SlideShare a Scribd company logo
• Ano ang simbolismo ng larawan para sa iyo?
• Anong paksa ang madalas na kinukuhanan
mo ng larawan?
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
PAGSULAT NG
LARAWANG SANAYSAY
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Rafaelito M. Manila, LPT
Guro sa Filipino
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
➢ Nakikilala ang mahalagang katangian at layunin ng
paggawa ng pictorial essay,
➢ nasusuri ang mga halimbawa ng pictorial essay,
➢ nakasusulat ng sanaysay gamit ang mahahalagang
mensahe ng larawan at,
➢ nakabubuo ng isang pictorial essay.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
“A picture is worth a
thousand words.”
- Albert Einstein
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG
LARAWANG SANAYSAY
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG LARAWANG SANAYSAY
• Ito ay tinatawag din bilang photo essay. Isa itong
kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng
kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga
larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon o
kapsyon kada larawan.
• Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap
nito. Kombinasyon ito ng potograpiya at wika. Kaiba ito
sa picture story na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari at ang layunin ay magsalaysay o
magkwento.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA
PICTORIAL ESSAY
KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
1. Malinaw na Paksa - Kailangang pumili ng paksang
mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Maraming
maliliit na bagay ang maaaring paksain ng isang
mahusay na pictorial essay.
2. Pokus - Huwag lumihis sa paksa. Ang iyong
malalim na pag-unawa, pagpapahalaga, at matamang
obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap
tungo sa matagumpay na pictorial essay.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
3. Orihinalidad - Higit na mainam kung ikaw mismo ang
kukuha ng larawan. Maaari ring gumamit ng mga software
ng kompyuter tulad ng photoshop. Kung hindi ito
magagawa, maaari namang gumamit ng larawang kuha ng
iba mula sa lumang album o magasin bilang panimula.
Gupit-gupitin ang mga iyon at gumawa ng mga collage
upang makalikha ng bagong larawan. Kailangang ang
pangkalahatang kahulugang ipinahahayag ng nalikhang
larawan ay orihinal sa iyo.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
4. Lohikal na Estruktura - Isasaayos ang mga larawan
ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Tulad ng iba pang
teksto, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na
paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas.
5. Kawilihan - Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa
iyong paksa. Gumamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig
na kinawiwilihan mo ang iyong paksa, nang kawilihan din ito
ng iyong mambabasa.
6. Komposisyon - Piliin ang mga larawang kalidad ang
komposisyon. Iyong mga artistik na kuha. Ikonsidera ang kulay,
ilaw, at balanse ng komposisyon. Iwasan ang paggamit ng
malabo at madidilim na larawan.
7. Mahusay na Paggamit ng Wika - Iorganisa nang maayos ang
teksto. Tiyaking ang teksto ay tumatalakay sa larawan. Sikapin
din ang kawastuhang gramatikal sa pagsulat. Ang mga
pagkakamali sa baybay, bantas, gamit ng salita at iba pang
tuntuning pangwika ay kabawasansa husay ng pictorial essay.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG
PICTORIAL ESSAY
PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY
1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda o ibinigay
inyong guro.
2. Isaalang-alang ang iyong awdiyens.
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga
larawan sa pagkakamit ng iyong layunin.
4. Kumuha ng maraming larawan upang maraming mapagpilian.
5. Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan.
MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
1. Dokumentaryong Photo Essay - Layunin nitong ipakita
