Pang-abay
Ang pang-abay aypananalitang nagbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri at sa kapwa pang-abay
Uri ng pang-abay
1. Pang-abay na pamaraan- tumutukoy sa paraan kung paano
ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa
Halimbawa: Taimtim na pinakinggan ang kanyang panalangin.
3.
2. Pang-abay napamanahon- tumutukoy ito sa panahon kung
kailan naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa: Agad naglinis si Ana sa kanilang bakuran.
3. Pang-abay na panlunan- tumutukoy ito sa pook na
pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito
sa tanong na saan.
Halimbawa: Umawit si Nelsa sa isang amateur contest sa
radyo.
4.
4. Pang-abay napang-agam- nagsasaad ito ng pag-aalinlangan
at walang katiyakan.
Halimbawa: Tila nagwagi siya sa unang gantimpala.
5. Pang-abay na panggaano- tumutukoy ito sa bilang o dami ng
pandiwa. Sinasagot nito ang tanong na gaano o ilan.
Halimbawa: Marami ang dala niyang kendi.
6. Pang-abay na panang-ayon- ito ay nagsasaad ng
pagpapakatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa: Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
5.
7. Pang-abay napananggi- nagsasaad ito ng pagtutol o
di pagsang-ayon.
Halimbawa: Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng tao.
8. Pang-abay na panulad-ito ay ginagamit sa pagtutulad
ng dalawang bagay.
Halimbawa: Higit na mas maganda ang aking damit.