PROYEKTO
          SA
FILIPINO II


Ipinasa ni: Paulyn Ann Roxas

Ipinasa kay:Nayse Gumanid
Talambuhay
     ni
Marcelo H. del
    Pilar
Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San Nicholas, Bulacan
noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng
mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo
at Doña Blasa Gatmaytan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya
niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa
kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849.
Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na
ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni
Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran
at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto
siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong
abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang
Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang
manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung
saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng
pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa
kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo,
Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa Hibik
ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa,
La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia
Filipina.nakipag tulungan si marcelo sa kaniyang mga kakampi upang
mapatalsik nila ang mga kalaban.

Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin
ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang
pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng Maynila.
Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli
Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-
uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng
Espanya    sanhi   ng     kanyang      panawagang       pagpapatapon    sa
Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.

Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika
ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino)
noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga
Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang
manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos,
pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La
Solidaridad   noong      Disyembre     15,    1889,   isang     pahayagang
pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang
nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng
mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa
kalagayan ng Pilipinas.

Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad.
May panahong hindi kumarat at may panahong hindi natutulog ang
manunulat.    Upang     makalimutan     ang    gutom,     may    panahong
namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo
para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking
suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula
sa   Pilipinadahilan    kung   bakit   huminto    ang    paglalathala   ng
pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa
pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin
siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya sa
sakit na tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya
noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46
Proyekto sa filipino 2

Proyekto sa filipino 2

  • 1.
    PROYEKTO SA FILIPINO II Ipinasa ni: Paulyn Ann Roxas Ipinasa kay:Nayse Gumanid
  • 2.
    Talambuhay ni Marcelo H. del Pilar
  • 3.
    Isinilang si delPilar sa isang nayon sa Kupang, San Nicholas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaytan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872. Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina.nakipag tulungan si marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban. Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag- uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng
  • 4.
    Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo. Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas. Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi kumarat at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinadahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya sa sakit na tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46