Novelty Song Ang novelty song ay isang awitin na may layong maging parodiko. Ang ugat ng parodiko ay parodiya. Ang parodiya ay isang uri ng eksaheradong panggagaya. Ginagawa ito upang makapagpatawa at makapagbigay ng komentaryo. Ito ay maaari ding Ang mga novelty song ay bunga ng partikular ng panahon. Ibig sabihin, nalilikha sila bilang mga tugon sa kung ano ang dominanteng isyu o kalakaran sa isang panahon. Ang ginagaya nito ay ang kumbensiyonal na awiting popular (pop song). Ang istruktura ng isang kumbensiyonal na awiting popular ay berso-koro-berso. na parang tula. Ang ibig sabihin kasi ng salitang ito sa Ingles ay “bago at kakaiba.” Pero maaari rin itong maging patungkol sa mga bagay na “mumurahin at madaling idispatsa.” Madaling idispatsa dahil mayroon lamang silbi sa isang partikular na panahon, (hal. mga bagay na isinasabit sa bintana tuwing Pasko, mga banderitas tuwing pista).Maraming novelty song na sumisikat dahil sa kanilang taglay na novelty: bago sila sa pandinig, at kakaiba ang tunog, tono, liriko. Popularidad ng Novelty Song 1.Bahagi ng buhay ng mga ninuno natin ang mga awitin. Mahilig talagang kumanta ang mga sinaunang Tagalog. Bago pa dumating ang mga Kastila, mayroon na tayong iba’t ibang awitin para sa iba’t ibang gawain at okasyon. Batay sa listahan ng mga awitin sa Vocabulario dela Lengua Tagala, mayroong labing-anim (16) na halimbawa: ang diona, talindao, at auit ay kinakanta sa loob ng bahay; ang indolanin at dolayanin ay kinakanta sa kalye; ang hila, soliranin, manigpasin, at balicongcong ay kinakanta habang namamangka; ang holohorlo at oyayi ay kinakanta para magpatulog ng bata; ang ombayi ay isang malungkot na awitin; ang omiguing ay puno ng matimyas na damdamin; ang tagumpay ay kinakanta upang magdiwang ng pagwawagi; at ang hiliriao ay kinakanta tuwing mayroong inuman. (Lumbera 1987) 2.Ang isa sa mga unang “bestseller” o tekstong popular sa Pilipinas ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas (Jurilla 2008). Ang anyo nito ay awit, at siyempre pa, napakadali nitong lapatan ng tono at musika. Maaari din itong ituring na tagapanguna ng “novelty” song dahil bago ito at kakaiba--may mga tauhang Muslim na hindi kontrabida.