Talasalitaan: Ang mga bilanggo ay nakagapos ang kamay,leeg at paa. Walang ibang magawa ang mga bilanggo kundi ang magkubli sa dilim. Matarik at bako-bakong daan ang kinalalagyan ng mga bilanggo. Ang mga mata ng mga bilanggo ay mahirati na sa kadiliman noon pa man. Dapat ipagpunyagi ang mga bagong karunungan. 6. Kahabag-habag an mga taon walang alam sa kung ano ang katotohanan. 7. Ang mga taong dumadaan sa pagnilay-nilay ay nagkakaroon ng mga bagong karunungan. 8. Ang pag-aatubili ay hindi maiiwasan lalong lalo na kung ito ay bago sa paningin. Hindi ba nila natiyak na baka guniguni lamang ang mga dumaraan. Tanging alingawngaw lamang ng mga taong dumaraan ang naririnig ng mga bilanggo. Naniniwala ka ba na ang pagpapahayag ng pananaw ukol sa isang bagay ay isa sa mga Gawain ng isang tao sa pang-araw-araw na buhay? Patunayan. Bakit mahalaga ang mga pang-ugnay sa paglalahad ng pananaw sa pang-araw-araw sa pakikipagkomunikasyon? Masasabi mo bang mabisa ang pagpapahayag ng ano mang kaisipan kung ginagamit ng mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw? Pangatwiran