9. •Ang Bulacan ay isang lalawigan sa gitnang
Luzon. “Lupain ng mga Bayani” ang
itinatawag dito dahil maraming tanyag na
tao ang naninirahan dito tulad nina
Francisco Baltazar at Gregorio del Pilar.
Malawak na lupain ng sakahan at taniman
,ang pangalang Bulacan ay mula sa
salitang” bulak”.
10. Alam Ba Ninyo?
•Sa Kulturang Hudyo,ang mga Pariseo ang itinuturing na
matuwid at ang mga publikano o tagasingil ng buwis ang
masasama. Ang mga pariseo at mga saserdote ang
tagapagturo ng batas at tagapanguna sa mga tao sa
pagsamba,ngunit sila ay mapagmataas at nagpapakitang
tao lamang,dahi; ang alam nila ay sila lamang ang tama at
tuwid ang landas na tinatahak,lagi nilang sinasabi na sila ay
matuwid at ang iba ay makasalanan,lagi nilang nakikita ang
kakulangan ng kanilang kapwa at hindi nakikita ang sariling
pagkakamali.
11. Alam ba Ninyo?
•Ginamit ng mga paring Kastila o prayle ang
kanilang posisyon bilang alagad ng simbahan
upang mapasunod ang mga taong maniwala
sa mga sinasabi at payo ng mga prayle tulad
ng: huwag pag-aralin ang mga anak dahi;
matuto lamang na suwayin at suwagin ang
magulang,magbigay ng alay na handog sa
kanila,magsimba at laging mag-ayuno at
mangilin.
12. Talasalitaan
•Ang pagkiklino ay ang pagsasaayos ng mga salita ayon
sa tindi o antas ng kahulugan ng ipinahahayag.
•Halimbawa
•Namayani-Sa apanahon ng pananakop ng mga Kastila
sa Pilipinas ay namayani ang galit ng mga Pilipino.
namayagpag hinanakit
naghari galit
nangibabaw tampo
Namayani inis
17. •Sinimulan nina Marcelo H. del
Pilar,Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal
sa Madrid ang kilusang propanganda.
Sa pahayagang La Solidaridad,
kinasangkapan nila ang sanaysay bilang
sandata ng pangangatwiran at
katotohanan tungkol sa mga naganap
na katiwalian ng mga Kastila sa
Pilipinas.
18. •Isang magandang
halimbawang sanaysay sa
panahong ito ang Caiingat
Cayo ni Marcelo H. del Pilar.
Ipinagtanggol niya rito si Dr.
Jose Rizal sa mga paratang ni
Padre Jose Rodriguez tungkol
sa pagkasulat ng Noli Me
Tangere.
19. •Ipinabatid niya sa mga mamamayang
Pilipno ang tunay na pagkatao ni Rizal
at ang tunay na hangarin niya sa
nobela. Ipinaliwanag niya sa lahat na
ang pagkagalit ,pamamaratang at
paninirang puri ng pari kay Rizal ay
bunga lamang ng matinding
pagkainggit at pagtatakip sa nalalanatd
na paggamit sa relihiyon para
magkamal ng salapi ang simbahan.