Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
upload.docx
1. RepublicofthePhilippines
DepartmentofEducation
National Capital Region
IKATLONG MARKAHAN
INTERVENTION ACTIVITY #1
FILIPINO 9
Pangalan:______________________________________ Pangkat t Baitang: ____________
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang letra na tumutukoy sa
wastong sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
________ 1. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa ________.
A. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
B. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento.
C. pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos.
D. pagbibigay ng kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
________2. Anong uri ng panandang pandiskurso ang mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap na nasa loob
ng kahon?
“Sa bandang huli ay napagtanto niya ang kaniyang pagkukulang bilang isang anak”.
A. Pananda sa pananaw ng awtor B. Pananda sa pagbibigay ng kondisyon
C. Pananda sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari D. Wala sa nabanggit
________3. Anong uri ng maikling kuwento ang nagsasalaysay ng mga hindi kapanipaniwalang pangyayari?
A. Kuwentong Sikolohiko B. Kuwentong Pangkatauhan
C. Kuwento ng Kababalaghan D. Kuwento ng Madulang Pangyayari
________4. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa etimolohiya ng mga salita?
A. Pag-aaral sa pinagmulan B. Pag-aaral sa pagkakabuo
C. Pag-aaral sa kahulugan ng salita D. Pag-aaral sa makabuluhang tunog
________5. Alin sa sumusunod na tunggalian ng maikling kuwento ang tumutukoy sa paglaban ng panghunahing
tauhan sa kanyang sariling paniniwala, pinsipyo at palagay?
A. Tao Laban sa Tao B. Tao Laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan D. Tao Laban sa Kalikasan
________6. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang masining na anyo ng panitikang naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinabibilangan ng isa o ilang tauhan at nagiiwan ito
ng isang kakaintalan sa isip ng mga mambabasa?
A. Alamat B. Pabula C. Parabula D. Maikling Kuwento
________7. Alin sa sumusunod ang uri ng kuwento na ang pinag-uusapan ay mga salaysaying hindi kapani-
paniwala?
A. Apologo B. Kababalaghan C. Katatakutan D. Tauhan
________8. Alin sa sumusunod ang pangunahing ginagamit upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang kuwento?
A. Pandiwa B. Pantukoy C. Pang-abay D. Pang-ugnay
________9. “Ibig ko ring mangibang bansa gaya ng mga kaibigan ko at mamuhay nang malaya _____ sa tuwing
maiisip ko ang sitwasyon ng aking pamilya ay nadadaig nito ang pagnanais na iyon”. Ano ang angkop na gamiting
pangugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. datapwat B. kaya C. palibhasa D. subalit
________10. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pag-aaral kung paano nag-iba ang anyo at ang pinagmulan ng
salita?
A. Diskurso B. Etimolohiya C. Pang-ugnay D. Tunggalian
________11. Pinagmulan ito ng isang bagay lugar, pangyayari o katawagan na hubad sa katotohanan. Alin sa
sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. Alamat B. Epiko C. Tula D. Maikling kwento
________12. Ito ay pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat. Alin sa
sumusunod ang tinutukoy nito?
A. Pagtataya B. Paglalapi C. Pagbubuod D. Pagbabalangkas
________13. Ang sumusunod ay katangian ng alamat, maliban sa:
A. Kathang-isip B. May aral
C. Nakabatay sa kultura D. May malungkot na wakas
________14. Nagsasaad ito ng mga pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa
mga suliraning kakaharapin naminsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
A. Tagpuan B. Banghay C. Tauhan D. Wakas
2. RepublicofthePhilippines
DepartmentofEducation
National Capital Region
________15. Ngunit ang kaligayahan niya ay nasa pangangaso, nasaan ang panlaping
ginamit sa salitang kaligayahan?
A. Unlapi B. Gitlapi C. Unlapi at hulapi D. Hulapi
________16. Ang salitang narahuyo ay nangangahulugang _____________.
A. natukso B. nabighani C. naakit D. namangha
________17. Alin sa sumusunod ang katumbas na kahulugan ng salitang diwata?
A. Nimpa B. Hiyas C. Babaylan D. Maharlika
________18. Kung ikaw ang may-akda ng Alamat ng Ilog Cambinlew, paano mo bibigyan ng magandang wakas ang
kuwento?
A. Muling ipagtatagpo ang dalawang magkasintahan at ipagpapatuloy ang naudlot na pagmamahalan.
B. Magbubunga ng supling ang pagmamahalan nina Cam at Binlew.
C. Sa kanilang muling pagtatagpo, magiging mortal ang babae para di namaudlot ang kanilang pagmamahalan.
D. Lahat ng nabanggit ay angkop na maging wakas.
________19. Nakabibighani ang kagandahang taglay ni Binlew. Alin sa sumusunod ang salitang-ugat ng salitang
may salungguhit?
A. Nabighani B. Bighani C. Nakabighani D. Kabighani
________20. Siya ay matuwid na alkaldeng namumuno sa siyudad ng Isabela. Ang salitang matuwid ay
ginagamitan ng panlaping ma-. Ito ay ______.
A. Unlapi B. Gitlapi C. Hulapi D. Unlapi at Gitlapi
________21. Ano ang kasingkahulugan ng salitang karwahe?
A. bisekleta B. dyip C. kalesa D. kariton
________ 22. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paglalarawan?
A. Hinigi ni Rama ang tulong ng hari.
B. Bihagin mo si Sita upang maging asawa mo.
C. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka.
D. Nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat
________ 23. Alin sa mga pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa kahulugan ng epiko?
A. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay.
B. Binibigyan ng diin ang pinagmulan ng isang bagay.
C. Binibigyan ng diin ang katangian ng supernatural ng tauhan.
D. Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
________ 24. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay___________
A. nakikiusap B. nag-uutos C. nagpapaunawa D. nagmamakaawa
________ 25. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng higante at demonyo.
“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana pero hindi niya napasuko si
Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang _______.
A. natatakot B. naniniwala sa milagro
C. may mahal siyang iba D. matalino sa pagmamahal
________ 26. Sa paanong paraan naiiba ang epiko sa ibang genre ng panitikan?
A. isinasayaw ang epiko B. masining na isinasalaysay
C. binibigkas nang paindayog D. mayaman sa supernatural na pangyayari
________ 27. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang sumasalamin sa kultura ng India batay sa epikong Rama
at Sita?
A. Paniniwala sa di kapani-paniwalang pangyayari.
B. Paniniwala sa mga supernatural na kapangyarihan ng tao
C. Paniniwala na pinagpapala ng Diyos ang mga makapangyarihan sa lipunan.
D. Paniniwala na pinagpapala ng Diyos ang maganda, matalino at kumikilos nang naaayon sa lipunan.
________28. Ito ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa kaaway.
A. Epiko B. Pabula C. Parabula D. Rama at Sita
________ 29. Alin sa sumusunod ang HINDI maiuugnay sa epiko?
A. kultura B. kuwento C. tula D. tuluyan
________ 30.Ano ang pangunahing pinapaksa ng isang epiko?
A. Kabaitan B. Kabayanihan C. Katapangan D. Katapatan
________ 31.Alin sa sumusunod ang kabilang sa paniniwala ng mga Hindu?
A. Kagandahan B. Katalinuhan C. Katotohanan D. Lahat ng nabanggit
3. RepublicofthePhilippines
DepartmentofEducation
National Capital Region
________ 32. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa India?
A. Matatagpuan ito sa Europa.
B. Ang pangunahing lunsod ay Tokyo.
C. Bansa itong makikita sa Timog-Kanlurang Asya.
D. Isang maliit na bans ana nasa Timog ng Malaysia
________ 33. Sa sumusunod na sitwasyon, ano ang higit na maituturing na pangyayaring
pang-epiko?
A. Umalis siya at bumalik upang iligtas ang bayan sa halimaw.
B. Pinarusahan siya ng isang diwata at ginawa siyang isang prutas.
C. Siya ay ipinanganak sa kalsada at ito ang kaniyang naging tahanan.
D. Naging masaya ang magkakaibigang pusa dahil sa kanilang tagumpay.
________ 34. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Kakampi nila ang mga Diyos” kung ang
usapan ay pagkapanalo sa kaaway?
A. Maiiwasan nila ang mga kaaway dahil sila ang mga Diyos.
B. Lahat ng bagay ay kaya nilang gawin dahil binabantayan sila ng mga Diyos.
C. Ang mga kaaway ay madali nilang matatalo dahil nasa panig nila ang mga Diyos.
D. Hindi kayang labanan ng mga kaaway dahil sa supernatural na kapangyarihan na galing sa Diyos.
________ 35.“Walang nangahas na umibig kay Ravana dahil siya ay hari ng higante at
demonyo.’’ Ano ang mabubuo mong hinuha tungkol sa pahayag?
A. Marahil, takot ang kababaihan sa kaniyang anyo.
B. Siguro, ayaw siya ng kababihan dahil siya ay makapangyarihan.
C. Baka walang magkakagustong babae sa kaniya dahil siya ay mabagsik na hari.
D. Sa palagay ko, walang magkakagustong babae sa kaniya dahil siya ay higante at demonyo.
________ 36. Alin sa sumusunod ang katangiang ipinamalas ni Rama sa akda?
A. agresibo B. maaasahan C. matapat D. pursigido
________ 37. Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng katangian ng isang epiko?
A. Ang paksa ay tumutuligsa sa mga isyung panlipunan.
B. Ang paksa ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay.
C. Ang tauhang gumaganap ay mga hayop na nakapagsasalita.
D. Ang tauhan ay madalas na nakikipagdigma para sa mga mahal sa buhay.
________ 38. Alin sa mga pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa kahulugan ng epiko?
A. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay.
B. Binibigyan ng diin ang pinagmulan ng isang bagay.
C. Binibigyan ng diin ang katangiang supernatural ng tauhan.
D. Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
________ 39. Sa paanong paraan naiiba ang epiko sa ibang uri ng tula?
A. binibigkas nang paindayog
B. mayaman sa supernatural na pangyayari
C. inaalay sa mga namayapang mahal sa buhay
D. may sukat na labingwalong pantig sa bawat taludtod
________40. Nagpanggap bilang isang Brahmin na pinakamataas sa lipunan si Ravana. Ano ang ipinakikita nito
sa kulturang Hindu?
A. May pagpapangkat ng uri ng tao
B. Mapagpanggap ang ilang mamamayan
C. Kailangang tumakas sa katotohanan para yumaman
D. Ang kayamanan ay nasa katotohanan ng pamumuhay