SlideShare a Scribd company logo
JJJPROYEKTO SA
PROYEKTO
SA
FILIPINO
ISINUMITE NI:
Samantha P. Riparip
ISINUMITE KAY:
Mrs. Myla C. Develos
SANAYSAY
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan
upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga
bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga
pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na
edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na
piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan
bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga
bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng
isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging
mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na
ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga
mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga
bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang
nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa
kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari
sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang
magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang
siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga
bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat
ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa
kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga
kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang
lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa
pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga
paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na
kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat
lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang
maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
WIKA
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga
nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa
kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang
nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at
mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan,
paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit
ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na
katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o
anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga
katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o
katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan
at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala,
pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o
pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina.
Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa
pamamagitan ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang
lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang
nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at
paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng
mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.
Bakit Kaya Kailangan?
ni: Laurence Reyes
Banaue Rice Terraces, Bohol Chocolate Hills at Puerto Prinsesa Underground
River, ilan lamang yan sa mga likas yamang matatagpuan sa ating sariling bansa.
Ngunit ano ang nangyayari, bakit parang nasisira ang lahat ng ito? Nawawala ang mga
yaman nating ipinagmamalaki sa buong mundo. Hahayaan na lang ba natin ang
walang habas na pagsira ng mga ating mga kayamanang ipinagmamalaki? Ano pang
ipagmamalaki natin kung wala na lahat ng ito. Maraming yaman ang ibinigay ng
Diyos sa ating inang bayan, ngunit sa kasamaang palad unti-unti na itong nauuubos.
Halos nasira ng lahat ng landslide, flashflood, tagtuyot, at pagbaha, ito ang mga resulta
ng ating mga ginagawa sa paligid na nakaaapekto naman sa yaman ng Inang Bayan.
Sa pagkasira ng ng ating likas na yaman tayong mga tao na may mataas na
kaisipan ang dapat maging responsable sa pag aalaga dito. Nagsusumigaw na ang ating
inang kalikasan upang atin na siyang bigyan ng halaga at atin siyang alagaan. Sa lahat
ng nangyayari sa paligid tayong mga tao ang may gawa kahit na mabuti man o
masama. Sabi nga ng iba hindi masama ang pag ulad basta huwag lang nakasisira ng
kalikasan. Sa kasamaang palad umuunlad nga ng ating bayan sira naman ang ating
likas na yaman wala pang kabuhayan.
Maraming mga gawaing ginagawa ang mga tao na kakasira sa ating kalikasan. Una
ang simpleng patatapon ng basura sa mga katubigan. Ito ang sumisira sa ating mga
yamang tubig dahil karaniwan sa mga tinatapon natin sa katubigan ay may mga
kemikal na kasama na patuloy namang kumukontamina sa tubig na nakalalason para
sa mga isda. Ang mga plastik naman na tinatapon natin sa katubigan ay nakakain ng
mga isda na nagdudulot ng pagkamatay ng mga ito. Pati nga ang mga dolphin na
sinasabing pinakamatalinong isda ay nabibiktima rin ng gawaing ito.
MGA TULA
Buhay Sa Piling ng Lolo at Lola
ni: Naty Martinez
Kay sarap ng buhay ng isang dalaga
Lalo na't lumaki sa lolo at lola
Anumang naisin agad ay meron ka
Pagka't ika'y ginto sa paningin nila.
Ayos lang ang buhay kahit di gumawa
Bihis lang nang bihis di ka naglalaba
Di ka nagluluto pagkai'y nandyan na
Dudulog ka nalang pagka't may hain na.
Kay sarap kumain taas pa ang paa
Di ka nang-aalok pagka't huli ka na
Napag-iwanan ka sila ay tapos na
Pagka't kung gumising naku tanghali na!
Pag dumarating na ang mga pistahan
Damit na maganda sadyang kailangan
Di na tinatanong kung gusto ay ilan
Tiyak ibibili tatlo o apat man.
Nguni't pag may hiling at napagbigyan
Agad magmamaktol di na mautusan
Papasok sa silid magkukulong na lang
Pag-amo sa kanya ang syang aabangan.
Ito namang lolo at itong si lola
Sa tampo ng apo takot na takot na
Agad kakatukin pinto ng silid nya
Tuloy aamuin nang tampo'y mawala.
Kay sarap magmahal ng lolo at lola
Lahat ng layaw ay ibibigay nila
Itong kasabihan naku totoo nga,
Mas mahal ang tubo sa puhunang punla..
Kaya't pag tumanda at may apo ka na
Iyong pagmamahal dapat ipadama
Lagi mong isiping ang lolo at lola
Nag-aruga sa iyo n’ung ika'y bata pa.
Ang Tunay na Sakit
Ni: Avon Adarna
Nakipagtagisan ang araw sa ulan,
Hindi patatalo sa luksong labanan,
Ang buwan at tala’y nanonood lamang
Sa dugong nanatak sa lupa ng bayan.
“Ang iyong panahon, lumipas na Araw!”,
Ang sabi ni Ulan at saka inagaw
Ang koronang tangan ng Haring papanaw
Tila basang sisiw – malat kung sumigaw.
“May araw ka rin, O Ulang tikatik...”,
Ang sabi ni Araw na ngiwi ang bibig,
Pinilit ginamot ang unday ng pait,
Upang makabawi sa lugmok na sakit.
At habang patuloy ang pakikilaban,
Nitong Haring Araw sa buhos ni Ulan,
Naghihingalo na’ng mga mamamayan,
Sa mundong ang kulay - bahang kapatagan!
Sa lagkit ng putik, lugmok ang katawan,
At ngayo’y ragasa sa sandaigdigan
At pilit tatabon sa tinig ng bayan
Na minsang nagsabi na sana’y umulan!
Sa nagdagsang dumi sa ilog at dagat,
Hindi ba nangakong babalik sa s’yudad?
Sa nagtayong bahay sa esterong tambak,
Hindi ba sumumpa s’ya ninyong katapat?
Sa gitna ng laban ng lamig at init,
Ngumiti si Buwan at Talang marikit,
Sabay na nagsabing “Lahat ng hinagpis”,
“Tao ang maysala, ang tunay na sakit!”
Kalikasan – Saan Ka Patungo?
ni: Avon Adarna
Nakita ng buwan itong pagkasira,
Mundo't kalisakasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig – marumi, lutang ang basura.
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,
Lumuhang tahimik sa sulok ng
damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,
Nasira ng usok na naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at gulong,
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!
Ang dagat at lawa na nilalanguyan
Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang lupang mataba na bukid-sabana,
Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi… naroon… mga mall na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at pera.
Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,
Ginawa na ng tao na basurahan,
At kung dumating ang bagyo at ulan,
Hindi makakilos ang bahang punuan.
Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!
LIHAM
LUZ DEL MUNDO
506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-10 ng Setyembre 2013
ANG DEKANO
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas
Ginoo:
Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan.
Nais ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang
malaman kung kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg
magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga
kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa
application form.
Ipinaaabot ko po ang taos-puso kong pasasalamat.
Magalang na sumasainyo,
LUZ DEL MUNDO
Manuel Roxas High School Paco, Maynila
Hulyo 5, 2013
Dr. Estrella Roxas
Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon
Emilio Aguinaldo College
Mahal na Doktora Roxas:
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't
ibang gawain at palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang
na ito.
Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na
dadaluhan ng mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay
ng paaralang Lungsod ng Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na
maging panauhing tagapanayam tungkol sa paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon
sa Kalusugan". Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa awditoryum
ng paaralan. Alam ko pong may malawak kayong kaalamang maibabahagi sa aming
mga guro.
Inaasahan kop o ang inyong pagdalo.
Matapat na sumasainyo,
LUCINDA M. SANTOS
109 G. Tuazon
Sampaloc, Manila
Agosto 25, 2013
G. CLEMENTE MOLINA
Barangay Chairman, Bgy. 420
Sampaloc, Maynla
Mahal na G. Molina:
Nalaman ko pong naglunsad kayo ng isang proyekto tugngkol sa kalinisan at
pagpapaganda ng ating barangay. Natutuwa po ako at magiging maganda ang
pamayanan at hindi na natin ito ikakahiya.
Bilang isang myembro ng Kabataang Barangay, nais ko pong makatulong sa
pagpapaganda at pagpapanatiling malinis ng atng pamayanan. Bubuo po ako ng isang
samahan ng mga kabataan na mangangasiwa sa kalinisan ng kalyeng aming
nasasakupan. Ito po'y isasakatuparan sa darating na Linggo.
Nais po naming maging bahagi ng inyong mga proyekto.
Matapat na sumasainyo,
ROGELIO DE LA CERNA

