Ang akdang "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa" ay isang tula mula sa Egypt. Ang powerpoint presentation na ito ay naglalaman ng kompletong aralin sa Modyul 1, Aralin 1.6 ng Gr.10-Filipino. Maaari ninyo itong i-download upang magamit sa pagtuturo.

SA Oktubre 30, 2023 na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at marami nang kandidato ang nagpaparamdam. Marami nang nagsusulputang tarpaulin ng kandidato na bumabati ng “Happy Father’s Day” at iba pang mensahe. Nakasabit ang tarpaulin sa lugar na madaling makita ng residente.
Pero hindi lamang ito ang nararamdaman sa papalapit na election. Nadarama na rin ang karahasan. May mga napaulat nang pagpatay sa barangay officials sa probinsiya. Ang mga napapatay ay tatakbo sa pagka-barangay chairman.
Sa Norzagaray, Bulacan, isang barangay chairman ang pinagbabaril at napatay noong nakaraang linggo. Ayon sa report ng pulisya, nasa kanyang sasakyan ang biktimang si Marcelino Punzal, 63, barangay chairman ng Bgy. Bangkal, Norzagaray nang pagbabarilin habang nasa kahabaan ng Edenville Road, Bgy. Partida, Norzagaray, Bulacan. Agad namatay ang biktima at mabilis namang tumakas ang gunman. Wala pang naaaresto ang mga pulis. Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang nalalaman na kagalit nito.
Sa report ng Philippine National Police (PNP), 30,068 elected officials ang may valid firearms at maaring kabilang dito ang barangay officials. Ang nakapangangamba, 8, 313 dito ay expired na ang mga lisensiya. Kaya hinihikayat ng PNP ang elected officials na mag-renew na ng kani-kanilang mga lisensiya para hindi magkaroon ng problema. Kamakailan, naaresto ng pulisya ang mayor sa Mabini, Batangas dahil sa pag-iingat ng mga baril na walang lisensiya.
Ang pagsiklab ng karahasan sa nalalapit na BSKE ang naging dahilan para hilingin sa Commission on Elections ng siyam na mayors ng mga bayan at lungsod ng Negros Oriental na suspendihin ito. Malalang karahasan umano ang bumabalot sa probinsya kaya dapat munang isuspende ang election.
Sinabi ng PNP kamakailan na handa sila sa pagdaraos ng barangay elections sa Oktubre. Hindi dapat maging kampante ang PNP at siguruhing nasamsam na ang loose firearms upang walang karahasan. May mga barangay chairmen na may mga bodyguard at private armies. Sawatain ito ng PNP habang maaga at nang hindi makapaghasik ng kaguluhan. Huwag hayaang makaalagwa ang loose firearms.

3. PANSININ ANG LARAWAN
Isagawa ang sumusunod:
1. Magtala ng mga salitang
maiuugnay rito.
2. Gamitin ang mga salitang
napili at bumuo ng isang
paglalarawan tungkol dito.
4. PAANO KUNG GANITO?
Ako ay may alaga,
Asong mataba.
Buntot ay mahaba,
Makinis ang mukha.
Mahal niya ako,
Mahal ko rin siya.
Kaya kaming dalawa
Ay laging magkasama.
5. ANO ANG TULA?
- Ang Tula o Panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o
manunulat nito.
- Kilala ito sa paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.
Nagpapahayag ito ng damdamin at magandang kaisipan gamit
ang maririkit na salita.
- Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.
- Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay
binubuo ng mga taludtod.
- Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing –
animing pantig.
- Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o
saknong.
7. ANYO
- tumutukoy sa
kung paano
isinulat ang
tula.
- ito ay may
apat (4) na
anyo.
Malayang Taludturan
– walang sinusunod
na sukat, tugma, o
anyo. Ito ay
karaniwang ayon sa
nais ng manunulat.
Tradisyonal
– may sukat, tugma,
at mga
matatalinhagang
salita.
May sukat na walang tugma
– mga tulang may tiyak na
bilang ang pantig ngunit ang
huling pantig ay hindi
magkakasingtunog o hindi
magkakatugma.
Walang sukat na may tugma
– mga tulang walang tiyak na
bilang ang pantig sa bawat
taludtod ngunit ang huling
pantig ay magkakasingtunog o
magkakatugma.
8. KARIKTAN
– Ito ay ang malinaw
at hindi malilimutang
impresyon na
natatanim sa isipan ng
mga mambabasa. Ang
kariktan ay element ng
tulang tumutukoy sa
pagtataglay ng mga
salitang umaakit o
pumupukaw sa
damdamin ng mga
bumabasa.
PERSONA
– Ang persona ng tula
ay tumutukoy sa
nagsasalita sat ula.
Kung minsan, ang
persona at ang makata
ay iisa. Maari rin
naman na magkaiba
ang kasarian ng
persona at makata.
Maaari rin na isang
bata, matanda, pusa o
aso, o iba pang
nilalang.
SUKAT
– Ito ang bilang ng
pantig ng tula sa
bawat taludtod na
karaniwang may
sukat na waluhan,
labingdalawahan,
at labing – animan
na pantig.
9. SAKNONG – Ito ay tumutukoy sa grupo ng
mga taludtod ng tula. Ito ay maaaring
magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.
TONO o INDAYOG
– Tumutukoy sa
paraan ng pagbigkas
ng bawat taludtod ng
tula. Ito ay karaniwang
pataas o pababa.
TALINHAGA
– Kinakailangan dito ang
paggamit ng mga tayutay o
matatalinhagang mga
pahayag upang pukawin
ang damdamin ng mga
mambabasa.
TUGMA – Ito ay ang pagkakasingtunog ng
mga salita sa huling pantig ng bawat
taludtod ng tula. Ito rin ang sinasabing
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
10. GAWAIN BILANG 1
PANUTO: Suriin ang mga sangkap ng
tula na taglay ng tulang
pinamagatang “Sa Huling Silahis” ni
Avon Adarna. Humanda ang bawat
isa sa pagtawag na gagawin ng guro.
Sa Huling Silahis
ni: Avon Adarna
1
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
2
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
3
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
4
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
5
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.
11. GAWAIN BILANG 2
PANUTO: Bigyang pagpapakahulugan
ang nasa larawan gamit ang isang
saknong ng tula. Malaya kang pumili
ng anyong iyong nanaisin.
12. GAWAIN BILANG 2
PANUTO: Bigyang pagpapakahulugan
ang nasa larawan gamit ang isang
saknong ng tula. Malaya kang pumili
ng anyong iyong nanaisin.
“Tama Lang”
Naalala ko kung gaano kita kagusto
Ayos lang lumagpas, o sumobra, o ‘di sumakto
Ayos lang kung umapaw ang pagmamahal ko sa’yo
Ayos lang ----- dahil wala naman na ‘kong ibang paglalagyan nito.
13. G
A
W
A
I
N
B
L
G
3
PANUTO: Kaugnay ng mga naunang gawain, bumuo ng isang
“KaraTULAsTasan” o karatulang gumagamit ng tula sa pagtalastas o
pagbibigay ng isang mahalagang mensahe. Ang mensahe ay maaaring
pagpapaalala sa isang mahalagang kaisipan na kinakailangan sa
kasalukuyang sitwasyon sa ating lipunan. Maaaring gawing batayan ang
halimbawa sa ibaba:
“Sampo”
Kung natapos man kayo
at iniwan ka na niya,
wag ka sanang mangamba.
Lagi mong tandaan na ikaw
ay sampung pisong pera;
Nawalan ka lang ng papel
pero hindi nang halaga.