Ang Renaissance ay isang panahon ng 'muling pagsilang' ng kulturang klasikal sa Europa noong ika-14 siglo, na nagdala ng pag-unlad sa sining, pilosopiya, at edukasyon. Nagsimula ito sa Italy na pinamumunuan ng makapangyarihang pamilya tulad ng Medici, at nagtaguyod ng humanismo na nagbibigay-diin sa abilidad at kakayahan ng tao. Ang mga kilalang personalidad ng panahong ito ay sina Lorenzo Medici, Francesco Petrarch, Leonardo da Vinci, at William Shakespeare, na nag-ambag sa pagbuo ng mga bagong ideya at sining na patuloy na humuhubog sa mundo.