1. “ Sabi ng langit, matalino ka.
Sabi ng dagat, hot ka. Sabi ng
halaman, magaling ka. Hayy!
Sira na talaga ang kalikasan”.
2. Panuto: Isulat ang TOTOO kung tama ang pahayag at DI-TOTOO kung mali
ang sinabi hinggil sa sanaysay.
1. Ang sanaysay ay isinulat sa anyong patula.
2. Ang sanaysay ay salaysay rin.
3. Sa sanaysay ay makabubuo tayo ng sariling pananaw.
4. Maraming tema ang isang sanaysay.
5. Sa panimula ng sanaysay inilalahad ang pangunahing kaisipan.
6. Ang wika at estilo ng pagkakasulat ay walang kinalaman sa pag-unawa ng
mambabasa sa sanaysay.
7. Ang isang manunulat ng sanaysay ay hindi kailangang gumamit ng malawak at
malalalim na pananalita.
8. Sa wakas ng sanaysay ay matatagpuan ang tema.
9. Matatagpuan sa katawan ng isang sanaysay ang mga kaisipan na
magpapalinaw sa tema.
10. Sa pagpapahayag ng ating pananaw, kailangang gumamit ng mga angkop na
ekspresyon.
3. Nagbibigay-impormasyon hinggil sa paksa.
Naglalahad ng ideya o kaisipan hinggil sa paksa.
Naglalahad ng sariling pananaw hinggil sa paksa.
Nakabubuo ng reaksiyon ang bumabasa mula sa
kaisipang inilahad.
Sa pagbibigay ng reaksyon o pananaw, gagamit ng
Ekspresyon sa Pagpapahayag.
4. TALASALITAAN: Pagtambalin ang mga salitang
magkatulad o magkaugnay sa
kahulugan. Gamitin sa pangungusap.
nagliliyab pagmasdan
wastong pag-iisip mahirap
pagmasid intelektuwal
mahirati mahumaling