Ang Continental Drift Theory, na ipinanukala ni Alfred Wegener, ay nagsasaad na ang mga kontinente ay dati-dati ay magkakasama bilang isang malaking pulo na nahati sa pitong kontinente. Ang mga ebidensya tulad ng 'puzzle-like fit' ng mga kontinente at ang pagkakatuklas ng parehong mga fossils sa iba't ibang kontinente ay sumusuporta sa teoryang ito. Ang teorya ay konektado sa Theory of Plate Tectonics, na nagpapaliwanag na ang paggalaw ng mga tectonic plates ang sanhi ng paghahati-hati ng mga kontinente.