1. Bakit ka ba
gumagamit ng
salamin?
2. Para sa iyo, ano
ang kabuluhan ng
pagtingin ng iyong
sarili sa salamin?
3. Bakit mahalaga na
marunong tayong
tumingin o mag-
eksamin ng ating saril?
4. Anong akademikong sulatin
ang humahasa sa ating
kasanayan at kakayahang
mag-eksamin ng mga
pangyayari sa ating buhay at
mabigyan ito ng kabuluhan?
C
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
SANAYSAY
 Ito ay anyo ng pagsasalaysay
na mas maikli kompara sa
ibang anyo nito tulad ng
maikling kuwento at nobela.
SANAYSAY
 Naglalaman ito ng pananaw,
pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa
isang pangyayari o isyu na nakapukaw
ng kanyang interes o damdamin
(Baello, Garcia, Valmonte 1997).
Replektibong Sanaysay
 Isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat
ay nagbabahagi ng kanyang mga karanasan.
 Ito ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang
isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral.
 Ibinabahagi dito ng manunulat kung ano-
ano ang naging epekto o pagbabago sa
kanyang sarili bunsod ng kanyang mga
nagging karanasan sa buhay.
Katangian ng Replektibong
Sanaysay:
 Anyo ng sulating pasalaysay na
hindi lamang nakatuon sa husay
ng paggamit ng estilo sa pagulat
bagkus ay sa pagsusuri ng
salaysay na inilatag ng
manunulat para sa mambabasa.
Katangian ng Replektibong
Sanaysay:
 Isa itong paraan ng
pagbuo ng bagong
kaalaman patungkol sa
pagkatao, lipunan, at mga
isyu o paksa sa pagitan.
Katangian ng Replektibong
Sanaysay:
 May kalayaan ang manunulat sa
pagtalakay sa mga punto na
karaniwang mula sa kanyang
sariling karanasan o mga
pangyayaring kanyang nasaksihan
(Baello, Garcia, Valmonte 1997).
Layunin ng Replektibong Sanaysay:
Ito ay naglalayong bigyang-katwiran,
ipaliwanag, o suriin ang partikular na
salaysay at palutangin ang halaga nito
o ang maidudulot nito, depende sa
layon ng manunulat, sa buhay ng isang
tao at sa lipunan (Arrogante, Golla,
Honor-Ballena 2010).
C
MGA BAHAGI NG
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
1. PANIMULA
 Naglalaman ng pagpapakilala o
pagpapaliwanag ng paksa o gawain.
Ang manunulat ay maaaring magbahagi
ng kanyang mga karanasan sa bahaging
ito.
 Maaaring ipahayag nang tuwiran o di
tuwiran ang pangunahing paksa.
Kailangang sa bahaging ito ay makuha ng
manunulat ang atensiyon ng mambabasa.
Halimbawa:
Abril, 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE,
nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser na sina Aling Auring
at Mang Primo. Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom
na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong ko ang
bagyong signal kuwatro. Kung hihilahin pabalik ang nakaraan,
ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na nagsikap
makapasa sa entance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa
sa EARIST. Isa rin ako sa kasamaang-palad na hindi umabot sa
quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik
ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata
iyon ng pagka GMA telebabad).
2. KATAWAN
 Ilalahad na ng manunulat sa
bahaging ito ang naging epekto o
bunga ng kanyang mga naging
karanasan.
Ibabahagi ng manunulat kung
ano-ano ang mga pagbabagong
nangyari sa kanyang sarili.
2. KATAWAN
 Sa bahaging ito ay binibigyang
halaga ang maigting na
damdamin sa pangyayari.
 Ito ay naglalaman ng malaking
bahagi ng salaysay, obserbasyon,
realisasyon, at natutuhan.
2. KATAWAN
 Ipinaliliwanag din dito
kung anong mga bagay
ang nais ng mga
manunulat na baguhin sa
karanasan, kapaligiran, o
sistema.
Halimbawa:
Nakapasa ako. Namuhay ako nang apat na taon sa RTU.
Nakipaghabulan ako sa mga propesor para sa ulat at
grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto.
Marami akong hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at
pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila
noon. Humabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC
tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko ang aking mga
kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y
nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na rin ako.
Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
Halimbawa:
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol
upang marating ang finish line. Hindi sa pagmamalaki ay
nakapagkamit ako ng karangalan - ang diploma ko.
Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang
master at doktorado. Doon ay nagpakapantas at
nakipaghabulan sa isa pang laban.
Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-
aaral na nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang aking
paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap
ng klase,” biro pa ng mga mambobolang Filipino major.
3. KONGKLUSYON
Gagawa ang manunulat sa
bahaging ito ng paglalahat ng
kanyang mga naibahaging
karanasan.
Maaari ring magbahagi ang
manunulat ng mga bagay na nais
pa niyang baguhin sa kanyang sarili
sa hinaharap.
3. KONGKLUSYON
 Kinakailangang mag-iwan ng
isang kakintalan sa
mambabasa.
 Dito na mailalabas ng
manunulat ang punto at
kahalagahan ng isinalaysay
niyang pangyayari o isyu at mga
Halimbawa:
“Parati tayong may hinahabol. Iyon ay dahil sa may
gusto tayong makamit. Ang mahalaga matapos ng
paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka
babalik. Ako ay inyong guro pero babalik at babalik ako
sa pagiging mag-aaral ko. May mga pagkakataong ako
ang inyong mag-aaral. Natututo ako sa mga
pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,”
dagdag-hirit sa kanila.
