SlideShare a Scribd company logo
1 of 29
Mga Batayang
Kasanayan
sa Pananaliksik
Maglista ng limang pinakamahahalagang bunga ng
pananaliksik sa buong mundo sa nakaraang
taon
Kahulugan ng Pananaliksik
• Nakasalalay ang pagsulong ng karunungan sa
pananaliksik. Ayon kina Leong at Austin (2006),
nagkakaroon ng akumulasyon ng karunungan dahil sa
paulit-ulit na pag-aaral. Ang mga kahinaan ng bawat pag-
aaral ay naitutuwid dahil sa mga sumunod na pag-aaral
• Isinasagawa ang pananaliksik upang pinuhin o tanggihan
ang mga teoryang matagal nang umiiral o upang
luminang ng mga bagong teorya
• Gayunman, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at mga
bagong pagtuklas sa pagdaan ng panahon, kailangang
balikan ang bisa ng teorya at praktika
Mga Layunin ng Pananaliksik
• Ang pananaliksik ay sistematikong pagsusuri o
pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa.
• Isinasagawa ito upang makatuklas ng bagong
impormasyon at makabuo ng mga bagong kongklusyon.
Mga Layunin ng Pananaliksik
• Nagmula ang pananaliksik sa salitang-ugat na saliksik o
“paghahanap nang puspusan sa isang bagay” (UP
Diksiyonaryong Filipino 2001).
• Ito rin ang kahulugan ng salitang Gitnang Pranses na
recerche na pinagmulan naman ng salitang research
• Sa papel pananaliksik, mahalagang mailahad muna
ang mga tanong pampananaliksik. Ito ang suliraning
sasagutin sa pag-aaral. Mahalagang maliwanag kung
ano ang problematique o problematika
Halimbawang tanong: Dapat bang ipatupad ang social
distancing sa mga pampublikong lugar para sa mga
taong nakatira sa iisang bubong?
• Ang problematika o tanong pampananaliksik ang
pangunahing usapin o pokus na sasagutin ng iyong
proyektong pananaliksik, tesis, o disertasyon (Duignan
2016).
• Ang layon ay tumutukoy sa pahayag o pangungusap
na nagpapakita ng pangunahing pakay o tunguhin ng
isang proyektong pananaliksik. Karaniwang may isang
pangkalahatang tunguhin lamang ang mga
pananaliksik
• Halimbawa ng Layon: Upang maimbestigahan ang
social distancing bilang isa sa mga paraan ng pag-iwas
sa COVID-19
• Samantala, ang mga layunin naman ay mga partikular
na pahayag o pangungusap na nagpapakita ng mga
susing usaping pagtutuunan ng pokus sa isang
proyektong pananaliksik.
• Karaniwang may mahigit sa dalawang tiyak na layunin
ang mga pananaliksik
• Halimbawa ng Layunin: Upang suriin kung dapat
ipatupad ang social distancing sa mga pampublikong
lugar para sa mga taong nakatira sa iisang bubong
• Ayon kina Denicolo at Becker (2012), dapat isipin ang
posibilidad na maisagawa (feasible) ang layon.
Isaalang-alang din ang mga kaalaman at kakayahan ng
mga eksperto.
• Isa pang maaaring hingin ay ang ipotesis (hypothesis)
ng pananaliksik. Kadalasan itong tentatibong
kasagutan sa inilahad na suliranin.
• Nagbibigay ito ng haka o palagay tungkol sa relasyon
ng mga salik sa pananaliksik
• Halimbawa ng Ipotesis: Dahil sa social distancing,
naiiwasan ng mga tao na mahawaan ng COVID-19
• Kakalap ng mga datos at susuriin ang mga ito upang
malaman kung kakatigan ng resulta ang ipotesis o
hindi.
• Sa pagbubuo ng mga tanong pampananaliksik, layon,
layunin, at ipotesis, makatutulong kung babasahin ang
lahat ng mga bagong pag-aaral tungkol sa napiling
paksa.
• Maghanap ng mga kulang o di-sapat na paliwanag sa
mga ito na maaari mong punan o linawin.
Mga Uri at Metodo ng Pananaliksik
•Ayon kay Balacheff (1990), dapat na nakaugnay ang
problématique sa isang partikular na balangkas
teoretikal (theoretical framework
Mga Uri at Metodo ng Pananaliksik
• Kasunod ng pagbubuo ng mga tanong pampananaliksik,
layon, at mga layunin ang pagpili at paggawa ng
balangkas teoretikal.
• Kasama rito ang mga konsepto, modelo, o teoryang
nababagay na gamitin sa pananaliksik. Isa itong
pangkalahatang representasyon ng pagkakaugnay-ugnay
ng mga layunin, datos, metodo, at iba pang bahagi ng
iyong pag-aaral. Ibinabalangkas nito ang direksiyon ng
iyong pananaliksik.
Pinatitibay ng balangkas teoretikal ang
iyong pananaliksik sa mga sumusunod na
paraan:
• Maitutulak ka nitong sagutin ang mga tanong na “bakit” at
“paano.”
• Masusuri ng mga mámbabasá ang iyong mga pahayag at
palagay.
• Matutukoy mo ang mga limitasyon ng iyong pananaliksik.
• Gamit ang teoryang may kaugnayan sa iyong paksa, magagamit
mo ang kaukulang metodo ng pananaliksik.
• Ilan sa mga halimbawa ng metodo ng pananaliksik ang
pagpapasagot ng sarbey o talatanungan, pagsasagawa ng
interbiyu, pagsubaybay sa isang grupo o komunidad,
pagsusuri ng mga kahulugan ng mga salita,
eksperimentasyon, at iba pa.
• Samantala, ang balangkas konseptwal (conceptual
framework) ay pagtalakay sa mga teorya, konsepto, at
resulta mula sa iba’t ibang pag-aaral. Pinag-uugnay-ugnay
ang mga ito sa isa’t isa at sa gagawing pananaliksik.
• Sa paglalatag ng balangkas teoretikal at balangkas
konseptwal, matutukoy ang uri ng pananaliksik. Ilan sa
mga kadalasang isinasagawa ay ang mga sumusunod:
• Layunin ng deskriptibong pananaliksik na ilahad ang mga
katangian ng isang partikular na indibidwal, sitwasyon, o
grupo (Kothari 2004). Walang kontrol ang mananaliksik sa
mga katangian, salik, at iba pa. Maiuulat lamang niya ang
nangyari at nangyayari.
• Samantala, sa analitikal na pananaliksik, ang mananaliksik ay
kailangang gumamit ng mga datos na mayroon na, at suriin
ang mga ito upang magkaroon ng kritikal na ebalwasyon ng
materyal.
1. Deskriptibo vs. Analitikal
• Tinatawag ding action research ang aplikadong (applied)
pananaliksik. Layon nitong makahanap ng solusyon para
sa kagyat na problemang kinahaharap ng isang lipunan o
organisasyon.
• Samantala, tinatawag na basic research ang
pundamental na pananaliksik. Layon naman nitong
makakalap ng mga idea sa pangkalahatan at makabuo ng
mga teorya
2. Aplikado vs. Pundamental
• Nakabatay ang kuwantitatibong pananaliksik sa pagsukat
sa kantidad o dami. Humihingi ito na banggitin ang
ipotesis ng pananaliksik. Samantala, ang kuwalitatibong
pananaliksik ay kaugnay ng mga kalidad o uri.
3. Kuwantitatibo vs Kuwalitatibo
• Bilang respeto sa kapuwa-mananaliksik at sa mga
simulain ng pananaliksik, kailangan mong isaisip at
isapuso ang pagsunod sa etika ng pananaliksik.
• Ayon sa Cambridge Dictionary, ang etika ay isang sistema
ng mga tinanggap na pamantayan ng dapat iasal, batay
sa kung ano ang maituturing na tama at mal
Etika sa Pananaliksik
Pansinin ang mga katangiang dapat
taglayin ng isang mananaliksik:
• Dapat protektahan ang privacy ng mga kalahok at
confidentiality ng pananaliksik.
• Dapat hingin ang pahintulot ng mga taong lalahok sa
pananaliksik.
• Hindi dapat linlangin ang mga kalahok tungkol sa
totoong katangian ng pananaliksik.
• Dapat tratuhin nang patas, makatwiran, at may
paggalang ang mga kalahok sa pananaliksik
Ayon kay Higton (2016), kabilang sa mga prinsipyo
ng etika sa pananaliksik ang mga sumusunod:
• Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang karapatang-ari
ay ang eksklusibong legal na karapatan na paramihin ang
kopya, ilathala, ipagbili, o ipamahagi ang mga materyal,
gaya ng akda, musika, at iba pa.
• Gaya ng sa ibang mga bansa, may umiiral na batas sa
Pilipinas na nagpoprotekta sa intellectual property ng
mga manlilikha.
A. Karapatang-Ari (Copyright)
• Bilang respeto sa kapuwa-mananaliksik at sa mga
simulain ng pananaliksik, kailangan mong isaisip at
isapuso ang pagsunod sa etika ng pananaliksik.
• Ayon sa Cambridge Dictionary, ang etika ay isang sistema
ng mga tinanggap na pamantayan ng dapat iasal, batay
sa kung ano ang maituturing na tama at mal
B. Plahiyo (Plagiarism)
May tanong pa?
• Humanap ng kapareha. Magsaliksik kayo tungkol sa
batas sa karapatang-ari sa ating bansa. Gumawa ng
infographic na makatutulong sa mga netizen na unawain
ang patakarang ito. Ang pokus ay sa praktika ng mga
mananaliksik. Gumamit ng Canva, Piktochart, o iba pang
application. Ipadala ang natapos na infographic sa e-mail
address o Google Drive na ibibigay ng guro
Gawain 1:
• Bakit malaking bagay ang pagbanggit sa pangalan ng
may-akda ng sinipi mo sa pananaliksik?
Repleksiyon:

More Related Content

Similar to Mga-Batayang-Kasanayan-sa-Pananaliksik.pptx

Ang Pananaliksik.pptx
Ang Pananaliksik.pptxAng Pananaliksik.pptx
Ang Pananaliksik.pptxricasandiego2
 
Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11
Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11
Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11Heaven514494
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxRamjenZyrhyllFrac
 
Pagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptx
Pagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptxPagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptx
Pagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptxquenniejanecaballero1
 
Mga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanMga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanElain Cruz
 
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docxHASDINABKARIANEBRAHI
 
Aralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptx
Aralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptxAralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptx
Aralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptxMakiBalisi
 
Kahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikKahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikJohn Lester
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksikAllan Ortiz
 
Filipino 130318055021-phpapp02 (1)
Filipino 130318055021-phpapp02 (1)Filipino 130318055021-phpapp02 (1)
Filipino 130318055021-phpapp02 (1)Ronnie Reintegrado
 
Pagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptx
Pagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptxPagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptx
Pagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptxLlemorSoledSeyer1
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Allan Ortiz
 
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptxDisenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptxIanCeasareTanagon
 

Similar to Mga-Batayang-Kasanayan-sa-Pananaliksik.pptx (20)

Ang Pananaliksik.pptx
Ang Pananaliksik.pptxAng Pananaliksik.pptx
Ang Pananaliksik.pptx
 
Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11
Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11
Ayra Filipino PowerPoint presentation for Grade 11
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
 
day 3 (1) (1).pptx
day 3 (1) (1).pptxday 3 (1) (1).pptx
day 3 (1) (1).pptx
 
Pagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptx
Pagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptxPagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptx
Pagbasa at Pananaliksik ARALIN1- PAPEL PANANALIKSIK.pptx
 
LESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.pptLESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.ppt
 
Mga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanMga batayang kaalaman
Mga batayang kaalaman
 
Pananaliksik2
Pananaliksik2Pananaliksik2
Pananaliksik2
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
 
Aralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptx
Aralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptxAralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptx
Aralin 1- Pagpili ng Paksa [Autosaved].pptx
 
Kahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikKahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng Pnanaliksik
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksik
 
PANANALIKSIK.pdf
PANANALIKSIK.pdfPANANALIKSIK.pdf
PANANALIKSIK.pdf
 
Filipino 130318055021-phpapp02 (1)
Filipino 130318055021-phpapp02 (1)Filipino 130318055021-phpapp02 (1)
Filipino 130318055021-phpapp02 (1)
 
Pagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptx
Pagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptxPagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptx
Pagsusuri ng Ilang HalimbawangPananaliksiksa Filipino [Autosaved].pptx
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptxDisenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik.pptx
 

