1. Bakit ka ba
gumagamit ng salamin?
2. Para sa iyo, ano ang
kabuluhan ng
pagtingin ng iyong
sarili sa salamin?
3. Bakit mahalaga na
marunong tayong
tumingin o mag-
eksamin ng ating saril?
4. Anong akademikong sulatin
ang humahasa sa ating
kasanayan at kakayahang mag-
eksamin ng mga pangyayari sa
ating buhay at mabigyan ito ng
kabuluhan?
C
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
SANAYSAY
 Ito ay anyo ng pagsasalaysay
na mas maikli kompara sa ibang
anyo nito tulad ng maikling
kuwento at nobela.
SANAYSAY
 Naglalaman ito ng pananaw,
pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa
isang pangyayari o isyu na nakapukaw
ng kanyang interes o damdamin
(Baello, Garcia, Valmonte 1997).
Replektibong Sanaysay
 Isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay
nagbabahagi ng kanyang mga karanasan.
 Ito ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu,
pangyayari, o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral.
 Ibinabahagi dito ng manunulat kung ano-ano ang
naging epekto o pagbabago sa kanyang sarili
bunsod ng kanyang mga nagging karanasan sa
buhay.
Katangian ng Replektibong Sanaysay:
 Anyo ng sulating pasalaysay na
hindi lamang nakatuon sa husay ng
paggamit ng estilo sa pagulat
bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay
na inilatag ng manunulat para sa
mambabasa.
Katangian ng Replektibong Sanaysay:
 Isa itong paraan ng pagbuo
ng bagong kaalaman
patungkol sa pagkatao,
lipunan, at mga isyu o paksa
sa pagitan.
Katangian ng Replektibong Sanaysay:
 May kalayaan ang manunulat sa
pagtalakay sa mga punto na
karaniwang mula sa kanyang sariling
karanasan o mga pangyayaring
kanyang nasaksihan (Baello, Garcia,
Valmonte 1997).
Layunin ng Replektibong
Sanaysay:
Ito ay naglalayong bigyang-katwiran,
ipaliwanag, o suriin ang partikular na
salaysay at palutangin ang halaga nito o
ang maidudulot nito, depende sa layon
ng manunulat, sa buhay ng isang tao at
sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor-
Ballena 2010).
C
MGA BAHAGI NG
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
1. PANIMULA
 Naglalaman ng pagpapakilala o
pagpapaliwanag ng paksa o gawain.
Ang manunulat ay maaaring magbahagi ng
kanyang mga karanasan sa bahaging ito.
 Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran
ang pangunahing paksa.
Kailangang sa bahaging ito ay makuha ng
manunulat ang atensiyon ng mambabasa.
Halimbawa:
Abril, 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE,
nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser na sina Aling Auring at
Mang Primo. Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking
pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong ko ang bagyong signal
kuwatro. Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang
mag-aaral lamang noon na nagsikap makapasa sa entance exam sa
RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa
kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta
ko sa unibersidad na iyon, babalik ako ngunit wala akong duduruging
anuman (may himig yata iyon ng pagka GMA telebabad).
2. KATAWAN
 Ilalahad na ng manunulat sa
bahaging ito ang naging epekto o
bunga ng kanyang mga naging
karanasan.
Ibabahagi ng manunulat kung ano-
ano ang mga pagbabagong nangyari
sa kanyang sarili.
2. KATAWAN
 Sa bahaging ito ay binibigyang
halaga ang maigting na damdamin
sa pangyayari.
 Ito ay naglalaman ng malaking
bahagi ng salaysay, obserbasyon,
realisasyon, at natutuhan.
2. KATAWAN
 Ipinaliliwanag din dito kung
anong mga bagay ang nais ng
mga manunulat na baguhin
sa karanasan, kapaligiran, o
sistema.
Halimbawa:
Nakapasa ako. Namuhay ako nang apat na taon sa RTU.
Nakipaghabulan ako sa mga propesor para sa ulat at grado.
Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong
hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at
registrar. Maikli pa naman ang pila noon. Humabol ako sa mga
kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation.
Hinabol ko ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking
hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na rin
ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
Halimbawa:
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol upang
marating ang finish line. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit
ako ng karangalan - ang diploma ko.
Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at
doktorado. Doon ay nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa
pang laban.
Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-aaral
na nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang aking paghahabol.
“Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng
mga mambobolang Filipino major.
3. KONGKLUSYON
Gagawa ang manunulat sa bahaging
ito ng paglalahat ng kanyang mga
naibahaging karanasan.
Maaari ring magbahagi ang manunulat
ng mga bagay na nais pa niyang
baguhin sa kanyang sarili sa hinaharap.
3. KONGKLUSYON
 Kinakailangang mag-iwan ng isang
kakintalan sa mambabasa.
 Dito na mailalabas ng manunulat
ang punto at kahalagahan ng
isinalaysay niyang pangyayari o isyu
at mga pananaw niya rito.
Halimbawa:
“Parati tayong may hinahabol. Iyon ay dahil sa may gusto
tayong makamit. Ang mahalaga matapos ng paghahabol na
iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako ay inyong
guro pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May
mga pagkakataong ako ang inyong mag-aaral. Natututo ako sa
mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,”
dagdag-hirit sa kanila.
