkodAralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
 
PILIPINAS Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...
PILIPINAS  Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...PILIPINAS  Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...
PILIPINAS Mga Bansang Nasakop sa Timog Silangang asya sa Unang Yugto ng impe...
 
AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu july 31 to august 4
AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu   july 31 to august 4AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu   july 31 to august 4
AP 10 dll quarter 1 week 9 kontemporaryung isyu july 31 to august 4
 
Ikalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismoIkalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismo
 
kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugto
kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugtokolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugto
kolonyalismo at imperyalismo sa silangan at timog silangang asya unang yugto
 
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
ESP 7 PANGARAP AT MITHIIN!
 
Lesson plan in_araling_panlipunan_7
Lesson plan in_araling_panlipunan_7Lesson plan in_araling_panlipunan_7
Lesson plan in_araling_panlipunan_7
 
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxAP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
 
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptxhalaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
halaga ng pag-aaral para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.pptx
 
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang PandaigdigAng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
 

Similar to APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf

Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0南 睿
 
DLL Feb 20- 24, 2023.docx
DLL Feb 20- 24, 2023.docxDLL Feb 20- 24, 2023.docx
DLL Feb 20- 24, 2023.docxJePaiAldous
 
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdfAralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdfVergilSYbaez
 
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...JuliusRomano3
 
The Age of Discovery and Colonization.pptx
The Age of Discovery and Colonization.pptxThe Age of Discovery and Colonization.pptx
The Age of Discovery and Colonization.pptxJosHua455569
 
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastilaModyul 5 ang pagdating ng mga kastila
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila南 睿
 
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang NasyonalismoPag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismoregina sawaan
 
Araling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptx
Araling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptxAraling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptx
Araling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptxVandolphMallillin2
 
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptxAPAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptxDungoLyka
 
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERPrecious Sison-Cerdoncillo
 
Modyul 7 ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imper
Modyul 7   ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imperModyul 7   ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imper
Modyul 7 ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imper南 睿
 
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-
Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-南 睿
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxJackeline Abinales
 
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8Neliza Laurenio
 

Similar to APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf (20)

Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
 
AP-8-Q3_M2.pptx
AP-8-Q3_M2.pptxAP-8-Q3_M2.pptx
AP-8-Q3_M2.pptx
 
DLL Feb 20- 24, 2023.docx
DLL Feb 20- 24, 2023.docxDLL Feb 20- 24, 2023.docx
DLL Feb 20- 24, 2023.docx
 
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdfAralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
Aralin 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa.pdf
 
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
 
The Age of Discovery and Colonization.pptx
The Age of Discovery and Colonization.pptxThe Age of Discovery and Colonization.pptx
The Age of Discovery and Colonization.pptx
 
WEEK 2 ppt.pptx
WEEK 2  ppt.pptxWEEK 2  ppt.pptx
WEEK 2 ppt.pptx
 
APQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdf
APQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdfAPQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdf
APQ3-WEEK-5-7-EDITED.pdf
 
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastilaModyul 5 ang pagdating ng mga kastila
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila
 
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang NasyonalismoPag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
 
Araling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptx
Araling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptxAraling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptx
Araling Panlipunan Quarter 1 -WEEK1.pptx
 
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptxAPAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
 
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
AP 1.pptx
AP 1.pptxAP 1.pptx
AP 1.pptx
 
Modyul 7 ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imper
Modyul 7   ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imperModyul 7   ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imper
Modyul 7 ang paglaganap ng kolonyalismo at simula ng imper
 
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-
Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
 
Ap8 q3 ppt2
Ap8 q3 ppt2Ap8 q3 ppt2
Ap8 q3 ppt2
 
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG MARKAHAN-ARALING PANLIPUNAN 8
 
Ap
ApAp
Ap
 

Recently uploaded

Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKONecelynMontolo
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxellamaycatipun17
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 

Recently uploaded (20)

Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 

APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf

  • 1. 1 IKATLONG MARKAHAN- IKALAWA AT IKATLONG LINGGO
  • 2. 2 Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag- aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito
  • 3. 3 ARALING PANLIPUNAN 8 IKATLONG MARKAHAN UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO Habang unti-unting binabago ng Renaissance ang lipunan at kultura ng mga Europeo ang mga manlalayag naman ay nakatuklas ng mga bagong lupain na nagpabago sa kabuhayan ng mga tao. At sa huling bahagi ng ika-15 na siglo ang mga Europeo ay walang takot na nakipagsapalarang maglayag sa karagatan na nagbigay daan sa kolonyalismo at siyang nagpabago kailanman sa mga lumang paniniwala at pag-iisip ng mga tao ukol sa mga hindi pa nagagalugad na bahagi ng mundo. Sa modyul na ito ay malalaman mo at mauunawaan ang mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig ukol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Sa modyul na ito ay inaasahang mapag-aaralan mo ang: Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon Paghahati ng Mundo Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon LAYUNIN • Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo. Panimulang Pagtataya: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay tumutukoy sa pagsakop ng isang makapangyarihan bansa sa isang mahinang bansa. a. Kolonyalismo b. Eksplorasyon c. Imperyalismo d. Paggalugad 2. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing motibo na nagtulak sa mga Europeo upang maglayag at tumuklas ng mga bagong lupain maliban sa _____________. a. Paghahanap ng kayamanan b. Paghahangad ng katanyagan at karangalan c. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo d. Pagpapatunay na bilog ang mundo. 3. Ang mga sumusunod na pangungusap ay ang kahalagahan ng aklat na “The Travels of Marco Polo” para sa mga taga-Europa maliban sa _________. ALAMIN NATIN SUBUKIN NATIN
  • 4. 4 a. Ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. b. Nahikayat ang mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa Asya. c. Naging inspirasyon ito ng mga Europeo upang magtungo sa Silangan at hanapin ang mga kayamanan. d. Naitala niya kung paano ang paggawa ng compass na mahalaga sa paglalakbay. 4. Mahahalagang mga instrumentong ginamit ng mga manlalayag sa paglalakbay sa panahon ng paggalugad. a. Astrolabe at Compass c. Quadrant at Drif Meter b. Octant at Sextant d. Telescope at Charts 5. Ang ________ ay ginagamit ng mga Europeo bilang pampalasa ng kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. a. Asukal b. Margarine c. Sauce d. Spices 6. Ano ang dalawang bansa sa Europa na nanguna sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain kasama na rin ang paghahanap ng mga ginto at pampalasa. a. England at France c. Portugal at Spain b. Belgium at Netherlands d. Spain at England 7. Siya ang dahilan kung bakit nanguna ang Portugal sa paglalayag at binansagang “The Navigator” dahil sa naging pangunahing tagapagtaguyod ito ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga mandaragat. a. Haring Ferdinand c. Prinsipe Henry b. Haring John I d. Reyna Isabella 8. Isang kasunduang naganap sa pagitan ng Spain at Portugal na kung saan pinaghatian nila ng lubusan ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga Europeo. a. Kasunduan sa Paris c. Kasunduang sa Versailles b. Kasunduan sa Tordesillas d.Kasunduang sa Westphalia 9. Isang maglalayag na Portuguese na pinondohan ng Spain ang kanyang paglalakbak na kung saan ito ang naging unang pag-ikot sa mundo na nagtama sa lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. a. Bartholomeu Dias c. Ferdinand Magellan b. Christopher Columbus d. Vasco da Gama 10.Sila ang pumalit sa mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya sa pagpasok ng ika-17 na siglo. Nagtatag sila ng bagong sistemang plantsyon kung saan ang mga lupain ay pinataniman ng mga halamang mabibili sa pamilihan. a. Ingles b. Kastila c. Dutch d. Pranses 11.Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahan ng mga paglalayag at pagtuklas ng mga lupain maliban sa: a. Dumagsa ang mga kalakal sa Europa katulad ng spices na nagmula sa Asia. b. Lumago ang negosyo at kalakalan mula sa local na kalakalan tungo sa malawakang kalakalan sa ibayong dagat. c. Nagkaroon ng pagbabago sa mga ruta sa kalakalan. d. Na control o monopolya ng Italy ang kalakalan sa Silangan. 12.Isang sistemang pang-ekonomiya na kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. a. Kapitalismo b. Merkantilismo c. Sosyalismo d. Tradisyunal 13.Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng unang yugto ng kolonisasyon? a. Ito ay nagbigay-daan sa malawakang pagtuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyon hindi pa natutuklasan.
  • 5. 5 b. Nagdulot ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kalayaan. c. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, at pati na mga sakit sa pagitan ng Old World at New World. d. Umunlad ang pamumuhay ng lahat ng tao sa mga nasakop na lupain dahil na rin sa maraming bansa ang nagtungo dito upang makipagkalakalan. 14.Sa unang yugto ng kolonyalismo ay umunlad ang kalakalan sa Europa na kung saan maraming mangangalakal ang yumaman at sa dami ng kanilang salapi kinailangan nila ng mapaglagyan na siyang nagpasimula sa pagtatatag ng mga bangko. a. Di-Totoo b. Mali c. Tama d. Wala 15.Isa sa mga epekto ng unang yugto ng kolonisasyon ay napukaw nito ang interes ng mga tao sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. a. Di-Totoo b. Mali c. Tama d. Wala Ang sumusunod na gawain ay makakatulong upang maalalang muli ang mga mahahalagang impormasyong napag-aralan sa mga naunang aralin o paksa. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang kolum. Tukuyin kung saan larangan nagkaroon ng mahahalagang ambag o kontribusyon ang mga sumusunod na indibidwal na nabuhay sa panahon ng Renaissance. Agham Panitikan Sining at Arkitektura 1. Niccolo Machiavelli 2. Leonardo da Vinci 3. William Shakespear 4. Nicolas Copernicus 5. Galileo Galilei 6. Francesco Petrach 7. Desiderius Erasmus 8. Michelangelo Bounarotti 9. Isaac Newton 10.Miguel de Cervantes UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO Noong ika-15 na siglo nagsimula ang eksplorasyon – paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Naisakatuparan ng mga Europeo ang paglalakbay at paghahanap ng mga lupain sa malawak na karagatan dahil na rin sa: (1) kagustuhang malaman kung ano ang mga bagay na nasa ibang panig ng mundo; (2) pagsuporta ng BALIKAN NATIN TALAKAYIN NATIN
  • 6. 6 mga monarkiya (hari at reyna) sa mga manlalakbay at; (3) pag-unlad ng mga sasakyang pandagat (Caravels) at mga instrumentong ginagamit sa paglalayag katulad ng compass – nagbibigay ng tamang direksyon at astrolabe – na ginagamit naman upang sukatin ang taas ng bituin. Isa ang Asya sa mga lugar na naging kaakit-akit sa mga Europeo dahil na rin sa napakaraming mayayamang lugar dito ayon kay Marco Polo na isang manlalakbay.Sa kanyang aklat na “The Travels of Marco Polo” inilarawan niya dito ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Sa talang ito ni Marco Polo nakadagdag ito sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa Asya lalo pa at kontrolado ng mga muslim ang mga rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya at tanging mga manganagalakal na taga-Italya (venetians) lamang ang pinapayagang dumaan dito at makipagkalakalan sa silangan. Ang eksplorasyon ang nagbigay daan sa kolonyalismo – ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Ang panahon ng eksplorasyon ang naging hudyat sa pagsisimula ng paglawak ng kapangyarihan ng Europa. Gawain # 1: Hanapin at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa eksplorasyon. TATLONG PANGUNAHING MOTIBO NG KOLONYALISMO 1. Paghahanap ng kayamanan 2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo 3. Paghahanap ng katanyagan at karangalan ❖ Portugal at Spain – Dalawang bansa sa Europe na nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain. K B H I U T B Z K I B N G O M A R C O P O L O I I H L C B N X M I Y R Y O T C O M P A S S R F A P U E U N O R A D G T R H M Y L F Y R Y V N G L E N Q I H O A O X F H A F D A P L Y Z L T U T W R H E P U U S U I I B E T I S V H F A I Y S D T K K C M K G K L G L M R E A S T R O L A B E H O
  • 7. 7 PORTUGAL Kauna-unahang bansang Europeo na nanguna sa paglalayag dahil kay Prinsipe Henry na binansagang “The Navigator” dahil sa naging pangunahing itong tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga mandaragat. Maliban sa paghahanap ng mga ginto ang mga Portuguese ay naghanap rin ng spices – ginagamit bilang pampalasa sa pagkain at pang-preserba ng mga karne. SPAIN 1492- Christopher Columbus - Isang Italyanong manlalayag na sinoportahan ni Haring Ferdinand at Reyna Isabella ang kanyang ekspidisyon papuntang India ngunit nakarating sa mga isla ng Bahamas(Amerika) na inakala niyang India at tinawag ang mga tao dito na Indians. 1494- Kasunduan sa Tordesillas - Isang kasunduang naganap sa pagitan ng Spain at Portugal na kung saan pinaghatian nila ng lubusan ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga Europeo. - Nakasaad dito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa kanlurang bahagi ng line of demarcation (hindi nakikitang linya sa gitna ng Atlantiko) ay para sa Spain at sa Silangan bahagi naman ng linya ay sa Portugal. 1507- Amerigo Vespucci - Isang Italyanong manlalayag na nakabatid na ang lupain na napuntahan ni Columbus ay isang bagong kontinente na tinawag na New World o Bagong Daigdig na kalaunan pinangalanan ng mga gumawa ng mapa ng Bagog Daigdig na “Amerika” na hango sa kanyang pangalan. 1519- Ferdinand Magellan - Isang Portuguese na pinondohan ng Spain ang kanyang ekspidisyon papunta sa Silangan gamit ang rutang pakanluran. - Ang kanyang paglalayag ay ang unang pag-ikot sa mundo at itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. NANGUNA SA EKSPLORASYON PARA SA PORTUGAL Taon Lugar na Narating Bartolomeu Dias 1488 Cape of Good Hope Vasco da Gama 1497 Calicut, India Pedro Cabral 1500 Brazil
  • 8. 8 Gawain # 2: Lagyan ng tsek ( ) ang kolum. Tukuyin kung ang mga sumusunod na kaganapan ay nangyari sa kaninong manlalakbay o manlalayag. Ang England, France at Netherlands ay nagpondo at nagsagawa rin ng mga ekspidisyon. Nagpadala rin sila ng mga manlalayag upang humanap ng mga lupain at ibang ruta sa itaas ng Hilagang Amerika na papunta sa Pasipiko. Kalaunan ang mga bansang ito ay nagkapagtatag rin na kani-kaniyang mga kolonya – lupang sakop. Naging mabilis ang paglakas at pag-unlad ng mga bansang ito dahil na rin sa kanilang mga kolonya na napakinabangan nila ng husto mula sa mga likas yaman nito at sa mga taong nakatira dito na sumailalim sa sapilitang paggawa. Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch (Netherlands) ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas – lupain ng pampalasa(Indonesia) mula sa Portugal. Nagkaroon din sila ng mga kolonya sa North Amerika. Pinangunahan ito ng Ingles na manlalayag na si Henry Hudson na nakapasok sa New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland – nakapagpatayo dito ang mga Dutch ng isang himpilang pangkalakalan na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang New York City. Ang Ilog Hudson sa Manhattan, USA ay nagmula sa pangalan ni Henry Hudson. Pangyayari Manlalayag Columbus Da Gama Vespucci Dias Henry Cabral *Naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag. *Narating niya ang mga isla sa Bahamas na inakala niyang India *Ang kanyang paglalayag ang nagpatunay na bilog ang mundo. *Natuklasan niyang ang lupang narating ng isang manlalayag ay isang New World o Bagong Daigdig. *Tinatawag siyang “The Navigator” *Ang Amerika ay hinango sa kanyang pangalan. *Inikot niya ang Cape of Good Hope at nakarating sa Calicut, India PAGYAMANIN NATIN
  • 9. 9 KAHALAGAHAN NG MGA PAGLALAYAG AT PAGTUKLAS NG MGA LUPAIN ➢ Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Belgium, Netherlands at England at nawala sa kinalalagyan ang Italy bilang sentro ng kalakalan na kaniyang pinamumunuan mula pa noong Medieval Period. ➢ Lumago ang mga negosyo at higit na dumagsa ang mga kalakal sa Europa katulad ng spices, ginto, pilak, kape, asukal at maraming pang iba. ➢ Dumami ang mga salapi ng mga mangangalakal at kinailangan nila ng ligtas na mapaglalagyan mga ito na nagpasimula sa pagtatatag ng mga bangko. ➢ Naitatag ang sistemang kapitalismo – ang sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONISASYON ➢ Nagkaroon ng mga bagong ruta para sa kalakalan. ➢ Nagbigay daan ito sa mga Europeo upang makatuklas at makapaggalugad ng mga lupain at sibilisasyon. ➢ Napukaw nito ang interes ng mga tao sa mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa paglalayag at heograpiya. ➢ Mabilis na lumaganap ang sibilisasyon o kultura ng mga kanluranin sa silangan. ➢ Para sa mga bansang nasakop nagdulot ito ng pagkawala ng kalayaan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang mga likas na yaman. ➢ Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na mga sakit sa pagitan ng Old World at New World. ➢ Lumakas at lumawak ang kapangyarihan ng Europe sa mundo. Gawain # 3: Isulat ang salitang Tama kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali na kung hindi.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Tama o Mali! Sa unang yugto ng kolonyalismo mo ay…….. ______1. Maraming mangangalakal na Europeo ang yumaman dahil sa kalakalan. ______2. Dumami ang mga salapi ng mga mangangalakal na Europeo ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng mga banko at ng sistemang kapitalismo. ______3. Naging maunlad ang mga lupain sakop ng mga Europeo. ______4. Naging sentro ng kalakalan ang Italya. ______5. May mga bagong ruta at lupain natuklasan sa pamamagitan ng mga paglalayag at paggalugad. ISAISIP NATIN
  • 10. 10 A. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng kahot at isulat sa patlang bago ang bilang. _________1. Inilarawan dito ang kaunlaran at yamang taglay ng China na nakahiyat sa mga Europeo na maglakbay sa silangan. _________2. Paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating at nagagalugad ng mga Europeo. _________3. Kauna-unahang bansa sa Europa na naglakbay at naglayag sa karagatan upang tumuklas ng mga ruta. _________4. Isang Sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interest. _________5. Ito ay tumutukoy sa pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. 1. Gumawa ng isang tula o kanta na may kinalaman sa eksplorasyon at kolonyalismo. 2. Bidyuhan mo ang iyong sarili habang kinakanta o tinutula ang iyong ginawa at i-upload sa youtube. Rubrics para sa pagsulat ng awit Eksplorasyon Spain Kolonyalismo Dutch Kapitalismo The Travels of Marco Polo Portugal ISABUHAY NATIN TAYAHIN NATIN
  • 11. 11 B. Panuto: Kilalanim ang inilalarawan na manlalayag sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. _________1. Naglayag upang sundan ang rutang dinaanan ni Vasco da Gama sa timog ng Africa ngunit nakarating siya ng Brazil. _________2. Nakarating sa mga isla ng Bahamas na inakalang narating niya na ang India. _________3. Naganap ang unang pag-ikot sa mundo at naitama ang lumang paniniwala ng mga Europeo na patag ang daigdig. _________4. Italyanong manlalayag na nabatid na ang lupaing narating ni Columbus ay hindi Bagong Daigdig. _________5. Naglayag sa Hilagang Amerika at narating niya ang kasalukuyang Ilog Hudson. Panuto: Hanapin sa mapa ang mga bansa sa Europa na ating napag-aralan sa modyul na ito at kulayan ng pula at sa mga lupaing narating naman ng kanilang mga manlalayag ay kulayan ng dilaw. PANOORIN MO! – Kung kayo ay may internet o data maaring ninyong panoorin ang mga sumusunod na video sa youtube para sa mga karagdagang kaalaman. . • https://www.youtube.com/watch?v=q2uygXe8he4&t=2s • https://www.youtube.com/watch?v=_kv-IMFhbkk&t=21s • https://www.youtube.com/watch?v=wGqAJXudZfw ➢ KARAGDAGANG NATIN
  • 12. 12 ➢ A History of the World – Marvin Perry (Pahina 345-371) ➢ Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig (Pahina 290-300) ➢ Modyul ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig (Pahina 326-337) ➢ Google ➢ Youtube (Ser Ian’s Class – Youtube Channel (Age of Exploration)) • https://www.youtube.com/watch?v=q2uygXe8he4&t=2s • https://www.youtube.com/watch?v=_kv-IMFhbkk&t=21s • https://www.youtube.com/watch?v=wGqAJXudZfw SANGGUINAN
  • 13. 13 Sa mga katanungan ,maaring tumawag o sumulat sa ….. Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City Telefax: 8384251 Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral Manunulat: Mark Lester J. Agacia Mga tagasuri: Jocelyn C. Alvis, Araling Panlipunan - Head Teacher III Elisa P. Apolis, Araling Panlipunan - Head Teacher III Naglayout: Robert Valera Management Team: Margarito B. Materum Assistant Schools Division Superintendent Dr. George P. Tizon Chief SDOG Dr. Ellery G. Quintia CID Chief Dr. Daisy L. Mataac EPS LRMS Ferdinand Paggao EPS-AP