Mga-Batayang-Kasanayan-sa-Pananaliksik.pptx

  • 2. Maglista ng limang pinakamahahalagang bunga ng pananaliksik sa buong mundo sa nakaraang taon
  • 3. Kahulugan ng Pananaliksik • Nakasalalay ang pagsulong ng karunungan sa pananaliksik. Ayon kina Leong at Austin (2006), nagkakaroon ng akumulasyon ng karunungan dahil sa paulit-ulit na pag-aaral. Ang mga kahinaan ng bawat pag- aaral ay naitutuwid dahil sa mga sumunod na pag-aaral • Isinasagawa ang pananaliksik upang pinuhin o tanggihan ang mga teoryang matagal nang umiiral o upang luminang ng mga bagong teorya
  • 4. • Gayunman, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at mga bagong pagtuklas sa pagdaan ng panahon, kailangang balikan ang bisa ng teorya at praktika
  • 5. Mga Layunin ng Pananaliksik • Ang pananaliksik ay sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa. • Isinasagawa ito upang makatuklas ng bagong impormasyon at makabuo ng mga bagong kongklusyon.
  • 6. Mga Layunin ng Pananaliksik • Nagmula ang pananaliksik sa salitang-ugat na saliksik o “paghahanap nang puspusan sa isang bagay” (UP Diksiyonaryong Filipino 2001). • Ito rin ang kahulugan ng salitang Gitnang Pranses na recerche na pinagmulan naman ng salitang research
  • 7. • Sa papel pananaliksik, mahalagang mailahad muna ang mga tanong pampananaliksik. Ito ang suliraning sasagutin sa pag-aaral. Mahalagang maliwanag kung ano ang problematique o problematika Halimbawang tanong: Dapat bang ipatupad ang social distancing sa mga pampublikong lugar para sa mga taong nakatira sa iisang bubong?
  • 8. • Ang problematika o tanong pampananaliksik ang pangunahing usapin o pokus na sasagutin ng iyong proyektong pananaliksik, tesis, o disertasyon (Duignan 2016).
  • 9. • Ang layon ay tumutukoy sa pahayag o pangungusap na nagpapakita ng pangunahing pakay o tunguhin ng isang proyektong pananaliksik. Karaniwang may isang pangkalahatang tunguhin lamang ang mga pananaliksik • Halimbawa ng Layon: Upang maimbestigahan ang social distancing bilang isa sa mga paraan ng pag-iwas sa COVID-19
  • 10. • Samantala, ang mga layunin naman ay mga partikular na pahayag o pangungusap na nagpapakita ng mga susing usaping pagtutuunan ng pokus sa isang proyektong pananaliksik. • Karaniwang may mahigit sa dalawang tiyak na layunin ang mga pananaliksik • Halimbawa ng Layunin: Upang suriin kung dapat ipatupad ang social distancing sa mga pampublikong lugar para sa mga taong nakatira sa iisang bubong
  • 11. • Ayon kina Denicolo at Becker (2012), dapat isipin ang posibilidad na maisagawa (feasible) ang layon. Isaalang-alang din ang mga kaalaman at kakayahan ng mga eksperto.
  • 12. • Isa pang maaaring hingin ay ang ipotesis (hypothesis) ng pananaliksik. Kadalasan itong tentatibong kasagutan sa inilahad na suliranin. • Nagbibigay ito ng haka o palagay tungkol sa relasyon ng mga salik sa pananaliksik • Halimbawa ng Ipotesis: Dahil sa social distancing, naiiwasan ng mga tao na mahawaan ng COVID-19
  • 13. • Kakalap ng mga datos at susuriin ang mga ito upang malaman kung kakatigan ng resulta ang ipotesis o hindi. • Sa pagbubuo ng mga tanong pampananaliksik, layon, layunin, at ipotesis, makatutulong kung babasahin ang lahat ng mga bagong pag-aaral tungkol sa napiling paksa. • Maghanap ng mga kulang o di-sapat na paliwanag sa mga ito na maaari mong punan o linawin.
  • 14. Mga Uri at Metodo ng Pananaliksik •Ayon kay Balacheff (1990), dapat na nakaugnay ang problématique sa isang partikular na balangkas teoretikal (theoretical framework
  • 15. Mga Uri at Metodo ng Pananaliksik • Kasunod ng pagbubuo ng mga tanong pampananaliksik, layon, at mga layunin ang pagpili at paggawa ng balangkas teoretikal. • Kasama rito ang mga konsepto, modelo, o teoryang nababagay na gamitin sa pananaliksik. Isa itong pangkalahatang representasyon ng pagkakaugnay-ugnay ng mga layunin, datos, metodo, at iba pang bahagi ng iyong pag-aaral. Ibinabalangkas nito ang direksiyon ng iyong pananaliksik.