ang dokumentaryo ng isang pangyayari, lugar, o grupo ng
mga tao gamit ang mga larawan. Ang mga larawan ay
naglalaman ng kwento at impormasyon upang maipakita
ang realidad ng isang sitwasyon.
2. Portrait Photo Essay - Binubuo ito ng serye ng mga
portreyt na larawan ng isang tao o grupo ng mga tao. Ang
layunin nito ay ipakita ang mga detalye ng personalidad,
karanasan, o buhay ng mga nasa larawan.
Larawan mula sa: http://www.conspiracy-cafe.com/apps/videos/channels/show/4098958-documentaries?page=4
Dokumentaryong Pagkuha ng Larawan
Portrait na Pagkuha ng Larawan
Larawan mula sa: https://redcarpetartist.blogspot.com/2021/04/contemporary-artist-in-philippines.html
MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
3. Travel Photo Essay - Ipinapakita rito ang mga
karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang lugar. Ang mga
larawan ay naglalarawan ng mga tanawin, kultura, at mga
pagkakataon na makakakita ng mga bagong bagay.
4. Conceptual Photo Essay - Gumagamit ito ng mga
larawan upang ipakita ang isang ideya, konsepto, o tema.
Ang bawat larawan ay may koneksyon sa pangkalahatang
mensahe na nais iparating.
Conceptual na Pagkuha ng Larawan
Larawan mula sa: https://www.template.net/design-templates/inspirational/conceptual-photography-example/
MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
5. Environmental Photo Essay - Isinasalaysay nito ang
mga isyu kaugnay sa kalikasan at kapaligiran. Ang layunin
ay magbigay ng kamalayan hinggil sa pangangalaga sa
kalikasan at ang mga isyu tulad ng pagbabago ng klima.
6. Personal Photo Essay - Ito ay naglalaman ng mga
larawan na naglalarawan ng personal na buhay ng isang
tao. Maaaring ito ay tungkol sa pang-araw-araw na
karanasan, damdamin, o paglalakbay ng isang indibidwal.
Environmental na Pagkuha ng Larawan
Larawan mula sa: https://www.pinterest.ph/pin/392235448792491070/
MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
7. Historical Photo Essay - Naglalaman ng mga larawan
na nagpapakita ng kasaysayan ng isang lugar o
pangyayari. Ito ay maaaring magtakda ng konteksto at
naglalaman ng mahahalagang yugto sa kasaysayan.
8. Cultural Photo Essay - Layunin nitong ipakita ang
kultura ng isang grupo ng mga tao. Ang mga larawan ay
naglalarawan ng mga tradisyon, ritwal, at iba't ibang aspeto
ng kultura ng isang komunidad.
Historical na Pagkuha ng Larawan
Larawan mula sa: https://www.pinterest.com/pin/344314333984091715/
Kultural na Pagkuha ng Larawan
Larawan mula sa: https://www.7stonesboracay.com/15-filipino-traits-that-make-the-philippines-fun-to-visit/
MGA HALIMBAWA NG PICTORIAL ESSAY
PAG-AANALISA
1. Paano makatutulong ang pictorial essay na
malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral
tulad mo?
2. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial
essay ay nakabatay sa iyong interes?
MGA TANONG:
QRTR 2 - WW3
QRTR 2 - WW3
• Maraming nagagawa ang teknolohiya sa paglaon ng
panahon. Gamit ang iyong ‘cellphone’, kumuha ng isang
larawan na sumasalamin sa iyong pagkatao ngayon at
lagyan ito ng maikling kapsyon (tatlo hanggang apat na
pangungusap sa isang talata.)
• Maaaring gumamit ng editing tools. Maaari rin itong
gamitan ng lightning, contrast, effects atbp, upang ma-
enhance ang larawang gagamitin.
RUBRIKS
NAPAKAHUSAY! (25-30 puntos) – Malinaw at makabuluhan ang paglalathala ng
impormasyon sa pamamagitan ng larawan at maikling caption. May kaisahan at
kaugnayan ang mga salitang ginamit. Madaling naunawaan ang naiparating na
ideya at nailahad nang wasto ang nalalaman. May wastong gamit ng bantas.
MAHUSAY! (20-24 puntos) – Nakapagbigay ng impormasyon na maaari pang
makasusuporta at makatindig sa paksa. Hindi pa ganoon ka-sapat ang ideyang
inilalatag.
MAHUSAY-HUSAY! (15-19 puntos) – Hindi ganoon kalinaw at hindi ganoong
naipaliwanag nang maayos ang tinutumbok o ang sentro ng sagot na nais iparating.
RUBRIKS
PAGSULAT NG
LARAWANG SANAYSAY
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Rafaelito M. Manila, LPT
Guro sa Filipino