More Related Content

What's hot

Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusapPanuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
Marlon Salidania
 
Pagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng PangungusapPagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng Pangungusap
Mckoi M
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
Abbie Laudato
 
Mga tamang gamit ng salita
Mga tamang gamit ng salitaMga tamang gamit ng salita
Mga tamang gamit ng salita
Fhoyzon Ivie
 
MAIKLING KUWENTO.pptx
MAIKLING KUWENTO.pptxMAIKLING KUWENTO.pptx
MAIKLING KUWENTO.pptx
kheireyes27
 
Pagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutayPagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutayCamille Tan
 
Powerpoint!!
Powerpoint!!Powerpoint!!
Powerpoint!!
Anabel Plaza
 
Tula/ Poem
Tula/ PoemTula/ Poem
Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Mica Lois Velasco
 
Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3
SolomonGusto1
 
Group 6 mga salitang pangnilalaman
Group 6   mga salitang pangnilalamanGroup 6   mga salitang pangnilalaman
Group 6 mga salitang pangnilalaman
John Ervin
 
10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt
10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt
10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt
NymphaMalaboDumdum
 
Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
JezreelLindero
 
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Rich Elle
 
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptxARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
JeseBernardo1
 
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanMga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
John Jarrem Pasol
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
John Ervin
 
Pang ugnay
Pang ugnayPang ugnay
Pang ugnay
rednightena_0517
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
renadeleon1
 

What's hot (20)

Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusapPanuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
 
Pagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng PangungusapPagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng Pangungusap
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
 
Mga tamang gamit ng salita
Mga tamang gamit ng salitaMga tamang gamit ng salita
Mga tamang gamit ng salita
 
MAIKLING KUWENTO.pptx
MAIKLING KUWENTO.pptxMAIKLING KUWENTO.pptx
MAIKLING KUWENTO.pptx
 
Pagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutayPagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutay
 
Powerpoint!!
Powerpoint!!Powerpoint!!
Powerpoint!!
 
Tula/ Poem
Tula/ PoemTula/ Poem
Tula/ Poem
 
Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02
 
Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3
 
Tinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwaTinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwa
 
Group 6 mga salitang pangnilalaman
Group 6   mga salitang pangnilalamanGroup 6   mga salitang pangnilalaman
Group 6 mga salitang pangnilalaman
 
10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt
10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt
10 ARALIN 8 PANDIWA (Sanhi at Direksiyonal).ppt
 
Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
 
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
 
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptxARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
 
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanMga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
Pang ugnay
Pang ugnayPang ugnay
Pang ugnay
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 

Viewers also liked

Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Mariel Flores
 
SILANGANG ASYA GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.
SILANGANG ASYA  GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.SILANGANG ASYA  GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.
SILANGANG ASYA GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.Billy Caranay
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
Kristine Marie Aquino
 
Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.Ian Villegas
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Paul Pruel
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
Chariza Lumain
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
lorelyn ortiza
 
Economic Project
Economic ProjectEconomic Project
Economic Project
scamello
 
"Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim
"Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim "Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim
"Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim
University Student Council-Molave
 
Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01
Carla Mayol
 
Comprehensive Agrarian Reform Program
Comprehensive Agrarian Reform ProgramComprehensive Agrarian Reform Program
Comprehensive Agrarian Reform Program
Medwin Luther Barrete
 
Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)
LadySpy18
 
Ang ating kalikasan
Ang ating kalikasanAng ating kalikasan
Ang ating kalikasanjuvelyn19
 

Viewers also liked (20)

Proyekto sa filipino
Proyekto sa filipinoProyekto sa filipino
Proyekto sa filipino
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
SILANGANG ASYA GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.
SILANGANG ASYA  GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.SILANGANG ASYA  GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.
SILANGANG ASYA GRADE 9A_FILIPINO ASBURY COLLEGE INC.
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
 
Proyekto
ProyektoProyekto
Proyekto
 
Garah
GarahGarah
Garah
 
Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
 
Economic Project
Economic ProjectEconomic Project
Economic Project
 
Proyekto sa filipino 2
Proyekto sa filipino 2Proyekto sa filipino 2
Proyekto sa filipino 2
 
"Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim
"Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim "Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim
"Wagas na Pag-ibig - Lovely Salim
 
Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01
 
Comprehensive Agrarian Reform Program
Comprehensive Agrarian Reform ProgramComprehensive Agrarian Reform Program
Comprehensive Agrarian Reform Program
 
Teacher module ap1 final
Teacher module ap1 finalTeacher module ap1 final
Teacher module ap1 final
 
Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)
 
Ang ating kalikasan
Ang ating kalikasanAng ating kalikasan
Ang ating kalikasan
 
Aralin 40
Aralin 40Aralin 40
Aralin 40
 
Modyul 12
Modyul 12Modyul 12
Modyul 12
 

Similar to science module

Isang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipinoIsang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipinoMardy Gabot
 
Pagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptxPagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptx
BenilynPummar
 
Ang Apat na buwan ko sa Espanya
Ang Apat na buwan ko sa EspanyaAng Apat na buwan ko sa Espanya
Ang Apat na buwan ko sa Espanya
Valerie Ü Valdez
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
StemGeneroso
 
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunanSali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
ReyesErica1
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
EDNACONEJOS
 
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)Omegaxis26
 
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with storyReport sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with storyAlyssa Vicera
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
2. aktibong pagkamamamayan.pptx
2. aktibong pagkamamamayan.pptx2. aktibong pagkamamamayan.pptx
2. aktibong pagkamamamayan.pptx
Apolinario Encenars
 
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptxFILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
soeyol
 
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptxAlamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
TRISHAMAEARIAS3
 
2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)
2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)
2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)malvaboy
 
Sanaysay (Wikang Filipino)
Sanaysay (Wikang Filipino)Sanaysay (Wikang Filipino)
Sanaysay (Wikang Filipino)
Mark Jed Arevalo
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
StemGeneroso
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptx
RozhayneTolero1
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptx
RozhayneTolero1
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
marryrosegardose
 
Alamat ng bohol
Alamat ng boholAlamat ng bohol
Alamat ng bohol
Jenita Guinoo
 
HELE
HELE HELE

Similar to science module (20)

Isang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipinoIsang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipino
 
Pagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptxPagsulat ng Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Sanaysay.pptx
 
Ang Apat na buwan ko sa Espanya
Ang Apat na buwan ko sa EspanyaAng Apat na buwan ko sa Espanya
Ang Apat na buwan ko sa Espanya
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
 
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunanSali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
Report sa VE (Magandang Bukas, Handog Sa Iyo)
 
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with storyReport sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
Report sa ve (magandang bukas, handog sa iyo) with story
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
2. aktibong pagkamamamayan.pptx
2. aktibong pagkamamamayan.pptx2. aktibong pagkamamamayan.pptx
2. aktibong pagkamamamayan.pptx
 
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptxFILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
 
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptxAlamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
 
2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)
2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)
2014 na Kalendaryo ( HATID 4G2014)
 
Sanaysay (Wikang Filipino)
Sanaysay (Wikang Filipino)Sanaysay (Wikang Filipino)
Sanaysay (Wikang Filipino)
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptx
 
aralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptxaralin1-170722191200.pptx
aralin1-170722191200.pptx
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 
Alamat ng bohol
Alamat ng boholAlamat ng bohol
Alamat ng bohol
 
HELE
HELE HELE
HELE
 

science module

  • 1. JJJPROYEKTO SA PROYEKTO SA FILIPINO ISINUMITE NI: Samantha P. Riparip ISINUMITE KAY: Mrs. Myla C. Develos
  • 2. SANAYSAY Ang Kahalagahan ng Edukasyon Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang
  • 3. siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
  • 4. WIKA Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika. Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika. Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.
  • 5. Bakit Kaya Kailangan? ni: Laurence Reyes Banaue Rice Terraces, Bohol Chocolate Hills at Puerto Prinsesa Underground River, ilan lamang yan sa mga likas yamang matatagpuan sa ating sariling bansa. Ngunit ano ang nangyayari, bakit parang nasisira ang lahat ng ito? Nawawala ang mga yaman nating ipinagmamalaki sa buong mundo. Hahayaan na lang ba natin ang walang habas na pagsira ng mga ating mga kayamanang ipinagmamalaki? Ano pang ipagmamalaki natin kung wala na lahat ng ito. Maraming yaman ang ibinigay ng Diyos sa ating inang bayan, ngunit sa kasamaang palad unti-unti na itong nauuubos. Halos nasira ng lahat ng landslide, flashflood, tagtuyot, at pagbaha, ito ang mga resulta ng ating mga ginagawa sa paligid na nakaaapekto naman sa yaman ng Inang Bayan. Sa pagkasira ng ng ating likas na yaman tayong mga tao na may mataas na kaisipan ang dapat maging responsable sa pag aalaga dito. Nagsusumigaw na ang ating inang kalikasan upang atin na siyang bigyan ng halaga at atin siyang alagaan. Sa lahat ng nangyayari sa paligid tayong mga tao ang may gawa kahit na mabuti man o masama. Sabi nga ng iba hindi masama ang pag ulad basta huwag lang nakasisira ng kalikasan. Sa kasamaang palad umuunlad nga ng ating bayan sira naman ang ating likas na yaman wala pang kabuhayan. Maraming mga gawaing ginagawa ang mga tao na kakasira sa ating kalikasan. Una ang simpleng patatapon ng basura sa mga katubigan. Ito ang sumisira sa ating mga yamang tubig dahil karaniwan sa mga tinatapon natin sa katubigan ay may mga kemikal na kasama na patuloy namang kumukontamina sa tubig na nakalalason para sa mga isda. Ang mga plastik naman na tinatapon natin sa katubigan ay nakakain ng mga isda na nagdudulot ng pagkamatay ng mga ito. Pati nga ang mga dolphin na sinasabing pinakamatalinong isda ay nabibiktima rin ng gawaing ito.
  • 6. MGA TULA Buhay Sa Piling ng Lolo at Lola ni: Naty Martinez Kay sarap ng buhay ng isang dalaga Lalo na't lumaki sa lolo at lola Anumang naisin agad ay meron ka Pagka't ika'y ginto sa paningin nila. Ayos lang ang buhay kahit di gumawa Bihis lang nang bihis di ka naglalaba Di ka nagluluto pagkai'y nandyan na Dudulog ka nalang pagka't may hain na. Kay sarap kumain taas pa ang paa Di ka nang-aalok pagka't huli ka na Napag-iwanan ka sila ay tapos na Pagka't kung gumising naku tanghali na! Pag dumarating na ang mga pistahan Damit na maganda sadyang kailangan Di na tinatanong kung gusto ay ilan Tiyak ibibili tatlo o apat man. Nguni't pag may hiling at napagbigyan Agad magmamaktol di na mautusan Papasok sa silid magkukulong na lang Pag-amo sa kanya ang syang aabangan. Ito namang lolo at itong si lola Sa tampo ng apo takot na takot na Agad kakatukin pinto ng silid nya Tuloy aamuin nang tampo'y mawala. Kay sarap magmahal ng lolo at lola Lahat ng layaw ay ibibigay nila Itong kasabihan naku totoo nga, Mas mahal ang tubo sa puhunang punla.. Kaya't pag tumanda at may apo ka na Iyong pagmamahal dapat ipadama Lagi mong isiping ang lolo at lola Nag-aruga sa iyo n’ung ika'y bata pa.
