Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
It refers to literary works that aim to express, provide insight, and critique different aspects of society, such as its culture, politics, and economy. These literary works often reflect the social issues and concerns of the time when they were written, as well as the perspectives and experiences of the writers and their communities. Through literature, readers can gain a deeper understanding of the complexities and nuances of society, and the ways in which individuals and groups navigate and negotiate their roles within it.
Ang pag aaral na ito ay patungkol sa Wika. Matatalakay din dito ang mga uro ng wika. Ang wika ay may apat na uri. Ito ay ang; Balbal, Panlalawigan o Lalawiganin, Pambansa at Lingua Franca o Panitikan.
ARALIN 1: Kaligirang Kasaysayan ng Panitikan
-Sa paksang ito nakapaloob ang maikling paliwanag hinggil sa kung ano ang kahulugan ng panitikan at bakit napakahalaga ang panitikan sa bawat tao lalo na ang panitikan ng mga Pilipino.
Ang kursong FLT 717 na Panitikan sa Edukasyon ng Pilipinas o Philippine Educational Literature ay tatlong yunit na kurso na nagbibigay kaalaman sa mga estudyante sa mga araling sumasaklaw sa panitikan. Binibigyang diin din ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan na nakasulat sa iba’t ibang yugto ng panahon. Ang pagpapahalaga sa nasabing gawain ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbabahagi sa klase ng mga nilalaman ng bawat akda. Ang mga kaalaman at kakayahang matatamo sa pagbabahagi ay maaaring magamit sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan sa Pilipinas.
Similar to FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx (20)
2. Magbigay ng mga salitang unang pumasok
sa inyong isipan..
3. ICCT Colleges, December 2016
BSED – Dalubhasa sa asignaturang
Filipino
Licensure Examination for Teachers
Passer – Sept. 2017
Events Management NCIII Holder
Antipolo Lady of Lourdes School
2018-2021
Bb. Joan C. Lara
4. The leading University
in human resource
development, knowledge and
technology generation and
environmental stewardship.
5. The University of Rizal System
is committed to nurture and
produce upright and competent
graduates and empowered
community through relevant and
sustainable higher professional and
technical instruction, research,
extension and production services.
6. Regular na pagpasok sa klase sa takdang oras.
Aktibong paglahok sa talakayan
Pag-uulat sa klase ng mga paksang aralin
Pagkuha at pagpasa ng mga pagsusulit batay sa itinakdang araw at oras.
Pagpapanatili ng kalinisan ng paligid ng paaralan
Sikaping magsumiti ng dropping form sa takdang panahon kung nais tumigil sa
pag-aaral
Iwasang lumikha ng gulo sa loob at labas ng silid-aralan
Iwasang gumamit ng cellphone at iba pang gadget sa oras ng klase.
7. Pangkatan/indibidwaI na gawain 20%
Proyekto at mga Gawain 10%
Maikling Pagsusulit 30%
Mahabang Pagsusulit 40%
KABUUAN 100%
8. Sa kursong ito, lilinangin sa mga mag-aaral ang pag-
unawa sa mga panitikan ng Pilipino na sinasaklaw
ng iba’t ibang panahon.
Saklaw nito ang kaligirang-pangkasaysayan sa
paglinang ng mga akdang pampanitikan at mga
halimbawa nito. Bibigyang-pansin din dito ang mga
perspektibo ng mga may-akda ayon sa kani-kanilang
panahon.
9. Natatalakay ang kaligirang pangkasaysayan
ng panitikan sa ibat ibang panahon.
Nakikilala ang mga halimbawa ng akdang
pampanitikan sa bawat panahon
Nakpagtatala ng mga mahalagang
kontribusyon ang mga manunulat sa
Panitikan sa kani-kanilang panahon.
11. Ipaliwanag ang pagkaunawa:
‘’Katulad ito ng isang
walang katapusang
daloy ng tubig’’
12. Sapagkat mabisang lakas ito na
tumutulong sa pag-unlad ng
lipunan sa lahat ng bansa.
Magwawakas lamang ito kung
ang mga nakalimbag na titik ay
maglalaho na sa daigdig…………
13. Sa asignaturang Filipino, isa sa
mga tinatalakay ang tungkol sa
panitikan. Kadalasan, ito ay
itinatalakay sa sekondarya at
kolehiyo sapagkat medyo
komplikado ito at maraming sangay.
14. Ang panitikan ay mga panulat na
nagpapahayag ng mga karanasan,
damdamin, kaisipan, o kwento ng
isang tao. Ito ay maaring batay sa
katotohanan o gawa-gawa lamang
para sa isang layunin.
15. 2 uri ng panitikan ito ay piksyon at di-piksyon
Ang piksyon ay sumasaklaw sa walang katotohanan,
kathang isip, o gawa-gawa lang.
KATHANG-ISIP
Ito ang mga akda na nagmula sa imahinasyon ng
isang manunulat
16. Di-piksyon ay pagpapahayag ng mga tunay at
tiyak na pangyayari sa buhay ng tao.