More Related Content

Similar to PICTORIAL-ESSAY: FILIPINO SA PILING LARANGAN

4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptxBrennCabanayan2
 
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptxLARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptxuclairelene
 
Photo essay/sanaysay ng larawan
Photo essay/sanaysay ng larawanPhoto essay/sanaysay ng larawan
Photo essay/sanaysay ng larawanLorelyn Dela Masa
 
Module 2 q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1
Module 2   q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1Module 2   q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1
Module 2 q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1ApHUB2013
 
Larawang_pampahayagan00000000000000.pptx
Larawang_pampahayagan00000000000000.pptxLarawang_pampahayagan00000000000000.pptx
Larawang_pampahayagan00000000000000.pptxcarmilacuesta
 
4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptx
4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptx4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptx
4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptxcarmilacuesta
 
Larawang-Pampahayagan o photo journalism.pptx
Larawang-Pampahayagan o photo journalism.pptxLarawang-Pampahayagan o photo journalism.pptx
Larawang-Pampahayagan o photo journalism.pptxmarielouisemiranda1
 
Green Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptxGreen Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptxClintwodIversonBarru
 
sanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxsanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxMayramos27
 
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012Rosannie Doria
 
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptxphotoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptxRonaldFrancisSanchez
 
PAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxPAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxMean6
 
WEEK 3 LESSON.pptx
WEEK 3 LESSON.pptxWEEK 3 LESSON.pptx
WEEK 3 LESSON.pptxjuwe oroc
 

Similar to PICTORIAL-ESSAY: FILIPINO SA PILING LARANGAN (20)

4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
4th-Quarter-Photo-Essay-1.pptx
 
Photo essay
Photo essayPhoto essay
Photo essay
 
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptxLARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
LARAWANG SANAYSAY/ Pictorial_061944.pptx
 
Photo essay/sanaysay ng larawan
Photo essay/sanaysay ng larawanPhoto essay/sanaysay ng larawan
Photo essay/sanaysay ng larawan
 
Week_6_Pictoral_Essay.pptx
Week_6_Pictoral_Essay.pptxWeek_6_Pictoral_Essay.pptx
Week_6_Pictoral_Essay.pptx
 
Module 2 q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1
Module 2   q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1Module 2   q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1
Module 2 q.c. & manila - grade 7 learning modules - quarter 1
 
Larawang_pampahayagan00000000000000.pptx
Larawang_pampahayagan00000000000000.pptxLarawang_pampahayagan00000000000000.pptx
Larawang_pampahayagan00000000000000.pptx
 
4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptx
4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptx4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptx
4293932390000-Larawang-Pampahayagan.pptx
 
Larawang-Pampahayagan o photo journalism.pptx
Larawang-Pampahayagan o photo journalism.pptxLarawang-Pampahayagan o photo journalism.pptx
Larawang-Pampahayagan o photo journalism.pptx
 
PPT Modyul 1&2 FPL.pptx
PPT Modyul 1&2 FPL.pptxPPT Modyul 1&2 FPL.pptx
PPT Modyul 1&2 FPL.pptx
 
Green Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptxGreen Playground Playful Education Presentation.pptx
Green Playground Playful Education Presentation.pptx
 
Pictorial essay ni caren ramos
Pictorial essay ni caren ramosPictorial essay ni caren ramos
Pictorial essay ni caren ramos
 
sanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptxsanaysayppt.pptx
sanaysayppt.pptx
 
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan_08032012
 
Pictorial essay - Grade 12
Pictorial essay - Grade 12Pictorial essay - Grade 12
Pictorial essay - Grade 12
 
lesson plan.docx
lesson plan.docxlesson plan.docx
lesson plan.docx
 
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptxphotoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
photoessay-161124131543_abcdpdf_pdf_to_ppt.pptx
 
report-kay-sir-dennand.pptx
report-kay-sir-dennand.pptxreport-kay-sir-dennand.pptx
report-kay-sir-dennand.pptx
 
PAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptxPAGSASALAYSAY.pptx
PAGSASALAYSAY.pptx
 