“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo
bukas.”
1. Ano ang mahalagang
kasanayan ang nililinang
sa pagsulat ng
replektibong sanaysay?
2. Bakit kailangang
gumamit ng deskriptibong
wika sa pagsulat ng
replektibong sanaysay?
3. Ano-ano ang mga bahagi
ng replektibong sanaysay na
ating tinalakay? Talakayin
ang nilalaman ng bawat
bahagi.
4. Sa anong aspeto ng buhay
mo mapapahalagahan ang
pagsulat ng replektibong
sanaysay? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Gawain: Magsulat ng replektibong sanaysay
patungkol sa iyong di-malilimutang
karanasan noong taong 2023 at kung ano-
anong mahahalagang aral ang hatid ng mga
karanasang ito sa iyo. Tiyakin na ang
sanaysay ay binubuo ng panimula, katawan,
at kongklusyon. Lagyan ito ng isang
natatanging pamagat.

REPLEKTIBONG-SANAYSAY-SHS

  • 2.
    1. Bakit kaba gumagamit ng salamin?
  • 3.
    2. Para saiyo, ano ang kabuluhan ng pagtingin ng iyong sarili sa salamin?
  • 4.
    3. Bakit mahalagana marunong tayong tumingin o mag- eksamin ng ating saril?
  • 5.
    4. Anong akademikongsulatin ang humahasa sa ating kasanayan at kakayahang mag- eksamin ng mga pangyayari sa ating buhay at mabigyan ito ng kabuluhan?
  • 6.
  • 7.
    SANAYSAY  Ito ayanyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa ibang anyo nito tulad ng maikling kuwento at nobela.
  • 8.
    SANAYSAY  Naglalaman itong pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997).
  • 9.
    Replektibong Sanaysay  Isanguri ng sulatin kung saan ang manunulat ay nagbabahagi ng kanyang mga karanasan.  Ito ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral.  Ibinabahagi dito ng manunulat kung ano-ano ang naging epekto o pagbabago sa kanyang sarili bunsod ng kanyang mga nagging karanasan sa buhay.
  • 10.
    Katangian ng ReplektibongSanaysay:  Anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa.
  • 11.
    Katangian ng ReplektibongSanaysay:  Isa itong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan.
  • 12.
    Katangian ng ReplektibongSanaysay:  May kalayaan ang manunulat sa pagtalakay sa mga punto na karaniwang mula sa kanyang sariling karanasan o mga pangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997).
  • 13.
    Layunin ng Replektibong Sanaysay: Itoay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng isang tao at sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor- Ballena 2010).
  • 14.
  • 15.
    1. PANIMULA  Naglalamanng pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Ang manunulat ay maaaring magbahagi ng kanyang mga karanasan sa bahaging ito.  Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Kailangang sa bahaging ito ay makuha ng manunulat ang atensiyon ng mambabasa.
  • 16.
    Halimbawa: Abril, 2005 nangmakapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser na sina Aling Auring at Mang Primo. Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong ko ang bagyong signal kuwatro. Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na nagsikap makapasa sa entance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka GMA telebabad).
  • 17.
    2. KATAWAN  Ilalahadna ng manunulat sa bahaging ito ang naging epekto o bunga ng kanyang mga naging karanasan. Ibabahagi ng manunulat kung ano- ano ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang sarili.
  • 18.
    2. KATAWAN  Sabahaging ito ay binibigyang halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari.  Ito ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.
  • 19.
    2. KATAWAN  Ipinaliliwanagdin dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
  • 20.
    Halimbawa: Nakapasa ako. Namuhayako nang apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila noon. Humabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
  • 21.
    Halimbawa: Sa dami nganiyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan - ang diploma ko. Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban. Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng mga mambobolang Filipino major.
  • 22.
    3. KONGKLUSYON Gagawa angmanunulat sa bahaging ito ng paglalahat ng kanyang mga naibahaging karanasan. Maaari ring magbahagi ang manunulat ng mga bagay na nais pa niyang baguhin sa kanyang sarili sa hinaharap.
  • 23.
    3. KONGKLUSYON  Kinakailangangmag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa.  Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.
  • 24.
    Halimbawa: “Parati tayong mayhinahabol. Iyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang mahalaga matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako ay inyong guro pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga pagkakataong ako ang inyong mag-aaral. Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit sa kanila. “Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”
  • 25.
    1. Ano angmahalagang kasanayan ang nililinang sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
  • 26.
    2. Bakit kailangang gumamitng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
  • 27.
    3. Ano-ano angmga bahagi ng replektibong sanaysay na ating tinalakay? Talakayin ang nilalaman ng bawat bahagi.
  • 28.
    4. Sa anongaspeto ng buhay mo mapapahalagahan ang pagsulat ng replektibong sanaysay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
  • 29.
    Gawain: Magsulat ngreplektibong sanaysay patungkol sa iyong di-malilimutang karanasan noong taong 2023 at kung ano- anong mahahalagang aral ang hatid ng mga karanasang ito sa iyo. Tiyakin na ang sanaysay ay binubuo ng panimula, katawan, at kongklusyon. Lagyan ito ng isang natatanging pamagat.