HINDI KATHANG -ISIP
Ito ang mga sa ulat na ibinatay sa mga pangyayari
sa totoong buhay. Ilan sa mga halimbawa nito ay
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,
sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.
17. Tuluyan o prosa – Ito ay ang pagpapahayag ng
kaisipan na isinusulat sa pamamagitan ng
patalata. Ito ang karaniwan at malayang
pagsasama-sama ng mga salita sa isang
pangungusap. Ang alamat, nobela, kathambuhay,
anekdota, pabula, parabula, maikling kwento,
sanaysay, dula, at kwentong-bayan ay ilan lamang
sa mga halimbawa nito.
C. Ang panitikan ay mayroong
dalawang anyo:
tuluyan o prosa at tula o panulaan.
18. Tula o panulaan ay pagsulat at pagpapahayag sa
pamamagitan ng pasaknong. Ilan sa mga halimbawa
nito ay awit at korido, epiko, balad, sawikain,
salawikain, bugtong, tanaga, at iba pa.
19. Mga tulang pasalaysay – pinapaksa nito ang mahahalagang mga
tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng
tauhan.
Awit at Korido – Ang awitin ay musika na magandang pakinggan.
Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig.
Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng
bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang
tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga
intrumentong pang-musika. Kadalasang nasa anyong tula at
tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga
relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang
liriko.
20. Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino,
isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya
ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong
pantig bawat linya at may apat na linya sa isang
stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan
ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
21. Epiko– uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng
kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa
huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o
bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang
pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa
bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.
22. Balad – Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.
Sawikain – Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:1. idioma, isang
pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo
ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
· Salawikain – Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o
sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan
at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Bugtong – Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang
pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o
enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga
suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika
na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay
para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong
na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
23. Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali,
kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid
ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong
naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na
matatagpuan sa iba’t ibang panig ng lugar sa bansa.
Tanaga– Ang tanaga ay isang maikling katutubong
Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa
mga kabataan.May estrukturang itong apat (4) na taludtod
at pitong (7) pantig kada taludtod.
24. Sinasabing ang impluwensiya ng panitikan ay may dalawang
kalagayan:
•1. Nagpapaliwanag sa kahulugan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng panitikan.
2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdig ay
nagkakalapit ang mga damdamin at kaisipan
nagkakaunawaan at nagkakatulungan.
25. Ilan sa mga akdang pampanitikang nagdala ng impluwensiya sa
daigdig ay:
1. Banal na kasulatan o Bibliya
• Naging batayan ng pananampalatayang kristiyano sa buong
daigdig.
• Ito ay nagsasaad ng pananampalataya sa Diyos, ang mga
kautusan, paglikha sa buong
•sanlibutan at buhay ni Abraham.
26. 2. Koran
• Mula sa Arabia na siyang bibliya ng mga Muslim.
• Itinuturing din itong pinakamarikit na piraso ng panitikan sa wikang Arabe.
•Nahahati ito sa 114 na kabanata , tinatawag ang bawat is na Surah ,
•at pinaniniwalan sinulat ni Muhamamad sa loob ng 23 taon mula
•noong 610 at hanggang mamatay siya noong 632.
27. 3. Iliad at Odyssey
• Isinulat ni Homer ng Gresya.
•Ito ay naglalaman ng mga mitolohiya at mga alamat.
• Isang mahabang paglilibot at nakamamanghang paglalakbay.
28. 4. Maha bharata
• Mula sa Indiya na syang kasaysayan ng kanilang pananampalataya.
• Ipinalalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
• Ay isang sinaunang tula ng Sanskrit na nagsasalaysay tungkol sa kaharian ng
kurus.
• Ito ay batay sa isang taong digmaan na naganap noong ika 13 o ika 14 na siglo
BC
• sa pagitan ng
• tribong kuru at Pachala na sub benepisyo ng India.
Itinuturing na parehong kasysayan ng pagsilang ng Hinduismo at isang code ng
etika para sa mga tapat
29. 5. Divina Comedia
• Isinulat ni Dante ng Italya. Ito ay nagpapahayag ng moralidad,
•pananampalataya at
•pag-uugali ng mga Italyano ng panahong iyon.
• Isang pinakadakilang akda sa literaturang pandaigdig.
•Sa kalakihan ng impluwensiya nito
naapektuhan nito hanggang sa kasalukuyan ang
krisyanong pananaw ukol sa kabilang buhay
30. 6. ISANG LIBO’T ISANG GABI
• Isang akdang nagmula sa Arabya at Persya naglalarawan ito ng
• pamahalaan,
•kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
31. KONKLUSYON
Malaking impluwensiya ang mga akdang ito upang
matukoy na isa o ilang tanging aklat na naghatid ng
kabisnan ng tao. Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat
dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay
ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang
mga taong nakapaligid, mga paniiwala,
pananampalataya, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap.
32. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at
mapagtanto natin ang angking talino ng ating
pinanggalingang lahi
Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat natin mabatid na
tayo ay may dakila at marangal na tradisyon na siya
nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang
kulturang nakarating sa ating bansa
Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa
pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito ay
matuwid at maayos