WEEK 3 LESSON.pptx
WEEK 3 LESSON.pptxWEEK 3 LESSON.pptx
WEEK 3 LESSON.pptx
 

PICTORIAL-ESSAY: FILIPINO SA PILING LARANGAN

  • 1.
  • 2.
  • 3.
  • 4.
  • 5. • Ano ang simbolismo ng larawan para sa iyo? • Anong paksa ang madalas na kinukuhanan mo ng larawan? Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
  • 6. PAGSULAT NG LARAWANG SANAYSAY FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) Rafaelito M. Manila, LPT Guro sa Filipino
  • 7. Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na: ➢ Nakikilala ang mahalagang katangian at layunin ng paggawa ng pictorial essay, ➢ nasusuri ang mga halimbawa ng pictorial essay, ➢ nakasusulat ng sanaysay gamit ang mahahalagang mensahe ng larawan at, ➢ nakabubuo ng isang pictorial essay. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
  • 8. “A picture is worth a thousand words.” - Albert Einstein
  • 9. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG LARAWANG SANAYSAY
  • 10. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG LARAWANG SANAYSAY • Ito ay tinatawag din bilang photo essay. Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon o kapsyon kada larawan. • Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap nito. Kombinasyon ito ng potograpiya at wika. Kaiba ito sa picture story na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang layunin ay magsalaysay o magkwento.
  • 11. KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
  • 12. KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY 1. Malinaw na Paksa - Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Maraming maliliit na bagay ang maaaring paksain ng isang mahusay na pictorial essay. 2. Pokus - Huwag lumihis sa paksa. Ang iyong malalim na pag-unawa, pagpapahalaga, at matamang obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap tungo sa matagumpay na pictorial essay.
  • 13. KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY 3. Orihinalidad - Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng larawan. Maaari ring gumamit ng mga software ng kompyuter tulad ng photoshop. Kung hindi ito magagawa, maaari namang gumamit ng larawang kuha ng iba mula sa lumang album o magasin bilang panimula. Gupit-gupitin ang mga iyon at gumawa ng mga collage upang makalikha ng bagong larawan. Kailangang ang pangkalahatang kahulugang ipinahahayag ng nalikhang larawan ay orihinal sa iyo.
  • 14. KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY 4. Lohikal na Estruktura - Isasaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Tulad ng iba pang teksto, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas. 5. Kawilihan - Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa. Gumamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig na kinawiwilihan mo ang iyong paksa, nang kawilihan din ito ng iyong mambabasa.
  • 15. 6. Komposisyon - Piliin ang mga larawang kalidad ang komposisyon. Iyong mga artistik na kuha. Ikonsidera ang kulay, ilaw, at balanse ng komposisyon. Iwasan ang paggamit ng malabo at madidilim na larawan. 7. Mahusay na Paggamit ng Wika - Iorganisa nang maayos ang teksto. Tiyaking ang teksto ay tumatalakay sa larawan. Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa pagsulat. Ang mga pagkakamali sa baybay, bantas, gamit ng salita at iba pang tuntuning pangwika ay kabawasansa husay ng pictorial essay. KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
  • 16. MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY
  • 17. PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY 1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda o ibinigay inyong guro. 2. Isaalang-alang ang iyong awdiyens. 3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin. 4. Kumuha ng maraming larawan upang maraming mapagpilian. 5. Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod. 6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan.
  • 18. MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
  • 19. MGA URI NG PICTORIAL ESSAY 1. Dokumentaryong Photo Essay - Layunin nitong ipakita ang dokumentaryo ng isang pangyayari, lugar, o grupo ng mga tao gamit ang mga larawan. Ang mga larawan ay naglalaman ng kwento at impormasyon upang maipakita ang realidad ng isang sitwasyon. 2. Portrait Photo Essay - Binubuo ito ng serye ng mga portreyt na larawan ng isang tao o grupo ng mga tao. Ang layunin nito ay ipakita ang mga detalye ng personalidad, karanasan, o buhay ng mga nasa larawan.
  • 20. Larawan mula sa: http://www.conspiracy-cafe.com/apps/videos/channels/show/4098958-documentaries?page=4 Dokumentaryong Pagkuha ng Larawan
  • 21. Portrait na Pagkuha ng Larawan Larawan mula sa: https://redcarpetartist.blogspot.com/2021/04/contemporary-artist-in-philippines.html
  • 22. MGA URI NG PICTORIAL ESSAY 3. Travel Photo Essay - Ipinapakita rito ang mga karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang lugar. Ang mga larawan ay naglalarawan ng mga tanawin, kultura, at mga pagkakataon na makakakita ng mga bagong bagay. 4. Conceptual Photo Essay - Gumagamit ito ng mga larawan upang ipakita ang isang ideya, konsepto, o tema. Ang bawat larawan ay may koneksyon sa pangkalahatang mensahe na nais iparating.
  • 23. Conceptual na Pagkuha ng Larawan Larawan mula sa: https://www.template.net/design-templates/inspirational/conceptual-photography-example/
  • 24. MGA URI NG PICTORIAL ESSAY 5. Environmental Photo Essay - Isinasalaysay nito ang mga isyu kaugnay sa kalikasan at kapaligiran. Ang layunin ay magbigay ng kamalayan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan at ang mga isyu tulad ng pagbabago ng klima. 6. Personal Photo Essay - Ito ay naglalaman ng mga larawan na naglalarawan ng personal na buhay ng isang tao. Maaaring ito ay tungkol sa pang-araw-araw na karanasan, damdamin, o paglalakbay ng isang indibidwal.
  • 25. Environmental na Pagkuha ng Larawan Larawan mula sa: https://www.pinterest.ph/pin/392235448792491070/
  • 26. MGA URI NG PICTORIAL ESSAY 7. Historical Photo Essay - Naglalaman ng mga larawan na nagpapakita ng kasaysayan ng isang lugar o pangyayari. Ito ay maaaring magtakda ng konteksto at naglalaman ng mahahalagang yugto sa kasaysayan. 8. Cultural Photo Essay - Layunin nitong ipakita ang kultura ng isang grupo ng mga tao. Ang mga larawan ay naglalarawan ng mga tradisyon, ritwal, at iba't ibang aspeto ng kultura ng isang komunidad.
  • 27. Historical na Pagkuha ng Larawan Larawan mula sa: https://www.pinterest.com/pin/344314333984091715/
  • 28. Kultural na Pagkuha ng Larawan Larawan mula sa: https://www.7stonesboracay.com/15-filipino-traits-that-make-the-philippines-fun-to-visit/
  • 29. MGA HALIMBAWA NG PICTORIAL ESSAY
  • 30.
  • 31.
  • 33. 1. Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral tulad mo? 2. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong interes? MGA TANONG:
  • 34. QRTR 2 - WW3
  • 35. QRTR 2 - WW3 • Maraming nagagawa ang teknolohiya sa paglaon ng panahon. Gamit ang iyong ‘cellphone’, kumuha ng isang larawan na sumasalamin sa iyong pagkatao ngayon at lagyan ito ng maikling kapsyon (tatlo hanggang apat na pangungusap sa isang talata.) • Maaaring gumamit ng editing tools. Maaari rin itong gamitan ng lightning, contrast, effects atbp, upang ma- enhance ang larawang gagamitin.
  • 37. NAPAKAHUSAY! (25-30 puntos) – Malinaw at makabuluhan ang paglalathala ng impormasyon sa pamamagitan ng larawan at maikling caption. May kaisahan at kaugnayan ang mga salitang ginamit. Madaling naunawaan ang naiparating na ideya at nailahad nang wasto ang nalalaman. May wastong gamit ng bantas. MAHUSAY! (20-24 puntos) – Nakapagbigay ng impormasyon na maaari pang makasusuporta at makatindig sa paksa. Hindi pa ganoon ka-sapat ang ideyang inilalatag. MAHUSAY-HUSAY! (15-19 puntos) – Hindi ganoon kalinaw at hindi ganoong naipaliwanag nang maayos ang tinutumbok o ang sentro ng sagot na nais iparating. RUBRIKS
  • 38. PAGSULAT NG LARAWANG SANAYSAY FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) Rafaelito M. Manila, LPT Guro sa Filipino