“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita
tayo bukas.”
1. Ano ang mahalagang
kasanayan ang nililinang
sa pagsulat ng
replektibong sanaysay?
2. Bakit kailangang
gumamit ng deskriptibong
wika sa pagsulat ng
replektibong sanaysay?
3. Ano-ano ang mga bahagi
ng replektibong sanaysay na
ating tinalakay? Talakayin
ang nilalaman ng bawat
bahagi.
4. Sa anong aspeto ng buhay
mo mapapahalagahan ang
pagsulat ng replektibong
sanaysay? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
Gawain: Magsulat ng replektibong
sanaysay patungkol sa iyong di-
malilimutang karanasan noong taong 2023
at kung ano-anong mahahalagang aral
ang hatid ng mga karanasang ito sa iyo.
Tiyakin na ang sanaysay ay binubuo ng
panimula, katawan, at kongklusyon.
Lagyan ito ng isang natatanging pamagat.

REPLEKTIBONG SANAYSAY-Filipino Sa Piling Larang.pptx

  • 2.
    1. Bakit kaba gumagamit ng salamin?
  • 3.
    2. Para saiyo, ano ang kabuluhan ng pagtingin ng iyong sarili sa salamin?
  • 4.
    3. Bakit mahalagana marunong tayong tumingin o mag- eksamin ng ating saril?
  • 5.
    4. Anong akademikongsulatin ang humahasa sa ating kasanayan at kakayahang mag-eksamin ng mga pangyayari sa ating buhay at mabigyan ito ng kabuluhan?
  • 6.
  • 7.
    SANAYSAY  Ito ayanyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa ibang anyo nito tulad ng maikling kuwento at nobela.
  • 8.
    SANAYSAY  Naglalaman itong pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997).
  • 9.
    Replektibong Sanaysay  Isanguri ng sulatin kung saan ang manunulat ay nagbabahagi ng kanyang mga karanasan.  Ito ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral.  Ibinabahagi dito ng manunulat kung ano- ano ang naging epekto o pagbabago sa kanyang sarili bunsod ng kanyang mga nagging karanasan sa buhay.
  • 10.
    Katangian ng Replektibong Sanaysay: Anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa.
  • 11.
    Katangian ng Replektibong Sanaysay: Isa itong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan.
  • 12.
    Katangian ng Replektibong Sanaysay: May kalayaan ang manunulat sa pagtalakay sa mga punto na karaniwang mula sa kanyang sariling karanasan o mga pangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997).
  • 13.
    Layunin ng ReplektibongSanaysay: Ito ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng isang tao at sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor-Ballena 2010).
  • 14.
  • 15.
    1. PANIMULA  Naglalamanng pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Ang manunulat ay maaaring magbahagi ng kanyang mga karanasan sa bahaging ito.  Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Kailangang sa bahaging ito ay makuha ng manunulat ang atensiyon ng mambabasa.
  • 16.
    Halimbawa: Abril, 2005 nangmakapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser na sina Aling Auring at Mang Primo. Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong ko ang bagyong signal kuwatro. Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na nagsikap makapasa sa entance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka GMA telebabad).
  • 17.
    2. KATAWAN  Ilalahadna ng manunulat sa bahaging ito ang naging epekto o bunga ng kanyang mga naging karanasan. Ibabahagi ng manunulat kung ano-ano ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang sarili.
  • 18.
    2. KATAWAN  Sabahaging ito ay binibigyang halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari.  Ito ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.
  • 19.
    2. KATAWAN  Ipinaliliwanagdin dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
  • 20.
    Halimbawa: Nakapasa ako. Namuhayako nang apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila noon. Humabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
  • 21.
    Halimbawa: Sa dami nganiyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan - ang diploma ko. Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban. Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag- aaral na nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng mga mambobolang Filipino major.
  • 22.
    3. KONGKLUSYON Gagawa angmanunulat sa bahaging ito ng paglalahat ng kanyang mga naibahaging karanasan. Maaari ring magbahagi ang manunulat ng mga bagay na nais pa niyang baguhin sa kanyang sarili sa hinaharap.
  • 23.
    3. KONGKLUSYON  Kinakailangangmag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa.  Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinalaysay niyang pangyayari o isyu at mga
  • 24.
    Halimbawa: “Parati tayong mayhinahabol. Iyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang mahalaga matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako ay inyong guro pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga pagkakataong ako ang inyong mag-aaral. Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit sa kanila. “Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”
  • 25.
    1. Ano angmahalagang kasanayan ang nililinang sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
  • 26.
    2. Bakit kailangang gumamitng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
  • 27.
    3. Ano-ano angmga bahagi ng replektibong sanaysay na ating tinalakay? Talakayin ang nilalaman ng bawat bahagi.
  • 28.
    4. Sa anongaspeto ng buhay mo mapapahalagahan ang pagsulat ng replektibong sanaysay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
  • 29.
    Gawain: Magsulat ngreplektibong sanaysay patungkol sa iyong di- malilimutang karanasan noong taong 2023 at kung ano-anong mahahalagang aral ang hatid ng mga karanasang ito sa iyo. Tiyakin na ang sanaysay ay binubuo ng panimula, katawan, at kongklusyon. Lagyan ito ng isang natatanging pamagat.