  • 7. Ang Tunay na Sakit Ni: Avon Adarna Nakipagtagisan ang araw sa ulan, Hindi patatalo sa luksong labanan, Ang buwan at tala’y nanonood lamang Sa dugong nanatak sa lupa ng bayan. “Ang iyong panahon, lumipas na Araw!”, Ang sabi ni Ulan at saka inagaw Ang koronang tangan ng Haring papanaw Tila basang sisiw – malat kung sumigaw. “May araw ka rin, O Ulang tikatik...”, Ang sabi ni Araw na ngiwi ang bibig, Pinilit ginamot ang unday ng pait, Upang makabawi sa lugmok na sakit. At habang patuloy ang pakikilaban, Nitong Haring Araw sa buhos ni Ulan, Naghihingalo na’ng mga mamamayan, Sa mundong ang kulay - bahang kapatagan! Sa lagkit ng putik, lugmok ang katawan, At ngayo’y ragasa sa sandaigdigan At pilit tatabon sa tinig ng bayan Na minsang nagsabi na sana’y umulan! Sa nagdagsang dumi sa ilog at dagat, Hindi ba nangakong babalik sa s’yudad? Sa nagtayong bahay sa esterong tambak, Hindi ba sumumpa s’ya ninyong katapat? Sa gitna ng laban ng lamig at init, Ngumiti si Buwan at Talang marikit, Sabay na nagsabing “Lahat ng hinagpis”, “Tao ang maysala, ang tunay na sakit!”
  • 8. Kalikasan – Saan Ka Patungo? ni: Avon Adarna Nakita ng buwan itong pagkasira, Mundo't kalisakasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta, Ang tubig – marumi, lutang ang basura. Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan, Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam, At nakipagluhaan sa poong Maylalang, Pagkat ang tao rin ang may kasalanan. Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, Malaking pabrika ng goma at gulong, Sanhi na ginawa ng pagkakataon! Ang dagat at lawa na nilalanguyan Ng isda at pusit ay wala nang laman, Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan! Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? Ah hindi… naroon… mga mall na pala, Ng ganid na tao sa yaman at pera. Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan, Ginawa na ng tao na basurahan, At kung dumating ang bagyo at ulan, Hindi makakilos ang bahang punuan. Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa nasirang buti nitong kalikasan, At darating bukas ang ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!
  • 9. LIHAM LUZ DEL MUNDO 506 Lakas St. Bacood, Sta.Mesa Ika-10 ng Setyembre 2013 ANG DEKANO Kolehiyo ng Businesss Administration Pamantasan ng Santo Tomas Ginoo: Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa application form. Ipinaaabot ko po ang taos-puso kong pasasalamat. Magalang na sumasainyo, LUZ DEL MUNDO
  • 10. Manuel Roxas High School Paco, Maynila Hulyo 5, 2013 Dr. Estrella Roxas Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon Emilio Aguinaldo College Mahal na Doktora Roxas: Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't ibang gawain at palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang na ito. Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na dadaluhan ng mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay ng paaralang Lungsod ng Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na maging panauhing tagapanayam tungkol sa paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon sa Kalusugan". Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa awditoryum ng paaralan. Alam ko pong may malawak kayong kaalamang maibabahagi sa aming mga guro. Inaasahan kop o ang inyong pagdalo. Matapat na sumasainyo, LUCINDA M. SANTOS
  • 11. 109 G. Tuazon Sampaloc, Manila Agosto 25, 2013 G. CLEMENTE MOLINA Barangay Chairman, Bgy. 420 Sampaloc, Maynla Mahal na G. Molina: Nalaman ko pong naglunsad kayo ng isang proyekto tugngkol sa kalinisan at pagpapaganda ng ating barangay. Natutuwa po ako at magiging maganda ang pamayanan at hindi na natin ito ikakahiya. Bilang isang myembro ng Kabataang Barangay, nais ko pong makatulong sa pagpapaganda at pagpapanatiling malinis ng atng pamayanan. Bubuo po ako ng isang samahan ng mga kabataan na mangangasiwa sa kalinisan ng kalyeng aming nasasakupan. Ito po'y isasakatuparan sa darating na Linggo. Nais po naming maging bahagi ng inyong mga proyekto. Matapat na sumasainyo, ROGELIO DE LA CERNA