4. Iba’t – ibang uri ng pang – abay.
1. Pamanahon
- Ito ay nagsasabi ng panahon o oras ng
paggawang kilos na sumasagot sa tanong
na kailan.
5. Halimbawa:
1. Araw – araw nag-eehersisyo ang mga manlalaro.
2. Tuwing araw ng linggo kami nagsisimba.
3. Palaging masasaya ang mga magkakaibigan.
4. Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre.
5. Sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga mag-aaral.
6. 2. Panlunan
- Ito ay nagsasabi ng lugar na
pinangyarihan ng kilos,
sumasagot sa tanong na
saan.
7. Halimbawa:
1. Ang bata ay nanalangin sa simbahan.
2. Binalik ko ang mga aklat natin sa silid-aklatan .
3. Nakita namin ang eroplano sa himpapawid .
4. Maraming tao ang naghahanap ng trabaho sa
pabrika .
5. Ang mga bata sa palaruan ay masayang naglalaro
8. 3. Pamaraan –
Ito ay nagsasabi ng paraan
ng paggawa ng kilos;
sumasagot ito sa tanong na
paano.
9. Halimbawa:
1. Malugod na tinanggap nila ang imbitasyon ni
Jessica.
2. Pinag-isipan nang mabuti ng magkapatid kung ano
ang ibibigay nilang regalo.
3. Naalala nila na mahusay magguhit si Jessica.
4. Masayang nakipaglaro ang dalawa sa ibang mga
bisita.
10. 4. Pang-abay na panang-ayon –
Ang pang-abay na panang-ayon ay
nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang
bagay o pangyayari.
Halimbawa.
Totoo, tunay, syempre
11. Halimbawa:
1. Totoong isa siya sa mga mahuhusay na bata.
2. Ang mga batang nag-aaral ng Mabuti ay tunay na
maipagmamalaki.
3. Aba, syempre, papayag akong maging isang modelo
ng kabataan.
12. 5. Pang-abay na pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad
ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa,
o gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Hindi ka pwedeng sumama sa lakad ng
mga matatanda.
13. 6. Pang-abay na panukat
Ang pang-abay na pampanukat ay
nagbibigay turing sa sukat, bigat, o
timbang ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
Limampu’t pitong kilometro ang layo ng
bahay nina Geoffrey at ng pamilya niya sa
bahay ni Tiya Mirasol.
14. 7. Pang-abay na panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay
na panulad., ito ay nagsasaad ng pagkakatulad
o paghahambing ng dalawang tao, bagay,
pook, o pangyayari.
Mga Halimbawa:
Higit, Mas, Magkasing
15. 8. Pang-abay na pang-agam
ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng
hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang
bagay o kilos.
Mga Halimbawa:
Marahil, Tila, Baka