Ang Renaissance ay isang kilusang kultural na naglalayong ibalik ang kagandahan ng sinaunang Greek at Roman na sibilisasyon sa pamamagitan ng pag-aaral sa kanilang panitikan at kultura. Ang Italy ay naging sentro ng Renaissance dahil sa magandang lokasyon nito at mga maharlikang angkan na sumusuporta sa sining at edukasyon. Sa panahong ito, maraming mga mahahalagang akda sa panitikan, sining, at agham ang isinulat at nalikha, na nag-ambag sa pag-unlad ng sibilisasyon.