  • 16. Pinatitibay ng balangkas teoretikal ang iyong pananaliksik sa mga sumusunod na paraan: • Maitutulak ka nitong sagutin ang mga tanong na “bakit” at “paano.” • Masusuri ng mga mámbabasá ang iyong mga pahayag at palagay. • Matutukoy mo ang mga limitasyon ng iyong pananaliksik. • Gamit ang teoryang may kaugnayan sa iyong paksa, magagamit mo ang kaukulang metodo ng pananaliksik.
  • 17. • Ilan sa mga halimbawa ng metodo ng pananaliksik ang pagpapasagot ng sarbey o talatanungan, pagsasagawa ng interbiyu, pagsubaybay sa isang grupo o komunidad, pagsusuri ng mga kahulugan ng mga salita, eksperimentasyon, at iba pa. • Samantala, ang balangkas konseptwal (conceptual framework) ay pagtalakay sa mga teorya, konsepto, at resulta mula sa iba’t ibang pag-aaral. Pinag-uugnay-ugnay ang mga ito sa isa’t isa at sa gagawing pananaliksik.
  • 18. • Sa paglalatag ng balangkas teoretikal at balangkas konseptwal, matutukoy ang uri ng pananaliksik. Ilan sa mga kadalasang isinasagawa ay ang mga sumusunod:
  • 19. • Layunin ng deskriptibong pananaliksik na ilahad ang mga katangian ng isang partikular na indibidwal, sitwasyon, o grupo (Kothari 2004). Walang kontrol ang mananaliksik sa mga katangian, salik, at iba pa. Maiuulat lamang niya ang nangyari at nangyayari. • Samantala, sa analitikal na pananaliksik, ang mananaliksik ay kailangang gumamit ng mga datos na mayroon na, at suriin ang mga ito upang magkaroon ng kritikal na ebalwasyon ng materyal. 1. Deskriptibo vs. Analitikal
  • 20. • Tinatawag ding action research ang aplikadong (applied) pananaliksik. Layon nitong makahanap ng solusyon para sa kagyat na problemang kinahaharap ng isang lipunan o organisasyon. • Samantala, tinatawag na basic research ang pundamental na pananaliksik. Layon naman nitong makakalap ng mga idea sa pangkalahatan at makabuo ng mga teorya 2. Aplikado vs. Pundamental
  • 21. • Nakabatay ang kuwantitatibong pananaliksik sa pagsukat sa kantidad o dami. Humihingi ito na banggitin ang ipotesis ng pananaliksik. Samantala, ang kuwalitatibong pananaliksik ay kaugnay ng mga kalidad o uri. 3. Kuwantitatibo vs Kuwalitatibo
  • 22. • Bilang respeto sa kapuwa-mananaliksik at sa mga simulain ng pananaliksik, kailangan mong isaisip at isapuso ang pagsunod sa etika ng pananaliksik. • Ayon sa Cambridge Dictionary, ang etika ay isang sistema ng mga tinanggap na pamantayan ng dapat iasal, batay sa kung ano ang maituturing na tama at mal Etika sa Pananaliksik
  • 23. Pansinin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik:
  • 24. • Dapat protektahan ang privacy ng mga kalahok at confidentiality ng pananaliksik. • Dapat hingin ang pahintulot ng mga taong lalahok sa pananaliksik. • Hindi dapat linlangin ang mga kalahok tungkol sa totoong katangian ng pananaliksik. • Dapat tratuhin nang patas, makatwiran, at may paggalang ang mga kalahok sa pananaliksik Ayon kay Higton (2016), kabilang sa mga prinsipyo ng etika sa pananaliksik ang mga sumusunod:
  • 25. • Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang karapatang-ari ay ang eksklusibong legal na karapatan na paramihin ang kopya, ilathala, ipagbili, o ipamahagi ang mga materyal, gaya ng akda, musika, at iba pa. • Gaya ng sa ibang mga bansa, may umiiral na batas sa Pilipinas na nagpoprotekta sa intellectual property ng mga manlilikha. A. Karapatang-Ari (Copyright)
  • 26. • Bilang respeto sa kapuwa-mananaliksik at sa mga simulain ng pananaliksik, kailangan mong isaisip at isapuso ang pagsunod sa etika ng pananaliksik. • Ayon sa Cambridge Dictionary, ang etika ay isang sistema ng mga tinanggap na pamantayan ng dapat iasal, batay sa kung ano ang maituturing na tama at mal B. Plahiyo (Plagiarism)
  • 28. • Humanap ng kapareha. Magsaliksik kayo tungkol sa batas sa karapatang-ari sa ating bansa. Gumawa ng infographic na makatutulong sa mga netizen na unawain ang patakarang ito. Ang pokus ay sa praktika ng mga mananaliksik. Gumamit ng Canva, Piktochart, o iba pang application. Ipadala ang natapos na infographic sa e-mail address o Google Drive na ibibigay ng guro Gawain 1:
  • 29. • Bakit malaking bagay ang pagbanggit sa pangalan ng may-akda ng sinipi mo sa pananaliksik? Repleksiyon: